You are on page 1of 9

Banghay Aralin

sa Ikaapat na Kwarter
Baitang 7

I. Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan inaasahang;
A. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa ng binasang
bahagi ng akda. 7PB-IVa-b-20
B. Nabibigay ang mga kahulugan at katangian ng korido. F7PT-IVa-b-18
C. Niababahagi ang sariling ideya sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
F7PSIVa-b-18
D. Naisususlat nang sistematiko ng mga nasaliksik na impormasyon kaugnay nang
kaligirang pangksaysayan ng Ibong Adarna. F7PU-IVa-b-18

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna pp. 288-292
B. Sanggunian: Sinag ng Wikang Filipino, Pinagsanib na Gramatika at Panitikan
Baitang 7.
C. Kagamitan: PPT, mga larawan at libro.
D. Pagpapahalaga: Pagsasabi ng mga mag-aaral ng kanya-kanyang sagot sa
Pahalagahan,p.292
E. Integrasyon: Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan
Gawaing Pang-Guro Gawaing Pang-Magaaral
Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Bago po tayo magsimula sa ating aralin magsitayo po
muna tayo para sa ating panalangin. Lahat ay tatayo at manalangin.

Magandang Umaga/Hapon sa inyong lahat.


Magandang Umaga/Hapon din po
Pagtala ng Nagsidalo sa klase ma’am.
Ngayon naman pag tinawag ang inyung pangalan ay
humuni lang kayo gaya ng iang ibon sabihing
“Tweet,tweet,tweet”. Nagkaintindihan ba tayo klas?

Mabuti at walang lumiban sa araw klase,bigyan ng


isang saludo ang bawat isa. Opo ma’am, “tweet,tweet,tweet”

Balik Aral
Ngayon naman po bago taya magsimula sa ating
paglalakbay sa bagong aralin ay balikan muna natin Isa, dalawa, tatlo, saludo
an gating paksa kahapon.
Ganito ang gagawin natin hahatiin ko kayo sa tatlong
grupo.Bawat grupo ang magbibigay ng kahulugan at
halimbawa ng karunungang-bayan kanilang
mabubunot sa loob ng mahiwagang baul.

Pangkat una – Tulang Panudyo


Pangkat ikalawa- Tugmang de Gulong
Pangkat ikatlo- Palaisipan/Bugtong
Tatlong minuto lang ang ibibgay ko at isa sa inyu ang
mag-uulat, nagbunutan

Opo ma’am
Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3
Kahulugan: maikling patulang
palaisipan, Isinasagawa tuwing
may okasyon.
Halimbawa: Kung gabi ay pagi,
Kung araw ay igat. Sagot( Banig)

Mahusay!Magaling!talagang alam na ninyu ang mga


ibat-ibang karunungang bayan. Bigyan ng isang
malakas na bagsak ang mga sarili ninyo.
Isa, dalawa, tatlo (malakas na pagbagsak
ng isang paa)
A. Pagganyak

Ngayon ay meron akong ibibigay na larawan sa inyo


ang gagawin ninyo ay sundan ang putol-putol na guhit
at pagkatapos ay kulayan ito bibigyan ko kayo ng
limang minuto para gawin ito. Naintidihan klas?

Opo ma’am (nagsimula na Gawain)

(pagkatpaos ng limang minuto) Ano nag naalala mo


nang mabuo mo ang larawan?

Ma’am naalala ko po ang isang ibong


may ibat-ibang kulay at kumakanta.

Ma’am naalala ko po ang napanood


kung Wansapanataym tungkol sa Ibong
Adarna.

Mahusay (pangalan ng nagsipag sagot) Alam niyo ba


klas na,

B. Paglalahad
Ang Ibong Adarna ang orihinal na pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng
tatlong prisipeng magkakapatid na naghahanap ng lunas ng sakit para sa kanilang ama na
si haring Fernando at ang kanilang ina si Reina Valeriana sa kaharian ng Berbania.

Ngayon klas ano ang sariling opinyon ninyo tungkol


sa motibo ng may akda sa akdang Ibong Adarna?
Sa tingin ko po ma’am ang
pakikipagsapalaran ng magkakapatid
ipapakita rito ang ibat-ibang
personalidad ng bawat isa kung sino ang
Mahusay! (pangalan ng studyanteng sumagot) magtatagumpay sa kanila. Parang gusto
talagang interesado ka sa kwentong ito.Sino pa? ko ng basahin ang buong kwento ma’am.

Mahusay! (panagalan ng studyanteng sumagot) yan Ako ma’am, para po sa akin gusto ng
ay malalaman natin sa pagpapatuloy natin ng pagbasa may akda na bigyan tayo ng aral kung
ng akdang ito. ano man ang kahihitnan ng kwentong
ito.
C. Pagtatalakay
Ngayon klas tumingin sa pisara, hanapin sa
diksyunaryo ang kahulugan ng sumusunod na mga
salita isulat sa sangkapat na papel bibigyan ko lang
kayo ng limang minuto para sumagot.

1. TEMA
2. PAKIKIPAGSAPALARAN
3. AWIT
4. KORIDO
5. IPINAPAKSA
6. BERSO
7. PANGYAYARI
8. LUNAS
9. PINAPALAD
10. NAGTATAGUMPAY

1. TEMA - isang pangunahing ideya o


ideya tungkol sa isang bagay, isa na
rito ay sa pagsulat ng isang artikulo.

2. PAKIKIPAGSAPALARAN-pagiging
sabik o kauna-unahang karanasan;
maaari rin itong lantaran at
kadalasang may tokang mapanganib,
kasama ang isang alanganing
kakalabasan.

3. AWIT- y musika na magandang


pakinggan. Kadalasang itong
maganda kung gusto rin ito ng
makikinig. Mayroon itong tono at
sukat.

4. KORIDO- sang popular na


pasalaysay na awit at panulaan na
isang uri ng ballad. Isang uri din ito
sa panitikang Pilipino,na nakuha ang
impluwensiya mula sa Espanyol.

5. IPINAPAKSA- saan patungkol ang


iyong akda o sulatin o ang iyong
sinasabi.

6. BERSO- ay ang pangunahing bahagi


ng isang awitin.

7. PANGYAYARI- Ang kahulugan ng


pangyayare ay naganap na,
nagaganap o magaganap pa lamang.

8. LUNAS- nangangahulugan ng gamot,


kalutasan,remedy

9. PINAPALAD- ay tinatangkilik ang


kaligayahan ng langit-ginamit bilang
pamagat para sa isang taong
pinatutunguhan.

10. NAGTATAGUMPAY-may
nalampasan kang pagsubok sa isang
sitwasyon.

Magaling! Ipasa ang iyong mga papel. Ngayon


klas buksan ang libro at dumako sa pahina 289-
290 Basahin ang patungkol sa KORIDO
itindihing mabuti at pagkatapos magbasa ay
ipaliwanag kung ano ang naintindihan sa binasa.

Basahin
May dalawang anyo ng pasalaysay rito sa Pilipinas- ang awit at ang korido. Walalng
tiyak na petsa kung kalian nakarating sa kapuluan ang uri ng panitikang ito. Wala ring
nakaaalam kung saan nagmula ang dalawang ito. May mga nagsasabing galling ito sa
Mexico.

Ang Korido ay tulang pasalaysay na nagpapahayag ng mga pangyayaring hango sa


buhay ng mga prinsipe, prinsesa, hari, at reyna at ng iba pang mga monarka.
Lumaganap ang mga korido sa panahon ng mananakop ng mga Espanol dahil sa mga
kanais-nais na pagpapaphalagang nakapaloob dito na angkop sa kulturang Pilipino.

Ang Korido ay isang tulang pasalaysay na may temang romansa na patungkol sa


pakikipagsapalaran ng mga bayaning may dugong bughaw tulad ng mga prinsipe at
prinsesa. Ang mga tulang romansa ay may halong kulay at damdamin ng pag-ibig.
Kadalasang ipinapaksa ito sa paglalaban ng mga Kristyano at ng mga di-banayaga.
Isang halimbawa ng Korido ay “Ibong Adarna”.

Pakanta ang bigkas ng Korido at aapating linya (quantrain)ng berso bawat saknong.

Korido:
1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig.
2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay.
3. Ang paksa ay alamat at pantasya o may kapangyarihang supernatural ang
tauhan kung minsan.
4. May malalim na damdaming relihiyoso.

Ang Ibong Adarna sa Iba’t-ibang Bahagi ng Mundo


Walang bansang matutukoy na pinagmulan ang Ibong Adarna. May mga
naniniwalang ito ay akda ni Huseng Sisiw, subalit mas marami ang naniniwalang
ito’y nagmula sa Europe. Sinasabing may mga pagkakahawig ang mga tauhan at
pangyayari sa akdang ito sa mga kuwentong nagmula sa Denmark, Germany,
Indonesia, at mga bansa sa Southwest Asia. Magkakatulad ang mga ito sa sumusunod
na mga pangyayari:
 Nagkasakit ang amang hari at ang tanging makagagamot sa kanya ay tubig ng
buhay o halaman ng buhay o di kaya ay ang awit ng isang ibon.
 Ang maghahanap ng lunas ay ang magkakapatid ng prinsipe at ang anak na
bunso ang kadalasang nagtatagumpay.

Ngayon tapos na tayo sa pagbabasa, sinong


makapag paliwanag patungkol sa binasa? Ako ma’am

Sige Ginoo. Ang nilalaman po ng binasa namin ay


patungkol sa pinagmulan ng korido at kung
ano ang Korido. Karagdagan ding kasaysayan
Hmm! Tama ba ang sagot ni Ginoo klas? ng Ibong Adarna.

Opo ma’am
Sige bakit mo nasabing tama Binibini?
Dahil po batay po dito ang Korido po ay
galling sa Mexico. Nakasaad din sa binasa
namin na ang Korido ay may wawaluhing
pantig at paksa ay alamat o pantasya katulad ng
Ibong Adarna na kung saan ang Ibong Adarna
ang may akda ay si Huseng Sisiw ngunit
walang matibay na ebedesiya na siya talaga.
Mahusay! Tama kayo Ginoo at Binibini.
Palakpakan natin sila naintindihan niyo talaga
ang inyung binasa. Ngayon ay handa na kayo
sa pagsagot na nasa harapan ninyu.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat
sasagutan ninyugamit ang grapikong desinyo.
Bibigyan ko kayo ng 5 minuto at 3 minuto sa
pag uulat.

Unang Pangkat:
Kababaihan

Tulang Romansa
Birheng Maria
1. Para sa iyo, ano ang maaaring maging kaugnayan ng tulang romansa sa mga sumusunod?
Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

Ikalawang Pangkat:

1. Ibigay ang mga importanteng impormasyon tungkol sa korido.

Magaling,magaling klas! Akoy natutuwa dahil


mas naintindihan na ninyo ang paksa natin. At
para mas maintindihan pa talaga ninyu ang
paksa.

D. Pagpapahalaga
Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan
ang Ibong Adarna? Ang Ibong Adarna ay puno ng mga
symbolismo at pinapakita rin ang buhay ng
mga tao sa panahon ng mga Espanol.
Nagbibigay rin ito ng mga aral tungkol sa pag-
ibig, pagiging kapatid, pagmamahal sa Diyos at
marami pa. Sa isang libro na ito, marami ka
Magaling Binibini! Sige ikaw Ginoo? nang matututunan.

"Ibong Adarna" makikita natin ang ganda ng


ating wikang Filipino. At ang korido ay maaari
ring nating ibahagi ang mga iilang tradisyon ng
mga Pilipino, lalo na sa panahon ng mga
Espanyol. At ang mga iilan sa tradisyong ito ay
bihira na lamang makita ngayon, pero
mahalaga pa rin ito dahil dito natin makikita
ang mga mayamang kultura at kasaysayan ng
mga Pilipino. Ang kwentong ito ay
magbabahagi din ng maraming mga aralin. At
Ito rin ay isang kwentong pag-ibig at
paglalakbay na puno ng iba`t ibang aralin
tungkol sa buhay.
Magaling Ginoo!

E. Paglalahat
Para sa huling gawain isabuhay ninyu,

Ano ang colloquium?


Ang colloquium ay isang impormal na pulong para sa pagpapalitan ng mga kaalaman ng mga
eksperto para sa isang paksang pinag-uusapan.
A. Pangkatang Gawain
 Bumuo ng limang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng mga pamantayan sa
pagsasagawa ng colloquium. Gayon din ang mga hakbangin.
 Pag-usapan sa pamamagitan ng colloquium ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna.
B. Bawat pangkat ay magsasagawa ng isang impormal na pagpupulong. Bubuo ang mga
kasapi ng mga tanong at pamantayan sa gagawing pagpupulong at pag-uusapan ang
kaligirang pangkasaysayan ng ibong Adarna. Iuulat ng isang kasapi ang napagpulungan.
Ang pag-uulat ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrik.

Rubrik para sa Pag-uulat


PAMANTAYAN 10 6 4 2
1. Malinaw at malalim ang pagkakabuo ng mga
tanong
2. Epektibong naipahayag ang mensahe batay sa
ginawang pagpupulong
3. Kawili-wili ang pag-uulat ng paksa at nakuha
ang atensyon ng mga nakikinig sa simula
hanggang wakas
4. Wasto ang pagkakasunod-sunod ng pag-uulat,
malinaw ang bawat salita
Kabuuang Puntos

Pamantayan ng Pagmamarka:
40-38- Napakahusay 29-20- Mahusay-husay
37-30- Mahusay 19-10-kailangan pa ng lubusang paghahanda
9-2- di pinaghandaan

Interpretasyon:
38-40- 100
30-37- 95
20-29- 90
10-19- 85
2-9- 80

Bibigyan ko lamang kayo ng 8 minuto sa


pagawa at 5 minuto sa pag uulat. Magsimula
na kayo. Opo ma’am

(Pagkatapos ng Pangkatang gawain)


Mahusay! Mahusay! Bigyan ng isang SANA
ALL clap ang bawat grupo. Isa, dalawa, tatlo, SANA ALL!
IV. Pagtataya
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Para sa iyo, ano ang maaaring maging kaugnayan ng tulang romansa sa mga
sumusunod?Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

2. Ibigay ang mga importanteng impormasyon tungkol sa korido.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod isulat sa kwaderno sa Filipino.
 Kilalanin ang mga tauhan sa Ibong Adarna.
 Isulat ang katangian ng bawat isa.

Inihanda ni: Bb. Hyacinth B. Orillo

You might also like