You are on page 1of 5

Filipino

Ang mga Aralin:


Aralin 1: Pag-aalay
Aralin 2: Ang mga anak
Aralin 3: Ang panaginip ng Hari
Aralin 4: Ang paglalakbay ni Don Pedro
Aralin 5: Ang paglalakbay ni Don Diego
Aralin 6: Ang paglalakbay ni Don Juan
Aralin 7; Ang payo ng Ermitanyo
Aralin 8: Sa bundok ng Tabor
Aralin 9: Ang pagtataksil kay Don Juan
Aralin 10: Hinagpis ni Don Juan
Aralin 11: Sagot sa panalangin
Aralin 12: Ang pag awit ng Ibong Adarna
Aralin 13: Pagtitiwala: Daan ng pagkapahamak
Aralin 14: Sa bundok ng Armenya
Aralin 15: Si Donya Juana at ang Higante
Aralin 16: Si Prinsesa Leonora
Aralin 17: Si Don Juan at ang Serpiyente
Aralin 18: Ikalawang panaginip ng Hari
Aralin 19: Ang mahiwagang Lobo
Aralin 20: Pagdadalamhati ni Leonora
Aralin 21: Talimhaga ng aba?
Aralin 22: Ang himutok ni Don Pedro
Aralin 23: Ang paghahanap sa Reyno De los Cristal
Aralin 24: Pagsapit sa Reyno De los Cristal
Aralin 25: Si Donya Maria ng Reyno De los Cristal
Aralin 26: Unang utos ni Haring Salermo
Aralin 27: Ikalawang utos: Ang prasko
Aralin 28: Ikatlong utos: Pag usod ng bundok
Aralin 29: Ikaapat na utos: Tanggulang kahanga-hanga
Aralin 30: Mga huling kahilingan
Aralin 31: Kapangyarihan laban sa kapangyarihan
Aralin 32: Sumpa ni Haring Salermo
Aralin 33: Ang Kahilingan ng Prinsesa
Aralin 34: Ang pagsalubong kay Don Juan
Aralin 35: Ang pagdating ni Donya Maria
Aralin 36: Sa kabayo ang latay
Aralin 37: Huling baraha
Aralin 38: Ang hinakdal ni Leonora
Aralin 39: Ang hatol ng Arsobispo
Aralin 40: Dalawang kasal
Aralin 41: Ang pagbabalik sa Reyno De los Cristal
Mga Tauhan:

Reyna Valeriana Haring Fernando


Maria Blanca - Donya Maria Don Juan
Donya Juana Don Pedro
Prinsesa Leonora Don Diego
Lobo Haring Salermo
Agila Higante
Arsobispo Serpeyente
Ibong Adarna Manggagamot
Negrito at Negrita

Mga Ermitanyo:

Unang Ermitanyo - Matandang Ketongin


Ikalawang Ermitanyo - Ibong Adarna
Ikatlong Ermitanyo - Binugbog
Ikaapat na Ermitanyo - Cristal (asul)
Ikalimang Ermitanyo - (kahel)
Ikaanim na Ermitanyo – Kayumangi - Ibon

Mga Tagpuan:
Kahariang Berbanya- ito ang kaharian ni Don Fernando.
Bundok ng Tabor/ Armenia- dito makikita ang puno ng Piedras Platas kung
saan matatagpuan ang Ibong Adarna.
Bundok- malapit sa bundok na ito matatagpuan ang isang maliit na bahay ng
ermitanyo na nagbigay kay Don Juan ng kaalaman kung papaano mahuhuli
ang Ibong Adarna.
Balon- sa ibaba nito dito nakita ni Don Juan ang isang napakagandang
ginintuang palasyo
Ika-pitong bundok- dito naglakbay si Don Juan upang hanapin ang isang
ermitanyo na may edad na 500.
Kaharian ng Delos Cristal- kaharian ni Haring Salermo.
Piedras Platas
Mga Talasalitaan:

 Aarok - pagsukat sa lalim ng tubig gamit ang sariling katawan o ibang pansukat.
 Aba - dukha
 Aglahi - pangungutya o pagmamaliit ng isang lahi.
 Alumana - pag-aasikaso.
 Antak - matinding sakit mula sa natamong sugat.
 Armenya - bansa sa timog-kanlurang Asya na napapalibutan ng mga bansang
Turkiya, Georgiya, Turkiya, Georgia, Iran at Azerbaijan.
 Balintuna-isang pahayag na sumasalungat sa umiiral na paniniwala.
 Bawa - bawal; bawas; bawat
 Berbanya - lugar na kathang-isip lamang ng may-akda
 Binabata - tinitiis na pagdurusa.
 Bulaos - ito ang daanan ng mga hayop tungo sa inuman at paliguan nila
 Bumbong - isang sisidlan nakaraniwang gawa sa kawayan.
 Daluhong - isang biglaang paglulusob
 Datay - nakaratay dahil sa sakit
 Dawag - baging na may maliliit, matitinik na bulaklak.
 Dayap - sitrus; halaman namay maasim nabunga
 Dumaratal - dumarating
 Dunong - talino o kaalaman
 Duruan - tusukan; tuhugan
 Garing - pangil ng elepante na matigas at kulay puti
 Gulod - mataas na pook, burol o talampas
 Hapag - mesa na gawa sa kawayan
 Hapo - paghingal dahil sa pagod
 Hibo - sulsol
 Hungkag - walang anumang laman
 Ihugos - ipababa ang isang bagay mula sa kinalalagyan nito gamit ang lubid.
 Ilog Jordan -ilog na nagsisilbing hangganan ng Israel at Jordan. Dumadaloy ito pa-
timog mula Syria.
 Inimbulog - pinalipad pg mataas
 Kagalingan - kagamutan
 Kaniig - taong kinakausap ng matalik
 Kapara - kapareho
 Karbungko - batong matingkad at kulay pula
 Karosa - malaking karwahe
 Katad - pinatuyong balat ng hayop.
 Kawasa - matatag.
 Kinatigan - pinanigan o kinampihan.
 Kinaurali - nakipagsabwatan.
 Kuhila - taong taksil
 Labaha - matalas na kasangkapan na ginagamit bilang pang-ahit ng balbas o buhok.
 Lango - lasing
 Layon - hangad o intensiyon
 Linsad - wala sa wastong pagkakalagay o 'di kaya ay pagkakapuwesto
 Lunas - gamot
 Luhog - pakiusap o pagsamo.
 Lunos - pagkaawa; hindi lumiliyab na kahoy.
 Magkamayaw - magkaroon ng gulo
 Magniig - malapit na kaugnayan ng dalawang tao
 Manunoy -malaman
 Malirip - masisid nang malalim; mapagbulaybulayan.
 Mapugto - maputol; huminto o tumigil
 Mili - sapagkat
 Munsing-munsing - maliliit o mumunli.
 Muog - tanggulan
 Nabahaw - ang paggaling ng sugat
 Naduhagi - nabigo.
 Nagahis - nadaig ng lakas o kapangyarihan
 Nag-inot - dahan-dahan.
 Nagpisan - magkasamang manirahan sa iisang tahanan.
 Nagulantang - nagulat.
 Nakatalos - nakaunawa.
 Nakadatal - dumating
 Napaglining - hindi pa nakakapili/pasya ng desisyon
 Nahapis - nalungkot; naawa sa sarili
 Namitig - napulikat.
 Napaghulo - napag-isipan o nasuri
 Napaglining - napag-isipang mabuti; napagbulaybulayan.
 Napagsapit - nangyari; nalaman
 Naparawal - napawalay
 Natilihan - natigilan.
 Nilalik - bakal o kahoy na ang hubog ay pinakinis.
 Nililimi - sinusuring mabuiti
 Nagnuynoy bulay-bulayin.
 Natambad - nalantad
 Olikornyo - ibong pinangangalagaan ng tao
 Pagkadaop - pagkakalapat ng mga kamay tulad na lamang ng nagdarasal;
pagkasanib
 Pahidwa - tama o pantay
 Pantas - matalinong tao
 Piedras Platas - puno na likhang-isip ng may-akda
 Prasko - isang bote na karaniwan ay kulay berde at nilalagyan ng tubig o alak.
 Renda - istrap na nakakabit sa magkabilang dulo ng bara sa bibig ng kabayo upang
ito'y makontrol.
 Salaghati - sama ng loob.
 Salamisim - alaala.
 Saliwa - magkabaligtad na pares.
 Sampaga - sampaguita.
 Sangkalan - isang blokeng ginagamit na hiwaan.
 Sansalop - sukat na katumbas ng tatlong litro
 Sapala - imposible o hindi maaaring mangyari.
 Sapin-sapin - nagkapatong-patong.
 Simboryo - bubong nahugis kalahating bilog.
 Siphayo - pang-aapi.
 Suson - isang panloob nakasuotan
 Sutla - pine, makintab at malambot na sinulid o sedang gawa mula sa himaymay ng
silkworm.
 Tabor - bundok sa Hilagang Israel malapit sa Nazareth na may 1,929 talampakan
ang taas.
 Tinangisan - pag-iyak dulot ng matinding pagdadalamhati.
 Tinitikis - sinasadya
 Tumalima - sumunod
 Tumok - ang malagong pagtubo ng dame
 Ukilkil - panggigiit
 Umugin - bugbugin
 Uslak - hangal; tanga

You might also like