You are on page 1of 3

NUEVA ERA ELEMENTARY SCHOOL

CABATUAN WEST DISTRICT


NUEVA ERA, CABATUAN, ISABELA

SECOND QUARTER SUMMATIVE


PHYSICAL EDUCATION 3
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali. Isulat ang iyong
sagot sa patlang bago ang numero.
__________1. Ang ating katawan ay may kakayahang kumilos kagaya ng simpleng paglalakad.
__________2. Ang bilis ng kilos ay hindi naapektuhan anuman ang direksiyon ang sinusunod nito.
__________3. Ang paglakad sa tuwid na direksiyon ay mas mauuna sa hangganan kaysa sa pagtakbo o
paglundag sa di-tuwid na direksiyon.
__________4. Ang pagsusubaybay sa pabaluktot o paliko-likong daan ay hindi nagiging hadlang upang
mapadali ang kilos ng katawan.
__________5. Ang paglundag nang mabilis ay hindi pa rin katibayan upang makarating agad sa hangganan.
B. Panuto: Tukuyin kung anong ibig sabihin ng mga simbolo ng direksiyon na ipanakikita sa bawat bilang.
Paikot pakanan Paikot pakaliwa
Pasulong Pabaligtad
Pabaluktot Patagilid

6. Paglalakad _____________________

7. Pagtalon _____________________

8. Pagtakbo_____________________

9. Paglukso ______________________

10. Paggapang ___________________

C. Panuto: Tukuyin ang tamang kasanayan na inilalarawan ng mga pangungusap.


pagdribol pagpalo siko paghagis
pagsipa pagpasa kilos pagtira
tindig bola direksiyon

______________________11. Ito ay isang kasanayan sa paggamit ng bola na nakalapat sa tapat ng dibdib


kapag nais na itong ibahagi sa kasamahan.
______________________12. Ang manlalaro ay nakayuko habang hinahawakan ang bola para patalbugin.
______________________13. Ang bola ay nakalapat sa mga paa bago ito sipain.
______________________14. Ang bola ay nasa posisyong ibabaw ng manlalaro.
______________________15. Ang manlalaro ay nakabantay sa bolang ipinasa ng kasamahan o kalaban.
______________________16. Sa paggamit ng bola ay kinakailangan ang katawan ay nasa tamang _______.
______________________17. Ito ay isa lamang sa mga kagamitang ginagamit sa ritmikong ehersisyo.
______________________18. Ang bilis o bagal ng paggamit ng bola ay naaayon din sa uri ng _______.
______________________ 19. Sa pagpapatalbog ng bola paikot sa kanan at kaliwa kailangang nakalabas ang
mga ________.
______________________ 20. Sa paghagis ng bola pataas bago saluhin ay kailangang nakalabas ang mga
siko upang mas maigagalaw at maisasagawa ang _____.

Page 1 of 3
Physical Education
D. Panuto: Paghambingin ang mga larawan na nasa hanay A sa kanilang tamang hakbang sa pagsasayaw ng
Kunday Kunday sa hanay B
Hanay A Hanay B
_____ 21. a. Point Step

_____ 22. b. Change Step

_____ 23. c. Arms in reverse T-position

_____ 24. d. Braso sa posisyong lateral

_____ 25. e. Kumintang

E. Panuto: Pagsunud sunurin ang mga hakbang sa pagsasayaw ng Kunday-Kunday mula 1 hanggang 5.
_____ 26. Ulitin ang ikalawa at ikatlong hakbang ng 3 beses.
_____ 27. Isagawa ang Bahagyang hakbang nang 4 na bilang sa kanan at kaliwa pagkatapos ay sabayan ng
Arms in reverse T-position nang may 8 bilang.
_____ 28. Ihakbang ang kanang paa pabalik, isagawa ang Braso sa posisyong lateral ng 2 bilang kasunod ng
Kumintang nang may 4 na bilang
_____ 29. Magsimula sa kanang paa, isagawa ang Pag-iba ng hakbang ng 4 na bilang, pagkatapos isagawa
ang Kumintang nang may 4 na bilang.
_____30. Ulitin lahat ng mga hakbang.
F. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap kung ito ay tama. Ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa patlang.
__________31. Hindi ako tatanggap ng pagkatalo sa laro.
__________32. Pag-aralan at sanayin ko ang aking sarili sa mga hakbang sa paglalaro ng mga Larong Pinoy
upang mas magiging kasiya-siya ang kalalabasan nito.
__________33. Magpakita nang galing sa paglalaro at sisikaping hindi matalo upang dadami ang mga
kaibigan.
__________34. Nakatatamad itong laruin at mas pipiliin ko ang maglaro ng gadget.
__________35. Mandaya upang manalo sa laro.

Page 2 of 3
Physical Education
__________36. Ang Palo Sebo ay nilalaro sa pamamagitan ng kasanayan sa paglakad sa iba’t ibang
direksiyon at kinakailangan ang lakas ng pakiramdam kung saan at paano papalo ng malakas
kapag siguradong may matatamaan na.
__________37. Ang Jack en poy ay nilalaro sa pamamagitan ng mga kasanayan sa paglakad, pagtakbo at
paglundag upang maiwasan ang pagkakamali.
__________38. Ang Tumbang Preso ay isang laro na nasusubok ang kasanayan sa pagtakbo, paglakad, at pag-
iwas sa mabagal at mabilis na paggalaw sa iba’t ibang direksiyon.
__________39. Ang Luksong Tinik ay nilalaro ng dalawang grupo. Pinagdudugtong ang mga daliri sa paa at
kailangan hindi sumayad at makatalon ang lahat ng manlalaro.
__________40. Ang Hilahang Lubid naman ay binubuo ng dalawang grupo hihilahin ang lubid nang malakas
at kung sino ang mahina ay talo.

Page 3 of 3
Physical Education

You might also like