You are on page 1of 85

{\rtf\ansi\deff0\fs20

{\fonttbl{\f0 Times New Roman;}}


{\colortbl;\red0\green0\blue0;}
{\info
}
\paperw11907 \paperh16840 \deftab1298 \margl1701 \margr1701 \margt567 \margb1134 \
pgnstart1\ftnnar \aftnnrlc \ftnstart1 \aftnstart1
\pard \ql {\fs20 \b Obsession 1, Owning Her (Comp...\b0 \line \b About the Series
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line This is stand-alone mini-
series composed of six books. This series focused on the story of obsessed men in
love. They can do anything for the girl they desires with. They are willing to
sacrifice anything for the sake of love even it will bring them in risk. \line \
line \line This is not an ordinary novel about obsession. Some people think about
what obsession really was. It sounds scary but this story didn't scare you like the
other obsession related stories. Expect some realistic scenes and details related
to psychological issues. But it might be different. It contents erotic and romantic
scenes with a touch of reality.\uc0{\u160}\line \line \line \b Teaser
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line
\line \line \line PUMAYAG si Alexa San Diego sa desisyon ng Papa niya na pakasalan
niya ang nag-iisang anak ng boss nito na si Franco Santa Maria. Guwapo ang binata,
business minded at sikat na ramp model. Si Franco mismo ang lumalapit sa kanya kaya
wala siyang dahilan para tumanggi.\line \line \line Okay na ang lahat, nakaplano at
maganda na ang naging samahan nila ng lalaki. Ngunit habang papalapit ang kasal
nila ay napapansin niya ang unti-unting pagbabago ni Franco, na tila wala na itong
interes sa kasal. Kasabay sa pag-iwas nito sa kanya ay biglang dumating ang pinsan
nitong si Gaizer Santa Maria. Ang lalaking isinumpa niya dahil sa isang gabing
namagitan sa kanila na tinakasan nito.\line \line \line Ngunit bakit hindi niya
magawang panindigan ang galit dito? Hindi niya magawang pigilan ang tuluyang
pahimasukan nito sa kanyang buhay. Gumagawa ng paraan ang binata para mapalapit sa
kanya. At ang gabing minsan nilang pinagsaluhan ay hindi niya napigilang muling
naulit.\line \line \line \b Prologue [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \
line \line \line \line \line \line \line \line \line NAAPEKTUHAN
ang payapang buhay ni Alexa dahil sa mga natutuklasan niyang pagbabago ng boyfriend
niyang si Rendel. Sinusundan niya ito saan man ito magpunta hanggang sa matagpuan
niya ito sa isang bar sa Makati kasama ang barkada nito. First time niyang nakitang
umiinom ng alak ang binata. May isang babae sa grupo na noon lamang niya nakita.
Kasama roon ang kababata nitong si Zed Morgan at ang college friend nito na si
Gaizer Sta. Maria. Kasama din ang pinsan ni Rendel na si Oscar.\line \line \line
Katabi ni Rendel ang magandang babae. Sa gawing kaliwa ng babae ay si Gaizer.
Iginiit niya sa sarili na girlfriend ni Gaizer ang babae kaya kalmante siyang
lumapit sa mga ito. Pero nang mapansing lasing na si Rendel ay pinili niyang umupo
sa tabi ni Zed, katapat ng kanyang nobyo. Halos hindi na siya nito makilala dahil
sa kalasingan. Napatingin siya sa babaeng katabi nito na halos ikiskis ang katawan
sa kanyang nobyo. \line \line \line Tumayo siya at akmang hihilahin palayo ang
babae ngunit may sumalo sa kamay niya. Naibaling niya ang tingin kay Gaizer na
siyang may hawak sa kamay niya. Mukhang hindi ito lasing.\line \line \line "Relax,
huwag kang kill-joy. Just seat down and enjoy the moment. What do you want to
drink?" sabi pa ni Gaizer.\line \line \line Marahas niyang binawi ang kanyang
kamay. "Sorry, I'm not here to join with you. Gusto ko lang pauwiin ang nobyo kong
nilasing ninyo!" asik niya.\line \line \line Nilapitan niya si Rendel at inakay
patayo ngunit bigla siya nitong itinulak. Tumalsik siya sa kabilang mesa na wala
nang tao. Hinayaan niyang maglakad mag-isa si Rendel. Tumayo din ang babaeng kasama
sa grupo at sumunod sa kanyang nobyo. Kasunod din ng mga ito si Gaizer. May ilang
minuto bago niya naisipang sundan ang kasintahan. \line \line \line Pagdating sa
garahe ng naturang bar ay tinungo niya ang kotse ng kanyang nobyo. Nakabukas ang
pinto sa driver seat. Nang silipin niya sa loob ay nawindang siya nang masaksihang
nakapangko ang babae sa kandungan ng kanyang nobyo at naghahalikan ang mga ito.
Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. \line \line \line Hindi niya
napigil ang galit at hinila niya ang mahabang buhok ng babae saka ito kinaladkad
palabas ng kotse. Nang bumulagta na ito sa sahig ay saka niya ito pinagsusuntok sa
mukha. Hindi siya nagpaawat hanggang sa may kamay na humaklit sa balikat niya.
Hinila siya nito patayo. Nang harapin niya at malamang si Rendel ay inilagay niya
lahat ng lakas sa kanyang kamao saka isinuntok sa mukha ng lalaki.\line \line \line
"Break-up is not enough, asshole!" gigil na sabi niya matapos magpakawala ng
suntok.\line \line \line Bumulagta sa sahig si Rendel. To the rescue naman ang mga
kaibigan nito. Gusto pa niyang saktan ang hudyo pero may humila sa kanya papasok sa
bar. Hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid. Bumalik siya sa iniwang puwesto
ng grupo ng hangal niyang nobyo saka tinungga ang naiwang beer. Hindi siya
nakontento, nag-order pa siya ng brandy.\line \line \line Domudoble na ang paningin
niya. Pero malaking tulong ng alak dahil gumaan ang pakiramdam niya at unti-unti
niyang nakakalimutan ang sakit. On the spot, gusto niya instant lahat, gaya ng
instant na sakit na nakita niya kanina. Nang kumapal na ang mukha niya ay tumigil
na rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Naramdaman niya at nakita niya ang pamilyar
na lalaki na umupo sa tabi niya.\line \line \line "I guess you don't like the taste
of liquor. You don't even control yourself when drunk. Need some help?" wika ng
lalaki.\line \line \line Tiningnan niya ito deretso sa mukha. Mas guwapo ito
kumpara sa ex-boyfriend niya. Ilang beses na niya itong nakita sa construction
company na pinagtatrabahuhan ni Rendel pero never niya itong nakausap nang
personal. Kilala lang niya ito sa pangalan at mukha.\line \line \line "I need more
alcohol," aniya.\line \line \line Lalaklakin pa sana niya ang isang baso ng beer
pero pinigilan nito ang kamay niya. \line \line \line "Enough. Liquor don't usually
ease the pain in your heart. Maaring pakakalmahin ka pansamantala pero paano bukas
paggising mo na wala nang epekto ang alak sa katawan mo? Let me bring you home,"
anito.\line \line \line "No! Let me stay and give me that fucking beer!" asik
niya.\line \line \line "Fine." Pinagbigyan siya nito.\line \line \line Nang maubos
niya ang laman ng bote ay tuluyang na-blanko ang utak niya at namanhid ang buo
niyang katawan.\line \line \line Nahimasmasan si Alexa nang maramdaman niya ang
mainit na bagay na naglalakbay sa hubad niyang katawan. Apektado pa rin ng alcohol
ang buong sistema niya pero hindi na ganoon katindi na halos wala siyang
maramdaman. Nakatitig siya sa puting kisame na may nakasabit na magarang
chandelier. Wala siya sa bahay nila at lalong wala na sa bar.\line \line \line
Umigtad siya nang napadpad ang mainit na bagay sa kanyang dibdib. May mabigat na
dumagan sa kanya. First time itong nangyayari sa kanya pero wala siyang maramdamang
takot dahil sa magkahalong sakit at galit na nararamdaman niya kay Rendel.\line \
line \line Bumaling ang tingin niya sa lalaking nasa ibabaw niya. Isang lalaking
hindi niya inaasahang kasama niya ngayon. Hindi siya sigurado kung ito din ang
kasama niyang naglasing sa bar o ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Naramdaman
niya ang bigat ang mainit na kahubaran nitong dumadaiti sa hubad niyang katawan.\
line \line \line "Ano'ng plano mo sa boyfriend mo?" seryosong tanong nito.\line \
line \line "What do you think? Do you think he deserve a second chance? Of course,
he hasn't. But it's not a good idea I think," wika niya. Naisip niyang itulak ang
lalaki pero wala siyang lakas.\line \line \line Nang madama niya ang matigas nitong
dibdib ay tila nanumbalik ang pagkalango niya sa alak.\line \line \line "Narinig ko
na nature na daw ng mga lalaki ang madaling matukso sa mga babae," sabi nito.\
line \line \line "Damn but I proved it is true!" komento niya.\line \line \line
"Not all men is in the list, lady. I'll prove it to you."\line \line \line Pumikit
siya nang siilin nito ng halik ang labi niya. Nakatulong ang halik na iyon upang
siyang saglit na makalimot. Sa kanyang pagtugon ay lalong naging marubrob ang halik
na iyon hanggang sa muling sakupin ng mainit nitong bibig ang mayayaman niyang
dibdib. \line \line \line Mamaya ay naglakbay ang mainit nitong panlasa sa ibabang
bahagi ng kanyang katawan. Umungol siya nang maggalugad ito sa inosente niyang
kaselanan. Nanlumo siya lalo dahil sa ginagawa nito sa kanyang katawan. Makalipas
ang ilang sandali ay naglakbay muli paakyat sa kanyang dibdib ang bibig ng
kapareha. Huminto ito sa kanyang leeg. Subalit naramdaman niya ang isang kamay nito
sa pagitan ng kanyang mga hita.\line \line \line Hindi niya namalayang tinanggap
niya ang panauhin at kusang naghiwalay ang mapipintog niyang hita. Gumiit ang
ibabang bahagi ng katawan nito roon. Naramdaman niya ang labis na kahandaan nito.
Dumilat siya at tumitig sa uhaw na mga mata ng lalaki. Hindi niya maipaliwanag kung
bakit nakuha nito ang buong tiwala niya na walang kahirap-hirap.\line \line \line
Hindi siya pumiglas nang unti-unti siya nitong angkinin. Makirot ngunit naroon ang
sensasyong unti-unting tumutupok sa sakit na dulot ng pag-angkin nito sa kanya at
maging sa sakit na naroon sa kanyang puso. Nang tuluyan nitong naangkin ang kanyang
inosenteng pagkababae ay saka lamang tuluyang lumiyab ang init na nagtatago sa
kanyang kaibuturan.\line \line \line Sa bawat pag-unos ng sandata nito sa kanya at
naghahalo at hapdi at sarap na hindi niya kayang ipaliwanag sa pamamagitan ng
kanyang tinig. Tanging boses ng kaligayahan ang lumalaya mula sa kanyang bibig.\
line \line \line "Re..." \line \line \line "Sss... it's me, G-Gaizer," bulong sa
kanya ng lalaking umaangkin sa kanya.\line \line \line Hindi na lamang niya
itinuloy ang pangalang bibigkasin. Ang mahalaga ay hindi estranghero ang maswerteng
inalayan
niya ng kanyang sarili. Panahon na para kalimutan niya si Rendel na ilang beses na
niyang pinagdudahan na may karelasyong iba. At sa huling pagkakataon ay hindi siya
nabigo na malamang hindi siya nag-iisa sa buhay nito.\line \line \line Ngayon alam
na niya kung bakit ipinipilit noon ni Rendel na mag-cool-off muna sila para pareho
silang makapag-relax sa relasyon nilang puro away at bati. Malamang matagal na
itong nanlalamig sa kanya.\line \line \line Naging makulay ang unang karanasan ni
Alexa dahil sa buong magdamag na magkasama sila ni Gaizer ay hindi siya nito binigo
na ihatid siya sa kaluwalhatian nang ilang ulit. \line \line \line NWINDANG si
Alexa paggising niya ay nakalatag ang pera sa ibabaw ng bed side table. May pinunit
na tissue paper na may sulat kamay sa tabi ng bundle na pera na puro isang libo.\
line \line \line Nagmadali siyang nagbihis. Binasa niya ang nakasulat sa tissue
paper.\line \line \line \i Sorry, I need to go early. I have emergency call and I
need to book a flight. Please pay the hotel bill and use the exist money for taxi.
Thanks for the awesome night. See you.\i0 \line \line \line \i Gaizer\i0 \line \
line \line Parang binuhusan ng kumukulong tubig si Alexa. Pagkatapos ng lahat na
naganap ay maiiwan siya sa ere? Kinuha niya ang perang nagkakahalaga ng sampung
libong piso. Pinunit niya ang sulat at inihagis sa basurahan.\line \line \line
Tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama. Tumatawag si Rendel.
Kunuha niya ang cellphone at pinindot ang answer key.\line \line \line "Ikaw! Ang
kapal nang mukha mong tumawag pa sa akin? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang pinadala
kong mensahe? Tapos na ang lahat sa atin noong gabing nahuli kita! Tigilan mo na
ang paliwanag na walang katuturan! Sinira mo na ang buong pagkatao ko!" singhal
niya sabay off sa kanyang cellphone.\line \line \line Hindi siya nakontento,
tinanggal niya ang sim card at pinutol. Punong-puno ng galit ang puso niya.
Lumuklok siya sa gilid ng kama saka humagulgol.\line \line \line "Mga hayop! Pare-
pareho lang kayo!" nanggagalaiting sigaw niya.\line \line \line Nang maibsan ang
galit na nadarama niya ay nag-check-out siya sa hotel pero hindi pa siya umalis.
Tumambay siya sa bar ng hotel at inubos ang perang natira sa alak. Hindi siya
tumigil sa paglaklak ng matatapang na alak hanggang sa makalimot siya.\line \line \
line \b Chapter One [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \
line \line \line \line \line \line "Congratulation!" bati ng boss ng papa ni Alexa
sa kanya. \line \line \line Nang lumabas ang result ng board exam para sa
architecture ay isinama kaagad ni Manuel si Alexa sa kumpanyang pinagtatrabahuhan
nito. First attempt niya ay nakapasa siya sa exam. Tama ang payo ng Papa niya na
focus ang kailangan.\line \line \line Alam niya na hindi madali dahil sa mga
nakaraang nagpahirap sa kanya. Pero dahil sa kagustuhang mapasaya ang kanyang ina
na kasalukuyang nasa ospital, isinantabi niya lahat ng pansarili niyang problema.
Hindi naman makakatulong sa pag-unlad niya ang mga iyon.\line \line \line Last week
ay naisugod sa ospital ang Mama niya dahil sa stroke. Mabuti at naagapan pero
naparalisa ang kaliwang bahagi ng katawan nito. Kumapit na sa patalim ang Papa niya
para lang matugunan ang pangangailangan ng kanyang ina. Nagkataon kasi na naubos
ang naipon nitong pera sa medical training ng Kuya Ace niya sa Amerika. Sumabay pa
ang gastos sa exam niya. Sumabay pa ang pagpapagawa ng bahay nila na naudlot dahil
sa nangyari sa Mama niya.\line \line \line Napilitang umutang ng isang milyon ang
Papa niya sa boss nito. Dahil matalik na magkaibigan ang dalawa, madaling
nagkabigayan ng pera. Pero nasurpresa siya nang malamang may usapan pala ang dalawa
noon pang hindi pa inatake ng sakit ang Mama niya. Nagulat na lang siya sa magaang
pakikitungo sa kanya ni Engr. Roger Sta. Maria.\line \line \line Nasa lobby sila ng
Sta. Maria Real Estate Developer. \line \line \line "So, let's talk about the
arrangement, Manuel," sabi ni Roger.\line \line \line Tumabang ang ngiti ni Manuel
at bumaling ng tingin kay Alexa. "Okay. Nabanggit ko na sa anak ko ang tungkol sa
arrangement. Pero hindi naging malinaw sa kanya," ani Manuel.\line \line \line
Kinakabahan si Alexa. Kagabi kasi ay napag-usapan nila ng Papa niya ang tungkol sa
pag-aasawa. Hindi naman daw masamang mauuna siyang mag-asawa kaysa sa Kuya niya.
Noong nag-aaral pa lang siya ay nangako siya rito na sino man ang lalaking pipiliin
nito na pakasalan niya ay hindi siya tatanggi. May tiwala kasi siya sa panlasa nito
pagdating sa mabuting lalaki.\line \line \line "Good. Kilala mo naman siguro ang
anak ko, Alexa," sabi ni Roger.\line \line \line Seryoso siyang tumitig sa ginoo.
Kinakabahan siya dahil isa lang ang kilala niyang anak nito. Hindi pa niya iyon
nakikilala nang personal pero sikat kaya masyadong mataas ang tingin niya rito.\
line \line \line "Yes, sir. Si Franco po ba?" aniya.\line \line \line "Yes. Nag-
iisang anak ko siya. Matagal na kaming nagkasundo ng anak ko. Alam niya na wala
akong karapatan sa rights ng Sta. Maria group of companies. Nakasaad sa Last Well
and Testament ng Tatay ko na ang unang apo niyang lalaki na unang makapag-asawa o
magkapamilya ay siyang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Kahit namatay ang
nakababata kong kapatid na lalaki, hindi pa rin ako magkakaroon ng share to be
exact dahil may anak ang kapatid ko. Wala ring share ang asawa niyang naiwan. So
ang pag-asa ko na lang ay si Franco. Gusto kong lubusin ang pagkakataon habang
hawak ko ang ari-arian ng Tatay ko. Inamin naman sa akin ni Franco na wala pa
siyang nakitang babae na papakasalan. Kaya ako ang pinagpasya niya. Ayaw din niyang
mawalan ng karapatan sa kumpanya. So noon pa namin napagkasunduan ni Manuel ang
tungkol dito. Inaasahan ko na naipaliwanag niya sa iyo nang maayos ang tungkol
dito," paliwanag ni Roger.\line \line \line Paulit-ulit na lumunok si Alexa.
Malinaw sa sinabi nito na siya ang gusto nitong ipakasal kay Franco. Tiningnan niya
ang kanyang ama. Ngumiti ito ng matabang. Pero habang iniisip niya ang hirap at
sakripisyo nito para mapagtapos sila ng pag-aaral at maipagamot ang Mama niya ay
biglang lumabot ang puso niya. Naisip niya, walang mawawala kung papayag siya.
Single siya ng dalawang taon matapos ng kabiguan niya sa relasyon. Dalawang taon
din siyang tambay matapos niyang magtapos sa pag-aaral dahil kapos sa budget.
Priority kasi ang Kuya niya na pagkatapos ng medisina ay nagpapakadalubhasa pa para
maging surgeon. Kaya butas ang bulsa ng Papa niya.\line \line \line Tumigil sa
pagtuturo bilang high school teacher ang Mama niya dahil na-diagnose ito na
mayroong coronary heart disease. Ang bahay nila sa Makati ay hindi matapos-tapos
may limang taon na. Hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin sila sa isang unit ng
condominium na pag-aari ng mga Sta. Maria. Discounted pa nga sila dahil matagal
nang engineer ang Papa niya sa Sta. Maria construction company. Ayaw ng Mama niya
na tumira sa village na pag-aari ng mga Sta. Maria kaya napilitang bumili ng home
lot ang Papa niya sa Makati.\line \line \line "Ako po ang napili ninyong pakasalan
ni Franco, sir?" tanong niya kay Roger, matapos makapag-isip.\line \line \line
"Yes. Alam na rin iyon ni Franco. Actually he wants to invite you for dinner
tonight," sabi ng ginoo.\line \line \line Lalong kumabog ang dibdib niya. Nilinis
niya ang kanyang lalamunan. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang ama. Magaan na ang
ngiti nito.\line \line \line "Huwag kang mag-alala, anak, alam na ito ng Mama mo.
Natutuwa nga siya. Kilala na namin si Franco kaya hindi kami nababahala na
mapapahamak ka. Napakabuti niyang tao," sabi ng kanyang ama.\line \line \line
Bumuga siya ng malalim na hininga. "Mas okay po siguro kung makapag-usap muna kami
nang personal ni Franco," aniya pagkuwan.\line \line \line "Walang problema. I'll
call him later," sabi ni Roger.\line \line \line "Thank you. Salamat po sa regalo,"
aniya.\line \line \line Kanina pa siya curious sa napakalaking kahon ng regalo na
binigay sa kanya ni Mr. Sta. Maria. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa mga ito.
Nauna siyang umuwi dahil bibisitahin pa niya sa ospital ang Mama niya.\line \line \
line Pagdating sa unit nila ay binuksan kaagad niya ang regalo na mas malaki pa sa
kanya. Magaan pero matigas. Nang mabuksan ang kahon ay nasurpresa siya nang makita
ang house model na dalawang palapag. Gawa ito sa kahoy na kinulayan na parang
totoo. Masisilip sa loob. Mabubuksan ang munting pinto at bintana. Ganoon ang mga
house model na nakikita niya sa Real Estate companies. Binuksan niya ang pinto sa
unang palapag. May nakita siyang maliit na sobreng kulay puti.\line \line \line
Kinuha niya ang sobre at binuksan. May sulat sa loob.\line \line \line \i
Congratulations! You're hired as Architect of Sta. Maria Construction company!\i0 \
line \line \line \i Please send to the phone number below your confirmation with
your name and contact number.\i0 \line \line \line Napatili siya sa tuwa matapos
mabasa ang sulat. Matagal na niyang pangarap na magtranaho sa kumpanya ng Sta.
Maria. Kinuha kaagad niya ang kanyang cellphone at pinadala sa mensahe ang
hinihingi ng kumpanya.\line \line \line KINAGABIHAN ay nagtungo si Alexa sa ospital
sa Makati kung saan naka-confined ang Mama niya. Pagdating niya ay paalis na si
Aleng Magda, ang nakababata nitong kapatid na walang anak at asawa. Naroon na rin
ang Papa niya.\line \line \line "O, anak, akala ko ba magdi-dinner kayo ni Franco,"
wika ng kanyang ama.\line \line \line "Pa, wala pa namang tumawag sa akin," aniya.\
line \line \line "Pero binigay na ni Roger ang phone number mo kay Franco."\line \
line \line "Baka po bukas o sa susunod na araw."\line \line \line "Hindi ko alam.
Basta hintayin mo ang text o tawag niya."\line \line \line Natutulog pa ang Mama
niya. Nilapitan niya ang Papa niya nang makaupo na ito sa sofa. Umupo siya sa tabi
nito.\line \line \line "Pa,
alam mo ba kung ano ang gift sa akin ni Engr. Sta. Maria?" sabi niya.\line \line \
line Abala sa paghahanda ng biniling pagkain ang Papa niya. "Ano?" kaswal nitong
tanong.\line \line \line "Isang napakagandang two story house model. At ang laman
ng bahay ay isang sulat na nagsasabing in-hired nila ako para magtrabaho sa
kumpanya nila," masiglang balita niya.\line \line \line Awtomatikong tumingin sa
kanya ang Ginoo na nanlalaki ang mga mata. "Talaga, anak?" hindi makapaniwalang
untag nito.\line \line \line Tumango siya. "Yes, Pa."\line \line \line "Wow! Alam
mo ba na hindi madaling makapasok sa kumpanya ng Sta. Maria? Aba, ang swerte mo,
anak."\line \line \line "Oo nga po." Biglang napalis ang ngiti niya nang maalala na
baka parte pa rin iyon ng pabor na hinihingi ni Roger.\line \line \line "O bakit
parang malungkot ka?" nag-aalalang tanong ng Papa niya.\line \line \line "Baka ho
kasama iyon sa package sa pagpapakasal ko kay Franco," aniya.\line \line \line "So,
away mo ng ganun? Maswerte ka nga. Isang mahusay na engineer si Franco at kilala
siyang model. Bata pa lang siya ay marami na siyang narating. Nasubaybayan ko ang
paglaki ng batang iyon. Mabuti siyang lalaki. Siguradong wala kang pagsisihan sa
kanya."\line \line \line "Hindi naman sa kontra ako pero nag-aalala lang kasi ako.
Baka hindi ako magustuhan ni Franco," malungkot na sabi niya.\line \line \line
"Imposibleng hindi. Ang ganda kaya ng anak ko."\line \line \line Napangiti siya at
yumakap sa kanyang ama. "Thanks, Pa. Kayo ang bukod tanging lalaki na sobrang
gandang-ganda sa akin."\line \line \line "At bakit hindi? Anak kita, eh."\line \
line \line Natawa siya.\line \line \line Mamaya ay tumunog ang cellphone niya para
sa tawag. Dagli niya itong dinukot mula sa kanyang shoulder bag. Unregistered
number ang tumatawag. Na-excite siya nang maisip na maaring si Franco na iyon.
Tumayo siya.\line \line \line "Baka si Franco na iyan, anak," sabi ng Papa niya.\
line \line \line "Baka ho. Lalabas lang po ako baka biglang magising si Mama,"
aniya.\line \line \line Pagdating sa labas ng kuwarto ay sinagot niyaa ng caller.
Ginandahan niya ang kanyang boses para hindi ma-disappoint si Franco.\line \line \
line "H-Hello!" aniya.\line \line \line "Hi, Alexa! How are you?" sagot ng boses
lalaki.\line \line \line "I'm fine. May I know you, please?" sabi niya.\line \
line \line "Before I introduce myself, I want to apologized for disturbing you."\
line \line \line Nawala ang focus niya sa kausap nang makita niya si Franco na
paparating at may bitbit na isang basket ng prutas at punpon ng pulang rosas. Kung
hindi si Franco ang kausap niya, sino? Tulalang nakatitig siya sa matangkad na
lalaking huminto sa tapat niya. Nangniningning ang kaguwapuhan nito. Mukhang bagong
ligo dahil mamasa-masa pa ang abuhing buhok nito na may dalawang pulgada ang haba
na nakasuklay palikod. Bagong ahit din ang balbas nito. Nakakaagaw pansin ang
katamtamang laki ng mga mata nito na abuhin na naliligiran ng katam-tamang kapal na
pilik at kilay. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na makitid gayundin ang mamula-
mula nitong labi na maninipis.\line \line \line Ngayon lang niya nakaharap nang
personal ang binata. Hindi niya akalain na ganoon ito ka-attractive. May two inches
na lang para maging six footer ito. Simple lang itong manamit. Bughaw na maong
pants at abuhing polo-shirt. Hiyang-hiya siya sa ayos niya ngayon. Hindi niya
inasahan na magkikita sila ngayong gabi kaya nagsuot lang siya ng puting maong
short pants na kalahati ng hita niya at pulang blouse. Ang ga-baywang niyang buhok
niya ay inipon lang niya at iisang bungkos na pagkataas-taas. Ni wala siyang make-
up at lipstick.\line \line \line Pinutol muna niya ang linya sa tumatawag saka
pormal na hinarap ang kanyang bisita. Paulit-ulit niyang nilinis ang kanyang
lalamunan.\line \line \line "Uhm, h-hi!" naiilang na bati niya sa binata.\line \
line \line "You're Alexa San Diego, right?" untag nito.\line \line \line "Y-yes, I
am," sagot niya.\line \line \line "I'm Franco Sta. Maria. I think we don't need to
ask ourselves about the arrangement. But I want to meet you in person and discuss
about the plan over dinner. So, can I invite you for dinner tonight?" seryosong
sabi nito.\line \line \line "Ah, sure. Pero uuwi muna ako para magbihis. Hindi kasi
ako prepared," aniya.\line \line \line "Fine. I'll wait for you here. Or mas okay
kung ihatid kita sa bahay ninyo at doon na kita hihintayin."\line \line \line "Okay
din."\line \line \line "Anyway, this is for you," anito sabay abot sa kanya ng
bulaklak.\line \line \line Naiilang pa siyang tanggapin ang bulaklak. Nang bumukas
ang pinto ng kuwarto ng Mama niya ay dagli niyang kunuha ang bulaklak.\line \line \
line "Thank you."\line \line \line Lumabas ang Papa niya. Nasupresa ito nang makita
si Franco. "Franco! Aba, bigla ka atang naparito," anito.\line \line \line "Yes,
Tito. Naisip ko na dalawin naman si Tita Anna at umaasa ding makikita ko rito si
Alexa," sabi ng binata.\line \line \line "Mabuti naman kung ganun. Halika sa loob,"
anang Papa niya.\line \line \line Pumasok muna sila sa loob. Iniwan ni Franco ang
basket ng prutas para sa Mama niya. Pagkuwa'y nagpaalam na sila sa kanyang mga
magulang.\line \line \line NAGING maayos ang pag-usap nila Franco at Alexa tungkol
sa kasal. Halos dalawang oras lang itinagal ang hapunan nila sa isang kilalang
restaurant sa Makati. After three to four months pa daw nito mabibigyan ng
eksaktong petsa ang kasal nila. Marami pa daw kasi itong project at inaasikaso.
Gusto pa daw siya nitong makilala nang lubusan. May usapan sila na tuwing weekend
ay magdi-dinner sila. Sang-ayon siya sa lahat ng gusto nito.\line \line \line Medyo
masungit si Franco at seryoso pero hindi ito high profile. Hindi lang siya sanay sa
sobrang seryosong lalaki. Magkakasama din naman daw sila sa ilang project nito sa
real estate.\line \line \line Mas excited si Alexa na magtrabaho sa Sta. Maria
construction kaysa kasal na matagal pa naman. Hindi muna siya nag-e-expect ng isang
daang-pursiyento baka ika niya'y biglang magbago ang isip ni Franco.\line \line \
line Lunes ng umaga ay maaga siyang nag-report sa Sta. Maria construction. Naroon
din ang main office ng Sta. Maria group of companies. Doon ang sinabi ng HR na nag-
text sa kanya na mag-e-endorse sa kanya.\line \line \line Limang palapag ang
gusali. Alas-otso pa lamang ng umaga ay marami nang empleyadong pumapasok. Kasabay
niya ang mga itong naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang bumukas ang pinto ng
elevator ay sumiksik kaagad siya kahit may mga lumalabas pa. Nasa third floor ang
HR office. Alas-nuwebe ang sinabing oras pero mas mainam nang maaga.\line \line \
line Nang huminto sa third floor ay bumukas ang pinto at naunang lumabas ang nasa
unahan niya. Palabas na siya nang may lalaking humagip sa balikat niya. Napabilis
ang paglabas niya dahil sa puwersa nito. Bago sumara ang pinto ay nilingon niya ang
lalaking humagip sa kanya. Mag-isa itong nakasakay sa elevator. Natigilan siya nang
mapamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Ang tindig nito at pangangatawan ay
mamilyar sa kanya. May isang dipa lang ang layo niya rito. Tumutok ang paningin
niya sa mga mata nito na kung makatingin ay para siyang hinihigop palapit rito.
Bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay nasaksihan niya ang matalim nitong
ngiti.\line \line \line Hindi niya maintindihan ang biglang pagsikdo ng kanyang
puso. Bumilis nang husto ang tibok nito. Doon niya naisip na maaring hindi lamang
iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki. Tumatak sa kukoti niya ang
hilatsa mukha niyon. Mula sa may isang pulgadang buhok nito na abuhin at barber cut
hanggang sa katamtamang puti ng balat, almond shape na mga mata na tila uhaw na
tigre kung tumitig, ilong na nakakaagaw-pansin ang tangos at nipis at mga labing
mala-rosas ang pamumula na naghuhugis pusong maninipis. Mas matangkad lang ito ng
isang pulgada kay Franco sa tingin niya.\line \line \line Kung mas matagal-tagal
niyang nakaharap ang lalaki ay baka mas makilala niya ito. Kung sino man ito sa
nakaraan niya, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga may matinong lalaking
papakasalan siya.\line \line \line \b Chapter Two [Obsession 1, Owning Her
(Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line \line \line \line \line
HINDI na dumaan sa interview si Alexa. Pagkatapos ng orientation ay ipinakilala
siya ni Roger sa mga engineer at architect ng kumpanya maging sa ibang opisyales.
Hindi pa nito binanggit ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Franco. Secreto daw
muna iyon dahil may ilang opisyales sa kumpanya na tauhan pa ng yumao nitong
kapatid na si Engr. Hector Sta. Maria.\line \line \line Naikuwento sa kanya ni
Roger na biglang bumalik ang anak ng kapatid nito para magsilbi sa kumpanya.
Maaring maghahabol din daw iyon sa mana. Pero walang nagawa si Roger sa desisyon ni
Franco na pagkalipas na ng tatlo o apat na taon ang kasal. Inilihim nito ang plano
sa staff ng kumpanya baka raw makatunog ang karebal nila at maungusan si Franco.
Hindi daw pipitsugin ang kalaban. \line \line \line Sa unang linggo ng training ni
Alexa sa Sta. Maria construction ay mas naging malapit siya kay Franco. Nagre-
report si Franco sa kumpanya para sa project. Ito rin ang kasama niya sa training.
Isinasama siya nito sa mga projects nito sa iba't-ibang lugar. Iginala din siya
nito sa on-going housing project nito sa Laguna at Cavite.\line \line \line Katulad
ng napagkasunduan nila, sabado ng gabi ay magkasama sila sa hapunan. Sa haba ng
oras nila ay puro project ang pinag-usapan nila.\line \line \line "Gusto kong
makita ang mga proposed designs mo for housing projects," sabi ni Franco.\line \
line \line Inuubos na lang niya ang kanyang pagkain. "Meron ba kayong townhouse sa
project?" aniya.\line \line \line "Sa Cavite project meron pero ang bago ngayon sa
Laguna ay more on single attached and detached. Gawa ka rin ng townhouse plan.
Complete with
floor plan and house model is better."\line \line \line "Pero nakita ko na ready
na ang designs ng project."\line \line \line "Yes, but more choices more projects.
Malawak ang area ng Cavite project kaya need namin ng maraming design from
different architect. Malay mo, mas maganda ang designs mo. Modern and plain is
clients choice."\line \line \line "Okay."\line \line \line Tinitingnan ni Franco
ang sample design niya na naiguhit niya sa sketch book. Nagawa niya iyon noong nag-
aaral pa siya ng kolehiyo.\line \line \line "Okay sa akin ang style mo. Siguro
bigyang linaw mo pa ang sketch ng floor plan. Sa palagay ko mas nag-improve ka
ngayon," komento nito.\line \line \line Napangiti siya. "Scratch ko lang iyan.
Pasensiya ka na," aniya.\line \line \line "No worries. Hindi naman ako marunong
manlait. Mabuti ka nga marunong gumuhit, Bihira sa industriya natin ang flexible at
kayang gawin lahat ng trabaho sa iba't-ibang larangan," sabi nito.\line \line \line
"Oo nga. Depende rin sa lawak ng karanasan. Katulad ni Papa, halos gamay na niya
lahat ng trabaho," pagyayabang niya.\line \line \line "Kaya nga hindi siya
mabitawan ng kumpanya. Skilled at matalino ang Papa mo," anito.\line \line \line
Tumitig siya sa dalawang kopita na sinasalinan ni Franco ng red wine. Bigla siyang
may naalala sa ginagawa nito. Magmula noong na-eskandalo siya sa bar dahil sa ex-
boyfriend niya ay hindi na siya nakatikim ng kahit anong alak o kahit wine.
Isinumpa niya ang gabing iyon. Pero higit na isinumpa niya ang lalaking nang-iwan
sa kanya sa isang hotel matapos angkinin ang inosente niyang pagkababae.\line \line
\line "I'm just wondering, Alexa. Before you accepted the arrangement between us,
do you have a boyfriend?" bigla'y tanong ni Franco.\line \line \line Humugot siya
ng malalim na hininga. Kinabahan siya bigla sa naisip na baka ma-disappoint si
Franco kapag nalaman nito na hindi na siya berhin.\line \line \line "Ah, wala.
Single ako for two years," sagot niya.\line \line \line "Good. Pero nagkaroon ka ng
boyfriend."\line \line \line "Yes. Isang lalaki lang. During college but our
relationship last for two years. I broke up with him after I discovered that
there's other woman aside me," kuwento niya.\line \line \line "Common reason. Aside
of him, is there other man in your life?"\line \line \line "My father and brother,"
pilosopong sagot niya.\line \line \line Napangiti si Franco. "Oo nga naman. What
about a fling?" anito.\line \line \line "Fling?" untag niya.\line \line \line
"Yeah. Fling is common for those who are not contented in one partner or carry a
serious relationship."\line \line \line Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "I
never flirting a man. But there's a one night stand happened," walang abog na sabi
niya.\line \line \line "What?!" bulalas ni Franco.\line \line \line Nagulat din
siya sa reaksiyon nito. Pero mas mabuti na iyong alam nito na taken na siya. Nakita
niya ang munting pagkadismaya sa mukha ng binata.\line \line \line "Sorry," aniya.\
line \line \line "No, it's okay. I think it's not a big deal. Saan ba tayo
nagsimula kundi sa isang kasunduan? Anyway, cheers!" sabi na lang nito saka sinagi
ng sariling baso ang baso niya.\line \line \line Ininom din niya ang kanyang wine.
Nang maubos ang kanilang inumin ay nagdesisyon si Franco na ihatid siya sa unit
nila. Tahimik ito na nagmaneho. Hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isip
nito. Baka iniisip nito na pariwara siyang babae kaya siya nakaranas ng one night
stand.\line \line \line MAY dalawang araw na pahinga si Alexa. Ginawa niya ang
designs na hinihingi ni Franco. Binigyan siya nito ng tip kung paano siya
makaaangat sa kumpanya. Kailangan daw niyang magpa-empress sa mga kliyente gamit
ang pinakamagandang designs niya. Hindi ang boss ang naghahatol sa trabaho ng mga
empleyado kundi ang kliyente.\line \line \line Malaking bagay na napalapit siya sa
pamilya ng Sta. Maria dahil mas magiging matatag ang pangalan niya.\line \line \
line Pagpasok niya sa opisina naang Lunes ay pinakita kaagad niya kay Franco ang
designs niya. Si Franco na raw ang magpo-propose niyon sa management ng real
estate. Gusto niyang mag-explore kaya hindi siya pumayag na maging resident
architect. Gusto niyang pasukin lahat ng projects. At sa unang sabak niya sa
project ay nagpapasukan na sa buhay niya ang mga insecure na katrabaho, partikular
na ang kapwa niya architect na batikan na sa serbisyo.\line \line \line Wala pang
biyente-kuwatro oras ay nakatanggap na ng positive feedback si Alexa. Nakuha ng
Cavite project ang design niya ng townhouse. Malaking achievement na iyon sa kanya.
Si Franco naman ang pumili ng designs niya para sa single detached house. Doon daw
nito iyon ilalagay sa Laguna project.\line \line \line Sa paglabas ng designs niya
ay sunud-sunod na ang request na natatanggap niya. Gusto na rin ng Tagaytay project
na sila ni Franco ang hahawak doon. Hindi niya iyon inaasahan.\line \line \line
"Baka masyado ka nang maraming trabaho, Franco," sabi niya sa binata habang
magkasama sila sa tanghalian sa isang restaurant malapit sa main office.\line \line
\line "Okay lang. Sisikapin kong maisingit sa oras ko ang project. Hindi puwedeng
ibigay sa iba ang project dahil hindi pipili ng iba ang real estate. Partnership
natin ang Herera since termino pa ni Lolo. Hindi sila magtitiwala sa ibang engineer
kung hindi Sta. Maria ang pangalan," sabi nito.\line \line \line "Pero sabi mo may
malaki kang project sa isang sikat na produkto. Sa Cebu pa ang shooting no'n 'di
ba?"\line \line \line Updated na rin siya sa modeling carer ni Franco. Mas naging
open ito sa kanya magmula noong madalas silang magkasama.\line \line \line "Ako ang
bahala. Basta gawin mo lang ang designs ng house model at floor plan. Kailangan
next week ay mai-propose na natin ito sa Herera."\line \line \line "Okay. Sisimulan
ko na mamayang gabi. Hihingi muna ako ng property map nila para sa housing project
map na gagawin ko."\line \line \line "Sige. Baka Sunday na tayo makapag-dinner
together. May show ako sa Sabado."\line \line \line "Walang problema."\line \line \
line Pagkatapos ng tanghalian ay naghiwalay na sila ni Franco. May pupuntahan pa
daw itong project. \line \line \line Naging busy si Alexa sa pagguhit ng sketch
para sa housing project sa Tagaytay. Halos dalawang Sabado na ang nalagpasan nila
ni Franco. Abala din ang binata sa patong-patong nitong trabaho. Kaya hindi na siya
umaasa na mapapanindigan nito ang plano nilang kasal. Nitong nagdaang araw ay hindi
na ito tumatawag sa kanya. Nagkikita sila sa kumpanya pero puro project ang bukam-
bibig nito.\line \line \line Linggo ng gabi. Hindi nakatanggi si Franco nang yayain
sila pareho ng parents nito na maghapunan sa bahay ng mga ito sa Makati. Sa ilalim
ng hapunan ay binuksan ni Ginang Armera ang usapin tungkol sa kasal.\line \line \
line "Marami pang pagkakataon na puwedeng pag-usapan ang tungkol sa kasal, Ma.
Nakapag-usap na kami ni Alexa tungkol doon," iritableng sabi ni Franco nang
tanungin iton ng Ginang kung kailan ba talaga nito gustong maikasal.\line \line \
line "Pero, \i hejo\i0 , habang tumatagal ay lalong lumalapit sa atin ang karebal
mo sa mana. I think we don't need to wait for the right time if when you're
prepare. Puwede namang sa huwis muna kung hindi mo pa kaya sa church," sabi ng
Ginang.\line \line \line "Tama ang Mommy mo, Franco. Nakakahalata na ang mga
kalaban natin. May nag-tip sa akin na pinapahalungkat ng abogado ni Hector ang
iniwang papeles ni Papa. Siguradong inaalam na rin nila ang plano natin," sabad
naman ni Roger.\line \line \line Awtomatikong tumitig si Alexa kay Franco nang
marinig niya ang pagtagis ng ngipin nito. Halos ayaw na nitong kumain. Halatang
naiirita na ito.\line \line \line "We don't need to rush it, Dad, Mom. Wala rin
silang magiging laban dahil hawak natin ang pirmadong Last Will and Testament ni
lolo, 'di ba?" ani Franco.\line \line \line Nagkatinginan ang mag-asawa. Bakas sa
mukha ng mga ito ang pagkabahala.\line \line \line "I'm sorry to tell you this,
Son. The Last Will that we have was not notarized and it's dated five years before
your grandfather's died. So hindi iyon ang totoong Last Will ng lolo mo. It's only
a draft. Hawak ni Atty. Sandoval ang totoong Last Will ng Lolo mo noon but his son
confirmed that it's gone after mailibing ang Lolo mo. Someone stole it. Kaya ang
maho-honor na batayan sa paglipat ng mana ay ang sinabi ng lolo mo sa sulat at
Video," sabi ni Roger.\line \line \line Naging uneasy si Franco. "Fine. Just give
me one month to finish all my projects," matigas ang tinig na sagot ni Franco.
Pagkatapos ay walang pasabi na tumayo ito at nilisan ang pagkain.\line \line \line
Nakamasid lang si Alexa sa mag-asawa. Tinapos niya ang hapunan bago nagpasyang
puntahan si Franco. Natagpuan niya ito sa pool side cottage na yari sa bato. May
iniinom itong beer na nakalagay sa mug. Umupo siya sa tabi nito.\line \line \line
"Sorry," bigla'y sabi ng binata.\line \line \line "It's okay. Naintindihan ko ang
sitwasyon mo," aniya.\line \line \line "Bakit ikaw? Hindi ka ba nahihirapan sa
sitwasyon?" usig nito.\line \line \line "Mahirap pero kaya ko namang mag-adjust."\
line \line \line "Hindi madaling makisama sa taong hindi mo mahal, Alexa. I know
I'm not a man you desire to marry with. It's harder than you swallow the stone. If
you're notcomfortable with this situation, you're free to quit and find your desire
man."\line \line \line May munting kirot na naramdaman si Alexa sa kanyang puso. "I
won't quit. Unless kung ikaw mismo ang umayaw," matatag na sabi niya.\line \line \
line "Ang tapang mo. Now I know how much you love your parents. Handa kang gawin
ang lahat mapasaya lang sila kahit ikaw mismo ay hindi masaya sa desisyon mo. It's
okay. Let's give ourselves a try," sabi nito.\line \line \line "Fine."\line \line \
line Iyon lang ang pagkakataon na nakapag-usap sila nang personal. Sa mga sumunod
na pagkakataon ay puro
project na.\line \line \line NAGTATAKA si Alexa bakit hindi pa nai-forward ni
Franco kay Mr. Herera ang ginawa niyang sketch ng house model at floor plan.
Pinuntahan niya ito sa opisina nito. Naabutan niya itong nag-e-empake.\line \line \
line "Akala ko ba this week mo na ipapasa ang proposed sketched ko sa Herera," sabi
niya rito.\line \line \line "I'm sorry if delay. Ang totoo kasi, hindi na ako ang
hahawak sa project," anito.\line \line \line "Bakit? E sino na?"\line \line \line
"Na-meet ni Mr. Herera ang cousin kong engineer. Hindi ko alam kung bakit biglang
nagbago ang isip ni Mr. Herera."\line \line \line "Paano na ang pagod ko?"\line \
line \line "Don't worry, hindi ka pinalitan ni Mr. Herera. Nagustuhan niya ang
plano na ginawa mo para sa project."\line \line \line Kinabahan siya. Nasanay na
siya kay Franco kaya hindi siya sigurado kung magkakasundo sila ng papalit dito.\
line \line \line "Hindi ko pa ba na-meet ang pinsan mo?" nababahalang tanong niya.\
line \line \line "Nope. He just arrive from Japan. Last month pa siyang nag-submit
ng resume niya sa kumpanya pero ngayon lang siya nagpasya na mag-stay rito.
Actually I invited him for dinner tonight with us. Ipapakilala kita sa kanya."\line
\line \line Bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ng usapang iyon ay iniwan na siya ni
Franco.\line \line \line HINDI komportable si Alexa habang nakaupo sa silya sa
tapat ng round table sa loob ng Chin Grills & Restaurant. Nasa counter si Franco at
nag-order ng inumin. Hindi siya komportable sa suot niyang pulang backless casual
dress. Hindi siya nakapaglaba ng dalawang linggo kaya naubusan siya ng damit
panlakad. Tinali lang niya ang buhok niya ng laso. Maipis na make-up at red
lipstick ang inilagay niya sa mukha.\line \line \line Pagbalik ni Franco ay may
dala na itong isang bote ng red wine at dalawang baso ng beer.\line \line \line
"Hindi na ako umiinom ng beer," aniya.\line \line \line "It's not for you.
Nakalimutan mo na ba na may bisita tayo?" sabi nito.\line \line \line "Nasaan na ba
siya?" naiinip na tanong niya. \line \line \line Kanina pa siya nagugutom pero
gusto ni Franco na hintayin muna ang pinsan nito.\line \line \line "He's coming.
Oh, he's here," sabi nito saka ito tumayo.\line \line \line Awtomatiko siyang
lumingon sa likod niya kung saan nakatutok ang atensiyon ni Franco. Sa unang sulyap
ay parang pinako ang paningin niya sa lalaking nakatayo sa tabi niya sa gawing
kaliwa. Nakasuot ito ng itim na t-shirt na hapit sa maskulado nitong katawan. Plain
pero nakakaagaw pansin ang pigura nito.\line \line \line Nang makilala ang lalaki
ay parang nag-time travel siya pabalik noong dalawang taong nakalipas. Biglang
tumahip ang dibdib niya. Lalo siyang naging balisa.\line \line \line \b Chapter
Three [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \
line \line \line \line \line "Alexa, please meet my cousin. He's Gaizer Sta. Maria.
Siya ang anak ni Tito Hector," pakilala ni Franco sa pinsan nito.\line \line \line
Pagkarinig pa lang ni Alexa sa pangalan ng lalaki ay parang pinipiga ang puso niya
sa sobrang inis. Hindi niya akalaing nabubuhay pa pala ang galit niya rito
makalipas ang dalawang taon na iniwan siya nito sa ere. Tumayo siya at hinarap nang
maayos ang lalaki. Hindi siya gumanti sa matamis nitong ngiti na itinuring niyang
sumpa.\line \line \line "Gai, she's Alexa San Diego, my fiancee," pakilala naman ni
Franco sa kanya.\line \line \line Nakatulong ang pagtawag ni Franco na fiancee sa
kanya para makontrol niya ang galit. Mas mabuti nang alam ng lapastangang ito na
naka-move-on na siya sa nangyari.\line \line \line "Hi, Alexa! Pleasure to meet
you. I guess nagkita na tayo sa main office before," sabi ni Gaizer na pinabulaanan
ang namagitan sa kanila.\line \line \line Tiningnan niya ang kanang kalamay nito na
naghihintay na daupin niya. Para hindi magduda si Franco, kinamayan niya ito.\
line \line \line "Siguro. Hindi ko maalala. Baka nga nagkabanggaan na tayo minsan,"
aniya sa matigas na tinig.\line \line \line Pilyo ang ngiti nito habang pahigpit
nang pahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.\line \line \line "So, let's have
dinner first," pagkuwa'y apila ni Franco.\line \line \line Siya na ang unang bumawi
ng kamay. Lumipat siya ng silya sa tabi ni Franco. Umupo sa katapat nilang silya si
Gaizer.\line \line \line "So, kailan ang kasal? Invited ba ako?" mamaya ay tanong
ni Gaizer.\line \line \line Nakatuon ang atensiyon ni Alexa sa pagkain.\line \
line \line "Wala pang exact date pero planado na ang lahat," sagot ni Franco.\
line \line \line "Arranged na kaagad?" makahulugang tanong ni Gaizer.\line \line \
line Napilitan si Alexa na tumingin sa kaharap.\line \line \line "What do you
mean?" takang tanong ni Franco.\line \line \line "Kasi parang ang bilis. Wala akong
narinig na nagkaroon ka ng girlfriend," sabi ni Gaizer.\line \line \line "Hindi
naman kasi ako showy at naka-hide lahat tungkol sa akin," ani Franco.\line \line \
line "You know how good I am if comes to stalking Franc. I know you from the tips
of your hair, cousin. Alam ko rin kung ano ang estado ng carer mo ngayon. Naging
busy ako last month kaya hindi ako nakapag-stalk sa status mo. Ikakasal ka na pala.
Well, that's a good news. I was surprised. Pero parang napakabilis. Siguro wala
nang ligawan, kasal agad. May bunga na ba?"\line \line \line Natameme si Franco
matapos marinig ang mga sinabing iyon ni Gaizer. Hindi rin nakakibo si Alexa.
Napansin niya ang pagkabalisa ni Franco. Hindi nito sinagot ang mga tanong ni
Gaizer. Binuksan kaagad nito ang usapin tungkol sa project. Ibinigay nito sa pinsan
ang laman ng business proposal mula kay Mr. Herera. Kasama na rin doon ng
pinirmahang kontrata.\line \line \line Maya't-maya ang tungga ni Gaizer sa beer
habang binabasa ang dokumento. "Meron na bang proposed sketch for this project?"
pagkuwa'y tanong nito.\line \line \line "Yes, si Alexa ang gumawa lahat. Actually
approved na ang design ng model houses at clubhouse," sagot ni Franco.\line \line \
line Ibinaba ni Gaizer ang binabasa saka ibinaling ang atensiyon kay Alexa.
Kinakabahan ang dalaga bagay na hindi niya inaasahan. Hindi dapat siya kabahan.
Hindi siya nakaiwas sa malagkit na titig ni Gaizer. Ang mga matang iyon ang dahilan
kung bakit naisuko niya rito ang bataan.\line \line \line "Ayaw kong humusga pero
bago makarating sa kliyente ang designs, gusto kong masuring mabuti ang mga iyon.
Ayaw ko ng basura sa proyektong ito," seryosong pahayag ni Gaizer.\line \line \line
Nagtagis ang bagang ni Alexa.\line \line \line "Huwag kang mag-alala, kahit baguhan
si Alexa, marami na siyang project na kumikita," depensa ni Franco.\line \line \
line "Of course proud ka dapat sa fiancee mo. Pero magkaiba tayo ng taste, Franco.
Gusto kong makita ang ginawa mong sketch bukas sa office, Alexa. Sisimulan na rin
natin ang over all plan ng proyekto," ani Gaizer.\line \line \line Tumango lang ang
dalaga. Hindi pa siya handang kausapin si Gaizer lalo pa't hindi niya gusto ang
tabas ng dila nito.\line \line \line BAGO dinala ni Alexa ang ginawa niyang sketch
ay sinuri muna niya baka may mali. Pero approved na iyon ni Franco kaya wala dapat
siyang ipag-alala. Hinintay niyang matapos ang conference meeting bago nilapitan si
Gaizer. Naiwan sila sa conference room. Inilatag niya sa mesa sa harap nito ang
malapad tatlong sketch paper. Isa-isa naman nito iyong tiningnan.\line \line \line
"Masyadong maarte ang design mo sa single detached house. Takaw space din ang
design ng floor plan. Baka aabot ng five million ang halaga nito," komento nito.\
line \line \line "Pero approved na iyan lahat ni Franco," aniya.\line \line \line
"Walang alam sa art si Franco kaya kahit anong design ang ilatag mo sa harapan niya
ay tatanggapin niya. Isa pa, magkaiba kami ng standard. Hindi ako ang tipo ng
engineer na umaasa lang sa ideya ng architect," sabi nito.\line \line \line "Excuse
me, engineer ang Papa ko for almost twenty years. He's an artist too. Bago ko
dinadala rito ang sketch ko, dumadaan muna sa pagsusuri niya ang mga iyon,"
matapang na buwelta niya.\line \line \line Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ng
binata. "Hindi lahat ng batikan sa serbisyo ay hindi na nagkakamali, Alexa.
Lumilipas ang panahon, nagbabago ang uso maging ang estilo at paksa sa pagtuturo sa
paaralan. Puwedeng ang mga ideya ng tatay mo na patok noon ay laos na ngayon. Sa
industriya natin, kailangan din nating sumabay sa uso. Late pa nga itong mga latest
designs ng kumpanya. Pinaglumaan na ang mga iyon ng ibang bansa. Hanggang kailan ba
tayo mangangalakal ng ideya? Pati desinyo ng bahay kinakalakal natin. It's time to
build our own idea. Puwede tayong gumaya pero gawan naman natin ng sarili nating
bersiyon. Ang designs mo, halatang kinopya sa mga bahay sa Asian nobela. Ang dull
tingnan. Gusto ko ng unique."\line \line \line Pakiramdam ni Alexa ay ginatungan ng
husto ang ulo niya at biglang lumiyab sa init. Gusto niya ang trabaho at kumpanyang
sinisilbihan niya pero kung itong lalaking ito ang araw-araw niyang makakasama,
gugustuhin na lang ata niyang ituloy ang planong magtrabaho sa ibang bansa at
talikuran ang kasunduan sa pamilya ni Franco.\line \line \line Binawi niya ang
sketch niya saka kinulukot muli. Bumabara ang inis sa lalamunan niya kaya hindi
niya magawang magsalita. Nang maibalik sa lalagyan ang kanyang sketch ay walang
imik na tinalikuran niya ang lalaki. Ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay napigil
siya ng kamay ni Gaizer na kumapit sa kanang braso niya. Napilitan siyang harapin
itong muli.\line \line \line Dumestansiya siya rito nang makitang nakatayo ito at
nakaharang ang malaking katawan sa harapan niya. Marahas niyang binawi ang kanyang
braso. Tinapangan pa niya ang kanyang anyo para malaman nito na hindi siya puwedeng
maliitin.\line \line \line "Bakit parang abot langit ang inis mo sa akin?"
simpatikong tanong nito.\line \line \line "I'm just disappointed, Sir,"
aniya.\line \line \line "No, that's not what I saw from your eyes. I heard your
grin twice. Ang totoo, galit ka pa rin ba sa akin?" seryosong sabi nito.\line \line
\line "Bakit naman ako magagalit? Trabaho lang ito, walang personalan," matapang na
sabi niya.\line \line \line "Hindi ganyan ang nababasa ko sa mga mata mo. Ramdam ko
ang galit mo na mas malalim pa sa hukay. Kung tungkol pa rin iyan sa nangyari noon,
let me explain what happened," anito.\line \line \line Nilinis niya ang kanyang
lalamunan. "Ah 'yon ba? Matagal na 'yon. Nakalimutan ko na nga iyon. Balewala iyon
kumpara sa ginawa sa akin ni Rendel," nagtitimping wika niya.\line \line \line "So
naka-move on ka na?" usig nito.\line \line \line "Magpapakasal ba ako kung hindi
ako naka-move-on? Isa pa, ano lang naman ang memorable sa isang gabi?" \line \
line \line "Maraming nangyayari sa loob ng isang gabi, Alexa. Kahit hindi mo
sabihin, alam kong hindi ordinaryo sa iyo ang gabing iyon. Gusto kong pag-usapan
ang tungkol doon kahit sandali lang."\line \line \line Humakbang siya isang beses
paatras. "Para saan pa? Ang hindi magandang alaala ay hindi na dapat binabalikan.
Kung may nawala man, tinanggap ko dahil hindi naman iyon maibabalik kahit anong
gawin ko. Ang mahalaga, tanggap ng lalaking papakasalan ko ang nakaraan ko. Sige,
aayusin ko ang sketch ko. Excuse me," aniya sabay bira ng talikod.\line \line \line
MARIING nagtagis ang bagang ni Gaizer nang umugong sa tainga niya ang malakas na
pagsara ng pinto. Naiinis siya dahil nadismaya siya sa pagkikita nila ni Alexa.
Biglang bumungad sa kanya ang balitang ikakasal na ito at sa pinsan pa niya. Parang
may mali. Dalawang taon siyang nag-stalk sa Facebook account ng dalaga pero hindi
niya nakitang nagpalit ito ng relationship status. Wala rin itong status o picture
na kasama ang boyfriend nito. 'Tapos biglang malalaman niya na ikakasal na ito.\
line \line \line Hindi naman pumalya ang mga source niya na nagtatrabaho sa
kumpanya ng lolo niya. Walang nababalitang ikakasal na si Franco. Tinawagan kaagad
niya si Kent, ang manager ng main office. Second cousin niya ito sa father side na
inampon ng Daddy niya.\line \line \line \i "Yes, Gai?"\i0 sagot nito sa kabilang
linya.\line \line \line "Bakit hindi mo alam na ikakasal na si Franco? Kailan pa
ito?" iritableng sabi niya.\line \line \line \i "What? Who told you that?"\i0
nawindang pang sagot nito.\line \line \line Lalo siyang nainis. "Hindi mo alam? Ang
sabi ko alamin mo lahat ng kilos nila! Bakit may kasalang mangyayari? Huwag mo
sabihig walang nakakaalam ni isa sa inyo rito sa kumpanya!" asik niya.\line \line \
line \i "Sorry. Hindi ko talaga alam. Pero, ano naman ang koneksiyon ng
pagpapakasal ni Franco sa paghahanap natin ng Lat Will and Testament ng lolo mo?"\
i0 \line \line \line "Look, listen to me. It's not just about Last Will. Bago
namatay si Daddy, nabanggit niya sa akin na ang ari-arian ni lolo ay deretsong
mapupunta sa mga apo. Pero sa isang kondisyon at para hindi na magtalo ang mga anak
niya, kung sino sa apo niya ang unang maikasal at magkapamilya, sa kanya mapupunta
lahat ng kumpanyang itinayo niya. Ang matatanggap lang daw ng mahuhuling apo ay ang
private property ni lolo, mansion at ang farmland sa Tagaytay. Hindi ko alam kung
bakit may ganoong kondisyon pa si lolo. Hindi naikuwento ni Daddy ang mga dahilan
bago siya namatay. Malamang alam din iyon ni Tito Roger at Franco."\line \line \
line \i "Yes, narinig ko na 'yan sa abogado ng Lolo mo. But it's not official.
Nakasalalay pa rin sa Last Will ang lahat."\i0 \line \line \line "Yes but since
hindi pa nakikita ang Last Well, masusunod ang kondisyon ni Lolo. Kailangan pa ring
mapunta sa pamilyado ang mana."\line \line \line \i "E kung ganun pala, bakit hindi
ka pa nag-asawa?"\i0 biro pa ni Kent.\line \line \line Umismid siya. "Madali lang
magplano ng kasal pero mahirap mahanap ang babaeng deserving," aniya.\line \line \
line \i "Sus, sa tagal mong nag-e-stalk ng babae, hanggang ngayon hirap ka pa ring
makahanap. Ano'ng silbi ng maganda mong pagkalalaki? Come on, Gai. Huwag ka nang
makipaglaro sa kalaban. Alam mo naman pala ang kondisyon ng lolo mo. Ano pa ang
hinihintay mo?"\i0 \line \line \line "Hindi ako puwedeng umasa na lang sa kondisyon
ni Lolo. It's a big joke. Baliw ba siya? Sa ginawa niya hindi ba niya naisip na
lalong magkakagulo? Matalino si Lolo. Alam kong hindi iyon ang laman ng Last Will
niya. Puwede pang baliktarin ng kaaway ang desisyon ni lolo. Maaring sila ang
nakakaalam kung nasaan ang iniwang papeles ni lolo dahil sila ang naiwan bago
namatay ang matanda. Hindi na mahanap ni Atty. Sandoval ang Last Will and Testament
ni lolo. May nagnakaw daw niyon sa office niya. Walang ibang pinagbilinan si Lolo
ng Last Will kundi si Atty. Fernan Sandoval na tatay ni Atty. Greg. Wala rin siyang
alam sa napag-usapan ng dalawang matanda. Ang malas natin dahil namatay din ang
dating abogado ni Lolo. Hindi Iyon nai-endorse kay Atty. Greg ng tatay niya.
Tanging Video at sulat lang ang hawak niya."\line \line \line \i "Pero si Atty.
Greg Sandoval na rin ang abogado ng Lolo mo dahil sa kanya nai-endorse ang record
ng Lolo mo. Siya pa rin ang may hawak ng desisyon."\i0 \line \line \line "Kaya nga
kinukuha ko ang loob ni Atty. Greg. Tinutulungan na niya tayo na mahanap ang Last
Will. Pero kung wala talaga, ang video at sulat ni Lolo ang susundin niya."\line \
line \line \i "Okay. Itutuloy natin ang plano. Tungkol naman sa reklamo mong kasal
ni Franco, ako na rin ang bahalang mag-imbestiga. Kalma ka lang. Kung mag-reak ka
kasi parang inagaw ni Franco ang babaeng mahal mo."\i0 \line \line \line Mariing
kumuyom ang palad niya. Parang sinasadyang sinasaid ni Franco lahat ng dapat ay sa
kanya. \line \line \line "Kunin mo na ang lahat huwag lang siya, Franco.
Mararanasan mong magdildil sa asin at gumulong sa banig," pilyong sabi niya.\line \
line \line Hindi niya namalayan na wala na siyang kausap sa cellphone. Pagkuwan ay
pinagmasdan niya ang nakadikit na naka-frame na larawan ng lolo niya sa dingding
katabi ang lola niya at ang Tito Roger niya. Ang hindi niya matanggap ay bakit
walang picture ang Daddy niya kasama ng Sta, Maria group of companies family. Buhay
pa ang lola niya at nakatira ngayon sa mansiyon nila sa Tagaytay. Caregiver lang
ang nag-aalaga sa lola niya. Limang taon na rin silang hindi nagkikita.\line \
line \line Pagsapit ng tanghalian ay lumabas ng opisina si Gaizer para sa
restaurant na kumain. Hindi kasi niya gusto ang pagkain sa canteen. Pagdating niya
sa garahe ay naabutan niya si Franco at Alexa sa tapat ng kotse ng pinsan niya. Sa
unang sulyap ay may dalawang dangkal pang agwat ang dalawa. Nang muli niyang
sulyapan ang mga ito ay nakita niyang nakadikit na halos ang katawan ng mga ito.
Inaayos ng dalaga ang kuwelyo ng damit ni Franco. Hindi niya inalisan ng tingin ang
mga ito hanggang sa masaksihan niyang hinalikan ng dalaga sa labi si Franco.\line \
line \line Kombinsido na sana siya sa nakita pero saksi niya ang mabilis na pag-
iwas ni Franco sa dalaga na parang nagulat. Hindi rin niya pinalagpas ang pagsulyap
sa kanya ni Alexa. Malamang kanina pa siya nito nakita. Imposibleng hindi dahil
magkatabi lang ang kotse nila ni Franco.\line \line \line "Dito ka na lang muna
mag-lunch, may kailangan lang akong ayusin sa BIR," narinig niyang sabi ni Franco
sa dalaga. Sumakay na ito sa kotse nito.\line \line \line Mabilis magbasa ng
reaksiyon si Gaizer. Nabasa niya ang pagkadismaya sa mukha ni Alexa. Sindaya niyang
panoorin ito. Nang akmang babalik ito sa loob ng gusali ay mabilis niyang iniharang
ang sarili sa daraanan nito.\line \line \line "Mukhang tumatabang sa iyo ang
boyfriend mo. Simpleng lunch hindi ka masamahan. Ang alam ko may lunch break pa rin
ang BIR. Baka naman may iba siyang ka-lunch," sabi niya.\line \line \line "Ano ba
ang pakialam mo?" mataray na sabi nito.\line \line \line "Wala pero concern lang
ako. Hindi magandang mag-ingora ng magandang babae. Lalabas ako para mag-lunch.
Gusto mong sumama? Sagot ko ang gastos. Puwede na rin nating pag-usapan ang tungkol
sa project. Puwedeng lunch meeting na rin," aniya.\line \line \line Bumuga ng
malalim na hininga ang dalaga. "Salamat pero nakapag-order na ako ng lunch sa
canteen. Mag-set na lang tayo ng meeting para sa project. Aalis din kasi ako mamaya
papuntang Cavite," alibi nito saka siya iniwan.\line \line \line "Okay. Take your
time," sabi na lang niya.\line \line \line Pinanood na lang niya ang dalaga na
papasok sa gusali. Hindi siya sanay na maignora kaya parang kunukutkot ng inis ang
puso niya. Nagbago bigla ang isip niya. Hindi na siya sa restaurant kakain.
Pagtitiyagaan na lang niya ang pagkain sa canteen. \line \line \line Ginamit niya
ang kanyang meal stub. Wala kasi siyang dalang cash. Isang cup ng kanin lang at
isang serve ng penakbet ang kinuha niya. Maraming kumakain pero hindi niya nakita
si Kent. Baka sa labas kumain. Sa mesa malapit sa pinto niya nakita si Alexa. May
kasama itong dalawang babae na HR assistant ng kumpanya. Nagkasya na lamang siyang
panoorin ito.\line \line \line \b Chapter Four [Obsession 1, Owning Her
(Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line \line \line \
line HINDI na hinintay ni Alexa si Franco. Hindi ito sumasagot sa tawag niya. Baka
busy ang binata. Sumakay na lamang siya ng taxi pauwi. Pangalawang beses na iyon na
hindi siya naihatid ni Franco sa bahay nila. Kung tutuusin, mas busy si Franco
noong unang buwan na nagkakilala sila pero hindi ito pumapalya sa paghatid sa
kanya. Wala rin itong absent sa hapunan at tanghalian. \line \line \line Kahit
siguro tuluyang tumabang sa kanya si Franco ay wala siyang karapatang magtampo
dahil wala naman talaga silang naipundar na relasyon. Wala siyang investment sa
kasunduang iyon kundi ang napakabilis niyang pagpayag. Pero apektado pa rin siya
dahil aminado siyang napapalapit na siya sa binata. Natuto lang siyang mag-kontrol
ng damdamin.\line
\line \line Pasado alas-otso na ng gabi siya nakarating sa bahay nila. Tulog na
ang Mama niya. Ang Papa naman niya ay isang linggo na sa Batangas dahil sa project
nito. Tahimik ng kabahayan. Nadatnan niya sa kusina si Aleng Magda. \line \line \
line "Salamat at dumating ka na, Alexa. Pinainit ko ang ulam. Maagang nakatulog ang
Mama mo," bungad nito sa kanya.\line \line \line "Salamat po. Nagugutom na rin po
kasi ako," aniya.\line \line \line "Malamang hindi na naman kayo nakapag-dinner ni
Franco, ano?"\line \line \line Tumango siya. Pagkuwa'y umupo siya sa harap ng
hapag-kainan. "Busy po kasi siya," aniya pagkuwan.\line \line \line "Ewan ko ba
bakit ka pa pumayag sa kasunduan ng Papa mo at ng Boss niya. Okay sana kung mahal
ka ni Franco. Ang masama niyan, kung kailan ikinasal na kayo saka malalaman mo na
may mahal pala siyang iba. Walang silbi ang kasal kung hindi ninyo mahal ang isa't-
isa," palatak ng tiyahin niya.\line \line \line Hindi siya nakakibo. Totoo naman
ang sinabi nito. Paano nga naman ang magiging buhay niya sa ganoong set-up? Habang
buhay na lang ba silang ganoon ni Franco?\line \line \line Pagkatapos ng hapunan ay
nag-shower siya. May ilang minuto siyang nakatayo sa ilalim ng shower at
hinahayaang mabasa ang kanyang katawan. Mamaya ay bigla na lang dumapo sa kukoti
niya si Gaizer. Pilit niya itong binubura sa kanyang isipan ngunit patuloy siyang
inuusig ng isang gabing namagitan sa kanila. Hindi niya akalain na maapektuhan pa
rin siya ng alaalang iyon. Napakalakas ng impluwensiya ni Gaizer sa buhay niya.\
line \line \line Aminado siya na hindi naging sapat ang dalawang taon para
mabalewala ang nangyari sa kanila. Noong gabing nag-krus muli ang landas nila,
pakiramdam niya ay muling nabuhay ang anumang naramdaman niya noong nakasama niya
ito.\line \line \line Binalot lang niya ng roba ang hubad niyang katawan saka
pinatuyo ng hair dryer ang kanyang buhok. Mamaya ay tumunog ang kanyang cellphone
para sa tawag. Dinampot niya ito mula sa ibabaw ng kama. Nagulat siya nang makita
ang numerong tumawag din sa kanya noon na inakala niyang si Franco. Nai-save niya
ito at pinangalanang "stranger caller". Na-intriga kasi siya noon dahil kilala siya
nito.\line \line \line Pinindot niya ang answer key. "Hello?" aniya.\line \line \
line \i "Hi! How's your day?"\i0 tanong nito.\line \line \line Noon lang niya
napamilyar ang boses nito.\line \line \line "May I know you please?"\line \line \
line \i "Guess who? Hindi mo ba nahihimigan ang boses ko?"\i0 sabi nito.\line \
line \line Nahimigan niyang bumubungisngis ito. Nubuhay ang inis niya habang unti-
unting nakikilala ang boses nito.\line \line \line "Puwede ba huwag mo akong
paglaruan? I'm busy person and I'm tired!" asik niya.\line \line \line Tumawa pa
ang hudyo.\i "Relax, Alexa. It's me."\i0 \line \line \line "Who?!"\line \line \
line \i "Si Gaizer 'to. I just want to confirm if you finally got home. Nakita kasi
kita kanina sa labas ng kumpanya na may hinihintay. Naisip ko na isakay ka sa kotse
ko pero nang balikan kita ay wala ka na. Plano ko sana na imbitahin kang mag-
dinner. May lakad kasi ako bukas kaya baka hindi na natin mapag-usapan ang tungkol
sa project,"\i0 sabi nito.\line \line \line Lalo siyang nairita. "Kung kailan ka
na lang siguro may time. We can discuss the project during office hour. Kailangan
ko rin kasing bisitahin ang Cavite project. Merong pinapabago sa akin ang
engineer," aniya sa kalmadong tinig.\line \line \line \i "Okay. Please save my
number. Para naman hindi ako maging ekstranghero sa iyo. Then I'll call you if I'm
free."\i0 \line \line \line "Okay," tipid niyang sagot. Ibababa na sana niya ang
cellphone.\line \line \line \i "Nag-dinner ka na ba, Alexa?"\i0 pagkuwa'y tanong
ni Gaizer.\line \line \line Hindi kaagad siya nakasagot. Naalala niya bigla si
Franco. Ni isang beses ay hindi siya tinanong ni Franco kung kumain na siya. Siya
pa madalas ang nagpapaalala rito ng usapan nilang weekend dinner. Naisip niya. Ano
ba ang karapatan niyang magtampo?\line \line \line "Yes, nag-dinner na ako,"
pagkuwa'y sagot niya.\line \line \line \i "Good. Sorry kung naisturbo kita.
Magpahinga ka na. Have a sweet dreams. Good night!"\i0 sabi nito sa malamig na
tinig.\line \line \line Hindi siya sumagot. Pinutol na niya ang linya. Pero parang
nagpe-feedback pa rin sa tainga niya ang boses ng binata.\line \line \line Nawala
ang antok ni Alexa matapos makausap si Gaizer. Wala siyang ibang dapat sisihin kung
bakit siya nagkakaganoon kundi ang nakaraan nila ni Gaizer. Wala silang
komunikasyon pagkatapos ng gabing iyon. Kahit nakikita niyang online sa social
media ang binata ay hindi siya nag-abalang kalabitin ito sa messenger. Galit ang
nararamdaman niya noon.\line \line \line Balisa siya habang nakahiga sa kama. Gusto
na niyang matulog dahil maaga pa siyang pupunta ng Cavite pero kahit anong gawin
niya ay nanatiling gising ang diwa niya. Hindi niya kayang iwaglit sa kanyang
isipan si Gaizer. Napakalaking pagbabago sa pang-araw-araw niyang buhay ang
pagdating ng binata.\line \line \line "I WANT to see your latest designs for
ballroom, Alexa. Client's wants a spacious ballroom for clubhouse," wika ni Engr.
Joselito Vergara.\line \line \line Inilatag ni Alexa sa mesa ang kanyang ballroom
designs. Mayroon siyang dalawang sketch para sa nasabing project. Nasa opisina sila
ng Villa Amia sa Bacoor Cavite.\line \line \line "Actually mas okay sa akin itong
isa," sabi nito matapos mapili ang huli niyang design.\line \line \line "Binago ko
po ang design ng stage katulad ng suggestion n'yo," aniya.\line \line \line "Good.
So, it will be your last project here. Where's your next project?" anito pagkuwan.\
line \line \line "Next month po ay aasikasuhin namin ang project sa Tagaytay,"
aniya.\line \line \line "Ano'ng project iyon?"\line \line \line "Housing project
din po pero walang townhouse. Isa siyang executive village. Ang lowest cost ng
bahay ay about three million."\line \line \line "Wow! Who's the owner?"\line \
line \line "Si Mr. Elmer Herera."\line \line \line "Wala akong maalala na nabanggit
si Roger tungkol sa project na iyon."\line \line \line Nahalata niya ang interest
ni Engr. Vergara sa project. Alam nitong malaking project iyon.\line \line \line
"Direct silang lumapit sa Sta. Maria management. Dati kasing hawak ng yumaong si
Engr. Hector Sta. Maria ang condominium ng mga Herera sa Makati," sabi niya.\line \
line \line "Nice. Ibig-sabihin ay magkasama kayo ng fiance mong si Franco sa
project na ito? Ob course hindi kukuha ng ibang engineer ang mga Herera kung hindi
ang mga Sta. Maria," wika nito.\line \line \line Bumuntong-hininga siya. Si Gaizer
na naman ang unang dumapo sa isip niya. "Tama po kayo na hindi magtitiwala sa ibang
engineer si Mr. Herera. Pero hindi po si Franco ang may hawak sa project," aniya.\
line \line \line "Sino? Si Roger?" manghang untag nito.\line \line \line "Hindi po.
Si Gaizer Sta. Maria ang kasama ko sa project."\line \line \line Nanlaki ang mga
mata ng Ginoo. "S-Si Gaizer na anak ni Hector?" anito.\line \line \line "Opo. Mag-
iisang buwan na siya sa kumpanya pero hindi siya naglalagi."\line \line \line
"Akala ko naman ay full-time na siya sa kumpanya ng Mama niya sa Japan. Bago ako
naging regular sa Sta. Maria construction ay nagkatrabaho kami ni Gaizer. Trainee
pa lang siya noon. Nagdesisyon siya na iwan ang kumpanya dahil isasalba niya ang
Real Estate na pag-aari din ng Mama niya. Ang sabi niya wala naman daw siyang lugar
sa Sta. Maria group of companies," kuwento nito.\line \line \line "Baka po nagka-
interes na rin siya sa kumpanya," komento niya.\line \line \line "Dapat lang na
pagka-interesan niya ang kumpanya dahil may karapatan siya," sabi nito.\line \
line \line Hindi na siya kumibo. Ayaw na niyang makialam sa isyu tungkol sa mga
Sta. Maria. Isang buwan pa lang siya sa kumpanya ay marami na siyang naririnig na
isyu tungkol sa mana. Marami ang nagtatanong kung sino ba talaga ang totoong
tagapag-mana ng naiwang ari-arian ng yumaong Sta. Maria. Hindi niya alam kung ano
ang totoong kuwento.\line \line \line Pagkatapos ng transaksiyon niya sa Cavite ay
bumalik na siya sa kumpanya. Doon na siya kumain ng tanghalian. Wala pa rin si
Franco. Hindi man lang ito tumawag sa kanya. Hindi rin siya nag-abalang kumustahin
ito.\line \line \line Pagkatapos ng tanghalian ay tumambay siya sa lobby. Inayos
niya ang sketch niya na ipapakita kay Gaizer. Mamaya'y may umupo sa tabi niya.
Sandali niyang tiningnan si Maggie, ang HR assistant ng kumpanya.\line \line \line
"Mabuti dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Gaizer," sabi ni Maggie.\line
\line \line Ibinalik niya ang tingin sa babae.\line \line \line "Bakit? Akala ko
may lakad siya ngayon," aniya.\line \line \line "Nakabalik na siya before lunch.
Ang sabi niya sa akin, kapag nakita kita ay sabihin kong puntahan mo siya sa office
niya," anito.\line \line \line Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Bigla siyang
kinabahan.\line \line \line "O, bakit parang hirap ka nang huminga riyan? Not ready
to face him?" usig nito.\line \line \line Umiling siya. Naikuwento kasi niya kay
Maggie ang disappointment niya kay Gaizer.\line \line \line "Nakaka-stress kasi
siyang kausap. Sa lahat ng nakatrabaho kong engineer, siya lang ang nire-reject ang
designs ko," aniya.\line \line \line "Mas mataas lang siguro ang standard niya.
Sanay kasi siya sa Japan. Alam mo namang mas creative ang mga Hapon."\line \line \
line "Wala akong pakialam sa standard niya. Nasa Pinas siya kaya dapat siya ang
mag-adjust," aniya sa mataas na tinig.\line \line \line Nagtataka siya bakit
biglang tumahimik si Maggie. Nagmamadali itong nagpaalam sa kanya.\line \line \line
"See you later, Alexa," sabi nito.\line \line \line Nagtatakang sinusundan niya ito
ng tingin habang papasok sa elevator.\line \line \line "Bakit ako ang kailangang
mag-adjust?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki mula sa likuran niya. \line \
line \line Hindi niya
na-konrol ang pagtulin ng tibok ng puso niya. Akmang lilingunin niya ang nagsalita
pero natigilan siya nang may kamay na humaplos sa buhok niya\uc0{\u65293}pababa sa
kanyang likod. Pakiramdam niya'y may kuryenteng dumalantay sa mga ugat niya na
naging dahilan upang lumakas pa ang tibok ng puso niya. Hindi niya mahagilap ang
sagot sa tanong kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon.\line \line \line Mamaya ay
may mainit na hanging bumubuga sa batok niya na nahantad dahil sa paghawi nito sa
buhok niya. Nagtagis ang bagang niya nang parang hinahalukay ang dibdib niya dahil
sa kakaibang sensasyong dulot ng mabango at mainit na hiningang iyon.\line \line \
line "How can I make you calm, baby? Do you need some fresh air or a cold drinks?
Let's have a short meeting over snack outside," wika ng malamig na tinig ng lalaki.
Sa tainga pa niya ito nagsalita.\line \line \line "We should discuss about the
project here," aniya. Alam niyang si Gaizer ito.\line \line \line Sumukip ang
dibdib niya sa kanyang suot nang pisilin nito ang batok niya. Saka lamang bumaling
sa harapan niya si Gaizer at umupo sa katapat niyang sofa. Nasa pagitan nila ang
center table kung saan nakalatag ang sketch niya. Isa-isa nitong tiningnan ang mga
iyon.\line \line \line "In fairness, you're getting bitter with your job. Who's
motivating you?" anito saka itinutok ang paningin sa kanya.\line \line \line
Sinalubong niya ang malagkit nitong titig. "I just love my job. Lahat naman ng
babaeng malapit nang ikasal ay nagiging inspired sa lahat ng bagay," aniya.\line \
line \line "You're right. All women in the list is like that but not you, Alexa.
You're not inspired because of Franco. Sino ang babaeng matutuwa sa pagpapakasal sa
lalaking walang pakialam sa fiancee niya? Habang naghihintay ka sa kanya, busy
naman siya sa ibang babae," sabi nito.\line \line \line Nag-init bigla ang ulo
niya. "You're talking nonsense! Ano'ng alam mo sa relasyon namin ni Franco? Ni
hindi mo alam kung paano kami nagkakilala o kung ano ang naging pundasyon namin,"
buwelta niya sa kontroladong tinig.\line \line \line Mabuti na lang sila lang ang
naroon sa lobby.\line \line \line Ngumisi ang binata. "Wala akong alam o wala akong
ideya dahil talaga namang wala akong nakikitang matatag na pundasyon sa pagitan
ninyo. Hindi sapat na dahilan ang pagiging tahimik ni Franco para masabing walang
makakaalam sa relasyon ninyo. I know him most more than you will know. Halos sabay
kaming lumaki."\line \line \line "Ano ba ang ipinaglalaban mo? We're just connected
because of our job. Hindi mo obligasyong guluhin ang love life namin ni Franco!"\
line \line \line "The word 'Gulo'. Where did you got that idea? And for your
information, I have the rights to this company and I'm soon to be the owner. Mind
it. May karapatan akong alamin ang nangyayari sa loob at labas ng kumpanya maging
sa mga taong nagpapagalaw nito."\line \line \line Hindi nakakibo si Alexa. Bago pa
niya makalimutan ang mga sinabi nito ay pinapili na niya ito sa mga designs na
inilatag niya.\line \line \line "Choose the one before I finalized the mother
plan," aniya pagkuwan.\line \line \line Nakatitig lang sa kanya ang binata. Pilit
niyang iniiwasan ang titig nito.\line \line \line "Nagbago ka na, Alexa," mamaya ay
sabi ni Gaizer.\line \line \line Natigagal si Alexa. Awtomatikong napako ang
paningin niya sa seryosong mukha ng binata. Ano'ng ibig nitong sabihin?\line \
line \line "Epekto pa rin ba 'yan ng ginawa sa iyo ni Rendel? You changed almost
half of your human nature. From physical to behavior... you changed," seryosong
wika nito.\line \line \line Nagtataka siya sa pananalita nito na parang alam nito
lahat sa kanya. \line \line \line "May karapatan akong baguhin ang sarili ko dahil
kung hindi ay magmumukha akong kawawa. You don't even know me all about so you can
say anything against me," aniya.\line \line \line "That's what you think. Hindi
lahat ng taong hindi mo nakilala nang personal ay wala nang alam tungkol sa iyo."\
line \line \line Natawa siya. "Hindi ako celebrity para maraming makakakilala sa
akin. Kahit nga mga artista walang real identity sa screen. They hide it," aniya.\
line \line \line "Alam ko. Kaya nga mas madaling makilala ang ordinaryong tao.
Walang imposible kung gugustuhin mong makilala ang isang tao."\line \line \line
"Stalker lang ang makakagawa niyon. Mga taong nagsasayang ng panahon para mag-stalk
sa buhay nang may buhay."\line \line \line "Stalking is not wasting time. It's an
effort to take others attention and gathering information."\line \line \line "Like
a criminal?"\line \line \line "Stalking is not a crime. It's part of serious desire
to a person," wika nito.\line \line \line "You're obsessed."\line \line \line
Pilyong ngumiti ang binata. "You're right, I'm obsessed. Lahat ng bagay na gusto
kong makuha ay kailangan kong makuha. Hindi puwedeng hindi," sabi nito sa matigas
na tinig.\line \line \line Ibinalik niya ang tingin sa sketch. "Make a choice,
please. Marami pa akong gagawin," aniya.\line \line \line "Gusto ko silang lahat.
Magagamit natin sila sa project," sabi nito.\line \line \line "Salamat kung ganun."
Nang ibalik niya ang tingin dito ay natigilan siya nang masaksihan ang hindi
maipaliwanag na emosyong nababasa niya sa mga mata nito.\line \line \line "I'm
thankful to work with you, Alexa. Kahit ayaw mo nang pag-usapan, gusto ko pa ring
banggitin ang nangyari noon. Sorry," seryosong pahayag nito.\line \line \line Hindi
maipaliwanag ni Alexa ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya
mahagilap ang galit sa puso niya para kay Gaizer. Naghahangad siya ng paliwanag
mula rito. Naramdaman niya ang mainit nitong kamay na dumampi sa kamay niya.\line \
line \line \b Chapter Five [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line
\line \line \line \line \line \line \line "ALEXA."\line \line \line
Parang napaso at dagling binawi ni Alexa ang kamay na hawak ni Gaizer. Hinanap niya
ang boses ni Franco na tumawag sa pangalan niya. Sabay pa silang tumingin ni Gaizer
sa main door. Humahakbang palapit sa kanila ang kanyang fiance.\line \line \line
Nagulat siya nang bigla siyang nilapitan ni Franco at hinagkan siya sa pisngi.\line
\line \line "Nag-lunch ka na ba?" tanong sa kanya ni Franco.\line \line \line "Ah,
oo. Kagagaling ko lang ng Cavite," aniya.\line \line \line Hinawakan ni Franco ang
kanang kamay niya saka siya iginiya patayo. Pagkuwa'y tinapik nito ang balikat ni
Gaizer.\line \line \line "Sandali lang, Gaizer. Kakausapin ko lang si Alexa,"
paalam ni Franco.\line \line \line Tumango lang si Gaizer.\line \line \line
Nagmamadali naman siyang sumama kay Franco. Pumasok sila sa elevator. Habang
papaakyat sila ay bumitiw sa kamay niya si Franco saka ito humarap sa kanya.\line \
line \line "Sorry naging busy ako sa labas. Nasurpresa lang ako sa mga isyu tungkol
sa atin. Kumakalat sa kumpanya ang isyu na peke ang planong pagpapakasal natin.
Nakarating kay Daddy ang isyu na pakitang-tao lang daw ang relasyon natin," sabi
nito.\line \line \line Hindi na siya nagtataka. Noong isang linggo pa usap-usapan
ang tungkol doon. "Hindi ko alam kung sino ang nagsimula. Marami ang nagtatanong sa
akin tungkol sa kasal. Pati si Gaizer, pinagdududahan tayo," aniya.\line \line \
line "Talaga? May hinala ako na may kinalaman siya sa nangyayari."\line \line \line
"Bakit?" takang tanong niya.\line \line \line "Of course, hindi papayag si Gaizer
na mapupunta sa akin ang mana. Malamang alam na niya ang tungkol sa sulat ni
lolo."\line \line \line "Kung pagpapakasal ang solusyon, puwede naman siyang
magpakasal kung talagang gusto niyang makuha ang mana."\line \line \line "Asa kang
magpapakasal siya. Wala nang amor sa babae si Gaizer. Naluto na ng pera ang utak
niya."\line \line \line "Ang gulo naman ninyo. Bakit hindi na lang sundin ang
nakalagay sa Last Will and Testament ng lolo ninyo?" \line \line \line "Iyon na nga
ang problema. Nawawala ang Lat Will na pinirmahan ni Lolo. Hindi makapag-deside ang
anak ng abogado ni Lolo dahil hindi nai-endorse nang maayos sa kanya ang records ni
Lolo 'tapos nawawala pa ang Last Will. Wala ring karapatan si Lola sa yaman ni
Lolo. Hawak namin ang sulat ni Lolo pero wala iyong pirma at hindi notarized ng
abogado. Kinuha namin iyon sa abogado ni Lolo. Ang masama, hindi rin kami sigurado
kung tama ba ang sulat na nasa amin. Xerox copy lang iyon kaya posibleng may
karugtong iyon na pirmado. Nakausap ko si Atty. Sandoval. Ni-review niya ang
recorded na video tungkol sa mga sinabi ni Lolo tungkol sa mana. Nabanggit doon na
mapupunta sa apo ni Lolo na unang mag-aasawa ang mana. Iyon ang pagbabasehan ng
abogado dahil hindi na makita ang Last Will ni Lolo. Kaya gusto ni Daddy na
maisakal tayo hanggat hindi pa nakikita ang Last Will. Sana nga ay hindi na iyon
makita. Kapag kasi naikasal ako, awtomatikong ang abogado na mismo ang mag-aasikaso
ng papeles at maglilipat ng rights ng kumpanya sa pangalan ko. Matatabunan na ang
Last Will," kuwento ni Franco.\line \line \line Ramdam niya ang desidido nitong
makuha ang mana. \line \line \line "Magulo ang pamilya n'yo. Baka puwede namang
pag-usapan n'yo na lang ni Gaizer ang tungkol sa mana at paghatian ninyo," suhesyon
niya.\line \line \line "Hindi puwede 'yon. Hindi papayag si Daddy na mahati ang
mana dahil malaki ang naging hirap niya para manatiling nakatayo itong kumpanya.
Gagawa ng paraan ang kabilang panig para hindi matuloy ang plano namin. Kung alam
na ni Gaizer ang tungkol sa sulat at video ni Lolo, malamang kung hindi siya
magpapakasal kaagad, tayo ang guguluhin niya," anito.\line \line \line "Hindi naman
niya siguro gagawin 'yon."\line \line \line "Mas mabuti nang maingat tayo, Alexa.
Tatapusin ko lang itong project ko sa Cebu. Pagbalik ko, aayusin na natin ang
kasal."\line \line \line Bumuga siya ng hangin. Noon ay tanggap niya ang sitwasyon
pero ngayon ay parang hindi na siya komportable. Kapag naikasal na siya kay Franco,
hindi na siya makakaalis sakaling hindi na niya kayang sikmurain ang sitwasyon.
Bakit bigla siyang nag-aalinlangan ngayon kung kailan si Franco na mismo ang nag-
aapura ng kasal?\line \line \line Pagkatapos ng maigsing pag-usap kay Franco ay
binalikan ni Alexa sa lobby si Gaizer. Busy ito sa pagtipa sa cellphone nito.\
line \line \line "Sorry sa abala," aniya.\line \line \line "It's okay. Ano ba ang
laban ko sa soon to be husband mo?" wika nito pero hindi makatingin sa kanya.\
line \line \line "Ahm, okay na ba ang designs?" pag-iiba niya sa paksa.\line \
line \line Ibinaling nito ang atensiyon sa kanya. "Yes. Bukas ay pupuntahan natin
si Mr. Herera para ma-finalize na ang plano at nang makapagsimula na tayo.
Nakapagpaalam ka na ba sa fiancee mo na mag-e-stay tayo ng two days sa Tagaytay
para sa starting ng construction?" anito.\line \line \line Napamata siya. "Two
days?" aniya.\line \line \line "Yes. Bago natin ipagkakatiwala sa manpower ang
construction, siyempre kailangan nating plantsahin ang plano nang hindi tayo
naaabala sa ibang projects. After naman no'n ay kahit once a week na tayo dadalaw
sa area. Solo project kasi natin ito kaya kailangan nating tutukan."\line \line \
line Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Bumuntong-hininga siya. "Sige. Mamaya ay
kakausapin ko si Franco," aniya pagkuwan.\line \line \line "Okay. Iligpit mo na ang
sketch mo. See you tomorrow around nine in the morning. Maki-ride ka na sa akin,"
sabi nito saka tumayo.\line \line \line "Okay." Iniligpit niya ang gamit saka sila
naghiwalay ni Gaizer.\line \line \line ALAS-SINGKO ng hapon lumabas ng opisina si
Alexa. Nasa meeting pa si Franco kaya kailangan niya itong hintayin. Mas usapan
sila na maghahapunan sa labas. Tumambay muna siya sa opisina ng Daddy niya. Naroon
ito at kausap ang kliyente nito.\line \line \line Nang wala na itong kausap ay saka
lamang niya ito nilapitan. Umupo siya sa silya katapat ng mesa nito.\line \line \
line "Kumusta ang bago mong project, Anak? Tinanggap na ba ni Gaizer ang inulit
mong sketch?" usisa nito.\line \line \line "Yes, Pa. Dapat lang niyang tanggapin
dahil kung hindi ay igi-give-up ko na talaga ang project na iyon," aniya.\line \
line \line Ngumisi ang Ginoo. "Pasensiya lang ang kailangan, anak. Kaugali talaga
ni Gaizer ang Lolo niya. Naranasan ko na ring ma-reject. Mataas lang talaga ang
standard niya. Pero mabait naman si Gaizer. Kailangan mo lang hulihin ang kiliti
niya."\line \line \line "Oo nga po. Nakakainis lang kasi masyado siyang mayabang at
bossy. Akalain mo bang ina-assume na niya na siya ang tagapagmana ng Sta. Maria
group of companies?"\line \line \line Napansin niya ang paglaho ng ngiti ng Papa
niya. \line \line \line "Bakit, Pa? Hindi ba nakasalalay naman talaga sa unang
makapag-asawa na apo ang mana? Nag-usap nga kami ni Franco. Baka raw alam na ni
Gaizer na magpapakasal si Franco dahil sa mana," sabi niya.\line \line \line
"Posible 'yon, Anak. Hindi basta babalik sa kumpanya si Gaizer kung wala siyang
interes sa mana. Imposibleng hindi niya alam ang tungkol sa sulat at video ng Lolo
niya dahil lahat ng loyal na empleyado ng Lolo niya ay kampi sa kanya. Malamang
marami na siyang source at mas malakas ang laban niya."\line \line \line "Paano
'yan? Paano kung pipilitin niyang makuha ang mana? E 'di useless ang pagpapakasal
namin ni Franco."\line \line \line "Hindi basta magpapakasal si Gaizer dahil lang
sa mana. Gagawa at gagawa siya ng ibang paraan para makuha ang mana. Hindi ko alam
kung ano ang plano niya pero kilala ko siya. Hindi siya titigil hanggat hindi
nakukuha ang gusto niya. Pero hanggat nasa desisyon ng abogado ang kaayusan ng
lahat, mananalig tayo. Malinaw na pagbabasehan ang sulat at video ng yumaong Sta.
Maria," paliwanag ni Manual.\line \line \line "Paano kung biglang lumabas ang Last
Will at hindi ang nasa video ang nakalagay?" nababahalang tanong niya.\line \line \
line "Iyon ang malaking problema. Kaya dapat ay hindi na makita ang Last Will.
Mababalewala lahat ng hirap ni Roger. Pati tayo ay maiipit sa sitwasyon. Mas
updated ang Last Will kaysa sa video na matagal nang ginawa. Malinaw sa video na
hindi pa ganoon kaseryoso noon si Mr. Lucio Sta. Maria. Nasabi din niya sa video na
maari pang mabago ang lahat. Ang sabi ni Roger, noong malala na ang colon cancer ng
matanda, nagpagawa siya ng Last Will sa abogado. Iyon daw ang pagbabasehan. Ang
abogado na mismo ang nagsabi na hindi na niya makita ang Last Will maging ang kopya
ni Mr. Lucio. Mayroon daw nagnakaw."\line \line \line Naguguluhan si Alexa sa
nangyayari. Nangako naman sa kanya si Franco na sakaling hindi maganda ang
kalalabasan ng kasal nila ay maari silang mag-divorce. Plano nito na doon sila sa
Korea ikakasal. Sumang-ayon naman siya.\line \line \line Pagkatanggap sa mensahe ni
Franco ay lumabas na ng kumpanya si Alexa. Nasa garahe na si Franco at hinihintay
siya. Masaya siya kahit alam niyang para lang silang nagdudula-dulaan ni Franco.
Isang karangalan ang maikasal sa ideal man na pinapantasya ng maraming babae. Kaya
hindi siya magtataka kung bakit maraming babae sa kumpanya ang insecure sa kanya. \
line \line \line Habang magkasalo sila ni Franco sa hapunan sa isang restaurant ay
bigla niyang naalala ang sinabi ni Gaizer tungkol kay Franco na mayroon itong
kasamang ibang babae. Gusto niyang tanungin ang binata tungkol doon pero napigil
niya ang sarili nang maisip na baka maging sanhi pa iyon ng away ng dalawang
lalaki.\line \line \line Katulad ng dati, tungkol sa project at mana ang naging
paksa nila. Nahihiya siyang magbukas ng paksa tungkol sa personal nilang buhay o
tungkol sa plano nila pagkatapos ng kasal. Sa tuwing isisingit niya ang tungkol
doon ay iniiba ni Franco ang usapan. \line \line \line Pagkatapos ng hapunan ay
hinatid pa ni Franco si Alexa sa unit nila. Mawawala daw ito ng dalawang araw dahil
may shooting daw ito para sa commercial. Nasanay na siya sa presensiya nitong
parang kabuti. Bibihira sumusulpot.\line \line \line Tulog na ang Mama niya
pagdating niya. Sinilip lang niya ito sa kuwarto. Kararating lang din ng Papa niya.
Hindi na sila nakapag-usap. Dumeretso siya sa kuwarto niya at nag-shower.\line \
line \line Bago siya pumuwesto sa kama ay inayos na niya ang gamit niya na dadalhin
bukas sa Tagaytay. Ganoon siya kapag may lakad kinabukasan. Gabi pa lang ay
nakaempake na ang gamit niya.\line \line \line Pagkatapos ay humiga siya sa kama at
binuksan niya ang Facebook account niya sa kanyang cellphone. Una niyang binuksan
ay ang messenger. Mayroon siyang mensahe mula sa hindi pamilyar na user. Babae ang
pangalan at mukha ng Hollywood actress ang profile picture.\line \line \line
Pagbukas niya sa mensahe ay bumulaga sa kanya ang litratong pinadala sa kanya. Nai-
zoom pa niya ang picture. Nawindang siya nang makita sa picture si Franco na may
yakap na babae sa harap ng kotse nito. Kahit wala silang sinimulang relasyon ni
Franco ay apektado pa rin siya. Baka may mahal nang iba si Franco na hindi
sinasabi. Pero kung may iba ito, bakit hindi na lang ang babaeng iyon ang pakasalan
nito? Saka niya naisip ang sinabi ni Gaizer kanina tungkol kay Franco.\line \line \
line Nag-stalk siya sa profile ng sender. Blank ang profile information nito.
Halatang dummy account. Hindi niya maintindihan. Bakit mayroong nagpadala ng
litrato sa kanya? Ano'ng motibo nito? Nai-save niya ang litrato. Pero sinimulan na
niyang mag-stalk sa profile ni Franco. Kailangan bago siya magpakasal dito,
sisiguraduhin niya na alam niya lahat tungkol kay Franco. Titiyakin niya na hindi
siya malalagay sa alanganin.\line \line \line ALAS-OTSO pa lang ng umaga ay nasa
opisina na si Alexa. Hinihintay niya ang text ni Gaizer. Iniisip niya na trabaho
ang pakay nila sa Tagaytay at hindi dapat iyon mahaluan ng personal.\line \line \
line Mamaya ay tumunog na ang cellphone niya. Binuksan niya ang inbox. May mensahe
si Gaizer.\line \line \line \i "Where na you? I'm waiting outside the company,"\i0
sabi nito.\line \line \line Binitbit niya ang kanyang shoulder bag at sketch bag
niya. Pagdating niya sa labas ay nakita kaagad niya si Gaizer na nakasandig sa
harapan ng kotse nito na nakaparada sa harap ng gusali. Nang makita siya'y binuksan
kaagad nito ang pinto sa passenger seat.\line \line \line Pumasok kaagad siya.
Sumakay na rin ito at binuhay ang makina ng sasakyan. Traffic na palabas ng
Maynila. Halos hindi sila umuusad.\line \line \line "Nag-breakfast ka na ba?"
tanong nito.\line \line \line "Tapos na," tipid niyang sagot.\line \line \line "Ako
hindi pa," anito.\line \line \line Matamang tiningnan niya ito. "Maaga pa naman,
puwede kang mag-drive tru sa fastfood restaurant," sabi niya.\line \line \line
Tumawa ng pagak ang binata. "Traffic na nga magda-drive tru pa tayo. Okay lang.
Natitiis ko pa naman."\line \line \line "Masamang mag-skip ng breakfast."\line \
line \line "I know. Thanks sa concern."\line \line \line "It's part of our job,"
katwiran niya.\line \line \line "Come on, huwag mong gawing excuse ang trabaho.
Hindi ako ibang tao, Alexa. Where not just meet in one night. We shared a very
special night."\line \line \line Nagtagis ang bagang niya dahil sa pagbukas na
naman nito sa isyu ng nakaraan nila. \line \line \line "Please stop talking about
that damn night! Walang espesyal doon! Tama na," inis na samo niya.\line \line \
line Napansin niya ang mariing pagkakahawak ni Gaizer sa manibela. Narinig niya ang
pagdaiti ng mga ngipin nito.\line \line \line "Ang bilis mo namang naka-move-on.
Why don't you ask me about the night?" seryosong sabi nito.\line \line \line
"Please stop! Wala na akong pakialam sa nangyari!" asik niya.\line \line \line
"Dahil ba ikakasal ka na?" sabi nito sabay tapon ng matalim na tingin sa kanya.\
line \line \line "Gaizer, walang tayo. Never naging tayo. Nang dahil lang sa isang
gabi na hindi ko alam kung paano naganap, magiging malaking isyu na ba iyon? Masaya
na ako sa buhay ko. Ni hindi nga ako ginugulo ni Rendel samantalang
mas mabigat ang sitwasyon namin. At tama ka, ikakasal na ako kaya hanggat maari,
ayaw ko nang pag-usapan ang mga nangyari noon," matapang na pahayag niya. Pero
hindi niya maitago sa kanyang sarili na apektado pa rin siya. Sobrang depress siya
noon dahil sa nangyari.\line \line \line "Mahal mo ba talaga si Franco kaya ka
magpapakasal sa kanya?" usig nito.\line \line \line "Oo naman. Sino ba'ng tanga ang
magpapakasal sa taong hindi niya mahal?" walang abog na sabi niya.\line \line \line
Nagulat siya nang biglang naihinto ni Gaizer ang kotse. May gigil ang pag-apak nito
sa preno kaya halos sumubsob na ang mukha niya sa harapan.\line \line \line "Shit!
Damn this traffic!" bulalas ni Gaizer.\line \line \line Nakita naman niya na
kamuntik nang araruhin ng sasakyan nila ang nasa unahang kotse. Hindi niya magawang
sisihin si Gaizer. Tumahimik na rin ito.\line \line \line Nang makaalis na sila sa
traffic ay panay ang dasal niya dahil nakikipagkarera si Gaizer sa sinusundan
nilang \i toyota vios. \i0 Kinakabahan na siya. \line \line \line "Gaizer, kung may
balak kang pigilan ang kasal ko, huwag sa ganitong paraan. Ayaw ko pang mamatay,"
hindi natiis na reklamo niya.\line \line \line Ngumisi ang binata. "If it is the
only way, why not. At least hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Malay mo, doon ka
talaga nararapat ikasal," gatong nito sa biro niya.\line \line \line Natawa siya.
"Hindi ito biro. Mas mabuti pang ibaba mo ako para makasakay ako sa bus," aniya.\
line \line \line "Mas may tiwala ka pa sa bus driver kaysa sa akin?" sabi nito at
binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan.\line \line \line "Mas okay na doon kasi
marami akong makakasamang mapadpad sa kabilang buhay," aniya.\line \line \line
Tumawa ito ng pagak. "Bakit ayaw mong tayo lang dalawa?" tanong nito.\line \line \
line Hindi siya kumibo. Ibinaling niya ang atensiyon sa kanyang cellphone na may
tumatawag. Si Franco. Dagli niya itong sinagot.\line \line \line "Hello, love?"
sagot niya. Sinadya niya iyon para tigilan na siya nitong baliw na kasama niya.\
line \line \line \i "Love?"\i0 takang sabi ni Franco sa kabilang linya.\line \line
\line "Ahm, nasa biyahe ako kasama si Gaizer. Papunta kami ngayon sa Tagaytay para
roon sa project," aniya.\line \line \line \i "Ah okay. Kasama mo pala. Tatawag na
lang ulit ako kapag malayo ka na sa kanya,"\i0 sabi nito.\line \line \line "Sige.
I love you," wika niya.\line \line \line Natawa lang si Franco. Na-gets na nito ang
drama niya. Napagkasunduan na nila iyon na kailangan nilang magpakita ng sweetness
sa harap ng iba lalo na kay Gaizer at sa galamay nito para matigil na ang isyu sa
kanila.\line \line \line Nagtataka siya bakit bumubilis na naman ang takbo ng
sasakyan. Nilalagpasan nito ang mga jeep at bus. Tinubuan na siya ng nerbiyos.
Ipinasok niya sa bag ang kanyang cellphone saka kinalabit ang braso ni Gaizer.\line
\line \line "Ihinto mo! Bababa ako!" natatarantang utos niya sa kasama.\line \
line \line "Malapit na tayo."\line \line \line "Kahit na! Ayaw ko pang mamatay!"\
line \line \line "Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan sa kabilang buhay,"
biro pa nito.\line \line \line Hindi siya nakatiis. Kinurot niya nang tudo ang
tagiliran ni Gaizer.\line \line \line "Aw!" daing nito. Inihinto nito bigla ang
sasakyan sa gilid ng kalsada.\line \line \line Bubuksan sana niya ang pinto para
makababa pero mahigpit na hinawakan nito ang kaliwang braso niya. Hindi siya
nakaalis sa puwesto niya. Naiiritang hinarap niya ang binata.\line \line \line
"Please stay," sabi nito.\line \line \line "Kung hindi mo mahal ang buhay mo, huwag
mo akong idamay. Gusto ko pang mabuhay nang matagal," aniya.\line \line \line
"Fine. Aayusin ko na."\line \line \line Inayos naman niya ang kanyang pag-upo.
Pinausad na nito ang sasakyan. Pero sobrang bagal naman na halos halos naglalakad
lang sila. Inaasar lang ata siya ng isang ito.\line \line \line "Gaizer, mukhang
kailangan mo nang mag-almusal," reklamo niya.\line \line \line Ngumisi pa ang
hudyo. "Binagalan ko na nagrereklamo ka pa rin. Ano ba talaga?" anito.\line \line \
line "May saltik ka ba? O baka kailangan na kitang ipa-tokhang. Trabaho ang
pupuntahan natin. Hindi tayo namamasyal."\line \line \line Unti-unti nitong
binibilisan ang takbo ng sasakyan. "Gusto ko lang ibalik ang dating ikaw.
Nakakatuwa dahil nariyan ka pa rin. Mas cute ka kung ganyan ka. Tipong sumasakay sa
biro."\line \line \line Natigagal siya. Hindi niya maalala na nagkaroon sila ng
pagkakataon noon na magkasama nang matagal. Kadalasan ay sa party sila nagkikita.
Palagi itong invited sa okasyon na pinupuntahan nila ni Rendel pero wala siyang
maalala na nagkakuwentuhan sila.\line \line \line "Tama na," seryosong wika niya.\
line \line \line "Bakit ayaw mo akong papasukin sa buhay mo? Hindi naman kita
guguluhin. Gusto ko lang mapalapit sa 'yo."\line \line \line Nilinis niya ang
kanyang lalamunan. Hindi niya maintindihan bakit tumitibok nang mabilis ang puso
niya. \line \line \line "Puwede tayong maging magkaibigan. Hanggang doon lang,"
aniya.\line \line \line "Let's see," sabi lang nito saka maayos na pinatakbo ang
sasakyan.\line \line \line \b Chapter Six [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \
b0 \line \line \line \line \line \line \line \line \line SERYOSO
na si Gaizer pagdating nila sa main office ng property ni Mr. Herera. Kararating
lang din ng Ginoo. Iginiya sila nito sa maluwag nitong opisina. Inilatag ni Alexa
sa harapan nito ang mga designs niya at ang on-going plano ng buong village.\line \
line \line "It looks like a new city. Nice," komento ni Mr. Herera sa iginuhit
niyang plano para sa village.\line \line \line "It's open for edit, sir. I want to
hear your suggestions," aniya.\line \line \line "That's okay. I trusted you both.
Good job," anito.\line \line \line Napatingin siya kay Gaizer. Nginitian siya
nito.\line \line \line "So, when do you plan to start the construction, Sir?"
pagkuwa'y tanong ni Gaizer sa Ginoo.\line \line \line "Anytime this month. Actually
we started to free selling the areas. It's up to you. If your manpower are
prepared, let's get started," sabi nito.\line \line \line "Next week is okay for
me. How about you, Miss Alexa?" sabi ni Gaizer.\line \line \line "Ah, I'm
prepared," mabilis niyang sagot.\line \line \line "Good. So, let's have lunch
first," pagkuwa'y alok ni Mr. Herera.\line \line \line Pagkatapos ng tanghalian ay
nag-ikot sila sa malawak na lupain na sinisimulan nang pinapatag at binubungkal ang
malalaking puno. Napansin ni Alexa na mas magaling makipag-negotiate si Gaizer
kaysa kay Franco. Mayroon itong honey voice na madaling makaakit ng kausap. Lahat
ng suhesyon nito kay Mr. Herera ay aprobado kaagad.\line \line \line Inalok pa sila
ng ginoo ng lodge para sa kanila. Nakalimutan ata nito na si Franco ang fiance
niya. Gusto itong mag-stay sila overnight sa lugar. Hindi manlang siya makasingit
sa usapan ng dalawa. Mabuti a lang tumanggi si Gaizer sa alok ng Ginoo. Idinahilan
na lang nito na may pupuntahan pa silang ibang project.\line \line \line Alas-tres
ng hapon sila nakaalis sa lupain ni Mr. Herera. Nagtataka si Alexa bakit hindi sa
daan pabalik ng Maynila ang tinatahak nila. Papasok na sila sa beach area.\line \
line \line "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.\line \line \line "May
dadalawin lang akong importanteng tao," anito.\line \line \line Huminto sila sa
malawak na lupain na may sirang tarangkahan. Ipinasok nito ang sasakyan. May nakita
siyang burol. Tumigil sila sa tapat ng magarang puntod. Pagbaba nito ay sumunod
siya. Inilabas ni Gaizer ang bouquet ng bulaklak na binili nila kanina sa bayan.
Kaya pala bumili ito ng kandila. Dadalhin pala nito sa puntod ng yumao nitong ama.\
line \line \line Nakita din niya sa wakas ang puntod ng yumaong si Engr. Lucio Sta.
Maria. Katabi nito ang puntod ng ama ni Gaizer na si Engr. Hector Sta. Maria. Naka-
tiles ang sahig maging pader. Mas malaki pa ang libingan ng mga ito sa kuwarto
niya. Pinapanood lang niya si Gaizer na nag-aalay ng taimtim na dasal sa mga
yumao.\line \line \line Pagkatapos ay hinarap siya nito. "Ikaw. Hindi ka ba
magpapakilala sa soon to be father in law mo?" sabi nito.\line \line \line Mariing
kumunot ang noo niya. "Father in law? Baka naman grand father in law," pagtatama
niya.\line \line \line "Both. Tinatawag din ni Franco na Daddy ang Daddy ko.
They're close to each other. Kaya nga inggit na inggit ako kay Franco dahil mas
close sila ni Daddy," anito.\line \line \line May kung anong kumurot sa puso niya.
"Bakit, hindi ka ba close sa Daddy mo?" usisa niya.\line \line \line Lumuklok sa
unang baitang ng hagdan si Gaizer. Nanatili naman siyang naaksandig sa puno ng
talisay. \line \line \line "No. Siguro dahil hindi ako lumaki sa piling niya. Mas
malapit ako sa Mommy ko. My parents separated when I was twelve years old. Isinisi
ko lahat kay Daddy bakit kinailangang bumalik ni Mommy sa Japan. I know the reasons
why. My Dad having an affair with other woman. Nagalit ako sa kanya kaya ako
nagdesisyon na lumayas sa murang edad. Tumira ako kay Lolo at siya ang nagpaaral sa
akin hanggang sa magtapos ako ng college. Nagalit din ako sa Mommy ko dahil nag-
asawa siya ulit. Feeling ko wala akong lugar sa pamilya ko. Noong namatay si Lolo,
kinuha ako ni Mommy. Ang kaso, hindi kami nagkasundo ng stepfather ko. Bumalik ulit
ako rito at tumulong sa Sta. Maria group of companies. Pero hindi ako nabibigyan ng
break. Para akong langaw na walang pirmanenteng madadapuan," seryosong kuwento ni
Gaizer.\line \line \line Nanlumo si Alexa matapos marinig ang kuwento ni Gaizer.
Hindi niya inaasahan na magkukuwento ito. \line \line \line Tumayo ang binata at
bumalik sa sasakyan. Sumunod naman siya rito. Tahimik lang ito habang binubuhay ang
makina ng kotse.\line \line \line "Uuwi na ba tayo?" tanong niya.\line \line \line
"May dadalawin pa ako sandali," sabi nito.\line \line \line Hindi na sila lumabas
ng malawak na lupain.
Binaybay nila ang makitid na kalsada sa pagitan ng malalagong pananim na mais na
namumunga na. Sa dulo ng lupain ay malawak na karagatan. Huminto sila sa old model
three story house. Sinalubong sila ng malalaking aso kasunod ng matandang lalaki na
nasa early sixties ang edad.\line \line \line Nang bumaba si Gaizer ay sumunod
siya.\line \line \line "Gaizer, ikaw ba 'yan?!" manghang tanong ng Matanda.\line \
line \line "Opo, Lolo Rick!" nasasabik na sabi ni Gaizer sa matanda. \line \line \
line Nagyakapan ang dalawa. Natatako sa aso si Alexa kaya hindi siya umalis sa
tinatayuan niya.\line \line \line "Nasaan po si Lola Amara?" tanong ng binata sa
matanda. Nakalimutan na ata siya nito.\line \line \line Mabuti na lang napansin
siya ni Lolo Rick. "Aba, may kasama ka pala. Asawa mo na ba iyan?" usisa ng
matanda.\line \line \line Awtomatikong tumingin sa kanya si Gaizer. Napalis ang
masigla nitong ngiti. Humakbang naman siya palapit sa mga ito.\line \line \line
"Hindi po, Lolo. Siya si Alexa San Diego, girlfriend ni Franco. Architect siya. May
project kami rito sa Tagaytay. Tuloy dumalaw na rin ako," ani Gaizer.\line \line \
line "Ganoon ba? Aba, bakit nga pala hindi pumupunta rito si Franco? Palagi siyang
hinahanap ng Lola mo," anang matanda.\line \line \line "Busy po siya. Hindi po ba
niya nasabi sa inyo na malapit na silang magpakasal ni Alexa?" ani Gaizer.\line \
line \line Nagulat ang matanda. Ganoon na lang ang kaba ni Alexa.\line \line \line
"Aba hindi pa. Sandali. Pumasok muna kayo sa loob nang makita kayo ng Lola mo,"
sabi ni Lolo Rick.\line \line \line Pagpasok nila sa malawak na sala ay sinalubong
sila ng matandang babae na nakaupo sa wheel chair na tulak-tulak ng caregiver
malamang nitong babae.\line \line \line "Apo ko!" mangiyak-ngiyak na bungad ng
matandang babae. Kulang na lang ay tumayo ito para malapitan kaagad si Gaizer.\line
\line \line Sinalubong na ito ng binata at niyakap. Tumagistis ang luha ng sabik na
matanda. Hindi napigil ni Alexa ang kanyang pagluha. Napansin din niya ang pagluha
ni Gaizer. Obvious na matagal na hindi nagkita ang mag-lola. Hinalik-halikan ng
matanda sa mukha ang binata.\line \line \line "Ang guwapo mo talaga apo. Manang-
mana ka sa Daddy mo. Bakit ngayon mo lang ako dinalaw, ha?" anang Matanda.\line \
line \line "Hindi ko po kasi maiwan si Mommy. Paralisado na siya noon kaya ako ang
namamahala ng kumpanya," sagot ni Gaizer.\line \line \line "Ganun ba?" Nabaling kay
Alexa ang atensiyon ng matanda.\line \line \line Nakita na niya ang litrato ni Lola
Amara sa naka-save na mga litrato ni Franco sa Facebook account nito. Medyo mataray
nga ang mukha nito sa personal pero kahit matanda na ay maganda pa rin.\line \
line \line "E sino ang kasama mo? Asawa mo ba?" usisa ng matanda.\line \line \line
Naiilang ngumiti si Alexa. Parang inulit lang nito ang tanong ni Lolo Rick kanina.
Lumapit siya sa matandang babae at nagmano. Siya na rin ang nagpakilala sa sarili
niya.\line \line \line "Ako po si Alexa San Diego. Fiancee po ako ni Franco,"
aniya.\line \line \line "Talaga? E nasaan si Franco? Bakit hindi mo siya kasama at
kayo ni Gaizer ang narito?" usig nito.\line \line \line Nagtinginan sila ni Gaizer.
"May ibang trabaho si Franco, Lola. Biglaan lang po kasi ang pagdalaw namin dito
dahil may project kami ni Gaizer malapit dito," paliwanag niya.\line \line \line
"Kung ganoon ay hindi kayo magtatagal?" anito.\line \line \line "Opo," mabilis
niyang sagot.\line \line \line "Aba. Ano ba ang minamadali ninyo? Dito na kayo
magpalipas ng gabi," may tampong sabi ni Lola Amara.\line \line \line Hindi
makapagdesisyon si Alexa. \line \line \line "Sige po, Lola. Bukas na kami uuwi,"
bigla'y sagot ni Gaizer.\line \line \line Binato niya ng mahayap na tingin si
Gaizer. Pero nang tingnan niya ang matanda na pumapalakpak sa tuwa ay lumambot na
rin ang puso niya.\line \line \line Nag-utos kaagad si Lola Amara sa tauhan nito na
mamingwit ng isda sa dagat para ulam nila. Nagboluntaryo si Gaizer na tumulong sa
paghuli ng isda. Naiwan naman ang dalaga. Mabuti na lang palagi siyang nagbabaon ng
ekstrang damit sa tuwing pumupunta siya sa ibang lugar.\line \line \line Nagyaya si
Lola Amara na magpunta sa pampang ng dagat para panoorin ang paglubog ng araw.
Bunsong kapatid pala nito si Lolo Rick. Balo na rin ito at ang nag-iisang anak na
babae ay nurse sa Canada at doon na nakapag-asawa. Hinintay nilang makabalik ang
bangkang sinakyan nila Gaizer. Malayo pa ang mga ito ay nakikita na niya ang hubad-
barong bulto ni Gaizer na tumakip sa papalubog na araw.\line \line \line Hindi pa
nakapuwesto sa lupa ang bangka ay tumalon na sa tubig si Gaizer. Basang-basa na
ito. Lumangoy ito palapit sa kanila. Gustong makita ni Alexa ang sariwang isda na
nahuli ng mga ito pero nakalimutan niya ang mga iyon nang biglang umahon sa harapan
nila ang malaking isda na saksakan ng guwapo at kakisigan.\line \line \line Napako
ang paningin niya sa basang katawan ni Gaizer na hitik sa nagkaparte-parteng abs at
maskuladong dibdib, balikat at mga braso nito. Pakiramdam niya'y bumagal ang oras
at bumalik ang araw dahil pakiramdam niya'y idinadarang siya sa init.\line \line \
line Kumislot siya nang biglang may kumalabit sa likod niya. Kumurap-kurap siya at
mabilis na iniwasan ng tingin ang mapanuksong katawan ni Gaizer. Pero hindi siya
nakailag sa maningning nitong mga mata at napakatamis na ngiti. Noon lamang niya
napansin na may dalawang dangkal na lang ang pagitan nito sa kanya. Kanina pa pala
siya kinakalabit ni Lola Amara. Nang lingunin niya ito ay papalayo na ito habang
tulak ni Kristel ang wheel chair nito.\line \line \line Awtomatiko niyang naibalik
ang tingin kay Gaizer nang bigla nitong haplusin ang leeg niya. Nagulat siya at
napahakbang nang isang beses paatras. Lumubog ang isang paa niya sa buhangin kaya
siya nawalan ng balanse. Hindi siya nakahuma nang saluhin ng malakas na braso ni
Gaizer ang baywang niya. Hinila siya nito patayo dahilan kaya naglapat ang mga
katawan nila.\line \line \line "Palubog na ang araw pero pinagpapawisan ka pa.
Mainit ba?" sabi nito sa malamyos na tinig.\line \line \line Nasamyo niya ang
mabango nitong hininga na bumuga sa mukha niya. Isang pulgada lang ang pagitan ng
mga mukha nila. Gusto niyang magsalita pero parang may nakabara sa lalamunan niya.
Gusto niyang itulak ang binata pero wala siyang lakas. Nanlalambot ang buo niyang
katawan.\line \line \line Sinalubong niya ang malagkit nitong titig. Isa iyong
malaking pagkakamali dahil lalo lamang siyang nalumo nang magtama nang malapitan
ang mga mata nila. Hindi niya namalayan ang pagdampi ng labi nito sa kanyang mga
labi. Nahimasmasan siya nang maramdaman niya ang sakop ng mainit nitong bibig sa
kanyang mga labi at bahagyang nakagat ang ibabang bahagi.\line \line \line Marahal
niyang naitulak ang binata. Inilahad pa nito ang mga palad sa harapan niya. "I'm
sorry," sabi lang nito saka nagtiunang lumakad.\line \line \line Hinabol niya ito
ng tingin. Gusto niyang magalit pero hindi niya alam kung paano. Tahimik na sumunod
siya rito. Uneasy siya pagdating sa bahay. Gusto na niyang umuwi pero paano? Wala
siyang sasakyan. Isa pa, baka hindi rin siya makakatakas basta kay Lola Amara.\line
\line \line Sa oras na ng hapunan. Kasalo nila sa hapag sina Lola Amara at Lolo
Rick. Masayang nagkukuwento ang matandang babae tungkol sa kabataan ng mga apo
nito. Doon nito nasabi na limang taon na pala nitong hindi nakakapiling si Gaizer
kaya ganoon na lang ito kasabik sa binata.\line \line \line "Sa susunod na Linggo,
seventy-sixth birth day ko na. Kailangan narito kayo, ha?" sabi ni Lola Amara.\line
\line \line "Oo nga pala, Lola. Ano'ng gusto mong regalo?" ani Gaizer. Katabi nito
si Lola Amara.\line \line \line "Ikaw at si Franco ay sapat nang regalo, apo,"
anito saka tinawag ang atensiyon ni Alexa.\line \line \line "Hindi po ako sigurado
kung makakapunta ako, Lola," sabi niya.\line \line \line Bumusangot ang matanda.
"Ayaw ko ng ganyang salita. Basta pumunta ka. Kayo ni Franco. Marami nang utang sa
akin si Franco. Tatlong birth day ko na ang pinalagpas niya. 'Tapos malapit na pala
siyang magpakasal na hindi sinasabi sa akin. Hindi ako papayag na hindi kayo
pupuntang dalawa," wika nito.\line \line \line "Kakausapin ko po si Franco. Marami
kasi siyang projects sa labas," aniya.\line \line \line "Puwede namang ikaw na lang
ang pumunta kung ayaw niya. Matutuloy pa rin naman ang birthday ni Lola kahit wala
siya," sabad ni Gaizer.\line \line \line Hindi magawang tingnan ng deretso ni Alexa
si Gaizer. "Kakausapin ko pa rin si Franco," giit niya.\line \line \line "Sabihin
mo sa kanya na nagtatampo ako," sabi ni Lola Amara.\line \line \line "Opo."
Nagpatuloy siya sa pagsubo.\line \line \line Pagkatapos ng hapunan ay tumulong si
Alexa sa pagliligpit ng pinagkainan nila. Maagang natutulog si Lola Amara kaya
tahimik na ang kabahayan. Si Aleng Lucy ang matagal nang katiwala ng mga Sta.
Maria. Kuwento nito, magmula noong namatay ang matandang Sta. Maria ay hindi na
umaalis ng Tagaytay si Lola Amara. Na-stroke ito sampungng taon ang nakalipas
pagkamatay ng asawa nito. Nakaka-survive naman ito pero hirap nang makalakad kaya
naka-wheel chair na lang.\line \line \line Kasama ni Alexa sa kuwarto si Kristel.
Nauna na itong natulog. Hindi siya sanay matulog na hindi naghuhugas ng katawan.
Mabuti pinahiram siya ni Kristel ng pantulog. Matutulog na sana siya nang maalala
niya ang kanyang cellphone. Naiwan niya iyon sa kotse ni Gaizer. \line \line \line
Nakapagbihis na siya ng manipis na pantulog na kulay puti. Inasahan niya na hindi
nai-lock ni Gaizer ang kotse at maaring nagpapahinga na rin ang binata. Pagdating
niya sa garahe ay maliwanag. Hindi naka-lock ang kotse. Binuksan niyaa ng pinto sa
passenger seat pero wala ang cellphone niya sa upuan maging sa harapan nito.
Imposibleng mawala iyon. Wala sa bag niya ang cellphone at hindi din niya iyon
dinala sa labas kahit nang nasa burol sila. Ginamit
pa niya iyon bago sila nakarating sa bahay ni Lola Amara. Halos baliktarin na niya
ang upuan sa kakahanap ng cellphone. \line \line \line "Ano'ng hinahanap mo
riyan?"\line \line \line Kumislot siya nang marinig ang boses ni Gaizer. Napalabas
siya bigla sa sasakyan at hinarap ang binata. Hindi siya nakapagsalita nang
mapansin ang mga mata nito na naglalaro sa kanyang katawan. Itim ang underwear niya
kaya bakat na bakat sa suot niyang manipis na pantulog.\line \line \line "Ito ba
ang hinahanap mo?" tanong nito nang ipakita sa kanyang ang hinahanap niyang
cellphone.\line \line \line "Oo. Bakit mo kinuha?" akusa niya.\line \line \line
"Ops, hindi ko ito kinuha. Naiwan mo. Ibibigay ko sana sa iyo kaso akala ko tulog
ka na," anito.\line \line \line Akmang kukunin niyaa ng cellphone ngunit ipinagkait
nito.\line \line \line "Akin na 'yan," sabi niya.\line \line \line "Take it," hamon
nito habang itinataas ang kanang kamay na may hawak sa cellphone.\line \line \line
"Akin na!" inis na sabi niya habang pilit inaabot ang kanyang cellphone.\line \line
\line Lalo lang nito inilalayo ang cellphone. Ipinapasa-pasa nito sa dalawang kamay
kaya para siyang tanga na hinuhuli ang kamay nito. Natatakot siya baka bigla nito
iyong mabitawan. Regalo pa naman iyon ng Papa niya sa kanya noong nakapasa siya sa
licence exam.\line \line \line "Ano ba! Akin na sabi!" napipikon nang sabi niya.\
line \line \line Inipit pa nito sa bulsa ng pantalon nito ang cellphone. "Kunin mo
na," anito.\line \line \line "Baliw ka talaga! Dudukutin ko talaga 'yan!" hamon
niya.\line \line \line "Go ahead!" natatawang sabi nito.\line \line \line Walang
alinlangang dinukot niya sa bulsa nito ang kanyang cellphone pero nahirapan siyang
hugutin dahil masikip. Biglang pumiksi si Gaizer at naipit pati kamay niya sa bulsa
nito.\line \line \line Itinulak siya nito. Bumangga ang likod niya sa harapan ng
kotse. Nakaipit pa rin ang kamay niya sa bulsa nito. Natigilan siya nang ipitin
siya ng malaking katawan nito. Hinawakan nito ang kamay niya'ng naipit sa bulsa
nito saka iyon inilabas.\line \line \line "Baliw, palayain mo ako," samo niya rito
sa hinahapong tinig.\line \line \line Lalo lamang siya nitong ikinulong sa mga
bisig nito. "Baliw kung baliw ang gusto mong itawag sa akin. Pero sa lahat ng baliw
na nakilala mo, ako lang ang kayang kang baliwin sa kaligayahan. Kung palalayain
kita, para mo na ring hiniling na saktan kita," wika nito sa malamyos na tinig.\
line \line \line Sa paglapit ng mukha nito sa mukha niya ay sumabay ang pagtulay ng
mainit nitong kamay sa makinis niyang braso. Nang umiwas siya ng tingin sa mga mata
nito ay ginulat siya nang agarang pag-akingkin ng mga labi nito sa kanyang mga
labi. Tinangka niyang itulak ito sa dibdib ngunit nanlumo siya nang dumaiti ang
matipuno nitong dibdib sa kanyang dibdib. Ang pangahas nitong labi ay humapuhap ng
halik sa kanyang leeg.\line \line \line Nangatog ang mga tuhod niya at tila unti-
unting tinutupok ng mainit nitong halik at haplos ang kanyang kamalayan. Nang
bumalik ang labi ito sa kanyang bibig ay sinimulan nito iyong buksan at ginalugad
ang kanyang panlasa. Natutukso siyang salubungin ang marubrob nitong halik ngunit
lumalaban ang isip niya. Hindi dapat maulit ang nangyari noon.\line \line \line
\b Chapter Seven [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \
line \line \line \line \line \line NAHIMASMASAN si Alexa nang biglang
tumunog ang kanyang cellphone na naroon pa rin sa bulsa ng pantalon ni Gaizer.
Nilubayan siya nito ng halik. Narinig niya ang malakas na pagtagis ng bagang nito
na puno ng frustration. Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig.\
line \line \line Mabilis niyang hinugot mula sa bulsa ni Gaizer ang kanyang
cellphone saka itinulak ang binata. Napindot niya ang answer key kahit hindi pa
siya handang magsalita at hindi niya nakita kung sino ang tumatawag.\line \line \
line "Hello?" aniya.\line \line \line \i "Alexa? Where are you?"\i0 Boses ni
Franco.\line \line \line Bigla siyang kinabahan. "F-Franco?" manghang untag niya.\
line \line \line \i "Yes. Kanina pa ako tumatawag sa iyo. Nariyan ka pa ba sa
Tagaytay? Tumawag ako sa Papa mo. Hindi ka pa raw umuuwi."\i0 \line \line \line
"Ahm..." tiningnan niya si Gaizer na noo'y nakasandig sa harapan ng kotse nito
habang nakahalukipkip at pinpanood siya.\line \line \line Pilit niyang ikinakalma
ang kanyang sarili upang mawala ang hingal niya.\line \line \line \i "Hey, are you
okay?"\i0 tanong ni Franco.\line \line \line "Ah, y-yes, I'm fine. Ano kasi
nandito kami sa bahay ng Lola mo. Naisip ni Gaizer na dumaan dito. Kaso hindi kami
pinayagan ni Lola na umuwi kaagad," paliwanag niya.\line \line \line \i "Magkasama
kayo ni Gaizer?!"\i0 gilalas na sabi nito.\line \line \line "Kuwan, oo. Hindi kasi
namin natanggihan si Lola. Matagal na pala silang hindi nagkita ni Gaizer. At
hinahanap ka nga ni Lola." Pilit niyang pinapasigla ang tinig niya kahit para
siyang inuusig ng damdamin niya na nagsisilakbo habang pilit iniiwasan ang tingin
ni Gaizer.\line \line \line \i "Okay. Kumusta si Lola?"\i0 ani Franco.\line \
line \line Para mas komportable siya, lumakad siya palayo kay Franco. Umupo siya sa
bench sa tapat ng water fountain sa gitna ng hardin. \line \line \line "Okay naman
si Lola. Miss ka na niya," sagot niya pagkuwan.\line \line \line \i "Pakisabi hindi
pa ako makakapunta riyan dahil marami akong kailangang tapusin."\i0 \line \line \
line "Pero birthday niya sa Linggo. Inaasahan niya na pupunta tayo. Nagtatampo siya
sa 'yo."\line \line \line \i "Nasa Cebu ako niyan para sa huling taping ng series
commercial na ginagawa namin. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. O kaya
ikaw na lang ang pumunta para makapagbakasyon ka. Maganda ang place riyan. Si
Gaizer ba pupunta din?"\i0 \line \line \line "Oo. Kung hindi ka pupunta, hindi na
rin siguro ako pupunta," aniya.\line \line \line \i "No, mas lalong magtatampo si
Lola. Pupunta naman pala si Gaizer kaya okay lang kahit wala ako. Mas paborito ni
Lola si Gaizer. Ikaw na lang ang proxy ko tutal nariyan ang project ninyo. Para
naman makapag-relax ka."\i0 \line \line \line "Sige, titingnan ko."\line \line \
line \i "Don't worry, after ng Cebu project pagbalik ko ay aasikasuhin na natin ang
kasal. Mag-ready ka na rin para walang hustle, okay?"\i0 \line \line \line "Okay."\
line \line \line \i "I'll call you tomorrow if nakauwi ka na. We need to talk about
the issue against us. Sa tingin ko may gusto talagang sirain ang plano namin. Sige
na. Bukas na lang kapag nakauwi ka na. Mag-ingat ka baka minamanmanan din ni Gaizer
ang kilos mo."\i0 \line \line \line "Sige."\line \line \line \i "Bye. Magpahinga ka
na," \i0 sabi nito saka pinutol na ang linya.\line \line \line Humugot siya ng
malalim na hininga. Paulit-ulit na buntong-hininga bago siya nakaramdam ng
ginahawa. Nang tumingin siya sa garahe ay wala na si Gaizer sa tapat ng kotse nito.
Tumayo na rin siya at lumakad papasok sa kabahayan. \line \line \line Dahandahan
siyang pumasok sa kuwarto ni Kristel at humiga sa tabi nito. Nahihirapan siyang
makatulog. Nababagabag siya hindi sa sitwasyon niya kay Franco kundi sa unti-unting
pagsibol ng hindi niya maipaliwanag na koneksiyon niya kay Gaizer. \line \line \
line Habang pinipilit niyang iwasan ang binata ay lalo itong dumidikit sa kanya.
Hindi niya alam kung sinasadya nito o bugso lamang ng kanilang mga damdamin. Hindi
maaring maligaw rito ang nilalaga niyang pagmamahal na dapat ay para kay Franco na
pinili niyang pakasalan. \line \line \line Habang gising ang diwa niya ay wala
itong ibang nilalaman kundi si Gaizer at ang mga tagpong unti-unti nitong
pinapalago at tuluyang magtatali sa kanya sa puso nito. Malakas ang tiwala niya sa
sarili na mapipigilan pa niya ang kanyang damdamin.\line \line \line ALAS-OTSO na
ng umaga nagising si Alexa. Paglabas niya ng kuwarto ay tahimik ang kabahayan.
Malamig pa rin ang klima kahit tirik na ang sikat ng araw sa labas. May naiwan pang
hamog sa paligid. Kumakalam na ang sikmura niya. Hindi kasi siya sanay maghapunan
nang maaga kaya dinamdam niya ang gutom paggising niya.\line \line \line Pagpasok
niya sa kusina ay naabutan niya si Gaizer na nag-aalmusal ng Pan cake at mabangong
kape na native.\line \line \line "Good morning! Napuyat ka ata kagabi. Dapat kanina
pa tayo bumiyahe pabalik ng Maynila kaso ang tagal mong nagising," sabi nito.\
line \line \line Naiinis siya. Dahil sa mga ginawa nito kagabi kaya hirap siyang
nakatulog. Hindi siya kumibo. Umupo siya sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Ito ang
nakaupo sa kabilang dulo. May pagkaing nakahain sa gitna. Kumuha siya ng fried rice
at pritong isda. Gumawa siya ng saysawang toyo at kalamansi.\line \line \line
"Iiwan na sana kita kaso mahihirapan kang makasakay rito. Nasa Batangas kasi ang
service ni Lola dahil nag-deliver ng mga troso," anito.\line \line \line "Sana
umalis ka na lang. Makakauwi din naman ako mag-isa," masungit niyang wika.\line \
line \line Tumigil sa paghigop ng kape si Gaizer. "You know, you look
uncomfortable. Sana tinanggihan mo na lang ang project kung hindi ka naman
komportableng kasama ako. Maraming magagaling na architect sa Sta. Maria," palatak
nito.\line \line \line Pinukol niya ito ng mahayap na tingin. "It's not about the
project, Gaizer. Wala kang consideration. Kung alam ko lang na mage-stay tayo rito,
sana hindi na ako sumama sa iyo."\line \line \line "So,are you scared?"\line \
line \line "Scared for what?"\line \line \line "For having an affair with me."\line
\line \line "Of course. I'm getting married so please stop flirting me! I'm not a
woman you think is easy to get. Huwag mong sirain ang reputasyon ko!" nanggigigil
na pahayag niya.\line \line \line Ngumisi paa ng binata. "You still have a choice,
Alexa. Kissing you is not a big deal. Remember that we're not just kissing each
other. I felt your eagerness to respond but you destructing yourself. Come on,
if you don't want any connection with me, you may stay away from me. And you can
do this if you'll leave my company," seryosong wika nito.\line \line \line
"Pinapalayas mo ba ako sa Sta. Maria? Are you out of your mind? I'm not here for
you. It's for Franco. Hindi ka pa dumating ay nakapuwesto na ako sa Sta. Maria,"
aniya.\line \line \line "Yes, because of Franco. But don't tell that you love him.
You hasn't. Huwag ako ang utuin ninyo. May pakiramdam ako na arranged ang
pagpapakasal mo sa kanya."\line \line \line Kinabahan siya. "You just paranoid,
Gaizer. Nagkakilala na kami ni Franco bago pa ako pumasok sa Sta. Maria," giit
niya.\line \line \line "You lied. I know there's other reason."\line \line \line "I
don't care what you're thinking. Magpapakasal ako kay Franco dahil mahal ko siya!"\
line \line \line "Prove it and show it," tumayo si Gaizer, "pero once napatunayan
ko na may iba pang dahilan ang kasal at may kinalaman ito sa mana, I will assure
you, pagsisisihan mong pumayag ka sa agreement na iyon. Hindi ako manonood lang
habang ikinakasal kayo," patuloy nito sa mapaghamong tinig saka ito umalis.\line \
line \line Sinalakay ng kaba si Alexa. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging
reaksiyon ni Gaizer. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ito
kaapektado. Kung utngkol iyon sa mana, maraming mas madaling paraan para manalo ito
na hindi nito kailangang pakialam ang pagapakasal nila ni Franco.\line \line \line
"Nababaliw na siya," aniya saka itinuloy ang pag-aalmusal.\line \line \line Hindi
sumabay si Alexa kay Gaizer. Nagpahatid siya ng tricycle kay Lolo Rick sa bayan.
Talagang iniwan siya ng binata. Habang nakasakay siya sa bus ay sinusubukan niyang
tinatawagan si Franco pero hindi sumasagot. Kailangan na niya ang tulong nito.
Pakiramdam niya'y lalo siyang naiipit sa agawan ng mana.\line \line \line Pagdating
niya sa bahay nila ay sinubukan ulit niyang tawagan si Franco. Sa wakas may sumagot
pero nawindang siya nang boses ng babae ang narinig niya.\line \line \line "Hello!"
sagot ng babae.\line \line \line Nagdadalawang-isip siya kung kailangan pa ba
niyang magsalita. Pinakinggan niya ang kabilang linya. May boses ng lalaki siyang
naririnig na kausap ng babae sa 'di kalayuan. Nahimigan niya ang boses ni Franco.\
line \line \line Pinutol na lamang niya ang linya. Hindi niya maiwasang huwag mag-
isip ng masama kay Franco pero naroon ang agam-agam na maaring tama ang sender ng
picture na may ibang kinahuhumalingan ang kanyang fiance. Pero hindi naman siguro
ipipilit ni Franco ang kasal kung may mahal itong iba.\line \line \line \i "Sa
Korea tayo magpakasal para kung sakaling hindi mag-work ang marriage natin ay
puwede tayong mag-divorce."\i0 Naalala niyang sabi ni Franco noon.\line \line \
line Hindi siya mapakali. Habang papalapit ang kasal ay saka naman siya naguguluhan
sa desisyon niya.\line \line \line INAYOS lahat ni Alexa ang naiwang trabaho niya
sa opisina at sa ibang project bago siya magsimula sa project nila sa Tagaytay.
Nakabalik na si Franco mula sa trabaho nito sa labas. Nag-report ito sa engineer's
office. Tamang-tama dahil lunch break. Sinamahan ni Alexa ang Papa niya sa
tanghalian. Hindi na sila lumabas.\line \line \line "O, Franco, mabuti nakarating
ka. May conference meeting tayo mamayang alas-dos ng hapon," sabi ng Papa niya.\
line \line \line Sinamahan sila nito sa table ng Papa niya. Umupo ito sa katapat
niyang silya. Ang una niyang napansin sa aura nito ay ang pagod at uneasy nitong
mukha. Ni hindi man lang siya binati.\line \line \line "Kaya nga po ako nag-report.
Kagagaling ko lang sa studio namin. This coming Wednesday ay bibiyahe na kami
papuntang Cebu," sabi ni Franco.\line \line \line "So this Monday lang ang report
mo sa kumpanya," ani Manuel.\line \line \line "Opo."\line \line \line "Kumain ka na
ba?" pagkuwa'y tanong ng Ginoo.\line \line \line "Katatapos ko lang pong nag-
almusal. Busog pa ako. Mag-uusap lang po kami ni Alexa," anito.\line \line \line
Hindi kumikibo si Alexa hanggang matapos siyang kumain. Pagkuwa'y sumama siya kay
Franco sa labas. Hindi na sila lumayo. Nakaharang sila sa pinto ng Engineer's
office.\line \line \line "Tumawag ka sa akin kagabi," anito.\line \line \line "Oo
pero babae ang sumagot," deretsong sabi niya.\line \line \line "Si Mica 'yon, co-
talent ko. Nakitawag kasi siya sa phone ko. Hindi ko naintindihan ang text mo sa
akin at nabura ko."\line \line \line "Tungkol 'yon kay Gaizer," aniya.\line \line \
line "Bakit?"\line \line \line "Nagsisimula na siyang magduda. Ipinipilit niya na
kaya tayo magpapakasal ay dahil sa mana."\line \line \line "Hayaan mo siyang
magduda."\line \line \line "Pero naiipit ako sa sitwasyon ninyo, Franco."\line \
line \line "Bakit ka maiipit? Walang pakialam si Franco sa plano nating kasal.
Hindi ka niya papakialaman dahil ang mana lang naman ang habol niya. Kung may balak
man siyang guluhin ang plano namin, hindi siya magpo-focus sa kasal."\line \line \
line "Pero hinahanapan niya ako ng proweba na seryoso ako sa pagpapakasal sa 'yo."\
line \line \line "Anong proweba?"\line \line \line "Na totoong nagmamahalan tayo."\
line \line \line "Baliw ba siya? Ano naman ang pakialam niya sa relasyon natin?"\
line \line \line Pinisil niya ang braso ni Franco nang mapansin niya si Gaizer na
papalapit sa kanila. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Franco at siniil ng
halik ang kanyang mga labi.\line \line \line PARANG may malaking pader na humarang
sa daraanan ni Gaizer nang makita niya ang magkasintahan na naghahalikan sa labas
ng engineer's office. Napako siya sa kinatatayuan niya habang hinihintay kung
kailan matatapos ang landian ng dalawa. Nang mapansin niya na tila doon na
maghahasik ng init ang mga ito ay walang pag-aatubiling nagpatuloy siya.\line \line
\line "Excuse me. Maraming hotel sa labas. Bakit hindi n'yo doon gawin ang advanced
honeymoon ninyo? Nakakaabala kayo sa daan," sabi niya.\line \line \line
Awtomatikong naghiwalay ang dalawa. Nag-init ang ulo niya nang makita ang
frustration sa mukha ng dalawa. Dumaan siya sa pagitan ng mga ito saka siya pumasok
sa opisina.\line \line \line Mabuti naroon si Engr. San Diego. May pagkakataon
siyang halungkatin ang hidden project ng mga ito kasama si Roger. Hindi lingid sa
kaalaman niya na anak nito si Alexa. Noon pa siya naghihinala na kasabwat ito ni
Roger sa lahat ng plano nito.\line \line \line "Kumusta, Gaizer. Matagal din tayong
hindi nagkasama sa proyekto," bungad nito sa kanya.\line \line \line Ang dating
office table ng Daddy niya ay ito ang gumagamit. Umupo siya sa katapat nitong
silya.\line \line \line "Oo nga po. Marami akong na-miss na project," aniya.\line \
line \line "So ano ang plano mo ngayon?"\line \line \line "Gusto ko po sanang
malaman kung patuloy pa rin ba ang iniwan ni Daddy na project sa Zambales. Iyong
under the sea construction ni Mr. Lim. Ang alam ko temporary close iyon no'ng
namatay si Dad," sabi niya.\line \line \line Nanatiling kalmado ang Ginoo kahit
nababasa niya sa mga mata nito ang pagkabalisa.\line \line \line "Actually we're
planning to re-open the project this month. Nakausap na namin ang client tungkol sa
pagbukas ng project," anito.\line \line \line "Bakit hindi siya kasama sa list of
projects? Nakalagay pa rin sa record na close ito," usisa niya.\line \line \line
"Ah, hindi pa kasi ito totally confirmed so maari pang magbago ang isip ng client.
May ibang construction company kasi na nagpasa ng proposal sa kanila. Kaya naisip
namin ni Roger na huwag muna itong isama sa list of projects."\line \line \line
"Gusto kong makita ang bagong proposal ninyo para sa project na iyon."\line \line \
line "Kuwan, w-wala akong kopya."\line \line \line Hindi siya komportable sa
pananalita ng Ginoo. Ramdam niya na mayroong anumalya. Ang Zambales project ang
pinakamalaking proyekto na ipinasok ng Daddy niya sa kumpanya. Nabasa niya ang
huling kasunduan ng kliyente at ng Daddy niya. Nakasaad sa kasunduan na walang
ibang hahawak sa project na iyon kundi ang Daddy niya. Ipinakilala pa siya noon ng
Daddy niya kay Mr. Kim. Nangako ang Ginoo na sakaling hindi matapos ng Daddy niya
ang project ay siya ang hahawak nito at ang kalahati ng income ay sa kanya
mapupunta. Tinatayang six billion pesos ang napagkasunduang kontrata para sa
construction. Solong iginapang ng Daddy niya ang proyekto at pangalan lang ng
kumpanya ang nakakabit dahil kailangan sa permit. Sariling manpower din ng Daddy
niya ang nagtrabaho at wala itong hiniram sa kumpanya.\line \line \line "Bukas ba
ay mayroon na akong makikitang kopya?" aniya pagkuwan.\line \line \line "Sige,
hihingi ako ng kopya kay Roger."\line \line \line "Thank you." Tumayo na siya.\line
\line \line Paglabas niya ay wala na roon ang magkasintahan. Dumeretso siya sa
opisina ng Lolo niya. Doon siya naglalagi. Walang gumagamit niyon. Nakalaan kasi
iyon para sa susunod na prisedente ng Sta. Maria group of companies. Siya lang ang
may hawak ng susi ng opisina na binigay pa ng Lolo niya.\line \line \line Nagpadala
siya ng mensahe kay Kent at sinabing mag-report ito sa opisina ng Lolo niya.
Mabilis pa sa kidlat ang pagsulpot nito.\line \line \line \b Chapter Eight
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line
"ANO'NG balita?" tanong ni Gaizer kay Kent.\line \line \line Nakaupo siya sa swivel
chair ng Lolo niya. Lumuklok naman si Kent sa katapat niyang silya.\line \line \
line "Wala pa ring balita tungkol sa Last Will ng Lolo mo. Pero may nalaman ako,"
anito.\line \line \line "Ano 'yon?"\line \line \line "Minamadali na ni Franco ang
kasal niya. Next month na daw ito. Sa Korea pa ang venue. Pero balita ko, kaya sa
Korea daw magpapakasal ang dalawa dahil anytime ay puwede silang mag-divorce. May
hinala ako na peke ang relasyon nilang dalawa," balita nito.\line \line \line
"Paano mo nasabing peke? Kung makapaghalikan sila akala mo wala nang bukas,"
naiinis na sabi niya.\line \line \line "Nakita
mo ba?" natatawang sabi ni Kent.\line \line \line "Paanong hindi makikita ginawa
nilang motel ang hall way? Wala ka bang ibang balita maliban sa dalawang iyon?"
aniya.\line \line \line "Iyon nga. Tungkol sa kasal. Hindi ka ba nababahala? Kapag
nagpakasal na si Franco, paano ka na?"\line \line \line Pakiramdam niya'y umakyat
lahat ng dugo niya sa ulo. "Bakit sa palagay mo ba pagkatapos niyang magpakasal ay
magkakaanak kaagad sila?" napipikong sabi niya.\line \line \line "Bakit hindi?
Hindi naman baog si Franco. Siyempre mamadaliin nila ang anak dahil kasama iyon sa
kondisyon ng Lolo mo."\line \line \line "Hindi sila magkakaanak," giit niya.\line \
line \line "Paano mo naman nasabi 'yan? Ikaw na nga nagsabi na nakita mo silang
naghahalikan. Malamang ang kasunod niyon deretso sa kama. Baka nga wala pang kasal
ay may pamangkin ka na."\line \line \line "Shut up!" asik niya sabay pukpok sa
mesa.\line \line \line Natulala si Kent. Napatayo ito.\line \line \line "Huwag mong
painitin ang ulo ko. Gumawa ka ng paraan para maghiwalay ang dalawang iyon.
Magkalimutan na tayo kapag natuloy ang kasal," seryosong wika niya.\line \line \
line "Ano? Akala ko ba wala ka nang pakialam sa kasal na iyon," reklamo nito.\
line \line \line "Huwag ka nang magtanong basta sundin mo ang gusto ko!" singhal
niya.\line \line \line Hindi na komuntra si Kent. "Roger that," sabi nito saka
nagmamadaling umalis.\line \line \line Bumagsak ang galit niya sa kanyang kamay.
Pinutol ng puwersa niya ang kawawang lapis. Sa kabila ng kanyang galit ay nagawa
niyang ngumiti nang makaisip siya ng maitim na balak.\line \line \line "SORRY for
the kiss," sabi ni Franco.\line \line \line Tiningnan ni Alexa si Franco habang
nakaharap ito sa munting bahay na ginawa niya. Yari iyon sa manipis na fly wood.
Naroon sila sa architect's working room.\line \line \line "Okay lang 'yon. Mabuti
na iyong mawala ang pagdududa ni Gaizer," aniya.\line \line \line "Para maging safe
ang plano, iwasan mo na lang si Gaizer," sabi nito.\line \line \line "Paano ko siya
iiwasan kung magkasama kami sa trabaho?"\line \line \line Hinarap siya nito. "Just
do your work. Kilala ko si Gaizer. Kapag may gusto siya, madali niya itong
nakukuha. Kung gugustuhin niyang sirain tayo, magagawa niya," anito.\line \line \
line "Ginagawa ko naman ang trabaho ko. Kung puwede nga lang ay siya na lang ang
mag-asikaso sa opening ng project. Puwede naman akong dumalaw sa area na hindi siya
kasama."\line \line \line "Kaya mo?" walang tiwala na sabi nito.\line \line \line
"Oo naman."\line \line \line "Pero hindi ka nakatanggi nang isama ka ni Gaizer sa
mansiyon," usig nito.\line \line \line "Hindi ko naman alam na doon kami
dideretso," katwiran niya.\line \line \line Ngumisi si Franco. "Madali kang ma-
temp, Alexa. Walang matigas na babae sa katulad ni Gaizer. Kung pabaya ka,
magigising ka na lang isang araw na nasa ilalim ng mga bisig niya."\line \line \
line Natigagal siya. Awtomatikong sumariwa sa isip niya ang gabing napagsaluhan
nila n Gaizer at ang mga pangyayari sa pagitan nila sa Tagaytay. \line \line \line
"H-Hindi ako mahina katulad ng iniisip mo, Franco," depensa niya.\line \line \line
"But you told me that you lost your virginity in just one night."\line \line \line
Nagsikip ang paghinga niya. "Lasing ako noon kaya hindi ko namalayan ang nangyari.
Kaya nga umiiwas na ako sa alak," aniya.\line \line \line "I hope it was not a rape
case. Ginusto mo naman siguro. Tell me who's the man."\line \line \line Mariing
nagtagis ang bagang niya. Kinikilabutan siya sa paksa nila. "He's a stranger,"
sagot niya.\line \line \line Tumawa ng pagak si Franco. "See? How can I trust you?
Alak lang ang katapat, makukuha ka na," desmayadong pahayag nito.\line \line \line
Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "You need to trust me if you want to marry me,
Franco. Walang sapilitan dito," matapang niyang sagot.\line \line \line "Kahit
hindi kita mahal, gusto kong maging responsable sa 'yo. Sana ganun ka rin sa akin
dahil tinanggap natin pareho ang kasunduang ito. Pero kung ayaw mo na, hindi kita
pipigilan. You can quit anytime you want. But don't scratch my ego. Kung may gusto
kang ibang lalaki, ngayon pa lang ay sabihin mo habang hindi ka pa nakatali sa
akin. Dahil once kasal na tayo, kahit may mahal kang iba, hindi ka magiging malaya
dahil ikasisira ito ng reputasyon mo."\line \line \line Nanrindi ang utak ni Alexa
habang inuunawa ang mga sinabi ni Franco. Nagkaroon siya ng dahilan para tumabang
ang interes niya sa kasunduan. \line \line \line "Ikaw na ang pumunta sa birthday
ni Lola sa Linggo. Ipapadala ko sa iyo ang regalo ko para sa kanya," anito
pagkuwan.\line \line \line "Hindi mo man lang ba siya bibisitahin bago ka pupuntang
Cebu?" tanong niya.\line \line \line "Pagbalik ko na lang. Babawi ako."\line \
line \line "Ilang araw ka ba sa Cebu?"\line \line \line "Baka aabutin kami ng two
weeks. Huwag kang mag-alala, matutuloy ang kasal. Nakausap ko na ang kaibigan ko sa
Korea para doon sa tutuluyan natin. Tutulungan niya tayo sa papeles," anito.\line \
line \line "Okay. Good luck sa trip mo sa Wednesday. Magsisimula na rin ang
construction namin sa Tagaytay. Baka dideretso na ako kay Lola."\line \line \line
"Good. Mas mabuti kung doon ka mag-stay habang ginagawa ang project kaysa magbiyahe
araw-araw. Mas makakapag-relax ka sa farm."\line \line \line "Oo nga."\line \line \
line "Sabay na tayong umuwi. Samahan mo ako sa mall para bumili ng regalo para kay
Lola. Wala ka namang gagawin 'di ba?" anito pagkuwan.\line \line \line "Pero may
conference meeting."\line \line \line "Hindi na ako dadalo. Si Daddy na ang
bahala."\line \line \line "Sige. Magpapaalam lang ako kay Papa."\line \line \line
"Hihintayin na kita sa garahe."\line \line \line Tumango siya saka nagmadaling
nagtungo sa engineer's office. Pagpasok niya ay wala siyang ibang nakita kundi si
Gaizer. Ganoon na lang ang agarang pagtahip ng dibdib niya. Napako ang mga paa niya
sa bukana ng pinto nang makita ang ginagawa ni Gaizer habang nakaupo ito sa ibabaw
ng mesa sa gilid ng bintana.\line \line \line Gumagawa ito ng bahay gamit ang
diyaryo. Pamilyar sa kanya ang estilo ng bahay. Nang matapos ay pinahiran nito ng
colorless na nail polish and munting bahay saka sinulatan ng pulang nail polish sa
bubong.\line \line \line "Nasa conference ang Papa mo," sabi nito pero hindi
nakatingin sa kanya. Tumayo ito saka humakbang palapit sa kanya bitbit ang munting
bahay na ginawa nito.\line \line \line Noon lamang niya napansin na nail polish
niya ang ginamit nito. Iniwan niya ang gamit niya panlinis ng kuko sa mesa na
ginagamit niya sa tuwing naroon siya. Nagulat siya nang huminto sa tapat niya si
Gaizer.\line \line \line "Sa 'yo na. Nakakainip dito," seryosong sabi nito saka
kinuha ang kanang kamay niya at pinahawak sa kanya ang ginawa nitong bahay.\line \
line \line Hindi siya nakahuma nang makaalis ito. Nakatitig lang siya sa munting
bahay na binigay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang isinulat nito sa
bubong ng munting bahay.\line \line \line \i "My dream house for you"\i0 sabi sa
sulat.\line \line \line Para siyang natuka ng ahas. Ang hitsura ng bahay, ang buong
desinyo nito lalong-lalo na ang nakasulat sa bubong ay parehong-pareho sa munting
bahay na ibinigay noon sa kanya ni Rendel noong nililigawan siya nito. Nag-aaral pa
lang sila noon ng college. Ang bagay na iyon ang hindi niya naitapon noong
hiniwalayan niya ang lalaki. Sobrang nagustuhan niya iyon. Katunayan ay ginaya niya
ang design ng bahay. Ganoon ang design ng bahay na pinapagawa nila sa Makati.
Dalawang palapag ang bahay na mayroong tatlong kuwarto. \line \line \line
Nagustuhan niya ang design ng bahay dahil parehong may terrace sa itaas at ibaba.
Hindi niya naitapon ang munting bahay dahil inamin naman sa kanya noon ni Rendel na
hindi ito ang gumawa ng munting bahay kundi ang kaibigan nito. Ngayon lang niya
naisip kung sinong kaibigan ang tinutukoy ni Rendel. Imposibleng si Gaizer. Pero
nakita mismo ng mga mata niya na ginawa ni Gaizer ang munting bahay na katulad sa
binigay ni Rendel. Maging ang nakasulat sa bubong ay pareho. Hindi lang siya
sigurado sa hand writing. Naguguluhan siya. Inilagay niya sa paper bag ang munting
bahay kasama ng gamit niya sa pedicure. Nagpadala na lang siya ng mensahe sa Papa
niya para malaman nito kung nasaan siya.\line \line \line DAMIT at mamahaling bag
ang biniling regalo ni Franco para sa Lola nito. Inuwi na ang mga iyon ni Alexa sa
condo at siya na ang nagbalot. Iyon na ang huling hapunan nila ni Franco bago ito
aalis papuntang Cebu. Hindi na daw ito magre-report sa kumpanya bukas. Maaga raw
ang flight nito sa miyerkules.\line \line \line Bumili din siya ng regalo niya.
Mahilig daw sa strawberry jam at white spaghetti si Lola Amara. Bumili na siya ng
isang garapong strawberry jam. Sa Tagaytay na siya bibili ng sangkap para sa white
spaghetti.\line \line \line Kinabukasan ay dinalaw muna ni Alexa ang proyekto nila
sa Cavite at Laguna. Hindi na nakakapasyal roon si Franco kaya siya ang nakipagkita
kay Engr. Vergara na nangangasiwa sa proyekto.\line \line \line Gabi na siyang
nakabalik sa Maynila. Dumaan pa siya sa opisina para iwan ang list of inventory ng
Cavite project. Nakauwi na ang Papa niya. Nag-aabang na siya ng taxi sa labas ng
kumpanya. Habang naghihintay ay nagbabasa siya ng status ng Facebook friends niya.
Mayamaya ay may nag-send ng private message sa kanya. Pagbukas niya ay si Franco.\
line \line \line \i Where na you? Dinner tayo sa Green Paradise hotel. Nagpa-
reserve ako ng private dining room for us,\i0 sabi sa mensahe ni Franco.\line \
line \line Nagtataka siya. Ang alam niya may show ngayon si Franco kaya nga huling
hapunan na nila kagabi. Baka nagbago lang ang isip ng binata. Pumayag siya sa
inbitasyon nito.\line \line \line Pagdating niya sa Green Paradise hotel ay hinanap
kaagad niya ang private room na naka-reserve kay Franco. Iginiya naman siya ng
waiter.
Pagpasok niya ay walang tao. Naka-set ng pulang table cloth at pulang seat cover
ang round table. May nakatulos na malaking pulang kandila sa gitna ng mesa katabi
ng naka vase na punpon ng pulang rosas. Mayroong instrumental music na tumutugtog.
Hinanap niya sa paligid si Franco. Wala namang tao sa palikuran.\line \line \line
"You're here," wika ng pamilyar na boses ng lalaki.\line \line \line Pumihit siya
paharap sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Gaizer na nakatayo sa
harap ng pinto. Nakasuot ito ng abuhing tuxedo. Bagong ligo at maaliwalas ang
mukha. Pero bakit ito naroon?\line \line \line "G-Gaizer? A-Anong ginagawa mo rito?
Nasaan si Franco?" hindi mapakaling tanong niya.\line \line \line "I don't know.
Bakit si Franco ang hinahanap mo? Nandito naman ako," nakangiting sabi nito.\line \
line \line Matagal bago nag-sink in sa utak niya ang pangyayari. "Don't say ikaw
ang nagpapunta sa akin dito at hindi si Franco. How dear you use his account? Paano
mo nagagawa iyon?" iyon ang pagkakaintindi niya.\line \line \line "Hindi na
mahalaga kung paano. It's not bad, Alexa. I just want to invite you in dinner.
Kapag kasi personal kitang inimbita ay alam kong tatanggihan mo ako," anito.\line \
line \line "And why you do this to me? Are you insane?" Nanggagalaiti siya.\line \
line \line "Please stop arguing with me. Gusto kong maging okay tayo."\line \line \
line "Hindi mo kailangang gawin 'to, Gaizer. Mas naiinis ako sa ganitong set-up."\
line \line \line "Fine. Let's dine and talk about the project."\line \line \line
"Tapos na ang usapan sa project. Magsisimula na nga tayo bukas."\line \line \line
"Okay. Clam down." Nilapitan siya nito at iginiya paupo sa silya.\line \line \line
"Hindi tama 'to, Gaizer," protesta niya.\line \line \line "I know. Just seat down
and wait for the foods." Binuksan nito ang bote ng red wine.\line \line \line
Mamaya ay dumating ang order nitong pagkain. Hindi siya uminom ng wine. Hindi pa
rin kumakalama ang dibdib niya. Nahihirapan siyang maka-get over sa pinaggagawa ni
Gaizer.\line \line \line "You know, I think you need to consult to the
psychiatrist, Gaizer. Hindi na normal ang pinaggagawa mo," kalmadong sabi niya nang
nakalatag na ang mga pagkain sa mesa.\line \line \line Nakangiting tiningnan siya
nito. "Huwag kang over acting, Alexa. Inimbita lang kita para sa hapunan. Huwag
mong sirain ang gabing ito. Huwag kang mag-alala, hindi kita lalasingin at dadalhin
sa hotel room para romansahin," sabi nito.\line \line \line "Hm. Katulad ng ginawa
mo dati?" aniya.\line \line \line Napalis ang ngiti nito. "Sa wakas ikaw ang unang
nakaalala. Pero hindi ganun ang nangyari. I didn't forced you. Na\uc0{\u65293}"\
line \line \line "Stop!"\line \line \line "Let me talk! Listen to me!" kontra
nito.\line \line \line Hindi siya nakakibo nang magtama ang paningin nila ni
Gaizer. Hinayaan niya itong magsalita.\line \line \line "Pinigilan kita sa
paglalasing dahil halos hindi ka na makatayo noon. Iniwan tayo nila Zed at Morgan.
Balak kong ihatid ka sa bahay ninyo pero hindi ko alam kung saan. So I decided to
bring you in hotel. Pinaliguan kita para mahimasmasan ka pero hindi umobra.
Nagpasya akong iwan ka sa kuwarto pero hinila mo ako sa kama. Nakainom din ako ng
alak kaya hirap akong kontrolin ang sarili ko. Hanggang sa nangyari ang lahat,"
kuwento nito. \line \line \line "Pero iniwan mo ako sa ere," may hinanakit na sabi
niya.\line \line \line "Naka-book ako ng flight kinabukasan noon. Kailangan kong
bumalik ng Japan dahil nasa ospital si Mommy. Pero nag-iwan ako ng sulat at pera."\
line \line \line "Sa palagay mo ba nakatulong 'yon?"\line \line \line "I know I'm
wrong. Pero sinubukan kitang kontakin sa Facebook pero hindi ka active. Wala akong
kontak sa iyo. Hindi ako sinasagot ni Zed at Rendel."\line \line \line "Enough.
Kalimutan na natin 'yon. Kung may mali ako, sorry," aniya.\line \line \line "No,
it's my fault. I'm sorry. Kung binigyan mo ako ng pagkakataon, handa akong
panagutan ka, Alexa."\line \line \line "Maraming pagkakataon, Gaizer, binalewala mo
lang," wika niya.\line \line \line "Bakit? Kung sakaling binalikan kita,
tatanggapin mo ba ako?" usig nito.\line \line \line Tumitig siya deretso sa mga
mata nito. "Hindi kita masasagot. Aksidente ang nangyari kaya wala tayong dapat
sisihin kundi ang kapabayaan natin pareho. Ang gusto ko lang ngayon ay tapusin na
ang isyu na iyon. Hanggat maari ay ayaw ko nang makarinig tungkol doon," seryosong
pahayag niya saka dahandahang nilantakan ang pagkain.\line \line \line Wala na
siyang narinig mula kay Gaizer.\line \line \line Pagkatapos ng hapunang iyon ay
hinatid siya ni Gaizer sa condo na tinutuluyan nila. Nagkasundo na sila sa oras ng
biyahe para bukas pagpunta nila ng Tagaytay. Wala siyang choice kundi maki-ride
rito. Umasa naman siya na magiging maayos na ang pakikitungo nito sa kanya.
Iniiwasan na rin niyang magtaray rito.\line \line \line \b Chapter Nine
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line
MANPOWER ni Gaizer ang nagtatrabaho sa construction. Unang araw pa lamang ay naging
magaan ang trabaho at mabilis. Lahat ng gamit ay ready made na kaya mas madaling
maikabit. Nasurpresa si Alexa nang pagdating nila sa site ay naghanda si Mr. Herera
ng masarap na meryenda. Ang secretary nito ang nag-assist sa kanila. May business
meeting pa raw ang Ginoo.\line \line \line Nasa lobby sila ng main office ng
village. Sinisimulan na ang construction ng mga model houses sa likurang bahagi ng
main office. Mayroong private two story house sa maluwag na area. Doon madalas
nagpapahinga si Mr. Herera. Doon din ang nakalaang kuwarto nila para sa tatlong
araw nilang pag-asikaso sa panimula ng construction. Kasama na iyon sa budget ng
kumpanya pati pagkain.\line \line \line Pagsapit ng tanghalian ay sa private house
na sila dinala ni Marvin, na secretary ni Mr. Herera. Maluwag ang bahay na mayroong
tatlong kuwarto sa itaas at isa sa ibaba. Maluwag ang sala nito at dining area.\
line \line \line "Nasa itaas ang magiging kuwarto ninyong dalawa. Ready na lahat ng
kailangan. Mayroong server ng pagkain ninyo. Pinaghandaan talaga ito ni Boss," sabi
ni Marvin.\line \line \line Iginala muna sila nito sa buong bahay. Mabuti na lang
tig-isa sila ng kuwarto. Pagkuwa'y ibinigay nito sa kanila ang susi ng kuwarto.\
line \line \line "Maiwan ko na kayo rito. Marami pa kasi akong gagawin," ani
Marvin.\line \line \line Naiwan sila sa dining area na may nakahaing pagkain. May
silbidora na nagbabantay sa kanila.\line \line \line "Thank you, Marvin," sabi ni
Alexa.\line \line \line Ngumiti lang ang lalaki saka sila tuluyang iniwan. Nauna na
siyang umupo sa tapat ng hapag-kainan. Nasa kusina na ang silbidora. Pagkuwa'y
sinamahan na siya ni Gaizer.\line \line \line "I love my job. Ang daming foods,"
sabi nito.\line \line \line "Kailangan bang three days tayo maglalagi rito?"
aniya.\line \line \line Matamang tinitigan siya nito. "Yap. Request iyon ni Mr.
Herera. Ayaw kasi niya na walang engineer o architect na nakamasid sa trabahador
lalo na sa unang araw," anito.\line \line \line "So puwede palang ikaw na lang ang
mag-stay rito."\line \line \line "Bakit, may lakad ka ba?" nakataas ang isang kilay
na tanong nito.\line \line \line "Kailangan ko rin kasing i-monitor ang project
namin ni Franco sa Cavite at Laguna."\line \line \line "Puwede mo namang dalawin
'yon. Malapit lang tayo sa Cavite."\line \line \line "Ang gusto ko sana ay doon ako
mag-stay kay Lola Amara."\line \line \line "Puwede rin pero ngayong gabi hanggang
bukas ay kailangan nandito ka. Huwag kang mag-alala, ihahatid kita sa farm bukas ng
hapon. Pupunta din naman ako doon sa sa Sabado at Linggo para sa birth day ni
Lola."\line \line \line "Salamat," aniya.\line \line \line "Malabo atang
makakapunta si Franco," sabi nito pagkuwan.\line \line \line "Nasa Cebu siya. Baka
dalawang Linggo siya roon."\line \line \line "Good."\line \line \line Deretsong
tumitig siya sa binata. Nakataas ang isang kilay nitong nakatitig sa kanya.\line \
line \line "What?" untag niya.\line \line \line Ngumisi ito. "Paano mo
napagtiyagaang pakisamahan si Franco? Paano ka liligaya niyan kung mas inuuna niya
ang trabaho kaysa sa iyo?" anito.\line \line \line "Nasanay na ako sa kanya," sagot
niya.\line \line \line Tumawa ito ng pagak. "Hindi ka man lang ba nagdududa na baka
may ibang babae siyang inaatupag? Expose siya sa mga magaganda at sexy, sikat na
babae. Hindi ka ba nakakadama ng insecurities sa katrabaho niya?"\line \line \line
"Honest sa akin si Franco. Sinasabi niya sa akin kung mayroon siyang bagong
katrabaho sa project. Updated ako sa status ng modeling carer niya." Pero ang totoo
ay disappointed na siya kay Franco dahil sa simula lang ito naging open sa kanya.
Nitong nakaraang mga araw ay hindi na ito nagkukuwento tungkol sa trabaho nito sa
labas.\line \line \line "Nagbago ka na talaga. Hindi ka na selosa katulad noon?"
sabi nito.\line \line \line "Ano? Paano mo nalaman ang bagay na iyan?" nagtatakang
tanong niya.\line \line \line "Madalas kang ikinukuwento sa akin ni Rendel. Lahat
ng nakikita mong babaeng kasama ni Rendel ay pinagselosan mo. Nagtataka ako noon
bakit patay na patay ka kay Rendel. Hindi naman siya kaguwapuhan. Babaero din iyon
at matakaw sa alak. Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?"\line \line \line Umismid
siya. Minsan na ring naitanong iyon sa sarili niya. In-love siya kay Rendel
samantalang mas maraming mas guwapo rito sa campus nila noon na nanligaw sa kanya.
Palibhasan first time niyang ma-in-love sa lalaki noon. Ilan sa mga dahilan ay ang
mga effort ni Rendel na pagbibigay sa kanya ng mga bagay na gusto niya. Palagi
siyang nasusurpresa.\line \line \line "I believe that sometimes love is blind,"
aniya.\line \line \line Tumawa si Gaizer. "Naniniwala ka rin ba na minsan ang
pagmamahal ay naliligaw? Sa halip na para doon sa nararapat na tao, napupunta sa
hindi mo inaasahan. Meron din namang
pagmamahal na nanakaw o inaagaw. O kaya pagmamahal na itinadhana," wika nito.\line
\line \line Kumuha siya ng malaking hiwa ng fish steak. Una niyang kinain ang onion
ring. "Hindi naman lahat ng magkarelasyon ay nagsisimula sa love," komento niya.\
line \line \line "Yes. But sometimes it's started with lust."\line \line \line
Ibinalik niya ang tingin kay Gaizer. Ukupado nila ang maliit na round table kaya
halos magkabungguan ang mga tuhod nila. Dalawa lang sila kaya doon sa maliit na
mesa inihain ang tanghalian nila.\line \line \line Kumislot siya Alexa nang biglang
may bumundol sa tuhod niya. Tumalim ang titig niya kay Gaizer. Pilyo ang ngiti
nito. Kanina pa sila magkasama pero ngayon lang niya napansin ang hitsura nito.
Maaliwalas ang mukha nito dahil bagong ahit ang balbas. Nabawasan din ang buhok
nito kaya lumitaw lalo ang guwapo nitong mukha. Mas bagay rito ang military cut na
buhok na katamtaman ang nipis. \line \line \line Napadpad ang paningin niya sa
dibdib nito na nakasilip mula sa nakabukas na botones ng polo nito. Naaninag niya
ang panaka-nakang pinong balahibong nakalatag roon. Itinaas niya ang tingin sa leeg
at bibig nito. Sinundan niya ng tingin ang pagtaas -baba ng Adam's apple nito.
Sumubo ito ng fruit salad. May naiwang sarsa sa ibabang labi nito na kaagad nitong
sinaid. Napakasuwabe ng pagkagat nito sa ibabang labi nitong mamula-mula at
katamtaman ang pintog.\line \line \line Kamuntik nang mabitawan ni Alexa ang hawak
niya baso ng juice nang biglang pasadahan ng paa ni Gaizer ang binti niya. Noon
lamang niya nalaman na naka-tsinelas lang ito. Pinaglakihan niya ito ng mga mata
pero hindi ito natinag sa halip ay pinukol siya ng malagkit na titig habang
nakasilip ang killer smile nito. Umigsi ang suot niyang skirt dahil nakaupo siya.
Nang umakyat ang paa nito sa hita niya ay marahas siyang tumayo.\line \line \line
"What's wrong?" tanong pa nito.\line \line \line "Kontrolin mo ang kalandian mo,"
inis na sabi niya saka iniwan ang kasama.\line \line \line Umakyat sa second floor
si Alexa para magpahangin sa beranda na nasa pagitan ng kuwarto nila ni Gaizer.
Natatanaw mula roon ang malawak na lupaing nasasakupan ni Mr. Herera. Sa lupaing
iyon ititirik ang mga bahay na naidesinyo niya. Nakatungkay siya sa stainless na
riling.\line \line \line Narinig niya ang yabag na papaakyat ng hagdan pero hindi
niya pinansin. Mamaya ay may kamay na pumisil sa mga balikat niya. Umigtad siya at
marahas na hinarap ang lapastangan. Ngunit sa kanyang pagharap ay nakulong siya sa
mga bisig ni Gaizer. Namulupot ang isang braso nito sa baywang niya. Itinutulak
niya ito pero hinawakan nito ang kamay niya. Nanghihina siya sa tuwing manunuot ang
init ng mga kamay nito sa balat niya.\line \line \line "Ano ba'ng ginagawa mo?"
balisang tanong niya.\line \line \line "Nasimulan ko na 'to, Alexa. Magmula noong
naramdaman ko ang pagpaparaya mo sa halik ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob na
ungkatin kung ano man iyang nasa damdamin mo," sabi nito habang pilit inilalapit
ang mukha sa kanyang mukha.\line \line \line "Nahihibang ka ba? Walang matutukso
kung walang tukso," aniya.\line \line \line "Tama. Wala ring manunukso kung walang
nagpapatukso. Come on, let's find out what's happening between us. Nararamdaman
kong may interes ka sa akin. Mas madaling mahuli ang babaeng pakipot," sabi nito.\
line \line \line "Nag-iisip ka ba? Baka nakalimutan mo kung sino ako."\line \line \
line "Ikaw lang naman ang fiance ng pinsan ko. And so what? Fiance lang naman.
Asawa nga nasusulot pa."\line \line \line Kinilabutan siya sa sinabi nito. Nang
tangkang itulak niya ito ay bigla nitong siniil ng halik ang leeg niya sabay yapos
sa kanya. Bigla siyang nanghina. Kahit anong tulak niya rito ay hindi niya ito
maitaboy. Nangangatog ang tuhod niya. Lalo siyang nanlumo nang damhin ng isang
kamay nito ang malusog niyang dibdib. Kasabay niyon ay hinapuhap nito ng halik ang
mga labi niya. Unti-unti nang natutunaw ang kamalayan niya nang bigla itong
tumigil.\line \line \line Malakas ang pandinig nito. Alam nitong may paparating.
Ito ang unang humiwalay sa kanya. Dumating ang silbidora.\line \line \line "Excuse
me po. Naiwan po ang cellphone ninyo sa baba, sir," sabi ng babae sabay abot ng
cellphone kay Gaizer.\line \line \line "Thanks," nakangiting sabi ng binata.\line \
line \line Bumaba din kaagad ang babae. Hindi pa tuluyang bumabalik sa tamang
huwisyo ang utak ni Alexa. Tinangka niyang talikuran si Gaizer pero nahawakan nito
ang kanang kamay niya saka siya hinila pabalik rito. Napayakap siya sa matipunong
katawan nito.\line \line \line "Mahuhuli ko na ang isda, hahayaan ko bang
makawala?" makahulugang sabi nito.\line \line \line Pinag-iisipan pa lamang niya
ang kanyang sasabihin ay hindi na siya nakapagsalita nang siilin nito ng halik ang
labi niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakapalag sa pangahas ng kilos nito.
Hindi niya maintindihan bakit napakabilis nitong lusawin ang lakas niya at angkinin
ang kaatwan niya. Kaya nitong pasunurin ang katawan niya na wala siyang magawa.\
line \line \line Nagagawa pa niyang kontrolin ang sarili niya sa pagkakataong iyon
pero nang isandal siya nito sa likod ng pinto ng kuwarto nito ay para siyang
nalalasing. Napilit nitong buksan ang bibig niya at ginalugad ng panlasa nito ang
kanya. Umungol siya nang mariing minasahe nito ang isang yaman ng kanyang dibdib.
Pinagpapawisan siya sa sobrang init na nararamdaman niya. Init na likha ng
sensasyong dulot nito sa kanya.\line \line \line Nabuksan nito ang pinto. Itinulak
siya nito papasok habang walang lubay sa pagsiil ng halik sa labi niya. Sinipa nito
pasara ang pinto. Nag-abala pa itong kunin ang remote ng air-condition saka
binuksan. Para siyang manika na nagagawa nitong kontrolin anuman ang gusto nitong
gawin. Kalauna'y itinulak siya nito pahiga sa kama.\line \line \line Kaagad din
itong sumampa sa kanya at muli siyang hinalikan. Hindi pa rin siya tumutugon dahil
wala siyang pagkakataon.\line \line \line "Come on, nadarang ka na, pipigilan mo pa
ba?" wika nito nang sandaling iwan nito ang labi niya.\line \line \line Nasa ilalim
siya ng nakakahibang na sensasyon kaya hindi niya alam ang isasagot. Nakatitig lang
siya sa uhaw nitong mukha.\line \line \line "Huwag mo akong titigan lang. Alam
ko'ng gusto mo ito," naiinip na sabi nito.\line \line \line "Ano'ng gusto mong
gawin ko? Pangunahan ka?" nahimasmasang sabi niya.\line \line \line Ngumiti ito na
para bang nagtagumpay. Natigilan siya nang hilain nito pababa ang palda niya kasama
ang kanyang panloob. Napalunok siya nang ilang beses. Pakiramdam niya'y nauulit
lang ang nangyari sa kanila at hindi niya iyon magawang pigilan.\line \line \line
"Masarap gumawa ng kasalanan kung alam mong may ipinaglalaban ka. At least hindi ka
talunan sakaling hindi ka magtagmpay," pangahas na sabi nito.\line \line \line
Isinunod naman nito ang pagbukas ng botoses sa kanyang blouse at na-unlock nito ang
kanyang bra. Ipinaglandas nito ang kamay sa pagitan ng malulusog niyang dibdib
sabay hila sa kanyang damit.\line \line \line Pagkuwa'y hinawakan nito ang mga
kamay niya saka inilapat sa dibdib nito. "Take off my cloths... please," samo
nito.\line \line \line Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito habang unti-unti
niyang tinatanggal sa pagkabotones ang puting polo nito. Hinaplos niya ang
maskuladong dibdib at puson nito. Ang katawang iyon ang unang umangkin sa kanya.\
line \line \line Umigtad siya nang daganan siya ni Gaizer. Isinubsob nito ang mukha
sa kanyang leeg habang nagmamasahe ang kamay sa kanyang dibdib. Nang siilin nito ng
halik ang labi niya ay ganoon na lang kabilis ang kanyang pagtugon. Makapangyarihan
ang halik nito na siyang tuluyang nagpahibang sa kanya. Makalipas ang marubrob na
halik ay tumulay ang mainit nitong bibig pababa sa kanyang leeg\uc0{\u65293}at
tumigil sa tuktok ng kanyang dibdib.\line \line \line "Hmmm...." umungol siya nang
maramdaman ang banayad na kagat nito sa kanyang dunggot.\line \line \line
Naramdaman niya ang isang kamay nito na dumapo sa pagitan ng kanyang mga hita.
Kumislot siya nang mahimasukan ang ilang daliri nito sa kanyang kaselanan. Muli'y
dumalantay pababa sa kanyang puson ang mainit nitong mga labi. Kumapit siya sa
kobre kama nang tumigil ang bibig nito sa inosenteng parte ng kanyang pagkababae.\
line \line \line "Uhh. Uhmmm..." magkasunod ang daing niya nang magsimulang lumasap
ang munting panlasa nito sa kanyang kaselanan. Ginagalugad nito ang kanyang kuntil
na siyang lalong nagdarang sa kanya sa nakakabaliw na kaligayahan.\line \line \line
Umiikot lang sa kasalukuyan ang isip niya. Wala siyang ibang hangad kundi ang
matuklasan kung ano pa and mararamdaman niya sa nangyayari.\line \line \line
Makalipas ang ilang sandali ay binalikan ni Gaizer ang kanyang dibdib. Doon ito
tumigil habang ang ibabang katawan nito ay kumikilos. Dumaiti ang kahubaran nito sa
katawan niya. Naramdaman niya ang kahandaan ng pagkalalaki nito na naghahanap ng
masisidlan. Bahagya itong umangat at pumagitan sa kanyang mga hita.\line \line \
line Nagmulat siya ng mga mata. Nagtama ang kanilang paningin. "Hayaan mo akong
magtrabaho nito. Huwag kang gagawa ng hakbang na magtataboy sa kontrol ko. I know
you in bed, Alexa. Alam kong lalaban ka katulad ng ginawa mo sa akin kaya nawalan
ako ng kontrol," sabi nito.\line \line \line Mariing kumunot ang noo niya. "H-Hindi
ko alam ang sinasabi mo," aniya.\line \line \line "Of course dahil lasing ka."\line
\line \line "Uh!" Dumaing siya nang unti-unti siya nitong inaangkin. Nagulat siya
dahil sa sakit.\line \line \line Hindi niya akalaing muling magbubukas ang sugat na
iniwan nito sa kanya dalawang taon na ang nakalipas. Naitulak niya ang dibdib ng
binata pero lalo lang nitong itinuloy ang sandata. Napahugot siya ng malalim na
hininga.\line \line \line "Oh, come on, don't move, please," samo nito habang
dahandahang umuulos.\line \line \line "Uhhh..." magkasunod ang daing niya nang
unti-unting
tumutulin ang paggalaw ng binata.\line \line \line Napapansin niya na nagiging
marahas ito sa tuwing nilalabanan niya ang lakas nito. Pero habang ginagawa niya
iyon ay lalo siyang naliligayahan. Sinasabayan niya ang kilos nito at minsa'y
inaagawan ng posisyon.\line \line \line "Shit! Don't make me wild, baby. Stay where
you are!" hinahapong sabi nito.\line \line \line Nabingi na ang dalaga dahil sa
nalalapit na kaginhawaan.\line \line \line HINDI na pinigilan ni Gaizer si Alexa.
Nakalimutan niya'ng inangkin na niya ito noon kaya hindi dapat siya nababahala na
baka masaktan niya ito nang husto. Nang gumulong ito at pumaibabaw sa kanya ay
pinabayaan niya ito. Ganoon ito ka-wild kahit noong unang karanasan nito sa kanya.
Kaya hindi niya nakontrol ang sarili dahil sa ugali nito. Pero noon ay
naimpluwensiyahan ito ng alak kaya naging wild. Tinulungan lang niya ito at
tinuruan sa tamang timing at kilos. \line \line \line "Oooh..." umungol siya nang
bumulis pa ang indayog ng katawan nito. Ramdam niya ang pagsalubong nito sa sarili
nitong orgasmo.\line \line \line Lalo siyang nasabik habang pinagmamasdan itong
halos mahibang sa sarap. Aliw na aliw siya sa pagtalbog ng mayayaman nitong dibdib
na kanyang pinaglalaruan. Mamaya ay nanginig ito at nag-unat ng katawan kung kailan
nararamdaman na niya ang tugatog.\line \line \line Inihiga niya ito at muli itong
kinaibabawan. Pinagsikapan niyang abutin ang sukdulan ng kanyang pagnanasa. Nang
inabutan na siya'y dagli niyang binawi ang sandata saka sa puson ng kapareha
nagdaos.\line \line \line Nang mahimasmasan ay ibinagsak niya ang pagal na katawan
sa tabi nito. Naririnig niya ang kanilang hininga na naghahalo sa ere.
Pinagmamasdan niya ang puting kisame. Napangiti siya. Isang ngiti ng tagumpay na sa
wakas ay umaayon sa kanya ang kapalaran.\line \line \line Napagod ang dalaga.
Mabilis itong nakatulog. Nang makapagpahinga nang kaunti ay bumangon siya at
nagbihis. Pasado ala-una na ng hapon. Oras na ng trabaho. Kailangan niyang mag-ikot
para masuri ang trabaho ng mga tauhan niya. Kinumutan niya ang dalaga saka ito
iniwan.\line \line \line Nasalubong niya sa pasilyo ng opisina si Mr. Herera.
Kanina pa pala siya nito hinahanap. Sabay na silang nag-ikot sa on-going
construction.\line \line \line "Where's your partner?" tanong ni Mr. Herera.\line \
line \line "She's sleeping," sagot niya.\line \line \line "Oh why? Is she's tired?"
usisa nito.\line \line \line "Ah, yes. You know, she's always doing workout to
maintain her figure," pagsusunungaling niya.\line \line \line "Oh, really? That's
good for her. Franco is lucky for having that girl. I think they're meant to be.
Franco is a good guy."\line \line \line Umismid siya. Kung hindi lang niya kliyente
itong Mexicano na ito ay isasama niya ito sa listahan ng taong ayaw niyang makita.\
line \line \line "I'm also good," biro niya.\line \line \line Tumawa ang Ginoo.
Tinapik nito ang balikat niya. "I know that. Your Father always talk about you. He
believe in your ability. I think you better find a girl to marry."\line \line \line
Tumabang ang ngiti niya dahil sa sinabi nito. Nakakatuwang isipin na naging proud
sa kanya ang Daddy niya. Pero hindi iyon sapat para makalimutan niya ang kasalanan
nito sa kanilang mag-ina. At tungkol sa pag-aasawa, iyon ang bagay na ayaw niyang
ipilit sa kanya.\line \line \line "I'm not a marrying type, sir. I never find a
woman to waste time and spending years with her," seryosong pahayag niya.\line \
line \line Humalakhak ang Ginoo. That's a worst thing I ever heard, man. Loving a
woman is like you're reaching heaven for better life. You can collect a girls then
select the better one. Don't waste time for just one girl who don't deserve your
affection," sabi nito.\line \line \line "I didn't collect but I have selected one.
If I want to get married, I will make sure that I'll marry a woman I love."\line \
line \line "Even that girl was taken and getting married?" hamon nito.\line \line \
line "Yes. I don't need to choose or change my mind. I will get what I want,"
matatag niyang sabi.\line \line \line "That's my man. I can't wait to hear about
your married life," anito.\line \line \line "Soon, sir."\line \line \line Inakbayan
siya nito. Pagkuwa'y sabay silang lumapit sa naghuhukay ng lupa para tirikan ng
poste.\line \line \line \b Chapter Ten [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \
line \line \line \line \line \line ALAS-TRES na ng hapon nang magising si
Alexa. Dagli siyang bumangon at nagbihis nang maalala ang nangyari. Lumipat kaagad
siya sa kanyang kuwarto at nag-shower. Naiinis siya sa kanyang sarili. Humarap siya
sa salamin at sinampal ang sarili.\line \line \line "Ano ba ang nangyayari sa iyo,
Alexa? Bakit ganyang ka kalambot at karupok? Nasaan ang tapang mo? Nagpabaya ka na
naman!" Parang baliw na kinagalitan niya ang sarili.\line \line \line Mamaya ay
nangilid ang kanyang mga luha sa makikinis niyang pisngi. Ngayon lang niya naisip
ang kanyang sitwasyon. Akala niya magiging maayos na ang sarili niya dahil
nalagpasan niya ang pasakit dulot ng karanasan niya kay Rendel at sa gabing
pinagsaluhan nila ni Gaizer. Hindi biro ang depresyon na naranasan niya. Lahat
ginawa niya para aliwin ang sarili pero ngayon ay tila nauulit lang ang lahat.\line
\line \line Nakatali siya sa kasunduang mabilis niyang tinanggap. Nakapako siya kay
Franco. At ngayon, nahuhulog siya kay Gaizer. Ano na lang ang magiging rekasiyon ng
Papa niya at parents ni Franco kung bigla siyang uurong sa kasal? Ngayon pa kayang
si Franco na mismo ang nag-aapura sa kasal.\line \line \line Binalot niya ng
tuwalya ang hubad niyang katawan saka lumabas ng banyo. Naghahanap pa lamang siya
ng maisusuot sa kanyang maleta ay nakarinig siya ng magkasunod na katok sa pinto.\
line \line \line Si Gaizer ang unang naisip niya. Sa kamamadali niya ay nagsuot
lang siya ng puting t-shirt habang balot pa rin ng tuwalya ang katawan niya.
Sinapawan lang niya ito ng t-shirt. Pagkuwa'y binuksan niya ang pinto.\line \line \
line Bumungad sa kanya si Gaizer na tanging puting sando lang ang suot at itim na
boxer. Naunahan siya nito sa pagsuyod ng tingin sa kabuoan niya. Napansin niya na
bagong ligo din ito.\line \line \line "What are you doing?" wala sa loob na tanong
niya.\line \line \line "I'm facing you and watching you from head to foot,"
sarkastikong sagot nito.\line \line \line Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "What
can I do for you?" tanong na naman niya.\line \line \line "Come on, let me in,
first," sabi nito.\line \line \line "No. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Kung
mahaba iyan at tungkol sa trabaho, hintayin mo na lang ako sa labas. Magbibihis
ako," masungit niyang sabi.\line \line \line "No. It's not about job."\line \line \
line "Then what? Hindi ako matutulog dito. Pupunta ako sa farm kay Lola Amara."\
line \line \line Nagtagis ang gabang ng binata. Hindi siya nakahuma nang itulak
siya nito papasok saka ito tuluyang pumasok. Sinara nito ang pinto saka siya
nilapitan.\line \line \line "Ano ba ang iniisip mo? Hindi ka bata, Alexa. Alam kong
alam mo ang ginagawa mo. Kung hindi mo kayang panindigan ang ginagawa mo, huwag
mong gawin," sai nito.\line \line \line Itinulak niya ito dahil halos lamunin siya
nito sa sobrang lapit nito sa kanya. "Hindi ako matutukso kung hindi mo ako
nilalapitan, Gaizer," giit niya.\line \line \line Tumawa ito. "Nasa iyo pa rin ang
kontrol, Alexa. Kung ayaw mo, puwede kang tumanggi pero hindi. Hindi mo ba
nararamdaman ang sarili mo sa tuwing nahihibang ka?"\line \line \line "Fine.
Aaminin kong mahina ako. Pero huwag kang abuso," aniya.\line \line \line "Alam mo
pala. Bakit kailangan mong magalit?"\line \line \line "Hindi ako nagagalit. Gusto
ko lang pigilan itong nangyayari bago lumalim. Please, tumigil ka," samo niya.\line
\line \line Hindi natinag ang binata. Natutuwa pa ito. "Bigyan mo ako ng mas
malalim na dahilan para tumigil ako. Hindi ko tatanggapin ang kasal mong dahilan,"
hamon nito.\line \line \line Parang may bumara sa lalamunan niya. Bumuntong-hininga
siya. "Hindi ko puwedeng biguin si Franco," sagot niya.\line \line \line "Kahit
hindi mo siya mahal?" usig nito.\line \line \line "Mahal ko siya."\line \line \line
"Hindi! Hindi mo siya mahal!" naghihimagsik nitong sabi.\line \line \line "Wala
kang pakialam kung mahal ko man siya o hindi!" asik niya.\line \line \line "Pero
bumigay ka sa akin, Alexa."\line \line \line "It was just sex. Kahit sinong babae
kung aakitin mo ay bibigay, Gaizer. Pero hindi 'to puwedeng magpatuloy. Huwag mo
akong piliting gustuhin ka. Huwag mo akong pahirapan," aniya habang pinipigil ang
kanyang emosyon.\line \line \line Tinalikuran niya ito. Inayos niya ang kanyang
gamit saka nagbihis. Hindi naman siya nito pinigilang umalis. Nagpaalam siya kay
Mr. Herera. Pumayag naman ang Ginoo.\line \line \line Lulan ng jeep si Alexa
patungo sa nayon kung saan ang Sta. Maria farm. Pinipigil niya ang kanyang mga luha
dahil marami siyang kasamang pasahero. Naiinis siya sa nangyayari sa buhay niya.\
line \line \line Pagdating niya sa tapat ng gate ng burol na pag-aari ng Sta. Maria
ay tinawagan kaagad niya si Kristel. \line \line \line "Kristel, si Alexa ito.
Nandito ako sa burol. Puwede ba akong magpasundo?" aniya.\line \line \line \i
"Sige. Sasabihin ko kay Lolo Rick na sunduin ka ng tricycle,"\i0 sabi nito.\line \
line \line Pinutol na niya ang linya. Bago lumubog ang araw ay dumating si Lolo
Rick lulan ng tricycle. Tinulungan siya nito sa pagbitbit ng maleta niya.\line \
line \line "Naglayas ka ba, hija?" tanong nito.\line \line \line "Ah, hindi ho. May
project kami rito sa Tagaytay. Magtatagal siguro kami kaya dito muna ako maglalagi,
kung puwede po," aniya.\line \line \line "Aba mabuti. Matutuwa nito si Ate Amara."\
line \line \line Pagdating sa mansiyon ay sinalubong sila ni Lola Amara na tulak-
tulak ni Kristel. Yumakap siya rito at humalik sa pisngi nito.\line \line \line
"Salamat naman at dumating
ka, hija. Kasama mo ba si Franco?" anito.\line \line \line "Hindi po. Nasa Cebu po
si Franco. Matatagalan siya roon kaya ako na lang ang pumunta. Pinadala naman po
niya ang regalo niya para sa inyo," aniya.\line \line \line Bumusangot ang matanda.
"Kahit kailan ay makunat ang puso ni Franco. Ayaw niya akong pagbigyan. Bakit mas
uunahin pa niya kung ano ang ginagawa niya sa Cebu? Hindi ka man lang niya
sinamahang magbakasyon dito," maktol nito.\line \line \line "Okay lang po, Lola.
Mahalaga po kay Franco ang trabaho niya."\line \line \line "Hay! Kung ako ikaw,
hindi ako papayag na inuuna niya ang trabaho. Paano na lang kung kasal na kayo?"\
line \line \line "Nagkakaintindihan naman po kami ni Franco."\line \line \line "Hm.
Bahala nga kayo. O siya, dalhin mo na iyang gamit mo sa kuwarto mo. Naglaan pa ako
ng kuwarto para sana sa inyo ni Franco. Wala naman pala siya."\line \line \line
Ngumiti lang siya. Hinatid naman siya ni Aleng Lucy sa kuwarto niya. Mukhang
minadali ang paglagay ng bed sheet sa kama dahil baliktad. Pati punda ng unan ay
baliktad. Natutuwa siya dahil nag-abala pa si Lola Amara na ihanda ang magiging
kuwarto niya. Nagpapasalamat siya dahil nakilala niya ito. Nakakatanggal stress
kausap ang matanda.\line \line \line Nakapagpasya na siya. Hindi siya pupunta sa
Herera village hanggat hindi siya tinatawagan ni Mr. Herera. Kung tutuusin kaya
nang mag-isa ni Gaizer ang trabaho. Maayos naman lahat. Naibigay na niya lahat ng
kailangan. Lulubusin na lang niya ang bakasyon hanggang matapos ang birth day ni
Lola Amara.\line \line \line DALAWANG araw na walang natanggap na tawag si Alexa
muna kay Mr. Herera. Hindi rin siya tinawagan ni Gaizer. Sabado ng umaga ay sumama
siya kay Aleng Lucy sa palengke. Gusto niyang magluto ng white spaghetti sa birth
day ni Lola Amara bukas. Kinopya niya ang recipe sa google. Wala siyang passion sa
pagluluto pero kahit papano ay marami siyang alam na luto para sa mga okasyon.\line
\line \line Pumasok sila ni Aleng Lucy sa malaking grocery. Nagtataka siya bakit
kumuha ito ng dalawang bote ng red wine at dalawang bote ng tequila.\line \line \
line "Gusto ba ni Lola ng alak sa birth day niya?" tanong niya kay Aleng Lucy.\line
\line \line "Mahilig sa alak si Lola Amara. Hindi na siya umiinom pero sa tuwing
may party ay palaging may alak," anito.\line \line \line "May bisita ba siyang
darating?"\line \line \line "Wala naman maliban sa iyo at si Gaizer. Mahilig sa
wine si Gaizer. Mahilig din siyang gumawa ng cocktail sa tuwing may party. Noong
dito pa nakatira si Gaizer ay bumibili talaga ng maraming wine si Lola Amara para
sa apo niya. Noong nabubuhay pa kasi si sir Lucio, priority niyon si Gaizer. Lahat
ng kailangan ni Gaizer ay ibinibigay niya."\line \line \line "Na-spoiled pala ng
dalawang matanda si Gaizer," aniya.\line \line \line "Oo nga. Pero nagtampo si sir
Lucio kay Gaizer noong nagpunta siya ng Japan. Nagsimulang lumala ang sakit niya.
Hindi man lang nakarating si Gaizer noong namatay ang matanda."\line \line \line
May kung anong kumukurot sa puso ni Alexa. Bibihira siya nakakarinig ng malungkot
na kuwento. Masyado siyang emosyonal kaya kahit minsan ay hindi siya nanonood ng
mga drama movies. Nasanay siya sa pamilya niya na palaging masaya. Kahit maraming
pagsubok at nagkasakit ang Mama niya ay nanatili siyang matatag. Hindi naman siya
pinapabayaan ng Papa niya. Kahit malayo ang Kuya Ace niya ay palagi siya nitong
kinukumusta.\line \line \line Ngayon lamang siya nagka-interes na alamin ang
personal na buhay ni Gaizer. "Hindi po ba okay si Gaizer at ang Daddy niya noon?"
usisa niya. \line \line \line Naisip niya na maaring alam lahat ni Aleng Lucy ang
kuwento ng buhay ng mga Sta. Maria dahil tatlong dekada na itong nagsisilbi sa
pamilya ng mga Sta. Maria.\line \line \line "Arrange married ang nnagyari sa
parents ni Gaizer. Ang Mommy ni Gaizer ay anak ng kasosyo ni sir Lucio sa negosyo.
Nanganganib na malugi ang kumpanya noon kaya nagkaroon ng malaking utang si sir
Lucio sa magulang ng Mommy ni Gaizer. Gustong-gusto ng parents ng Mommy ni Gaizer
si Hector kaya pinagkasunduan ng mga ito na ipakasal si Hector kay Mildred. Walang
magawa si Hector kaya siya pumayag. Pero ang totoo, may ibang babaeng gustong
pakasalan si Hector. Pero kung kailan naipanganak na si Gaizer ay saka naman
nagloko si Hector. Nakikipag-ugnayan pa rin siya doon sa ex niya. Noong nalaman ni
Mildred ang tungkol sa babae ay nagdesisyon siya na makipaghiwalay kay Hector at
bumalik sa Japan, sa parents nito. Kinalakihan ni Gaizer ang madalas na pagtatalo
ng mga magulang niya. Magmula noong nalaman niya na may ibang babae ang Daddy niya,
galit na siya rito," mahabang kuwento ni Aleng Lucy.\line \line \line Nakarating na
sila sa counter. Ibinukod niya ang kanyang mga pinamili. Gusto niyang surpresahin
si Lola Amara kaya hindi niya ipapaalam kung ano ang mga lulutin niya.\line \line \
line Pagbalik nila sa farm ay tinulungan niya sa pagluluto ng tanghalian si Aleng
Lucy. Nagluto sila ng bulalo. Sila mismo ang nagpitas ng mais sa puno nito. Na-miss
niya ang nilagang mais kaya humingi siya ng marami\line \line \line Masayahin si
Lola Amara. Kahit sa oras ng tanghalian ay madaldal ito. Marami itong kuwento
tungkol sa mga nakaraan nito. Tinuruan siya nito kung paano maging mabuting asawa.
Binigyan siya ng tips kung paano panatilihing mainit ang pagmamahal sa kanya ng
lalaki.\line \line \line Naalala niyaa ng yumao niyang lola. Lahat ng kilos niya
noon ay pinupuna maging pananamit niya. Conservative ang grandparents niya both
side. Pero magmula noong lumipat sila ng Maynila, naimpluwensiyahan na rin siya ng
environment doon.\line \line \line Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay nagyaya si
Lola Amara na mag-picnic sila sa dalampasigan. Gusto daw nitong tumambay roon
hanggang sa lumubog ang araw. Hindi na mainit sa oras na iyon. Nagsuot ng ternong
pulang underwear si Lola Amara. \line \line \line "Magbihis ka na, Alexa. Isuot mo
ang sexy mong underwear para naman ma-feel natin ang beach. Noong kabataan ko
talagang inirampa ko ang alindog ko. Aba, ang kinis mo at napaka-sexy kaya wala
kang dapat ikahiya," sabi nito habang nasa sala sila.\line \line \line Natawa siya.
"Doon na po ako maghuhubad sa beach, Lola," aniya.\line \line \line "Naku, malapit
lang naman. Maghubad ka na rito para pareho tayo. Wala namang magnanasa sa iyo rito
dahil puro matatanda ang narito. Bakit, ayaw ba ni Franco na naghuhubad ka sa
beach?" anito.\line \line \line "Hindi naman po."\line \line \line "Oh e ano paang
hinihintay mo? Takot ka bang umitim? Hindi naman masakit sa balat ang sikat ng
araw."\line \line \line Ayaw na niyang makipagtalo kaya doon pa lang ay naghubad na
siya ng damit. Kinuha lang niya ang kanyang kulay pula na bandana na binigay ni
Lola Amara. Ternong itim na underwear lang ang suot niya. Ipinulupot niya sa
kanyang leeg ang bandana.\line \line \line Nasa labas na ang mga kasama niya.
Pagdating niya sa main door ay nagtataka siya bakit dumaldal na naman ang matanda
na parang may kausap na lalaki. Paglabas niya ay natigilan siya nang makita si
Gaizer na kausap ni Lola Amara. Nakarapada ang kotse nito sa drive way.
Awtomatiko'y nabaling ang tingin nito sa kanya. Nahinto ito sa pagsasalitan at
agarang naglakbay ang paningin sa kabuoan niya.\line \line \line "Anong meron?
Bakit nakabikini kayo?" pagkuwa'y tanong nito.\line \line \line "Maliligo kami sa
beach. Magbihis ka apo at samahan mo kami," ani Lola Amara.\line \line \line
Ibinalik ng binata ang tingin sa matanda. "Susunod na ho ako, Lola," anito saka
humakbang palapit sa kanya.\line \line \line Parang hinahalukay ang dibdib niya
habang papalapit ito sa kanya at deretso ang tingin sa mukha niya. Huminto ito may
dalawang dangkal ang pagitan sa kanya. Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya.\
line \line \line "Hi, sexy!" pilyo ang ngiting bati nito sa kanya.\line \line \line
Nakatitig lang siya sa mukha nito.\line \line \line "Hindi ka man lang nagparamdam.
Hinihintay kitang bumalik sa village," anito pagkuwan.\line \line \line "Bakit
hindi mo ako tinawagan?" mataray na tanong niya.\line \line \line "Kailangan pa ba
kitang tawagan? Alam mong may trabaho ka. Nandito ka lang pala at nagpapakasarap."\
line \line \line "Kasalanan mo ito," paninisi niya.\line \line \line "Oh come on.
Walang kinalaman ang trabaho sa nangyayari sa ating dalawa." Nasa tinig nito ang
inis.\line \line \line "I want to quit the job," bigla'y sabi niya.\line \line \
line "Shut up. Ngayon pa ba? Ako na ang nag-ayos ng discrepancies sa mga nahuli
mong designs. Huwag mo akong iwan sa ere. Tatapusin natin 'tong dalawa. We will
talk about it later," anito saka siya nilagpasan. Pumasok na ito sa kabahayan.\line
\line \line "Halika na, hija!" tawag ni Lola Amara kay Alexa.\line \line \line
Tulak-tulak na ni Kristel ang naka-wheel chair na matanda. Sumunod naman siya rito.
Walking distance lang ang beach kaya walang kahirap-hirap. Inilatag niya sa puting
buhangin ang kanyang bandana saka doon inilagay ang kanyang cellphone at basket ng
meryenda nila.\line \line \line Sumunod naman si Aleng Lucy at Lolo Rick na may
dalawang maliit na ihawan na mayroong bakal na stand. May kasamang maliit na mesa
at supot ng uling. Nagpadingas kaagad si Aleng Lucy. Tinulungan niya ito sa pag-
iihaw ng marinated chicken breast na tinuhog nito ng barbecue stick. Binuksan niya
ang pakete ng hotdog saka tinuhog at idinarang sa apoy. Introduction daw iyon ng
birthday celebration ni Lola Amara.\line \line \line \b Chapter Eleven
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line NAKAHIGA sa buhangin si
Lola Amara habang suot ang mamahalin nitong sunglasses. Nilapitan ito ni Alexa at
tinabihan. Palubog na ang araw kaya hindi na niya kailangang magsuot ng salamin.\
line \line \line "Gawain ko ito noong kabataan ko. Palagi akong tumatambay sa
dalampasigan at pinapanood ang paglubog ng araw. Sa tuwing nalulungkot ako,
makikita ko lang itong
dalampasigan ay masaya na ako," kuwento nito.\line \line \line "Dito po ba kayo
lumaki sa Tagaytay?" usisa niya.\line \line \line "Oo. Mayroong resort ang mga
magulang ko rito noon. Katunayan ay nakilala ko si Lucio sa resort. Guest namin
siya noon. Napakasuplado ng taong iyon. Marami siyang complain sa kuwarto maging sa
pagkain. Ako ang manager ng resort noon kaya ako ang humarap sa kanya para ayusin
ang complain niya. Pero kahit masungit siya, isang ngiti niya lang ay napapawi ang
pagod at inis ko. Hanggang sa niligawan niya ako. Pero bago ko siya sinagot,
nakipaghiwalay muna ako sa nobyo ko. Hindi ko alam noon na buntis ako sa ex ko.
Inilihim ko iyon kay Lucio. Noong ikinasal na kami ay saka ko inamin sa kanya na
hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ko. Nagalit siya sa akin pero kalaunan'y
natanggap din niya si Roger," kuwento nito.\line \line \line Nawindang si Alexa.
Napaupo siya bigla at hinarap ang matanda. "Ang ibig n'yo pong sabihin ay hindi
anak ni sir Lucio si sir Roger?" kompirma niya.\line \line \line "Oo. Isa iyon sa
palaging pinagtatalunan namin. Alam ko kahit tanggap ni Lucio si Roger ay hindi pa
rin nito magawang ibigay ang patas na pagmamahal sa kanila ni Hector. Hindi ko
naman siya masisi. Naawa ako noon kay Roger dahil palagi siyang nalilimos ng
atensiyon at pagmamahal kay Lucio. Kaya nagsikap siya at pinatunayan kay Lucio na
karapat-dapat siyang maging anak. Alam ni Roger na anak ko siya sa labas, maging ni
Hector. Pero sabi nga, iba pa rin ang lukso ng dugo," malungkot na sabi nito.\
line \line \line "Ahm, alam po ba ito ni Franco at Gaizer?" aniya.\line \line \line
"Alam ni Gaizer pero hindi alam ni Franco. Ayaw kong ma-disappoint si Franco kaya
wala akong ikinukuwento sa kanya tungkol doon. Mabait na bata si Franco at may
malasakit. Ang gusto ko lang naman ay magkasundo ang mga apo ko."\line \line \line
Napalingon siya sa puwesto nila Aleng Lucy nang marinig niya ang tinig ni Gaizer.
Naroon na ito at tumutulong sa pag-ihaw. Habang unti-unti niyang natutuklasan ang
personal na buhay ni Gaizer ay tila unti-unti ring gumagaan ang loob niya rito.
Gusto pa niya itong makilala nang lubusan nang matigil na ang bumabagabag sa kanya
kaya siya naiinis dito.\line \line \line "Meryenda na po!" sigaw ni Aleng Lucy.\
line \line \line "Pumunta ka na roon, hija. Magmeryenda ka na," udyok ng matanda.\
line \line \line Tumayo naman siya at lumapit sa ihawan. Nakaluklok si Gaizer sa
inilatag niyang bandana habang kumakain ng hotdog. Natakam siya nang makita niya
ang iniihaw na mais at binalatang manibang saging na saba. Hinakot naman ni Aleng
Lucy ang ibang nalutong manok at hotdog. Dinala nito sa puwesto nito sa 'di
kalayuan kung saan nakatambay si Kristel at nagmamasid sa alaga nito. Hindi na
bumalik si Lolo Rick matapos silang tulungang mag-ayos ng ihawan.\line \line \line
Kinuha niya ang natitirang hotdog sa grill. Pinahiran niya ito ng ketchup. Tinawag
niya si Aleng Lucy na hindi pa nakakalayo.\line \line \line "Ate Lucy, pahingi ng
mais, ah!" aniya.\line \line \line Huminto ang ale. "Naku, kay Gaizer 'yan!" sabi
nito saka nagpatuloy sa paglalakad.\line \line \line Hindi siya nakakibo. Tiningnan
niya si Gaizer. Naubos na nito ang kinakain. Gumuhit ito sa buhangin gamit ang
barbecue stick. Gumuhit ito ng imahe ng babae. Nahihiya siyang abalahin ito para
humingi ng mais. Amoy pa lang kasi naglalaway na siya. Inihaw na mais ang isa sa
dahilan kung bakit na-in-love siya kay Rendel. First time niyang nakatikin niyon
noon. Palagi siyang binibigyan ni Rendel. Nakita niyang umapoy ang uling.
Nangangati ang kamay niya na galawin ang inihaw na mais.\line \line \line
"Nasusunog na ang mais mo," hindi natimping sabi niya sa binata.\line \line \line
Tumayo naman si Gaizer saka nilapitan ang iniihaw. Binaliktad nito ang dalawang
mais na tinuhog at isang stick na saging.\line \line \line "Maluluto na ito. Gusto
mo ba?" sabi nito.\line \line \line Kinilig siya sa tuwa. "Baka para kay Lola ang
isa," aniya.\line \line \line "Sa palagay mo kaya pang kumagat ng mais ang ngipin
ni Lola? Huwag kang magpatawa," anito.\line \line \line Lumabi siya. "Baka kulang
pa sa iyo 'yan."\line \line \line Hinarap siya nito. Hawak nito ang nalutong mais
saka pinahiran ng butter. "Isang tao lang ang magbibigay sa iyo ng ganitong
pagkain. Tandaan mo. Ako lang ang matiyagang mag-ihaw nito para sa iyo. Heto,
kainin mo na habang mainit pa," wika nito.\line \line \line Natigilan siya.
Pamilyar sa kanya ang linyang iyon. Kinuha niya ang mais saka unti-unting kinain.
Naalala na niya. Noong binigyan siya ni Rendel ng mais na binalot ng bond paper ay
may nakasulat.\line \line \line \i Isang tao lang ang magbibigay sa iyo ng ganitong
pagkain, ako lang. Tandaan mo. Ako lang ang matiyagang mag-ihaw nito para sa 'yo.
Kainin mo habang mainit. Siguradong hindi mo ako malilimutan.\i0 \line \line \
line \i Your knight\i0 \line \line \line Nalala niya ang nakasulat. Naguguluhan
siya.\line \line \line "Masarap ba?" pagkuwa'y tanong ni Gaizer.\line \line \line
Ibinalik niya ang tingin dito. Kumakain na rin ito ng mais. Hinango nito ang inihaw
na saging. Lumuklok siya sa nakalatag na bandana. Naramdaman niya itong umupo sa
tabi niya. Nakihati pa ito sa bandana. Halos magdikit ang mga balat nito. Ngayon
lang niya pinansin na hubad-baro ito at tanging itim na boxer ang suot pan-ibaba.
Nakaharap sila sa papalubog na araw.\line \line \line "Dito ako tumatambay noon sa
tuwing gusto kong mapag-isa. Nagdadala ako ng mais saka iniihaw. Ito lang ang
tanging lugar na nagpapakalma sa akin sa tuwing stress ako sa pamilya ko,"
seryosong kuwento ni Gaizer.\line \line \line Sinipat niya ito. Malayo ang tingin
nito.\line \line \line "Hindi ka ba masaya sa pamilya mo?" usisa niya.\line \line \
line "Paano ako magiging masaya? Namulat ako sa pamilyang walang pagmamahal. Puro
away ang naririnig ko umaga at gabi. Ni minsan ay hindi ko nakitang naglalambingan
ang parents ko. Hindi ko naranasang magdiwang ng birthday na kompleto kaming tatlo.
Hanggang sa nagdesisyon ang parents ko na maghiwalay. Tumira ako sa Lolo ko dahil
akala ko magiging masaya ako. Pero hindi pala sapat. Sinanay niya ako sa materyal
na bagay at pera. Iba pa rin ang magulang," anito.\line \line \line "Kumusta ang
Mommy mo?" tanong niya.\line \line \line "She's passed away two years ago. Hindi
niya ako nahintay. Matagal niyang inilihim sa akin na malala na ang liver cancer
niya. Ang akala ko ordinaryong sakit lang. Hindi niya ipinakita sa akin na mahina
na siya. Nagalit ako sa sarili ko dahil napabayaan ko siya," malungkot na kuwento
nito.\line \line \line Pakiramdam ni Alexa ay may matutulis na bagay na tumutusok
sa puso niya. Hindi niya pinalagpas ang nakita niyang luha na naglalandas sa pisngi
ng binata. Natukso siyang pahirin iyon ng kanyang kamay. Kumislot siya nang hawakan
nito ang kamay niyang iyon. Matamang tinitigan siya nito.\line \line \line "Alam
kong nararamdaman mo ang sakit na naramdaman ko pero hindi mo kailangang pahirin
ang luha ko. Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking lumuluha?" wika nito.\line \
line \line Binawi niya ang kanyang kamay na hawak nito. "Hindi mo bagay umiyak,"
sabi niya.\line \line \line "Ang tunay na lalaki, marunong maglabas ng tunay na
damdamin. Huwag mo akong kaawaan. Hindi ako magiging matapang kung mahina ako."\
line \line \line "Nakikilala na kita, Gaizer. Alam ko ring hindi mo kailangan ng
awa."\line \line \line "Pagmamahal ang kailangan ko."\line \line \line "Walang
magmamahal sa iyo kung ikaw mismo hindi kayang magmahal at magparaya," sabi niya.\
line \line \line "Sa palagay mo ba kaya akong palambutin ng pagmamahal na sinasabi
mo?"\line \line \line Matamang tinitigan niya ito. "Subukan mong buksan ang puso
mo. Magpatawad ka at tanggapin ang kamalian mo."\line \line \line Ngumisi ito. "Ang
dami ko nang sinayang na panahon para magawa ang sinasabi mo pero palagi akong
bigo. Lahat ginawa ko para makuha ang bagay na gusto ko. Pero lahat nang gusto kong
makuha ay pilit ipinagkakait sa akin. Ang akala kong para sa akin, sa iba
napupunta."\line \line \line Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Habang nakatitig
siya sa mapungay na mga mata ng binata ay hindi niya namamalayan ang unti-unting
paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Para siyang inuutusang tanggapin ito na
walang pag-aalinlangan. Nang tuluyang maglapit ang labi nito sa kanyang mga labi ay
tuluyan siyang narahuyo. Sinalubong niya ang mainit nitong halik at tinugon nang
patas na alab.\line \line \line Ang halikang iyon ay unti-unting nagiging marubrob
ngunit isang tinig ang pumutol sa lahat.\line \line \line "Apo! Naluto na ba ang
saging ko?" tinig ni Lola Amara.\line \line \line Mabilis silang naghiwalay.
Panabay nilang nilingon ang matanda na nakaupo sa wheel chair habang tulak-tulak ni
Kristel. Tumayo naman si Gaizer at kinuha ang inihaw na saging. Sinalubong nito ang
matanda saka binigay rito ang saging.\line \line \line "Maligo na kayo. Ako'y uuwi
na't iinom ng gamot. Maiwan ko na kayo rito," sabi ni Lola Amara.\line \line \line
"Sige po, Lola," ani Gaizer.\line \line \line Iniwan na sila ng mga ito. Sumabay na
rin si Aleng Lucy. "Kayo na ang magligpit ng gamit, ha?" ani Aleng Lucy.\line \line
\line "Akong bahala," si Gaizer.\line \line \line Biglang tumahimik nang
magsialisan ang mga kasama nila. Nang maubos ni Alexa ang kinakain ay naglakad siya
at lumusong sa tubig. Sinimulan niyang lumangoy. Tumigil siya sa bahagi na hanggang
dibdib ang tubig. Nakita niya si Gaizer na nakatayo sa pampang at pinapanood siya.\
line \line \line "Alexa! Kailangan ko pala ng hard copy ng ginawa mong floor plan
ng ballroom para sa clubhouse!" sabi nito at nakasigaw.\line \line \line Maalon na
kaya maingay. "Hindi ko pa natatapos! Bukas na!" pasigaw din niyang sagot.\line \
line \line Hindi na sumagot si Gaizer. Lalangoy na sana siya pero bigla siyang
inanod ng malaking alon. Namulikat ang kaliwang binti niya.\line \line \line
KINABAHAN si
Gaizer nang makitang nilamon ng alon si Alexa. Napatakbo siya sa tubig. Nang hindi
pa rin lumulutang ang dalaga ay sumisid na siya. Natagpuan niya itong hirap nang
lumangoy at halos hindi na gumagalaw. Hinagip niya ito at hinila paangat. Umahon
siya habang buhat-buhat ang dalaga. Inihiga niya ito sa nakalatag na bandana saka
dagling nilapatan ng first aid. In-CPR niya ito, paulit-ulit na mouth to mouth
hanggang sa bumalik ang malay nito.\line \line \line Bahagyang umangat ang dibdib
nito saka nagsuka. Nakainom na pala ito ng tubig. Napaubo ito. Panay ang hagod niya
sa likod nito.\line \line \line "Okay ka na?" nag-aalalang tanong niya.\line \
line \line Tumango ito.\line \line \line "Thanks God," bulalas niya. Napawi ang
kaba niya. Lumuklok siya sa tabi nito.\line \line \line Nakayuko ito. Hindi niya
makita ang mukha nito. Hinawi niya ang bsang buhok nito na nakatakip sa mukha nito.
Awtomatiko itong tumitig sa kanya. Namumula ang mga labi at pisngi nito. Sinalakay
na naman siya ng tukso. Sa tuwing nakatitig siya sa mga labi nito ay naaakit siyang
halikan ito.\line \line \line "SALAMAT," sabi ni Alexa nang lubusang guminhawa ang
pakiramdam niya.\line \line \line "Hindi ko kayang tingnan ka lang na nilalamon ng
tubig," sabi nito.\line \line \line "Namulikat kasi ang binti ko. Nahirapan akong
lumangoy dahil sa lakas ng alon."\line \line \line "Delikado nang maligo ngayon."\
line \line \line "Puwede na siguro tayong bumalik sa mansiyon. Dumidilim na,"
aniya.\line \line \line Tinangka niyang tumayo ngunit pinigil ni Gaizer ang
kaliwang kamay niya. Hindi siya nakabuwelo para tumayo. Ibinalik niya ang tingin
dito.\line \line \line "Samahan mo muna ako rito kahit sandali. Gusto ko lang
lumanghap ng sariwang hangin," wika nito.\line \line \line Nararamdaman niya na
uhaw ito sa kausap at atensiyon. Ibang-iba ang aura nito ngayon kumpara nitong
nagdaang mga araw.\line \line \line "Mukhang kailangan mo ng kausap. Bakit hindi ka
na lang makiisa sa natitira mong kaanak para hindi ka nagmumukhang iba sa kanila,"
aniya.\line \line \line "Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Isang selfish na
kontrabida?" Pinangunahan siya nito.\line \line \line "Napansin ko kasi na hindi ka
nakikipag-usap kay Tito Roger. Halata ring hindi kayo close ni Franco."\line \
line \line Ngumisi ito. "Hm. Siguro madalas magkuwento sa iyo si Franco tungkol sa
akin. Malamang sinabi niya na salbahe ako at makasarili."\line \line \line "May
pinag-awayan ba kayong dalawa noon? Bakit ganyan ka kung magsalita tungkol sa
kanya?" usisa niya.\line \line \line "Marami. Since grade school, palagi kaming
ikinukumpara sa isa't-isa. Mas magaling siya sa academic noon at honor student.
Samantalang ako, puro sports ang inaatupag at walang interes sa pag-aaral. Kaya
palagi akong ikinukompara ni Daddy kay Franco. Gusto niya tularan ko ang pinsan ko.
Sa tuwing may okasyon sa pamilya namin, si Franco ang palaging bida," kuwento
nito.\line \line \line "So insecure ka sa kanya?" aniya.\line \line \line Tumawa
ito ng pagak. "Insecure ako kasi kahit hindi hilingin ni Franco ay umaayon sa kanya
ang pagkakataon. Kusang lumalapit sa kanya ang blessing. Hindi niya kailangang mag-
effort para makuha ang simpatiya ng ibang tao. Kahit sa babae, hindi niya
kailangang manligaw para magustuhan siya. Kaya hindi rin ako magtataka kung bakit
mabilis kang pumayag na magpakasal sa kanya. Kahit sabihin mong arrange marriage,
walang tatanggi sa kanya dahil taglay niya ang gusto ng karamihang babae sa lalaki.
Sikat, guwapo, mayaman at professional," sabi nito.\line \line \line Arrange
marriage ang nabinbin sa utak niya. Naisip niya na tama ito. Noong nalaman niya na
ipapakasal siya kay Franco, hindi siya nagdalawang-isip dahil kilala niya kung
anong klaseng lalaki si Franco. Hindi niya pagsisisihan ang pasya niya.\line \
line \line "Pero mas magaling ka kay Franco, pansin ko," hindi napag-isipang sabi
niya.\line \line \line "Mas magaling sa kama," natatawang sabi nito.\line \line \
line Tumikwas ang isang kilay niya habang nakatitig dito. Sinalubong naman nito ang
mga mata niya.\line \line \line "Am I right?" nakatikwas ang isang kilay na untag
nito.\line \line \line "Napaka-gentle ni Franco. We never been meet in bed," sagot
niya.\line \line \line "Are you kidding?" hindi makapaniwalang sabi nito.\line \
line \line "Seryoso ako. Hindi si Franco ang tipo ng lalaki na ini-spoiled ang
sariling pagnanasa."\line \line \line Tumawa si Gaizer. "I guess kulang pa ang
panahon na pinagsamahan ninyo para masabi mong kilala mo na si Franco. Nagkakamali
ka, Alexa. Franco is a sex goddess. Kung sa palagay mo malandi ako, mas malandi
siya. Ayaw kong ma-disappoint ka pero kilala ko ang pinsan ko. Walang babaeng
dumaan kay Franco na hindi niya naikama. Mas matino pa nga ako dahil iisang babae
lang ang nilalandi ko."\line \line \line "That's enough," pigil niya rito.\line \
line \line Hindi siya naiinis dahil sa sinasabi nito tungkol ka Franco kundi sa
sinabi nito na iisang babae lang ang nilalandi nito.\line \line \line "Nagsasabi
ako ng totoo, Alexa. Walang ibang babaeng nakinabang sa akin kundi ikaw," giit
nito.\line \line \line Hindi siya naniniwala. Tinangka niyang tumayo ngunit hinila
siya nito at itinulak siya pahiga. Itinukod nito ang kanang kamay sa puno ng dibdib
niya saka inilapit ang mukha sa kanyang mukha.\line \line \line "Hindi ko sinisira
si Franco sa 'yo. Sinasabi ko lang ang totoo sa pagkatao niya," anito.\line \line \
line "Hindi si Franco ang gusto kong pag-usapan," sabi niya.\line \line \line
Mariing kumunot ang noo nito. "What do you mean?" tanong nito sa garalgal na
tinig.\line \line \line "Gusto ko ng lalaking malinis ang budhi at paninindigan.
Hindi ako naniniwala na hindi ka katulad ni Franco," aniya.\line \line \line
"Inaamin kong may pagkakatulad kami ni Franco, pero ibahin mo ako sa kanya. Mas
malinis akong lalaki. Ika nga, mas madaling makilala ang taong maingay kaysa
tahimik na nasa loob ang bangis. Showy ako kaya huwag kang magtaka kung bigla
kitang halikan sa harap ng fiance mo."\line \line \line "Huwag kang hangal!"\line \
line \line "Believe me. Kaya kitang agawin sa kanya. Kapag sinabi kong hindi
matutuloy ang kasal n'yo, mangyayari."\line \line \line "Tumigil ka!"\line \line \
line "Titigil lang ako kung mapatunayan kong hindi mo kayang pagtaksilan si
Franco."\line \line \line Umigtad siya nang ipaglandas nito ang kamay sa kanyang
dibdib. Pumuwesto ito sa ibabaw niya at biglang siniil ng halik ang kanyang mga
labi.\line \line \line \b Chapter Twelve [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0
\line \line \line \line \line \line PUMIKSI si Alexa nang biglang baklasin ni
Gaizer ang kanyang bra. Nasira ang lock nito. Pangahas ang halik nito na hindi niya
natanggihan. Nang tuluyang mapalaya nito ang kanyang dibdib ay dagli nito iyong
hinapuhap ng halik at pinong kagat katuwang ang isang kamay nito sa paghubog ng
bawat bahagi niyon. Pakiramdam niya'y may taglay na apoy ang palad nito na tila
pinapaso ang kanyang katawan sa init.\line \line \line Lumingkis ang kanang kamay
niya sa batok nito nang sakupin ng mainit nitong bibig ang kanyang dunggot saka
doon sumimsim na parang batang uhaw. Humugot siya ng malalim ng hininga.
Umalingawngaw ang kanyang halinghing. Naramdaman niya ang isang kamay nito na
humihila pababa sa nalalabi niyang saplot. Itinaas nito ang kanyang mga hita saka
ito sumiksik sa pagitan niyon. Naiwan ang kamay nito sa pagitan at banayad na
hinahaplos ang kanyang kaselanan. Nahimasok roon ang ilang daliri nito saka
ginalugad ang kanyang kaibuturan.\line \line \line "Uhh... G-Gaizer..." sambit
niya.\line \line \line Nag-angat ng mukha ang binata at muling pinaghinang ang
kanilang mga labi. Nanloob ang munting panlasa nito sa kanyang lalamunan at
sinalubong ang sa kanya. Pakiramdam niya'y kinikiliti ang laman niya. Nanlulumo
siya sa dahil sa nakakahibang na sensasyong nadarama.\line \line \line "Tell me how
can I stop this crazy thing, Alexa. I'm trapped. I'm being addicted," wika nito
nang iwan nito ang labi niya.\line \line \line Namimilog ang matang nakatitig siya
sa mukha nito. Punong-puno siya ng frustration. Nang maramdaman niya ang unti-
unting pag-angkin ng sandata nito sa kanya ay bigla niyang naipulupot ang mga paa
sa likod nito. \line \line \line "Uhm," daing niya. Alam niyang hindi niya ito
kayang pigilan at lalong hirap siyang pigilan ang bugso ng kanyang damdamin.\line \
line \line Hinaplos niya ang matipuno nitong dibdib. Nagsimula itong umulos.
Itinukod nito ang mga kamay sa lupa habang kulong siya.\line \line \line "Walang
mali rito basta ginusto mo. Hindi ka magkakasala dahil hindi ka naman magpapakasal
sa lalaking mahal mo. Tama ba?" sabi nito habang bumibilis ang pagbayo ng katawan
sa kanya.\line \line \line Hindi niya napigil ang halinghing. Kumapit siya sa
magkabilang braso nito. "M-Mali ka," giit niya.\line \line \line "Sss. Tama nang
deny. Hindi ako tanga. Tinanggap mo ako dahil gusto mo. We're not just fuck, we're
making love. Aminin mo nang papakasal ka kay Franco dahil sa pera o anumang
kasunduan," sabi nito.\line \line \line Kinabahan siya. Natumbok na nito ang
sekreto nila ni Franco. Pero ayaw niyang magtalo sila sa ganoong sitwasyon.
Tinangka niyang agawa ito ng lakas at sana'y pumaibabaw rito ngunit itinulak siya
nito pahigang muli saka ito umulos nang tudo. Hindi na siya nakapalag dahil
tumutulay na sa kaibuturan niya ang rumaragasang init ng kanyang orgasmo. Kinabahan
siya nang hindi lumabas sa kanya si Gaizer matapos nitong abutin ang sarili nitong
orgasmo. Marahas niya itong itinulak.\line \line \line "Shit!" napamura ito. Umupo
siya saka tumalikod dito. Nagmamadaling isinuot niya ang kanyang underwear.\line \
line \line "Bakit ka ba natatakot? Magkakaroon ka ng dahilan para makalaya sa
pinasok mong kasunduan," sabi nito.\line \line \line Marahas niya itong hinarap.
"Ano'ng kasunduan ang sinasabi mo?" maang niya.\line \line \line "Please, huwag ka
nang magkaila. Kung ang Facebook account ni Franco nagawa kong buksan, ang sekreto
pa kaya ninyo? Huwag ako ang lokohin n'yo."\line \line \line Magsisinungaling pa ba
siya? Paano na ang pangako niya sa papa niya at sa parents ni Franco?\line \line \
line "Hindi ko alam ang sinsabi mo," aniya.\line \line \line "Alexa, masama ang
magsinungaling. Kung may utang ang pamilya mo sa parents ni Franco kaya ka pumayag
sa kasunduan, matutulungan kitang bayaran iyon."\line \line \line "Wala kaming
utang. Pumayag akong magpakasal kay Franco dahil nakikita kong magiging maayos ang
future ko sa kanya," depensa niya.\line \line \line "Paano mo nasabing may maayos
kang future kay Franco? Alexa, buksan mo ang mga mata mo." Kinuha nito ang
cellphone nito na nakakalat sa paligid nila. Maliwanag ang kalangitan kaya nakikita
niya ang reaksiyon ng mukha nito.\line \line \line Naghalungkat ito ng mga litrato
sa cellphone nito. Pagkuwa'y pinakita nito sa kanya ang litrato ni Franco na may
kahalikang babae sa likod ng stage. Kung totoong mahal niya si Franco, malamang
nasaktan na siya pero wala siyang maramdamang galit.\line \line \line "Nakuha ko
ang picture na ito sa isa sa katrabaho ni Franco sa labas. Kuha ito kahapon habang
nasa taping sila ng commercial sa Cebu. It's not part of their taping. Hindi niya
kasama sa taping ang babae. Fashion designer siya. Kilala ko ang babae. Naging
girlfriend siya ni Franco noong college."\line \line \line Hindi malaman ni Alexa
kung ano ang magiging reaksiyon niya. Noon ay apektado siya sa tuwing may isyu
siyang naririnig tungkol kay Franco pero ngayon ay tila wala na siyang pakialam.
Hindi siya magaling umarte para ipakita kay Gaizer na apektado siya. Sa lalaking
ito siya nagagalit dahil sa pinaggagawa nito.\line \line \line Itinaboy niya ang
kamay nito na may hawak sa cellphone. "Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong niya.\line
\line \line "I'm just concerned, Alexa. Kung magpapakasal ka kay Franco, para ka na
ring sumuong sa impiyerno. Masasaktan ka lang. Huwag mong laruin ang kasal dahil
hindi ito ginawa para puwede mong balewalain."\line \line \line "Problema ko na
'yon. Hindi ako pumasok sa sitwasyong ito na hindi ako handa. Hanggat hindi si
Franco ang unang umatras, hindi ako aatras," aniya.\line \line \line "Nahihibang ka
ba? Ang ganda mong babae, may maayos na trabaho at mataas na pinag-aralan. Maraming
lalaking mas deserving kaysa kay Franco. Ginagamit ka lang niya para sa pansarili
niyang kapakanan."\line \line \line Umiwas siya ng tingin kay Gaizer baka mahalata
nito na wala siyang pakialam sa sinasabi nito. Tumayo siya at kinuha ang kanyang
cellphone.\line \line \line "Ang mabuti pa umuwi na tayo sa mansiyon," sabi niya
pagkuwan.\line \line \line Tumayo naman ang binata saka iniligpit ang gamit na
iuuwi sa mansiyon. Kinuha naman niya ang kanyang bandana saka nagpatiunang
naglakad. Nakabuntot lang ito sa kanya habang bitbit ang ihawan at munting mesa.\
line \line \line Nagbanlaw si Alexa sa banyo sa loob ng inuukupa niyang kuwarto.
Laman pa rin ng diwa niya si Gaizer at ang mga sinabi nito. Nalilito na siya.
Naisip niya na baka hinuhuli lang siya nito o kaya'y sinasadya nito na guluhin ang
isip niya para umurong siya sa kasal nila ni Franco\line \line \line HINDI
naghapunan si Gaizer. Nabusog siya ng meryenda. Nagbukas lang siya ng isang bote ng
wine saka unti-unting sinisimsim gamit ang wine glass. Nakaluklok siya sa kama sa
kanyang kuwarto habang nanonood ng movie sa kanyang laptop. Nang mainip sa
pinapanood ay in-off niya ang movie saka nagbukas ng Facebook. Nakakonekta siya sa
kanyang pocket wifi na may one month unlimited internet. Nag-stalk siya sa Facebook
account ni Alexa. Pilit niya itong binubuksan para sana mabasa ang laman ng
messenger nito.\line \line \line Sinabutahe niya ang account ni Franco noong nakita
niya ang cellphone nito na naiwan sa engineer's office. Nakabukas ang Facebook kaya
pinakialaman niya. Nagpadala siya ng mensahe kay Alexa. Kamuntik na siyang mahuli
noon dahil biglang bumalik noong gabi si Franco at kinuha ang cellphone. Pero
nabasa niya ang ilang conversation nito at ni Alexa. Doon niya nabasa ang sinabi ni
Franco sa dalaga na sa Korea magpapakasal ang mga ito para kung maayos na ang lahat
at hindi nag-work ang relasyon nila ay madali lang silang makapag-divorce. Doon
siya nagduda na posibleng arrange marriage ang pagpapakasal ng dalawa.\line \line \
line Nabasa din niya sa cellphone ni Alexa noong naiwan iyon sa kotse niya ang
ilang text messages dito ni Franco. \line \line \line \i Huwag mo siyang intindihin
basta maging maingat ka. Hindi puwedeng malaman niya ang plano namin,\i0 ilan
lamang sa laman ng mensahe ni Franco kay Alexa.\line \line \line Hanggang ngayon ay
iniisip niya ang mga nabasa niya. Patuloy niyang pinag-aaralan ang mga iyon. Hindi
siya mapakali. Pinutahan niya ang account ni Kent. On-line ito. Binuksan niya ang
video call. Nasa linya naman kaagad si Kent na nakaupo sa harap ng mesa na
pinapatungan ng laptop nito.\line \line \line "Hey, kumusta ang project n'yo
d'yan?" sabi nito.\line \line \line "Okay lang. Ano nang balita d'yan? Nagawa mo ba
ang pinapagawa ko?" aniya.\line \line \line "Ang alin? Ang pigilin ang kasal ni
Franco?" anito.\line \line \line Nagtagis ang bagang niya. "Kasama na iyon. Pero
ang kinukumusta ko ay ang proposal sa Zambales project," sabi niya.\line \line \
line "Ah, 'yon ba? Iyon na nga ang nakakainis. Hanggang ngayon hindi pa nakarating
sa akin ang kopya. Mukhang mabutihang edit ang ginagawa nila. Palaging out of town
si Tito Roger. Hindi ko rin matiyempuhan si Engr. San Diego. Mukhang tama ka, may
anumalya sa Zambales project. Ano kaya kung surpresahin mo ang area? Puntahan natin
at kausapin si Mr. Kim. Alamin natin ang estado ng naiwang project ng Daddy mo.
Last year kasi close pa rin ang area. Narinig ko na gusto ulit iyong ituloy ni Mr.
Kim," sabi nito.\line \line \line "That's good idea. Pagbalik ko na siguro ng
Maynila."\line \line \line "E kumusta naman kayo ng fiancee ng pinsan mo? May
naamoy ka na bang nalulutong isda?" biro nito pagkuwan.\line \line \line "Hangal,
nakain ko na," gatong niya.\line \line \line Humalakhak si Kent. "Ang bilis mo,
boss. Ano, magdidiwang na ba tayo para sa tagumpay?"\line \line \line "Gago! Huwag
mo akong pangunahan. Hindi madaling manghuli ng isda na sarili mo ang ipinapain.
Gawin mo nang maayos ang trabaho mo."\line \line \line "Oo na. Tinutulungan na nga
kita."\line \line \line "Bantayan mo rin ang mga kilos ng alipores d'yan ng
kalaban."\line \line \line "Sandali. Bakit parang parami nang parami ata ang
trabaho ko. Baka gusto mo na rin akong utusang maglaba ng brief mo."\line \line \
line Tinitigan niya ng masama si Kent sa screen. "Nagrereklamo ka na ba?" aniya.\
line \line \line "Ah, hindi. Nagbibiro lang ako. Sige, ako na ang bahala sa lahat.
Mag-relax ka lang muna riyan. Galingan mo sa paggapang baka may makahuli sa iyo.
Kapag nagkataon, patay kang ahas ka," sabi nito saka tumawa.\line \line \line
"Gago! Matulog ka na!" In-off na niya ang video.\line \line \line Isinara na niya
ang kanyang laptop saka nagsalin muli ng wine sa kanyang baso. Hindi siya inaantok.
Nagsuot siya ng jersey short pants pero hindi na siya nagsuot ng kamiseta. Lumabas
siya ng kuwarto. Tahimik na sa labas. Patay na rin ang ilaw sa sala pero napansin
niyang nakabukas ang ilaw sa kusina.\line \line \line Bumaba siya at dahandahang
naglakad patungo sa kusina. Tumigil siya sa bukana ng pinto nang makita niya si
Alexa na nagdidikdik ng bawang. Puting sleeveless blouse lang ang suot nito at
maigsing maong pants na kalahati sa mapipintog at makinis nitong hita. May suot
itong apron. Nakapulupot ang mahaba nitong buhok sa tuktok na inipit lang nito ng
dalawang lapis. May ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa mukha nito.\line \line \
line Ngayon lang niya naisip kung ano ba ang meron sa babaeng ito bakit gustong-
gusto niya itong nakikita. Maraming mas maganda rito, mas sexy, mayaman, matalino,
mas mabait pero parang ito lang ang nakilala niyang babae na umangkin sa buong
pagkatao niya. Ngunit para itong tubig na nahahawakan niya sa kamay ngunit mabilis
makawala. Parang ulap na akala niya kaya niyang abutin ngunit napakalayo.\line \
line \line \i Bakit hindi naging tayo, Alexa? Bakit napupunta ka sa iba? Ano ba ang
mali ko?\i0 daing ng kanyang isip.\line \line \line Hindi siya nagbago ng posisyon
nang biglang mahagip siya ng paningin ng dalaga. Nanatali siyang nakatayo at
seryosong nakatanaw rito.\line \line \line NAGULAT si Alexa nang makita si Gaizer
na nakatayo sa bunganga ng pinto. Natigilan siya sa ginagawa. Seryoso ito. Mukhang
wala itong balak mangulit. Pagkuwa'y humakbang ito palapit sa kanya.\line \line \
line "Gabi na bakit nandito ka pa? May lulutuin ka ba?" tanong nito.\line \line \
line Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa. "Magluluto ako ng roasted garlic para
sa lulutuin kong palabok at siomai bukas," tugon niya.\line \line \line "Puwede mo
naman 'yang gawin bukas. Huwag kang magpuyat," sabi nito.\line \line \line Nabaling
muli ang tingin niya rito. Noon niya napansin na may isang dangkal lang ang pagitan
nito sa kanya.\line \line \line "Hindi naman ako magpupuyat. Ihahanda ko lang ang
mga sangkap para mas madali nang magluto bukas. Marami din kasing lulutuin si Aleng
Lucy," aniya pagkuwan.\line \line \line "Marunong ka rin naman palang magluto."\
line \line \line "Kailangan kong matuto dahil hindi na ako kayang ipagluto ng Mama
ko."\line \line \line "Bakit? May sakit ba siya?" usisa nito.\line \line \line "Na-
stroke siya. Paralisado na ang kalahati ng katawan niya."\line \line \line "Nag-
iisa ka bang anak?"\line \line \line "May nakatatanda akong kapatid na lalaki.
Nagpapakadalubhasa siya sa medisina sa Amerika. Next year pa siya makakauwi."\
line \line \line "Nice. Kaya naman pala ng parents mong magpaaral ng doktor at
architect. Bakit nagkakautang pa kayo sa Sta. Maria?"\line \line \line Nagtagis
ang bagang niya. Aminado siyang may utang sila pero hindi nito kailangang ipamukha
sa kanya.\line \line \line "Paano mo nalalaman ang bagay na iyon?" kaswal na tanong
niya habang patuloy sa pagbabalat ng bawang.\line \line \line "Nakita ko ang
pinirmahang cash loan ng Papa mo sa office. Nakasulat doon na salary deduction
bases ang nasabing loan. I guess dumadaan sa accounting ang nangyaring utangan.
Posibleng nasagasaan ang pera ng kumpanya."\line \line \line Wala siyang alam kung
paano inutang ng Papa niya ang perang pinaggamot sa Mama niya pero sigurado siya na
legal ang nangyaring loan.\line \line \line "Pinagtatrabahuhan ni Papa ang perang
inutang niya kaya walang masama doon. Vice president si Tito Roger kaya may
karapatan siyang magdesisyon para sa pangangailangan ng mga manggagawa. Hindi lang
naman si Papa ang may malaking loan sa kumpanya," depensa niya.\line \line \line
"Fine. Wala akong planong akusahan ang Papa mo o si Tito Roger. Gusto ko lang
matiyak na walang anumalyang nangyayari sa loob ng kumpanya. Malinis itong iniwan
ni Lolo at ni Daddy kaya dapat iyong magpatuloy."\line \line \line Bumuntong-
hininga siya. Nangangalay na ang kamay niya sa kakatadtad sa bawang at umiinit na
rin ang palad niya dahil sa anghang nito. Binitawan niya ang kutsilyo at hinilot
ang kamay niya.\line \line \line Nagulat siya nang kunin ni Gaizer ang kutsilyo at
itinuloy ang ginagawa niya. Umatras siya para bigyang laya ito sa pagkilos.\line \
line \line "Let me do this," sabi nito.\line \line \line "Hindi mo kailangan gawin
'yan. Kaya ko na itong tapusin," tutol niya.\line \line \line "Huwag mo akong
pagbawalan sa gusto kong gawin, Alexa. Magpasalamat ka na lang dahil may
nagmamalasakit sa 'yo."\line \line \line Bumuga siya ng hangin. "Bakit ba mas
marunong ka pa sa akin? Kung magsalita ka para kang hari na hindi puwedeng
kontrahin," angal niya.\line \line \line Tiningnan siya nito ng matalim. Bumagal
ang pagtadtad nito sa bawang. "Huwag ka nang magmatigas, Alexa. Ramdam kong
lumalambot ka na pero pinipilit mo pa ring makipag-plastikan sa akin. Lalo mo lang
akong tinutulak na usigin ka at kulitin," anito.\line \line \line "Ano ba kasi ang
gusto mo?" tanong niya.\line \line \line "Gusto kita," walang abog na sabi nito.
Tumigil ito sa ginawaga.\line \line \line Napalunok siya at biglang may kung anong
bumara sa lalamunan niya. Tumulin ang tibok ng kanyang puso. Bumibigat ang talukap
niya habang nakatitig sa seryoso nitong mukha.\line \line \line "Alam mo ang
limitasyon mo, Gaizer. Huwag ka sanang sumobra," sabi niya nang makahinga nang
maluwag.\line \line \line "I'm not afraid. Si Franco lang naman ang babanggain ko.
Hindi siya kasing tibay ng paninindigan ko," palabang wika nito.\line \line \line
Hindi siya natatakot sa pagpatuloy ng umuusbong nilang relasyon ni Gaizer dahil
wala naman talaga siyang malalim na koneksiyon kay Franco maliban sa kasunduan.
Puwede niyang kausapin ang binata na huwag ituloy ang kasal. Ang ikinakatakot niya
ay ang magiging reaksiyon ng Papa niya at ang posibleng ikasira ng repustasyon
niya. Hindi siya maaring padalus-dalos ng kilos dahil maraming pilit nahihimasukan
sa relasyon nila ni Franco.\line \line \line Maiiwasan niya si Franco pero hindi si
Gaizer. Habang tumatagal na palagi niya itong kasama ay lalong bumimibilis ang
development ng nararamdaman niya para rito. Habang iniiwasan niya ito ay lalo
lamang siya nahuhulog dito. Walang gabi na hindi niya ito naiisip. Napakadaling
palambutin ng presensiya nito ang nagmamatigas niyang puso. Ni simpleng halik nito
ay hindi na niya magawang tanggihan.\line \line \line \b Chapter Thirteen
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line
PINABAYAAN ni Alexa si Gaizer sa pagtulong sa kanya. Nagbalat siya ng carrots at
patatas na ihahalo niya sa siomai. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga ito sa
blender.\line \line \line "Para saan 'yan?" tanong ng binata.\line \line \line
"Para sa siomai. Gagawin ko na siya ngayong gabi para bukas ay steam na lang ang
gagawin," aniya.\line \line \line "Hindi kumakain ng pork meat si Lola," anito.\
line \line \line "Hindi po pork ang ilalagay ko kundi tuna. Sinabi naman sa akin ni
Aleng Lucy kung ano ang ayaw ni Lola at gusto. Mahilig siya sa seafood kaya gagawa
ako ng palabok at white spaghetti na tuna rin ang gagamitin."\line \line \line
Lumapit ito sa kanya at pinapanood siya. Natapos na nito ang ginagawa. "Ano ang
gagawin sa bawang?" tanong nito.\line \line \line "Ako na ang magluluto," aniya.\
line \line \line "Ako na. Kaya ko 'yon basta sabihin mo lang kung paano," giit
nito.\line \line \line Tiningnan niya ito. Napakagaan ng ngiti nito.\line \line \
line "Please, ako na," pilit nito.\line \line \line Bumuntong-hininga siya.
"Magpainit ka lang ng maraming mantika sa kawali saka mo lutuin ang tinadtad na
bawang hanggang sa mag-golden brown siya. Pagkatapos ay hahanguin mo na at
patiktikin para lumamig at hindi ma-over-cooked," turo niya.\line \line \line "I
got it. Thanks," anito saka naghanap ng malaking kawali. \line \line \line
Kalahating kilong bawang ang tinadtad nito. Paminsan-minsan niya itong sinisipat.
Nagsuot din ito ng apron. Ibinuhos nito sa kawali ang 1.5 liter na mantika. Nang
kumulo na'y inilagay na nito ang tinadtad na bawang.\line \line \line "Haluin mo
lang siya nang haluin hanggang maluto," sabi nito.\line \line \line "Yes, ma'am,"
sagot nito.\line \line \line Inilagay naman niya sa blender ang boneless tuna na
mayroong isang kilo kasabay ng ginayat na sibuyas at celery. Inihalo ulit niya ang
blended vegetables. Nang magiling na lahat ay isinalin na niya ito sa malaking bowl
saka tinimplahan ng asin paminta at ibang herbs and spices.\line \line \line Habang
naghahalo siya ay sinipat niya si Gaizer. Nagulat siya nang mamataang nakatingin
din ito sa kanya. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. Patuloy nitong
hinahalo ang niluluto. Bigla itong ngumiti.\line \line \line "Ang sarap mong
tingnan habang ginagawa 'yan. You're perfect image of a wife," wika nito.\line \
line \line Hindi niya napigil ang sariling mapangiti. "I'm not good in cooking,"
sabi niya.\line \line \line "That's not important. Ang mahalaga may alam kang
lutuin. Isa sa basic quality ng isang babae na gustong-gusto ng lalaki ay ang
marunong magluto. Masarap kasing kumain ng pagkaing niluto ng taong mahal mo para
sa 'yo. It's one of my dream. To found a woman who always preparing my meal. Pero
sa nature ng trabaho mo, I think you can't serve a meal for your husband everyday,"
anito.\line \line \line Tumabang ang ngiti niya. Tama ito pero hindi iyon ang gusto
niyang mangyari. Gusto niya sakaling makapag-asawa siya, hahatiin niya ang oras sa
trabaho at pamilya. Alam niya na isa sa dahilan ng pagtabang ng isang relasyon ay
ang kakulangang ng oras at kalinga sa isa't-isa.\line \line \line "Time management
lang ang kailangan. Hindi puwedeng idahilan ang nature ng trabaho para mawalan ng
time sa pag-aasikaso sa pamilya. Hindi lahat ng babae ay kayang gawin 'yon pero
gusto ko maging katulad ng Mama ko. Kahit busy siya sa pagtuturo noon, nagigising
siya nang maaga para ipagluto kami ng almusal at baon ni Papa sa trabaho. Pagdating
niya galing school ay nagluluto kaagad siya ng meryenda. Hindi siya pumapayag na
ibang tao ang nagluluto ng kinakain namin. Kaya noong nagkasakit siya, sinikap kong
matutong magluto dahil gusto ko ako naman ang magluto para sa kanya," kuwento
niya.\line \line \line "Nice. Ang buti mong anak. Napakaswerte ng lalaking
papakasalan mo," sabi nito sa malamig na tinig.\line \line \line Naamoy na niya ang
nalulutong bawang. Nag-aalala siya baka masunog ang mga iyon. Iniwan niya ang
ginagawa upang silipin ang niluluto ni Gaizer. Naninilaw na ang bawang.\line \
line \line "Okay na ba ito?" tanong nito.\line \line \line "Konti pa," aniya.\
line \line \line "Pero mainit ang mantika. Kahit hanguin natin ito ay kaya pa rin
nitong sunugin ang bawang."\line \line \line Naisip niya'ng tama ito. "Ah, sige,
puwede na siyang hanguin." Kinuha niya ang strainer na stainless. \line \line \line
Hinahango nito ang bawang mula sa mantika saka nilipat sa strainer. Gustong-gusto
niya ang amoy ng roasted garlic. Palaging nagluluto niyon ang Mama niya at
sinusunod naman niya ng papak.\line \line \line "Did you know that garlic has a
natural antibiotic property? My Mom always eating fresh garlic. It also helps
maintain normal blood circulation," sabi nito haabng sinasaid ang natitirang bawang
sa kawali.\line \line \line "Nasabi 'yan sa akin ng kuya ko. Hindi ko kayang kumain
ng sariwang bawang. Nakaka-bad breath din," aniya.\line \line \line "Pero minsan,
kung ano 'yong masama ang lasa, siya pa ang mas maraming benefits. Parang ampalaya,
mapait pero malaki ang naitutulong sa katawan to maintain normal blood sugar.
Parang sa buhay natin, kung ano 'yong ayaw natin ay siya pala ang makakabuti sa
atin," may hugot na sabi nito.\line \line \line Matipid siyang ngumiti. Gusto niya
ng ganoong daloy ng usapan. "Agree ako. Parang katulad din ng bawal na gawain pero
masarap gawin. 'yong alam mong mali pero gustong-gusto mong gawin," ganti niya.\
line \line \line Matamang tumitig sa kanya ang binata. Binitawan nito ang sandok.
"Inililigaw mo ata ang paksa. Para sa ating dalawa ba 'yang sinasabi mo?" anito.\
line \line \line "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."\line \line \line "Yes.
Alam kong mali ang gustuhin ka pero gusto kong gawing tama," sabi nito.\line \
line \line "Iba ang gusto mo, Gaizer. Gusto mo lang nang laro."\line \line \line
"Ano? We're not playing, Alexa. I'm serious."\line \line \line "Fine," aniya saka
ito tinalikuran. Binalikan niya ang kanyang ginagawa.\line \line \line Hindi niya
maintindihan bakit parang may munting kirot siyang nararamdaman sa kanyang puso.
Ayaw niyang mag-assume na umiibig siya kay Gaizer pero nakakaramdam siya ng sakit
sa tuwing nagdududa siya sa ipinapakita nito sa kanya. Na posibleng
ginagamit lamang siya nito para sirain ang plano ni Franco. Napa-paranoid siya.\
line \line \line Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Gaizer. Pumuwesto ito sa
kaliwang bahagi niya may isang dangkal ang pagitan. Pinakialaman nito ang siomai
wrapper. Inilabas nito ang mga iyon sa lalagyan saka pnagbuhol-buhol.\line \line \
line "I know how to wrap siomai. Nakikita ko ito sa Japanese restaurant," sabi
nito.\line \line \line Pinabayaan niya ito. Nang mahalong mabuti ang palaman ng
siomai ay sinimulan na niyang magbalot. Napansin niya na mas mabilis at maganda ang
pagbalot ni Gaizer sa siomai. Mabilis ang kamay nito.\line \line \line "It's smell
good. Puwede ba tayong mag-steam kahit kaunti?" sabi nito.\line \line \line "Sige.
Your choice," walang buhay niyang sagot.\line \line \line Nagpakulo ng tubig si
Gaizer sa maliit na steamer. Pagkuwa'y nag-steam ito ng sampung perasong siomai.
Gumawa naman siya ng sauce. Itinuloy ng binataa ng pagbabalot ng siomai habang
hinihintay maluto ang naisalang nito.\line \line \line "Ano'ng sangkap mo sa sauce?
Mayroon kasi akong natikmang siomai na masarap ang sauce," sabi nito.\line \line \
line "Toto at kalamansi ang pinaghalo ko. Nilagyan ko ng konting sesame oil at
chili oil," aniya.\line \line \line "Kaya pala ang bango. Garlic is a twist,
right?"\line \line \line Tumango siya.\line \line \line Binalikan naman nito ang
niluluto. "Puwede na kaya ito?" anito.\line \line \line "Puwede na 'yan. Fifteen
minutes is enough. Hindi 'yan kailangang patagalin kasi tuna lang naman 'yan at
nai-blend mabuti," sabi niya.\line \line \line Hinango na nito ang mga naluto saka
inilagay sa parisukat na babasaging plato. Dinala nito sa kanya ang nalutong
siomai. Siya ang naglagay ng sauce sa naluto saka binudburan ng roasted garlic sa
ibabaw.\line \line \line "Wow! I'm craving," sabi nito. Kumuha ito ng toothpick na
pantutusok sa siomai.\line \line \line Pinagmamasdan niya ito. Namumukol ang pisngi
nito habang kumakain. \line \line \line "Hm. Ang sarap," komento nito.\line \line \
line Natatakam siya habang pinapanood itong kumakain. Busy siya sa pagbabalot ng
siomai at gusto na niyang matapos nang makapagpahinga na siya. Nagulat siya nang
alukin siya ni Gaizer ng siomai.\line \line \line "Tikman mo. Dapat ikaw na nagluto
ang unang makakatikim ng gawa mo. Judge your own work," anito habang pilit
isinusubo sa kanya ang siomai na tinusok nito ng toothpick.\line \line \line Nag-
aalangan siyang ibuka ang bibig.\line \line \line "Come on. Wala itong gayuma,
promise," biro nito.\line \line \line Binuksan niya ang kanyang bibig saka isinubo
ang siomai. Alam niyang masarap ang gawa niya pero mas masarap sa pakiramdam kung
paano siya subuan ni Gaizer. Kumislot siya nang bigla nitong pinahid ng hinlalaki
ang pumatak na sauce sa gilid ng labi niya. Tulalang nakatitig siya sa guwapo
nitong mukha. Nalunok niya kaagad ang kangunguyang siomai.\line \line \line Hindi
niya namalayan ang mabilis na paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Bumuka ang
bibig niya nang ipaglandas nito ang hintuturo nito sa kanyang labi. Pagkuwa'y
hinawakan nito ang baba niya at bahagyang iniangat ang kanyang mukha. Nagtama ang
mga paningin nila. Nararamdaman niya ang tulin ng tibik ng puso niya.\line \line \
line Ibinaba niya ang tingin sa mga labi nitong unti-unting lumalasap sa kanyang
mga labi. Pumikit siya nang tuluyang halikan siya nito at maluwag sa kanyang puso
ang pagtugon sa iginagawad nitong mapusok na halik. Sa lahat na halik na iginawad
nito sa kanya, ang pagkakataong iyon ang ramdam na ramdam niya ang emosyon at
tamis.\line \line \line Ngayon lang din naging desiplenado si Gaizer dahil hindi
naglilikot ang mga kamay nito. Nang kapwa kapusin ng hininga ay ito ang unang
bumitiw sa kanya. Tumusok ito ng isang siomai saka isinubo.\line \line \line
"Masarap ang siomai pero mas masarap ang gumawa. Feel mo?" pilyong sabi nito sa
kanya saka siya kinindatan.\line \line \line Tumawa siya ng pagak. Ngayon lang siya
natutuwa sa biro nito.\line \line \line "Kain ka pa," anito saka siya muling
sinubuan ng siomai.\line \line \line Kumain naman siya. Nagsalin pa ito ng tubig sa
baso saka ibinigay sa kanya. Pagkatapos ay tinulungan na siya nitong magbalot ng
siomai. Inabot sila ng alas-onse ng gabi sa kusina dahil mas mahaba ang kuwentuhan
at kulitan kaysa trabaho. Noon lang nalaman ni Alexa na malambing si Gaizer at
masarap kakuwentuhan. Marunong itong makinig at umunawa.\line \line \line ALAS-OTSO
na ng umaga nagising si Alexa. Mag-uumaga na kasing natapos ang paghahanda niya sa
mga lulutuin. Sinamahan siya ni Gaizer sa kusina hanggang matapos siya. Nagluto pa
sila ng yema balls. Request iyon ng binata. Paborito daw iyon ng Lolo nito.\line \
line \line Pagkatapos maligo ay dumeretso siya sa kusina. Nagsisimula nang magluto
si Aleng Lucy ng mga putahe para sa birthday ni Lola Amara. Wala siyang ideya kung
paano ipinagdidiwang ang kaarawan ng matanda. Hindi rin niya alam kung sino-sino
ang mga bisita dahil nagdagdag ng putahe ang ale.\line \line \line Kanina pagsilip
niya sa bintana ay nakita niyang nag-aayos ang mga trabahador sa hardin sa likod ng
mansiyon. Natgagayo ng tulda at nag-aayos ng mga mesa.\line \line \line "May mga
bisita ba si Lola, Aleng Lucy?" tanong niya.\line \line \line "Ah, oo. Bigla kasing
tumawag si sir Roger na darating sila mamayang gabi kasama si ma'am Armera.
Darating din daw ang mga kaibigan ni Lola Amara at dating kiyente ni sir Lucio.
Kaya nagdesisyon si Lola Amara na pormal party ang gagawin. Nagpabili pa siya ng
maraming alak dahil gagawa si Gaizer ng cocktail. Mamaya darating ang makakatuwang
ko sa pagluluto. Nagpakatay nga ng baka si Lola Amara para lilitsonin."\line \
line \line "Talaga?" Bigla siyang kinabahan. Darating ang mga magulang ni Franco.\
line \line \line "Sosyal si Lola Amara sa tuwing birthday niya na maraming bisita.
Gusto niya naka-pormal dress lahat," sabi nito.\line \line \line "Naku, wala pa
naman akong dalang dress."\line \line \line "Humiram ka na lang kay Lola Amara.
Marami siyang tinagong magagarang damit. Pinahiram nga niya ako. Nag-hire pa siya
ng banda para sa party mamaya."\line \line \line Kinakabahan siya na nasasabik.
Hapunan gaganapin ang party pero nagsimula na silang magluto. Dumami kasi ang
putahe.\line \line \line Ginawa na niya ang fruit salad para mapalamig. Mamayang
hapon na niya lulutuin ang palabok at white spaghetti. Dumating na rin ang dalawang
babae na assistant ni Aleng Lucy sa pagluluto.\line \line \line Pagsapit ng
tanghalian ay dumating si Gaizer mula palengke. Ito ang namili ng mga dagdag na
sangkap sa mga lulutuin. Ang isang malaking kahon na dala nito ay puro alak ang
laman. Marami itong biniling prutas na gagamitin nito sa cocktail.\line \line \line
Naki-share ito sa round table na ginagamit niya. Maluwag ang kusina kaya ibinukod
niya ang kanyang puwesto para hindi nakakaabala sa mga nagluluto ng maraming
putahe. Ibinuhod nito sa serving tray ang mga prutas.\line \line \line "Ang dami
naman niyan," aniya.\line \line \line "Siyempre, maraming big time na bisita si
Lola. Guess who's coming tonight?" anito.\line \line \line "Mga kaibigan ni Lola
Amara," aniya.\line \line \line "Yes. At siyempre darating ang soon to be parents
in law mo."\line \line \line "Mabuti kung ganun. Para naman maging masaya si Lola
Amara."\line \line \line "E ikaw, masaya ka bang darating sila?" usig nito.\line \
line \line "Oo naman. Wala akong problema sa parents ng mapapangasawa ko. Mabait
sila sa akin."\line \line \line "Dapat lang na magpakabait sila dahil malaki ang
pakinabang nila sa 'yo."\line \line \line Natigilan siya. Matamang tinitigan niya
ang binata. "Ano'ng pakinabang na sinasabi mo?" maang niya.\line \line \line "Kasi
kapag ikinasal si Franco, awtomatikong makukuha ni Franco ang Sta. Maria group of
companies at ang parents niya ang unang makikinabang doon," anito.\line \line \line
"So okay lang sa 'yo na ganoon ang mangyayari?" Gusto niya itong usigin nang
malaman niya kung gaano kainit ang agawan ng mana ng mga Sta. Maria.\line \line \
line "Uuwi ba ako rito kung hahayaan kong sila ang makinabang sa kumpanya?" wika
nito.\line \line \line "Hindi ba may mana ka rin sa mother side mo?" usisa niya.\
line \line \line "Yes but it's not enough. Real estate din iyon sa Japan. Ang kaso,
naisanla ko ang rights ng kumpanya sa business partner ni Mommy para maipagamot ang
sakit niya. Akala ko gumaling na siya kaya umuwi ako rito para naman tapusin ang
pag-aaral ko. Pero mas lalong lumala ang sakit niya. Hindi na natubos ang
naisanlang kumpanya dahil nadagdagan ang gastusin at sa huli, namatay din si Mommy.
Hindi ko alam na noong narito ako ay lumala ang sakit niya. Pinaniwala niya ako na
magaling na siya. Hanggang sa tinawagan ako ng kapatid niya at sinabing nasa
ospital ulit si Mommy. Pagdating ko, kamamatay lang niya," seryosong kuwento nito.\
line \line \line "Hindi ba nag-asawa siya ulit? Nasaan ang stepfather mo?" tanong
niya.\line \line \line "Hiniwalayan siya ni Mommy dahil sinasaktan siya. Hindi sila
nagkaanak. Mag-isang tinaguyod ni Mommy ang kumpanya. Kaya pinipilit niya ako noon
na umuwi sa kanya para tulungan siya. Hindi pumayag si Lolo na doon ako magpatuloy
ng pag-aaral. Kaya dito ako nagtapos ng college. Umuwi lang ako kay Mommy noong
nalaman ko na nagkakasakit siya. Hindi ako nagpaalam kay Lolo. Nagtampo siya sa
akin. Hindi ko alam na may sakit din siya noon. Nabalitaan ko na lang na namatay
siya. Two years after namantay si Lolo ay namatay din si Daddy sa isang car
accident. Umuwi ako rito noon at sinubukang gampanan ang iniwan niyang trabaho pero
hindi ako naging komportable dahil si Tito Roger ang nasusunod sa kumpanya. Umalis
ako at nagtrabaho sa ibang kumpanya. Nagbingi-bingihan ako sa mga tawag ng Mommy
ko. And one year after namatay si Daddy ay namatay si Mommy. Saka lang ako bumalik
ng Japan para asikasuhin ang naiwang ari-arian niya. At sa huli, tanging bahay at
maliit na lupain lang niya sa Osaca ang natira at konting pera sa banko. Mabuti
mabait ang napagsanlaan ng kumpanya, ibinigay niya sa akin ang share ni Mommy.
Hanggang ngayon ay napapakinabangan ko," mahabang kuwento nito.\line \line \line
Malinaw na sa kanya ngayon kung ano ang nangyari sa buhay nito. Naisip niya na
maswerte pa rin si Franco dahil tuloy-tuloy ang suwerte nito sa buhay. Ngayon lang
lubusang nakuha ni Gaizer ang simpatiya niya. Base na rin sa naikuwento ni Lola
Amara tungkol sa nakaraan nito. Kung tutuusin, si Gaizer ang higit na may
karapatang magmana ng negosyo ng Lolo nito dahil ito ang tunay na apo at kadugo. Si
Roger ay hindi tunay na Sta. Maria dahil anak ito sa labas ni Lola Amara. Ginamit
lang nito ang apilyedo ng Sta. Maria. Pero kung malasakit sa kumpanya ang
pagbabasehan, malaki rin ang karapatan ni Roger dahil ito ang sumalo sa lahat na
problemang iniwan ng mga yumaong Sta. Maria sa kumpanya. Si Gaizer dapat pala ang
nag-iisang tagapag-mana kung hindi inako ni Ginoong Lucio Sta. Maria ang anak sa
labas ni Lola Amara. Hindi rin niya masisi si Gaizer kung igagapang nito hanggang
hukay ang karapatan dahil alam nito ang katotohanan.\line \line \line "Magulo ang
pamilya namin, Alexa. Kung ipipilit mong pakasalan si Franco, kasapi ka na ng
pamilya at papasanin mo rin ang bigat ng problema. Kaya hindi kita maintindihan
kung bakit narito ka at nagtitiyaga. Alam mo naman pala sa sarili mo na kayang
bayaran ng sweldo ng Papa mo ang utang niya. Wala kang tatanawing utang na loob.
Unless kung talagang patay na patay ka kay Franco, tipong handa kang magpaka-martir
sa kanya. But I guess you're not that type of woman. That's why you're cheating,"
pagkuwa'y sabi ni Gaizer.\line \line \line Nabigla siya sa sinabi nito kaya niya
naisundot sa tagiliran nito ang hawak niyang spatula. Binato siya nito ng mga
matang may nagsasalubong na mga kilay.\line \line \line "What's wrong?" tanong pa
nito.\line \line \line "Hindi lang tayo ang tao rito," pabulong niyang sabi.\line \
line \line "I know. So are you afraid? Masyadong obvious na may ginagawa kang
kalokohan."\line \line \line Nagtagis ang bagang niya. "Ikaw ang nagsimula nito,"
aniya.\line \line \line "And you accepted me. Come on. Huwag na tayong umarte na
parang nasa teleserye. It's real life. I'm happy and proud. Hindi big issue sa mga
tao ang lalaking kabet. Bakit ka ba natatakot? Hindi ka pa naman kasal, eh," wika
nito sa mahinang tinig.\line \line \line Magagalit siya kay Gaizer maging sa sarili
niya kung totoong lumalabas itong kabet. Wala siyang ibang pinaghahawakan sa
relasyon nila ni Franco kundi isang kasunduan. Kahit pumayag si Franco sa kasal,
alam niya na hindi iyon magtatagal. Malinaw ang divorce na bukam-bibig nito sa
tuwang napag-uusapan nila ang tungkol sa kasal. Pinangunahan na siya kaya ngayong
natauhan siya ay hindi na siya natatakot palayain ang sarili niya.\line \line \line
Kaninang madaling araw bago siya natulog ay sinubukan niyang tawagan si Franco pero
babae ang sumagot na tila kagigising lang. Naalimpungatan ata si Franco dahil
nadulas ang dila.\line \line \line \i "Babe, akin na ang cellphone ko."\i0 \line \
line \line \i "Alexa ang tumatawag."\i0 \line \line \line \i "Shit!" Biglang
naputol ang linya.\i0 \line \line \line Ilan lamang sa narinig niya sa kabilang
linya. Doon siya lubusang naniwala kay Gaizer na hindi magseseryoso sa kanya si
Franco dahil may ibang babae sa buhay nito. Kanina naman paggising niya ay nabasa
niya ang mga mensahe ni Franco. Kinukumusta siya at nagpaliwanag tungkol sa babaeng
sumagot sa tawag niya. Lasing daw ito kagabi at nagising na may katabing babae.
Naalimpungatan lang daw ito.\line \line \line \b Chapter Fourteen [Obsession 1,
Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line "HEY, are you
alright?" tanong ni Gaizer.\line \line \line Kumislot si Alexa nang tapikin ni
Gaizer ang kanang braso niya. Lumipad ang isip niya sa side ni Franco. Nagulat siya
nang si Gaizer na ang naghahalo sa ginagawa niyang fruit salad. Hindi na niya iyon
binawi.\line \line \line "Pasensiya na," aniya.\line \line \line "Ang layo naman ng
inisip mo. Nami-miss mo na ba ang fiance mo? Huwag kang mag-alala, masaya siya sa
piling ng iba," pang-aasar pa nito.\line \line \line Tiningnan niya ito ng masama.
"Halos lahat naman ng lalaki kapag malayo sa partner nila ay nangangaliwa," aniya.\
line \line \line Napalis ang ngiti ni Gaizer. "Ganyan siguro si Franco, ano?" sabi
nito.\line \line \line Tinitigan lang niya ito. Kumislot siya nang ipahid nito ang
spatula'ng may cream sa tungki ng ilong niya. Itinabing niya ang kamay nito.\line \
line \line "Ano ba?" angal niya. Pinahid niya ng kamay ang cream sa kanyang
ilong. \line \line \line Nakangisi ang binata. "Let me guess, may natuklasan ka
tungkol kay Franco, ano? Ayaw mo kasing maniwala sa akin. Hindi magtatagal sa isang
lugar si Franco kung wala siyang makakasamang babae sa kama. Puwede ka niyang
seryosohin pero hindi mo maiaalis sa kanya ang bisyo niya. 'Yon lang ang maganda sa
kanya, magaling siyang magtago. Magaling din siyang magsinungaling at siyempre,
magaling umarte."\line \line \line Hindi na siya nagkomento. Kumuha siya ng isang
pirasong ponkan sa mga dala nitong prutas saka binalatan.\line \line \line "Puwede
na ba ito?" tanong nito.\line \line \line Tumango siya. Si Gaizer na ang naghanap
ng takip para sa salad saka iyon ipinasok sa refrigerator.\line \line \line
PAGKATAPOS maihanda ang mga pagkain ay naligo na si Alexa. Pinahiram siya ni Lola
Amara ng night gown nitong kulay abo. Backless ang gown at hanggang gitna ng hita
niya ang slit. Ganoon karamihan ang design ng gown ng matanda na nakatago. Kasya
din sa kanya ang three inches na itim na sandals ni Lola Amara. Pinahiram pa siya
ng isang set na black diamond nitong alahas. Itinali lang niya ang ga-baiwang
niyang buhok na isang bungkos. Wala naman siyang kailangang paghandaan na bisita.
Parents lang naman ni Franco.\line \line \line Nagsisimula naa ng party pagdating
ni Alexa sa hardin kung saan naka-set-up ang party. Kulay puti lahat ng cover ng
mesa at upuan. Parang ayos sa isang hotel party accommodation. Hindi siya magtataka
dahil dating owner ng resort at hotel si Lola Amara. Sanay ito sa magarang party.\
line \line \line Young at her attire ang Lola nila with red night gown suot ang
kumikinang nitong mga alahas. Kahit nakaupo sa wheel chair ay kitang-kita ang
kagandahan nito. Parang nasa early fifties lang itong tingnan. Iba talaga ang
nagagawa ng make-up. Walang panama ang simple niyang make-up.\line \line \line
Naka-ayos ang pagkain sa malaki at mahabang mesa. Buffet ang ayos nito. Mayroong
taga-serve ng pagkain. Nakalatag ang litsong baka sa gitna ng mesa at ang six layer
na cake. Si Roger daw ang bumili ng cake at balloons. Hindi niya namalayan ang
pagdating ng mga ito. Nagsisimula na ring tumugtog ang banda sa ginawang munting
entablado. Sa gitna ng venue ay may space para dance floor. Nag-hire ng ballroom
dancer si Lola Amara.\line \line \line Nagsidatingan na rin ang mga di-kotseng mga
bisita. Naroon din si Engr. Vergara at ibang empleyado ng Sta. Maria. Dumating na
rin ang mga amega ni Lola Amara at dating kaibigan at kliyente ng yumaong asawa
nito. Nagsisimula na sa paghayag ng munting mensahe si Lola Amara. Nakita ni Alexa
ang parents ni Franco na nakaupo sa VIP table sa harap ng entablado. Nag-aalangan
siyang lumapit dahil nakita niya si Gaizer na nakaupo rin kasama ng mga soon to be
parents in law niya.\line \line \line Hindi siya nakaiwas nang tawagin siya ni Mr.
Armera. Lumapit siya sa mga ito. Umupo siya sa katabing silya ng ginang. Si Gaizer
ay nakapuwesto sa dulo ng mahaabng mesa kasama si Kent na head ng accounting
department at manager. Doon nakaupo ang malalapit na kaanak ng celebrant.\line \
line \line "Kanina pa kita hinahanap, hija," sabi ng ginang.\line \line \line
"Tumulong pa po kasi ako sa pagluluto," aniya.\line \line \line "Ang ganda mo sa
suot mo. Bagay sa 'yo," puri nito.\line \line \line "Salamat po."\line \line \line
"You look gorgeous tonight, hija. Sayang at wala si Franco," sabi naman ni Mr.
Roger na katabi ng ginang.\line \line \line "Thanks, Tito. Bakit po hindi sumama si
Papa?" aniya.\line \line \line "Ayaw niya. Wala daw kasama ang Mama mo," anito.\
line \line \line Na-miss niya bigla ang Mama niya.\line \line \line "Kumusta naman
ang project ninyo kay Mr. Herera?" pagkuwa'y tanong ng Ginoo.\line \line \line
"Ayos naman po. Mabilis po ang construction," sagot niya.\line \line \line "Good.
Kumusta naman ang partner mong si Gaizer? Maayos ba ang pakikutungo niya sa 'yo?"
usisa nito.\line \line \line Sinipat niya si Gaizer. Busy ito sa pagsimsim ng
inumin nito.\line \line \line "Ahm, okay naman po," tipid niyang sagot.\line \
line \line Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos magsalita ng celebrant. Nagsimula
namang sumayaw ang ballroom dancers. Nakihalubilo na sa kanila si Lola Amara. May
nag-serve ng pagkain sa kanila. Masaya ang celebrant. Naitanong na naman nito sa
mag-asawa si Franco.\line \line \line Napansin ni Alexa na hindi nakikihalubilo si
Gaizer sa kasiyahan ng pamilya nito. Tulala itong nanonood sa sumasayaw habang
sinisimsim ang inumin. Lumitaw lalo ang kaguwapuhan nito sa suot nitong itim na
amerikana. \line \line \line Nang matapos sumayaw ang dancers ay inanyayahan naman
ang lahat para sumayaw sa gitna. Nagulat si Alexa nang yayain siya ni Roger na
sumayaw. Inudyok pa siya ng asawa nito.\line \line \line "Sige na, hija. Kailangan
mo ring maranasang maisayaw ng magiging biyanan mo. Wala kasi si Franco na dapat ay
kasama mo rito," sabi nito.\line \line \line "Sige po," aniya saka tumayo. Humawak
siya sa kamay ng Ginoo saka sila naglakad patungo sa gitna.\line \line \line Ballad
ang kanta kaya mabagal ang sayaw. Tinapos lang nila ang kanta. Pagkuwa'y nagyaya
nang umupo ang Ginoo. Nauna na itong lumakad. Pabalik na siya sa mesa nila nang may
kamay
na humawak sa kanang braso niya. Huminto siya sa paglalakad at pumihit paharap sa
may-ari ng kamay.\line \line \line Napamata siya nang makita si Gaizer. \line \line
\line "May I dance with you?" nakangiting tanong nito.\line \line \line Nilinis
niya ang kanyang lalamunan. Nilingon muna niya ang mga magulang ng fiance niya.
Nakatingin sa kanila ang mga ito na may pag-aalala sa mukha.\line \line \line
"Don't mind them. Let's make our own moment," sabi ng binata.\line \line \line
Ibinalik niya ang atensiyon rito. Iginiya siya nito pabalik sa gitna. Maraming
kaedaran nila ang naroon at sumasayaw. Kinakanta ng banda ang kantang "Having you
near me" ng Air supply.\line \line \line Hinakawan ni Gaizer ang mga kamay niya
saka ipinatong sa mga balikat nito. Pagkuwa'y inilingkis nito ang mga kamay sa
baywang niya. Nakatutok lang ang mga mata niya sa mga mata nito habang sinasabayan
nila ang saliw ng awitin. Seryoso ito habang nakatitig sa kanya.\line \line \line
"You're beautiful, Alexa. When I look into your eyes, I can see your hiding
emotions and eagerness to open your heart for me. But there's something in your
head why you're hesitated. Please be yourself. Don't mind the consequences if you
want to live happy and free," seryosong pahayag nito.\line \line \line Sigurado
siya sa nararamdaman niya para rito pero tama ito. May gumugulo sa isip niya. Pero
hindi na siya natatakot sa kahihinatnan ng lahat. Masaya siya sa nangyayari sa
kanilang dalawa.\line \line \line "Don't rush it, Gaizer. Kung sakali mang hindi
matuloy ang kasal ko, sa 'yo ako mapupunta," walang abog na sabi niya.\line \line \
line Gumihit ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata. Pinisil nito ang baywang
niya. "Aasahan ko 'yan. Maikasal ka man o hindi, akin ka pa rin," anito.\line \line
\line Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Hinila siya nito para magdikit ang mga
katawan nila. Inilingkis niyaa ng kamay sa batok nito. Nanatili siyang nakatitig sa
mga mata nito habang dinadama ang mainit nitong kamay na humahaplos sa pisngi niya.
Lumandas ang hintuturo nito sa kanyang labi at hinawakan ang kanyang babae.
Iniangat nito ang mukha niya saka ginawaran ng halik ang kanyang labi.\line \line \
line Hindi nagtagal ang halik na iyon dahil mabilis natapos ang kanta. Dagling
bumitiw si Alexa sa binata. Nagulat siya pagtingin niya sa puwesto ng parents in
law niya ay nakatayo si Roger at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanila.
Lumayo siya kay Gaizer at naglakad patungo sa mesa ng mga pagkain.\line \line \line
UMALIS si Gaizer sa dance floor at nagtungo sa mesa na pinaglagyan ng mga inumin.
Kumuha siya ng wine glass saka sinalinan ng red wine. \line \line \line "How are
you, Gaizer?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.\line \line \line Pagtingin
niya sa kanyang tabi ay nakita niya si Roger. Kumuha din ito ng baso saka sinalinan
ng wine.\line \line \line "I'm good, Tito," kaswal niyang sagot.\line \line \line
"I hope so. Napansin ko mukhang nagkakamabutihan kayo ni Alexa. I think naging bad
influence ang pagkakasama ninyo sa iisang proyekto," anito. \line \line \line
Inaasahan na niya ang sasabihin nito. "How did you say that?" kalmado niyang
tanong.\line \line \line "Kanina ko pa kayo pinagmamasdan ni Alexa habang
sumasayaw. And I was disappointed to saw you kissing my son's fiancee," sabi nito
sa matigas na tinig.\line \line \line Ngumisi siya. "Wala naman sigurong masama
doon. She accepted me," pagmamalaki niya.\line \line \line Humigpit ang
pagkakahawak ng Ginoo sa baso nito. "Are you insane? Huwag na huwag mong sisirain
ang kasal ng anak ko!" gigil na sabi nito.\line \line \line Matapang niya itong
hinarap. "I will if needed. Don't scare me, I'm not afraid. Kung nararapat matuloy
ang kasal ni Franco, mangyayari kahit may tutol. Unless kung ang fiance niya mismo
ang magbago ang isip at umurong sa kasal," buwelta niya.\line \line \line Nagtagis
ang bagang ng Ginoo. "Alexa is a good girl. She can't breaks Franco's ego unless if
you'll seduce her," akusa nito.\line \line \line Tumikwas ang isang kilay niya.
"Kung mahal ni Alexa si Franco kaya siya magpapakasal, kahit sinong lalaki ang
aakit sa kanya ay hindi siya basta-basta bibigay. Puwera na lang kung ang
pagpapakasal nila ay gawa-gawa lang ng mga taong ganid sa kayamanan at
kapangyarihan. Please, kung tama ang naisip ko na ginagamit ninyo si Alexa para sa
kapakanan ninyo, tumigil na kayo. Maawa kayo sa inosenteng tao. At once napatunayan
ko'ng tama ang hinala ko, wawasakin ko lahat ng plano ninyo kontra sa akin at
walang kasal na magaganap."\line \line \line Nanlaki ang mga mata ng Ginoo. Nang
hindi ito nakapagsalita ay iniwan na niya ito.\line \line \line Sa kabila ng
nangyari ay naihalubilo pa rin si Gaizer sa kanyang pamilya. Gusto niyang ipakita
sa mga kliyente ng kumpanya na nagkakaisa sila. Nakabalik na rin si Alexa sa table
nila. Kausap ng Lola niya ang mga kaibigan at kasosyo ng Lolo niya sa negosyo.
Napag-usapan ang tungkol sa susunod na presidente ng kumpanya. Nagtatanong ang mga
ito bakit hanggang ngayon ay wala pa ring pumapalit sa posisyon ng Lolo niya.\
line \line \line Katabi niya si Kent at ang Lola niya. Si Alexa ay katabi ni Roger
at asawa nito. Naiinis siya dahil bumibida si Roger at halatang ina-assume na anak
nito ang susunod na magiging presidente ng kumpanya. Alam ng mga kasosyo ng Lolo
niya ang tungkol sa video na iniwan nito. Iyon din ang pinapaniwalaan ng mga ito na
baselan kung sino ang tagapag-mana ng Sta. Maria group of companies.\line \line \
line "Mukhang wala pang gustong umako sa responsibilidad dahil wala pang ni isa sa
apo ni Lucio ang may balak mag-asawa," sabi ni Mr. Castro, na malapit na kaibigan
ng Lolo niya.\line \line \line Nagmadali kaagad si Roger sa pagsagot. "Hindi n'yo
po pala alam na ikakasal na ang anak kong si Franco. Katunayan ay kasama natin ang
fiancee niya. Please meet Alexa San Diego. She's a good architect. Anak siya ni
Engr. Manuel San Diego," sabi nito saka ipinakilala si Alexa sa mga bisita.\line \
line \line Natuon ang atensiyon ng lahat kay Alexa na halatang pilit ang ngiti. \
line \line \line "Wow! That's a good news. Kailan naman ang kasal?" sabi naman ni
Mr. Alkaras, na may-ari ng pinakamalaking housing project nila sa Cavite.\line \
line \line "This month na. Pagdating ng anak ko mula Cebu ay magpapakasal na sila.
Ang kaso gusto ni Franco na sa Korea gaganapin ang kasal. Kung sino ang gustong
pumunta ay sasagutin namin ang plane ticket at accommodation," pagyayabag ni
Roger.\line \line \line "Magandang balita iyan," komento ng iba pa.\line \line \
line "Kami na ang mamasahe, Roger. Napalapit na sa akin si Franco kaya gusto kong
mag-volunteer maging ninong ng kasal. Puwede pa ba akong humabol?" ani Mr. Castro.\
line \line \line "Walang problema. Ang anak ko na ang bahala," ani Roger.\line \
line \line "So ibig sabihin niyan ay si Franco na ang magmamana ng Sta. Maria group
of companies?" tanong ni Mr. Alkaras.\line \line \line Biglang tumahimik. Umiinit
ang ulo ni Gaizer habang nakikinig. Nabaling sa kanya ang tingin ng mga bisita.\
line \line \line "Mukhang wala namang interes si Gaizer sa pag-aari ng Lolo niya.
Wala pa ata siyang balak mag-asawa. Ano, Gaizer?" sabi ni Mr. Castro.\line \line \
line Mariing nagtagis ang bagang niya. Humigpit ang kapit niya sa kanyang baso.
Naramdaman niya ang pagpigil ng Lola niya sa kanyang kamay. Ito na ang sumagot kay
Mr. Castro.\line \line \line "Huwag muna nating husgahan si Gaizer. Kaya siya umuwi
ng bansa ay para makatulong sa kumpanya. Marami siyang pagkukulang pero bumabawi
naman siya," anang Lola niya.\line \line \line "Kung ganun, bakit wala siya noong
namatay si Lucio? Wala siya noong kailangan siya ni Hector sa kumpanya. Huwag niya
sabihing bumalik lang siya dahil sa mana," ani Mr. Castro.\line \line \line
Tuluyang sumabog ang init ng ulo ni Gaizer.\line \line \line Ibinagsak niya sa mesa
ang baso saka marahas na tumayo. "Excuse everyone. Kung mana ang pag-uusapan, hindi
pa ako ipinanganak ay nakapatong na ito sa ulo ko. Alam ni Lola kung sino talaga
ang dapat magmana ng ari-arian ng Lolo ko. Nararapat lang iyong mapunta sa totoong
Sta. Maria at hindi sa sampit lang na sapilitang pinanagutan dahil sa awa," may
patamang sabi niya.\line \line \line Awtomatikong binato siya ng matalim na titig
ni Roger. \line \line \line "Apo, tama na!" pigil ng Lola niya.\line \line \line
"Tama ako, Lola, hindi ba? Alam mo ang sinasabi ko," matigas niyang sabi saka
lumisan. Walang sino man ang pumigil sa kanya.\line \line \line Tumigil siya
malapit sa pampang ng dagat na mayroong ginagawang cottage na gawa sa native
material. Mayroon na itong bubong na kogun at mayroon nang kawayan na sahig. Upuan
na lang ang kulang. Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita niya ang malalaking alon.
Nagdala siya ng isang bote ng tequila at shot glass. Pinagawa ng Lola niya ang
cottage na iyon para pahingaan ng mangingisda.\line \line \line Nakadalawang shot
siya ng tequila bago kumalma ang inis niya. Lalo siyang nanggigil na guluhin ang
plano ng kaaway.\line \line \line \b Chapter Fifteen [Obsession 1, Owning Her
(Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line HINANAP ni Alexa si Gaizer
sa mansiyon pero wala ito roon. Wala ito sa paligid. Nalala niya ang karagatan.
Dinala siya ng mga paa niya sa beach area. Mabuti na lang maliwanag ang buwan.
Malayo pa lang ay nakilala na niya si Gaizer na siyang nakaluklok sa sahig ng
ginagawang cottage. Nang malapita'y saka niya napansin na may tinutungga itong
alak.\line \line \line Hindi manlang ito nagulat sa biglaang pagsulpot niya.
Hinubad niya ang suot niyang sandals saka lumuklok sa tabi nito.\line \line \line
"Bakit nandito ka? Hindi mo dapat iniwan ang mga biyanan mo," supladong sabi nito.\
line \line \line "Sa palagay mo magiging komportable akong kasama sila?" aniya.\
line \line \line "Akala ko ba okay sa iyo ang parents ng fiance mo."\line \line \
line "Noon 'yon."\line \line \line Matamang
tumitig ito sa kanya. Pagkuwa'y ngumisi ito. "Hm. Na-realize mo na ba na mali ang
desisyon mong magpakasal kay Franco?" anito.\line \line \line "Kailangan ko lang
siguro ng sapat na panahon para makapag-isip," wika niya.\line \line \line "Kailan
pa 'yon? Kung nakatali ka na kay Franco?"\line \line \line Magsasalin pa sana ito
ng alak sa shot glass pero pinigil niya ang kamay nito. "Hindi ka makakapag-isip ng
maayos kung maglalasing ka," aniya.\line \line \line Inilapag naman nito sa lupa
ang bote ng tequila at baso. Pagkuwa'y hinawakan nito ang kaliwang kamay niya.
Nagulat siya nang isuot nito sa ring finger niya ang pamilyar na singsing. Nanlaki
ang mga mata niya nang maalala ang hitsura ng singsing na mayroong litrang 'M' na
yari sa mamahaling bato ang nasa tuktok.\line \line \line "Kilala mo ang singsing
na 'yan, diba?" anito.\line \line \line Parang may bumara sa lalamunan at sa isang
iglap ay bumalik sa isip niya ang isang pangyayari na hindi niya malimutan noong
nag-aaral siya ng college.\line \line \line \i "TULONG!" sigaw ni Alexa nang
makulong siya sa loob ng palikuran na ubod dilim. Katatapos lang ng Christmas party
nila nang gabi at biglang nawalan ng kuryente. \i0 \line \line \line \i May nag-
lock sa labas ng pinto ng CR ng mga babae. Masakit pa ang binti niya dahil hindi
siya sanay sa mataas na takong na sandals. Pinipilit niyang mabuksan ang pinto. Sa
kagustuhang makalabas ay ipinasok niya ang isang kamay niya sa maliit na butas na
malapit sa seradura. Hindi niya mahawakan ang seradura sa labas. Nang bawiin niya
ang kamay ay nahirapan na siyang hilain ito. Pinupokpok niya ang pinto para
maglikha ng ingay baka sakaling may makarinig sa kanya.\i0 \line \line \line \i
"Tulong!" sigaw na naman niya.\i0 \line \line \line \i Mamaya'y may narinig siya
yabag na papalapit. Tumigil siya sa pag-iyak nang may bumukas ng pinto. Naaninag
niya ang bulto ng lalaki pero hindi niya nakilala dahil madilim. Tinulungan siya
nitong alisin ang kamay niya sa butas.\i0 \line \line \line \i "Calm down," sabi
nito.\i0 \line \line \line \i "Aw!" daing niya dahil sumakit lalo ang kamay niya
dahil sa suot niyang singsing na may malaking bato.\i0 \line \line \line \i "I'll
remove your ring first," anito saka hinila ang singsing palabas ng daliri niya.\
i0 \line \line \line \i Pagkuwa'y mabilis na nitong nailabas ang kamay niya. "Thank
you," sabi niya nang makalabas sila. Wala pa ring ilaw. Pilit niyang inaaninag ang
mukha nito pero masyadong madilim. Mas matangkad ito ng dalawang pulgada sa kanya.\
i0 \line \line \line \i "Alexa!" nariig niyang tawag ni Rendel. Si Rendel ang
masugid niyang manliligaw.\i0 \line \line \line \i Nakita niya ito sa hall way na
natatamaan ng munting liwanag mula sa labas. "Rendel!" sagot niya.\i0 \line \line \
line \i Nakalimutan na niya ang lalaking tumulong sa kanya. Sinalubong na niya si
Rendel. Hinatid siya nito sa tinutuluyan nilang bahay sa Pasig. \i0 \line \line \
line \i Pagdating niya ay nagkuwento siya sa magulang niya kung ano ang nangyari sa
kanya. Nang nakabihis na siya ng pantulog ay saka napansin ng Mama niya ang kanyang
kamay.\i0 \line \line \line \i "Nasaan ang singsing na hiniram mo sa akin, Anak?"
tanong nito.\i0 \line \line \line \i Tiningnan niya ang kaliwang kamay niya. Wala
na roon ang singsing. Naalala niya ang lalaking tumulong sa kanya. Nakalimutan
niyang kunin ang singsing. Ang mali niya, hindi niya nakilala ang lalaki.\i0 \
line \line \line \i "Naiwan ko sa lalaking tumulong sa akin," sagot niya.\i0 \
line \line \line \i "Sinong lalaki?" tumataas na ang boses na tanong ng Mama niya.\
i0 \line \line \line \i "Hindi ko po siya nakilala kasi madilim. Pero sigurado ako
na school mate ko lang siya."\i0 \line \line \line \i "Paano mo makukuha 'yon kung
hindi mo siya kilala? Wedding ring namin iyon ng Papa mo! Malamang kapag nalaman ng
lalaking iyon na mamahalin ang singsing, isasanla niya iyon!" sermon nito.\i0 \line
\line \line \i Kinabahan siya. "H-Hahanapin ko po ang lalaking 'yon, Ma," aniya.\i0
\line \line \line \i "Kailangan mo siyang mahanap. Hindi puwedeng malaman ito ng
Papa mo. Siguradong magagalit siya," balisang sabi ng Ginang.\i0 \line \line \
line \i Kinabukasan din ay nagpatulong siya kay Rendel na mahanap ang lalaking
tumulong sa kanya pero hindi niya ito nakita. Natatangi pa naman ang singsing na
iyon dahil pinasadya talaga ng Papa niya iyong ipagawa. Ang singsing ng Papa ay
litrang 'A' ang bato, kinuha sa first letter ng pangalan ng Mama niya. Nagkakahalag
daw iyon ng sixty thousand isang pares. Pinagbintahan pa ng dalawang baka ang
pinangbayad doon.\i0 \line \line \line HINDI makapaniwala si Alexa na sa haba ng
panahong naiwala niya ang singsing ay makikita pa niya itong muli. Hindi siya maka-
get over habang nakatitig sa singsing na isinuot ni Gaizer sa daliri niya.\line \
line \line "Bakit meron ka nito?" tanong niya.\line \line \line "That's not mine.
That's yours," tugon nito.\line \line \line Manghang tumitig siya rito. "Ano'ng
ibig mong sabihin?" balisang tanong niya.\line \line \line "Ibabalik ko sana sa 'yo
ang singsing noon kaso bigla mo akong iniwan. Naiuwi ko na lang. Noong naisip kong
ibalik sa iyo the other day ay saka naman hindi ko makita. Hindi ko maalala kung
saan ko nailagay."\line \line \line Nawindang siya. "Ikaw 'yon?" hindi
makapaniwalang untag niya.\line \line \line "Yap. Pauwi na ako noong gabi
pagkatapos ang party. Biglang dumilim sa daan. Pagdating ko sa hall way malapit sa
palikuran ay may narinig akong sigaw. Pinuntahan kita," kuwento nito.\line \line \
line "Paano mo naman nalamang ako 'yon?"\line \line \line "Nakilala kita noong
tumakbo ka na papunta kay Rendel. Natamaan ka ng liwanag."\line \line \line Natawa
siya. "In the end, nagkautang pa pala ako sa 'yo," aniya.\line \line \line "Puwede
na ba kitang singilin ngayon?"\line \line \line Napalis ang ngiti niya. Tumitig
siya nang deretso sa mga mata nito. "Ano naman ang gusto mong ibabayad ko?"\line \
line \line "Ikaw lang sapat na."\line \line \line Napangiti siya. "Ilang beses ko
nang naibigay ang sarili ko. Kulang pa ba?" biro niya.\line \line \line "Hindi mo
iyon kusang ibinigay dahil ako ang unang umaangkin. Pero ang totoo, hindi pa iyon
sapat. Gusto ko ang buong ikaw," sabi nito.\line \line \line Hinila niya ang
kuwelyo ng damit nito saka pinangunahan itong hinalikan sa mga labi. Napakabilis
nitong tumugon. Ang mga kamay nito'y namulupot sa katawan niya. Hinubad niya ang
coat nito. Kasunod ay isa-isa niyang tinanggal sa pagkabotones ang polo nito.
Natukso siyang bumaling sa harapan nito at pumangko sa mga hita nito.\line \line \
line Itinaas nito ang laylayan ng kanyang gown at hinaplos ang mahinis niyang hita.
Nagpatuloy ang nag-aalab nilang halik, habang ang mga kamay nila'y kapwa
naglalakbay sa kani-kanilang katawan. Natagpuan nito ang zipper ng kanyang damit sa
likod. Ibinaba nito iyon. May kasama nang bra ang gown niya kaya nang ibaba nito
iyon ay lantad na ang mayayaman niyang dibdib.\line \line \line "Okay lang ba sa
'yo ang puwesto natin?" nakuha nitong itanong nang maghiwalay ang mga labi nila.\
line \line \line "Saan ba dapat?" tanong niya.\line \line \line "Anywhere basta
ikaw."\line \line \line "I'm okay." Tinumbok ng kamay niya ang puson nito saka
muling naghinang ang kanilang mga labi.\line \line \line Inalis niya ang sinturon
nito saka nai-unlock ang pantalon nito. Ito na mismo ang humila sa salawal nito
paibaba. Nang makalaya ang sandata nito ay dagli niya iyong dinama. Nakulangan siya
sa kahandaan nito. Maaring epekto ng alak kaya mabagal ang respond ng katawan
nito.\line \line \line "Can I?" hinahapong sabi niya nang bumitiw siya sa halik
nito.\line \line \line "What? Am I not hard?" untag nito. \line \line \line Tumango
siya.\line \line \line "Do it, please. Don't ask me," sabi nito.\line \line \line
Nagkakaintindihan na sila. Ito pa ang nagtulak sa ulo niya para sumusob ang mukha
niya sa pagitan ng mga hita nito. Narinig niya itong umungol nang sinimulan niyang
lasahan at lasapin ang kahabaan ng sandata nito. Naalis nito ang tali niya sa buhok
saka hinahaplos ang bawat hibla nito.\line \line \line "Ooohh... keep it up, baby,"
sabi nito.\line \line \line Nagpatuloy siya sa ginagawa hanggang sa makontento siya
sa kahandaan nito. Si Gaizer na mismo ang umawat sa kanya. Niyapos siya nito.
Pumangko siyang muli sa mga hita nito. Bahagya siyang umangat at sinalubong ang mga
labi nito. Dagli ring bumaba ang mainit nitong bibig sa kanyang dibdib. Umigtad
siya nang sakupin ng bibig nito ang kanyang dunggot. Dumaing siya nang punuin nito
iyon ng pinong kagat at pinapasadahan ng munting panlasa nito.\line \line \line Ang
isang kamay nito'y kumilos patungo sa kanyang pang-upo. Minamasahe nito ang bawat
pisngi niyon. Pagkuwa'y dumapo ang kamay nito sa kanyang pagkababae. Humahaplos ito
roon at minsa'y lumalabas-masok ang munting daliri nito. Mamaya ay iginiya nito ang
nakaabang na alagad nito paloob sa kanyang kaselanan.\line \line \line Hinatak nito
pababa ang kanyang katawan upang tuluyang siya nitong maangkin. Kumapit siya sa
magkabilang balikat nito saka sinimulang umindayog ng kanyang katawan. Naghahabulan
sa ere ang mga hibang nilang tinig. Isinisigaw ang pangalan ng isa't-isa. Maya't
maya ang hubog ng mga kamay nito sa umaalog niyang dibdib. Bumilis pa ang kanyang
pag-angat-ibaba sa kandungan nito lalo na nang maramdaman niya ang paparating na
tugatog.\line \line \line Hindi siya tumigil sa pag-indayog hanggang sa magpang-
abot sila ng kanyang orgasmo. Bahagya siyang bumagal. Ngunit bago siya manlambot ay
pumupo si Gaizer saka siya inihiga sa sahig. Pumuwesto ito sa pagitan ng kanyang
mga hita at muli siyang inangkin. Habang bumibilis ang pag-ulos nito sa kanya ay
unti-unting nabubuhay muli ang init sa kanyang kaibuturan. Gusto ulit niyang
makarating sa sukdulan ng langit.\line \line \line Narinig niyang sumigaw si
Gaizer, bilang hudyat ng pag-abot nito sa sarili nitong orgasmo.
Binawi ito ang sandata sa kanya. Alam niyang hindi pa ito tapos. Hinihintay niya
ang susunod nitong hakbang.\line \line \line Bago siya tuluyang mahimasmasan ay
muli siya nitong kinaibabawan at pinaghinang ang kanilang mga labi. Makalipas ang
ilang sandali ay umangat ito. Iginiya siya nito padapa saka iniangat ang kanyang
katawan. Itinukod niya ang mga kamay at mga tuhod sa sahig. Pagkuwa'y muli siya
nitong inangkin mula sa likuran. Mahigpit ang kapit nito sa baywang niya saka ito
umulos. \line \line \line Sa pagkakataong iyon ay hindi niya magawang konrolin ang
kanyang pag-iingay. Pakiramdam niya'y inihahampas ng malalakas na alon ang kanyang
katawan sa kung saang lokasyon. Hindi siya komportable sa ganoong ayos kaya ibinaba
niya ang katawan sa sahig.\line \line \line Nagpatuloy ang binata. Inihiga siya
nito saka pumaibabaw sa kanya. Iniangat nito ang kanyang mga hita at inigihan ang
pag-ulos. Walang puknat sa pagpapalaya ng hibang at naliligayahang tinig ang
kanyang bibig. Para siyang robot na sunun-sunuran sa anumang gustong ipagawa ng
binata. Halos ito ang nagdadala sa kanyang katawan. Tuluyang nang nahibang ang isip
niya. Nag-focus na siya sa pagsalubong muli sa sukdulan ang kanyang pagnanasa.
Hindi na niya namalayan ang paghinto ni Gaizer. Inalipin siya ng pagod at antok.
Nanatili siyang nakahilata. Naramdaman niya ang malamig na hanging dumadampi sa
hubad niyang katawan. Hindi niya napigil ang kanyang antok hanggang sa tuluyan
siyang makatulog. \line \line \line Naalimpungatan si Alexa nang maramdaman niya
ang mainit na bagay na gumagalugad sa kanyang pagkababae. Nakita niya si Gaizer na
nakasubsob ang mukha sa kanyang kaselanan. May kadiliman pa ang paligid kaya alam
niyang hindi pa sila inaabutan ng umaga.\line \line \line "Nagpahinga ka ba?"
tanong niya sa binata.\line \line \line Nag-angat ito ng mukha. "Nag-swimming lang
ako sandali. Tinulugan mo naman ako. Marami pa sanang mangyayari," anito.\line \
line \line "Sa palagay ko sobra na ito," aniya.\line \line \line "Ganun talaga,
hanggat may pagkakataon, lulubusin," pilyong sabi nito.\line \line \line Umupo siya
saka tumayo. "Bumalik na tayo sa mansiyon. Baka hinahanap na tayo," aniya.\line \
line \line Niyakap siya nito mula sa likuran. Pinasadahan nito ng halik ang kanyang
leeg. Ang mga kamay nito'y humuhubog sa malulusog niyang dibdib. Mabilis na nabuhay
ang init sa kanyang katawan dahil sa ginagawa nito.\line \line \line "Walang
maghahanap sa atin. Busy sila sa party," bulong nito sa kanya.\line \line \line
Ikiniling niya ang kanyang ulo upang bigyang laya itong halikan ang kanyang leeg.
Hindi siya nakatiis, hinarap niya ito. Siniil nito ng halik ang labi niya na dagli
niyang tinugon. Lumingkis ang mga kamay niya sa batok nito. Bumitiw siya sa halik
nito nang bigla siya nitong buhatin at pangko habang naglalakad. Isinandal siya
nito sa malaking poste ng cottage.\line \line \line Nagulat siya nang madama ang
kahandaan nito. Inangkin siya nito sa ganoong ayos. Yumakap siya rito nang
nagsimula itong umulos. Tumagal sila nang ilang minuto sa posisyong iyon hanggang
sa magsawa ito at inihiga siya sa papag. Nagpatuloy ito sa pag-ulos hanggang sa
muli siya nitong dalhin sa inaasam niyang orgasmo. Mayamaya pa'y nag-unat ito ng
katawan at impit na isinigaw ang matagumpay na pag-abot nito sa rurok ng
kaginhawaan.\line \line \line Dagli itong umahon mula sa kanya at humiga sa kanyang
tabi. Maingay ang alon pero dinig niya ang hininga nilang nagtatalo sa ere. Panay
ang buntong-hininga niya habang ikinakalma ang kanyang kalamnan.\line \line \line
"Invited ba ako sa kasal mo?" tanong ni Gaizer na siyang bumasag sa katahimikan.\
line \line \line Pumihit siya paharap dito. Isinampa niya ang kanyang ulo sa dibdib
nito saka ipinatong ang isang paa sa mga hita nito. Lumingkis naman ang isang kamay
nito sa baywang niya.\line \line \line "Ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon,"
aniya.\line \line \line "Hindi ako papayag na maging kabet lang, Alexa. Kung hindi
mo kayang manindigan sa relasyon natin, ako ang gagawa ng paraan para lumaya ka,"
seryosong pahayag nito.\line \line \line Nabuhay ang kaba sa puso niya. Umangat
siya ng mukha upang makita ang mukha ng kasama.\line \line \line "Hindi gano'n
kadali 'yon, Gaizer," sabi niya.\line \line \line "Walang mahirap sa akin basta
magtiwala ka lang. Hindi tayo mahihirapan pareho kung maging honest ka sa akin at
makiisa. Hindi mo ako kaaway, Alexa. Hindi kita ipapahamak. Gusto kong mawala 'yang
takot sa puso mo."\line \line \line "Bigyan mo ako ng panahon," aniya.\line \line \
line "Pagkatapos ko bang maghintay, sasabihin mo na bang mahal mo ako?"\line \
line \line "Makakarating tayo sa puntong 'yan. Hindi basta sinasabi ang katagang
iyon. Ayaw kong magbitiw ng salita na sa huli ay hindi ko mapanindigan."\line \line
\line "Fine," sabi lang nito saka ginawaran ng pinong halik ang kanyang noo.\line \
line \line Inihimlay niyang muli ang kanyang ulo sa dibdib nito at pumikit. Saka na
siya mag-iisip kung paano haharapin ang sitwasyong pinasok kapag umiiral na ang
utak niya. Sa ngayon ay pinagbibigyan niya ang kagustuhan ng kanyang puso.\line \
line \line \b Chapter Sixteen [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \
line \line \line \line \line MAG-UUMAGA nang bumalik sa mansiyon si Alexa.
Ayaw umuwi ni Gaizer kaya iniwan niya ito sa cottage habang tulog pa. Tahimik na
ang kabahayan. Mukhang maagang natapos ang party dahil maraming pagkaing natira.
Nakaramdam siya ng gutom kaya naghalungkat siya sa kusina. \line \line \line Bago
magising ang mga aplipores sa mansiyon ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto at
natulog. Nang muli siyang magising ay pasado alas-dose na ng tanghali. Masakit ang
buong katawan niya. Magkasunod na katok sa pinto ang narinig niya. Pinilit niyang
bumangon at nagtungo sa pinto.\line \line \line Pagbukas niya ay tumambad sa kanya
si Gaizer na nakabihis ng bughaw na polo-shirt at maong na pantalon. Mukhang bagong
ligo at nanunuot sa ilong niya ang matapang na pabangong ginamit nito. Sinuyod nito
ng tingin ang kabuoan niya. Manipis na t-shirt lang ang suot niya at short pants na
kalahati sa kanyang hita.\line \line \line "Pupunta ako sa Herera Village, hindi ka
ba sasama para makita ang site?" anito pagkuwan.\line \line \line "Late na para
makapag-prepare ako. Bukas na siguro. Marami pa akong labahin," sagot niya.\line \
line \line Ngumisi ito. "Mukha kang lantang-gulay. Kumain ka na," anito.\line \line
\line Bumuntong-hininga siya. "Kasalanan mo 'to."\line \line \line "Huwag ka nang
manisi."\line \line \line Tiningnan niya ito ng masama. "Umalis ka na," pagtataboy
niya rito.\line \line \line Nagtagis ang bagang nito. Nagulat siya nang bigla siya
nitong itulak papasok sa kuwarto saka siya isinandal sa dingding. Ikinulong siya
nito sa mga bisig nito.\line \line \line "Huwag mo kakalimutan na narito tayo para
sa trabaho. Aasahan kita bukas sa site. Bukas din ng hapon ay babalik tayo ng
Maynila," sabi nito na halos sakmalin na ang bibig niya sa sobrang lapit ng mukha
nito sa kanya.\line \line \line "Oo na, magre-report ako. Pumunta ka na doon,"
aniya.\line \line \line "Okay. Doon ako matutulog mamayang gabi. Hihintayin na kita
doon bukas," sabi nito.\line \line \line "Hindi ka na ba babalik dito bukas?"\
line \line \line "Babalik para magpaalam kay Lola."\line \line \line "Sige."\line \
line \line "Sige." Inulit nito ang sinabi niya.\line \line \line Umismid siya.
Hinawakan nito ang baba niya saka bahagyang iniangat ang kanyang mukha. Pagkuwa'y
pinaghinang nito ang kanilang mga labi. Mabilis siyang tumugon pero kaagad din
itong tumigil.\line \line \line "Bye," anito sabay ipinaglandas ang kamay sa
kanyang dibdib.\line \line \line Ngumiti lang siya. Sinundan niya ito ng tingin
habang papalabas ng pinto. Humugot siya ng malalim na hininga. Pagkuwan ay pumasok
siya sa banyo at naligo.\line \line \line Alas-dose na ng hapon lumabas ng kuwarto
si Alexa. Naglaba pa kasi siya sa banyo. Nilabhan din niya ang hiniram niyang gown
kay Lola Amara. Nadatnan niya ang matanda sa sala at nakaupo sa wheel chair nito
habang nagbabasa ng libro. Dumaan siya sa tabi nito at nagpapapansin. Nilapitan
niya ito. Tiningala naman siya nito.\line \line \line "Kumain ka na ba, hija?"
matamlay na tanong nito.\line \line \line "Ah, hindi pa po. Tinanghali kasi ako ng
gising at naglaba ako," tugon niya.\line \line \line "Kumain ka na. Initin mo na
lang ang mga ulam." Ibinalik nito ang atensiyon sa binabasa.\line \line \line Hindi
siya sanay na matamlay ito. "Ahm, Lola, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong
niya.\line \line \line Muli siya nitong tiningnan. Bumuntong-hininga ito. "Hindi
kumain si Gaizer bago umalis. Hindi man lang siya nagpaalam. Galit kaya siya sa
akin?" nagtatampong sabi nito.\line \line \line "Hindi naman po siguro. Baka ho
nakalimutan lang niya dahil sa pagmamadali," aniya.\line \line \line "Hindi, eh.
Alam ko nagtatampo siya sa akin. Hindi siya natulog dito sa mansiyon kagabi.
Hinintay ko siyang dumating."\line \line \line "Wala naman po sigurong dahilan para
magtampo siya sa inyo. Ganoon lang po talaga si Gaizer, may pagkasuplado minsan."\
line \line \line "Alam ko. Alam ko na may tampo siya sa akin dahil sa nangyari
kagabi sa party. Pakiramdam ko tuloy hindi naging patas ang pagmamahal ko sa mga
apo ko."\line \line \line Hinagod niya ang likod nito. "Hindi naman po siguro,
Lola. Hindi po kayo nagkulang sa kanila," wika niya.\line \line \line "Marami akong
pagkukulang at pagkakamali. Gusto kong bumawi kay Gaizer. Marami akong kasalanan sa
Mommy niya kasi kinunsinti ko si Hector sa mga kasalanan nito. Hindi aalis si
Mildred kung hindi ko siya sinusungitan. Mas gusto ko kasi noon ang dating nobya ni
Hector. Tutol ako sa desisyon noon ni Lucio pero wala akong nagawa nang ipakasal
niya si Hector kay Mildred," kuwento nito.\line \line \line Hindi siya kumibo.
Dahil sa impormasyong iyon ay lalong nakukuha ni Gaizer ang simpatiya
niya. Nang dumating si Kristel ay nagpaalam siya rito na kakain. Naisip niya, kung
totoong nagtatampo si Gaizer sa Lola nito, hindi niya ito masisisi dahil napapansin
naman niya na halos pabor lahat sa panig ni Franco ang mga taong nag-uugnay sa mga
Sta. Maria.\line \line \line Kinagabihan ay pumasok si Alexa sa kuwarto ni Lola
Amara. Pinahintulutan naman siya nito. Nakahiga na ito sa kama. Dala niya ang mga
hiniram na gamit rito para ibalik. Nanonood ng Korean drama ang matanda. \line \
line \line "Ikaw na bahalang magbalik niyan sa aparador ko doon sa extension, hija.
Ang mga alahas ay sa may drawer ng aparador mo ilagay. May jewelry box doon," sabi
nito.\line \line \line "Opo." Pumasok naman siya sa extension ng kuwarto nito kung
saan nakatambak ang mga lumang kagamitan nito.\line \line \line Iyon ang unang
pagkakataong nakapasok siya sa kuwartong iyon. Nakasabit pa sa dingding ang mga
larawan ng yumaong asawa nito at larawan ng mga anak nito at apo noong maliliit pa.
Sa mahabang mesa na mayroong mga santo ay nakita niya ang family picture nila
Gaizer. May sarili ding family picture ang pamilya ni Franco. Hinawakan niyaa ng
family picture nila Gaizer. Bata pa si Gaizer. Nasa gitna ito ng mga magulang nito.
Napansin niya na nahati ang mukha ni Gaizer sa Mommy at Daddy nito. Nakuha nito sa
ina ang almond shape na mga mata at labi. Noong bata ito ay kamukhang-kamukha nito
ang Daddy nito. Lahat nang picture nito na nakikita niya ay hindi nakangiti ang
binata. Halos lahat ay nakasimangot. Mukhang galit ito sa mundo.\line \line \line
Kinuha naman niya ang litrato ni Gaizer at Franco na magkasama sa tabing dagat.
Siguro nasa anim o pitong taong gulang ang mga ito. Nakahubad ang mga ito habang
nakatayo sa pampang ng dagat. Noon lang niya nalaman na mas matanda ng isang taon
si Franco kay Gaizer nang mabasa niya sa likod ng litrato ang edad ng dalawa.
Matanda ng dalawang taon sa kanya si Franco. Isang taon lang pala ang tanda sa
kanya ni Gaizer. Tama dahil ka-batch nito si Rendel sa engineering noon. Ahead ng
isang taon sa kanya si Rendel.\line \line \line Pagkuwa'y lumapit naman siya sa
malaking aparador. Hindi iyon naka-lock kaya ibinalik niya ang gown sa hanger nito.
Sa ibaba ng aparador ay mayroong dalawang maliit na drawer. Ang una niyang binuksan
ay ang nasa kaliwang bahagi. Puro papeles ang nakita niya. May nakita siyang maliit
na jewelry box. Kinuha niya at binuksan pero puno ng mga alahas. Maaring hindi doon
nakalagay ang mga alahas na hinirap niya. Iniangat niyaa ng mga naka-folder na
papeles. Sa pinakailalim ay may nakita siyang brown envelop na may nakasulat na
'Lucio Last Will and Testament file'.\line \line \line Natukso siyang kunin ang
nasabing envelop. Hindi naman siya mahuhuli ni Lola Amara dahil hindi ito
makalakad. Binuksan niya ang envelop at inilabas ang nilalaman. Nawindang siya nang
mabasa ang latest, notarized at pirmado na Last Will and Testament ni Mr. Lucio
Sta. Maria. Naka-date ito noong panahon na malala ang sakit ng Ginoo. Alam niya ang
buong detalye ng kamatayan nito dahil isinama siya ng Papa niya noon sa huling gabi
ng burol nito.\line \line \line Taimtim niyang binasa ang nilalaman ng Last Will
nito. Napakalinaw sa nakasulat na ang magmamana ng Sta. Maria group of companies ay
si Gaizer Sta. Maria. Mapupunta din kay Gaizer ang farm land sa Tagaytay. Kay
Gaizer din mapupunta ang perang laman ng personal bank account ng matanda na
nagakakhalaga ng Sampung milyong piso. Ang mapupunta naman sa pangalan ni Franco ay
ang one hundred hectares na mango farm nito sa Zambales at shares sa Sta. Maria
group of companies na five million pesos. Makukuha din ni Franco ang property land
at mansiyon ni Lucio sa Makati at ang thirty units nitong condominium. Kasama ang
laman ng isa pang personal account nito na nagkaakhalaga ng anim na milyong piso.\
line \line \line May nakita din siyang flash drive na kasama sa sobre. Sa labas ng
flash drive ay may naka-note na ang laman ng drive ay supporting video of Last
Will. Updated and final.\line \line \line Ang ipinagtataka niya ay bakit tinatago
ni Lola Amara ang mga iyon? Samantalang nagkakandarapa na ang nag-aagawan sa mana
sa paghahanap ng Last Well. Hindi na dapat siya nakikialam pero naiipit siya sa
sitwasyon. Kailangang maitama ang lahat. Magagamit din niya ang pagkakataong iyon
para madali siyang makawala sa kasunduang sumasakal sa kanya. \line \line \line
Dalawang kopya ang Last Will at parehong original copy. Kinuha niya ang isang kopya
maging ang flash drive. Isiniksik niya sa likod niya ang dalawang pahinang papel at
ibinulsa ang flash drive.\line \line \line Nang maibalik niya ang mga alahas ay
nagpasya na siyang lumabas. Nadatnan niyang tulog ang matanda. Nakabukas pa ang
telebisyon. In-off muna niya ito. Sandaling pinagmasdan niyaa ng matanda.\line \
line \line \i I'm sorry, Lola. Kailangan kong gawin ito. Ano man ang intensiyon mo
sa pagtago ng Last Will, sana hindi ito makakasama sa mga apo mo, \i0 wika ng isip
niya saka mahinding lumabas ng kuwarto.\line \line \line Itinago niya sa kanyang
maleta ang ipinuslit na papeles. Nag-lock siya ng pinto saka niya isinalpak ang
nakuhang flash drive sa kanyang laptop. Pinanood niyaa ng video. Inintindi niyang
maiigi ang sinasabi ni Ginoong Lucio habang nakahiga ito sa hospital bed at may mga
aparatong nakakabit sa katawan nito.\line \line \line \i "Lilinawin ko lang na ang
unang video na ginawa ko ay hindi dapat na pagbasihan sa paghati ng mana. Iyon ay
hindi ko sineryoso. Ang totoo niyan, matagal na akong nakapagpasya kung sino talaga
ang dapat na magmamay-ari ng Sta. Maria group of companies. Alam kong mahuhusgahan
ako ng mga tao sa desisyon kong ito. Lingid sa kaalaman ng lahat. Si Roger ay hindi
ko totoong anak. Ipinagbubuntis siya ng asawa kong si Amara noong bago kami
magpakasal at pinatunayan ng DNA test na hindi ko siya anak. Pero naawa ako sa bata
kaya inako ko ang responsibilidad sa pagpapalaki sa kanya at pumayag akong gamitin
niya ang apilyedo ko. Ngayon, ang Sta. Maria group of companies maging ang farm
land sa Tagaytay at perang laman ng first personal bank account ko ay mapupunta sa
apo kong si Gaizer Sta. Maria na anak ni Hector. Ang ibang pag-aari ko ang
ibinibigay ko kay Franco Sta. Maria na anak ni Roger. Malaki ang naiambag ni Roger
sa kumpanya kaya ibinibigay ko kay Franco ang five million pesos na share. Naway
respituhin ninyo ang deisyon ko at ayaw ko ng gulo."\i0 Ilan lamang sa mga sinabi
ng yumaong Sta. Maria sa video.\line \line \line Nakaramdam ng kaunting ginhawa si
Alexa nang mapasakanya ang sagot sa lahat ng gulo sa Sta. Maria family. Ang
kailangan na lang niya ayusin ay ang tungkol sa kasunduan. Inilagay niya sa envelop
ang papeles maging ang flash drive saka tinago sa mga gamit niya. Nag-empake na rin
siya. Nakapagpasya siya na maagang aalis ng mansiyon bukas at deretso na siya sa
Herera village. Wala na siyang balak bumalik. \line \line \line DALA na ni Alexa
ang maleta niya sa Herera village. Alas-siyete ng umaga siya umalis ng mansiyon
pero nagpaalam muna siya kay Lola Amara. Pinabaunan pa siya ng matanda ng pinaluto
nitong beef steak. Bigyan daw niya si Gaizer.\line \line \line Tumambay siya sa
private house na pinapagamit sa kanila ni Mr. Herera. Wala pa doon si Gaizer.
Malaki na ang improvement ng construction. Nakialam siya sa kusina at in-init sa
microwave and dala niyang ulam. May naisaing nang kanin ang katiwala. \line \line \
line Inihanda na niya ang tanghalian sa hapag kainan. Mamaya ay narinig na niya ang
boses ni Gaizer na may kausap na lalaki sa labas. Sinilip niya ito mula sa bintana.
Kausap nito ang foreman. Nang mapansin niyang papasok na ito ay pumuwesto na siya
sa harap ng hapag. Naserpresa ito nang makita siya.\line \line \line "O, you
finally here!" bungad nito.\line \line \line "I just arrived," aniya.\line \line \
line Umupo ito sa katapat niyang silya. Nagsalin kaagad ito ng kanin sa plato.\line
\line \line "Nagpadala si Lola ng beef steak para ulam natin. Hindi ka pala
nagpaalam sa kanya no'ng umalis," sabi niya.\line \line \line Hindi natuloy ang
pagsandok ni Gaizer sa steak. Matamang tumitig ito sa kanya. "Tulog pa siya noong
umalis ako," anito.\line \line \line Iniwasan nito ang steak. "Masarap ang steak.
Ako ang nagluto," pagsisinungaling niya.\line \line \line Tumikwas ang isang kilay
nito. "Sigurado ka? Kapag ako sinumpong ng allergy lagot ka sa akin," sabi nito.\
line \line \line "Ano? Allergic ka sa beef?" untag niya.\line \line \line "Hindi.
Allergic ako sa oyster sauce. Si Aleng Lucy kaya ay nilalagyan ng oyster sauce ang
steak."\line \line \line Bigla siyang kinabahan. "Ahm, si Aleng Lucy talaga ang
nagluto. Nilagyan talaga niya ng oyster sauce," pag-amin niya.\line \line \line
"Kita mo. Mabuti siguresta ako."\line \line \line "Allergic ka pala sa oyster.
Hindi ko alam."\line \line \line "Ngayon alam mo na. Iilan lang na lamang dagat ang
tinatanggap ng katawan ko. Take note; hindi ako puwede sa hipon, crab, mussel, at
iba pang may mga shells."\line \line \line "Bakit kailangan ko pang i-take note?"
natatawang tanong niya.\line \line \line "Take note ulit; you're born to marry me
and cook my meal everyday. So dapat alam mo lahat ng puwede at hindi ko puwedeng
kainin," sabi nito.\line \line \line "Tumigil ka. Huwag kang assuming," aniya pero
masaya siya sa narinig. \line \line \line Mabuti na lang may nalutong tinolang
manok ang katiwala. Iyon ang inulam ni Gaizer. Naiisip niya ang Last Will habang
pinagmamasdan niya si Gaizer na kamakain. Hindi pa siya handang ibigay rito ang mga
iyon. Kailangan niyang maging maingat para hindi siya sumabit sa kaguluhan sa
pamilya nito. Maghihintay lang siya ng tamang tiyempo o 'di kaya'y sekretong
ipaparating niya rito ang papeles at hindi kailangang malaman nito na sa kanya
nanggaling.\line \line \line Pagkatapos ng tanghalian ay naglibot sila sa
construction site. Nakausap din niya si Mr. Herera. Pumayag
ito na si Gaizer na lang ang dadalaw sa site sa susunod na mga buwan. \line \
line \line Alas-singko ng hapon ay bumiyahe na sila pabalik ng Maynila. Hindi na
talaga nagpaalam si Gaizer sa Lola nito. Hindi na sila dumaan sa kumpanya.
Deretsong hinatid siya nito sa bahay nila.\line \line \line Pagpasok ni Alexa sa
bahay ay nadatnan niya ang Mama niya sa sala habang nakaupo sa wheel chair. Hindi
pa rin ito masyadong nakakapagsalita. Puro aksiyon lang. Yumakap siya rito sa
humalik sa pisngi nito. Tinitingnan lang siya nito.\line \line \line "Maayos ang
naging simula ng project namin sa Tagaytay, Ma. Mabait si Mr. Herera. Kahit hindi
ako magre-report doon araw-araw ay okay lang. Ang engineer na ang bahalang mag-
monitor ng area. Ang saya mag-stay sa Tagaytay. Sa susunod kapag nakapag-ipon na
ako ay bibili ako ng lupa doon para bakasyunan natin. Siyempre tatapusin muna natin
ang bahay sa Makati para pag-uwi ni Kuya ay makalipat na tayo," sumbong niya sa
ina.\line \line \line Tatangu-tango lang ang ginang. Siya ang nagluto ng hapunan.
Pinakain niya ang Mama niya bago pinatulog. Nang makatulog na ito ay bumalik siya
sa kanyang kuwarto at nagbabad sa social media habang nakadapa sa kama. Nag-stalk
siya sa Facebook account ni Franco. Wala man lang itong mensahe sa kanya. Hindi rin
updated ang status nito.\line \line \line Ang account naman ni Gaizer ang tiningnan
niya. Nagulat siya nang makita ang kaka-post nitong litrato na kasama siya. Mga
picture nila sa Herera village noong naglilibot sila sa construction site. May mga
litratong naisama na kitang-kita na nakahawak sa baywang niya ang binata habang
inaalalayan siya sa paglalakad sa gilid ng hukay. Ang ibang litrato ay nakaakbay
ito sa kanya.\line \line \line "Sira ba siya? Bakit niya nai-post ang mga litratong
iyon?" aniya.\line \line \line Naka-online ang binata kaya kaagad niya itong in-
chat. \line \line \line "Hoy! Bakit nai-post mo pa ang mga picture?" tanong niya.\
line \line \line \i "Hi, baby! What's wrong with my post?"\i0 sagot nito.\line \
line \line "May mga picture na awkward. I-private mo ang mga picture."\line \line \
line \i "Ano naman ang awkward doon? Natatakot ka lang, eh."\i0 \line \line \line
"Hindi ako natatakot. Ayaw ko lang ng intriga."\line \line \line \i "Come on.
Magtatago pa ba tayo? Alam na ng soon to be father in law mo ang kalokohan natin."\
i0 \line \line \line Nawindang siya. Bigla siyang kinabahan. Biglang may kumatok sa
pinto. Isinara niya ang kanyang laptop. \line \line \line Tumayo siya at lumapit sa
pinto. Pagbukas niya'y bumulaga sa kanya ang seryosong mukha ng Papa niya.\line \
line \line "P-Papa, kumusta ka na?" aniya saka humalik sa pisngi nito.\line \line \
line Nagtataka siya bakit wala man lang siglang pumasok nang tuluyan sa silid niyaa
ng kanyang ama. Isinara niya ang pinto.\line \line \line "Bakit Pa? May problema
ba?" nababahalang tanong niya.\line \line \line Hinarap siya nito. "Magsabi ka sa
akin ng totoo, Anak. May relasyon ba kayo ni Gaizer?" deretsong usisa nito.\line \
line \line Awtomatiko'y inalipin ng kaba ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano
ang isasagot niya. Hindi pa siya nagsinungaling sa Papa niya ni minsan.\line \
line \line "Sagutin mo ako, Anak. Ano itong sinasabi ni Roger na nakita niya na
hinalikan ka ni Gaizer noong gabi sa birthday ni Ma'am Amara? Totoo bang may
relasyon kayo?" usig nito sa matigas na tinig.\line \line \line Lalo siyang
nangatog. "Pa, trabaho lang naman ang nag-uugnay sa amin," pilit niyang
pagsisinungaling.\line \line \line "Kailan ka pa natutong magsinungaling, Alexa?!"
asik nito.\line \line \line Nasindak siya at bahagyang napaatras. Hindi na niya
naitago ang katotohanan. "Pa, pinilit ko naman siyang iwasan. Siya ang pilit na
lumalapit sa akin," naluluwang pag-amin niya.\line \line \line "Ganyan ka ba
kahina, ha? Alam mong ikakasal ka kay Franco, bakit hindi ka nag-iingat?! Ano na
lang ang sasabihin sa atin ni Roger? Ang laki ng tiwala ko sa 'yo, anak. Nagtiwala
ako na hinding-hindi mo sisirain ang reputasyon natin sa mga Sta. Maria. Baka
nakalimutan mo na kung hindi dahil sa tulong ni Roger ay wala na ang Mama mo!"\line
\line \line "Sorry, Pa," aniya.\line \line \line "Sorry? Kung gusto mong maibalik
ang tiwala ko sa 'yo, iwasan mo si Gaizer. Hindi siya ang tamang lalaki dahil siya
rin ang sisira sa atin. Hindi mo ba naisip? Maaring ginagamit ka lang niya laban sa
pamilya ni Franco. Alam niya ang tungkol sa kondisyon ng Lolo niya kaya gagawin
niya ang lahat para hindi matuloy ang kasal ninyo ni Franco. Gamitin mo ang utak
mo, anak. Huwag puro puso at kapusukan. Walang lugar sa pamilya natin ang mahina,"
palatak nito saka siya iniwan.\line \line \line Lumuklok siya sa gilid ng kama at
humagulgol. Inaasahan na niyang mangyayari iyon pero hindi niya napaghandaan ang
sakit na dadanasin niya dahil sa galit ng Papa niya. Itinatak niya sa kokoti niya
ang mga sinabi ng ama pero labag sa kalooban niya na tanggapin na tama ang
akosasyon nito kay Gaizer. Kahit ano pa ang negatibong maririnig niya hinggil sa
pagkatao ni Gaizer ay hindi na siya basta apektado dahil alam niya sa sarili niya
na kilala niya ang binata at hindi ito kayang ipagtabuyan ng puso niya.\line \
line \line \b Chapter Seventeen [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \
line \line \line \line \line PAULIT-ULIT na tinatawagan ni Gaizer si Alexa
pero hindi ito sumasagot. Hindi din ito nagre-reply sa messenger. Hindi siya
makakapunta sa Tagaytay kaya ito dapat ang papupuntahin niya para kausapin si Mr.
Herera tungkol sa gusto nitong ipadagdag sa plano. Katatawag lang kasi sa kanya ng
Ginoo. Nasa biyahe sila ni Kent patungong Zambales lulan ng kanyang kotse.\line \
line \line "Sino ba ang tinatawagan mo?" tanong ni Kent. Ito ang nagmamaneho dahil
mas kabisado nito ang daan.\line \line \line "Si Alexa. Hindi puwedeng dedmahin
niya ang tawag ko dahil importante ito. Aalis si Mr. Herera papuntang Hongkong
bukas. Magagalit 'yon kapag walang sumipot sa kanya ni isa sa amin," aniya.\line \
line \line "Nasaan ba si Alexa? Wala naman ata siyang ibang project dahil patapos
na ang project nila ni Franco sa Cavite."\line \line \line "Hindi ko alam. Hindi
man lang siya nag-report sa office."\line \line \line "Baka masama ang pakiramdam
kaya hindi nakapasok," huli ni Kent.\line \line \line "Kahit pa naghihingalo siya
kung gusto niyang sagutin ang tawag ko magagawa niya. Iniiwasan ata ako nitong
babaeng ito," naiiritang sabi niya.\line \line \line Tumawa ng pagak si Kent.
"Malamang 'yan ang dahilan. Baka magkasama na sila ni Franco," anito.\line \line \
line "Sira-ulo. Nasa Cebu si Franco."\line \line \line "Malay mo biglang dumating
at hindi natiis ang fiancee biglang sinugod at\uc0{\u65293}"\line \line \line
"Puwede ba itikom mo 'yang bibig mo? Salpakan ko 'yan ng kamao, eh," napipikong
sabi niya.\line \line \line Biglang tumahimik si Kent. Nasa Pampanga na sila kaya
bumibilis na ang takbo ng sasakyan.\line \line \line "Nadala mo ba ang ginawa kong
proposal para kay Mr. Kim?" tanong niya makalipas ang ilang minutong katahimikan.\
line \line \line Parang walang narinig si Kent. Tahimik lang itong nagmamaneho.
"Nadala mo ba, Kent?" ulit niya.\line \line \line Hindi pa rin ito sumasagot. Sa
inis niya'y hinampas niya ang dibdib nito. "Hoy! Sumagot ka!" singhal niya rito.\
line \line \line Natatawang tiningnan siya nito. "Ang sabi mo itikom ko ang bibig
ko, e 'di itinikom ko. 'Tapos ngayon magagalit ka dahil hindi ako nagsasalita,"
sarkastikong sagot nito.\line \line \line Lalong uminit ang ulo niya. "Gusto mo
bang maglakad pauwi?" sabi niya.\line \line \line Dagling inilabas nito ang
sinasabi niyang proposal. "Heto, oh. Dala ko. Ikaw talaga napaka-biyolente mo.
Hindi lang sumasagot sa tawag mo ang baby mo, uminit na ang ulo mo," nagmamaktol na
sabi nito.\line \line \line Kinuha niya ang poroposal na naka-folder. Hindi na niya
ito pinansin dahil lalo lamang siyang naiinis. Habang nire-review niya ang ginawa
niyang proposal ay biglang dumapo sa isip niya si Alexa. Dalawang araw na itong
hindi nagpaparamdam sa kanya. Hindi man lang sumasagot sa tawag at mensahe niya.
Hindi rin niya ito nakikita sa kumpanya.\line \line \line Pagdating sa tanggapan ni
Mr. Kim sa resort nito sa Subic ay hinarap naman sila kaagad ng Ginoo. Natutuwa si
Gaizer dahil natatandaan pa siya nito.\line \line \line "Ah, ikaw anak Hector.
Good, good. How are you?" sabi nito matapos silang magkadaupang palad.\line \line \
line Isang Chinese national si Mr. Kim na maraming itinayong pabrika sa bansa.
Pabrika ng mga appliances at electrical supply. Isa ito sa pinakamayamang
negosyante sa bansa.\line \line \line "I'm fine, sir. How about you? How's your
business?" balik niya.\line \line \line "Good. Business is okay. So, what can I do
for you? Please take your seat first," anito pagkuwan.\line \line \line Umupo naman
sila ni Kent sa magkatapat na silyang katapat ng mesa nito. "About you under the
sea ocean part, I just want to confirmed if it's still open for construction," sabi
niya.\line \line \line Hirap umintindi ng Inglis si Mr. Kim. Mas magaling na ito sa
tagalog ngayon. "Ah, yes. Pero ako hindi kuha ibang construction company. Gusto ko
Sta. Maria. Ikaw," nakangising sabi nito.\line \line \line Natawa siya. "Ah, okay.
Daddy ko ang may hawak ng plano. Pero hindi ko alam kung nasaan ang mga iyon."\line
\line \line "No worry. Ako hawak plano. Sabi niya ikaw tutuloy construction."\
line \line \line "Talaga? Pero Roger bigay sa 'yo bago proposal," sabi niya at
ginaya na ang pananalita ni Mr. Kim. Pansin kasi niya na hirap pa rin ito sa tuwid
na tagalog.\line \line \line Napansin niya si Kent na pinipigil ang tawa. Mahinang
tinadyakan niya ang binti nito.\line \line \line "Ah, yes, yes. Roger pilit open
construction," sabi ni Mr. Kim.\line \line \line "So, ikaw payag?" tanong niya.\
line \line \line Umiling ang Ginoo. "No. Siya punta last week usap kami. Sabi niya
huwag ako titiwala
sa 'yo."\line \line \line Nagtagis ang bagang niya. Talagang gusto siyang sirain
ni Roger.\line \line \line "Ikaw 'wag tiwala Roger. Okay. Ito proposal ko," aniya
at itinuwid na ang pananalita.\line \line \line Kinuha ni Mr. Kim ang proposal niya
pero bago nito iyon binasa ay tinawag nito ang secretary nito. Pinabasa ulit nito
sa secretary ang proposal niya. Mamaya ay binalik nito sa kanya ang proposal niya.\
line \line \line Naiinis siya. Sa lahat ng business man na Chinese na nakilala niya
ay si Mr. Kim lang ang pobre sa lenguwahe. Pero pagdating sa diskarte sa negosyo ay
mautak ito at siguresta. May anak ito na abogado na siyang alalay nito kaya hindi
rin ito bsta-basta naloloko. Ang asawa nitong pinay ay isang public prosecutor.\
line \line \line "No need proposal. Ikaw open construction anytime. Ikaw balik next
Monday," sabi nito.\line \line \line Napangiti siya. "Thanks."\line \line \line
Tumayo na sila nang tumayo ang Ginoo. "Go to the restaurant. Lunch ready," anito.\
line \line \line Sumunod naman sila rito sa restaurant nito. Siniko siya ni Kent
habang nakabuntot sila kay Mr. Kim.\line \line \line "Ang lupet mo, boss. Walang
kahirap-hirap mong nauto si Mr. Kim," bulong nito sa kanya.\line \line \line Siniko
niya ito sa tagiliran. "Gago, hindi ito pang-uuto. Sadyang umaayon lang sa akin ang
pagkakataon. Mag-celebrate tayo mamaya," aniya.\line \line \line Nagkuwento si Mr.
Kim tungkol sa nakaraang tinatrabaho ng Daddy niya ang ocean park nito. Bilib na
bilib daw ito sa tatay niya. Ito na ang nagsabi na babaero ang Daddy niya. Nawalan
siya ng ganang kausap ang Ginoo.\line \line \line Pagkatapos ng tanghalian ay
nagpaalam na sila. Hindi pa rin sumasagot si Alexa sa tawag niya kaya siya naa ng
pumunta sa Tagaytay. Alanganing oras na kaya doon na siya pinatulog ni Mr. Herera.
Kasama pa rin niya si Kent. Pumunta sila sa isang bar at nagdiwang para sa munting
tagumpay.\line \line \line TINIIS ni Alexa na huwag sagutin ang tawag at mensahe ni
Gaizer. Nagmukmok siya sa bahay at inoobserbahan ang kanyang sarili. Pinag-isipan
niya maiigi kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Pero habang
tumatagal na hindi niya nakakausap at nakikita ang binata ay lalo siyang nilalamon
ng pagkainip at pangungulila.\line \line \line Kinabukasan ay pumasok na siya sa
trabaho. Natambakan siya ng mga request mula sa Laguna project. Request ng floor
plan ng ibang model house. Natanggap kasi ang bagong proposed designs niya na wala
pang floor plan. Pumasok siya sa working area ng kapwa niya architect. Inilaan ang
kuwartong iyon para sa pagguhit at paggawa ng mga plano para sa proyekto. Sinadyang
soundproof ang kuwarto para walang destruction na maririnig ang nagtatrabaho mula
sa labas. Pero mayroon itong close window na makapal ang salamin. Makikita kung
sino ang nasa labas.\line \line \line Nasa field ang ibang architect kaya solo niya
ngayon ang kuwarto. Umupo siya sa tapat ng working table saka sinimulang gumuhit ng
floor plan. Wala pa sa kalahati ang naiguguhit niya ay tumunog ang cellphone niya
para sa mensahe. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa tabi lang niya. Binuksan
niya ang mensahe na nagmula kay Gaizer. Sinalakay siya ng pananabik.\line \line \
line \i Open the door. I'm here outside,\i0 sabi sa mensahe nito.\line \line \line
Tumingin siya sa salaming bintana. Nakita niya si Gaizer na kinakawayan siya.
Tumayo siya at walang pag-aatubiling tinungo ang pinto saka binuksan. Nagulat siya
nang bigla siya nitong itulak papasok. Ito ang nag-lock ng pinto. Sinalo ng mesa
ang likod niya. Ikinulong siya ng binata sa mga bisig nito. \line \line \line Pilit
niyang inilalayo ang kanyang mukha sa mukha nito. Sinalubong niya ang malagkit
nitong titig.\line \line \line "May problema ka ba?" tanong nito.\line \line \line
"We need a distance, Gaizer," prangkang sagot niya.\line \line \line "Distance?
Ngayon pa na nagkakasundo na tayo?"\line \line \line "Alam na ni Papa ang tungkol
sa atin."\line \line \line "Sinabi mo na ba sa kanya ang totoo?"\line \line \line
"Hindi ako nagsisinungaling sa Papa ko. Nagalit siya sa akin."\line \line \line
"Oh, mas mabuti nang alam niya."\line \line \line "Hindi mo ako naiintindihan,
Gaizer. Para sa 'yo walang problema pero sa side ko, mahirap. Alam ng lahat ng tao
rito kung ano ang papel ko sa buhay ni Franco."\line \line \line "So natatakot ka
sa sasabihin ng ibang tao?"\line \line \line Hindi siya kumibo. Akmang itutulak
niya ito pero lalo lamang lumingkis ang isang kamay nito sa baywang niya. Dumaiti
ang mga katawan nila. Hinawi ng kamay nito ang ilang hibla ng buhok niya na
nakalawit sa mukha niya saka inipit sa likod ng tainga niya.\line \line \line
"Huwag kang papaapekto sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga, masaya ka," sabi nito sa
malamig na tinig.\line \line \line Hinaplos nito ang pisngi niya at bahagyang
iniangat ang kanyang mukha. Tumitig siya sa mga mata nito. Hindi siya pumiksi nang
halikan siya nito sa mga labi. Tinggap niya ang mainit na halik nito at tinugon
nang patas. Ang kamay nito'y unti-unting dumudlas sa makinis niyang braso.\line \
line \line Mamaya ay tumulay ang mainit nitong labi pababa sa kanyang leeg.
Ikiniling niya ang kanyang ulo. Dumapo na ang isang kamay nito sa kanyang balakang\
uc0{\u65293}pababa sa kanyang mga hita. Pumasok ang kamay nito sa kanyang skirt.
Pagkuwa'y binuhat siya nito at iniupo siya sa ibabaw ng mesa. Pumagitan ito sa
kanyang mga hita. Hinuhubog nito ang malulusog niyang hita habang pinupuno ng halik
at pinong kagat ang puno ng kanyang dibdib na nahantad dahil sa pagtanggap nito sa
pagkabotes ng kanyang blouse. Umigtad siya at ikinawit ang isang kamay sa batok
nito. \line \line \line Nakakalimot na siya nang biglang tumunog ang kanyang
cellphone na naroon lang sa ibabaw ng mesa sa tabi niya. May tumatawag. Akmang
dadamputin niya ang cellphone ngunit naunahan siya ni Gaizer. Inilayo nito sa kanya
ang cellphone saka nito siniil ng halik ang kanyang mga labi.\line \line \line
DALAWANG beses tinawagan ni Franco si Alexa pero hindi sumasagot. Wala ito sa
opisina ng mga ito. Ang sabi ng kapwa nito architect ay nasa architects working
lodge daw ang dalaga. Kararating lang niya galing Cebu at dumeretso siya roon sa
kumpanya dahil gusto siyang kausapin ng abogado ng Lolo niya kasama si Alexa.\
line \line \line Palapit na siya sa architects lodge nang masalubong niya si Kent
na mukhang kagagaling lang sa nasabing kuwarto. May tinitingnan ito sa cellphone
nito. Nang makita siya'y mabilis nitong naitago ang cellphone.\line \line \line
"Franco, nakabalik ka na pala. Welcome back!" bati nito habang pilit ang ngiti at
halatang balisa.\line \line \line "Yes. Thanks," aniya saka ito nilagpasan.
Pagdating niya sa architects lodge ay napahinto siya sa tapat ng glass window nang
makakita siya ng hindi kanais-nais na senaryo.\line \line \line Lumapit siya sa
binata at malayang pinanood ang nagaganap sa loob na hindi nagtatago. Napahigpit
ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone nang makita ang kanyang fiance na
inaangkin ng lapastangan niyang pinsan. Wala siyang matibay na katibayan na umiibig
siya kay Alexa pero apektado siya sa natutuklasan. Aminado siya na nagugustuhan
niya ang dalaga at tiwala siya na madali itong paibigin at mahalin kaya hindi
pumasok sa isip niya na umurong sa napagkasunduang kasal. Pero bakit nagkaganoon?
Bakit ang bilis atang makuha ni Gaizer ang dalaga?\line \line \line Mariing
nagtagis ang bagang niya at uminit ang pakiramdam niya sa kanyang mga laman at dugo
habang pinapanood ang dalawa na nagpapakasarap sa pagtatalik. Hindi siya umalis sa
puwesto niya nang minsang mahagip siya ng paningin ni Gaizer. Ang hudyo, pinagbuti
pa ang pag-ulo na parang gusto siyang galitin at inggitin. \line \line \line
NAGDIWANG ang kaluluwa ni Gaizer nang makita si Franco na pinapanood lang sila ni
Alexa. Hindi niya iyon inaasahan pero natutuwa siya dahil iyon talaga ang gusto
niyang mangyari. Ang harap-harapang tapakan ang ego nito at pagkalalaki. Doon niya
mapapatunayan kung gaano kahalaga rito si Alexa. Pero mukhang balewala lang dito
ang nangyayari. Hindi man lang sila inabala.\line \line \line Ibinalik niya ang
atensiyon sa dalaga na naramdaman niyang nanigas ang katawan bilang hudyat sa pag-
abot ito sa sarili nitong orgasmo. Minadali lamang niya ang tagpong iyon kaya hindi
niya niya ito pinahirapang alisan ng saplot. Ininaas lang niya ang skirt nito at
panloob nito ang kanyang inalis. Itinaas pa niya ang malulusog nitong mga hita saka
siya umulos nang mas mabilis upang salubungin ang sukdulan ng kanyang pagnanasa.\
line \line \line Nang sa wakas ay inabutan siya ng rurok ng kaginhawaan ay dagli
niyang pinakawalan ang dalaga. Tumingin siya sa binatana. Wala na roon si Franco.
Nagbihis siya. Saka lamang niya hinawakan ang kanyang cellphone at binasa ang
dumating na mensahe. Minsahe mula kay Kent. Gusto daw siyang makausap ng abogado ng
Lolo niya.\line \line \line Nakaluklok na sa silya ang dalaga at inaayos ang
sarili. "I'll call you later. Aalis na ako," sabi niya.\line \line \line Hindi man
lang kumibo ang dalaga. Nagmamadali siyang lumabas. Pagdating niya sa pasilyo
papasok sa conference room ay napahinto siya sa paghakbang nang makita si Franco na
nakasandal sa dingding at nakahalukipkip. Tumayo ito nang tuwid saka siya hinarang.
Parang naghihimagsik na tigre ang mga mata nito kung makatitig sa kanya. \line \
line \line "Tapos na kayo?" pilyong tanong nito.\line \line \line "Hindi ba
obvious?" sarkastikong sagot niya.\line \line \line Nasupresa siya nang bigla siya
nitong suntukin sa mukha. Sapol ang ilong at bibig niya. Napaatras siya at umalog
nang husto ang ulo niya. Mabilis na dumaloy ang dugo mula sa ilong niya at napunit
niyang labi. Mabilis niyang pinahid ng kamao ang dugo. Pakiramdam niya'y kumukulo
ang dugo niya pero pinigil niya ang tensiyon sa kanyang kaibuturan.\line \line \
line "Iyon lang ba ang gagawin mo? Nakaganti ka na sa isang simpleng
suntok?" simpatikong sabi niya rito.\line \line \line "Proud ka pa sa ginawa mo?
Ano'ng klase kang tao, Gaizer? Ikaw ang pinakahangal na taong nakilala ko!
Nakalimutan mo ata kung sino ang babaeng nilalandi mo!" anito.\line \line \line
"Alam ko. Fiancee siya ng pinsan ko'ng wala namang pakialam sa kanya."\line \line \
line "Tumalikod lang ako, nakapatong ka na sa kanya. Masaya ka ba sa ginagawa mo?"\
line \line \line "Oo. At hindi mo ako mapipigilan."\line \line \line Muling kumuyom
ang kanang palad ni Franco pero hindi iyon tumama sa kanya. "Hindi mo siya
makukuha," matatag na sabi nito.\line \line \line "Puwes, lumaban ka. Hindi ako
kombinsido sa arte mo. Kung ako sa lugar mo at nakita kong may ibang umaangkin sa
fiancee ko, papatay talaga ako ng tao. Hindi ako basta manununtok lang," buwelta
niya.\line \line \line Namumula sa galit si Franco pero hindi ito makapanakit sa
kanya. Hindi na ito makakibo dahil sa pagpigil ng emosyon. Hindi na siya nagsayang
ng oras dito. Iniwan niya ito saka siya pumasok sa conference room at hinarap si
Atty. Sandoval na kanina pa naghihintay sa kanya. Ipinaalam nito sa kanya na
kailangan bago matapos ang buwan na iyon ay maililipat na sa nararapat na magmamana
ang pangalan ng Sta. Maria group of companies dahil kailangan nang mabago lahat ng
papeles.\line \line \line Lalo siyang nanggigisil na guluhin ang kalaban. Hindi
siya papayag na magtagumpay ang mga ito.\line \line \line \b Chapter Eighteen
[Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \line
TINAPOS lang ni Alexa ang kanyang ginuguhit saka siya nagtungo sa opisina ni Roger.
Nagulat siya pagdating niya ay nakita niya si Franco na nakaupo sa silya katapat ng
mesa ng Daddy nito.\line \line \line "Maupo ka, hija," alok ng Ginoo.\line \line \
line Umupo naman siya sa silyang katapat ni Franco. Kakaiba ang aura nito.
Napakadilim at sobrang seryoso.\line \line \line "Katatapos lang naming mag-usap ni
Atty. Sandoval. Hindi na niya kayo nahintay na dalawa kaya ako na lang ang kinausap
niya. Tungkol iyon sa mana. Sinabi niya na sa katapusan ng buwan na ito ay
kailangan nang mailipat sa pangalan ng magmamana ang mga ari-arian ni Papa," sabi
ni Roger.\line \line \line Kinabahan si Alexa. Dalawang linggo na lang ay katapusan
na ng buwan. Wala man lang naging komento si Franco. Tahimik lang ito.\line \line \
line "Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. Kailangan maikasal na kayo nitong
linggong ito," patuloy ng Ginoo.\line \line \line Hindi siya kummibo. "Hindi pa
puwede nitong linggo, Dad. Meron pa akong kailangang ayusin," ani Franco.\line \
line \line "Pero wala na tayong panahon, Franco. Inuuna mo kasi ang trabaho mo sa
labas kaya lalo tayong nagagahol sa oras! Nagiging pabaya ka kaya hindi mo alam
kung ang nangyayari habang wala ka!" nanggagalaiting sabi ni Roger.\line \line \
line Marahas na tumayo si Franco. "Ako ang ikakasal kaya ako ang masusunod. Hayaan
n'yo akong mag-ayos ng lahat. Mag-uusap lang kami ni Alexa," anito.\line \line \
line Walang nagawa si Alexa nang hawakan ni Franco ang kanang kamay niya saka siya
hinila. Napasunod siya rito hanggang sa labas. Huminto sila sa beranda ng third
floor. Marahas na binitawan nito ang kamay niya.\line \line \line Nagtataka siya sa
kilos nito. Nagkunwari siyang hindi apektado.\line \line \line "Akala ko next week
ka pa uuwi," kaswal na sabi niya.\line \line \line Marahas siya nitong hinarap.
"Bakit, nasurpresa ka?" masungit na tanong nito.\line \line \line "Ah, h-hindi ka
kasi nagpasabi," naiilang na sabi niya.\line \line \line "Surprise nga 'di ba?
Paano mo malalaman kung busy ka habang tumatawag ako? Kumusta naman ang bakasyon mo
sa Tagaytay?"\line \line \line Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Kinakabahan siya
sa kakaibang timbre ng boses nito na parang nagpipigil ng galit.\line \line \line
"Ahm, okay naman. Nag-enjoy naman ako kahit wala ka," balisang sagot niya.\line \
line \line "Of course dahil kasama mo si Gaizer. Kumusta naman siya sa 'yo?"\line \
line \line "Kuwan, okay naman. Mabait naman pala siya."\line \line \line Tumawa ng
pagak si Franco. "Ngayon ko lang nalaman na may mabait palang ahas," sabi nito sa
matigas na tinig.\line \line \line Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata
ng binata. "Nagkasama lang naman kami dahil sa project," pilit niyang pagkakaila.\
line \line \line "Please, huwag na tayong maglokohan, Alexa! Huwag kang
magsinungaling sa akin. Alam kong hindi lang proyekto ang nag-uugnay sa inyong
dalawa ni Gaizer," mataas ang tinig na sabi nito.\line \line \line Napalunok siya.
"Nagkakamali ka sa\uc0{\u65293}"\line \line \line "Tama na! Magsisinungaling ka pa,
eh. Kitang-kita ko kayong dalawa kanina sa lodge ninyo na nagtatalik! Hindi ako
tanga para hindi malamang mukhang kabisado na ninyo ang isa't-isa!"\line \line \
line Nangatog siya sa sindak. Binalot ng kaba ang puso niya. Naroon ang pagtataka
bakit kailangang magalit nang ganoon ni Franco samantalang wala naman silang
malalim na pinagsamahan. Naunahan ng pagkabalisa ang guilty na nadarama niya. Sa
halip na magpasindak ay tumapang siya.\line \line \line "Masisisi mo ba ako,
Franco? Sinubukan kong pag-aralan kang mahalin pero hindi ako nabigyan ng
pagkakataon dahil palagi kang wala. Ni hindi ka nga nagpaparamdam akin 'tapos
malalamn ko na may oras ka sa ibang babae. Kaya hindi mo ako masisi kung mabilis
kong tinanggap si Gaizer. Inaamin ko, iniwasan ko siya dahil ayaw kong biguin ka,
pero habang tumatagal ay hindi ko siya kayang itaboy. Tinuruan niya akong magmahal.
Ipinadama niya sa akin kung ano ang halaga ko sa kanya. Wala akong makitang dahilan
para tanggihan siya," mangiyak-ngiyak na paliwanag niya.\line \line \line "Mahal mo
na ba siya?" anito.\line \line \line "Oo," walang abog na sagot niya.\line \line \
line "Ganoon lang kadaling nahulog ang loob mo sa kanya. Ano ba ang ginawa niya?
Naghubad sa harapan mo at inakit ka. Bumigay ka dahil magaling siya, tama?"\line \
line \line Hindi niya napigil ang sarili sampalin sa pisngi ang binata. Tuluyang
ngilid ang kanyang mga luha.\line \line \line "Huwag mo akong huhusgahan dahil kung
tutuusin, kasunduan lang ang nag-uugnay sa atin!" asik niya.\line \line \line
Nanatiling matapang ang anyo ni Franco. "Kasunduan lang. Atat ka lang, Alexa. Hindi
mo muna ako pinag-aralan. Hindi ako katulad ni Gaizer na padalus-dalos. Sinasadya
kong huwag dumikit sa 'yo dahil gusto kong pag-aralan kung paano kita mapapaibig na
hindi umaasa sa kasunduan. Hindi kita mahal pero unti-unti kitang nagugustuhan.
Hindi kita basta papakasalan kung hindi ako komportable sa 'yo. Kung tutuusin
maraming mas deserving na babae na puwede kong hilain at pakasalan pero mas pinili
kita. Alam mo kung bakit? Dahil nararamdaman kong madali kitang matutunang mahalin.
Kaya ako nagmadaling bumalik dahil tumawag si Daddy at sinabing nagkakamabutihan na
kayo ni Gaizer. Umaasa ako na maaagapan kita at mailayo sa kanya, pero huli na
pala. Nakuha ka na niya," emosyonal na pahayag nito. Lumamlam ang mga mata nito
dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.\line \line \line May kung anong kumurot sa
puso niya. Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. Naghihinayang din siya sa
pagkakataong iginugol niya kay Franco. Minsan din niyang inasam na magustuhan siya
nito.\line \line \line "I'm sorry. Ginawa ko naman ang lahat para matutunan kang
mahalin," aniya.\line \line \line "Pero hindi mo nagawa dahil dumating si Gaizer.
Hindi ko alam kung ano ang kuwento ninyong dalawa pero nararamdaman ko na mas nauna
mo siyang nakilala kaysa sa akin, kasi hindi ka nahirapang mahalin siya."\line \
line \line "Si Gaizer ang lalaking nakasama ko sa one night stand. Kaibigan siya ng
ex-boyfriend ko. Nakilala ko na siya noong college," walang gatol na bunyag niya. \
line \line \line Napamata si Franco. Unti-unting umaliwalas ang mukha nito.
Mamaya'y ngumisi ito. "Gano'n pala. Take your time. Bibigyan pa kita ng
pagkakataong makapag-isip. Puwede ka pang umurong sa kasal. Pero sakaling itutuloy
mo ang napagkasunduan, handa pa rin akong pakasalan ka," sabi nito saka siya
iniwan.\line \line \line Para siyang sinampal ng sinabi ni Franco. Pakiramdam
niya'y may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Sumikip ang kanyang
paghinga.\line \line \line ISANG maigsing scandal video ang bumulabog sa buong
kumpanya. Kumalat ang video sa lahat ng mga empleyado at opisyales ng kumpanya.
Nawindang si Alexa nang makita ang sarili sa video na may kalampungang lalaki.
Pamilyar sa kanya ang lugar at pangyayari.\line \line \line Edited ang video dahil
siya lang ang matingkad ang kuha samantalang ang lalaking kasama niya ay blur.
Kinilabutan siya. Ang eksenang iyon ay eksena nila ni Gaizer sa lodge nila noong
nakaraang araw. Sino naman ang lapastangang nagkalat ng video?\line \line \line
Nakarating na siya sa kumpanya nang makita niya ang video sa malaking teelbisyon sa
lobby ng kumpanya. Lahat ng taong nakasalubong niya ay nakatingin sa kanya at siya
ang pinag-uusapan.\line \line \line Pakiramdam niya'y pugot ang ulo niya habang
naglalakad. Malalaki ang hakbang niyang pumasok sa elevator. Nanginginig siya dahil
sa matinding pagkapahiya. Kung puwede lamang ay umuwi na siya pero na-trap na siya.
Pagdating niya sa third floor kung saan ang opisina ng mga opisyales ay sinalubong
siya ng intriga at pangungutya.\line \line \line "Sino kaya ang kasama niya? Hindi
naman ata 'yon si sir Franco," narinig niyang sabi ng isang babae.\line \line \line
"Oo nga. Nakakahiya naman 'yon," gatong ng isa pang kasama nito.\line \line \line
Deretso ang lakad niya patungo sa engineers' office. Napako ang mga paa niya sa
sahig nang makita ang Papa niya kasama si Roger. Nagulat siya nang pati ang mga ito
ay napasaan ng video. Sinalubong kaagad siya nito ng matinding galit.\line \line \
line "Ipaliwanag mo ito, Alexa! Sino ang lalaking 'yon?" asik nito.\line \line \
line Naunahan na siya ng takot. Hindi siya makapagsalita. Mamaya ay isang malakas
na sampal
ang tumama sa pisngi niya mula sa kanyang ama. Napaiyak siya. Iyon ang unang beses
na nasaktan siya nito.\line \line \line "Hindi kita tinuruan para maging imoral!
Respitado ako sa kumpanyang ito 'tapos bibigyan mo ako ng kahihiyan? Ano ba ang
nangyayari sa 'yo?" palatak nito.\line \line \line Hindi siya nagsalita. Umiyak
lang siya nang umiyak.\line \line \line "Tama na, Manuel. Sa palagay ko isa itong
aksiyon mula sa kalaban. Wala tayong magagawa kung papagalitan mo ang anak mo. Ang
kailangan nating gawin ay alamin kung sino ang nagkalat ng video at gumawa ng
paraan kung paano pakalmahin ang mga tao," sabi naman ni Roger.\line \line \line
Iniwan siya ng Papa niya. Inutusan naman siya ni Roger na huwag munang lumabas at
magsalita nang hindi uminit ang isyu.\line \line \line NAWINDANG si Gaizer
pagdating niya sa kumpanya ay may pinagpipiyestahang video ang mga empleyado.
Nakita niya sa cellphone ng mga ito ang scandal. Nag-init ang ulo niya nang makita
na si Alexa ang bida sa video. Edited pa dahil hindi malinaw ang kuha sa kanya.\
line \line \line Dumeretso siya sa opisina niya. Hindi siya mapakali. Nag-aalala
siya para kay Alexa. Siguradong labis ang pagkapahiya ng dalaga. Inalam niya kung
saan nanggaling ang video. Tinawagan niya si Kent at pinapunta sa opisina niya. May
ilang minuto bago ito nakarating.\line \line \line "Yes, boss?" masiglang bungad
nito sa kanya.\line \line \line "Close the door!" paasik niyang utos. Palakad-lakad
siya sa harapan ng bintana.\line \line \line "Bakit? May problema ba?" tanong nito
matapos maisara ang pinto.\line \line \line "Nakita mo naman siguro ang kumakalat
na video," aniya.\line \line \line "Oo naman. Trending nga," natutuwa pang sabi
nito.\line \line \line Lalong nag-init ang ulo niya. "Alamin mo kung sino ang
nagkalat ng video," utos niya.\line \line \line "Bakit?"\line \line \line "Dahil
papatayin ko siya," gigil na sabi niya.\line \line \line Nanlaki ang mga mata ni
Kent. "Sandali. Papatayin mo ako?"\line \line \line Pakiramdam niya'y bumagsak
lahat ng lakas niya sa kanyang kamao. Walang alinlangang pinakawalan niya ang
suntok patama sa mukha ni Kent. Tumalsik ito sa sulok ng pinto. Mabilis na dumugo
ang ilong at bibig nito. Gusto pa niyang pasundan ng isa pang suntok pero napigil
niya ang sarili.\line \line \line "Hayop ka! Sa dami ng puwede mong ipalabas na
video 'yon pa! Hindi ka ba nag-isip?" asik niya.\line \line \line Tumayo si Kent at
nilinis ang duguang mukha gamit ang panyo. "Hindi ba 'yon naman ang gusto mo? Ang
sirain ko si Franco at Alexa para hindi matuloy ang kasal nila? Tinutulungan lang
kita. Bakit ka ba nagagalit?" reklamo nito.\line \line \line "Tarantado ka! Ako ang
kasama ni Alexa sa video!"\line \line \line "Alam ko. Kaya nga in-edit ko para
hindi ka makilala ng mga tao at isipin nilang ibang lalaki 'yon."\line \line \line
Napamura siya. "Hindi ka nakatulong, Kent! Sinira mo ang reputasyon ni Alexa! At
iyon ang dahilan kung bakit ako nagagalit!"\line \line \line Napanganga si Kent.
"Hindi kita maintindihan. Kalaban natin si Alexa. Kasabwat siya ni Roger. Hindi mo
pa ba halata? Nagkasundo sila Roger at Manuel na ipakasal si Alexa at Franco para
mabilis na mapunta sa panig nila ang kumpanya."\line \line \line "Alam ko! Huwag mo
akong pangunahan!" Lalo lamang siya nanggagalaiti.\line \line \line "Bakit inaalala
mo pa ang babaeng iyon? Hindi naman 'yon nakakatulong sa atin, eh. Hindi ba kaya mo
siya inaakit dahil gusto mo rin silang sirain ni Franco? Heto na 'yon, Gai. Nagawa
na natin."\line \line \line Mariing ikinuyom niya ang kanyang mga palad. Nanririndi
siya sa mga sinasabi ni Kent.\line \line \line "Umalis ka sa harapan ko,"
mahinahong utos niya.\line \line \line "Pero, Gai\uc0{\u65293}"\line \line \line "I
said, get out!" singhal niya.\line \line \line Tumalima naman si Kent.\line \line \
line Nanginginig pa rin siya sa galit. Wala siyang mapagbuntunan kundi ang
sementadong dingding. Isinuntok niya rito ang kanyang kamao.\line \line \line Nang
humupa ang galit niya ay nagdesisyon siyang lumabas. Hinanap niya si Alexa. Patungo
siya sa engineers' office nang masalubong niya sa pasilyo si Franco. Nang abot
kamay na niya ito ay bigla siya itong hinarang.\line \line \line "Do you know what
you did?" seryosong tanong nito.\line \line \line "It's not my fault," aniya.\
line \line \line "Don't act like innocent, Gaizer. I know your team planned this."\
line \line \line "Ano ba ang gusto mong palabasin? Hindi ako tanga para ipain ang
sarili ko sa kahihiyan."\line \line \line "You just did. Huwag ka nang magkunwaring
hindi alam ang nangyayari. Kung gagawa ka ng kalokohan, mag-ingat ka. Huwag kang
mandamay ng inosente. Huwag mong idamay si Alexa dahil wala siyang kinalaman sa
sitwasyon natin."\line \line \line "Hindi ako katulad mo na gumagamit ng inosenteng
tao para pabayaang nagdurusa."\line \line \line "At least ako, inaalagaan ko ang
dangal ni Alexa. Samantalang ikaw, sinira mo ang reputasyon niya!"\line \line \line
Napikon siya sa sinabi nito. Akmang susuntukin niya ito pero pinigil siya ng tinig
ni Alexa.\line \line \line "Tumigil ka na, Gaizer!" sabi nito.\line \line \line
Nilingon niya ito na siyang kalalabas mula sa pinto ng engineers' office.\line \
line \line "Kahit magpatayan kayong dalawa, walang magbabago," anito saka sila
nilagpasan.\line \line \line Hahabulin sana niya ito pero hinapit ni Franco ang
kanang balikat niya. Hinarap niya itong muli.\line \line \line "Huwag mo na siyang
guluhin. Makakadagdag ka lang sa stress niya," sabi nito.\line \line \line Itinulak
niya ito. "Wala ka rin namang magagawa, eh. Hindi ako katulad mo na duwag," aniya.\
line \line \line "Hindi ako kasing tapang mo pero gumagamit ako ng utak bago gumawa
ng hakbang. Once malinis ko ang scandal na ito, sisiguruhin ko na hinding-hindi mo
na malalapitan si Alexa," matapang na buwelta nito saka siya tinalikuran at
iniwan.\line \line \line Mariing nagtagis ang bagang niya at inilagay sa mga palad
ang inis. Sinubukan pa rin niya habulin si Alexa pero hindi na niya ito makita
kahit saang bahagi ng kumpanya. Hindi rin ito sumasagot sa tawag niya. Nag-aalala
na siya. Ngayon lang siya labis na natataranta.\line \line \line \b Chapter
Nineteen [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line
\line AYAW na muna sanang pumasok ni Alexa sa kumpanya pero pinapapunta siya ng
Papa niya dahil nagdesisyon si Roger na magkaroon ng munting pagtitipon para
klaruhin ang tungkol sa eskandalong kinasasangkutan niya. Pagkakataon na niya iyon
para magsalita at depensahan ang sarili.\line \line \line Sa conference room kung
saan inimbitahan lahat ng opisyales ng kumpanya at ilang empleyado na bumabatikos
sa nasabing eskandalo. Ang ilan ay nagrereklamo dahil nag-aalala ang mga ito para
sa susunod na magiging presidente ng kumpanya. Paano daw magagampanan ng susunod na
presidente ang tunkulin nito kung sarili nitong relasyon sa magiging asawa ay hindi
nito napangalagaan.\line \line \line Iginiit ng mga ito na hindi seryoso si Alexa
sa pagpapakasal kay Franco dahil may kalaguyo siyang ibang lalaki. Daladala pa rin
ng dalaga ang kahihiyan habang pilit humaharap sa mga taong bumabatikos sa kanya.
Nakaupo siya sa tabi ng kanyang ama at sa kanyang kaliwa ay nakaupo si Franco.\line
\line \line Nakita niya si Gaizer na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa katabi si
Kent at iba pang opisyales. Si Roger ang nagbukas ng usapin. Nakaupo ito sa
kabilang dulo ng mesa.\line \line \line "Para matapos na ang isyu tungkol sa
video'ng kumalat, binibigyan ko ng pagkakataong magsalita si Ms. Alexa San Diego
tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya. Marami ang nagtatanong kung sino nga ba
ang lalaking kasama niya sa video. Magkalita ka, Alexa. Sabihin mo sa amin ang
totoo," sabi ni Roger.\line \line \line Kinakabahan si Alexa. Nakatutok sa kanya
lahat ng atensiyon ng mga tao. Tumigil ang paningin niya kay Gaizer na seryosong
nakatitig sa kanya. Kahit anong pagpapalakas niya sa kanyang loob ay hindi niya
kayang magsalita at aminin kung sino ang lalaking kasama niya sa video.\line \
line \line "Magsalita ka na, anak," udyok sa kanya ng Papa niya.\line \line \line
Nanginginig ang kamay niya. Hindi talaga niya kaya. Kumislot siya nang biglang
hawakan ni Franco ang kamay niya.\line \line \line "Ako na ang magsasalita. Natu-
trauma na si Alexa sa nangyayari kaya huwag na natin siyang usigin," sabi nito saka
ito tumayo at kinuha ang atensiyon ng lahat.\line \line \line Lalo siyang kinabahan
sa isiping sasabihin nito ang totoo.\line \line \line "Huwag na nating palakihin
ang isyu na ito. Pasensiya na dahil hindi kami nag-iingat. Ako na ang
magpapaliwanag. Ako ang kasama ni Alexa sa video. Walang ibang lalaking nakakalapit
sa kanya kundi ako. Kauuwi ko lang n'on mula Cebu at pinuntahan ko siya kaagad.
Sobra ko siyang na-miss kaya hindi ko napigil ang sarili ko. Ang naging problema
doon, mayroong pumuslit na kuhaan kami ng video. Maaring isa sa panig ng kalaban ko
sa mana ang may pakana ng pagkalat ng video. Gusto nilang sirain ang kasal ko.
Umaasa ako na matitigil na ang isyu dahil labis na itong nakakaepekto sa pagsasama
namin ng fiancee ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kahit ganoon ang nangyari ay
matutuloy pa rin ang kasal namin sa susunod na linggo," paliwanag ni Franco sa mga
tao.\line \line \line Nawindang si Alexa. Hindi niya inaasahan ang hakbang na
ginawa ni Franco. Umugong ang mga komento ng mga tao. Mayroong naniniwala at
mayroon ding nagdududa pa rin. Hindi na iyon mahalaga. Nakahinga siya nang maluwag
nang magsialisan na ang mga tao.\line \line \line Nag-usap si Roger at ang Papa
niya. Pinayuhan siya ng mga ito na maging maingat sa susunod. Nang silang dalawa na
lang ni Franco ang naiwan ay nilapitan niya ito. Papaalis na rin sana ito.\line \
line \line "Franco," pigil niya rito.\line \line \line Hinarap naman siya nito.
Hindi na ito katulad dati na magaad ang pakikitungo sa kanya.\line \line \line
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya.\line \line \line "Ano'ng gusto mong gawin ko,
ilaglag ka? Hindi ako ganoon kasama, Alexa. Kahit binigo mo ako, wala akong
karapatang kamuhian ka. Nirerespeto ko ang desisyon mo. Na sa iyo pa rin
nakasalalay ang kasal. Nakapagdesisyon ka na ba?" anito.\line \line \line Hindi
siya nakasagot. Magulo pa rin ang isip niya. \line \line \line "Sa tingin ko
kailangan mo munang magpahinga. Mag-usap na lang tayo kapag nasa tamang huwisyo na
ang isip mo," anito saka siya tuluyan iniwan. \line \line \line Paulit-ulit siyang
bumutong-hininga. Dahil sa ginawa ni Franco ay nabawasan ang stress niya.
Nagdesisyon na rin siyang lumabas.\line \line \line Patungo siya sa architects
lodge nang masalubong niya sa pasilyo si Gaizer. Lalagpasan sana niya ito ngunit
hinagip nito ang kanang braso niya. Hinarap niya ito pero dagli niyang inilayo ang
sarili. Katatapos lang ng intriga ay baka masusundan na naman. May nagkalat na CCTV
footage sa pasilyo.\line \line \line "Mag-usap tayo," sabi nito.\line \line \line
"Please, huwag dito. Mainit pa ang isyu, Gaizer. Huwag mong gatungan," aniya.\
line \line \line "Fine. Magkita tayo sa Herera village sa Tagaytay bukas. Mayroon
din tayong dapat ayusin sa project."\line \line \line Tumango siya saka tinalikuran
ang kasaup.\line \line \line Nakapagdesisyon na si Alexa. Hindi na niya hihintaying
mabaliw siya dahil sa mga nangyayari. Tatapusin na niya ang gulo. Kinagabihan ay
inayos niya ang kanyang gamit na dadalhin sa Tagaytay. Inilagay niya sa kanyang bag
ang nakasobrang Lat Will and Testament ng yumaong Sta. Maria.\line \line \line
Itinago niya ang gamit nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok ang
kanyang ama. Tumayo siya at hinarap ito.\line \line \line "May lakad ka ba bukas?"
tanong nito.\line \line \line "Opo. Pupuntahan ko ang project namin sa Tagaytay.
Mayroon lang akong kailangang ayusin sa plano pero uuwi din naman ako kinahapunan,"
aniya.\line \line \line Lumamlam ang mga mata ng Ginoo. Nilapitan siya nito at
hinawakan sa kanyang balikat. \line \line \line "Anak, I'm sorry. Hindi ko gustong
saktan ka. Nabigla lang ako sa mga nangyari," samo nito.\line \line \line Hindi
siya naghinanakit dito dahil may kasalanan din siya. "Ako dapat ang humingi ng
tawad, Pa. Binigo ko kayo. Naging pabaya ako."\line \line \line "Nagi-guilty ako
dahil nadadamay ka sa nangyayari. Hindi ka dapat naiipit sa sitwasyon. Malaki lang
talaga ang tinatanaw kong utang na loob kay Roger kaya hindi ko siya matanggihan sa
mga hinihiling niya sa akin. Pero nahihirapan na rin ako. Ayaw kong madamay sa
sigalot sa pagitan nila at ni Gaizer. Unti-unti nang nababawi ni Gaizer ang lahat.
Nahuli niya ang mga patagong transaksiyon namin sa labas. Nakuha ulit niya ang
Zambales project. Nadamay ako sa isyu na ibinabato niya kay Roger na kumukuha ng
kliyente sa labas na hindi idinadaan sa management. Kung sakaling manalo si Gaizer,
patatalsikin niya sa kumpanya si Roger at kasama ako doon. Gusto ko na ring
manahimik para hindi ka na madamay. Ang kaso, nangako na tayo na papakasal ka kay
Franco."\line \line \line Nag-aalala siya para sa kanyang ama. Dahil doon ay lalong
lumakas ang loob niya na ibigay kay Gaizer ang Last Will pero hindi niya personal
na ibibigay.\line \line \line "Huwag po kayong mag-alala, Pa, magiging maayos din
ang lahat," aniya.\line \line \line "Sana nga anak. Patawarin mo sana ako."\line \
line \line "Sss. Tama na. Wala ka namang kasalanan." Niyakap niya ito.\line \line \
line Pagkuwa'y sinamahan na niya itong maghapunan.\line \line \line NAGKASUNDO si
Alexa at Gaizer na sa Herera village na magkita. Pumayag naman ito sa patagong
pagkikita.\line \line \line "Hindi ako sanay na ganito, Alexa. Para tayong mga
kriminal na nagtatago sa batas," sabi ni Gaizer nang nasa beranda sila ng second
floor ng private house ni Mr. Herera. Mabuti doon ay walang may pakialam sa kanila.
Busy ang mga tao. Nakatayo ito sa dingding habang nakahalukipkip.\line \line \line
Nakatanaw siya sa malawak na lupain habang nakasandig sa riling na bakal. "Lalo
lang lalala ang sitwasyon habang magkasama tayo, Gaizer. Hindi mo ba aaminin sa
akin na may kinalaman ang mga alipores mo sa pagkalat ng video?" usig niya rito.
Iyon ang naisip niyang posibilidad.\line \line \line Nilapitan siya nito. Hinarap
naman niya ito.\line \line \line "Inaamin ko pero maniwala ka, hindi ko alam 'yon.
Nagulat din ako nang makita ang video. Hindi ko kontrolado ang kilos ng mga kasama
ko. Hindi ako baliw para bigyan ng kahihiyan ang sarili ko, Alexa," anito.\line \
line \line "Nahihirapan na ako, Gaizer. Ayaw ko na ng gulo."\line \line \line "So
ano'ng gusto mo?"\line \line \line "Gusto ko ng katahimikan. At matatahimik lang
ako kung lalayo ako sa Sta. Maria."\line \line \line "Puwede kang umalis sa Sta.
Maria pero hindi mo ako puwedeng layuan."\line \line \line "Hindi mo ako puwedeng
utusan. Hanggat hindi natatapos ang away sa pamilya mo, hindi ako puwedeng dumikit
sino man sa inyo. Hindi ako sanay ng ganito, Gaizer." Nahihirapan ang damdamin niya
sa pagpigil ng emosyon.\line \line \line Masakit para sa kanya na ilayo ang sarili
sa binata pero kailangan niya ng distansiya.\line \line \line "Lalayo ka. Paano si
Franco?"\line \line \line "Hindi ko mahal si Franco. Tama ang hinala mo, wala
kaming ibang relasyon maliban sa nagkasundo kami na magpakasal para sa mana.
Pumayag ako dahil kay Papa," bunyag niya.\line \line \line Hindi man lang nagulat
si Gaizer. "Matagal ko nang alam 'yon. Marami akong source. Pinabulaanan ko ang
ideyang iyon dahil wala akong sapat na ebidensiya. Maraming pangayayari na
nagpatunay na hindi ninyo mahal ang isa't-isa," anito.\line \line \line "Kaya ba
malakas ang loob mong mahimasukan sa buhay ko?"\line \line \line "Matagal ko nang
napasok ang buhay mo, Alexa. Hindi lang ako nabibigyan ng sapat na pagkakataon.
Kahit pa totoong nagmamahalan kayo ni Franco, gagawin ko pa rin ang mga nagawa
ko."\line \line \line Natutuwa siya sa mga sinasabi nito pero nakadama siya ng
lungkot. Nararamdaman niya na may malaking pagbabago sakaling nakuha na nito ang
mana.\line \line \line "Nakapagdesisyon na ako. Gusto ko munang lumayo," seryosong
wika niya.\line \line \line "You can't do this, Alexa. I won't let you go,"
protesta nito.\line \line \line "Tama na, Gaizer. Palayain mo ako kahit sandali.
Gusto kong ipahinga ang isip ko," mahinahong wika niya pero unti-unting naglalandas
ang kanyang mga luha.\line \line \line Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
"At ano ang gagawin mo? Itutuloy mo ang pagpapakasal kay Franco?" namumurong usig
nito.\line \line \line "Hindi. Wala akong pipiliin. Gusto ko lang mapag-isa."\
line \line \line "Hindi ako naniniwala na kaya mong talikuran ang lahat sa atin,
Alexa. Nababasa ko sa mga mata mo ang hirap sa pagdedesisyon."\line \line \line
"Tama ka, Gaizer, hindi madaling magdesisyong layuan ka. Pero kailangan ko itong
gawin dahil gusto kong maging ligtas ako sa piling mo."\line \line \line "Alexa,
sabihin mo, mahal mo ako 'di ba?" Pinahid ng kamay nito ang luha sa kanyang
pisngi.\line \line \line "Alam mo ang sagot ko. Kahit hindi ko sabihin, alam kong
nararamdaman mo. Mahal kita kaya ko ito gagawin. Please, unawain mo ako,"
madamdaming pahayag niya.\line \line \line Lumamlam ang mga mata nito ngunit nagawa
nitong pigilin ang pagluha. "Naunawaan ko, Alexa. Huwag kang mag-alala, hindi rin
magtatagal ang gulong ito. Please, huwag kang magbago," sabi nito.\line \line \line
Tumango siya. Hinagkan siya nito sa noo. Ang inaasahan niyang marinig mula rito ay
nabigo siyang marinig. Gayunpaman ay tumugon siya nang siilin nito ng halik ang
kanyang mga labi. Pinagbigyan niya ito sa gusto nito. Ang simpleng halik nito'y
naging marubrob at makapaghanap. Niyakap siya nito at pangko habang naglalakad ito
papasok sa inuukupa nitong kuwarto.\line \line \line Inihiga siya nito sa kama
habang patuloy na angkin ang mga labi niya. Ramdam niya ang pananabik nito dahil sa
hndi mahintay na madama ang kanyang kahubaran. Naglakbay pababa sa kanyang dibdib
ang mainit nitong bibig. Pinuno nito ng halik at pinong kagat ang nahantad niyang
dibdib, habang ang mga kamay nito'y abala sa pag-alis sa saplot nito.\line \line \
line Pagkuwa'y inalis na rin nito ang nalalabing saplot niya. Umigtad siya nang
ipaglandas nito ang kamay sa kanyang dibdib, at dumausdos iyon patungo sa kanyang
kaselanan. \line \line \line "Uhmmm..." umungol siya nang gumalugad ang ilang
daliri nito sa maselang parte ng kanyang pagkababae.\line \line \line Sandali
nitong hinalikan ang kanyang mga labi. Pagkuwan ay ibinalik nito ang mainit nitong
bibig sa mayayaman niyang dibdib, katuwang ang isang kamay nito sa paghubog ng
bawat bahagi niyon.\line \line \line Mayamaya lamang ay naramdaman na niya ang
munting panlasa nito na naglalaro sa kanyang kuntil. Walang tigil ang kanyang
halinghing habang patuloy ang paglalagos ng makapangyarihang kamay at bibig nito sa
kanyang kaselanan. Tumagal ito roon ng ilang minuto bago ito nagpasyang sumampa sa
kanya. Iginiya nito ang sandata papasok sa nakaabang niyang puwerta.\line \line \
line Inilingkis niya ang mga paa sa katawan nito at sinabayan ang pag-indayog ng
katawan nito sa ibabaw niya. Bawat ulos ng sandata nito sa kanya ay nag-iiwan ng
nakakahibang na sensayong nagdadala sa kanya sa nalalapit na kaginhawaan. Haabng
tumutulin ang pagbayo ng katawan nito sa kanya ay lalo lamang nagpapalaya ng mga
hibang na tinig ang kanyang bibig. Kumapit siya sa kobre kama nang pakiramdam
niya'y nasa sukdulan na siya. Hindi na niya namalayan ang sumunod na hakbang I
Gaizer dahil sa labis na kaligayahang dulot ng pag-abot niya sa sariling orgasmo.\
line \line \line Nanumbalik lamang ang kamalayan niya nang matagpuan ang sarili na
nakadapa habang ang mga kamay ay kumakapit sa head rest ng kama. Bahagyang iniangat
nito ang ibabang bahagi ng katawan niya. Lumuhod siya at inihanda ang sarili.\
line \line \line Inangkin siya
nitong muli mula sa likuran. Mahigpit ang kapit nito sa kanyang tadyang habang
sinisimulang umulos sa kanya.\line \line \line "Sa palagay mo ba matitis kong
layuan mo ako? Pagbibigyan kita pero hindi iyon magtatagal. Hindi puwedeng mawalay
ka sa akin ng matagal," sabi nito sa ilalim ng paghingal.\line \line \line Panay
lang ang daing niya. Iniiwasan niyang isipin na katawan lang ang gusto sa kanya ni
Gaizer. Nararamdaman niya na higit pa roon ang nararamdaman nito.\line \line \line
"Huwag mo sanang bigyan ng masamang kahulugan bakit sa tuwing nagkikita tayo ay
gusto kong maangkin ka. Gusto ko itong gawin hindi dahil sa pagnanasa. Gusto ko ito
dahil..." Hindi nito natapos ang sasabihin nang hindi na nito magawang kotrolin ang
kilos.\line \line \line Nagsumikap na itong marating ang inaasam na kaginhawaan.
Ibinalik siya nito sa pagkakahiga sa kama saka ito nagpatuloy sa pag-ulos nang
mabilis at may gigil na magsalubong sila sa turok ng kaginhawaan. Hindi ito nabigo.
Naramdaman niya ang pagsaboy nito ng mainit na likido sa kanyang kaibuturan nang
halos panabay nilang sinalubong.\line \line \line Bumagsak ang pagal nitong katawan
sa ibabaw niya. Nararamdaman niya ang labis na pangangatal ng katawan nito dahil sa
tensiyon at init.\line \line \line Nang mahimasmasan ay umahon ito mula sa kanya at
nagbihis. Nagpaalam ito na bibisitahin ang construction site. Nanatili naman siyang
nakahiga at ikinalma ang sarili.\line \line \line HABANG nag-iikot sa construction
site si Gaizer ay nilubos ni Alexa ang pagkakataon. Pumasok siya sa kotse nito na
hindi naka-lock. Inilagay niya sa drawer sa tapat ng driver seat ang nakasobreng
Last Will and Testament ng Lolo nito.\line \line \line Nang makabalik na si Gaizer
ay niyaya niya itong magmeryenda. Pinag-usapan nila ang tungkol sa proyekto.
Pumayag naman ito na ito na ang mag-aasikaso ng lahat na kailangan at ito na rin
ang magmo-monitor. \line \line \line Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon ay
nagdesisyon siyang bumalik ng Maynila. Hindi naman ito nag-abalang ihatid siya
dahil kailangan pa nitong hintayin si Mr. Herera. Baka raw doon na ito magpapalipas
ng gabi.\line \line \line Gusto pa sana niya itong makasama pero darating mamayang
gabi ang Kuya Ace niya mula Amerika. Susunduin nila ito ng Papa niya sa airport.
Maghahanda din siya ng mga pagkain bilang paghanda sa pagbabalik ng kuya niya.\line
\line \line \b Chapter Twenty [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \
line \line \line \line \line NAPAKAGANDANG balita ang iniuwi ni Ace sa
pamilya. Isa na itong ganap na general surgeon. Pinagsilbihan ni Alexa ang kapatid.
Siya ang pumili ng pagkain para rito. Ang dami nitong kuwento kahit nang nasa
airport pa sila. Maroon nang doktor sa pamilya nila. Proud na proud siya sa
kapatid.\line \line \line "Ano, Alexa, marami ka na bang kliyente bilang
architect?" tanong sa kanya ni Ace.\line \line \line Magkasalo na silang pamilya sa
hapunan. "Marami na. Halos lahat nga ng designs ko ay gustong-gusto ng mga kliyente
ko," pagyayabang niya.\line \line \line "E bakit nabalitaan ko'ng ikakasal ka na?"\
line \line \line Napalis ang ngiti niya. Nabaling ang tingin niya sa kanyang ama.
Buo na ang loob niya na sabihin sa ama na hindi na siya magpapakasal.\line \line \
line "Ahm, hindi matutuloy 'yon," sagot niya.\line \line \line "Bakit naman? Hindi
ba okay si Franco?" tanong ng Kuya niya.\line \line \line Inaasahan niya na
magagalit ang Papa niya pero nanatili itong walang kibo. Pero alam niya na
naghihintay lang ito ng pagkakataon na makausap siya nang sarilinan.\line \line \
line "Walang problema kay Franco. Nagbago ang isip ko. Hindi pa ako handang
magpakasal," sabi niya.\line \line \line "Okay lang 'yan. Bata ka pa naman. Mag-
enjoy ka muna sa pagkadalaga. Mag-ipon ka muna ng pera. Hindi mo pa natutupad ang
pangako mo na ikaw ang tatapos sa bahay natin sa Makati," sabi ni Ace.\line \line \
line "Huwag kang mag-alala, Kuya, meron na akong naipon. Next month ay itutuloy ko
ang construction para bago sumapit ang Pasko ay makalipat na tayo."\line \line \
line "Very good. Aasahan ko 'yan. Sagot ko naman ang gastos sa therapy ni Mama,"
anito.\line \line \line Nagkasundo na sila.\line \line \line Pagkatapos ng hapunan
ay tinawag si Alexa ng Papa niya. Naiwan sila sa sala habang magkatabing nakaupo sa
sofa.\line \line \line "Seryoso ka ba sa sinabi mo na uurong ka sa kasal?" tanong
nito.\line \line \line "Opo. Hindi ko na kayang tumagal sa pagitan ng magulong
pamilya ng Sta. Maria," tugon niya.\line \line \line "Paano si Franco? Umaasa siya
na matutuloy ang kasal," nababahang sabi nito.\line \line \line "Kakausapin ko po
bukas si Franco. Pagkatapos ay magpa-file ako ng resignation letter."\line \line \
line "Ano? Nababaliw ka na ba? Paano ang mga on-going project mo sa kumpanya?"\line
\line \line "Maayos ko po iyong iti-turn over sa ibang architect. Mag-a-apply po
ako sa ibang kumpanya."\line \line \line "Hindi mo naman kailangang gawi 'yon,
anak. Magiging maayos din naman ang problema, eh."\line \line \line "Alam ko pero
hindi ko na mahintay kung kailan magkaroon ng katahimikan sa kumpanya. Gusto ko
munang lumanghap ng bagong atmosphere. Hindi na kasi ako makahinga sa nangyayari.
Sorry, Pa. Magpapahinga na ako," sabi niya saka iniwan ang kanyang ama.\line \
line \line ALAS-SINGKO pa lamang ng hapon ay bumiyahe na si Gaizer pabalik ng
Maynila. Makikipagkita pa kasi siya kay Mr. Kim sa oras ng tanghalian. Pag-uusapan
na nila ang tungkol sa proyekto para sa pagre-reopen ng construction. Dumeretso
siya sa bahay niya sa Pasig.\line \line \line Pababa na siya ng kotse nang napansin
niya ang drawer sa harapan niya na bahagyang nakaawang at may nakalabas na dulo ng
isang brown envelop. Binuksan niya ang drawer at kinuha ang sobre. Nawindang siya
nang mabasa ang note sa labas.\line \line \line \i Lucio Sta. Maria Last Will and
Testament file\i0 \line \line \line Binuksan kagaad niya ang laman ng sobre. Para
siyang nanalo sa lotto nang mabasa ang nilalaman ng papeles. May kasama pa iyong
flash drive. Dinala niya ang sobre papasok sa bahay niya. Nagbukas kaagad siya ng
laptop at pinanood ang video ng Lolo niya.\line \line \line Napaluha siya matapos
mapanood ang video. Ginawa ang video noong nasa ospital ang Lolo niya at naghihirap
sa karamdaman nito. Wala siya noong panahong iyon. Hindi niya akalain na sa kabila
ng mga pagkukulang niya ay sa kanya pa rin binigay ng Lolo niya ang mahahalagang
ari-arian nito.\line \line \line Ang gumugulo lang sa isip niya ngayon ay kung sino
ang nag-iwan ng papeles sa kotse niya. Wala naman siyang maalala na naisakay niya
sa kanyang kotse mula kahapon. Hindi na siya nag-abalang alalahanin iyon. Ang
mahalaga, hawak na niya ang inaasam niyang Last Will and Testament ng Lolo niya.\
line \line \line Mamayang hapon na siya makikipagkita kay Atty. Sandoval para
ibigay ang Last Will ng Lolo niya. Susupresahin niya ang mga kalaban.\line \line \
line HININTAY ni Alexa si Franco sa opisina nito. Maaga siyang pumasok para ayusin
ang naiwan niyang trabaho. Nagawa na niya ang resignation letter niya pero saka na
niya ibibigay sa management kapag naayos na lahat ng dapat niyang ayusin sa mga
planong ginawa niya.\line \line \line May tatlong minuto na siyang nakaupo sa silya
katapat ng working table ni Franco. Mamaya ay dumating ito. May dala itong bag na
maaring laptop ang laman.\line \line \line "Ang aga mo ata ngayon," bungad nito.\
line \line \line "Marami kasi ako kailangang ayusin," kaswal na sagot niya.\line \
line \line Umupo ito sa swivel chair nito. Kumalat sa buong silid ang matapang
nitong pabango. Basa pa ang buhok nito at fresh na fresh sa suot nitong bughaw na
polo at maong na pantalong itim.\line \line \line "So, bakit ka nadito? May
problema ba?" anito.\line \line \line Matamang tinitigan niya deretso sa mga mata
ang binata. "Uurong ako sa kasal," deretsong sabi niya.\line \line \line Seryosong
nakatitig sa kanya si Franco. Hindi man lang ito nagulat o nadismaya. "Inaasahan ko
na 'yan. I will respect your decision," sabi lang nito.\line \line \line "Patawarin
mo ako sa lahat ng mga nagawa ko."\line \line \line "It's okay. Wala naman akong
karapatang sisihin ka. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Papa."\line \line \line
Naninikip ang dibdib niya. Inaamin niya na napalapit siya kay Franco at naging
masaya siya sa piling nito kahit wala silang malalim na relasyon. Hindi niya
napigil ang paglandas ng kanyang mga luha.\line \line \line Biglang tumayo si
Franco at lumapit sa kanya. Umupo ito sa silyang katapat niya na inilapit nito sa
kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya saka pinahid ang kanyang mga luha. Tumitig
siya sa mga mata nito.\line \line \line "I hope you're happy with your decision.
Kahit hindi nag-work ang relasyon natin, napalapit ka na sa akin, Alexa. Hindi ka
ibang tao. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan at nahihirapan. Sana hindi mo
pagsisisihan ang naging desisyon mo. At sana, kung tuluyan mong pipiliin si Gaizer,
sana maging maligaya ka sa piling niya," wika nito.\line \line \line Dumalas pa ang
pagtulo ng kanyang mga luha. "Maraming salamat."\line \line \line Hinaplos nito ang
ulo niya at ginawaran ng pinong halik ang kanyang noo. "Magiging magkatrabaho din
naman tayo. Puwede tayong maging magkaibigan," sabi nito.\line \line \line "Aalis
na rin ako sa kumpanya," aniya.\line \line \line Dismayadong tumitig sa kanya ang
binata. "Bakit? Hindi naman kailangang madamay ang trabaho mo," sabi nito.\line \
line \line "Gusto ko ng peace of mind, at hindi ko iyon mararanasan dito sa
kumpanya. Gusto kong lumayo."\line \line \line "Paano si Gaizer? Iiwan mo rin ba
siya?"\line \line \line "Kung para siya sa akin, ibibigay siya sa akin ng Diyos
kahit hindi ko hilingin. Kung talagang mahal niya ako, kahit saan ako magpunta ay
gagawa siya ng paraan para makasama ako."\line \line \line "Naniniwala ka bang
mahal ka rin niya?"\line \line \line "Kailangan kong maniwala dahil ayaw kong
masaktan."\line \line \line "Mas lalo kang masasaktan kung magtitiwala ka ng isang
daang pursiyento. Magtira ka para sa sarili mo, Alexa. Hindi kita palalayain para
lang saktan ka ng iba."\line \line \line "Salamat sa concern. Malalaman mo kapag
nasaktan ako, sa 'yo ako lalapit," aniya.\line \line \line "Ayaw kong mangyari
'yon."\line \line \line Matamang tumitig siya sa mga mata nito. \line \line \line
"Kailangan kung lalapit ka sa akin ay masaya ka. Hindi kita tatanggapin kung
umiiyak ka dahil nasaktan ka," seryosong wika nito.\line \line \line "F-Franco..."\
line \line \line "Good luck," anito saka tumayo.\line \line \line Tumayo naman siya
at nagpaalam dito. Mabigat ang loob niya habang lumilisan.\line \line \line
KINABUKASAN ay hindi naibigay ni Alexa ang resignation letter niya kay Roger dahil
nagkaroon ng emergency conference meeting. Sumama na rin siya sa meeting kasama ng
Papa niya. Walang ideya ang mga opisyales kung para saan ang pagpupulong na iyon.
Mayroon daw mahalagang announcement si Atty. Sandoval.\line \line \line Umaasa si
Alexa na tungkol na iyon sa paglabas ng Last Will and Testament na iniwan niya kay
Gaizer. Kompleto ang opisyales maging mga share holders. Nahuling dumating si
Gaizer kasama ang mga kakampi nito.\line \line \line Mamaya ay dumating na si Atty.
Sandoval dala ang office bag nito. Pumuwesto ito sa harapan nila.\line \line \line
"Pasensiya na kung biglaan ang pagtawag ng meeting. Importante ito dahil dito
nakasalalay kung sino talaga ang papalit sa puwesto ni Mr. Lucio Sta. Maria bilang
presidente at chairman ng Sta. Maria group of companies," panimula ng abogado.\line
\line \line Nagbubulungan ang mga opisyales. Ang kahilira nilang si Roger at anak
nitong si Franco ay halatang nagulat.\line \line \line Inilabas ni Atty. Sandoval
ang papeles mula sa bag nito. May flash drive din itong isinalpak sa laptop nito na
nakakonekta sa projector.\line \line \line "Now, finally the time has come. Sa
wakas ay nakita ko na ang Last Will and Testament na iniwan ni Mr. Lucio Sta.
Maria. At ito ang mga nilalaman; ang buong Sta. Maria group of companies at ang
farm land sa Tagaytay na pag-aari ni Mr. Lucio Sta. Maria ay ibinibigay sa pangalan
ni Gaizer Sta. Maria maging ang laman ng first personal bank account niya. The rest
of his property and bank account ay mapupunta sa pangalan ni Franco Sta. Maria.
Five million pesos share mula sa Sta. Maria Group of companies ay mapupunta kay
Franco Sta. Maria. Pakipanood maiigi ang supporting video na pinagawa mismo ni Mr.
Lucio Sta. Maria."\line \line \line Umugong ang reaksiyon ng mga tao. Pagkatapos
mai-play ang video ay marahas na tumayo si Roger. \line \line \line "This is so
unfair! Five million share lang ang makukuha ng anak ko sa kumpanya samantalang
dugo't pawis naming mag-ama ang naipuhunan para manatiling nakatayo ang kumpanyang
ito!" reklamo ni Roger.\line \line \line Tumayo din si Franco para pigilan ang ama.
Si Gaizer na tahimik lang ay napatayo rin.\line \line \line "Kindly respect, Mr.
Roger Sta. Maria. You must know your limitations. Alam kong alam mo na kahit buong
buhay mo pa ang ialay mo sa kumpanya ay hinding-hindi mapapasa iyo karapatan dahil
alam mo na ni katiting walang dugo ng Sta. Mari na nanalaytay sa mga ugat mo.
Pasalamat ka pa nga dahil inako ni Lolo ang pagpapalaki sa iyo. At gusto ko ring
malaman ng lahat ang mga anumalyang ginagawa ng grupo mo. Ginagamit mo ang pangalan
ng kumpanya para sa pansarili mong proyekto, samatalang hindi nakakatikim ang
kumpanya sa salaping ibinabayad ng kliyente. And I have a proof that you're planing
to build your own construction company and you use the fund of Sta. Maria. Siguro
ramdam mo nang dehado ka na kaya ka dahandahang nagnanakaw sa kumpanya," walang
pasinabing sabi ni Gaizer.\line \line \line Hindi nakapagsalita si Roger.
Awtomatikong binatikos ito ng ibang opisyales. Hindi ito nakatiis, nag-walk out
ito.\line \line \line Nag-aalala si Alexa sa Papa sa posibleng masangkot ito sa
anumalya dahil kadikit ito ni Roger. Nang nagdesisyon itong sumunod kay Roger ay
nagdesisyon din siyang sumunod dito.\line \line \line Nag-alsa balutan na si Roger.
Ayaw na nitong makipag-usap kahit kanino. Pinipilit pa rin itong kausapin ni
Manuel."\line \line \line "Paano na tayo, Roger? Baka magsampa ng kaso si Gaizer
laban sa atin," nag-aalalang sabi ni Manuel.\line \line \line "Bahala siya sa gusto
niyang gawin! Save yourself, Manuel. Wala na tayong magagawa," sabi ni Roger.\
line \line \line "Ganoon na lang 'yon?"\line \line \line "Patawad. Huwag kang mag-
alala, hindi ka masasangkot dito. Pero mas mabuti na ring umalis ka na rito."\
line \line \line Walang magawa si Manuel nang iwan ito ni Roger.\line \line \line
Naaawa si Alexa sa Papa niya. Hindi na niya ito nakausap dahil abala ito sa pag-
aasikaso sa mga naiwan nitong trabaho. Baka daw kasi bigla din itong palayasin ni
Gaizer. Pinabayaan na muna niya ito.\line \line \line Hinanap niya si Franco. Alam
niyang labis na apektado ang binata sa nangyari. Parang nilindok ng malakas ang
buong kumpanya. Nabulabog ang mga tao.\line \line \line Napahinto siya sa tapat ng
opisina ni Gaizer nang makarinig siya ng mga boses na nagtatalo. Bahagyang
nakaawang ang pinto. Sumilit siya. Nakita niya si Franco at Gaizer na nag-uusap.
Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakatayo ang dalawa habang
magkaharap na nagsasagutan sa ilalim ng tensiyon.\line \line \line "You can kick us
out to this company but you don't have rights to accuse my father, Gaizer!" asik ni
Franco.\line \line \line "I'm not accusing him, I just reveal the truth. Buong
buhay mong kasama ang tatay mo, bakit hindi mo alam ang mga pinaggagawa niya,
Franco? Sinusuportahan mo siya sa mga maling ginagawa niya," mahinahong pahayag ni
Gaizer.\line \line \line "Hindi 'yan totoo! Alam ko gusto mo lang kaming itakwil!
Nakuha mo na lahat ng gusto mo, bakit kailangan mo pa kaming sirain sa mga tao?"\
line \line \line "Matagal na kayong sira! Gusto ko lang maitama ang lahat."\line \
line \line "Maitama? Pagkatapos mo kaming paglaruan, ngayon ay niyuyurakan mo pati
pagkatao namin! Wala ka bang konsensiya? Sinira mo lahat pati kasal ko!" \line \
line \line Nawindang si Alexa. Naisingit pa ni Franco ang tungkol sa kasal.\line \
line \line Ngumisi si Gaizer. "Hindi ko na kasalanan kung hindi natuloy ang kasal
mo. Choice iyon ni Alexa," sabi nito.\line \line \line "Oo, dahil inakit mo siya't
pinaibig. Hindi ka pa ba kontento sa yaman mo? Pati mapapangasawa ng pinsan mo ay
pinatos mo?" buwelta ni Franco.\line \line \line "Kung magsalita ka parang matino
kang lalaki. Hindi ba't ginamit mo lang din si Alexa para mapabilis na makuha mo
ang mana?"\line \line \line "Oo, inaamin ko, pero ang hakbang na iyon ay
napagkasunduan namin. Hindi ako katulad mo na hindi lang ginamit ang reputasyon
niya kundi pati ang buog pagkatao niya! Kulang pa ba sa iyo na nakalamang ka?"\line
\line \line Nagawa pang tumawa ni Gaizer. "So ngayon alam mo na ang pakiramdam na
inagawan ng taong mahalaga sa iyo?"\line \line \line Natigilan si Franco. Nawindang
din si Alexa sa pag-iba ng pagsa ng dalawa.\line \line \line "Hanggang ngayon ba
isinisisi mo pa rin sa akin ang nangyari kay Selena?" ani Franco.\line \line \line
"Oo! Kung hindi mo siya inagaw sa akin, hindi siya mapapahamak!" nanggagalaiting
sabi ni Gaizer.\line \line \line \i Selena? Sino si Selena?\i0 Tanong ng isip ni
Alexa.\line \line \line Hindi pa man naririnig ang buong istorya ay kumikirot na
ang puso ni Alexa.\line \line \line "Napahamak siya dahil sa 'yo, Gaizer. Huwag
mong isisi sa akin ang lahat!" depensa ni Franco.\line \line \line "Hanggang ngayon
ba naman nagsisinungaling ka pa rin? Sampung taon na ang nakalipas," ani Gaizer.\
line \line \line "Mahigit isang deakada na ang nakalipas pero naninisi ka pa rin!
Kalasanan mo kung bakit namatay si Selena, dahil sa mapaghinala mong utak! Wala
kaming relasyon. Lumalapit lang siya sa akin dahil humihingi siya ng tulong.
Nagdududa siya na may kinahumalingan kang iba pero hindi ka niya kayang
komprontahin dahil natatakot siya. Noong nakita mo kami sa park, niyakap ko siya
dahil nakita kong nahihirapan na siya. Mali ang akala mo. Hinabol ka niya para
magpaliwanag pero hindi mo siya hinarap. Hindi siya tumigil sa paghahabol sa iyo
hanggang sa nasagasaan siya ng sasakyan. Iyon ang totoo, Gaizer. Kaya huwag mong
isisi sa aking ang nangyari dahil kasalanan mo 'yon," mahabang paliwanag ni
Franco.\line \line \line Matagal bago nakakibo si Gaizer. "Tama na!" asik nito
pagkuwan.\line \line \line "Iyon ba ang dahilan kaya mo ako ginugulo? Gusto mong
gumanti sa akin dahilsa pagkawala ni Selena? Mali ka, Gaizer, maling-mali. Pati si
Alexa ay idinamay mo sa kahibangan mo! Ginamit mo lang siya!" patuloy ni Franco.\
line \line \line "Oo, ginamit ko siya para sirain ka at ipadama sa iyo ang
pakiramdam na inaagawan ng lahat na dapat sa akin! Kulang pa nga 'yon, eh."\line \
line \line Hindi na kinaya ni Alexa na pakinggan ang mga sinasabi ni Gaizer.
Pakiramdam niya'y may libo-libong karayom na tumutusok sa puso niya. Malinaw sa
pandinig niya ang mga sinabi ni Gaizer, na ginamit lang siya nito para makaganti
ito kay Franco.\line \line \line Humahagulgol siya habang naglalakad palayo sa
silid na iyon. Iyon na ata ang pinakamasakit na nararamdaman niya sa tanang buhay
niya. Ang maloko ng lalaking inalayan niya ng buong puso at pagkatao.\line \line \
line Pumasok siya sa palikuran at nag-lock ng pinto. Lumuklok siya sa nakasarang
inidoro at ibinuhos ang sakit na nadarama.\line \line \line "Ano ba ang kasalanan
ko bakit ako ginaganito? Hayop ka, Gaizer! Hayop kaaa!" naghihinagpis niyang
sigaw.\line \line \line Hilam na sa luha ang kanyang mga mata. Halos hindi na siya
makahinga dahil sa abot-lalamunang paninikip ng kanyang dibdib.\line \line \line
\b Chapter Twenty-One [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \
line \line \line \line ISANG
linggo ang lumipas. Hindi lumabas ng bahay ng ilang araw si Alexa. Nagkukulong
lang siya sa kanyang kuwarto at inaaliw ang sarili sa pagguhit. Nang unti-unti nang
gumagaan ang pakiramdam niya ay naglinis siya ng kanyang kuwarto. Nang ilabas niya
lahat ng gamit niya sa lumang aparador ay nakita niya ang dalawang munting bahay na
yari sa diyaryo. Ang isa ay natatanggal na ang kulay.\line \line \line Pinagtabi
niya ang dalawa. Wala itong pagkakaiba. Nang maisip na ang gumawa ng mga bahay na
iyon ay parehong nanakit sa kanya ay nagdesisyon siyang sunugin ang mga iyon.
Dinala niya ang mga ito sa ginagawa nilang bahay sa Makati. Kasama niya si Ace para
bisitahin ang lugar. Nagsisimula na kasi ulit ang construction nito. Ginamit niya
ang naipon niyang pera para sa pagpapagawa. \line \line \line Kinahapunan ay
nagtungo siya sa likod ng bahay. Nag-ipon siya ng mga tuyong dahon saka sinidhan.
Igagatong na sana niya sa apoy ang dalawang munting bahay nang biglang dumating ang
Kuya niya.\line \line \line "Sandali! Bakit mo susunugin 'yan? Hindi ba 'yan ang
pattern natin sa bahay natin?" sabi nito.\line \line \line "Nagbago na ang isip ko.
Iibahin ko na ang design," matigas niyang sabi.\line \line \line "Bakit? Dahil
brokenhearted ka na naman?" pang-aasar pa nito.\line \line \line Bumuntong-hininga
siya. Hindi siya nagpapigil. Sinunog pa rin niya ang dalawang munting bahay. Nang
matiyak na abo na ito ay muli niyang hinarap ang Kuya niya.\line \line \line
"Sayang," sabi nito habang nakatingin sa apoy.\line \line \line "Kuya," tawag nya
sa atensiyon nito.\line \line \line "Hm?"\line \line \line "Kuya, operahan mo ako.
Puwede mo bang palitan ang puso ko? 'Yong puso na hindi nasasaktan ng kahit na
ano," nahihibang na sabi niya.\line \line \line "Sira ulo! Halika nga rito," ani
Ace saka siya inakbayan. Naglakad sila patungo sa dalawang magkatabing puno ng
mangga. Namumunga na ito at abot-kamay lang.\line \line \line Tumalon si Ace at
pumitas ng isang hilaw na bunga ng mangga. Ikiskis nito sa bato ang puno ng bunga
para mawala ang dagta saka pinunasan ng damit. Pagkuwa'y ibinigay nito iyon sa
kanya. Tinanggap naman niya.\line \line \line "Kainin mo 'yan nang mahimasmasan ka.
Mapapalitan ng asim ang pait na nadarama mo. At kapag nasanay ka na sa asim,
maghahanap ka ng alat. Kapag komportable ka na sa alat, maghahanap ka ng matamis.
Doon mo mararamdaman ang satisfaction sa buhay mo," makahulugang pahayag nito.\line
\line \line Ngumiti siya. Kinagat niya ang mangga. Maasim pero may halong sarap.
Inihimlay niya ang kanyang ulo sa balikat ni Ace. Inakbayan naman siya nito.\line \
line \line "Ang mga lalaki, kapag nakuha na nila ang gusto nila, mabilis silang
nagsasawa at naghahanap ng panibagong magpapaligaya sa kanila. Bakit gano'n? Bakit
hindi sila makontento?" may hinanakit na sabi niya.\line \line \line "Huwag mong
lahatin ang mga lalaki. Aminado ako na ganyan din ako minsan, pero naisip ko na
ilagay ang sarili ko sa lugar ng babae. Masakit din pala. May mga lalaki na
madaling magsawa sa relasyon dahil nakukulangan sila o nasosobrahan sa atensiyon.
Minsan, ang babae din ang may mali at pagkukulang kaya may mga lalaki na madaling
magsawa. Ang relasyon kasi, hindi lang hinuhubog ng pagmamahal, hinuhubog din ito
ng tiwala, pag-unawa at pagkakaisa. Kung wala ang nga mga iyon, hindi ka
makakatagpo ng relasyong panghabang-buhay. Sa pagmamahal, mayroon ding sumusobra at
nagkukulang. Kung sobra ang pagmamahal, nakakasakit, nakakasakal at nakakasira ng
relasyon. Kung kulang naman, ang relasyon ay mabilis tumabang o lumamig at nasisira
din. Kaya dapat kung magmahal ka, sakto lang," mahabang pangaral nito.\line \line \
line "Yes, doc. Tatandaan ko ang mga sinabi mo," aniya.\line \line \line Piningot
nito ang ilong niya. "Ikaw talaga. Masyado ka kasing mapusok at mahina. Kung hindi
ka pa sigurado sa nararamdaman mo, huwag mong ibigay lahat sa lalaki nang hindi ka
labis na masasaktan kapag niloko at iniwan ka niya," anito.\line \line \line "Oo
na, ikaw na ang matalino sa love. Hindi ka lang pala nagpapakadalubhasa sa
medisina, nagpakadalubhasa ka rin sa larangan ng pag-ibig."\line \line \line
"Siyempre, para handa ako sa lahat ng bagay. Tara na nga. Baka naghihintay na si
Papa sa bahay."\line \line \line Nagdesisyon na silang umuwi. \line \line \line
INIHANDA ni Alexa ang kanyang sarili sa pagharap kay Gaizer. Tinanggihan ng HR
department ang resignation letter niya. Kailangan daw ay perosonal niya iyong
ibigay kay Gaizer para mabigyan siya ng employment certificate. Pagdating niya sa
tapat ng office of the president ay paulit-ulit siyang bumuntong-hininga.\line \
line \line Pagkuwa'y pinindot niya ang pulang button. Mamaya ay bumukas ang pinto.
Awtomatikong nabaling sa kanya ang tingin ni Gaizer na nakaupo sa swivel chair at
may tinitipa sa laptop. Maaliwalas ang mukha nito.\line \line \line Humakbang siya
papasok at deretsong lumapit sa harap ng mesa ng binata. Hindi siya umupo dahil
ayaw niyang magtagal. Walang imik na inilapag niya sa mesa nito ang kanyang
resignation letter. Tiningnan nito ang papel pero hindi nito kinuha. \line \line \
line "Hindi ko matatanggap 'yan," matigas na sabi nito saka tumayo at humakbang
palapit sa kanya. \line \line \line "Tanggapin mo man o hindi, aalis ako,"
matapang na sabi niya.\line \line \line Akmang hahawakan siya nito ngunit marahas
na itinabing niya ang kamay nito.\line \line \line "What's wrong? Pinagbigyan na
kita sa space na gusto mo. Tapos na ang problema. You're free. Bakit gusto mo pa
ring umalis?" nagtatakang sabi nito.\line \line \line Mariing nagtagis ang bagang
niya. Nabuhay nang muli ang galit at sakit sa puso niya. Matapang niya itong
hinarap.\line \line \line "Tama na, Gaizer. Tama nang laro. Panalo ka na," gigil na
sabi niya.\line \line \line Dumilim ang anyo nito. "You just accusing me, Alexa.
You're not involved to your father's case kung iyon ang ikinagagalit mo. Hindi siya
kasama sa isinampa kong kaso laban kay Roger. Please, ayusin na natin ang sa
atin."\line \line \line "Walang tayo, Gaizer! It's all about a big mistake and a
fucking joke! And I'm an idiot victim!"\line \line \line "What the hell are you
talking about?" namumurong tanong nito.\line \line \line "Please lang, tama na!
Ayo'ko na!" emosyonal na sabi niya. Hindi niya napigil ang pagdaloy ng kanyang mga
luha.\line \line \line Tinangka nitong hawakan siya ngunit itinulak niya ito at
gigil na pinatikim ng mag-asawang sampal sa pisngi.\line \line \line "Para 'yan sa
lahat ng panloloko at panggagamit mo sa akin! Ngayon ko lang napatunayan na
napakatanga kong talaga! At hinding-hindi na mauulit 'yon dahil isinusumpa kong
nakilala kita!" naghihimagsik niyang pahayag.\line \line \line "Alexa." Pilit siya
nitong hawakan ngunit itinulak niya ito.\line \line \line "Huwag mo akong hawakan!
Pinagsisisihan kong nakilala kita, Gaizer! Hinding-hindi na ako aapak sa lugar na
ito kahit magdildil ako sa asin!" humihikbing sabi niya sabay bira ng talikod.\line
\line \line "Alexa, wait!" pigil nito pero nagmadali siyang lumabas. Sumakay kaagad
siya sa elevator at deretsong lumabas ng kumpanya.\line \line \line Narinig niya
ang pangalan niya sa boses ilalim ng boses ni Gaizer pero hindi siya lumingon. Nang
may huminong taxi ay sumakay kaagad siya. Sa side mirror ng taxi ay nakita niya si
Gaizer na humabol pero kaagad ding huminto. Habang unti-unti itong naglalaho sa
paningin niya at siya namang pagsigid ng kirot na nadarama niya sa kanyang puso.\
line \line \line Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha hanggang sa
humagulgol siya.\line \line \line "SORRY, puno na kami," sabi ng HR assistant ng
construction company na pinasahan ni Alexa ng kanyang resume.\line \line \line
Isang buwan na siyang walang trabaho. Minsan ay tumutulong siya sa Papa niya sa
paghahanap ng kliyente. Ayaw na rin ng Papa niya na magtrabaho sa malalaking
kumpanya. Naging independent na lang ito. Mabuti na lang bago siya nawalan ng
trabaho ay kompleto na ang materyales na kakailanganin sa pinapagawa nilang bahay.
Sinagot na ng Kuya niya ang pambabayad sa foreman at mga tauhan nito.\line \line \
line Nagtatrabaho na si Ace sa Philippine General Hospital at sa mga malalaking
private hospital. Halos ito na ang gumagastos sa lahat ng kailangan nila sa bahay.
Ayaw naman niyang umasa na lang dito kaya nagpupursige siyang makapag-apply sa
malalaking kumpanya. Dalawang kumpanya na ang tumanggi sa kanya pero hindi siya
sumusuko.\line \line \line Kailangan na niyang lumunok ng pride. Papasukin na niya
ang kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Rendel, na matagal nang gusto siyang kunin.
Nagpasa siya ng resume sa HR department. Tatawagan lang daw siya.\line \line \line
Parang lantang gulay siya pagdating sa condominium na tinutuluyan nila. Mabuti na
lang napunta kay Franco ang condominium. Hindi nagbago ang renta nila. Nasurpresa
siya pagpasok niya sa unit nila ay nadatnan niya sa sala si Franco. Nakaupo ito sa
sofa at kumakain ng pizza pie.\line \line \line Ngayon lang ulit niya ito nakita
magmula noong nagkagulo sa kumpanya. Malaki ang pinagbago ng katawan nito. Pumayat
ito nang konti pero lalong gumuwapo. Nalalaman lang niya ang update sa carer nito
dahil sa Facebook.\line \line \line "Kumusta?" tanoong niya rito. Umupo siya sa
katapat nitong sofa.\line \line \line "Heto, naghahanap ng makakausap," nakangiting
sabi nito.\line \line \line "Naiinip ka na ba sa buhay artista?"\line \line \line
Ngumisi ito. Nag-focus muna si Franco sa pagiging modelo. Pero mukhang nakabuti
rito ang desisyon dahil lalong gumanda ang carer nito.\line \line \line "Hindi ako
nag-artista. Merong offer sa akin ang isang TV network pero tinanggihan ko," sabi
nito.\line \line \line "Bakit naman? Sayang."\line \line \line "Ayaw ko ng ganoong
trabaho. Masaya na ako sa pagrampa at pag-endorsiyo ng mga produkto."\line \line \
line "Ano naman ang pinagkakaabalahan mo maliban sa pagmomodelo?" usisa niya.\line
\line \line "Nagtatayo na ako ng sarili kong construction company."\line \line \
line "Talaga?"\line \line \line "Yap. Kaya ako narito ay para abisohan ka at ang
Papa mo. Gusto ko kayong kunin ulit."\line \line \line "Wow! Pero kailan naman
magbubukas ang kumpanya mo?"\line \line \line "After six month. Pero nagsisimula na
akong kumuha ng mga kliyente. Gusto mo bang mag-part-time muna sa akin?"\line \line
\line "Sige. Pero kailangan ko ng regular na trabaho. Matagal pa namang mag-operate
ang kumpanya mo. Nag-apply ako sa JCL Construction company. Hinihintay ko na lang
ang tawag. College pa lang ako ay inimbita na nila akong magtrabaho sa kanila."\
line \line \line "Nice. Subukan mo ring magtrabaho sa kanila. Pero ipangako mong
magtatrabaho ka rin sa akin, ah?"\line \line \line "Oo ba. Ikaw pa."\line \line \
line "E kumusta ka naman ngayon?" Pagkuwan ay iniba ni Franco ang usapan.\line \
line \line Tumabang ang ngiti niya. "O-Okay lang," mabilis niyang sagot.\line \line
\line "Talaga bang hindi mo na binalikan si Gaizer?" usig nito.\line \line \line
Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Aminado siya na may namamahay pa ring sakit at
galit sa puso niya pero pinipilit niyang binabalewa.\line \line \line "Bakit ko
naman babalikan ang taong nanakit sa akin?" seryosong sagot niya.\line \line \line
"Nag-usap na ba kayo?" tanong nito.\line \line \line "Oo."\line \line \line "Mahal
mo talaga siya kaya ka nasaktan."\line \line \line Hindi niya pinansin ang sinabi
ni Franco. Naalala niya bigla ang narinig niyang pinagtalunan nito at ni Gaizer
noon tungkol sa babang nangangalang 'Selena'.\line \line \line "Sino si Selena,
Franco?" hindi natimping tanong niya.\line \line \line Hindi nito natuloy ang
paghigop sa kape nito.\line \line \line "Ah, 'yon ba? Kababata namin 'yon ni
Gaizer. Nakatira din siya noon sa Tagaytay. High school pa lang kami ay niligawan
na siya ni Gaizer hanggang sa naging sila. Pero naging malapit sa akin si Selena.
Kaklase ko kasi siya. Ahead siya kay Gaizer ng isang taon. Ganoon kapusok noon si
Gaizer. Pansinin kasi ng babae si Gaizer kaya akala ni Selena, pinapatulan ni
Gaizer ang mga babae. Nagsusumbong sa akin si Selena. Nagawan iyon ng malisya ni
Gaizer. At noong lumapit sa akin si Selena, dinamayan ko siya. Nakita kami ni
Gaizer at napag-isipan ng masama. Gustong magpaliwanag sa kanya ni Selena pero
hindi niya pinapansin. Hanggang sa nasagasaan ng kotse si Selena sa kakahabol kay
Gaizer. Dead on arrival sa ospital si Selena. Ako ang sinisi ni Gaizer sa nangyari
kaya ganoon na lang ang galit niya sa akin," kuwento ni Franco.\line \line \line
"At dahil doon kaya ka niya ginantian, tama?" aniya.\line \line \line "Oo. Inamin
naman niya. Labis-labis naman ang paghihiganting ginawa niya. Ang daming nadamay."\
line \line \line "Wala siyang kuwenta," komento niya.\line \line \line Ngumisi si
Franco. "May tao talagang nabubulag ng galit at maling akala. Pero\uc0{\u65293}"
Hindi na natapos ni Franco ang sasabihin nang biglang dumating ang Papa niya.\
line \line \line "Franco, long time no see! Kumusta ka na?" bungad ng Papa niya at
dagling nilapitan si Franco.\line \line \line Nabalewala na siya ni Franco.
Nagkakuwentuhan ang dalawa. Hindi siya makasingit kaya nagdesisyon siyang pumasok
na lamang sa kanyang kuwarto at nagbihis. Kanina pa niya gustong ihiga sa kama ang
pagod na katawan.\line \line \line Habang nakahiga siya sa kama at nakatitig sa
kisame ay dumapo sa isip niya si Gaizer. Hindi pa rin ito mawaglit sa isipan niya
kahit anong aliw niya sa kanyang sarili. Kahit nasasaktan siya sa tuwing naaalala
ito ay hindi pa rin niya mapilit ang sarili na basta na lang itong kalimutan. Lalo
lamang siyang nasasaktan habang pinipilit niyang mag-move-on.\line \line \line Nang
makapagpahinga nang kaunti ay bumangon siya at nilapitan ang kalendaryong nakasabit
sa gilid ng aparador. Noon lamang niya naalala na mahigit isang buwan na siyang
hindi dinadatnan ng dalaw bagay na hindi niya naranasan ni minsan. Regular ang
menstruation niya kaya nagtataka siya.\line \line \line Hindi siya mapakali. Ngayon
lang din niya naisip na minsan ay nahihilo siya at nasusuka. Nagki-crave sa maasim
na pagkain. Noong isang Linggo no'ng pumunta siya sa ginagawang bahay nila ay
inutusan talaga niya ang isa sa manggagawa na ikuha siya ng mangga. Bigla siyang
kinabahan.\line \line \line Nang malamang nakaalis na si Franco ay umalis siyang
walang paalam sa Papa niya. Pumunta siya sa botika at bumili ng pregnancy tester.
Itinago niya iyon. \line \line \line Kinabukasan paggising niya ay ginawa niya ang
pregnancy test. Mayamaya lamang ay nakita na niya ang resulta. Nawindang siya nang
makita ang dalawang guhit sa unang subok. Kahit inulit niya ay pareho lang ang
resulta. Positive.\line \line \line Lumuklok siya sa gilid ng kama saka hinipo ang
kanyang sinampupunan. Paano siya makakapag-move-on gayong nag-iwan ng mahalagang
alaala sa buhay niya si Gaizer?\uc0{\u160}\line \line \line \b Chapter Twenty-
two [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line \line \line \
line PASEKRETONG pumunta si Alexa sa OB-GYN para ma-confirm kung talagang buntis
siya. Kompermadong mahigit isang buwan na siyang nagdadalang-tao. Maraming payo sa
kanya ang doktor para maalagaan niya ang baby niya. Binigyan din siya ng vitamins.\
line \line \line Makalipas ang isang linggo ay nakatanggap ng invitation message si
Alexa mula sa JCL Construction company. Iniimbitahan siya para sa interview at
exam. Maaga pa lang ay nagtungo na siya sa nasabing kumpanya. Marami siyang
kasamang nag-a-apply sat iba-ibang posisyon.\line \line \line Nang siya na ang
tawagin ay dagli siyang pumasok sa opisina ng manager. Nagulat siya nang pagpasok
niya ay wala siyang ibang nakita kundi ang ex-boyfriend niyang si Rendel. Saka niya
naalala na pag-aari pala ng pamilya nito sa kumpanyang gustong pasukan.\line \
line \line Malayo pa lang ang nakangiti na ang lalaki. Umupo naman siya sa katapat
nitong silya.\line \line \line "Nice to see you again, Alexa. Kumusta ka na?"
kaswal na bati nito.\line \line \line "Ahm, okay lang," matabang niyang sagot.
Tiningnan niya ang kaliwang kamay nito na may suot na singsing sa palasingsingan. \
line \line \line Magmula noong hiniwalayan niya ito ay wala na siyang balita rito.
In-unfriend din kasi niya ito sa Facebook.\line \line \line "Bakit bigla atang
gusto mong pumasok sa JCL? Hindi ba nagtatrabaho ka sa Sta. Maria? Ano'ng nangyari
sa inyo ni Gaizer? Naging kayo ba?" magkasunod na tanong nito.\line \line \line
Hindi niya alam kung alin sa mga tanong nito ang uunahin niyang sasagutin. Hanggang
sa nairita siya.\line \line \line "Please, hindi ako nagpunta rito para usigin mo
ako tungkol sa nakaraan ko," aniya.\line \line \line Ngumisi si Rendel. "Sorry.
Parte din ng interview na malaman ko kung bakit ka umalis sa dati mong employer,"
sabi nito.\line \line \line "Magulo ang management nila kaya ako umalis."\line \
line \line "Pero si Gaizer na ang chairman ng Sta. Maria. Balita ko kinasuhan niya
ang dating vice president ng kumpanya nila na kapatid ng Daddy niya. I'm not sure
if you're connected to the issue. Hindi kasi puwede sa kumpanyang ito ang may bad
record."\line \line \line Nainis siya sa sinabi nito. "Sabihin mo na lang kung
tatanggapin mo ako o hindi, Rendel. Trabaho ang pakay ko hindi para ipalandakan ang
personal kong buhay."\line \line \line "Sige. You're hired."\line \line \line
Napamata siya. Hindi pa siya nito ini-interview nang maayos. "Walang personalan,
Rendel," aniya.\line \line \line "Alexa, you're not other person. Kilala ka ng
pamilya ko at naalala mo pa siguro na noong nag-aaral pa tayo ay nag-offer na sila
sa 'yo ng trabaho. Don't worry, wala itong halong pamimirsonal. Naka-move-on ka
naman siguro. Wala ka ring dapat ipag-alala dahil kasal na ako. Isa pa, ayaw ko
nang makalaban si Gaizer."\line \line \line Nagtaka siya sa huling sinabi nito.
"Ano'ng alam mo kay Gaizer?" tanong niya.\line \line \line "Obvious na wala ka pa
ring alam. Mag-lunch tayo sa labas mamaya. Marami akong sasabihin sa 'yo. Gusto ko
ring marinig ang kuwento mo. Kukunin ko na lang ang resume mo. Balik ka na lang sa
Monday para sa orientation," sabi nito.\line \line \line Ibinigay naman niya rito
ang kanyang resume. Binuksan naman nito ang naka-folder niyang resume.\line \line \
line "I'll call you later. Tama ba itong contact number mo na nakalagay rito?"
tanong nito pagkuwan.\line \line \line "Oo," tipid niyang sagot. Pagkuwa'y
nagpaalam na siya rito. Ngayon lang siya hindi labis na natuwa sa pagkakaroon niya
ng trabaho. Hindi siya komportable.\line \line \line Isang oras na lang alas-dose
na. Hindi na siya umalis sa JCL. Nagtambay siya sa lobby. Hinintay niya ang tawag
ni Rendel. Mamaya ay nakita niya ang lalaki na kakalabas ng elevator. Lumapit ito
sa kanya.\line \line \line "Nandiyan ka pa pala. Ano, tara na?" anito.\line \line \
line Tumayo naman siya saka sumunod dito. Lulan sila ng kotse nito habang
naghahanap ng malapit na restaurant. \line \line \line "Baka selosa ang asawa mo,"
sabi niya.\line \line \line Ngumisi ito. "Hindi. Mabait siya. Isa siyang lawyer,"
sabi nito.\line \line \line "Wow! Sinuwerte ka ata magmula noong naghiwalay tayo."\
line \line \line "Ikaw lang ang nakipaghiwalay sa akin, Alexa."\line \line \line
Matamang tinitigan niya ito. "Sinaktam mo kasi ako," sabi niya.\line \line \line
"Hindi ko naman 'yon ginusto, eh."\line \line \line "Paanong hindi mo ginusto?"\
line \line \line "Na-set-up lang ako."\line \line \line "Imposible."\line \line \
line Huminto sila sa tapat ng LJ's bar and Restaurant. Naalala pa niya ang lugar.
Doon sila madalas mamasyal noon at doon din niya pinutol ang relasyon nila ni
Rendel.\line \line \line "Bakit dito pa tayo?" angal niya.\line \line \line "Akala
ko ba naka-move-on ka na?"\line \line \line "Isinumpa ko na ang alak kaya hindi na
ako pupunta sa ganitong lugar."\line \line \line "Dahil ba nagising ka kinabukasan
sa isang hotel na hubo't-hubad?"\line \line \line Nawindang siya. Paanong alam din
ni Rendel ang nangyari sa kanya noon?\line \line \line Wala siyang choice kundi
sumama rito sa loob ng restaurant. Inukupa nila ang mesa na pangdalawahan malapit
sa counter. Nag-order kaagad si Rendel.\line \line \line "Kahit magkaaway kami noon
ni Gaizer, open pa rin siya sa pagsabi sa akin ng mga nagaganap sa buhay niya.
Siyempre dahil gusto niyang apakan ang ego ko," sabi ni Rendel habang naghihintay
sila ng order nila.\line \line \line "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.
Magkaibigan kayo ni Gaizer at hindi ko nabalitaang nag-away kayo," aniya.\line \
line \line "Hindi ka naman kasi nag-i-imbestiga. Hindi mo pa talaga lubos na kilala
si Gaizer."\line \line \line "Nakilala ko siya sa maigsing panahon na palagi kaming
magkasama," giit niya.\line \line \line "E bakit hindi mo nalaman kung gaano siya
katuso at kabaliw sa 'yo?"\line \line \line "Ano?"\line \line \line "Alexa San
Diego, sabihin mo nga sa akin bakit umalis ka sa Sta. Maria? May koneksiyon ba ito
kay Gaizer?" usig nito.\line \line \line "Ginamit niya ako at niloko kaya ko siya
nilayuan," prangkang sagot niya.\line \line \line "Imposible 'yon."\line \line \
line "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. At tama ka, tuso si Gaizer. Kaya niyang
manlinlang ng tao para makuha ang gusto niya."\line \line \line Tumawa ng pagak si
Rendel. "Wala ka lang kasing alam. Aaminin ko na sa iyo ang totoo ngayon dahil noon
ay hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Maniwala ka na hindi ko
gustong lokohin ka. Ang babaeng nakita mong kasama ko noon sa bar na ito ay hindi
ko kilala. Maniwala ka man sa hindi, binayaran ni Gaizer ang babaeng iyon para
akitin ako. Hindi ako ang nag-text sa iyo para sabihing puntahan mo ako rito. Na-
set-up niya tayong dalawa. Plano talaga niya tayong siraing dalawa," bunyag nito.\
line \line \line Nagimbal siya. "At bakit naman niya iyon ginawa?"\line \line \line
"Dahil gusto ka niyang bawiin sa akin at makapaghiganti na rin sa akin."\line \line
\line "Ano? Baliw ba siya?" aniya.\line \line \line "Oo, baliw na baliw si Gaizer.
Well, it's also my fault."\line \line \line "Hindi kita maintindihan."\line \line \
line "Kung hindi ako nagka-interes sa 'yo, malamang si Gaizer ang naging boyfriend
mo at hindi ako. Ginawa lang niya akong tulay para maiparating sa 'yo ang
nararamdaman niya. Mas nauna ka niyang nakilala kaysa sa akin. Pero hindi ko sinabi
sa kanya na gusto din kita. Mabait pa noon si Gaizer, torpe kaya ako ang inuutusan
niyang magbigbigay ng kung ano-ano sa 'yo. Lahat ng mga bagay, pagkain, bulaklak na
binigay ko sa iyo noon ay nanggaling sa kanya. Pero noong kinailangan niyang
bumalik ng Japan dahil nagkasakit ang Mommy niya, ibinilin niya sa akin na bantayan
ka at huwag hayaang maligawan ng ibang lalaki. Ako namang gago, sinulot kita sa
kanya. Itinuloy ko ang panliligaw sa iyo hanggang sa sagutin mo ako. Pagbalik ni
Gaizer ay tayo na. Akala ko naman okay lang sa kanya dahil wala siyang naging
reaksiyon, 'yon pala may masama siyang binabalak sa atin," mahabang paliwanag ni
Rendel.\line \line \line Nagimbal ang buong pagkatao ni Alexa. Maraming
pangyayaring gumugulo sa isip niya. Naalala niya ang munting bahay na gawa sa
diyaryo, na nakita niyang gumawa din si Gaizer, ang inihaw na mais mga pamilyar na
kataga mula rito. Ang mga iyon ay naranasan niya noong nakilala niya si Rendel, na
inakala pala niya na ito ang nagbibigay ng mga bagay at matatamis na mensahe sa
kanya. \line \line \line "Sorry, Alexa. Dapat noon ko pa ito sinabi kaso natatakot
din akong layuan mo ako. At hindi ko rin masisi si Gaizer sa mga nagawa niya. Alam
ko noon pa na patay na patay siya sa 'yo. Halos lahat tungkol sa 'yo ay iaalam
niya. Palagi ka niyang tinitingnan mula sa malayo, sinusundan. Pero nagbago siya
magmula noong nalaman niya na in-traidor ko siya. Pagbalik niya mula Japan ay
naging wild na siyang mag-isip. Malaki ang epekto sa kanya ng pagkabigo niya sa
'yo. Binago niyon ang buong pagkatao niya. Kaya noong nalaman ko na
nagkakamabutihan kayo ay hindi na ako nagtaka. Iyon naman talaga ang goal niya sa
buhay, ang mapaibig ka't makuha nang buong-buog. Iyon ang obsession niya sa buhay.
At hindi rin ako maniniwala sa sinabi mo na ginamit ka lang niya at niloko.
Hinding-hindi 'yon gagawin ng lalaking obsessed sa 'yo. Hahayaan ba niyang masayang
ang sakripisyo at paghihirap niya para lang makuha ka? Hindi, hindi siya papayag
nang ganoon. Kaya kung ano man 'yang nag-udyok sa 'yo para layuan siya, mali iyon,
Alexa. Mahal na mahal ka ni Gaizer, kaya imposibleng magagawa ka niyang saktan."\
line \line \line Nang mag-sink in lahat sa utak ni Alexa ang mga sinabi ni Rendel
tungkol kay Gaizer ay nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha niya. Ngayon lamang niya
napagtanto ang mga bagay-bagay na siyang dahilan kung bakit niya minahal si Gaizer.
Nilamon na siy ng guilt at inis sa sarili.\line \line \line "Bakit hindi niya
sinabi sa akin ang mga bagay na 'yon?" aniya.\line \line \line "Hindi ko alam.
Siguro natatakot lang siya na baka layuan mo siya kapag nalaman mo ang kabaliwan
niya."\line \line \line "Maraming pagkakataon na puwede niyang sabihin 'yon. Duwag
pala siya, eh. Bakit hinintay pa niyang masaktan ako sa mga maling akala?"\line \
line \line "Sandali, bakit sa akin mo itinatanong 'yan? Kausapin mo siya at
usigisin."\line \line \line "Para ano pa? Pinahirapan na niya ako."\line \line \
line "Naunahan ka lang ng galit, Alexa. Ganyan ka naman, eh. Hindi ka marunong
makinig ng paliwanag kaya ka nasasaktan. Nagkulang ka lang ng tiwala kay Gaizer.
Kung mahal mo siya, matuto kang pakinggan ang panig niya at intindihing mabuti ang
mga paliwanag niya. Marami ang nasasaktan sa maling akala."\line \line \line Hindi
na siya nakapagsalita nang dumating ang order nilang pagkain. May natitira pa rin
siyang pride sa sarili.\line \line \line "Bakit ako ang lalapit sa kanya para
hingin siyang magpaliwanag? Siya ang dapat gumawa ng hakbang kung talagang gusto
niyang bumalik ako sa kanya," aniya nang magsimula na silang kumain.\line \line \
line "Ayan ka, eh, mayaman ka sa pride. Subukan mo kayang lunukin 'yan," anito.\
line \line \line "Hindi ako tanga, Rendel."\line \line \line "Alam ko, pero ang
taong nag-uumapaw ang pride ay nagiging tanga. Kung kokonsintihin mo 'yang pride na
'yan, maraming magagandang oportunidad ang mababalewala. Gusto kong bumawi sa 'yo
kaya gusto kong ilagay ka sa masayang buhay."\line \line \line "Huwag ka nang
makialam. Pagtuunan mo na lang ng pansin ang pamilya mo."\line \line \line "Paano
ka? Magmamatigas ka pa rin ba at maghintay kung kailan lalapit sa 'yo si Gaizer?
Alalahanin mo, ikaw ang may pagkukulang sa relasyon ninyo."\line \line \line
Naiinis siya. "Sige, kampian mo ang kaibigan mo. Pareho lang kayong dalawa."\line \
line \line Ngumisi si Rendel. "Ikaw rin naman ang makikinabang dito, Alexa. Settled
na ang buhay ko kaya wala na akong dapat alalahanin. Tumatanda na tayo kaya huwag
kang mag-aksaya ng panahon."\line \line \line "Hindi ako natatakot mag-isa.
Magkaka-baby naman ako," pagyayabang niya.\line \line \line Nanlaki ang mga mata ni
Rendel. "Ibig sabihin buntis ka ngayon?" manghang untag nito.\line \line \line
"Oo," proud niyang sagot.\line \line \line Tumawa si Rendel. "Akalain mo nga naman.
Sino naman ang ama?"\line \line \line "Sira ka ba? Sino sa palagay mo?"\line \
line \line "Si Franco Sta. Maria na gusto kang pakasalan?"\line \line \line "Sira
ulo! Bakit alam mo rin ang tungkol sa kasal?"\line \line \line "Sinabi sa akin ni
Gaizer. Kaya siya aligaga noong nalamang magpapakasal ka sa pinsan niya. Kaya
ginawa daw niya ang lahat para makuha ka. Sinadya niyang akitin ka at sirain kayo
ni Franco dahil nga gusto niya sa kanya ka lang. Ganoon katindi ang pagmamahal sa
'yo ni Gaizer. Handa siyang pumatay para sa 'yo."\line \line \line "Baliw siya."\
line \line \line "Oo, baliw na baliw siya. Ewan ko ba kung ano ang pinakain mo sa
kanya kaya siya nahibang nang ganoon. Natitiyak ko na kapag nalaman niya na buntis
ka ay susugurin ka niya saan ka man magtago."\line \line \line "Dapat matagal na
niya iyong ginawa kung talagang gusto niya akong makasama. Pero hindi, hindi man
lang siya nagparamdam."\line \line \line "Paano siya magparamdam, eh halos isumpa
mo siya. Pero maniwala ka sa akin, naghihintay lang 'yon ng tamang pagkakataon."\
line \line \line "Bahala siya. Huwag kang magkakamaling sabihin sa kanya ang
tungkol sa pagbubuntis ko," babala niya rito.\line \line \line "Oo, hindi ko
sasabihin. Bahala kayong dalawa. Huwag kang ma-stress, baka mapaano ang anak mo."\
line \line \line "Oo na. Salamat."\line \line \line Ngumisi si Rendel. "Huwag mo
akong kalimutan sa kasal mo, ah?" anito.\line \line \line "Asa ka pa." Inirapan
niya ito saka itunuon sa pagkain ang atensiyon.\line \line \line Kahit papano ay
guminhawa ang pakiramdam niya. Nawala ang malaking bara sa dibdib niya matapos
malaman ang katotohanan tungkol kay Gaizer. \line \line \line Pagkatapos ng
tanghalian ay hinatid pa siya ni Rendel sa unit nila. Nadatnan na naman niya si
Franco sa sala at kausap ang Kuya niya. Naghahanda na si Ace para sa dadalhin
nilang gamit sa bahay nila sa Makati. Gusto na kasi nitong mapabasbasan ang bahay
para makalipat na sila. Matatapos na daw ngayong araw ang pagpipintura sa bahay. \
line \line \line "Gusto kong sumama sa blessing ng bahay ninyo," sabi ni Franco.\
line \line \line "Walang problema," sabi ni Ace.\line \line \line "Kaya lang hindi
kami magpapakain. Magkakatay lang kami ng puting manok para padugo," sabad niya.\
line \line \line "Christians tradition, ah. Nice. Nakalimutan ko na ang ganoong
gawain. Gusto kong ma-witness ang ribbon cutting. May ganoon pa ba?" ani Franco.\
line \line \line "Siyempre," sagot ni Ace.\line \line \line Bilib talaga si Alexa
sa Kuya niya. Daig pa nito ang babae kung mag-prepare ng mga gamit. Nang umalis si
Ace ay naiwan silang dalawa ni Franco
sa sala. Magkatabi silang nakaupo sa sofa. Tinulungan siya nito sa paglalagay ng
mga barya sa garapon. Gagamitin daw iyon sa blessing bukas.\line \line \line "Ang
daming nalalaman ni Ace. Sana nag-pari na lang siya," ani Franco.\line \line \line
"Excuse me, si Kuya magpapari? Nanonood nga 'yon ng mga erotic movies," aniya.\line
\line \line Tumawa si Franco. "Pero totoo bang buntis ka?" bigla'y tanong ni
Franco.\line \line \line Natigilan siya. Nagtatakang tinitigan niya ito.\line \line
\line "Sino'ng nagsabi sa 'yo?" tanong niya.\line \line \line "Si Ace. Nakita daw
niya ang ultrasound result mo sa kuwarto mo."\line \line \line Bigla siyang
kinabahan. "Ahm, a-anong reaksiyon ni Kuya? Galit ba siya?"\line \line \line
"Hindi. Masaya siya. Sinabi ko sa kanya na hindi ako ang ama kundi si Gaizer. Hindi
naman siya nagalit. Gusto lang daw niyang kausapin si Gaizer at hingin ang sustento
para sa bata kung ayaw kang pakasalan."\line \line \line "Ano? Sinabi n'ya 'yon?"
Kinilabutan siya.\line \line \line "Oo. Susugurin daw niya si Gaizer pagkatapos ng
blessing ng bahay ninyo."\line \line \line Nataranta siya. "Hindi puwede. Bakit ba
siya nakikialam?" aniya.\line \line \line "Siyempre, Kuya siya," sabi ni Franco.\
line \line \line Nang bumalik si Ace ay nilapitan niya ito. "Kuya, sorry kung
naglihim ako. Pero huwag kang mag-alala, ako ang kakausap kay Gaizer," sabi niya
rito na puno ng pangamba ang puso.\line \line \line Tumikwas ang isang kilay ni
Ace. "Huwag mo akong paniwalain na kaya mong kausapin si Gaizer," sabi nito.\line \
line \line "Promise, gagawin ko. Pabayaan mo akong ayusin ang problema namin."\line
\line \line "Aayusin mo? So gusto mo rin palang balikan siya."\line \line \line
"Ha? Ano, kuwan..."\line \line \line "Come on, Alexa. Huwag mo nang pahirapan ang
sarili mo. Alam din ni Franco na mahal ka ni Gaizer."\line \line \line Napatingin
siya kay Franco. Tumayo ito at nakisawsaw sa usapan nila. "Tama siya, Alexa. Inamin
sa akin noon ni Gaizer na totoong ginamit ka niya para gantian ako at sirain ang
relasyon natin. Pero ang totoong dahilan niya, gusto ka talaga niyang makuha sa
akin kaya ka niya inakit at pinaibig. Inamin niya sa akin na bago ka pa napunta sa
Sta. Maria ay kilala ka niya at matagal ka na niyang iniibig. Hindi rin iyon dahil
kay Selena. Puppy love lang niya si Selena. Ganoon lang talaga si Gaizer, kapag
nagagalit, inuungkat lahat ng nakaraan kahit naka-move-on na siya. Ugali talaga
niya 'yon. Mas matindi ang pag-aasam niya na makuha ka sa akin kaysa sa mana. Kaya
hindi ko na siya pinatulan noon dahil wala rin akong laban. Mahirap siyang kalaban.
Kaya nagtataka rin ako bakit nagkalabuan na kayo. Hindi naman kita ipapaubaya sa
kanya kung alam kong sasaktan ka lang niya. Nasira lang talaga ang matinong utak ni
Gaizer dahil sa mga pasakit niya sa buhay at kabiguan kung ano pa 'yon," paliwanag
ni Franco.\line \line \line Ano pa nga ba ang magagawa niya? Pinagtulungan siya ng
mga ito. Katulad din ang mga ito ni Rendel. Bumuntong-hininga siya.\line \line \
line "Salamat sa inyo pero hayaan n'yo akong magdesisyon," sabi niya.\line \line \
line "Pero once nagpakatanga ka na naman, ako na ang magde-desisyon," hamon ni
Ace.\line \line \line "I'm agree with Ace. This time, kailangan mo ring makinig sa
opinyon ng iba, Alexa," gatong ni Franco.\line \line \line "Oo na. Tama na kayo."
Tinalikuran niya ang mga ito. Pumasok siya sa kanyang kuwarto.\line \line \line
Lumuklok siya sa gilid ng kama saka hinaplos ang kanyang sinsampupunan. Naramdaman
niya na may gumagalaw sa loob. Napangiti siya.\line \line \line \b Chapter
Twenty-three (Final) [Obsession 1, Owning Her (Comp...] \b0 \line \line \line
\line \line \line NAG-STALK si Gaizer sa Facebook profile ni Alexa. Matapos siya
nitong in-unfriend ay hindi siya nag-friend request dito. Baka lalo lang itong
magalit sa kanya. Naiinis pa rin siya sa kanyang sarili dahil napabayaan niya ang
dalaga dahil sa mana. Nakita niya ang mga kaka-upload na picture ni Alexa.\line \
line \line Tapos na pala ang bahay na pinapagawa ng pamilya nito. Pamilyar sa kanya
ang design. Bagamana may pagkakaiba pero kilala niya ang style ng entrada at second
floor. Original style niya iyon. Ganoon din ang pinagawa niyang bahay sa Tagaytay,
sa private lot niya na sakop din ng farmland pero sinadya niyang inihiwalay para
lang sa future wife niya. Binili niya ang six hundred square meters lot sa Lolo
niya noong binigyan siya ng Mommy niya ng allowance na one million pesos. Dream
house niya iyon para sa babaeng mahal niya. Para kay Alexa.\line \line \line
Naiinis siya nang makitang kasama ng dalaga sa picture ang hilaw niyang karebal.
Kasama pa talaga sa blessing ng bahay ang dalawa. Mukhang masaya naman ang dalaga.
Hindi niya ito matiyempuhan. Lalo siyang nainis nang malamang nag-apply si Alexa sa
kumpanya nila Rendel. Kaya kagabi pa lang ay nai-chat niya si Rendel at sinabing
huwag tanggapin si Alexa. Gusto niyang gipitin ang dalawa para lunukin nito ang
pride para bumalik ito sa kanya. Lahat ng malalaking construction company na kilala
niya ang may-ari ay kinausap niya at sinabing huwag tanggapin si Alexa San Diego
sakaling mag-apply ito. Hindi naman niya siniraan ang dalaga. Idinahilan lang niya
na nagtatampo lang ito sa kanya kaya ito lumayas.\line \line \line Nasisiraan na
siya ng bait sa kakaisip ng paraan kung paano niya maibalik ang dalaga sa piling
niya. Nang ayaw siyang tantanan ng stress ay nagpasya siyang magpalamig muna sa
Tagaytay.\line \line \line Sabado ng gabi ay bumiyahe si Gaizer patungong Tagaytay.
Nagpalipas siya ng gabi sa dream house niya. Bumili na rin siya ng mga bagong gamit
para doon. Last year pa iyong natapos.\line \line \line Kinabukasan ay nagtungo
siya sa merkado at bumili ng bulaklak at kandila para dadalhin niya sa puntod ng
Lolo niya't ama. Bago siya pumantang burol ay tumambay muna siya sa mansiyon.
Matagal-tagal ring hindi sila nakapag-usap ni Lola Amara. Nadatnan niya itong
nakaupo sa wheel chair nito sa hardin at pinapanood ang mga ibong dumadapo sa mga
halaman.\line \line \line Bumili din siya ng puting rosas para rito. Hindi nito
namalayan ang pagdating niya. Nagulat na lang ito nang bigla siyang sumulpot sa
harapan nito.\line \line \line "Apo!" bulalas nito.\line \line \line "Kumusta ka,
Lola?" aniya.\line \line \line Napaiyak ang matanda. "Diyos ko, salamat at naisipan
mong dalawin ako," anito.\line \line \line Niyakap niya ito ng mahigpit. Pagkuwa'y
ibinigay niya rito ang bulaklak. Hinalikan siya nito sa noo. Lumuklok siya sa silya
na inilipat niya sa harapan nito. Ayaw nitong bitawan ang mga kamay niya.\line \
line \line "Patawarin mo ako, apo. Marami akong pagkukulang sa 'yo at sa Mommy mo.
Kasalanan ko kung bakit natagalang napunta sa 'yo ang kumpanya ng Lolo mo," sabi
nito.\line \line \line Kumunot ang noo niya. "Ano po ang ibig n'yong sabihin?"\line
\line \line "Noong namatay ang Lolo mo, kinuha ko kay Atty. Sandoval ang Last Will
and Testament na pinagawa niya pati ang video. Itinago ko iyon para hindi masaktan
si Roger sa naging desisyon ng Lolo mo. Naaawa kasi ako kay Roger. Ayaw kong
masayang ang paghihirap niya," bunyag nito.\line \line \line "Kayo ang nagtago ng
Last Will ni Lolo?" manghang untag niya.\line \line \line "Oo. Pero napagpasyahan
ko na noong ibalik iyon dahil nalaman ko na nagkakagulo na kayo. Pero may kumuha
niyon sa kuwarto ko."\line \line \line "Ano? Hindi kayo ang naglagay ng files sa
kotse ko? Sino?"\line \line \line "May suspetsa ako. Noong gabi bago ko nalamang
nawawala ang isang kopya ng Last Will at ang video, walang ibang pumasok sa
extension ng kuwarto ko kundi si Alexa. Naalala ko kasi ibinalik niya ang hiniram
niyang damit ko at mga alahas. Walang ibang nakakapasok doon kahit si Kristel.
Pinagkatiwalaan ko siya kasi nga mabait siyang bata at magiging kasapi din siya ng
pamilya natin. Sa palagay ko siya ang nagbigay sa 'yo ng papeles."\line \line \line
Nawindang siya. Hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ni Alexa. "Hindi po personal
na binigay sa akin ni Alexa ang papeles. Iniwan lang niya iyon sa kotse ko,"
aniya.\line \line \line Naisip niya. Baka gusto na ring makalaya ng dalaga sa gulo
ng pamilya niya kaya nito iyon nagawa.\line \line \line "Pero mas mabuti na ring
ginawa iyon ni Alexa. Naging maayos din ang lahat," sabi ni Lola Amara.\line \
line \line "Opo. Pero patawad dahil naidiin ko si Tito Roger sa kasalanan niya,"
aniya.\line \line \line "Hindi kita masisisi, Apo. Ako man ay nagulat sa mga
ginawang pagnanakaw ni Roger sa kumpanya. Kung talagang nagkasala siya, nararapat
lang siyang maparusahan."\line \line \line "Pero hindi ko na po itinuloy ang
kaso."\line \line \line Namilog ang mga mata ni Lola Amara. "Apo..."\line \line \
line "Naisip ko na wala rin namang mangyayari kung ipapakulong ko si Tito Roger.
Hindi siya malaking kawalan sa kumpanya. Masisira lang lalo ang reputasyon ng
pamilya natin kung magpatuloy ang sigalot sa pagitan namin."\line \line \line "Apo
ko, salamat naman at nagawa mong magpatawad. Naniniwala ako na busilak ang iyong
kalooban. Pagpapalain ka ng Diyos. Nawa'y lahat ng hilingin mo sa kanya ay
maisasakatuparan," masiglang sabi nito.\line \line \line "Sana nga po, Lola. Wala
akong ibang hiling ngayon kundi ang ibalik Niya sa akin ang babaeng mahal ko."\line
\line \line "Mababalik siya sa 'yo, Apo, magtiwala ka lang."\line \line \line
Ngumisi siya saka tumayo. "Hindi po ako tumitigil sa pag-asang babalik siya."\
line \line \line "Mabuti kang lalaki kaya nararapat lang na mabigyan ka ng babaeng
magmamahal sa iyo ng buong puso."\line \line \line "Salamat, Lola. Aalis na po ako.
Pupunta pa ako sa burol. Dadalawin ko ang puntod ni Lola at Daddy," paalam niya.\
line \line \line "Sige, apo. Bumalik ka lang dito kapag gusto mo ng kausap. Ikaw
naman ang may-ari nitong farm kaya kahit anong oras mo gustong pumunta rito ay
welcome ka," sabi nito.\line \line \line "Opo." Humalik siya sa
pisngi nito saka lumisan.\line \line \line Pagdating niya sa pundot ng mga yumao
niyang mahal sa buhay ay nag-alay siya ng taimtim na dasal. Pagkatapos ay inilabas
niya ang kanyang saloobin habang nakatayo sa pagitan ng puntod ng Lolo at Daddy
niya.\line \line \line "Dad, Lo, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga
pagkukulang ko. Salamat at pinagkatiwalaan ninyo ako. Ipinapangako ko na aalagaan
ko ang kumpanya at lahat ng ari-ariang iniwan n'yo sa akin. Dad, pangako ko sa 'yo,
aalagaan at poprotektahan ko ang mahal ko sa buhay. Magiging mabuti po akong
lalaki. Salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo at pagmamahal para sa akin. Mahal na
mahal ko po kayo," madamdaming pahayag niya.\line \line \line Pagkuwa'y nagdesisyon
na siyang umalis. Papasok na siya sa kanyang kotse nang napansin niya ang tricycle
na papasok sa malaking tarangkahan ng farm may limang dipa ang layo sa kinaroroonan
niya. Nakatutok ang paningin niya sa babaeng sakay ng tricycle.\line \line \line
"Alexa?" sambit niya.\line \line \line Hindi siya nagdalawang-isip sa kanyang
nakita. Nagbago ang isip niya. Hindi na muna siya uuwi.\line \line \line INIHATID
si Alexa ng tricycle sa mismong tapat ng mansiyon. Binayaran niya ito ng doble para
lang hindi siya maglakad papasok. Noong isang araw pa siya kinukulit ni Franco na
dalawin niya si Lola Amara. Gusto daw siyang makita ng matanda. Dapat ay kasama
niya si Franco sa pagpunta roon pero kinailangang pumunta ng binata sa studio ng
mga ito para sa rehearsal ng fashion show.\line \line \line May baon siyang damit
dahil balak niyang mag-over-night doon. Nasalubong niya sa garahe si Lola Amara na
tulak-tulak ni Kristel. Nasupresa ito nang makita siya.\line \line \line "Alexa,
hija!" bulalas nito.\line \line \line Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.
Kumuha ng silya si Kristel saka ibinigay sa kanya. Pagkuwa'y iniwan sila ito. Umupo
siya sa harapan ni Lola Amara.\line \line \line "Kumusta po kayo?" nasasabik na
tanong niya rito.\line \line \line "Heto, naiinip dahil wala kayo. Hindi mo ba
kasama si Franco?"\line \line \line "Hindi po. Busy siya."\line \line \line "Palagi
na lang siyang busy. E kumusta ka naman?"\line \line \line "Okay lang po. Ahm,
sinabi na po ba sa inyo ni Franco tungkol sa hindi natuloy na kasal namin?"\line \
line \line "Oo naikuwento niya sa akin. Inamin din niya na si Gaizer naman talaga
ang mahal mo."\line \line \line Nawindang siya. "Talagang sinabi niya 'yon?"
aniya.\line \line \line Tumango ang matanda. Naalala niya ang kasalanan niya rito.
Hinawakan niya ang mga kamay nito.\line \line \line "Lola, may kasalan po ako sa
inyo," sabi niya.\line \line \line "Ano 'yon?"\line \line \line "Kinuha ko po ang
Last\uc0{\u65293}"\line \line \line "Sss. Alam ko 'yon. Alam kong ikaw ang kumuha.
Huwag kang mag-alala, hindi ako nagalit. Katunayan ay nagpapasalamat ako dahil ikaw
na ang gumawa ng paraan. Matagal ko na sana iyong balak ibalik pero hindi ako
nagkaroon ng pagkakataon. Kaya nagpapasalamat ako sa iyo," anito.\line \line \line
"Pero bakit po ninyo itinago 'yon?"\line \line \line "Hindi kasi ako naging masaya
sa desisyon ni Lucio. Nasaktan ako para kay Roger. Kaya naisip ko na itago ang Last
Will niya para ang pagbasehan na lang ay yaong naunang video. Pero hindi ko akalain
na mas magkakagulo pala. Ayaw kong maging masama si Roger dahil sa pag-asam ng
mana. Ayaw ko ring madismaya siya sa desisyon ni Lucio. Malaking tulong ang hakbang
na ginawa mo, hija. Naging maayos ang problema."\line \line \line Ngumiti siya.
"Salamat po, Lola. Sana nga po ay magtuloy-tuloy na ang kaaayusan ng pamilya
n'yo."\line \line \line "Sana nga, apo. Sandali, hindi ba kayo nagkasalubong ni
Gaizer sa daan?" pagkuwa'y wika nito.\line \line \line "Ho?" \line \line \line
Naudlot ang usapan nila nang may dumating na pamilyar na itim na kotse. Huminto ito
sa tapat nila. Hindi pa man nakakababa ang driver ay kumakabog na ang dibdib ni
Alexa.\line \line \line "O, ayan pala si Gaizer. Mabuti bumalik siya," sabi ni Lola
Amara.\line \line \line Lalo lamang tumulin ang tibok ng puso ni Alexa. Napatayo
siya saka humarap sa sasakyang bumukas ang pinto sa driver seat. Isang paa pa lang
ang bumaba ay parang hinahalukay na ang dibdib niya.\line \line \line Nang tuluyang
lumitaw ang bulto ni Gaizer suot ang itim na T-shirt na hapit sa katawan nito at
itim na maong pants, ay hindi na maawat sa pagsilakbo ang puso niya. Naramdaman
niya ang pagkalam ng sinampupunan niya. Tila ramdam din ng baby niya ang kanyang
nararamdamang pananabik.\line \line \line Itinaas ni Gaizer sa ulo nito ang suot na
sunglasses. Pagkuwa'y humakbang ito palapit sa kanila.\line \line \line "Bakit
bumalik ka, apo?" tanong rito ni Lola Amara.\line \line \line "May nakalimutan po
ako. Nakalimutan ko ang laman ng puso ko," pilyong sabi nito.\line \line \line
Natawa ang matanda. Pagkuwa'y nagpaalam si Lola Amara na papasok na sa kabahayan
dahil iinom pa ng gamot.\line \line \line Pakiramdam ni Alexa ay inaapuyan ang
buong katawan niya habang pilit iniiwasan ang mainit na titig sa kanya ni Gaizer.\
line \line \line "Parang lumulubo ka ata," komento nito habang sinusuyod ng tingin
ang kabuoan niya.\line \line \line Nagsuot na siya ng maluwag na pulang blouse at
stretchable na leggings dahil masikip na ang ibang damit niya. Humugot siya ng
malalim na hininga.\line \line \line "Lumakas akong kumain," sagot niya.\line \line
\line Tumawa ng pagak ang binata. "Lumakas kumain o baka naman dalawa na kayo ang
nakikinabang sa pagkain kaya domuble ang kain mo," tumbok nito.\line \line \line
Malakas talaga makiramdam ang hudyong ito. Tinalikuran niya ito. Naglakad siya
patungo sa pampang ng dagat. Humabol naman ito kaagad.\line \line \line "Sandali!
Huwag ka masyadong magbilad sa araw!" pasigaw na sabi nito.\line \line \line
Huminto siya sa native cottage. Hiningal kaagad siya. Mabilis itong nakahabol.
Huminto ito sa harapan niya.\line \line \line "Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong
nito. \line \line \line Hindi siya sumagot. Nakahalukipkip siya habang pilit
iniiwasan ang titig nito.\line \line \line "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang
ikinagagalit mo. I think you're just paranoid. Kung ano man 'yong dahilan kung
bakit ka nagagalit, wala iyong katuturan. Hindi mo man lang ako binigyan ng
pagkakataong magpaliwanag. Kung nasaktan ka, kasalanan mo 'yon. Alam ko sa sarili
ko na wala akong ginawang ikasasama mo at\uc0{\u65293}"\line \line \line "Puwede ba
tama na!" Sinupalpal na niya ito.\line \line \line "Then what? Tell me what's
wrong?"\line \line \line "Ang dami mong mali, hindi mo alam?" mataray na sabi
niya.\line \line \line "Fine. I admit. Since I found you, I know I made mistake.
Pero, Alexa, lahat ng ginawa kong masama o mabuti, iyon ay dahil mahal kita."\
line \line \line "Ang totoo, duwag ka, torpe!"\line \line \line "Oo na, tama ka!
That's the real me! But I changed, iyon ay dahil sawa na akong naaagawan!"\line \
line \line "Alam ko, Gaizer. Sinabi sa akin ni Rendel ang kabaliwan mo."\line \line
\line "Finally, he did," pilyong sabi nito ay namaywang.\line \line \line "Na dapat
ay ikaw ang gumawa pero hindi kasi duwag ka," giit niya rito.\line \line \line
Ibinaba nito ang mga kamay. "But you can't blame me. I-I'm sorry for what I did. I
just love you, Alexa. I love you."\line \line \line Binalot ng galak ang kanyang
puso. Wala na ang galit na minsang namahay sa puso niya. Ang gusto lang niya sa
ngayon ay makaharap ang totoong si Gaizer. Tumitig siya deretso sa mga mata nito
nang ikulong nito sa mga kamay ang kanyang mukha.\line \line \line "Alam mo, kahit
nakuha ko na lahat ng mana mula kay Lolo, o kahit pa nanalo ako sa lahat ng
ipinaglalaban ko, kulang iyon dahil wala ka. Ikaw ang humubog sa pagkatao ko para
maging matapang at matutong lumaban. Magmula noong napunta ka kay Rendel,
ipinangako ko sa sarili ko na hindi matatahimik ang buhay ko hanggat hindi kita
nakukuha. Ipinangako ko na walang ibang lalaking mag-mamay-ari sa iyo kundi ako
lang. Kaya nong nagtagumpay ako na makuha ang loob mo, ang saya-saya ko. Noong
panahong alam ko na napaibig na kita, nagdesisyon ako na talikuran ang mana pero
umayon pa rin sa akin ang pagkakataon. Ako pa rin ang nanalo. Kaya nagpapasalamat
ako sa 'yo, Alexa. Kahit papano, inaalala mo pa rin ako. Sorry sa lahat ng
pagkukulang ko at sa mga nagawa kong nakasakit sa 'yo. Wala akong ibang hiniling
kundi ang makasama ka habang-buhay," madamdaming pahayag nito.\line \line \line
Nasilayan niya ang maninipis nitong luha na naglalandas sa makinis nitong pisngi.\
line \line \line Hinayaan niyang lumaya rin ang kanyang mga luha. Hinaplos niya ang
pinsig nito. "Naintindihan kita, Gaizer. Kahit anong takwil ko sa 'yo o kahit
sabihin kong lalayuan kita, nagawa ko pero mahirap, masakit. Alam ko sa sarili ko
na hindi ko kayang mawala ka pero nagmatigas ako dahil akala ko, hindi mo ako
kayang mahalin nang buong katulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Pero nagkamali ako.
Hindi dapat kita hinusgahan. Ako dapat ang humingi ng sorry sa 'yo. Ako ang
nagkamali at nagkulang."\line \line \line "Tama na. Huwag na tayong magsisihan.
Huwag ka masyadong ma-stress baka maapektuhan ang baby natin."\line \line \line
Nagulat siya. Seryoso ba ito'ng alam nito na buntis siya? Ibinaba niya ang mga
kamay sa balikat nito.\line \line \line "Sinabi ba sa 'yo ni Rendel ang tungkol sa
akin?" aniya.\line \line \line Ngumisi ito. "Hindi. Ramdam ko lang. Hindi ako
katulad ng ibang lalaki na magaling sa kama pero hindi marunong mag-timing. Alam ko
kung kailan ko gustong magkaanak," anito.\line \line \line "Ano'ng alam mo sa
production?"\line \line \line "Hindi ako mangmang na lalaki. Inalam ko lahat ng
estilo sa kama kaya dapat alam ko rin kung kailan o paano bumuo ng bata. Huwag ka
ngang magpaka-inosente d'yan. Pareho nating alam 'yon. Magdadalawang-buwan na 'yang
baby ko, ano?" hula nito.\line \line \line Napangiti siya. Ang husay alaga ng
lalaking napili niya. "Alam mo rin?" aniya.\line
\line \line "Siyempre, alam ko kung kailan tayo nagtagpo sa langit."\line \line \
line Inilingkis niya ang mga kamay sa batok nito. Inilapit naman nito ang mukha sa
kanyang mukha.\line \line \line "Thank you sa lahat. Sa paghanga at pagmamahal mong
puno ng kabaliwan. Proud ako sa sarili ko dahil may katulad mong nagmamahal sa akin
nang higit pa sa sarili ko. Kaya kulang ang salitang mahal kita para mapantayan ko
ang pagmamahal mo sa akin," masuyong sabi niya.\line \line \line "Ano ka ba?
Obligasyon kong mahalin ka kaya wala dapat iyong limitasyon at hindi kailangang
humingi ako ng higit pa roon. Sapat nang minahal mo ako pabalik at ibinigay mo sa
akin ang kaligayahang matagal ko nang inaasam."\line \line \line "Siga na. Ikaw na
ang magaling."\line \line \line Tumawa ito. Pagkuwa'y pinaghinang nito ang kanilang
mga labi. Tumagal ang halik na iyon na puno ng pananabik at pagmamahal.\line \
line \line "May surpresa ako sa 'yo," sabi ni Gaizer nang maghiwalay ang mga labi
nila.\line \line \line "Ano 'yon?" \line \line \line "Mamaya. Pipiringan ko muna
ang mga mata mo."\line \line \line Naglabas ito ng panyo. Pumayag naman siya sa
pakulo nito. Piniringan nito ang mga mata niya. Pagkuwa'y inalalayan siya nito sa
paglalakad. Naramdaman niyang isinakay siya nito sa kotse.\line \line \line "Saan
tayo pupunta?" tanong niya nang tumatakbo na ang sasakyan.\line \line \line
"Secret. Surprise nga 'di ba?" anito.\line \line \line Tumahimik na lamang siya.
Huminto ang sasakyan nang may ilang minuto. Lumabas si Gaizer at may katagalan bago
nakabalik. Masunurin siya kaya hindi niya inalis ang piring sa mga mata niya.\
line \line \line Mamaya ay nakabalik na si Gaizer at binuhay muli ang makina ng
sasakyan. Bumibiyahe na ulit sila. Wala siyang ideya kung nasaa na sila. Makalipas
ang tatlong minutong biyahe ay huminto na naman sila. Sa pagkakataong iyon ay
iginiya na siya nito pababa ng sasakyan. Naglakad sila ng ilang hakbang. \line \
line \line "Here we are," sabi nito nang huminto sila. Inaalis na nito ang piring
sa mga mata niya.\line \line \line Pagmulat niya ng mga mata ay napamata siya nang
makita sa harapan niya ang pamilyar na dalawang palapag na bahay. Wala itong
pinagkaiba sa estilo ng munting bahay na binigay mismo sa kanya ni Gaizer, at ang
ibinigay din nito noon na idinaan kay Rendel, at sana'y desinyo rin ng bahay nila
sa Makati pero dahil sa galit kaya niya pinabago ang ilang parte.\line \line \line
"Sandali, ito 'yong bahay na ginawa mo, 'di ba?" aniya.\line \line \line Nakatayo
sa tabi niya ang binata. "Yap. 'Yan ang dream house ko para sa 'yo. Last year pa
itong natapos. Dapat nga kung hindi ka lumayo ay naiuwi na kita rito. Gusto ko dito
ka titira kasama ko at ng magiging anak natin."\line \line \line Napaluha siya sa
galak. Nang harapin niya si Gaizer ay nagulat siya nang makitang nakaluhod na ito
sa harapan niya. May hawak itong munting pulang kaheta na may lamang magarang
singsing.\line \line \line "G-Gaizer..." \line \line \line "Alexa, please marry me.
I don't want to ask you if you want. Marry me if you say no, I will die," sabi
nito.\line \line \line "Sira ulo. Tumayo ka nga d'yan."\line \line \line "Hindi ako
tatayo hanggang hindi mo sinasabing papakasalan mo ako."\line \line \line Natawa
siya. Pero patuloy sa pagdaloy ang kanyang luha udyok ng kaligayahan.\line \line \
line "Ano ka ba naman. Sa palagay mo makakaya kong tanggihan ang tatay ng anak ko?
Oo na, papakasalan kita basta tumayo ka na," aniya.\line \line \line Dagli naman
itong tumayo. "Oh, thanks. I love you!" anito at biglang siniil ng halik ang
kanyang mga labi. Mabilis naman siyang tumugon.\line \line \line Pagkuwa'y ipinasok
nito sa kanyang palasingsingan ang singsing at masuyong hinagkan ang kanyang kamay.
Iginiya siya nito papasok sa dream house nito para sa kanya.\line \line \line
"Gusto ko ng pink motif para sa kasal," sabi niya.\line \line \line "Sure, whatever
you want. Basta sa Japan ang honeymoon. Saktong winter 'yon kaya siguradong mag-e-
enjoy tayo."\line \line \line Tumawa siya. Alam na niya ang mangyayari. Plano
nilang magpakasal sa simbahan pagkapanganak niya. Pero next month ay magpapakasal
sila sa huwis.\line \line \line The End\line \line \line }

You might also like