You are on page 1of 1

Tatang Utih

Manunulat: Tatang Utih Usman Awang


Salin sa Pilipino ni: Lilia Quindoza Santiago

I.
May isa siyang asawang yayakapin hanggang kamatayanLimang anak na
dapat kumain araw-arawIsang lumang dampang nilulukob ng sinaunang
paniniwalaKapiraso ng pagas na lupaing binubungkal.
Banat at lipakin ang balat ng kamay,Nahirati sa pagpapatubo ng pawis,O
Tatang Utih!Kapuri-puring magbubukid.
Dahil sinasalakay pa rin sila’t nililigalig ng malaryaKahit umuusal siya ng
milyong dalanginTinawag ng maybahay ang arbularyo sa nayonUpang
ipanlunas ang mga dalit at bulong.
Muwi ang arbularyong dala-dala’ySalapi’t isang manok na dumalaga.

II.
Sa kabayana’y nagtutungayaw ang mga pinunoTungkol sa halalan at
kalayaan ng bayanTungkol sa di mapipigil na kaunlaran ng estadong
malayaNanganga ko ng gintong tulay ng kasaganaan sa dako pa roon.
Nang ngumiti na ang tagumpayNagsialis ang nakakotseng mga pinunoLiyad
ang mga dibdibAh, ang mga mahal na alipi’y kumakaway.
Saan man may bangkete’t pagpipistaMasasarap ang ihaw na manok na hain
sa kanilaMga manok na nagmulaSa kanayunang pinangakuan ng
kasaganaan.
Nakaluhod pa ri’t naghihintay si Tatang UtihNagtataka: saan papunta ang
pinunong sakay ng limosina?

You might also like