You are on page 1of 3

IKAAPAT NA BUWANANG PAGSUSUSLIT

ARALING PANLIPUNAN 7
SY 2021-2022

PANGALAN:___________________________________________________________
BAITANG AT SEKSYON:_____________________________ PETSA:_____________

I. MULTIPLE CHOICES
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinaka angkop
na sagot sa pagpipilian.

1. Sino ang naging tagapayo ng Imperyong Maurya na umusbong sa India?


a. Akbar b. Dharma c. Kautilya d. Shah Jahan
2. Alin sa pagpipilian ang modernong paraan o proseso ng “woodblock printing”?
a. Photoshoot b. Photocopy c. Painting d. Selfie
3. Sino ang naging tagapagtatag ng Dinastiyang Yuan sa sinaunang Tsina?
a. Confucius b. Chandragupta c. Jahangir d. Kublai Khan
4. Anong Imperyo ang tinawag na “Golden Age of India”?
a. Gupta b. Maurya c. Mughal d. Han
5. Anong relihiyon ang ipinalaganap ni Ashoka sa ilalim ng kanyang panunungkulan sa Imperyong
Maurya?
a. Christianity b. Buddhism c. Hinduism d. Confucianism
6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang samahan ng mga bansa o lugar na pinamamahalaan
ng isang emperador o iba pang makapangyarihang pinuno o pamahalaan?
a. Empire b. Monarchy c. Nation d. Legalism
7. Ano ang kilalang landmark na matatagpuan sa China na nagsilbing harang ng mga Tsino laban sa
mga mananakop?
a. Great Wall of China b. Taj Mahal c. Yellow River d. Ziggurat
8. Sino ang nagpatayo ng Taj Mahal sa India?
a. Akbar b. Jahangir c. Shah Jahan d. Shih Huang Ti
9. Ano ang tawag sa patakarang isinunod ni Ashoka mula sa mga aral ni Buddha?
a. Dhamma b. Dharma c. Dhamma Mahamattas d. Darna
10. Alin sa mga pagpipilian ang tumutukoy sa isang organisasyon na may kakayahang gumawa at
magpatupad ng batas sa lugar na nasasakupan?
a. Indigenous Group b. Militar c. Pamahalaan d. Pamayanan
11. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahabang dinastiya na namahala sa sinaunang China?
a. Chin b. Han c. Tang d. Zhou
12. Alin sa mga sumusunod na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas ngayon ang maihahalintulad sa mga
Rajput?
a. Department Secretary b. Governors c. President d. Vice President
13. Ano ang tawag sa mga aral na itinuturo ni Buddha na naging basehan ni Ashoka sa kanyang
pamamahala?
a. Dhamma b. Dharma c. Dhamma Mahamattas d. Darna
14. Sino ang binansagang “The Great One” dahil sa angking talino at galing na namuno sa Imperyong
Mughal ng India?
a. Akbar b. Ashoka c. Jahangir d. Shah Jahan
15. Si Ashoka ay isang marahas na pinuno ngunit naging mabuti matapos makita niya ang resulta ng
kanyang pananakop na kumitil ng libo-libong buhay ng tao. Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. Ang isang pinuno ay dapat matutong pumatay ng libo-libong tao para kanyang nasasakupan.
b. Ang mga tao ay kalayaang magbago tungo sa ikabubuti kahit ano pa man ang masamang
nakaraan nito.
c. Ang bawat tao ay may kalayaang gawin kung ano ang nais niyang gawin, ito man ay masama
o mabuti.
d. Ang bawat tao ay maaring maging pinuno at gawin kung ano ang nais alang alang sa lupaing
nasasakupan.
16. Ano ang pinakamagandang dulot ng pag hingi ng payo ng isang lider sa iba bago magdesisyon para sa
kanyang nasasakupan?
a. Lumalawak ang kaalaman ng pinuno.
b. Mas higit na nadaragdagan ang mga ideya na maaring magbunga ng kalituhan ng isip ng
isang pinuno.
c. Nakakakuha ng iba’t ibang ideya mula sa iba upang mas maayos na makapag bigay ng
desisyon.
d. Nagiging panatag ang loob ng lider dahil sa payo ng iba.

17. Alin sa mga sumusunod ang pinaka magandang epekto ng pagkakaroon ng mga pinuno sa mas
maliliit na lugar ng isang bansa?
a. Maaaring makapag bigay ng takot sa mga mamamayan at magdulot ng kaguluhan dahil sa
kanilang lider.
b. May mga batas ang maaaring maipatupad sa mga maliliit na lungsod o lalawigan.
c. Naipatutupad ng maayos ang mga batas at nabibigyan ng mas maayos na tugon ang mga
pangangailangan ng lungsod.
d. Mas gaganda ang lugar at magkakaroon ng pag unlad.

18. Si Juan ay nagkasala, siya ay nagnakaw ng mga mamahaling alahas mula sa isang tindahan. Ayon sa
batas ng Pilipinas, dapat bang hatulan ng marahas na kaparusahan si Juan?
a. Opo, dahil dapat nilang pagbayaran ang kanilang kamalian.
b. Opo, dahil kailangang parusahan ng kamatayan ang sinomang nagkamali.
c. Hindi po, dahil mayroon tayong maayos na paraan ng paglilitis.
d. Hindi po, dahil hindi naman mabigat ang nagawa ni Juan na kasalanan.

19. Paano mo maipapakita ang iyong suporta sa pamahalaan ng iyong bansa?


a. Susunod sa lahat ng utos ng pangulo at mga kapulisan.
b. Magiging magandang ehemplo sa nakararami.
c. Magiging tagasunod ng mga batas at patakaran at ipapakita ang respeto at paggalang sa mga
pinuno at pamahalaan.
d. Sasama sa mga pagaaklas laban sa gobyerno.

20. Naniniwala ang mga tao ng sinaunang Tsino na sila ang sentro ng mundo. Anong paniniwala ang
tinutukoy nito?
a. Ito ay tumutukoy paniniwalang Divine Origin. Naniniwala ang mga tao ng sinaunang Tsina na
kapag ang kanilang pinuno ay itinalaga ng langit, ang kanilang bansa ay magiging sentro ng
mundo.
b. Ito ay tumutukoy sa Sinocentrism. Ang mga tao sa sinaunang Tsina ay naniniwala na ang
kanilang bansa ay nangunguna sa lahat ng larangan at higit na angat kumpara sa ibang
bansa.
c. Ito ay tumutukoy paniniwalang Mandate of Heaven. Naniniwala ang mga tao ng sinaunang
Tsina na ang kanilang pinuno ay may kapangyarihan tulad ng diyos kaya’t ang kanilang bansa
ay naging sentro ng mundo.
d. Ito ay ang paniniwalang sinocentrism. Ang mga sinaunang Tsino ay naniniwala na ang
kanilang bansa ay ang pinili ng langit upang maging sentro ng mundo.

II. MODIFIED TRUE OR FALSE


Panuto: Para sa DALAWANG PUNTOS pumuli ng dalawang sagot.
1. Para sa unang sagot, piliin ang TRUE kung ang salitang may salungguhit ay tama at
FALSE naman kung ito ay mali.
2. Para sa ikalawang sagot, kapag TRUE ang iyong unang sagot, piliin ang salitang may
salungguhit sa pagpipilian. Kapag FALSE ang iyong unang sagot, piliin sa pagpipilian ang
tamang salita upang maging tama ang pangungusap.

21. – 22. Ang mga kaisipan o ideya ay produkto ng pag-iisip.


True / False ___________________
23. – 24. Ipinatayo ni Shah Jahan ang Taj Mahal bilang pag-alala sa kanyang anak na namatay.
True / False ____________________
25.– 26. Ang kapangyarihan, batas at desisyon sa sentralisadong pamahalaan ay nagmumula sa
pamahalaang panlalawigan.
True / False ____________________
27. – 28. Kilala si Confucius bilang Chinese philosopher na nagpalaganap ng “golden rule”.
True / False ____________________
29.– 30. Pinapayagan ang mga Feudal Lords na mamuno sa ilalim ng sentralisadong
pamahalaan.
True / False ____________________

III. IDENTIFICATION
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy ng bawat numero.

DEMOKRASYA IMPERYONG MUGHAL ARTASHASTRA PIYUDALISMO QURAN

MONARKIYA IMPERYONG GUPTA ZHONGGUO LEGALISMO CHINA

31. Ito ang aklat na naging basehan ng tamang pamamalakad sa Imperyong Maurya.
___________________
32. Uri ng pamahalaan ng pinamumunuan ng mga hari, reyna o emperador.
___________________
33. Isang sistema ng pamamahala ng sinaunang Tsina kung saan ang mga pag-aari ng mga hari
ay pinamamahalaan ng mga nobles.
___________________
34. Ito ang impeyong bumagsak dahil sa pananakop ng mga Europeo sa ilalim ng Imperyalismo.
___________________
35. Tawag sa sinaunang kaharian ng Tsina.
___________________

-end-

You might also like