You are on page 1of 4

Division of Masbate

Cataingan West District


Abaca Elementary School
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao IV

Pangalan:_________________ Baitang:________ Guro:__________________ Petsa:___________

I. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung nagpapakita o nagpapahayag ng wasto at ekis


( x) kung hindi.
1. ______Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga tao ang aking mga nagawang mali
dahil mapabubuti at maipakikita ko ang aking natatanging kakayahan.
2. _____Mahalaga na maipakikita ko sa aking mga kaibigan, kamag-aral, magulang at
kapitbahay ang aking kakayahan upang malaman ko ang mga dapat ko pang paunlarin.
3. ____ Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking ginagamit sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mga mungkahi at paalala mula sa aking kapuwa.
PAGTITIYAGA:
4. ______Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam niyang
mahalaga ito at wala silang sapat na salapi para ipambili ng sobra.
5. ______Nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Manuel.Sapagkat oras na ng
programang gusto niyang panoorin ay bigla niyang inilipat ang channel sa programang
iyon.
6. ______ Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang-aralin kahit na ito ay may
kahabaan.
PAGIGING MAPAGPASENSIYA:
7. _____Matiyagang naghihintay ng pagkakataon.
8. ______Hindi sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain sa kantina
9. ______ Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay na tumulong sa mga gawaing-
bahay.
MAPANURING PAG-IISIP
10.____Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa
bagyo.
11.____Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
12.____Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit sapagkat ayaw niyang
manahi.
II. Gumuhit ng araw( ) sa bilang ng mga sitwasyon na may bukas kang pag-iisip at ulap
( ) naman kung hindi mo ito naisagawa nang may bukas na pag-iisip.
13._____ Nakapanood ako ng programang walang karahasan.
14.______ Inililipat ko nang estasyon kapag may ipinalalabas na malalaswang panoorin.
15.______ Naiisa- isa ko ang mga taong may magandang pagganap sa teleserye.
16._____ Natutuwa ako kapag may magandang balita ang programa sa telebisyon.
17._____ Naipaliliwanag ko nang maayos sa harap ng aking kamag-aral ang nangyari sa
programang aking pinanood.
III. Lagyan ng salitang Nakabubuti ang patlang kung ang mga gawain ay nagpapakita ng
kabutihan sa paggamit ng internet. Hindi Nakabubuti naman kung ito ay nakasasama .
18.___________ Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang –aralin.
19.___________ Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
20.___________ Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin
21.___________ Nakagagawa ng blog site tungkol sa ganda ng Sorsogon at iba pang
magagandang lugar sa Pilipinas na napuntahan.
22.____________ Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa You Tube.
23.____________ Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay ng simpleng
mag-aaral na Pilipino.
24.____________ Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.
25.____________ Nakakapag-Facebook nang magdamag.
26.____________ Nakapaglalagay ng mensahe sa Instagram tungkol sa mga hinaing sa
pamumuno ng isang opisyal.
27.___________ Nabibigyan ng impormasyon ang mga kaibigan tungkol sa paggawa ng
loombands galing sa internet.

IV. Iguhit ang masayang mukha kung ikaw ay kayang magtimpi at malungkot na
mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
28._________Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit madami akong ginagawa ay
nasunod ko ang utos niya.
29._________Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan sa kuwarto ng
nakababata kong kapatid, muli niyang itinapon ang mga ito sa aking harapan.
30._________Naisasaayos ko ang mga gamit na naiwan ni Ate sa loob ng silid tanggapan
kahit may utos pa sa akin si Ama na pakainin ang aming aso.
31._________Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hindi ko siya iniintindi sapagkat
marami akong ginagawang takdang –aralin.
32._________Punong-puno na an gaming basurahan, inutusan ko ang aking
nakababatang kapatid para itapon ito ngunit ako ay kanyang ininis at tinakbuhan.

V. Tukuyin kung anong instrumento sa pangangalap ng impormasyon ang tinutukoy sa


bawat pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
a.twitter b.facebook c. you tube d.e-mail d.goggle e. internet f. blog site g. web page
33. ______Pahina sa internet na makatutulong sa impormasyon.
34. ______Karaniwang pinanatili ng isang indibidwal na may regular na mga entry ng mga
komentaryo, ang paglalarawan ng mga pangyayari, o iba pang materyales tulad ng
mga
graphic o video.
35. ______Modernong pagpapadala ng liham.
36. ______Isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay-kakayahan
sa
gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga
tweets.
37._______ Isang uri ng website na maaaring gamitin sa pananaliksik
38. _______Ang magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao
sa
buong mundo.
39._______Maaaring magdagdag din ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa
kanila, at
baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga
kaibigan
ang tungkol sa kanilang sarili.
40. _______Isang uri ng website na maaaring gamitin upang makapanood ng video o

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

JERJINA G. SENOC ESTRELLA S. BRIOSO RAMIL P. DELOS SANTOS


Guro Q & E Member Head Teacher -I
Division of Masbate
Cataingan West District
Abaca Elementary School

Talaan ng Espesipikasyon
Unang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapakatao IV

Area of Content/ Objectives(Layunin) No.of Item


Items Placement
Bilang Aytem
Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito(katatagan ng loob) 3 1-3

Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito 4 4-6,12

Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at patalastas na 2 10-11


nabasa o narinig( Mapanuring pag-iisip
Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga napanood na programang pantelebisyon 5 13-17

Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga nababasa sa internet at mga social 10 18-27,


networking sites.
Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng tamang pamamaraan /pamantayan sa 3 7-9
pagtuklas sa katotohanan(Mapagpasensiya)
Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng tamang pamamaraan /pamantayan sa 5 28-32
pagtuklas sa katotohanan ( Mapagtimpi)
Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin o pagsangguni sa 8 33-40
taong kinauukulan
Total/Kabuuan 40 40

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

JERJINA G. SENOC ESTRELLA S. BRIOSO RAMIL P. DELOS SANTOS


Guro Q & E Member Head Teacher -I

You might also like