You are on page 1of 2

Pangarap ng karamihan sa ngayon ang magkakaroon ng matiwasay na lipunan dahil ito

ang makakatulong upang makamtan ang pagkakaisa .

Kung ihalintulad natin ito sa pagkain, magiging masarap lang ito kung ang recipe ay
akma sa klaseng pagkain na lulutuin ganoon din ang matiwasay na lipunan. Masasabi
nating matiwasay ito kung akma din ang mga alituntunin nito. Pero ano nga ba ang
recipe upang magkakaroon ng matiwasay na lipunan?

Mga halimbawang matiwasay na lipunan o kung sa pagkain ng fruit salad ito ay mga
sangkap upang Ito'y sasarap:
1. 5 lata ng kondensadang pagmamahal.

2. 5 lata ng evap na pagtutulungan.

3. Piling ng Saging lakatan sa pakikipag-ugnayan.

4. Buong jar na may tubig ng pag-uunawa.

5. 10 piraso na Apple sa pagiging responsable.

6. Buong Pinya ng mabuting pakikitungo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa matiwasay ay maaaring tingnan ang link


na ito. brainly.ph/question/22438

Ang mga binabanggit na mga sangkap ay napakalaking tulong upang makamit ang
kapayapaan at pagkakaisa ng lipunan. Pero paano nga ba ito gagawin?

Mga dapat gawin ng lipunan o kung sa pagkain ito ay papamaraan upang mabuo ang
recipe:
Ipaghalo 5 lata ng kondensadang pagmamahal, 5 lata ng evap na pagtutulungan.
Hiwain ang Saging lakatan sa pakikipag-ugnayan.
Hiwain ng 10 piraso na Apple sa pagiging responsable.
At hiwain ang buong Pinya ng mabuting pakikitungo.
Pagkatapos haluin ang lahat ng mga sangkap sa fruit salad o para sa magiging
matiwasay na lipunan.
Ang lahat ng mga sangkap na ito magbibigay sarap sa fruit salad at makakatulong
upang mapapanatili ang kahalagahan ng kalusugan, sa ibang diwa naman, ganoon din
sa matiwasay na lipunan makamtan lamang ang kahalagahan nito kung may pagpapahalaga
ang bawat isa at layuning makipag-ugnayan talaga.

Kung kusang susunod ng walang pag-aatubili at magdudulot ng pagkakaisa ay talagang


kailangan sundin. Naisin man natin ang pagkakaisa pero kung di rin lahat ang
susunod nito ay di talaga ito mangyayari.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakaisa ay maaaring tingnan ang link


na ito. brainly.ph/question/105008

Ang mga kaparaanang iyan ay talagang makakabuti kung bawat isa ay susunod. Kung
paanong makakabuti ang fruit salad sa kalusugan ay ganoon din ang kabutihang
maidudulot kung matiwasay ang isang lipunan. Ang tanong na babangon. Madali lang ba
ang pagsunod upang akoy isang bahagi din sa matiwasay na lipunan? Oo.

Mga pwedeng gawin:


1. Maging Positibo.

2. Sanayin ang pagsunod sa mga alituntunin.

3. Ugaliing kumonsulta sa mabuting huwaran.

4. Wag magreklamo kung nalilito bagkos magtanong.

5. Wag mag-atubiling tumulong kung kinakailangan.

Ang mga binabanggit na pwedeng gawin ay maaaring makatulong upang sa gayon ay


suriing mabuti kung ano ang ikakabuti sa para kapakanan lahat.

Maging mahirap ang pagkakaroon ng matiwasay na lipunan kung negatibo ang pag-iisip
dahil iiral talaga ang di mabuting pag-uugali ng isa. Kaya, malaking tulong kung
magmasid sa mga bagay na kayang gawin na hindi nakikipag kompetensya sa iba. Ang
pagsisikap ng bawat isa sa lipunan na sundin ang mga alituntunin ay malaking tulong
tungo sa ikakabuti ng lahat.

You might also like