You are on page 1of 3

Fourth Quarterly Exam in EsP 10

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapangalaga ng
kalikasan?
A. magpatupad ng mga batas B. magpatupad ng mga programa
C. magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado D. matapang sa pakikipaglaban para sa bayan

2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring epekto ng global warming?


A. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.
B. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
C. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
D. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian.

3. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
A. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.
B. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.
C. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.
D. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit, kailangan niya itong
alagaan at pahalagahan.

4. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?


A. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.
B. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag.
C. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan.
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing
pangkalikasan.

5. Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng ________.


A. nakapaligid sa atin. B. nilalang na may buhay.
C. bagay na nagpapayaman sa tao. D. tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay.

6. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan, alin sa sumusunod
ang iyong gagawin?
A. Magdarasal para sa bayan.
B. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
C. Gagawa ng mga programang susundan ng barangay upang makatulong ng malaki.
D. Lilinisin ang Ilog Pasig at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa Ilog Pasig.

7. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang paggamit sa kalikasan ng __________.


A. walang pakundangan B. may pananagutan
C. naaayon sa sariling kagustuhan D. hindi isinasaalang-alang ang iba

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa maling pagtrato sa kalikasan?


A. pagsusunog ng basura B. paghiwa-hiwalay ng basura
C. hindi maayos na pagtatapon ng basura D. pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig

9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?
A. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
B. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.
C. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

10. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang ginagawa?
A. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kaniya.
B. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling.
C. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan ng
pag-unlad at panahon.
D. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang pagkawasak
ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran.

11. Aling isyung moral ang tumutukoy sa gawaing pagtatalik bago ang kasal?
A. pornograpiya B. prostitusyon
C. pre-marital sex D. pang-aabusong seksuwal
12. Alin sa sumusunod ang siyang pinakamatandang propesyon na nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera?
A. panghahalay B. pre-marital sex
C. pornograpiya D. prostitusyon

13. Alin sa mga sumusunod ang maling paniniwala ukol sa pornograpiya?


A. Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na nagpapakatao.
B. Nagpapakita ng mga hubad na larawan ang pornograpiya na maituturing na sining.
C. Ginagamit ng mga pedophiles sa internet ang pornograpiya upang makuha ang kanilang bibiktimahin.
D. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao sa mga
abnormal na gawaing seksuwal.

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na esensiya ng seksuwalidad?


A. Ang gawaing paglalaro ng sariling pag-aari at ng kapuwa.
B. Paggamit ng kasarian ng mag-asawa para sa pagtatalik na tunguhing magkaroon ng anak.
C. Paghihikayat ng mga magulang sa kanilang mga anak makipagtalik o mapagsamantalahan upang magkapera.
D. Ang mga pedophile na tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban subalit ang layunin pala ay
maisakatuparan ang pagnanasa.

15. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa mga isyung seksuwal?


A. Si Ana ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
B. Maganda ang hubog ng katawan ni Melissa kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang nakahubad.
C. Niyaya ni Manuel ang kasintahang niyang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
D. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang
boyfriend na si Ariel.

16. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?


A. isang karapatang makaranas ng kasiyahan
B. kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay
C. tama kapag may parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito
D. pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa

17. Nag-iisa sa bahay si Helen at dumating ang kaniyang kasintahang si Jonel. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng
kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong halikan si Helen. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman
ang nandito.” Kung ikaw si Helen, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa bahay.
B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jonel.
C. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.
D. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyayari sa kanila.

18. Alin sa mga sumusunod ang layunin na tumutugon sa pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos?
A. magkaroon ng anak at magkaisa B. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
C. makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak D. magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan

19. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag
tumuntong na sa edad ng pagdadalaga at pagbibinata. Subalit hindi ito nangangahulugang maaari na silang
makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento
ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Alin sa mga sumusunod na katotohanan
ang ibinubuod ng pahayag na ito?
A. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
B. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata na.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na makipagtalik.

20. Alin sa mga sumusunod ang tamang pananaw upang ang isang kabataan ay huwag pumasok sa pre-marital sex?
A. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.
B. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
C. Ito ay normal at likas ng gampanin ng katawan upang maging malusog ang katawan.
D. Hindi pangangailangang biyolohikal ang pakikipagtalik tulad ng pagkain at hangin na ating hinihinga.

21. Anong isyu ang may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga
ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa at himig ngunit hindi kinilala ang pinagmulan
bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya?
A. fair use B. intellectual piracy
C. plagiarism D. whistleblowing
22. Kinilala ng ating batas na magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng
aktor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan at tamasahin ito? Anong prinsipyo
ang tinutukoy dito? Prinsipyo ng _______.
A. Fair Use B. Katapatan
C. Confidentiality D. Intellectual Honesty

23. Si Celso ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa
kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag
niya? Prinsipyo ng ________.
A. Katapatan B. Confidentiality
C. Intellectuality D. Intellectual Honesty

24. Si Melissa ay pinaghihinalaang isang call girl sa kanilang lugar dahil sa inggit sa kaniyang karisma at sa
maraming humahangang kalalakihan sa ganda niya. Anong uri ng kasinungalingan ang halimbawa nito?
A. white lies B. jocose lies
C. officious lie D. pernicious lie

25. Anong klaseng lihim ang tinutukoy sa halimbawa ng dating bilanggo na nagsisikap makapagbagong buhay sa ibang
lugar upang itago ang kaniyang dating buhay?
A. hayag B. di hayag
C. natural secret D. promised secret

26. Ano ang isyung may paglabag sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo
ng bagong likha?
A. theft B. plagiarism
C. whistleblowing D. intellectual piracy

27. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagsisinungaling gamit ang mental reservation?
A. Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Klaws na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging
mabait nito.
B. Pagtanggi niya sa pagkain ng hita ng pritong manok na nasa malaking pinggan, na ang totoo ay kinain niya.
C. Pagbibigay ng guro ng dagdag na puntos sa kaniyang klase mula sa ipinakita nitong katahimikan ngunit hindi
naman niya ito tutuparin.
D. Pagtatago ng charitable institution sa mga personal na impormasyon upang masagip ang reputasyon mula sa
kahihiyan sa mga taong mapanghusga.

28. Anong sitwasyon ang nagpapakita na isang ang tao ay naninindigan na sundin at ingatan ang katotohanan?
A. Pagtatago ng sekretarya ng doktor ng medical records ng mga pasyente.
B. Pagpaparami ng kopya ng mga pelikula sa pamamagitan ng mga pirated CD.
C. Pagkakalat ng maling bintang ng pagnanakaw ng pera na hindi naman kinuha.
D. Pagkopya ng isang estudyante ng pomosong artikulo ng sikat na manunulat para sa kanilang thesis.

29. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay hindi lamang indikasyon ng mababang uri ng kaalaman at kakayahan, kundi isang
kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao. Ang mga sumusunod ay paraan para ito ay maiwasan MALIBAN SA:
A. pagkatakot o isang kahihiyan na mabansagan na mangmang
B. malayang pagpapahayag ng kaisipan sa pagbuo ng ideya o konsepto
C. pagbuo ng sariling konklusyon ay makatutulong sa sarili na magpahayag
D. magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon o stand sa anumang argumento

36. Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Sa bawat tao
na naghahanap nito, masusupungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-
aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao?
A. kaligayahan at karangyaan B. kaligayahan at kaligtasan
C. kaligtasan at katiwasayan D. katahimikan at kasiguruhan

II. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang pangalan ng iyong guro sa EsP kung Tama at apelyido naman kung
mali ang pahayag.
31. Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao.
32. Ang mga estatwa gaya ng “oblation” ay halimbawa ng pornograpiya.
33. Hindi masama ang prostitusyon sapagkat ito ay nakapagbibigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo na
sa kababaihan.
34. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng taong kasangkot dito.
35. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera.
36. Ang paggamit ng ating sarili para sa seksuwal na gawain ay mabuti ngunit maaari lamang gawin ng mga taong
pinagbuklod ng kasal.
37. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa ikabubuti o ikasasama ng tao.
38. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad.
39. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan.
40. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay nakaaapekto sa dignidad ng tao.

You might also like