You are on page 1of 31

ANG INTERNET BILANG

ESPASYONG PULITIKAL SA
PILIPINAS: PAKIKILAHOK,
PAMAMAHALA, AT
PROTESTA SA CYBERSPACE
ni Carl Marc Lazaro Ramota
 Hindi maitatanggi na pinawi ng internet ang mga puwang
ng mga tao, kasama na rin ang tradisyonal na pagtingin sa espasyo.
Nagbibigay ito ng lunan para sa sabayang pakikisalamuha, bahaginan, at
pagkilos (Levy 106)
 Nagsimula ang internet sa militar, mga pribadong negosyo at mga network ng
pamahalaan, partikular na sa Estados Unidos at Gran Britanya, para sa
pagsusulong ng kani-kaniyang mga interes.
 Patuloy ang pagdaluyong ng makabagong teknolohiya at ang paglipat sa cloud
computing na higit na mura at pinadali para sa lahat.
Binibigyang-kapangyarihan din nito ang indibidwal at mga grupo sa
pamamagitan ng pagiging bahagi sa isang pandaigdigang komunidad, ang world
wide web, kung saan maaari silang maging aktibong kabahagi sa halip na
ordinaryo at pasibong tagatanggap.
 Sa ganitong tagpo, itinuturing ng marami ang internet bilang isang demokratiko
at desentralisadong midyum na tuluyang bumago sa mismong pagtingin ng tao
sa daigdig.
 Habanglumalawak ang saklaw ng internet, tumataas din ang
kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan sa mga
nagaganap na pakikibaka sa iba’t ibang panig ng mundo.
 Sa
mga nakalipas ding taon, nagkaroon ng mas malawak at
mahalagang papel ang internet sa mga kilusang masa.
 Samantala, ang mga NGO naman ay bahagi ng organisadong
buhay panlipunan na boluntaryo, nagsasarili o nakaasa sa sarili,
hiwalay sa direktang kontrol ng estado at pinagbubuklod ng
isang kaayusang legal o balangkas ng mga alituntunin. Isa itong
halimbawa ng kolektibong pagkilos ng mamamayan sa
pampublikong espasyo upang ipahayag ang kanilang interes,
saloobin, ideya, makapagbahagi ng kaalaman, kamtin ang mga
parehong layunin, makapaghapag ng mga panukala sa estado,
at papanagutin ang mga opisyal ng estado (Diamond 153).
 Samadaling sabi, ang kanilang gawain ay nakapaloob sa
mga hangganan ng estado at nakatuon sa pagpapabuti ng
kalagayan ng lipunan at pagtutulak sa pamahalaan na
resolbahin ang mahahalagang usapin ukol dito.
 Sapamamagitan ng internet, naging posible ang konsepto
ng pagkakaroon ng mga pandaigdigang kilusang masa na
sabayang nagsasagawa ng sama-samang pagkilos sa kani-
kaniyang teritoryo.
 Nagsilbing organisasyonal na instrumento ang internet sa
pagbibigay-mukha nito sa daluyong ng disgusto ng
mamamayan at mismong aktuwalisasyon ng mga pagkilos.
Ang samu’t saring kaalaman at espasyong ibinibigay ng
internet ay nakapang-aanyaya at mainam para sa mga
diskursong politikal.
ANG INTERNET
BILANG BAGONG
LARANGAN NG
DISKURSONG
POLITIKAL
 Ang internet, dahil na rin sa kakaibang katangian nito bilang isang
pangmadlang midyum at espasyong pangkomunikasyon, ay
nagbibigay ng oportunidad at mainam para sa mga diskursong politikal
na hindi posible sa tradisyonal na midya tulad ng mga peryodiko at
broadcast. Isang kritikal na katangian ng internet ay ang pagiging baul
nito ng kaalaman at impormasyon na nakasalansan sa digital format.
 Ang mga katangiang ito ang nagtulak sa maraming dalubhasa na
tingnan ang internet at ang potensiyal nito na bumuo at palawakin
ang isang “pampublikong espasyo” sa tradisyon ni Habermas – isang
“shared space” o maraming shared spaces kung saan nagaganap ang
malaya at tuloy-tuloy na palitan ng impormasyon at mga ideya at
nagbubunga ng politikal na kaisahan (Dahlgren 147).
 Karamihansa mga naging pag-aaral sa internet, blogs at iba pang
porma ng social media ay mula sa mga kanluraning demokrasya kung
saan masaklaw ang access sa internet at matibay nang nakapunla ang
mga demokratikong institusyon.
ANG PAMPUBLIKONG
LARANGAN AT ANG
INTERNET SA
PAPAUNLAD NA
DAIGDIG

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA


 Nakabatay ang panukala ni Habermas ukol sa liberal-
burgis na pampublikong espasyo sa panahon ng
Enlightenment sa Europa.
 Ipinaliwanag
ni Habermas ang konsepto
ng “communicative action” bilang isang
mahalagang rekisito sa isang lehitimo at
sustenableng demokrasya sa mga huling kapitalistang
lipunan.
 Kaugnay nito ay ang usapin ng “digital divide” na isa
sa mga pangunahing balangkas na ginagamit sa
pagsusuri ng epekto ng internet sa antas ng
demokrasya.
 Kung ang teknolohiya ay hindi nakaaabot sa marami at
kung marami sa populasyon ay walang teknikal
na kakayahang gamitin ito para sa debateng politikal at
mobilisasyon, maaari bang sabihin na wala itong
demokratikong halaga?
 Una, maaaring tingnan ang mga katanungang ito sa
ganitong paraan: Maraming pananaliksik ang nagsasabi ng
pagiging atrasado ng diskursong politikal sa mga masasaklaw
na teknolohiya tulad ng telebisyon.
 Pangalawa, ipinupunto ni Habermas ang pagkakaroon ng
maramihang impormal na diskusyon hinggil sa mga
pampublikong usapin bilang sentral na katangian ng isang
demokratikong pampublikong larangan.
 Maaaring sabihin na bagama’t ang pangkalahatang access sa mga
teknolohiyang pangkomunikasyon tulad ng internet ay isang layunin para sa
mga bansang nasa proseso ng demokratisasyon,

1) Hindi ito kagyat na matutugunan dahil na rin sa


kasalukuyang sosyo ekonomikong realidad;

2) Hindi ito tuwirang magreresulta sa isang mayaman at


sustentibong pampublikong diskurso;

3) Hindi ito absolutong rekisito para magkaroon ang


teknolohiya ng impluwensiya sa proseso ng
demokratisasyon.
BAKIT BLOGS AT
SOCIAL MEDIA?

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


Relatibong
bago ang blog bilang isang online platform na naging popular sa
ikalawang bahagi ng unang dekada ng kasalukuyang milenyo
at nagpapatuloy ito katuwang ang iba pang porma ng social media.
Pangunahing katangian ng mga blog ang:
1) timeliness kung saan regular at bago ang mga entry na nasa reverse
chronological order;
2) attribution sa pamamagitan ng paggamit ng hyperlink na nagbibigay-
access sa mga dokumento, website, balita at iba pang blogs;
3) archival capacity kung saan nananatiling accessible ang mga lumang tala;
4) networking
 Sa Pilipinas, taong 1994 nang simulang gamitin ng
madla ang internet. Naging posible ito sa nabuong
demokratikong espasyo sa ilalim ng pamahalaang
Aquino matapos mapatalsik ang diktadura ni Marcos
(Torres).
 Taong 2008 naman nang bansagang
“social networking capital of the world” ang
Pilipinas ng Universal McCann.
 Sa kasalukuyan, namamayagpag pa rin ang mga
Pilipino sa paggamit ng mga pinakabagong social
networking site na Facebook at Twitter o ”micro-
blogging” na may 140 na letra kada ”tweet”.
ALTERNATIBONG
MIDYA

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


 Sa patuloy na paglawak ng saklaw ng internet at pagpasok nito sa
buhay ng mga mamamayan, ang mga tradisyonal na ”gatekeeper” ng
balita’t impormasyon ay nawawalan ng kapangyarihang kontrolin ang
mga impormasyong nakukuha at inilalabas ng mga ordinaryong tao.
(Sheila Coronel ng Philippine Center for Investigative Journalism)
 Sa kabilang banda, maaari ding ituring na mas malaya ang blogging at
social media sa kabuuan dahil na rin sa relatibong kawalan o maliit na
commercial interest dito kumpara sa operasyon ng mainstream media
na nakasalalay sa pagtangkilik ng mga pribadong kompanya na
makapagbabayad ng espasyo o airtime para sa mga patalastas.
 Kapansin-pansin din ang pagpapalawak kundi man ay paglipat ng
mga tradisyonal na midya sa internet upang tugunan ang
lumalaking demand ng mga mamamayan para sa mabilis na
impormasyon (Benjamin 11).
 Pinalalawak ng internet ang access ng mga mamamayan sa mga
alternatibo, maliliit o non-mainstream na mga news organization
na bumabasag sa monopolyo ng mga dambuhalang korporasyon sa
midya sa daloy at pagsusuri ng mga impromasyon.
 Sakabilang banda, nananaig pa rin ang pagtingin maging sa
mga tradisyonal na midya at mamamahayag na gumagamit na
ng internet ang pag-iiba ng kanilang news organizations at
propesyon sa kanilang mga personal blog at social media
account. Ang huli ay itinuturing na alternatibong espasyo para sa
pagtalakay at pagsusuri ng mga impormasyon o isyu
na isinasantabi sa nakagawiang pagbabalita at paggawa ng
opinyon sa mga peryodiko, habang ang iba ay nakalaan sa
pagbibigay ng puwang sa palitan at interpretasyon ng mga
mambabasa.
 Sa harap ng nagpapatuloy na karahasan laban sa
mga mamamahayag at mga restriksyon sa midya, nagsisilbi ang
blogs at ang social media sa kabuuan bilang pinalawak na
espasyo kung saan maaaring maitampok at makapaglathala ng
mga sensitibong istorya at tuligsain ang mga nasa kapangyarihan.
ANG INTERNET
BILANG
EKSTENSYON NG
LARANGANG
ELEKTORAL AT
PAMAMAHALA
 Sapamamagitan ng internet, nagiging mas mabisa at mabilis ang
pambansang koordinasyon ng mga aktibidad sa
pangangampanya kung saan maaari nang i-download ang mga
election paraphernalia at konsolidahin ang mga miyembro at
tagasuporta sa pamamagitan ng instant, direct at private
messaging.
 Nagagamit din ang internet hindi lamang upang ipakita ang
pagsuporta sa mga kandidato kundi upang busisiin ang kanilang
plataporma at upang tiyakin ang mas mataas na antas
ng partisipasyon at kredibilidad ng halalan.
 Sanakalipas ding dekada, lumaganap ang konsepto ng “e-
government” o ang paggamit ng information and
communications technology (ICT), partikular na ang internet,
upang gawing sistematiko at mabilis ang mga transaksiyon sa
pamahalaan. Kalauna’y tinawag itong “e-governance”.
 Sa depinisyon naman ng United Nations Educational,
Scientific and Cultural Organization o UNESCO,
ang e-governance ay ang paggamit ng
pampublikong sektor ng ICT na may layuning
pabutihin ang pagbibigay ng impormasyon at
serbisyo, hikayatin ang pakikilahok ng mamamayan
sa mga proseso ng paggawa ng desisyon at tiyakin
ang pananagutan, pagiging bukas, tapat at
epektibo ng pamahalaan.
 Bagama’t kalakhan na sa mga ahensiya
ng gobyerno ang mayroon ng presensiya
internet, limitado pa rin ang nilalaman at
serbisyong naibibigay ng mga website ng
pamahalaan.
ANG INTERNET
BILANG LARANGAN
NG PROTESTA
Naging epektibo ring midyum at plataporma
ang internet upang palaganapin ang mga
mahalagang pambansang usapin at maglunsad
o sumuhay sa mga pagkilos hinggil sa mga isyung
ito.
PANUNUPIL SA
INTERNET: ANG
BAGONG
CYBERCRIME
LAW SA
PILIPINAS AT
MGA PAGKILOS
ONLINE AT
OFFLINE
 Setyembre12, 2012 nang nilagdaan ni Pangulong Aquino ang
Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act na
naglalapat ng kasong libelo sa mga aktibidad sa internet at
nagbibigay kapangyarihan sa Department of Justice na isara
ang anumang computer data system at i-censor ang anumang
mapanganib at hindi nararapat na web content na
lumalabag sa batas.

Itinuturing
ng NUJP, pangunahing grupo ng mga
mamamahayag sa bansa, na isang banta sa kalayaan sa
pagpapahayag at pamamahayag ang Cybercrime Law:
The enactment of the Cybercrime Prevention Act of 2012 was,
to say the least, sneaky and betrays this administration’s
commitment to transparency and freedom of expression.
Ani Raisa Robles, isang beteranong blogger at mamamahayag:
This section on libel has grave implications for freedom of speech on the
Internet. People who post on Facebook, Twitter and write comments in
news websites can be sued for libel in much more insidious ways than
those in the traditional news media. I am all for making people
personally accountable for what they post online, but not this way.
 Katulad ng nauna nang nabanggit, ipinakita ng
makabagong kasaysayan ang malaking potensiyal ng internet sa
pagsusulong ng mga adhikain para sa reporma’t pagbabago, maging
ang pagtuligsa sa ilang polisiya ng pamahalaan.

 Oktubre 9, 2012 nang naglabas ng TRO ang Korte Suprema na


nagpapatigil sa implementasyon ng Cybercrime Law ng 120 na araw
habang dinidinig ang 15 petisyon na isinampa laban sa nasabing batas.
POTENSIYAL AT
PANGANIB NG
INTERNET
 Habang marami ng mga aktibong netizen
ang gumagamit ng mga iba’t ibang plataporma
sa internet tulad ng social media para sa
kanilang adhikain, mas laganaap pa rin ang mga
online games, pornograpiya, dating networks at iba
pang bagay na maaaring makapaglihis ng atensiyon
ng publiko mula sa mga lehitimong pakikibaka para sa
pambansang kalayaan at demokrasya tungo
sa makasarili at indibidwalistikong pagpapasasa ng tao
(Marasigan).
Dumadagdag ang internet sa lumalaking puwang sa
lipunan patungkol sa access at kontrol sa impormasyon.
Sinasalamin ng digital divide ang lumalawak na
pagkakahati sa pisikal na mundo ng mga mayroon at
wala.
Ang mga may access sa internet ay mga tao ring may
kakayahang magbayad (Cruz). Ang mga may
kakayahang magbayad ang may kontrol sa agenda ng
internet.
 Ang usapin ng access sa internet ay hindi rin lamang
usapin ng connectivity. Kasama rito ang mga rekisito
tulad ng pagkakaroon ng kompyuter at linya ng
telepono o mobile subscription, gayundin ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa
makabagong teknolohiya (Banerjee, The Internet
Challenge for Democracy in Asia 56).
 Bukod sa lumalaking puwang sa usapin ng access at
pagmamay-ari ng mga imprastraktura at pasilidad para
sa komunikasyon at koneksiyon, mayroon pang
karagdagang dimensiyon ng pag iiba ang mga may-
alam sa teknolohiya at mga computer illiterate.
 Hindilahat ng aktibista ay may access sa internet, may
pinansiyal o teknikal na kakayahan, o hindi kaya ay nasa
mga lugar na may kompyuter o kahit man lamang
regular na supply ng kuryente.
 Nananatiliring usapin ang paggamit ng internet bilang
daluyan o lunsaran ng mga aktibidad ng mga
progresibo.
 Teo Marasigan vs. Palatino
Hindi kailanman mapapalitan ng internet at mga
pakikibaka sa loob nito ang tunay na laban sa pisikal na
mundo. Lagi’t laging dapat kasama ng mga aktibidad sa
internet ang pag-oorganisa at pagpapakilos kasama ang
batayang masa sa labas ng cyberspace.
Gayundin, hindi dapat maging hadlang ang mga
panganib at isyung kaakibat ng internet upang
gampanan ng mga aktibista’t progresibo ang kanilang
tungkulin na imaksimisa at tuluyang baguhin ang gamit
nito at iba pang uri ng plataporma para sa panlipunang
hustisya at pagbabago.
Tig-iisang campaign
Manaliksik ng mga
video material ang
Ipapasa ito sa pormat
(advocacy) campaign Sagutin ang mga na WORD, 12pts, TNR,
bawat mag-aaral/kasapi
video materials sa
ng pangkat. Mamili na sumusunod na 2-spaced. Ilagay ang
Pilipinas ukol sa mga katarungan: link ng video material
lamang ang bawat isa at
sumusunod:
lagyan ito ng na ginamit.
parenthetical attribution.
Para sa Kalikasan
Para sa Karapatang 1. Ano ang kahalagahan
nito?
Pantao
2. Karapat-dapat ba
Para sa Kalusugan itong mailabas sa
internet?
3. Ano-anong nilalaman
nito ang naging mabisa
sa pagbabahagi ng
mensahe partikular na
ang elementong biswal
at awdiyo.

GAWAING PANGKATAN
(ASYNCHRONOUS, NOV. 12):

You might also like