You are on page 1of 5

FILIPINO 4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
sagutang papel. Pagmasdan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na tanong.

1. Nais ng iyong kamag-aral maglaro sa parke kasama ang kanyang mga kaibigan, anong
direksyon ang dapat niyang puntahan?

A. hilagang kanluran B. hilagang silangan


C. timog kanluran D. timog silangan

2. Mayroon kayong takdang aralin, nais ninyong magsaliksik, saang direksyon kayo dapat
pupunta upang marating ninyo ang aklatan?

A. hilagang kanluran B. hilagang silangan


C. timog kanluran D. timog silangan

Basahin ang patalastas at sagutin ang aytem 3-4.

Meron bang proteksyon laban sa iba’t ibang uri ng sakit? Oo, meron. ALCOHOL !
Napatunayan na ito! Pumapatay ng mga bacteria at viruses na sanhi ng iba’t ibang uri
ng sakit lalo na ngayong pandemya.

3. Anong produkto ang ipinakikilala sa patalastas na ito?


A. alcohol B. damit C. Pagkain D. Tubig

4. Bakit mahalaga ang paggamit ng alcohol lalo na sa panahon ng pandemya?


A. Napatunayan na ito.
B. Madali lang bilhin at gamitin.
C. Mawawala ang kati sa ating balat.
D. Proteksyon ito laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagtatanong tungkol sa dahilan o paliwanag ng kahalagahan ng


patalastas?
A. Sino ang tatangkilik ng produkto?
B. Bakit mahalaga ang isang patalastas?
C. Anong produkto ang ipinapakilala sa napanood na patalastas?
D. Paano mo maipapakita ang pagiging mapanuri sa napanood na patalastas?

6. Kung may isang patalastas tungkol sa pagkain, ano ba ang nais ipahiwatig nito?

A. Pinatatakam tayo nito.


B. Hinihikayat tayo na bumili ng pagkaing iyon.
C. Pinasasabik tayo sa pagkaing tampok sa patalastas.
D. Ang lahat ng pahayag na nabanggit sa a, b at c ay tama.

7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagkukuwento o nagsasalaysay?


A. Bumangon ka na.
B. Wow, napakalaki pala ng bahay ninyo!
C. Paano magluto ng masarap na kalderetang manok?
D. Maagang gumigising sina Aling Marta at Mang Kanor upang mag-ani ng gulay sa
kanilang bukirin.

8. Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang pangungusap na patanong.
_____________ ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?
A. Ano B. Ilan C. Kailan D. Magkano

9. Simple lang naman ang magsaing ng bigas. Kailangan mo lang magtakal ng sapat na sukat ng
bigas na kakasya para sa pamilya. Ilagay ito sa kaldero. Hugasan ng tatlong beses upang maalis
ang mga dumi ng bigas. Maging maingat lamang sa pagtatapon ng tubig upang hindi sumama
ang mga butil ng bigas. Sukatin ang tubig ng bigas at isalang na sa kalan ang kaldero.
Hintayin hanggang maluto. Ano ang paksa ng iyong binasang teksto.
A. Wastong Pagluluto B. Pagluluto ng Pagkain
C. Magluto upang may Makakain D. Hakbang sa Wastong Pagsasaing ng Bigas

10. Sa kasalukuyan, nagpapabago-bago na ang ating panahon. Ang pangyayaring ito ay dulot ng
climate change. Ang climate change, ayon sa Department of Health (DOH) ay ang pagbabago
ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.
Nagdudulot ang climate change ng iba’t ibang sakuna gaya ng heat wave, pagbaha, o tagtuyot.
Malaki ang epekto ng climate change sa ating kalusugan, kabuhayan at kaligtasan. Piliin ang
wastong paksa ng teksto.

A. Pagbabago ng Ating Panahon


B. Climate Change at Epekto Nito
C. Climate Change at Department of Health
D. Epekto ng Climate Change sa ating Kalusugan

11. Oras na ng pagpapahinga kapag sumapit na ang takipsilim. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. hatinggabi B. tanghaling tapat C. paglubog ng araw D. pagsikat ng araw

12. Nagbabakasakali pa rin siyang makita ang kanyang nawawalang wallet. Ibigay ang
kahulugan ng salitang may salungguhit
A. naghahanap B. nanalangin C. sumusubok D. umaasa

13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang wasto ang pagkakasulat?

A. Bakit ka nagsusumikap!
B. Sino ang inspirasyon mo sa pag-abot ng iyong pangarap.
C. Ano ang inspirasyon upang maabot mo ang iyong pangarap,
D. Paano ka naging matagumpay sa iyong napiling propesyon?

14. Sa pagsagot sa mga tanong sa isang panayam, aling uri ng pangungusap ang kadalasan
nating ginagamit?
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

15. Ano ang editorial cartooning?


A. pagkuha ng larawan B. pagsulat ng editoryal
C. pagguhit ng mukha ng tao D. pagguhit, pagdidibuho, pagdo-drawing ng kartun
16.. Anong emosyon ang ipinakita ng mukhang ito sa isang editorial cartoon?

A. galit B. hinagpis C. lungkot D. tuwa

17. Kapag naatasan kang magbigay ng puna sa isang editorial cartoon, ano ang dapat gawin?

A. Hindi pansinin ang ginawang editorial cartoon.


B. Ipabago ang ginawa dahil hindi mo nagustuhan.
C. Sabihin kung anuman ang gustong sabihin sa nakita.
D. Gumamit ng magagalang na pananalita sa pagbibigay ng puna

18. Alin sa sumusunod ang maling pahayagtungkol sa editorial cartoon?

A. Ang editorial cartoon ay tungkol sa isyu noong nakalipas na buwan.


B. Isa ang mata kung saan unang nakikita ang emosyon ng iginuguhit na cartoon.
C. Ang editorial cartoon ay nagpapakita ng emosyon na kayang gawin ng nakasulat na
editoryal.
D. Ang pagwawangis ay ginagamit sa editorial cartooning upang ipakita ang pagkakaiba
ng bawat isa

19. Piliin ang pangungusap na pautos sa mga sumusunod na pangungusap.

A. Aalis ka na ba?
B. Matulog ka nang maaga.
C. Bukas ng umaga ay mamasyal kami sa tabing- dagat.
D. Yehey, ako ang nagwagi ng unang puwesto sa patimpalak!

20. Aling pangungusap ang nagsasaad ng matinding damdamin?

A. Kumain ka na ba?
B. Mamaya ka na maligo.
C. Wow, ang ganda ng bago mong sapatos!
D. Masayang naghahabulan ang mag-aaral ng ikaapat na baitang.

21. Sino ang naghahanda ng katitikan o minutes of the meeting?

A. kalihim B. pangulo C. pinuno D. tagasuri

22. Ano ang binabasa ng kalihim bago sisimulan ang adyenda ng pagpupulong?

A. adyenda B. katitikan C. sulat D. ulat ng pananalapi

23. Aling pahayag ang nagpapakita ng pagsang-ayon tungkol sa isang isyu na pinag-uusapan sa
isang pulong?

A. Di po ako payag na lahat ay bibigyan ng pagkain.


B. Tutol po ako sa sinabi mong lahat ay bibigyan ng pagkain.
C. Sang-ayon po ako na bigyan lamang ang higit na nangangailangan.
D. Hindi rin po ako sang-ayon na kaya ng ating samahan na bigyan ang lahat ng pagkain.

24. Ano ang sasabihin ng mga kasapi upang mapagtibay ang katitikan ng nakaraang pulong?

A. Pagtibayin ang pulong.


B. Pagbotohan ang nakaraang pulong.
C. Basahin ang katitikan ng nakaraang pulong.
D. Iminumungkahi ko po na pagtibayin ang katitikan ng nakaraang pulong.
25. Bakit kailangan ang katitikan sa isang pagpupulong?
A. Ito ay listahan ng mga programa.
B. Ito ay naglalaman ng datos sa pananalapi.
C. Ito ang gabay na babasahin ng pangulo para sa talumpati.
D. Ito ay nagsisilbing tala batay sa adyendang pinag-usapan sa pulong.

26. Aling pangungusap ang nagpapakita ng wastong pagsasabi ng di- pagsang –ayon sa isang
pagpupulong.

A. Eh di wow!
B. Ikaw na lang ang laging tama.
C. Hindi ako makapapayag kahit ano pa ang sabihin mo!
D. Hindi po ako sumasang-ayon, sapagkat hindi pa natin kayang tulungan ang mahigit
sa
100 pamilya.

27. Ito ay isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng mga impormasyon o balita sa


pamamagitan ngpaggamit ng mga waves sa pamamagitan ng paggamit ng radyo.

A. Pagsasadula B. Pakikinig sa Radyo


C. Radio Broadcasting D. Radio Forecasting

28. Ito ay ginagamit upang pasiglahin ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatili sa
pinakikinggang palatuntunan.

A. balita B. introduksyon C. istasyon D. teaser

29. Sa pagsulat ng radio broadcasting, anong mga salita ang dapat gamitin?

A. paliguy-ligoy B. mahirap mantindihan


C. malalim ang kahulugan D. simple at madaling maintindihan

30. Ano ang pangunahing layunin ng radio broadcasting?

A. Paghahayag ng mga itinatagong impormasyon.


B. Para kumita ang pag-aaari ng mga pribadong ahensya.
C. Paghahatid ng impormasyon lamang sa mga gustong makinig.
D. Pagpapalaganap ng impormasyon sa mas nakakaraming makikinig.

31.Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapaalala ng tamang pagsulat para sa isang radio
broadcasting?
A. Gumamit ng mga salitang simple at madaling maintidihan.
B. Lalong makahihikayat sa mga tagapakinig ang pagpapatugtog ng mga awiting ire-
request nila.
C. Umisip ng isang napapanahong paksang tatalakayin sa ere na magiging kawili-wili
salahat ng tagapakinig.
D. Napipili kung sino ang iyong tagapakinig kaya’t di na kailangang maging maingat
sapagpili ng mga salitang gagamitin.

32. Ito ay isang uri ng manuskripto na ginagawa para sa radio broadcasting upang maging
gabay sa pagkakasunod-sunod ng mga programang panradyo. Naglalaman ito ng
mahahalagang impormasyon na nais ipaabot sa mga tagapakinig.

A. dayalogo B. iskrip C. linya D. tula

33. Ano ang HINDI kabilang sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng lagom o buod ng tekstong
script ng teleradyo?
A. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
B. Pag-ugnayin ang mga paksa o ideya.
C. Magbigay ng sariling opinyon sa pagbubuod.
D. Tukuyin ang paksa/tema o key words ng binasang teksto.

34. Ano ang tawag sa pangangatuwiran ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang
paksang pinagkakaisahang talakayin?

A. balita B. debate C. sanaysay D. tula

35. Sino ang tumatayang tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng
debate?
A. hurado B. moderator C. oposisyon D. proposisyon

36. Ano ang tawag sa mga pangkat o indibidwal na magtatalo sa debate?

A. moderator at hurado B. oposisyon at moderator


C. proposisyon at moderator D. oposisyon at proposisyon

37. “Ano ba ang mas mahalaga, edukasyon o kalusugan?” Anong uri ng pangungusap ang paksa
ng debate?

A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

38. Anong uri ng debate na ang bawat kalahok ay dalawang beses tatayo upang magsalita?
A. balagtasan B. debate C. Debateng Cambridge D. Debateng Oxford

39. Ibigay ang pangunahing kaisipan ng sumusunod na balangkas. I.


________________________________________________
A. Paghuhugas ng kamay
B. Pagsusuot ng facemask
C. Pagpapanatili ng pagitan sa kapwa tao
D. Paggamit ng alcohol

A. Mga paraan upang maiwasan ang dengue


B. Mga paraan upang manatiling malusog lagi
C. Mga paraan upang maiwasan ang COVID-19
D. Mga paraan upang maiwasan ang typhoid fever

40. Alin ang hindi kabilang sa dapat gawin sa pag-unawa at pagkuha ng tala sa binasang
teksto?

A. Kilalanin ang mahalagang kaisipan sa binasang teksto.


B. Gawing tuloy-tuloy ang pagbasa ng isang mahabang teksto.
C. Gumamit ng mga gabay na tanong na sasagutan tulad ng 5W’sand 1H.
D. Itala ang mga salitang ginamit sa binasa na hindi mo lubos naunawaan.

You might also like