You are on page 1of 1

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 30 – Si

Juli
Sumiklab ang kalungkutan sa San Diego dahil sa pagkamatay ni Kapitan Tiago
at pagkakapiit kay Basilio. Higit sa lahat, labis na apektado si Juli sa
pangyayari.

Nasa isip ni Juli ang pagpapalaya sa kanyang minamahal. Naisip niyang lapitan
si Padre Camorra, dahil alam niyang may kapangyarihan ang pari na palayain
si Basilio mula sa kulungan.

Dahil sa kaba, hindi mapakali si Juli kung lalapit siya sa pari o hindi. Paglipas
ng ilang araw, nalaman niyang tanging si Basilio na lamang ang natitirang
nakakulong, habang ang iba ay nakalaya na.

Wala si Basiliong tagapagtanggol o kamag-anak, lalo na’t kamakailan lang ay


namatay na si Kapitan Tiago. Balak daw ipatapon si Basilio sa Carolinas.

Bagama’t ayaw ni Juli na lumapit kay Padre Camorra, wala siyang


mapagpipilian kundi humingi ng tulong sa kanya. Pumayag din siya sa
pakiusap ni Hermana Bali, na sa tingin niya ay huling pag-asa ni Basilio.

Sa kasamaang palad, ginahasa ni Padre Camorra si Juli sa gabing iyon.


Kinagabihan, usap-usapan ang pagtalon ni Juli mula sa bintana ng kumbento
na ikinamatay niya.

Dali-daling lumapit si Hermana Bali sa kanya at bumaba sa pinto ng


kumbento. Sa labas, nagwawala si Tandang Selo, ang lolo ni Juli, na hindi
makakaya ang sakit na dulot ng nangyari sa apo niya.

Sa kawalan ng hustisya, naisip na lang ni Tandang Selo na sumama sa mga


tulisan.

You might also like