You are on page 1of 9

BSEd Filipino 3 Guang-guang, Dahican, Mati City

Davao Oriental State University Fil 112 - Mga Natatanging Diskurso sa


Instructor: Bb. Marevic Lutog Wika at Panitikan

ARALIN 4:
PAGSASALAYSAY
O NARATIB
ANG PAGSASALAYSAY O NARATIB

Sa araw-araw nating pamumuhay, madalas tayo ay nagsasalaysay. Sa


pagsasalaysay, laging ang layunin natin ay magkwento ng mga magkakaugnay na
mga pangyayari langkap ang mga kalagayan ng tauhan at tagpuan. Kabilang dito ang
pagtatalakay ng mga kawili-kawili na mga pangyayari na nasasaksihan natin sa loob
man o labas ng ating tahanan. Sa pagsasalaysay, hindi mawawala ang mga tauhang
gumaganap, ang sitwasyong kinasasangkutan ng mga tauhan, ang pook na
pinangyarihan at ang panahon ngpagkaganap ng mga pangyayaring ikinuwento.
Karaniwang ikinukwento natin ang tungkol sa isang pook na pinaggaganapan ng
maraming makabuluhang tagpo. Ikinukwento natin ang tungkol sa mahahalagang
tagpo na ating naranasan at nasaksihan. Ginagamit natin ang mga salitang
nagbibigay-buhay at nagpapadama sa mga isinasalaysay natin na siyang gumigising
at pumukaw sa ating guni-guni.

KAHULUGAN NG PAGSASALAYSAY O NARATIB

Ito ay isang diskurso na binubuo ng mga talatang nagpapahayag ng mga kawi-


kawing pangyayari. Ito ay nag-uulat o nagkukuwento ng mga pangyayaring
naranasan, narinig o nabalitan. Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang
magkakaugnay upang makapaglinaw ng isang ideya o kaisipan, damdamin o kaya’y
impresyon. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan
ngpagpapahayag. Ibinibilang itong pinakamatandang uri ng pagpapahayag na
nagsimula sa mga alamat, epiko at kuwentong bayan.

Bilang karagdagan, ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng


mga kaganapan na naganap sa nakaraan o maging sa kasalukuyang pangyayari.
Nagpapahayag ng mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na pinagmulan
tungo sa isang tiyak na makabuluhang pangwakas. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng
pagkakataon ang isang tao na maibahagi ang mga bagay-bagay na nangyari sa ating
buhay at maging ng iba, mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao.
Sa pagsasalaysay, marapat lamang na maisaalang–alang ang pagkakasunud-sunod
ng mgakaisipan. Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa pagkakasunod-sunod ng
kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o tagapakinig.
Binubuo ng mga pangyayari o karanasan na nagsasabi kung ano ang nangyari,
kalian nangyari, kanino nangyari, o sino ang mga kasangkot.

LAYUNIN NG PAGSASALAYSAY O NARATIB

➢ Ito ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay-


ugnay na pangyayari. Ang batayan nito'y maaaring mga sariling karanasan,
mga pangyayaring napakinggan/narinig, nakita/nasaksihan/napanood,
nabasa/natunghayan o nabalitaan. Maaari ring magkuwento ng mga
pangyayaring likhang-isip lamang.

➢ Makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o nakagpagbibigay


impormasyon at aliw o saya.

➢ Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral.

➢ layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na


karanasan sa buhay;

a. Karanasang Tuwiran o Direct


▪ ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran (direct). Tuwiran itokung
galing sa sariling pagkadanas o pagkasangkot.

b. Karanasang Vaykaryos
▪ kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba, maaaring nabasa sa mga
aklato mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass media, o
naikwento ng kapitbahay.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALAYSAY O NARATIB

➢ Ito ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga


pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at
tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang
kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
MGA KATANGIAN NG EPEKTONG NARATIB

A. Orihinal at kawili-wiling paksa


• Sa anumang uri ng diskuro, ang orihinal at kawili-wiling paksa ay
mahalaga. Mas mainam din na ang paksa ay maituturing na kapaki-
pakinabang upang mas makakapanghiyat ng mambabasa o
tagapakinig. Mahalaga rin na may kalaliman o napapanahon ang paksa
nang ito’y maging makabuluhan.

B. Mapanghikayat na pamagat
• Ito ay madalas na nakabatay sa pangalan ng pangunahing tauhan, pook
na pinangyarihan, mahalagang pangyayari sa salaysay at iba pa.

• Ito ay salik na pagganyak o makakakuha ng atensyon sa mga


mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Taglay nito ang
pagiging maikli, orihinal, angkop, may misteryo at hindi katawa-tawa.

C. Mapangganyak na Panimula
• Ito ay salik sa tekstong naratibo upang mahikayat ang mambabasa na
basahin ang teksto bukod sa pamagat. Mahalaga ang panimula, kaya
mabisang simulant ang panimula sa:

1. Pagbuo ng nakakatawag-pansing pangungusap


2. Paglalarawan ng tauhan o tagpuan
3. Pagtatanong
4. Sipi o kasabihan

D. Magkaka-ugnay na daloy ng pangyayari


• Karaniwan itong nagsisimula sa malinaw at interesanteng simula, at
sinusundan ng magkakaugnay na pangyayaring umuusad upang
makarating o makatapos sa isang angkop at interesanteng wakas.
• Maaaring magsimula sa pagbabalik-tanaw o flashback.
E. Angkop at mapangganyak na wakas
• Mahalagang ang suliranin sa isang naratib o pagsasalaysay ay
nabibigyan ng katugunan ang mga mambabasa upang makamit ang
mga katanungang nabuo sa kanilang isipan.
• Pinag-iisipan ang mambabasa, may magandang aral na makukuha, at
hindi nahuhulaan ang wakas.

F. Makabuluhang karanasang pantao


• Naiuugnay ng mga mambabasa ang kanilang karanasan sa mga tauhan
na maituturing na makabuluhan at kaakit-akit na basahin. Ito ay
magsisilbing isang malakas na pwersa na humahatak sa mga taong
magbabasa ng isang naratib.

G. Angkop na bokabularyo o pananalita


• Nararapat na tiyakin ng isang manunulat na ang wikang ginagamit ay
angkop sa target na mambabasa.
• Mahalagang isaisip ng manunulat ang pagkakaiba-iba ng kakayahang
pangwika nang sa gayon ay matugunana ang pag-unawa sa binasang
naratib.

H. Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay o paningin


• Ito ay isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye o
katangian ng isang tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang ang isang
mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang mental kung
anuman ang inilalarawan.

➢ Unang Panauhan
➢ Ikalawang Panauhan

➢ Ikatlong Panauhan
➢ Kombinasyong pananaw o paningin
MGA ELEMENTO NG PAGSASALAYSAY

1. PANAHON

• Tumutukoy ito kung kalian nagsisimula at nagtatapos ang isang


salaysay. Isinasaad din nito ang daloy ng isang pangyayari tungo sa isa
pa.

• Dito sinasaad sa panahon ang kahalagahan ng isang pagsasalaysay


ibig sabihin na kinakailangan ng masusing pagpapakahulugan. Ang
panahon ay mahalga sa pagsasalaysay dahil dito ito ay nagbibigay ng
isang pamamaraan upang maisip ang kronolohiya ng isang kwento o
akda. Ang panahon ay nagbibigay ng isang framework na
nagpapahintulot sa mambabasa na maunawaan kung paano nagbago
ang isang kwento sa loob ng isang panahon. Ang panahon ay
mahalagang elemento sapagkat itoy nagbibigay ng pagkakaataon
upang mag-alok ng detalye na makakaatulong sa pag-unawa sa mga
pangyayaari at kung paano nakakaapekto ito sa mga tauhan.

2. KAHULUGAN

• Ang mga pangyayari sa isang salaysay ay nagpapahayag o


nagpapahiwatig ng mga kahulugan. Tumutukoy ito sa nais na ipauna at
ipadama ng pagsasalaysay. Ang kahulugan ang nagbibigay ng kaisahan
at kabuluhan sa pagsasalaysay.

• Ang kahulugan bilang isang elemento ng pagsasalaysay ay


napakahalga. Naka pokus dito ang ano ng aba ang tunay na
pagpapahiwatig , pagbibigay pakahulugan sa buong pangyayari. Sa
pamamagitan ng kahulugan malaman moa gad ang punto ng isang
salysay at higit sa lahat ay lumilitaw dito ang pinupunto ng
pagpapakahulugan.
3. DAYALOGO

• Ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari ay nagiging kabagut-


bagot kaya’t isinisingit ang mga salitaan o usapan upang magkabuhay ang
pagsasalaysay.
• Dahil sa diyalogo nagiging maganda at hindi ka mabagot sa pakikinig ,
nagiging expressibo at komprehensibo ang buong salaysay kapag nilapatan
ito ng isang makabuluhang diyalogo. Alam naman natin na ang diyalogo ay
isang uri ng komunikasyon na tawag sa mga bibigkas ng mga karakter o
tauhan sa isang istorya o maaring sa dulaan o balagtasan. Ito ay
nagsisimula sa sining ng pakikinig. Mahalaga ang diyalog sapagkat itoy
paraan upang mapaunlad ang sining at kultura ng mga Pilipino, paraan
upang mas maunawaan at maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng
ibang tao. Ito’y parte sa elemento ng pagsasalaysay upang maipahayag,
maihatid at magbigay impormasyon sa mabisang paraan.

4. KAAYUSAN

• Ang bumubuo sa kasiningan at pagka-epektibo ng salaysay. Ang hindi pa


ikut-ikot at patalun-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang
nagpapadali sa kabatiran.

• Malaki ang gampanin ng kaayusan sa isang pagsasalaysay dahil


nagbibigay ito ng linaw at maging kaakibat na pagsasabuhay. Ang
kaayusan ng pagsasalaysay ay mahalagang anyo ng elemento dahil
nagbibigay pagdaragdag ng kahulugan at pagbibigay-diin sa mga salita at
mga ideya. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ay
nagbibigay-diin sa mga punto at mga mensahe nan ais iparating. Ang
pagiging maayos sa pagsasalaysay ay nagdaragdag ng kalinawan at pag-
unawa sa nilalaman ng isang teksto. Dahil dito, ang ganitong uri ng
kaayusan ay nakatutulong sa pagdaragdag ng epektibong komunikasyon
sa pagitan ng isang manunulat at kanyang mga tagapakinig o mambabasa.
5. PANANAW

• Ito ang bahaging sumasagot sa tanong na, ‘’Sino ang nagsasalaysay? ‘’at’’
Ano ang kaugnay niya rito.?

• Ang pananaw ay ang punto de vista na tinataglay ng may-akda sa isang


pagsasalaysay. Ang pananaw ay maaaring mag-ariba mula sa isang
malayang kaisipan, panlipunan, kultural o kabuuang pananaw. Ang
pananaw ay nagbibigay ng konteksto at kulay sa pagsasalaysay, na
tumutulong sa mga mambabasa na mas malalim na interpretasyon.

6. SALAYSAY NA BATAY SA KATOTOHANAN

• Kabilang dito ang mga akdang pangkasaysayan kung saan ang mga datos
at tala ay hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na objektib ang
ganitong uri.

• Ang salaysay na batay sa katotohanan ay isang mahalagang elemento ng


pagsasalaysay. Ito ay isang mahalagang paraan upang mapanatilli at
maingat ang mga kasaysayan at tradisyon ng isang tao o pamayanan. Ang
mga tao ay isang mas malalim na kamalaayn at pag-unawa sa kanilang
kasaysayan, kultura at pagpapahalaga. Pinapayagan nito ang isang tao na
maunawaan ang kanyang sariling mga karanasan ng iba pang mga tao. Ang
salaysay na batay sa katotohanan ay nagbibigay ng isang patunay kung
saan ang mga tao ay maaaring magtiwala sa mga katotohanan ay maaaring
matutuhan at maipasa sa iba pa. kaya napakahalaga ng elementong ito
para sa paghubog sa ang lahat ng impormasyon ay nakabatay sa
makatotohanan na pagsasalaysay.

7. SALAYSAY NA LIKHANG-ISIP

• Bagamat taglay nito ang isang paniniwalang universal, ang mga pangyayari
at sikwens ay piksyunal o bunga lamang ng isang malikhain.
• Dito sa salaysay na likhang-isip itoy naka-pokus na nagtataglay na ang
bawat pangyayari ay isang imahinasyon lamang na may paniniwalang
bunga ng isang malikhain. Ang salaysay na likhang-isip ay isang
mahalagang paraan ng paglalarawan ng isang tao, pook, o sitwasyon sa
pamamagitan ng paglikha ng isang maikling kwento o sanaysay. Ang
paraan ng salaysay na likhang-isip ay nagpapahintulot sa mambabasa na
makagawa ng kanilang sariling kwento na maaaring nagbibigay ng isang
mas malalim na pag-unawa sa konsepto o tema. Mayroon itong kakayahang
magbigay ng mahalagang impormasyon sa mambabasa sa isang mas
mabisang paraan kaysa sa mga pang-agham na teorya at argumento.

You might also like