You are on page 1of 3

Annex D: Sample LAS

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Unang Bahagi
Asignatura: Mapeh-Health3 Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: _______________
Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang
Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___
Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)
 Explains the importance of reading food labels in selecting and purchasing foods to eat. (H4N-lb-
23)
Mga Layunin:
 Matututunan ang kahalagaan ng tamang pagpili ng bibilhing pagkain.
 Maipapaliwanag ang kahalagaan ng pagsuri o pagbasa sa food labels.
 Mauunawan ang panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga food labels
Paksa: Ligtas ang may Alam

Mga Mag-aaral,

Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.

Nagmamahal,

Ang inyong Guro

Ikalawang Bahagi
Ligtas ang May Alam

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Expiration / Expiry Date ay tumutukoy sa petsa kung kalian hindi mo na maaaring kainin o
inumin ang produkto. Maaaring ito ay sira o panis na pagkain. Ang pagkain ng sira o panis na ay
mapanganib sa ating kalusugan.
Ang Best Before Date ay tumutukoy sa huling araw na ang pagkain o inumin ay nasa
pinakasariwa at pinakamagandang kalidad nito. Maaaring magsimula nang masira o mapanis ang pagkain
o inumin sa mga araw na lilipas matapos ang Best Before Date.

Panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga food labels.


Pagsakit ng tiyan/ Kung makakakain ng sirang pagkain (expired), maaaring magsuka, sumakit
pagsusuka /pagkakasakit ang tiyan o makakuha ng mga mikrobyo at magkasakit.
Pagkakaroon ng allergic May mga pagkaing naglalaman ng allergens o mga mikrobiyong maaaring
reaction magdulot ng allergies tulad ng paghahatsing, pangangati, hirap sa paghinga,
pagkahilo, at iba pa.
Pagpayat o pagtaba Maaaring makakuha ng maling nutrisyon ang taong hindi nagbabasa ng food
dahil sa maling labels – ang anumang kulang o sobra ay masama sa katawan. Makukuha ang
nutrisyon tamang sukat ng pagkain sa pamamagitan ng pagbabasa ng Nutrition Facts.
Pagkapanis ng pagkain Kung hindi sa refrigerator nakalagay ang pagkain, maaari itong masira agad.
Samantala, maaari namang mapanatili ang pagkasariwa at pagkamasustansiya ng
pagkain kung ito ay maitatabi nang wasto at tama.
Pagsasayang ng pera Kung makabibili ng pagkaing sira at panis na, maaaring mag-aksaya lamang ng
pera.
Gawain 1
Panuto: Pag-aralang mabuti ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Kailan magsisimulang masira o mapanis ang inumin?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Hanggang kailan mananatili sa pinakasariwang kalidad ang inumin?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
3. Ano-anong sangkap sa inumin ang maaaring magdulot ng reaksiyon sa katawan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
4. Bakit mahalagang malaman ang Expiry at Best Before Dates?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
5. Bakit mahalagang basahin ang mga babala sa pakete ng pagkain o inumin?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Bakit kailangang tignan ang label ng pakete?

2. Kung ikaw ay bibili ng de latang pagkain, ano ang una mong dapat suriin?

3. Kung mababasa mo sa “Directions for storage” ang “Keep refrigerated”, ano ang dapat mong gawin?
Bakit?
ASSESSMENT CHECKLIST

Unang Bahagi
Asignatura: Mapeh-Health3 Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: _______________
Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang
Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___
Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)
 Explains the importance of reading food labels in selecting and purchasing foods to eat. (H4N-lb-
23)
Mga Layunin:
 Matututunan ang kahalagaan ng tamang pagpili ng bibilhing pagkain.
 Maipapaliwanag ang kahalagaan ng pagsuri o pagbasa sa food labels.
 Mauunawan ang panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga food labels.
Paksa: Ligtas ang may Alam

II- Bahagi
To be checked by parent/s

PAHAYAG OO HINDI PUNA –

Pakibilogan ang numero ngiyong sagot.

Gawain 1 1- Hindi nagawa


Ang mag aaral ay nagawang suriin ang food 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
label ng isang produkto. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 2 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nauunawaan at 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
naipapaliwanag ang kahalagaang ng pagsuri sa 3- Kinakailangan pagbutihan
food label ng isang produkto. 4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Komentaryo:

____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga

Ibibigay kay : _____________________________


(Pangalan ng Guro)

Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)

You might also like