You are on page 1of 25

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markaha – Module 6:
Mga Isyung Moral sa Kawalan ng
Paggalang sa Katotohanan
MAPEH – Grade 8
Quarter 4 – Module 6: Mga Isyung Moral sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan
First Edition, 2021

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has
been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Region XI

Development Team of the Module


Manunulat: Leonard O. Eleobido
Editor:
Tagasuri: Remedios A. Loque, Phelma O. Camacho & Herbert P. Delgado
Tagaguhit: Allemer Veloso
Tagalapat: Leonard O. Eleobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Jeselyn B. Dela Cuesta Elsie E. Gagabe

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Davao City Division

Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markaha – Module 6:
Mga Isyung Moral sa Kawalan ng
Paggalang sa Katotohanan
Introductory Message
For the facilitator:
As a facilitator, you are expected to orient the learners on how to
use this module. You also need to keep track of the learners' progress
while allowing them to manage their own learning at home.
Furthermore, you are expected to encourage and assist the learners as
they do the tasks included in the module.

For the learner:


As a learner, you must learn to become responsible of your own
learning. Take time to read, understand, and perform the different
activities in the module.
As you go through the different activities of this module be
reminded of the following:
1. Use the module with care. Do not put unnecessary mark/s on any
part of the module. Use a separate sheet of paper in answering the
exercises.
2. Don’t forget to answer Let Us Try before moving on to the other
activities.
3. Read the instructions carefully before doing each task.
4. Observe honesty and integrity in doing the tasks and checking
your answers.
5. Finish the task at hand before proceeding to the next.
6. Return this module to your teacher/facilitator once you are done.
If you encounter any difficulty in answering the tasks in this
module, do not hesitate to consult your teacher or facilitator. Always
bear in mind that you are not alone. We hope that through this material,
you will experience meaningful learning and gain deep understanding
of the relevant competencies. You can do it!

ii
Alamin Natin

Sa modyul na ito, tatalakayin naman ang mga isyung moral tungkol sa


kawalan ng paggalang sa katotohanan. Bilang tao, inaasahang maging
matapat at gawing makabuluhan ang buhay sa abot ng ating pagsisikap na
makamit ito. Ito rin ay hakbang tungo sa maayos at mabuting pamumuhay
na may pagmamahal sa katotohanan. Mahirap nga ba o madali ang
manindigan sa katotohanan? Paano ba ang maging totoo na hindi
isinasantabi ang kahihinatnan o epekto ng pinanindigang pasiya at ang
kalakip na obligasyon bilang tao? Bibigyan ka ng babasahing ito ng
pagkakataon na maging bukas, mapanindigan, at hayag sa iyong saloobin na
mahalin at igalang ang katotohanan.

Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, inaasahang masasagot


mo ang Mahalagang Tanong: Bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyu
tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan? Sa modyul na ito,
inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at
pag-unawa:

1. Napapatunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng


paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay ang
pagiging mapanagutan at tapat na nilalang. (EsP10PI-IVd-14.3)

2. Nakakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa


katotohanan. (EsP10PI-IVd-14.4)

1
Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng iyong
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Si Ken Jhon ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay


kasama sa mga magagaling na manunulat sa kanilang journalism class.
May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong
prinsipyo ang nalabag niya?
a. Prinsipyo ng Confidentiality c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
b. Prinsipyo ng Intellectuality d. Prinsipyo ng Katapatan

2. Ito’y isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na


karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon, alin sa mga sumusunod ang binanggit?
a. Copyright infringement c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
b. Whistleblowing d. Prinsipyo ng Katapatan

3. Ang mga sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-


aari. Ang ilan sa mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat,
pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban
sa isa. Alin dito?
a. Intellectual piracy c. Theft
b. Copyright infringement d. Whistleblowing

4. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan


eh. Ayaw na ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na
rin.” Paano pinanindigan ng whistleblower ang kanyang pakikibaka para
sa katotohanan?
a. Mula sa kanyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan
b. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kanya
c. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kanya
d. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya

2
5. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?
a. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang.
b. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga
impormasyon.
c. Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong
pinoprotektahan.
d. Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming
bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan.

Aralin Natin

Sa panahon ng pandemya maraming nabago sa buhay natin. Isa na


dito ang pagbabago ng pamamaraan sa pag-aaral. Tinawag itong New Normal
Class dahil lahat ng mga mag-aaral ay nasa loob lang ng kanilang mga bahay
habang nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpili sa
mga Learning Modalities. Karamihan sa mga mag-aaral ay sa pamamaraan
ng sariling pag-aaral gamit ang mga materyales na ibinigay sa kanila ng
kanilang mga guro. Dahil sa walang nakakikita sa pagsasagot maraming mga
pamamaraan ngayon sa pagkuha ng sagot. Sa ibaba matutunghayan ninyo
kung ano ang mga isyung moral sa kawalan ng paggalang sa katotohanan sa
New Normal Class.

Ella: Napakahirap ng mga Jessa: Ella, bigyan mo naman


katanungan sa modyul hindi ako ng sagot kasi nahihirapan
naman ipinaliwanag ng guro, akong intindihan lahat ng
mangongopya nalang ako sa nasa modyul.
internet.

3
Ella: Sige ibibigay ko Jessa: Sige Marc: Jessa,
ang kabuuan ng bibigyan kita ng bigyan mo naman
sagot ko pero huwag sagot kasi naaawa ako ng sagot sa
ako sayo pero EsP natin kasi wala
mong ibigay ito sa
huwag mong na akong oras para
iba kasi galing din sa
ipagsabi kay Ella na sagutan yan kasi
internet ang mga
binigyan kita. nagtatrabaho pa
sagot ko.
ako pag umaga.

Sir Leo: May Sir Leo: Ella, Jessa and Marc: Sir Leo kay
nakita akong Marc, kayong tatlo ang Jessa po galing ang
tatlong papel na nakita ko na aking mga sagot
pareho ang sagot magkapareho ng sagot sa hindi ko po alam na
sa lahat ng mga lahat ng mga gawain. kay Ella pala ito
gawain. Magbibigay Kung walang aamin sa galing. Ginawa ko
ako ng mensahe sa inyo ipapatawag ko ang pong mangopya kasi
tatlo para matukoy mga magulang ninyo para wala na akong oras
kung sila ba ang maituwid ang inyong para sagutan ang
mga ito. maling ginawa. modyul kasi
nagtatrabaho po
ako.

4
Kung ikaw ang nakikinig sa bawat pahayag, gagawin mo ba ito para sa
madaling pamamaraan na makasagot sa inyong modyul? Ipagpapatuloy mo
ba ito para lang sa gusto mong makita kaagad ng pamilya at wala namang
nakakaalam sa gagawin mapadali ang iyong pagsagot? Paano mo gagamitin
ang iyong mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa Modyul 1 ang
pagtukoy sa tunguhin ng isip na ang katotohanan at kilos-loob naman sa
pagmamahal? Paano mo kikilatisin ang mabuting opsiyon sa mga isyung
etikal at intelektwal sa mabuting pagsuri sa mga dilemang moral? Ibabahagi
sa iyo ng babasahing ito kung paano maging bukas sa katotohanan na taglay
ang matalinong pag-iisip at wastong pangangatuwiran.

Mga Isyung Moral sa Intelektwal na Tungkol sa Kawalan ng Paggalang


sa Katotohanan

A. Lihim

Ikaw ba ay malihim na tao? May mga itinatago sa malalim na dahilan?


Ito ay masama dahil ang pagtatago ng lihim ay isang uri na rin ng
pagsisinungaling o mabutiupang hindi na lumaki ang isyu at maiwasan ang
eskandalo o anumang hindi mabuting kahihinatnan. Ang lihim ay pagtatago
ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-
angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at
hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang
pahintulot ng taong may-alam dito. Ang sumusunod ay mga lihim na hindi
basta-basta maaaring ihayag:

Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may
matinding dahilan upang gawin ito. Sa kabilang banda, ang paglilihim ay
maaaring magbunga ng malaking sakit at panganib sa taong nagtatago nito,
sa ibang taong may kaugnayan rito maging sa kaniyang lipunan ginagalawan.
Halimbawa, may isang mag-aaral na dahil sa pandemya ay nawalan ng
trabaho ang kanyang mga magulang kaya naging lugmok sa buhay ang
pamilya niya. Para matulungan niya ang kanyang magulang, itinago niya sa
kanyang pamilya na naging bayarang babae siya para lang maibigay ang
matustusan ang kanyang pag-aaral at maibigay ang konting
pangangailangan ng pamilya niya.

B. Mental Reservation

Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na


kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung
may katotohanan nga ito. Ito ay paraan ng paggawa ng kasinungalingan.

5
Halimbawa nito ay ang pahayag na, “Ang sabi ko ay pupunta ako sa simbahan
para hindi mapagalitan ng magulang na ang totoo ay wala naman talaga
akong planong gawin iyon pupunta lang ako sa aking mga kaibigan.”

Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa


pamamagitan ng pag-iwas (evasion) at paglilihis ng mga maling kaalaman
(equivocation). Makatutulong ito kung ang isyu o problema ay hindi lubhang
mahalaga at ang isang partido ay may pahintulot dito. Halimbawa sa pahayag
na nasa itaas, hindi sinabi ni Marc ang katotohana na galing kay Ella ang
sagot ni Jessa para hindi masali ito sa problemang kinakaharap.

C. Prinsipyo ng Confidentiality

Sa iyong palagay, mas mabuti ba manahimik na lamang upang hindi


na magkaroon ng isyung pag-uusapan at ikubli na lamang kung ano ang nasa
likod ng katotohanan?

Sa prinsipyo ng Confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang


pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim
na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa
katotohanan. Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay
solusyon sa mga posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw at
opinyon, hindi pag-uunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan at
nakababawas ng pagkakahiwa-hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo sa
pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan. Ilang mga sitwasyon na ba
tulad ng di pag-uunawaan at matinding pagtatalo sa mga magkakaibigan ang
naayos dahil sa bukas na pagsasabi ng totoo kaakibat ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa iba? At ilang relasyon at magandang samahan ang
tuluyang nasira dahil sa walang puso at walang pagmamalasakit na
pagbubunyag ng katotohanan? Halimbawa nito na pahayag sa itaas ay
itinago ni Marc sa lahat na galing kay Ella ang mga sagot niya para hindi
mapagalitan si Jessa at hindi malaman ng iba na kumukuha lang siya ng
sagot sa mga kaklase niya.

Sa ating lipunan na talamak ang pandaraya at kawalan ng galang sa


tunay na halaga ng katotohanan, may paraan pa ba upang ito ay maituwid?
Ano-ano ang mgaisyu sa ating kapaligiran ang humahamon sa kasagraduhan
ng katotohanan? Ano ang mga itinuturing na paglabag sa intelektuwal na
gawain at pag-aari ng tao? Paano na kaya ang mga taong tila bulag na sa
katotohanan? May ideya ka ba kung paano ito nakasisira sa halaga ng
pangkaisipan at moral na paglago ng isang tao mula sa mga pinaghirapan
niya at bunga ng kaniyang pagpupunyagi? Sa susunod na paksa ay
ipagpapatuloy ang mga etikal na isyu ng lipunan at paano ito mabibigyan ng

6
daan upang isulong at isabuhay ang pagiging mapanagutan at tapat na
nilalang.

Mga Isyung Moral sa Etikal na Tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa


Katotohanan

A. Plagiarism

Ang plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A.


et al, 2003). Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag
ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap,
buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi
kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa illegal na
pangongopya. Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil
inaangkin ang hindi iyo (Atienza, et al. 1996). Sumasailalim sa prinsipyo ng
Intellectual Honesty ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita at mga
datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-
akda o pinagmulan. Halimbawa, pangongopya ng mga sagot sa internet gaya
ng brainly para may maisagot lang sa modyul at hindi na maghihirap pang
mag-isip. Paano ito maiiwasan?
1. Magpahayag sa sariling paraan. Magagawa ito sa pamamagitan ng
malayang pagpapahayag ng kaisipan sa pagpapaliwanag o pagbuo ng
ideya at konsepto.
2. Mahalaga rin na magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng
sariling posisyon o stand sa anumang argumento o pagtatalo.
3. Ang tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento
at pagbuo ng sariling konklusiyon o pagbubuod ay makatutulong sa
sarili na magpahayag.

B. Intellectual Piracy

Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita


sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong
pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code
ofthe Philippines, 1987. Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami,
pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
Halimbawa, paggamit ng kabuuang piyesa ng tula na galing sa internetpara
lang makapasa sa proyektong paggawa ng tula. Paano ito maiiwasan?

1. Ang paglalangkap ng mga gawa sa paglalathala, pagbabalita, at iba pang


uri ng komunikasyon upang isapubliko ito, sound recording o anomang
pelikula, kung ang mga ito ay gagamitin sa mga proyektong kaugnay sa

7
binanggit at ibang pang-akademikong layunin at may makatuwirang
dahilan sa paggamit nito, sa ganitong pagkakataon, mahalagang banggitin
ang mga pinagkunan at ang pangalan ng awtor, kung ang kaniyang gawa
ay gagamitin. (Law on Copyright- Sek. 184.1 Talata e)

2. Ang paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga gawang nailimbag


kung magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may makatuwirang dahilan
sa paggamit nito. Halimbawa nito ay mga sipi at artikulo mula sa diyaryo
at iba pang uri ng pahayagan. Sa ganitong pagkakataon, mahalagang
banggitin ang mga pinagkunan at ang pangalan ng awtor, kung ang
kaniyang gawa ay gagamitin. (Law on Copyright-Sek. 184.1 Talata b)

C. Whistleblowing

Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula


sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon. Whistleblower naman ang tawag sa taong naging
daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang
pagsisinungaling, mga imoral o illegal na gawain na naganap sa loob ng isang
samahan o organisasyon. Nangyayari ito mula sa hindi patas o pantay na
pamamalakad, korapsiyon at iba pang ilegal na gawaing sumasalungat sa
batas. Halimbawa: Nasanay kayong kumuha ng paunti-unting barya sa bulsa
ng iyong nanay kasama ng ate mo pero isang araw ay aktwal mong nakita
ang pangungupit ng iyong ate ng pera para pambili niya ng kanyang
pampaganda. Dahil sa galit mo sa ate mo isinumbong mo ito kaagad sa nanay
mo kasi malaking pera na ang kinuha niya. Paano ito maiiwasan?

1. Siguraduhin na ang kilos o piniling pasiya ay ayon sa batas moral.


Isiping mabuti kung kapakanan ito ng nakararami.

2. Harapin nang buong tapang ang taong nakagawa ng maling kilos at


kung magpapatuloy parin sa maling kilos, sabihin ang pawang
katotohanan para hindi maipagpatuloy ang maling gawain.

3. Kung magalit man ang tao na iyong isinumbong ipaliwanag mo na


ginawa mo iyon dahil may pagpapahalaga ka sa kanya at hindi mo
gustong ipagpatuloy ang maling kilos niya at para maitama din ito.

Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at


ipahayag nang may katapangan sa angkop na pagkakataon dahil ito ang
nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Ang pagsasabi ng totoo
ay pagpapairal ng kung ano ang inaasahan sa atin bilang tao at
mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ito rin ay pagpapakita ng paggalang

8
at pagpapahalaga sa dignidad ng sarili at ng kapuwa. Maraming mga
pagkakataon na ang tao ay nakapagsisinungaling, at hindi katanggap-
tanggap ang gawi na ito dahil isa itong panloloko sa ibang tao. Kung ang
dahilan ng pagsisinungaling ay upang makapag-abot ng kasiyahan sa ibang
tao, maprotektahan o mapangalagaan ang dignidad at kaligtasan ng iba ay
maaaring hindi natin hayagang sabihin ang totoo. Ngunit kung darating sa
mga sitwasyon o pagkakataon na kailangan nating ihayag at sabihin ang
totoo para sa kabutihang panlahat dapat ay mangibabaw ang katotohanan.

Ang pagmamahal sa katotohanan o ang pagiging makatotohanan ay


dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Ito
ay napakahirap maisagawa at sa maraming dahilan, tinatanggap na lamang
sa paggabay kung ano ang hindi makatotohanan. Dahil sa kawalan ng
paghahanap ng katotohanan, ang kasinungalingan ang nangingibabaw. Ito
ngayon ang hamon sa bawat tao na maging instrumento tungo sa
katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling
pasiya at mga pagpapahalaga.

Para sa iyo, gaano na ang impluwensiya sa iyo ng mga sitwasyon sa


araw-araw na maipakita ang esensiya ng katotohanan?

Bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng


paggalang sa katotohanan?

Gawin Natin

Panuto: Ikaw ngayon ay bibigyan ng pagkakataon na makabuo ng mga


hakbang sa paninindigan at paggalang sa katotohanan sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod na sitwasyon.

9
Mga Sitwasyon Ang Gagawin Ko Paliwanag

Halimbawa: Gagawin ko pa rin ang Gagawin ko ang mga


humingi ng pahintulot bagay na ito dahil kahit
Pagkuha ng mga barya sa magulang kahit na konting barya lang ito
sa bulsa ng magulang walang nakakita kahit kung hindi ako
na may pahintulot na konting barya lang maghihingi ng
kahit konting barya ito. pahintulot
lang ito. pagnanakaw o
pagsisinungaling pa rin
ang ginawa ko at ito ay
masamang kilos.
1. Ang mga
sensitibong usapin
tulad ng
pagbubunyag ng
mga lihim ay
nararapat na pag-
usapan nang bukas,
may paggalang, at
pagmamalasakit sa
nagpapahayag nito.

2. Ang mga medical


record workers ay
may moral na
obligasyon na
ingatan ang mga
dokumento tulad ng
mga listahan kung
sino ang mga
nagpositibo sa
COVID-19.
Gayonpaman,
maaari nila itong
ipakita sa mga
magulang na ang
kanilang anak ay
nagpositibo kahit pa
walang pahintulot
sa anak nito.

10
3. Marapat na gawing
pribado ang
anumang pag-
uusap lalo na kung
nakasalalay ang
kapakanan ng
nakararami sa mga
anomalyang
nangyayari sa loob
ng samahan o
organisasyon.

Pamantayan sa Pagwawasto

Sanayin Natin

Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa unang kolum na konektado sa


pahayag na nasa itaas. Isulat sa ikalawang kolumn ang titik E kung ito ay
Etikal na isyung moral at I kung intelektwal naman. Sa pangatlong kolum
naman ay tukuyin kung anong isyung moral sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan ang ibig ipahiwatig. Sa panghuling kolum ay ipaliwanag bakit
ito ang isyung moral sa sitwasyon na binanggit.

11
Etikal/ Isyung
Mga Pahayag Paliwanag
Intelektwal Moral

Halimbawa:
Ito ay napapabilang sa
Ella: Napakahirap ng plagiarism dahil kinopya
mga katanungan sa niya ang kabuuang
modyul hindi naman E Plagiarism
sagot sa internet na
ipinaliwanag ng guro, hindi binago ang bawat
mangongopya nalang salita.
ako sa internet.

1. Ella: Sige ibibigay ko


ang kabuuan ng
sagot ko pero huwag
mong ibigay ito sa
iba kasi galing din sa
internet ang mga
sagot ko.

2. Jessa: Sige bibigyan


kita ng sagot kasi
naaawa ako sayo
pero huwag mong
ipagsabi kay Ella na
binigyan kita.

3. Marc: Sir Leo kay


Jessa po galing ang
aking mga sagot
hindi ko po alam na
kay Ella pala ito
galing. Ginawa ko
pong mangopya kasi
wala na akong oras
para sagutan ang
modyul kasi
nagtatrabaho po ako.

12
Pamantayan sa Pagwawasto

Tandaan Natin

13
Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa unang kolum. Tukuyin kung
anong isyung moral ito sa ikalawang kolum. Gumawa ng isa o dalawang
hakbang para maisabuhay ang paggalang sa katotohanan ayon sa pahayag.

Hakbang Para Maisabuhay


Mga Sitwasyon Isyung Moral ang Paggalang sa
Katotohanan
Halimbawa:

Kung mangongopya man ako


Ella: Napakahirap ng
ng mga sagot ko sa modyul sa
mga katanungan sa
internet ay kinakailangan ko
modyul hindi naman Plagiarism
itong baguhin ayon sa mga
ipinaliwanag ng guro,
salita pero ang kahulugan ng
mangongopya nalang ako
ideya ay mananatili pa rin.
sa internet.

1. Ella: Sige ibibigay ko


ang kabuoan ng sagot
ko pero huwag mong
ibigay ito sa iba kasi
galing din sa internet
ang mga sagot ko.

2. Jessa: Sige bibigyan


kita ng sagot kasi
naaawa ako sayo pero
huwag mong ipagsabi
kay Ella na binigyan
kita.

3. Marc: Sir Leo kay


Jessa po galing ang
aking mgasagot hindi
ko po alam na kay
Ella pala ito galing.
Ginawa ko pong
mangopya kasi wala
na akong oras para
sagutan ang modyul
kasi nagtatrabaho po
ako.

14
Pamantayan sa Pagwawasto

Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng iyong
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-


aari. Ang ilan sa mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat,
pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban
sa isa. Alin dito?
a. Intellectual piracy c. Theft
b. Copyright infringement d. Whistleblowing

2. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?


a. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang.
b. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga
impormasyon.
c. Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong
pinoprotektahan.
d. Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming
bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan.

3. Ito’y isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na


karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/
korporasyon, alin sa mga sumusunod ang binanggit?
a. Copyright infringement c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
b. Whistleblowing d. Prinsipyo ng Katapatan

15
4. Si Ken Jhon ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay
kasama sa mga magagaling na manunulat sa kanilang journalism class.
May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong
prinsipyo ang nalabag niya?
a. Prinsipyo ng Confidentiality c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
b. Prinsipyo ng Intellectuality d. Prinsipyo ng Katapatan

5. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan


eh. Ayaw na ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na
rin.” Paano pinanindigan ng whistleblower ang kanyang pakikibaka para
sa katotohanan?
a. Mula sa kanyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan
b. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kanya
c. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kanya
d. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya

Payabungin Natin

Panuto: Magbigay sa unang kolum ng isang sitwasyon sa bawat isyung moral


sa etikal at intelektwal tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. Sa
pangalawang kolum naman ay iyong hakbang para maisabuhay ang
paggalang sa katotohanan. Gumawa ng mga sitwasyon na hindi pa nabanggit
sa kabuuan ng modyul na ito.

Mga Sitwasyon Hakbang Para Maisabuhay ang Paggalang sa


Katotohanan

Mental Reservation:
Alam ko ang Pagsasabihan ko muna ang aking mga kaklase na
ginagawang paraan ng turuan ang kapwa kaklase sa sagot sa tamang
aking mga kaklase paraan sa mga pamamagitan ng pagtuturo nito sa
para mapadali ang tamang proseso na ipaliwanag ang konsepto muna
pagsasagot nito. bago ibigay ang sagot. Mataas na proseso pero sulit
Sinabi ko ito sa aming naman sa huli kasi natutulungan ko ang kaklase
guro pero hindi ko ito ko at may natutunan pa siya.
pinangalanan.

16
Intelektwal

1. Lihim
______________________ _________________________________________________
______________________ _________________________________________________

2. Mental Reservation
______________________ _________________________________________________
______________________ _________________________________________________

3. Principle of
Confidentiality
______________________ _________________________________________________
______________________ _________________________________________________

Etikal

1. Plagiarism
______________________ _________________________________________________
______________________ _________________________________________________

2. Intellectual
Property
______________________ _________________________________________________
______________________ _________________________________________________

3. Whistleblowing
______________________ _________________________________________________
______________________ _________________________________________________

17
Pagnilayan Natin

“May mga pagkakataon talaga na mahirap tanggapin ang katotohanan lalo


na kung nasanay ka nang pakinggan ang kasinungalingan.
(www.quotesgram.com)

Ayon sa kasabihan na binanggit, mahirap tanggapin ang katotohanan


sa reyalidad kahit na masakit man ito huwag nating gawing bulag ang ating
sarili sa mga bagay na hindi para sa atin. Ginawa mong sinungaling ang iyong
sarili na gusto ka niya pero ang katotohanan, kaibigan lang ang pwede niyang
maibigay sa iyo. Masakit man ang bagay na ito pero dapat nating tanggapin
ng buong puso na nagkakilala lang kayo perohindi kayo itinadhana.

Ang lahat na sinabi ay nagpapakita ng kahalagahan ng katotohanan sa


buhay natin. Kung matatanggap mong buung-buo ang katotohanan ibig
sabihin napairal mo yung pagmamahal mo sa sarili, sa kapuwa at sa Poong
Maykapal.

Ang pagmamahal sa katotohanan o ang pagiging makatotohanan ay


dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Ito
ay napakahirap maisagawa at sa maraming dahilan, tinatanggap na lamang
sa paggabay kung ano ang hindi makatotohanan. Dahil sa kawalan ng
paghahanap ng katotohanan, ang kasinungalingan ang nangingibabaw. Ito
ngayon ang hamon sa bawat tao na maging instrumento tungo sa
katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling
pasiya at mga pagpapahalaga.

18
19
Tayahin Subukin
1. c 1. c
2. c 2. b
3. b 3. c
4. c 4. c
5. c 5. c
Susi sa Pagwawasto
References

Articulo, Archimedes C. et.al. (2003.) Values and Work Ethics. Trinita


Publishing, Inc. Meycauyan, Bulacan

Quito, Emerita S. 1989. Fundamentals of Ethics. De La Salle University


Press. pp. 72-185

Sambajon Jr., Marvin Julian L., (2011.) Ethics for Educators: A College
Textbook for Teacher Education and Educators in All Areas of
Discipline. C&E Publishing, Inc. pp. 252-273

Timbreza, Florentino T. et.al. (1982.) Pilosopiyang Pilipino. Rex Booktstore,


Recto Avenue, Manila

Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education


Series for Fourth Year High School. (1992.) Sinag-Tala Publishers, Inc.,
Manila

KAISIPAN (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang


Pilosopiya o ISIP) Vol. 1 No. 1 ISSN-2350-6601 pp. 18-19

Mga Saliksik sa Internet:

The ‘Fair Use’ Rule: When Use of Copyrighted Material is Acceptable.


Retrieved from http://www.nolo.com/legal-encyclopedia/fair-use-rule-copyright-
material-30100.html on August 20, 2014

Why You Should Avoid Plagiarism. Retrieved from http://www.ox.ac.


uk/students/academic/goodpractice/about/ on February 10, 2014

What Are Some Examples of Cheating and Plagiarism. Retrieved from


http://www.niles-hs.k12.il.us/district/academic-integrity/examples-
cheating-and-plagiarism on March 15, 2014

6 Consequences of Plagiarism. Retrieved from http://www.ithenticate.


com/resources/6-consequences-of-plagiarism on March 15, 2014

What is a Whistleblowing/ Whistleblower? Retrieved from http://


wbhelpline.org.uk/about-us/what-is-whistleblowing on March 18, 2014

Philippine Daily Inquirer 3:43, Saturday, August 18, 2012. Retrieved


from http:// newsinfo.inquirer.net/252074/whistle-blower-jun-lozada-welcomes-
graft-probe on April 20, 2014
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like