You are on page 1of 6

KABANATA

Rehiyon 1 - Cordillera Autonomous


3 Region

Layunin:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang literatura at kultura ng cordillera.


b. Napapahalagahan ang paksang tinalakay.

Sa kalagitnaang bahagi ng bulubundukin ng Hilagang Luzon matatagpuan


ang rehiyon ng Cordillera. Kasama rito ang lungsod ng Baguio at ang mga
lalawigan ng Benguet, Ifugao, Mountain Province, Abra, Kalinga at Apayao.
Ang mga katutubong populasyon ng Cordillera na umaabot na sa 1.3 milyon
ay kinabibilangan ng ilang grupong etnolinggwistik tulad ng Bobtok, Ibaloy,
Ifugao na naninirahan sa Benguet, Isneg sa Apayao, Kalinga, Kankanay at
Tinguian sa Abra.

Kasaysayan

Ang pangalang “Cordillera” ay galing sa salitang Español na cuerda na may kahulugang “tanikala.”
Ang Kabundukang Cordillera ay tila tanikala ng mga bundok at kaya tinaguriang “spinal cord” o
gulugod ng Hilagang Luzon. Noong 18 Hunyo 1966, naisabatas ang Republic Act No. 4695 na
naghahati sa Mountain Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan, ang Benguet,
Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao. Bago nabuo ang Rehiyon Pampangasiwaan ng
Cordillera, ang apat na lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao ay
bahagi ng lambak ng Cagayan, samantalang ang Abra ay nakapangkat sa Ilocos. Noong 15
Hulyo 1987, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Atas ng Pangulo Blg. 220 na
lumilikha sa Cordillera Administrative Region o CAR mula sa tinatawag noong mga Lalawigang
Bulubundukin sa Kabundukang Cordillera. Binubuo ito ng Mountain Province, Benguet, Ifugao,
Kalinga-Apayao at isinama ang Abra. Noong 14 Pebrero 1995, ang Kalinga-Apayao ay
pinaghiwalay bilang dalawang lalawigan.

Lalawigan at Kabisera

Abra - Bangued Benguet - La Trinidad


Kalinga - Tabuk Apayao - Kabugao
Ifugao - Lagawe Mountain Province - Bontoc

Industriya, Hanapbuhay at Produkto

Sagana ang rehiyon sa mga reserbang minahan, bagaman nakasentro ang pagmimina sa
Benguet. Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na kaingin. Apektado ng pangyayaring ito
ang malakas at tradisyonal na sining na paglililok sa kahoy. Malakas ang produksiyon ng gulay
sa Benguet, pagsasaka ng palay sa Ifugaw at Abra, at mais sa Mountain Province at Kalinga.
Malakas ang turismo sa rehiyon. Pangunahing pang-akit ng pandaigdigang turismo ang mga
payyo, lalo na ang nasa Banaue, at deklaradong UNESCO World Heritage Site.
Sagana ang rehiyon sa mga reserbang minahan, bagaman nakasentro ang pagmimina sa
Benguet. Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na kaingin. Apektado ng pangyayaring ito
ang malakas at tradisyonal na sining na paglililok sa kahoy. Malakas ang produksiyon ng gulay
sa Benguet, pagsasaka ng palay sa Ifugaw at Abra, at mais sa Mountain Province at Kalinga.
Malakas ang turismo sa rehiyon. Pangunahing pang-akit ng pandaigdigang turismo ang mga
payyo, lalo na ang nasa Banaue, at deklaradong UNESCO World Heritage Site.
Sagana ang rehiyon sa mga reserbang minahan, bagaman nakasentro ang pagmimina sa
Benguet. Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na kaingin. Apektado ng pangyayaring ito
ang malakas at tradisyonal na sining na paglililok sa kahoy. Malakas ang produksiyon ng gulay sa
Benguet, pagsasaka ng palay sa Ifugaw at Abra, at mais sa Mountain Province at Kalinga.

Tradisyon At Pagdiriwang

1. ABRA
The Annual Tungoh & Hungduan Festival
Ang Tungoh at Hungduan Festival ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing
ikatlong linggo ng Abril, na tumatagal ng mga 3-4 na araw. Ang "Tungoh" ay
tumutukoy sa panahon ng pahinga sa tradisyunal na ikot ng agrikultura, na
karaniwang pagkatapos ng pagtatanim, habang ang "Hungdu" ay
nangangahulugang "isang hintong lugar" para sa mga manlalakbay.

2. APAYAO
Annual Apayao Celebration (Sam-Ay Festival)
Say-am Festival ng Apayao na ipinagdiriwang tuwing Pebrero 14. Ito ay
bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan at ang
pinakadakilang kapistahan o pagdiriwang ng Isnag. Isang kapistahan
na nagtatampok at naghahatid ng tradisyonal na paraan ng
pasasalamat ng Isnag sa kataas-taasang tinatawag na
“ALAWAGAN” isinagawa sa pamamagitan ng mga ritwal na
pinalamutian ng mga katutubong awit at sayaw na tinatawag na “TALIP at TAD-DO”. Ang
pagdaraos at pagdiriwang ng Say-am noong unang panahon ay nagpapahiwatig ng katayuan na
ang pamilya ay kagalang-galang.
3. BENGUET
Panagbenga Festival
Ang pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang
taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan
ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga
bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't
ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may
kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak".

4. IFUGAO
Imbayah Festival
Ang Imbayah ay isang pagdiriwang na kumikilala sa mga matatandang
kaugalian at tradisyon ng mga taga-Ifugao. Dahil mula sa salitang "bayah"
na isang alak na gawa sa bigas at "bumayah" o "imbayah" na ang ibig
sabihin ay kasaganahan, ang selebrasyon na ito ay unang ginagawa
lamang ng mga "elite" na Ifugao bilang pagkilala sa mga taong umaangat
ang estado sa lipunan. Ngayon, ipinapakita na sa lahat ang mga sinaunang
ritwal at gawain kaugnay nito upang mapanatiling buhay ang kanilang kultura.

5. KALINGA
Ullalim Festival
Ang ullalim ay literal na nangangahulugang isang kuwento, alamat na
kapansin-pansing kinakanta sa gabi tuwing mga pista,
pagdiriwang ng kasal o anumang okasyon. Ito ang makatang
pagpapahayag ng mga kabayanihan, pagsasamantala, pag-iibigan,
kagalakan, tagumpay pati na rin ang mga kapighatian, at paraan ng
pamumuhay ng mga Kalinga mula sa pagsilang. hanggang sa
kamatayan. Ito ay unang ginanap noong Pebrero 14, 1995 bilang
pagdiriwang sa anibersaryo ng lalawigan.

6. MOUNTAIN PROVINCE
Lang-Ay Festival
Sa diyalektong Igorot, ang ibig sabihin ng "Lang-ay" ay isang
pagsasama-sama kung saan nagtitipon ang mga lokal na tao
upang ipagdiwang at isagawa ang "cañao" na kinabibilangan ng
pag-aalay ng alak o tapey ng bigas ng lokal, at pagkakatay ng
baboy, manok, ani at mga panalangin sa kanilang mga
paganong diyos. Ito rin ay nagpapahiwatig ng tradisyonal na
kasanayan ng pagkabukas-palad, pagbabahagi at paggalang. Ang Lang-ay Festival ay hindi
lamang nangangahulugan ng isang pakikisama, kundi pati na rin ng pagkakaisa ng mga tao at
iba't ibang tribo ng Mountain Province para sa kapayapaan at kaunlaran.

Akdang Pampanitikan ng Rehiyon 1

Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na nasa pasalita. Ito ay maaring mahati sa dalawang
uri ang pangritwal o di-pangritwal. Ang mga pangritwal na panitikan ay ang mga awit at epiko. Ang
mga ito ay maaari lamang gamitin sa ritwal at sagradong kaparaanan lamang. Sa kabilang banda,
ang mga di-pangritwal na panitikan naman ay kinabibilangan ng mga may pormang secular na
maaaring gamitin sa iba’t ibang okasyon gaya ng mga pagdiriwang, gawaing panlibang at
pagpapadama ng mga saloobin.

Epiko
Biag ni Lam-ang (Abra)
Ang epiko ng Biag ni Lam-ang ay naglalarawan ng mga ilang katangian ng mga Pilipino.
Ang katotohanan na ang mga ugali, saloobin, at pagpapahalaga na ipinapakita sa kamangha-
manghang epikong ito ay lahat sumasalamin sa ating mga ninuno.

“Biag ni Lam-ang”
ni Pedro Bukaneg
BUOD
Ipinanganak si Lam-ang sa Nalbuan sa mag-asawang Juan at Namongan Panganiban.
Isinilang si Lam-ang na hindi nakikita ang kanyang ama dahil ito ay nabihag at napatay ng mga
Igorot. Isinilang si Lam-ang na mayroon nang ngipin at sa edad na siyam na buwan ay siya na
ang pumili kung ano ang ipapangalan sa kanya. Sa edad ding iyon ay nagawa niyang lakbayin
ang kabundukan at ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama sa kamay ng mga Igorot.
Umibig siya kay Ines Kannoyan na kanya namang napaibig sa tulong ng kakaibang husay na
ipinakita ng kanyang aso at tandang. Napatumba ng aso ang bahay sa pamamagitan ng
pagtahol nito, samantalang napatayo naman ito ng tandang sapamamagitan ng patilaok.
Hinandogan niya si Ines ng isang kaskong ginto. Nagpakasal si Ines at Lam-ang. Bilang
pagtupad sa isang tradisyon, sumisid si Lam-ang sa dagat upang manghuli nang isdang Rarang.
Nakain siya ng isdang berkakan sa kanyang pagsisid. Pinasisid ni Ines ang kanyang buto at
muling binuhay si Lam-ang sa tulong ng taglay na galing ng kanyang alagang aso at
tandang. Namuhay na masaya, masagana at mapayapa ang magasawa mula noon.

Awit
Salidommay (Kalinga)
Ang awitin na ito ay isang mensahe rin ng pamamaalam at isang pangakong pagbabalik na
kahit delikado ang kaniyang tutungohin ay hindi siya natatakot lumaban. Ito rin ay mensahe
ng paninindigan sa naging desisyon.

“Salidommay”
salin ni; Romualdo M. Protacio

I wish to find the eternal spring.


I shall take the Dangwa bus for Lubuagan.
If by chance we meet
When the moon is full,
Then we shall go together.
Bugtong

Makapal na bato sa anayan, Inahin may pumasok,


Ginawang palarua ni kawitan. Tatyaw ang lumabas.
Sagot: Plato/ Pinggan Sagot: Nganga

Gumawa ng bahay si tukay, Nangaso si duat,


Di gumamit ng rattan. Walang nahuli anuman.
Sagot: Gagamba Sagot: Suklay

Salawikain

“ Nan-ad im laydin, ad im angen is nan ibam.”

“ What you don’t like, don’t force it to others.”

“ Adi tako bukudan din gawis.”

“ Let us not be greedy for the things.”

Seremonyas

Canao – isang uri ng ritwal na nagpaparangal sa espirutu ng kanilang mga ninuno.

2 Uri ng Canao
1. Simpleng Canao - pagkatay ng baboy, tapoy, pagluto ng kamote, gabi at bigas

2. Malaking canao - pagkatay ng baboy, kalabaw, baka at kabayo.

Ang baboy na may batik na itim ay sagrado para sa kanila at ito ang tinatanggap ng mga
espiritu at nagbibigay ng suwerte.

Iba’t ibang Uri ng Canao

1. Kape - isinasagawa kung may bagong bahay na tayo o pagkalibing sa yumaong kamag-
anak.
2. Kayed - isinasagawa upang mapanatili ang pagiging puno sa barangay.
3. Sabeng- isinasagawa ng bagong mag-asawa kadalasan ay mayaman ang nakagagawa
nito.
4. Pechit - pinakamataas na uri ng canao. Tumatagal ng tatlo hanggang apat na araw.

Tanyag Na Manunulat Ng Rehiyon 1

Pedro Bukaneg ay ipinanganak noong sang dakilang Pilipino


na mula sa lupain ng mga Samtoy (bandang Ilocos). Itinuturing
siyang unang edukadong Ilokano, orador, musikero,
leksikograpo at dalubwika. Siya ang itinuring na Ama ng
Panitikang Ilokano. Si Bukaneg ay pinanganak na bulag sa
Abra at kilalang may-akda ng epikong Biag ni Lam-ang.

Edgardo B. Maranan ay ipinanganak noong Nobyembre 7, 1946. Kilala


bilang isang premyadong makata, manunulat at taga salin, kilala bilang
isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at kagawad ng embahada ng
Pilipinas sa London bilang isang information officer.

You might also like