You are on page 1of 2

NAME:_______________________ DATE:________________

PAGYAMANIN

1889- Sinimulan ni Rizal Ang pagsulat ng El Filibusterismo noong


1887 habang nagsasanay ng medesina sa Calamba.

1889-Noong 1889 namn ay nilisan Niya Ang London at tumungo sa


Paris.Dito namn Niya isinulat Ang mga karagdagang kabanata.Dahil
sa masayang kapaligiran ng Paris na umaagaw sa kanyang atensiyon
sa mga gawaing pampanitikan,iniwan niya ito at tumungo sa
Brussels,ang kabisera ng Belgium.

Agosto 1890- Noong Agosto 1890 naman ay dumating si Rizal sa


Madrid.Dito naman niya tinapos Ang mga karagdagang
kabanata.Dumanas si Rizal ng maraming kabiguan habang nasa
Madrid.Kasama rito ang kawalang -katarungang dinadanas ng
kanyang pamilya sa kababayan sa Calamba gayundin ang
pagpapakasal ni Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si
Henry Kipping.Umalis si Rizal sa Madrid at nagtungo sa Biarritz.

Marso 29,1891-Tinapos niya Ang manuskrito sa Biarritz


Agosto 6,1891-Noong Agosto 6,1891 itinigil ang paglilimbag ng aklat
at kalahati lamang ng aklat Ang natapos.Naulit ang kalbaryo ni Rizal
noong ipinalimbag niya Ang Noli Me Tangere.Naubos ang pondo niya
sa Ghent tulad noong nasa Berlin siya at pinalilimbag Ang Noli Me
Tangere.Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon Ang
manuskrito ng El Filibusterismo sa apoy.Nang malaman ni Valentin
Ventura ang kagipitan ni Rizal,mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si
Rizal ng salapi na may halagang P150 at nangakong magdadagdag
pa upang maituloy ang pagpapalimbag.Nagkakilala sina Valentin
Ventura at Rizal sa Paris nang makituloy sa kanilang tahanan ang
huli.
Ang kanilang pagkakaibigan Ang nagbigay ng pagkakataon na
kaniyang mapakinggan Ang mga ideya ni Rizal.Dahil sa tulong na
ito,naituloy ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo.

Setyembre 18,1891-Nailabas na ang El Filibusterismo sa


imprentahan.Masayang masaya si Rizal noong araw na
iyon.Nagpadala agad siya ng dalawang kopya sa Hongkong:isa Kay
Basa at isa para Kay Sixto Lopez.Ipinadala ni Rizal ang orihinal na
manuskrito at isang kopyang nilagdaan niya sa Paris kay Valentin
Ventura na nagbigay ng kailangang pondo para matapos ang pag-
iimprenta.

You might also like