You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Unang Lagumang Pagsusulit - Unang Markahan

Pangalan : __________________________________ Baitang at Pangkat : ____________

I. Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang salitang TAMA o MALI.

__________1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan.


__________2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin.
__________3. Pagbabasa ng diyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
__________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
__________5. Pakikinig ng mga programa sa radio na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay.
__________6. Laging lumiliban sa klase dahil naglalaro ng dota.
__________7. Gabayan ng mga magulang ang mga anak sa paggamit ng media.
__________8. Kung araw ng klase, dapat di- gamitin ang cellphone tuwing gabi upang makatulog nang
maaga.
__________9. Ilagay sa ilalim ng unan ang cellphone.
__________10. Manood ng hindi kaaya-ayang palabas sa youtube.

II. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang katangian na paggamit ng isipan upang malaman ang buong detalye at katotohanan.
a. pagtatanong c. paniniwala
b. pagsusuri d. wala sa nabanggit

2. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanuri?


a. paniniwalaan agad ang nabasa
b. pagtatanong sa marunong
c. hindi pa tsi-tsek ng source ng binasa
d. hindi na tatapusin ang buong detalye ng pinapanood

3. May nabasa ka sa internet na may paparating na napakalakas na bagyo sa loob ng ilang araw.
Mapanuri ka kung _____
a. manonood ng balita sa TV upang malaman kung may katotohanan ito.
b. magtatanong sa nakatatanda o sa may higit na kaalaman tungkol dito
c. maghahanap pa ng iba pang source upang kumpirmahin ito
d. lahat ng nabanggit

4. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?


a. Komiks c. Aklat tungkol sa kagandahang asal
b. Aklat tungkol sa karahasan d. Magasin tungkol sa fashion

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

5. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat.


a. Ito ay may maraming magagandang larawan
b. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito
c. Maganda ang uri ng papel
d. Ito ay makapal

III. Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng kung ito ay mabuting dulot ng impormasyon. Lagyan
naman ng kung hindi.

_________16. Ang palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng facemask/face shield ay


makatutulong upang makaiwas sa COVID-19.
_________17. Nagdaraos ng kaarawan ang kapitbahay ni Donna, marami ang dumalo na walang suot
na facemask at hindi sumunod sa social distancing.
_________18. May napanood na karahasan si Allan sa TV, ginaya niya ito at nakasakit sa kanyang
mga kapatid.
_________19. Tuwing umaga ay nag-eehersisyo si Anna sa kanilang bahay. Ayon sa kanya, napanood
niya ito sa isang programa sa TV upang mapanatili ang maayos na kalusugan kahit nasa
bahay lamang.
_________20. Dahil hindi makalabas ng tahanan ang mga tao ngayon, minabuti ni Grace na tulungan
ang kanyang ina sa pang araw-araw nitong gawain sa bahay.

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikalawang Lagumang Pagsusulit - Unang Markahan

Pangalan : __________________________________ Baitang at Pangkat : ____________


I. Basahin at intindihing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

__________1. Ito ay ang mga impormasyon na taglay ng isang tao. Nakukuha ito sa pamamagitan ng
pag-aaral o pagkakaroon ng karanasan.
a. kawilihan b. pagsusuri c. kaalaman d. kasipagan

__________2. Alin sa mga sumusunod ang higit na makatutulong sayo upang madagdagan ang iyong
karunungan sa iba’t ibang bagay?
a. paglalaro b. pagbabasa c. papipinta d. pagsasayaw

__________3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaari mong gawin upang mas higit na matuto at
magkaroon ng mga kaalaman, MALIBAN sa isa.
a. maglaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral
b. magkaroon ng kawilihang magbasa at gawin ang mga gawain
c. isangtabi muna ang pag-aaral at unahin ang paglalaro kasama ang mga kaibigan
d. maging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan

__________4. Bakit sinasabing “ang kaalaman ay kapangyarihan”? Piliin ang pinakatamang kasagutan.
a. sapagkat kung mayroon ka nito, huhusay ka sa pagsasayaw.
b. sapagkat kung mayroon ka nito, magiging mabilis ka sa pagbabasa.
c. sapagkat kung mayroon ka nito, magiging maganda ang iyong kinabukasan.
d. sapagkat kung mayroon ka nito, maraming bagay kang matututunan.

__________5. Ito ay ang katuwang ng tiyaga.


a. pagbabasa b. tuwa c. bilis d. sipag

__________6. Ano ang kailangan mong gawin upang matupad ang iyong pangarap?
a. magdasal at hintayin na lamang na magkatotoo ito.
b. umasa sa mga taong tutupad sa iyong pangarap.
c. mag-aral ng mabuti na may sipag at tiyaga.
d. wala sa mga nabanggit.

__________7. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip?


a. hindi sumusuko sa mga problemang kinahaharap.
b. nawawalan ng pag-asa.
c. mabilis malungkot at magalit sa mga sitwasyon.
d. lahat ng nabanggit.

__________8. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang hindi maintindihan sa iyong mga aralin?
a. hahayaan na lamang ito at hindi na aaralin.
b. hihingi ng tulong sa pamilya o mga kaibigan na unawain ang aralin.
c. sasagutan na lamang ito ng hindi iniintindi.
d. pasasagutan na lamang ito sa nanay at tatay.
Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite
Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

__________9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong kaisipan?


a. Iniiwasan ni John na tumulong sa mga gawaing bahay dahil alam niyang mapapagod
siya dito.
b. Umiiyak si Antonio tuwing sinasabihan siya ng nanay niya na magsanay sa pagbabasa.
c. Iniiwan ni Kimberly ang kanyang aralin sa tuwing nahihirapan siyan intindihin ito.
d. Humahanap ng iba pang source si Lanie upang intindihin ang mga aralin na siya ay
nahihirapan.

__________10. Ito ay ang katangian na humanap ng iba pang solusyon sa mga problema.
a. maparaan b. masunurin c. masipag d. mabait

II. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay napapahayag ng kawilihan
at positibong kaisipan sa pag-aaral at MALI naman kung hindi.

__________11. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala.


__________12. Hindi ko ginagawa at sinasagutan ang mga mahihirap na aralin sa aking modyul.
__________13. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang-araw.
__________14. Kumokopya na lamang ako sa internet para ipasa bilan aking proyekto.
__________15. Humihingi ako ng dagdag na paliwanag sa aking guro kapag hindi ko maintindihan ang
aralin.
__________16. Malakas akong magpatugtog ng musika habang gumagawa ng takdang-aralin.
__________17. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa kanyang pag-aaral.
__________18. Humahanap ako ng iba pang pagkukunan ng impormasyon sa tuwing ako ay nalilito sa
aking aralin.
__________19. Hinahayaan ko na lang na mababa ang makuhang kong marka kaysa paghirapan ko
ang aking pag-aaral.
__________20. Nagbabasa at nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit.

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikatlong Lagumang Pagsusulit - Unang Markahan

Pangalan : __________________________________ Baitang at Pangkat : ____________

I. Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang inyong pangkat?
a. upang madaling matapos ang ginagawang proyekto
b. hindi matapos agad ang ginagawang proyekto
c. makipag-away sa grupo
d. hindi tumutulong sa grupo
_____2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pakikilahok sa pangkatang gawain?
a. aktibong sumama at tumutulong sa pangkatang gawain
b. natutulog lang
c. naglalaro habang ang iba ay gumagawa sa pangkatang gawain.
d. umiiwas sa gawain
_____3. Ano ang pinakahuli mong ginawa kasama ang iyong pangkat?
a. nagdadabog ka
b. inaayos ang mga kagamitan na ginamit sa pangkatang gawain
c. pinabayaang nagkalat ang mga kagamitan
d. walang ginawa
_____4. Anong ugali ang dapat mong ipagmalaki sa sarili?
a. matapat
b. malambing
c. mayabang
d. arogante
_____5. Umuwi ng wala sa takdang oras ang ibang kaklase ni James. Tinatanong ng kanyang guro
kung saan na ang kanyang ibang kaklase upang masimulan na ang kanilang proyekto. Kung
ikaw si James ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko ang totoo sa aking guro.
b. Magsisinungaling ako sa aking guro para hindi mapagalitan ang aking mga kaklase.
c. Tatahimik nalang ako.
d. Aalis ako na parang walang nangyari.
_____6. Nakita mong ninakaw ni Carlo ang gamit para sa proyekto ng iyong kaklase. Ano ang iyong
gagawin?
a. Hindi ka magsasabi ng totoo.
b. magsawalang kibo
c. sasabihin ang katotohanan
d. Magsisinungaling
_____7. Ang inyong barangay ay naghahanap ng mga taong pwedeng tumulong sa programa nila na
namimigay ng pagkain sa mga liblib na lugar. Anong katangian ang dapat mayroon ka upang
ikaw ay mapili bilang tao na pwedeng tumulong sa kanila?
a. mapagmalasakit
b. mapang-api
c. makulit
d. mapanakit

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

_____8. Nahihirapan ang iyong kapwa mag-aaral sa pagsagot sa gawain sa asignaturang Ingles. Ikaw
ay isa sa mga magaling na mag-aaral sa naturang asignatura. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi mo siya papansinin.
b. Aalokin mo siya ng tulong sa pagsagot ng gawain.
c. Pagtatawanan mo siya.
d. Aawayin mo siya.
_____9. Gumagamit ng maling materyales ang iyong kasama sa pangkat. Ano iyong dapat gawing
bilang isang lider ng pangkat?
a. Pagagalitan ko siya sa kanyang kamalian.
b. Pagsasabihan ko siya na ang kanyang materyales na gamit ay hindi akma para sa proyekto.
c. Pagtatawanan ko nalang siya.
d. Isusumbong ko siya sa guro.
_____10. Ang inyong pangkat ay nag ambag-ambag ng kunting pera para pambili ng mga materyales
para sa inyong proyekto ngunit walang maiambag na pera ang isa mong kaklase na miyembro
ng inyong pangkat. Bilang isang kaklase at miyembro ng pangkat at may sobrang pera ka,
ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko siya.
b. Paaalisin siya sa pangkat.
c. Iintindihin at tutulongan ko siya.
d. Pagalitan siya sa harap ng pangkat.

II. Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang Oo o Hindi batay sa iyong sagot sa sumusunod na
sitwasyon.

_____1. Nakikinig ka ba sa opinyon ng mga kamag-aral mo?


_____2. Ipinahahayag mo ba nang malumanay ang iyong mga suhestiyon o ideya sa mga talakayan?
_____3. Ipinipilit mo ba na tanggapin ng nakararami ang iyong rekomendasyon sa plano ninyong
proyekto?
_____4. Tinatanggap mo ba nang may katatagan ng loob ang puna ng iba?
_____5. Nagrereklamo ka ba sa lider matapos magkaroon ng desisyon ang nakararami?

III. Lagyan ng tsek (/) kung nagpapahayag ng katapatan sa pagpapahayag sa saloobin at opinyon, at
ekis (X) kung hindi.

_____1. Hindi kailangan ang katatagan ng loob sa pagbibigay ng puna.


_____2. Sinusunod ko ang payo ng aking mga magulang ng may katatagan ng loob.
_____3. Hihingi ako ng kapalit sa naibigay ko na suhestiyon.
_____4. Mahalaga ang pakikinig sa mga opinyon, ideya at saloobin ng nakakarami.
_____5. Hindi ko tatanggapin ang opinyon ng aking kamag-aral.

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikaapat na Lagumang Pagsusulit - Unang Markahan

Pangalan : __________________________________ Baitang at Pangkat : ____________

I.Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa
patlang.

_____1. “Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat.”


a. maganda b. tapat c. mali d. biro

_____2. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, maliban sa ____


a. totoo b. tama c. wasto d. kasinungalingan

_____3. Nakita mong itinago ni Jester ang tsinelas ng kapatid mo. Nang hinahanap na ito ay sinabi
mong hindi mo alam. Ang ginawa mo ay ____
a. tama, upang maiwasan ang away o gulo
b. tama, upang hindi mapahamak si Jester
c. mali, dahil hindi ka nagsabi ng totoo
d. mali, dahil dapat inako mo ang kasalanan

_____4. Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring _____


a. mas lumala ang suliranin
b. hindi magbago ang kapwa
c. maulit pa ang pagkakamali
d. lahat ng nabanggit

_____5. Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka, pipiliin mong _____
a. magsinungaling na lang c. manahimik at itago ito
b. isumbong ang ibang tao d. umamin at humingi ng tawad

_____6. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kay sa palaruan bag pumasok sa
paaralan. Sa kapipilit ay sumama ka sa kanya dahilan para mahuli kay sa klase. Tinanong kayo
ng inyong guro kung bakit ngayon lang kayo dumating
a. Sasabihin sa guro na inutusan ng iba pang guro kung kaya nahuli sa klase.
b. Magsisinungaling ka sa iyong guro.
c. Hindi na lamang kikibo.
d. Ipagtatapat sa guro ang ginawa, hihingi ng tawad at mangangako na hindi na uulit.

_____7. May kasinungalingan kang nasabi at narinig ito ng iyong nakababatang kapatid. Ano ang
gagawin mo?
a. Magagalit ka sa kanya
b. Sasabihin na huwag magsumbong
c. Iiwasan mo siya sa buong araw
d. Aaminin mo sa kaniya at sasabihing hindi tama ang pagsisinungaling na nagawa mo

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR ELEMENTARY SCHOOL
ALIMA, CITY OF BACOOR, CAVITE

_____8. Naglalaro kayong magkakaibigan malapit sa hardin ng isa ninyong kapitbahay nang mabasag
mo ang isang paso. Narinig ng may-ari ang pagkabasag ng paso. Tinanong niya kayo kung
sino ang nakabasag. Ano ang gagawin mo?
a. Ituturo ang isa sa mga kaibigan.
b. Sasabihin mong may pusang tumalon.
c. Sasabihing natangay ng hangin kaya bumagsak at nabasag.
d. Aamin na ikaw ang nakabasag at hihingi ng paumanhin.

_____9. Inutusan kang bumili sa tindahan ng iyong nanay. Sobra ang perang naibigay sa iyo
a. Ibabalik ang sobrang pera
b. Ibibili ng kendi ang sobrang pera
c. Itatago ang sobrang pera
d. Lahat ng nabanggit

_____10. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral
a. Sasabihin sa kaibigan na ibalik ang bolpen
b. Hindi kikibo at babalewalain ang nangyari
c. Papauwiin na ang kaibigan
d. Bibigyan ko nalang ng bolpen ang aking kamag-aral

II. Sabihin kung sumasang-ayon ka o hindi sa mga pahayag sa ibaba. Isulat ang Oo o Hindi sa
sagutang papel.

_____1.Tama lang na angkinin ang papuri sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba.
_____2. Dapat na isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
_____3. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang mahalagang bagay na napulot mo.
_____4. Hindi dapat inililihim sa mga magulang ang problemang kinakaharap.
_____5. Dapat mag-aral ng mabuti bago dumating ang araw ng pagsusulit.

III. Sumulat ng isang talata na binubuo ng tatlo o higit pang pangungusap na sasagot sa sa tanong sa
ibaba.

1. Bilang isang mag-aaral paano mo ipakikita ang iyong katapatan sa iyong sarili at sa iyong
kapwa.?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Address: Gen. Evangelista St. Alima, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 454-2847
E-mail Address: bacoorcentral@yahoo.com

You might also like