You are on page 1of 4

Annex D: Sample LAS

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Unang Bahagi
Asignatura: Filipino Linggo: 5 Tagal: 1-5 Araw Petsa:

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Nagagamit ang iba’t- ibang panghalip panao sa usapan at pagsasabi sa sariling karanasan ( MELC
F4WG-IfJ-3)
Mga Layunin:
 Magagamit ang iba’t- ibang panghalip panao
 Matutukoy ang panahunan at kailanan ng panghalip panao
Paksa: Panghalip Panao at ang Panahunan at Kailanan Nito

Mga Mag-aaral,

Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.

Nagmamahal,

Ang inyong Guro

Ikalawang Bahagi

Panghalip Panao at ang Panahunan at Kailanan Nito

Ang panghalip panao ay mga salitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan ng tao.

Pansinin ang halimbawa:


Si Mang Kanor ay isang mabait na magsasaka. Siya ay laging nasa bukid upang bantayan ang
kanyang mga pananim.

Ang salitang siya ay ginamit upang ihalili sa pangalan ni Mang Kanor.

Basahin ang kuwento:


Bubuyog! Bubuyog! Ako’y Natatakot!

“Kapag nakaririnig tayo ng mga huni ng bubuyog sa ating dinaraanan, kadalasa’y lumalayo agad
tayo sa lugar na iyon. At lakad- ipuipo an gating ginagawa sa takot na baka tayo habulin nito,” ang
salaysay ni Rina “Ngunit ang tunog na nilikha nito ay galling lamang sa kanyang mga pakpak na mabilis
na kumakampay kaya walang dapat ipag-alala.”
“ Bakit sinasabing bulong nang bulong ang bubuyog?” ang tanong ni Ana.
“Minsan nga ito’y humuhuni kahit hidi lumilipad,” ang sagot ni Rina. “Dalawa sa grupo ng mga bubuyog
ay nagtitipon sa kanilang hive o bahay. Ang isang grupo ay sama-sama sa kanang bahagi ng hive at ang
isang grupo naman ay sa kaliwa.”
“ Bakit sila nasa loob ng beehive?” Ang tanong ni Ana.
“Kanilang pinapagana ang pakpak nila sa loob ng hive. Ang mga nas kaliwa ang kumukuha ng init at
malamig na hangin at inilalabas naman ng mga nasa kanan ang mga hanging ito mula sa loob ng beehive
sa pamamagitan ng kanilang mga pakpak, “ ang paliwanag ni Rina.
“ Kung ganoon pala, kung sakaling marinig natin ulit ang mga huni ng bubuyog sa loob ng kanilang
hive, asahan natin na sila ay abala sa paggawa nghangin sa loob ng kanilang bahay,” ang sabi ni Ana.
“Salamat, Rina. Marami akong natutuhan sa iyo.”

Suriin:

1. Ilan ang nag-uusap sa kuwento? Sinu- sino sila?


Tama ka, dalawa ang nag-uusap sa kuwento.
2. Anu- ano ang ginamit na panghalip ni Rina na ipinalit sa kanilang pangalan ni Ana?
Ang tayo, atin, at natin ay mga panghalip na panao at dalawahan at maramihan.
Tandaan:
Panghalip na panao ang ginagamit na pamalit sa pangngalang Pantao. May panahunan at kailanan ang
panghalip na panao.
Panahunan Kailanan
Isahan Dalawahan Maramihan
Una (nagsasalita) Ako, ko, ikaw Kata, kita Kami, tayo, amin, atin, namin,
natin.
Ikalawa (kausap) Ikaw, ka, mo, iyo Kayo, inyo, ninyo
Ikatlo ( pinag-uusapan) Siya, niya, kanya Sila, nila, kanila

Gawain 1
Punan ang patlang ng angkop na panghalip panao:

1. Sarah ang ___________ pangalan.


2. Kaeskwela ko sina Mailyn at Kapisa. _______ ay mababait.
3. “Opo, _____ po ay magkaeskwela”, ang sagot ni Gloria.
4. Lito, nabasa _________ na baa ng bagong pahayagan?
5. Napakabait _______ naming bata.

Gawain 2
Isulat kung una, ikalawa, ikatlong panahunan ang ginamit na mga panghalip na panao:
_________ 1. Ikaw man ay matatawag ding bayani.
_________ 2. Hindi siya nawalan ng lakas ng loob na magsabi ng totoo.
_________ 3. Ako ay kabilang sa mga kabataang tumutulong sa mga nasunugan.
_________ 4. Batid mo ang kahalagahan ng pagtutulungan.
_________ 5. Ikaw at ako ay magsamang tumulong sa nasunugan.

Gawain 3
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na panghalip.
1. tayo _______________________________
2. sila _______________________________
3. kita _______________________________
4. kayo _______________________________
5. natin _______________________________
ASSESSMENT CHECKLIST

I- Bahagi

Asignatura: Filipino Linggo: 5 Tagal: 1-5 Araw Petsa:

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Nagagamit ang iba’t- ibang panghalip panao sa usapan at pagsasabi sa sariling karanasan ( MELC
F4WG-IfJ-3)
Mga Layunin:
 Magagamit ang iba’t- ibang panghalip panao
 Matutukoy ang panahunan at kailanan ng panghalip panao
Paksa: Panghalip Panao at ang Panahunan at Kailanan Nito

II- Bahagi
To be checked by parent/s

PAHAYAG OO HINDI PUNA –


Pakibilogan ang numero ngiyong sagot.

Gawain 1 1- Hindi nagawa


Ang mag aaral ay nagawang punan ang patlang 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
ng angkop na panghalip panao. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 2 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nagawang sagutin ang mga 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
tanung kung una, ikalawa, ikatlong 3- Kinakailangan pagbutihan
panahunan ang ginamit na mga panghalip na 4- Nakasisiya
panao. 5- Higit na Nakasisiya
Gawain 3 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nagawang gamitin sa 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
pangungusap ang mga sumusunod na 3- Kinakailangan pagbutihan
panghalip. 4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Komentaryo:

____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga

Ibibigay kay : _____________________________


(Pangalan ng Guro)

Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)

You might also like