You are on page 1of 6

FILI 112: MGA NATATANGING DISKURSO

NG WIKA AT PANITIKAN

ARALIN 3:
MGA ANYO O PAMAMARAAN NG
DISKURSO – APAT NA BATAYANG URI
NG DISKURSO

Arnejo, Nice R.

Bungaos, Mariette A.

Guero, Heljane I.

Mamontayao, Anelor D.

March 8, 2023
PAGLALARAWAN/DESKRIPTIB

• Isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng


isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya.
• Nagbibigay katangian sa ano mang kanyang inilalarawan.
• Karaniwang isinasagawa upang makahiyat sa kapwa.

DALAWANG URI NG DESKRIPSYON

A. Karaniwang Deskripsyon

• Sa paglalarawan ang karaniwang deskripsyon ay yaong ang pangunahing


layunin ay makapagbatid o makapagbigay ng dagdag kaalaman. Nakatuon
ang pokus ng naglalarawan sa mga pangunahing katangian na inilalarawan.
• Layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon sa
pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng tiyak na
salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal o konkretong katangian. Higit
na bibinibigyang-diin sa paglalarawang ito kung ano ang nakikita at hindi
ang nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.
• Payak ang paggamit ng mga salita upang mabigay kabitiran sa ayos at anyo
ng tao o bagay na inilarawan. nagbibigay lamang ng impormsyon sa
inilalarawan.

1. ang pisikal na anyo


2. antas ng pamumuhay
3. pag uugali
4. mga nakasanayan atbp.

Halimbawa: Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, at payat ang


katawan.
B. Masining Na Deskripsyon

• Pumipili ng mga salitang higit na magbibigay-buhay sa nilalarawan. Ang


mga salitang ginagamit ay yaong kikiliti sa guni-guni ng mababasa o mga
pakinig na siyang nakapukaw ng isipan at damdamin.
• Gumagamit ng mga tayutay at mga idyoma upang gawing higit na malinaw
ang imaheng nais maipabatid.
• Naglalayung pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na
nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang makulay
na larawang nililikha ng imahinasyon.

Halimbawa: Malalim ang kirot na mahapding sugat na dulot na


puwersang hindi nila matarok at mapaglabanan. Lalamunan nila’y
tigang. Nginig ang katawang walang pananggalang.

MGA KAHINGIAN SA EPEKTIBONG PAGLALARAWAN

Ayon kay Tumangan (1997)

1. Wastong pagpili ng paksa

• Dapat maging maingat sa pagpili ng paksang ilalarawan.


• Piliin ang paksang mayroong sapat na kaalaman.
• Magsimula sa mga bagay-bagay na karaniwang nakikita sa araw-araw.
• Mainam na ilarawan ang mga bagay na ang tagapagpahayag mismo ang
unang nakamalas sa halip na ibase sa paglalarawan sa impormasyon mula sa
iba.

2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan

• First impression last


• Mahalaga na makabuo ng isang malinaw at mabisang pangunahing larawan sa
isipan ng ating tagatanggap.
• Ang daan upang mapukaw ng interes ng tagapakinig o mambabasa ay ang
pagbibigay kabuuan ng inilalarawan bago pa man ang maliliit na detalye.
• Kabuuang ideya ng inilalarawan

3. Sariling pananaw o perspektib

• Bago simulan ang paglalarawan, mahalagang maging malinaw sa isipan ng


tagapahayag kng ano ang kanyang layunin
• Magkaugnay ang pangunahing larawang nabubuo sa pananaw ng
naglalarawan. Ang pagkiling ng naglalarawan ay mapapansin sa pananaw na
kanyang pinili sa paglalarawan.

Maaaring ang pananaw ng paglalarawan ay ayon sa:

➢ Kinalalagyan ng naglalarawan (malapit o malayo)


➢ Sariling palagay o damdamin
➢ Pagkatao ng mismong naglalarawan
➢ Bagay o kaisipan na higit malapit dahil sa sariling kadahilanan
➢ Mga impormasyong kanyang nakalap o narinig
➢ Pananaw

4. Kaisahan

• Ang kabuuan ng oaglalarawan ay nagaganap sa pagbibigay ng mga maliliit na


detalye na magbibigay linaw sa kabuuan ng inilalarawan.
• Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliliit na bahaging
maaaring makita lamang mula sa pananaw na napili ng naglalarawan.
• Dapat hindi lilihis ang mga detalyeng ipapahayag sa pangunahing larawang
nabuo sa simula.
• Ang mga salitang pipiliin upang maging sangkap ng paglalarawan ay nararapat
na naaayon sa kabuuan upang matiyak ang kaisahan ng diwa.
5. Pagpili ng mga sangkap

• Pagkatapos na mapili ang pangunahing rawang namasid, pipiliin naman ang


mga bahaging bumubuo sa pangunahing larawan. Dito na mapipili ang mga
bahaging ikinaiba ng tao o bagay sa mga kauri nito.
• Sa pagpili ng sangkap ng paglalarawan, kailangang tiyakin ng naglalarawan
na magiging dahilan ito sa pagkalikha ng mental na larawan sa isipan ng
tagapakinig o mambabasa.
• Tiyakin na ang mga sangkap na kanyang pipiliin ay may kaugnayan sa
pangunahing larawan na nabuo sa simula.
• Hindi maaaring sumalungat sa pangunahing kaisipan ang mga sangkap dahil
magdudulot ito sa pagkawala ng bisa ng paglalarawan.

6. Pagpili ng angkop na pananalita

• Sa pagbuo ng malinaw na larawan ay may mahalagang tungkuling


ginagampanan ang angkop at tamang pagpili ng mga salita. Samakatuwid, ang
kalinawan ng ginagawang paglalarawan ay nababatay sa mayamang
talasalitaan. Bukod sa mayamang talasalitaan, kailangan ding maging mataas
ang pandama (5 senses) upang makita at maibigay ng taong naglalarawan
ang lahat ng mga katangian ng kanyang inilalarawan.
• Ang paggamit ng mga salitang nakakakiliti ng isipan ay higit na epektibo.
• Madali at mabilis ang pagbuo ng mental na imahen ng inilalarawan.
• Ang salita na dapat piliin ay angkop sa pandamang inilalarawan.

7. Layunin ng Paglalarawan

• Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang


maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat. Halimbawa nito
ay ang paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng turista.
• Sa pangkalahatan, ang deskriptibong diskurso ay ang pagbibigay ng malinaw
na imahen ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng
isang impresyon o kakintalan.

You might also like