You are on page 1of 2

Repleksiyon sa sikat na nobelang “Mag-anak na Cruz” ni Liwayway Arceo

Ang Mag-anak na Cruz ay sumasalamin sa tunay na buhay ng isang mag-anak na


Pilipino. Ito ay patungkol sa isang pamilyang namumuhay sa lunsod at kabilang sa gitnang
antas ng lipunan sa makabagong panahon. Ang pamilya ay binubuo nila: Si Remedios “Remy”
Cruz, ang ina, ay isang modista na nagtayo ng kanyang sariling patahian sa kanilang unang
tirahan noon. Una siyang ipinakilala bilang isang maybahay na nakatuon lamang ang oras sa
mga gawaing bahay, ngunit siya pala ay dating guro sa pananahi. Dito ay makikita na nagawa
niyang isakripisyo ang trabaho para sa asawa at pag-aalaga sa anak na sanggol. Si Faustino
“Tinoy” Cruz ang asawa ni Remy na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa pag-aasawa. Isa
siyang ordinaryong empleyado noon, ngunit dala ng hindi pagkakuntento sa mababang
posisiyon sa trabaho at pagpupumilit ni Remy ay muli siyang nag-aral at nakapagtapos bilang
isang CPA o Certified Public Accountant. Isa siyang mabuting ama, asawa, at kaibigan ngunit
minsan ay sinusumpong ng init ng ulo. Handa siyang tumulong at hindi makahindi sa mga
malapit sa kanya, kahit kung minsa’y sa huli ay siya pa ang nadedehado. Si Baby ang
panganay na anak ng mag-asawang Remy at Tinoy. Sa simula ng aklat ay isa pa lamang
siyang sanggol, ngunit nagtatapos ang kwento na mayroon na siyang sariling pamilya. Isa
siyang masunuring anak na babae, ngunit mayroon din siyang sariling pag-iisip at palaging
sinusunod ang anumang matipuhan ng kanyang damdamin. Bilang isang bata, si Baby ay
kuntento sa kanilang paraan ng pamumuhay. Hindi siya ang tipo ng bata na mapaghangad.
Nasa aklat din ang pagdadalaga ni Baby, maging ang una niyang party at unang manliligaw.
Ngunit sa huli ay ibang binata ang nakatuluyan ni Baby. Ipinapakita nito na hindi nakukuha ang
isang matatag na pagsasama sa isang tignin lamang. Siya ay nagtapos sa kolehiyo, at lakas-
loob na nagtungo sa Estados Unidos. Doon ay nag-asawa siya, lingid sa kaalaman ng kanyang
mga magulang. Bumalik din siya sa Pilipinas at dito na itinaguyod ang sarili niyang pamilya.
Bawat pangyayari sa mga nasabing lugar ay mahalagang bumuo sa nobela at bawat isa ay
nagpakita ng katotohanan sa aspetong Pilipino. Ang Suliranin. Ipinapakita sa kwento ang mga
pangkaraniwan at makatotohanang suliranin ng isang mag-anak. Isiniwalat rito ang tunay na
mga pag-iisip at pangyayari sa likod ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino. Ang istorya ay
naglalaman lamang mga pangkaraniwan at simpleng mga suliranin. Bawat kabanata ay
naglalaman ng iba’t abang panandaliang problema na agad namang nabibigyang solusyon.
Kagaya na lamang ng biglaang pagkakalipat ni Tinoy sa mas mababang posisyon sa trabaho
(na kabaligtaran ng inaasahan niyang promotion). Na siyang naging dahilan upang
mapagbuhatan ng kamay nito ang anak na si Baby bunga ng init ng ulo nito. Naging dahilan rin
ito ng panandaliang away mag-asawa. Isa pang halimbawa ay gaya ng pagiging guarantor ni
Tinoy sa utang sa bangko ng kasamahang si Pepe, na nagging sanhi ng pagkakalubog nila sa
utang na hindi naman sila ang may gawa. Ilan pa sa mga halimbawa ng simpleng problema na
aking tinutukoy ay ang problema sa pera, paghihinala sa asawa, pagdating ng isang bisita na
tila ayaw tanggapin, at iba pang mga maiikling kulo ng damdamin. Sa kabubuan, walang
eksakto o pinaka-naging problema ang mag-anak, dala na rin marahil ng pagpapakita ng mga
simpleng o ordinaryong tagpo lamang na bahagi naming talaga ng arawaraw na buhay ng isang
simpleng mag-anak. Tunggalian. Sa aking pananaw, may dalawang uri ng tunggalian sa takbo
ng bawat kabanata nito. Una ay ang tao laban sa kanyang kapwa at pangalawa ay ang tao
laban sa kanyang sarili. Tao laban sa tao: Maraming tao ang nakasalamuha ng pamilya Cruz, at
magkakaiba ang bawat isa sa kanila. Lahat tayo ay kinakailangang makisama, at ganoon din
ang pamilya Cruz. Hindi sa lahat ng pagkakkataon ay gusto nila nag mga tao sa kanilang
paligid, gaya ng “kumare” nilang si Nenita. Si Nenita ay isang kumare ni Remy na dumalaw sa
kanilang bahay sapagkat kaarawan ng kanyang anak na si Josie, na siyang inaanak nitong si
Remy. Sa istorya ipinakita ang kakapalan ng mukha ni Nenita, na kung saan dumalaw lang ito
upang ipanghingi ng regalo.

Isang aklat ito na nagpapakita ng kung ano nga ba ang tunay na buhay sa ating
lipunan. Dito’y matapang na ibinukas ng may-akda ang kabutihan at kasamaan ng
bawat isa. Pati ang mga pagpapahalagang nananaig sa damdamin ng tao. Maging ang
mga lihim na nadarama at iniisip ng bawat isa ay matutuligsa rin sa aklat. Hindi
maitatagong ang pagiging totoo ng aklat na ito ang siyang kagandahan nito kumpara sa
ibang libro. Kung susuriin naman ang kwento, madali namang masundan ang mga
kwento ng aklat. Subalit, may mga bagay na maaaring hindi maunawaan agad
sapagkat kailangan ilagay ng mambabasa ang sarili sa konteksto o pangyayari na
naroon sa akda. Ang ilan sa mga salitang ginamit rin ay tila may kalaliman, ito ay sa
kabila pa ng pagiging moderno ng panahong kinabibilangan ng akda. Ang May-akda.
Ang may-akda ng aklat ay si Liwayway A. Arceo. Isa siyang magaling na manunulat,
editor, at translator. Nanalo siya ng gatimpalang Carlos Palanca noong 1962 para sa
kanyang maikisng kwento. Siya ay pumanaw noong Disyembre ng 1999. Isinulat niya
ang aklat bilang tugon sa mga pangayayari sa lipunang Pilipino, lalo na sa mga
pamilya. Ipinakita niya nag kahalagahan ng pamilya at ang tamang kumbinasyon ng
mga lumang paniniwala at makabagong paraan. Unang nalathala ang mga akda sa
lingguhang Liwayway noong ika-26 ng Abril 1954 at tumagal hanggang ika-12 ng
Setyembre 1960, at may kabuuang 333 kabanata, na bawat labas ay isang buo at tapos
na katha.

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan.” Jose Rizal

-ang salawikaing ito ay nagpapahiwatig sa akin na ang mga taong nagpapakumbaba at


hindi nagmamata sa kapwa ay mas lalong binibiyayaan. Dapat ay marunong tayong
tumulong o magtanaw sa ating pinagmulan, sinasabi rin dito na isipin natin kung saan tayo
nagsimula sapagkat hindi tayo makakarating sa ating pinanggalingan kung hindi tayo
dumanas ng mga hirap.

You might also like