You are on page 1of 5

MOUNT GERIZIM CHRISTIAN SCHOOL,INC.

Nanlagarian, Puncan, Carranglan, Nueva Ecjia, Philippines


Telephone Number: (044) 464-72-30/09067605941

“The School that offers All – Heart, All – Mind


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 4
S.Y. 2023-2024

PANGALAN: _____________________________________________ ISKOR:

PETSA: _______________________________

MUSIKA
A. Panuto: Kilalanin ang simbolo ng mga nota at pahinga na nasa Hanay A at hanapin ang pangalan
nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B

___ 1. a. buong pahinga

___ 2. b. waluhing nota

___ 3. c. apating pahinga

____ 4. d. buong nota

____ 5. e. apating nota

B. Panuto: Kilalanin ang mga nota at pahinga ayon sa palakumpasang 2 , 3 , 4


4 4 4
at isulat sa patlang ang tamang sagot.

6. _______
7. _______
8. _______

C. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

9. Ano ang ginagamit upang mapangkat ang mga nota at pahinga?


A. duple C. limguhit
B. bar line D. ritmo
10. Ilan ang bilang ng kumpas ng palakumpasan 2 ?
4
A. tatluhan C. isahan
B. dalawahan D. apatan
11. Ilan ang bilang ng kumpas ng 3 palakumpasan?
4
A. isahan C. tatluhan
B. dalawahan D. apatan
12. Anong simbolo ang ginagamit sa accent?
A. < C. =
B. > D. +
13. Ilan ang bilang ng kumpas ng 4 na palakumpasan?
4
A. isahan C. tatluhan
B. dalawahan D. apatan

ARTS
A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

14. Ang mga motif na nasa itaas ay mga dibuho ng__________.


A. Bituin C. Langit
B. Araw D. Lupa

15. Alin sa mga disenyo ng araw sa ibaba ang kilalang dibuho ng mga taga-Kalinga?

A. B. C. D.
16. Ang mga sumusunod na dibuho ay halimbawa ng dibuho ng _____.

A. Araw C. Hayop
B. Bituin D. Tao
17. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng dibuhong araw maliban sa isa.

A B. C. D.
18. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipakikita nila sa pamamagitan ng paglikha ng mga
kagamitang pantahanan maliban sa isa.
A. palayok C. banga
B. mangkok D. alahas

19. Anong kagamitan ng pangkat-etnikong T’boli ang gawa sa mga hibla ng abaka?
A. sarong C. t’nalak
B. sibat D. sulo
20. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo na gawa ng ating mga ninuno?
A. Ilagay sa isang museo ng mga kagamitan o kasuotan na gawa ng ating mga katutubo.
B. Itapon ang mga ito sa basurahan.
C. Itago ang mga ito para wala ng makinabang.
D. Ipagbili ang mga ito.
21. Makikita sa mga sumusunod ang mga disenyong etniko maliban sa isa.
A. Pagkain C. palamuti
B. Kagamitan D. kasuotan
22. Ang katawagang ito ay nangangahulugang “People of the Lake”.
A. Ifugao C. Panay-Bukidnon
B. Maranao D. Kalinga
23. Ito ang isang paraan ng sining na naiiwasan na matakpan o ipahid ng watercolor.
A. Crayon Resist C. Painting
B. Value D. Crayon Etching
24. Elemento ng sining na nagbibigay buhay at ganda sa mga bagay sa paligid.
A. Linya C. Tekstura
B. Kulay D. Hugis
25. Ang mga likhang-sining ay makakatulong sa pag-unlad ng iyong ______________.
A. ugali C. paligid
B. kakayahan D. enerhiya

EDUKASYONG PANGKATAWAN
A. Panuto: Paghambingin ang mga gawaing pisikal sa Hanay A na kaakibat sa mga sangkap ng physical
fitness sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
_______ 26. Paglalangoy A. body composition, cardiovascular endurance and muscular
strength
_______ 27. Pagbabasketbol B. power, speed, balance, coordination and agility
_______ 28. Pagsasayaw C. Flexibility, muscular strength and cardiovascular endurance
_______ 29. Pagtatakbo D. speed, agility and cardiovascular endurance
_______ 30. Pagbibisekleta E. cardiovascular endurance, muscular strength, flexibility and
mobility maging

B. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
31. Paano mo mapapaunlad ang iyong puwersa (muscular power)?
A. Dahil sa panonood ng TV buong araw
B. Sa pamamagitan ng pagtulog ng 8-10 oras.
C. Dahil sa pagkain ng masustansiyang pagkain
D. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga larong pinoy
32. Bakit kailangan na maging maingat sa paglalaro?
A. Upang mas malilinang pa ang kalusugan.
B. Upang maintindihan ang mga mekaniks sa larong pinoy na sinasalihan
C. Upang maangkin ang mga kasanayan na kailangan matutuhan
D. Upang maiwasan ang aksidente at masaktan.
33. Sa tuwing ginagawa ang sit and reach inuunat natin ang ating braso at likuran. Anong component
ng health-related fitness ang ipinapakita nito?
A. Mascular Endurance C. Reaction Time
B. Flexibility D. Skill-related
34. Kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng mabilis: Agility, Kakayahan ng iba’t ibang bahagi
ng katawan na kumilos ng sabay-sabay: _______________.
A. Muscular Strength C. Power
B. Coordination D. Skill-related
35. Ang push-up ay isang gawaing naglilinang ng kakayahan ng ating kaalaman (muscle) na
makapaglabas ng puwersa o buhos ng lakas. Anong Health-related component ang sinusubok.
A. Muscular strength C. Reaction Time
B. Coordination D. Power
36. Pagpukol ng bola: Power, Pag-iwas sa taya: ________________
A. Muscular Endurance C. Reaction Time
B. Balance D. Skill-related
37. Kakayahan ng katawan na makagawa ng pangmatagalang Gawain na gumagamit ng malakinang
galaw mula sa katamtaman hanggang sa mataas na antas ng kahirapan.
A. Kahutukan o Flexibility C. Cardiovascular Endurance
B. Puwersa o power D. Coordination

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
A. Panuto: Basahing mabuti at pag-aralan ang panungusap na nasa ibaba. Iguhit ang bituin kung
ang pangungusap ay tama at araw naman kung hindi.
_________ 38. Ang pagkain nasira o panis na ay mapanganib sa kalusugan.
_________ 39. Ang “food label” na “Best Before Date” ay nangangahulugang sira o panis na ang
pagkain o inumin.
_________ 40. Makikita sa “food label” ang “Ways of Preparing”.
_________ 41. Maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit kung alam mo ang “Expiry date” at “best before
date” ng pagkain.
_________ 42. Takpan ang natirang pagkain upang hindi dapuan ng anumang insekto.

B. Panuto: Piliin ang angkop na sakit sa loob ng kahon na tinutukoy o inilalarawan sa bawat bilang.
typhoid fever cholera hepatitis A
amoebiasis food poisoning

43. Ang ______________________ ay isang nakakahawang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng


kontaminadong dumi ng tao, pagkain o tubig?
44. Ang sakit na ______________________ ay ang pamamaga ng atay. Ang jaundice o paninilaw ng
mata at balat ang pinakahalatang epekto nito.
45. Ang sakit na ______________________ ay dulot ng amoeba, isang protozoa na nakukuha sa
maruruming tubig. Nagdudulot ng pangmatagalang pagtatae na may kasamang pananakit ng tiyan.
46. Ang sakit na ______________________ ay maaaring makuha sa pagkaing nahaluan ng mga
panganib at nakakalasong bagay. Nagdudulot ng pagsusuka, pagsasakit ng tiyan, pagtatae at
panghihina.
47. Ang sakit na ______________________ ay dulot ng salmonella na nagdudulot ng mataas na
lagnat, pagsakit ng ulo, hindi magandang pakiramdam, pagkawala ng gana sa pagkain at madalas na
pagtatae o paghirap sa pagdumi.
C. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
48. Ano ang tawag sa kumpletong listahan ng mga sustansyang makukuha sa produkto?
A. Food Web C. Food Groups
B. Food Labels D. Nutrition Facts
49. Alin ang dapat gawin upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng maruming pagkain?
A. Kumain ng hindi naaayon sa food pyramid
B. Kumain sa maruruming lugar
C. Uminom ng gatas sa umaga at sa gabi
D. Huwag kumain ng prutas at gulay
50. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagpapanatiling malinis at ligtas na pagkain maliban
sa isa.
A. Mapananatiling malusog at masigla ang katawan
B. Maka-iiwas sa anumang uri ng foodborne diseases
C. Mapananatiling malinis, maayos at sariwa ang pagkain.
D. Magiging mabilis ang pagkasira at pagkapanis ng pagkain.

Inihanda ni:

APRIL JOY S. VILLANUEVA


Guro

You might also like