You are on page 1of 1

ISSUE NO.

ANG SALAMIN
MONDAY 15/08/2023 OFFICIAL SCHOOL PAPER OF HALAYHAY ES

NATIONAL LEARNING CAMP, SA


HES MATAGUMPAY NA GINANAP
Matagumpay na isinagawa ang National Learning Camp sa
Mababang Paaralan ng Halayhay noong Hulyo 24 hanggang
Agosto 25, 2023. Ang nasabing programa ay nilahukan ng
labindalawang mag-aaral sa Ikalawang Baitang at
labingpitong mag-aaral naman sa Ikatlong Baitang.
Sa kabila ng pagnanais na makapagpahinga dahil bakasyon
ay nangibabaw pa rin ang pagtugon sa tawag ng serbisyo
ng mga gurong nagturo sa mga bata na sina Gng, Gian
Ronadel A. Pula, Bb. Maricel D. Buelvo, at Bb.Julienne S.
Sidocon, mga guro sa ikalawang baitang. Gng. Analyn C.
Avanceña, Bb. Roselyn T. Pacheco at Bb. Margie D. Perdigon
mga guro sa ikatlong baitang.
Ang bawat mag-aaral ay hinati ayon sa kanilang lebel ng
pagbabasa: Full Refresher (FR), Moderate Refresher (MR) at
Light Refresher (LR). Pare-parehong pumasok ng isa at
kalahating oras (8:00-9:30 ng umaga) ngunit nagkaiba sa
bilang ng linggong kailangang bunuin upang matapos ang
programa. Ang mga full at moderate refreshers ay pumasok
ng limang linggo samantalang, ang mga light refreshers ay
pumasok ng tatlong linggo lamang.

Sa pamamagitan ng mga worksheets at pagpapaliwanag ng guro ay


napaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang pagkilala sa letra at salita.
Dahil naman sa one-on-one pabasa ng guro ay nagabayan ang mga
mag-aaral upang mabasa nang tama ang mga salita, pangungusap,
talata at kwento. Napabilis din ang kapasidad ng mga mag-aaral sa
pagbabasa. Batay sa nakalap na datos sa huling pagtatasa ng mga
guro ay 46% ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang na nasa FR at
MR ay naging mabilis na ang pagbasa ng mga salita mula sa
katamtamang bilis lamang. Samantalang 15% ng mga mag-aaral na
nasa LR ang bumilis din ang pagbasa.

Sa kabila nito, 8% naman ang nangangailangan pa ng


karagdagang Gawain at atensyon upang magkaroon ng pag-unlad.
Sa ikatlong baitang naman, ay 35% ng mga mag-aaral sa FR at MR
ang nagkaroon ng pag-unlad sa pagbasa at 65%na nasa LR ang
handa na sa susunod na baitang.
Hindi naging madali ang proseso ngunit dahil sa determinasyon
ng mga mag-aaral at guro ay natapos ang programa nang may
pagkatuto at pag-unlad ang mga bata.
Ginanap ang “NLC Culminating Activity” noong ika-25 ng Agosto
2023 upang mabigyan ng pagkilala ang mga nakatapos na mag-
aaral at masigasig na mga guro.

You might also like