You are on page 1of 12

New Creator Bonus Program ng Effect House

Mga Opisyal na Panuntunan

Walang Kailangang Bilhin


PAKIBASANG MABUTI ANG MGA TUNTUNING ITO. DAPAT KANG SUMANG-AYON SA
MGA TUNTUNING ITO, PARA SUMALI SA PROGRAMA.
Walang bisa ang programa kung saan ipinagbabawal. Sa pagsali, tinatanggap at sinasang-
ayunan ng bawat Kalahok na mapailalim sa mga Tuntuning ito. Posibleng magresulta sa
diskwalipikasyon ang hindi pagsunod sa mga Tuntuning ito.

Ang New Creator Bonus Program ng Effect House (ang "Programa" na ito) ay isang
programa na nagbibigay-daan sa iyo (ang "Kalahok" o "ikaw") na mangolekta ng mga
reward mula sa TikTok Effect House sa pamamagitan ng pagkumpleto sa New Creator
Bonus Mission.
Magsisimula ang Program na ito sa 2023/04/10 sa ganap na 0:00:00 AM (UTC-0) at tatagal
sa loob ng isang (1) taon, malibang tapusin gaya ng itinakda sa ibaba. Awtomatikong
magre-renew ang Programa na ito sa magkakasunod na isang (1) taon ang haba, malibang
wakasan gaya ng itinakda sa ibaba. (ang "Panahon ng Programa").
Sumasailalim ang Programa na ito sa mga tuntunin at kundisyon na ito (ang "Mga
Tuntunin"), Mga Tuntunin ng Serbisyong TikTok , Mga Patnubay sa Komunidad, Mga
Tuntunin ng Serbisyo ng Effect House, Mga Tagubilin sa Effect, Patakaran sa Privacy at iba
pang mga patakaran sa Platform, na posiblemg baguhin pana-panahon (sama-sama bilang
"Mga Patakaran ng Tiktok"). Kung magkaroon ng salungatan sa mga Tuntuning ito at sa
Mga Patakaran ng TikTok, ipapatupad ang Mga Tuntuning ito. Malibang tinukoy rito,
angkop din ang Mga Tuntuning ito sa, at legal na ipinapailalim ang, lahat ng user (kabilang
ang Mga Kalahok, naimbitahan at kasalukuyang user). Hindi garantisado ang patuluyang
operasyon ng at pagsali mo sa Programa. Nasa amin ang karapatang baguhin o kanselahin
ang Programa sa anumang oras alinsunod sa Mga Tuntuning ito.
Kung residente ka sa European Economic Area, Switzerland, o sa UK, nalalapat din ang
Patakaran sa Mga Reward. Kung magkaroon ng salungatan sa pagitan ng Mga Tuntuning
ito at sa Patakaran sa Mga Reward, ang Mga Tuntuning ito ang ipapatupad may kinalaman
sa iyong pagsali sa Programa na ito.
Ang anumang naka-capitalize na mga termino na hindi tinukoy sa Mga Tuntuning ito ngunit
tinukoy sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Effect House ay binigyang-kahulugan sa Mga
Tuntunin ng Serbisyo ng Effect House.
Available ang Programa sa mga rehiyong nakalista sa page ng Programa.

1. Isponsor
Iniisponsor at pinamamahalaan ang Programa na ito ng entidad ng TikTok na nagbibigay ng
TikTok video platform (ang "Platform") sa iyong bansa, at ng mga kasapi nito
("Isponsor","kami", "namin" o "amin") na tanging may pananagutan para sa Programa na
ito.
Kung naninirahan ka sa United States o Latin America (maliban sa Brazil), ang Platform ay
ibinibigay ng TikTok Inc. na may address na 5800 Bristol Parkway, Culver City, CA 90230,
United States.
Kung naninirahan ka sa Canada, ang Platform ay ibinibigay ng TikTok Technology Canada
Inc.
Kung naninirahan ka sa EEA o Switzerland, ang Platform ay ibinibigay ng TikTok Information
Technologies UK Limited AT ng TikTok Technology Limited.
Kung naninirahan ka sa United Kingdom, ang Platform ay ibinibigay ng TikTok Information
Technologies UK Limited.
Kung hindi ka naninirahan sa US, EEA, United Kingdom, Switzerland, ang Platform ay
ibinibigay ng TikTok Pte. Ltd.
Kung naninirahan ka sa Mexico, ang Platform ay ibinibigay ng TikTok México Tecnología S.
De R.L. De C.V. Na may address sa Volcan 212 - N2A, Prado Norte, Lomas de Chapultepec,
Zip Code 11000, Mexico City, Mexico.

2. Mga Kwalipikadong Kalahok


Sa lahat ng oras sa panahon ng paglahok sa Programa, ang mga user lang ng TikTok na
nakakatugon sa lahat ng sumusunod na kinakailangan ang kwalipikadong lumahok sa
Programa na ito:
• Isa kang indibidwal; nakatira ka sa rehiyon kung saan available ang Platform; di-
bababa sa 18 taong gulang o ang legal na edad sa bansang tinitirhan mo mula sa petsa ng
pagsisimula ng Programa na ito;
• May awtoridad kang tanggapin ang Mga Tuntuning ito para sa sarili mo o sa ngalan
ng legal na entidad na kinakatawan mo.
• Nasa mabuting katayuan sa Mga Patakaran ng TikTok ang account mo sa Platform;
• Hindi ka lumahok sa Programa na ito gamit ang isa pang account sa TikTok sa
kasalukuyang device mo (kasama ang mobile device at computer).
Hindi kwalipikadong lumahok ang mga empleyado, opisyal at contractor ng TikTok, at ang
kanilang mga kapamilya at/o miyembro ng sambahayan.
Pinapayagan din ang mga negosyo o entidad na lumahok sa Programang ito, basta't
natutugunan nila ang mga kinakailangan sa itaas.
Nakalaan sa amin ang karapatang i-disqualify ang sinumang kalahok na hindi sumusunod
sa Mga Tuntuning ito, Mga Patakaran ng TikTok at/o anumang naaangkop na batas.
3. Paano Lumahok sa Programa na ito at Mangolekta ng
Reward
Libre ang pagsali sa Programa na ito. Walang kailangang bilhin o anumang uri ng bayad
para makapasok.
Pwede mong i-access ang page ng Programa sa pamamagitan ng pag-click sa banner na
“Gumawa ng mga effect” sa software ng Effect House o sa page ng mga detalye ng
anumang effect sa Platform, at sundin ang mga tagubiling itinakda sa kung paano sumali.
Sa pagsali, tinatanggap at sinasang-ayunan mong mapailalim sa Mga Tuntuning ito.
Para sumali sa Programa na ito, dapat mong gawin ang New Creator Bonus Mission
("Mission") at mangolekta ng Reward gaya ng tinukoy sa Seksyong ito.
New Creator Bonus Mission
Kung isa kang kwalipikadong Kalahok at hindi ka pa nakakapag-log in sa desktop software
ng Effect House gamit ang account mo sa TikTok ("Bagong User"), pwede mong gawin
ang mga sumusunod na hakbang ("New Creator Bonus Mission") para mangolekta ng
Reward:
Hakbang 1: I-download ang desktop software ng Effect House mula sa
https://effecthouse.tiktok.com, at mag-log in gamit ang iyong TikTok account. (Tandaan:
mag-log in sa desktop software ng Effect House gamit ang parehong TikTok account na
ginamit mo para puntahan ang page ng Programa sa TikTok app).
Hakbang 2: Gumawa ng effect gamit ang desktop software ng Effect House at
matagumpay na i-publish ito sa TikTok sa loob ng 14 araw pagkatapos mong mag-log
in sa Effect House sa unang pagkakataon. Pwede mong tingnan ang mga sumusunod
na tutorial kung paano gumawa ng effect: https://effecthouse.tiktok.com/learn/guides/).
Ire-review ng TikTok ang iyong isinumiteng effect sa loob ng 3 araw mula ng
pagsusumite mo. Ire-review at aaprubahan ang naisumite mong effect alinsunod sa
Mga Tagubilin sa Effect ng Effect House. Pwede kang gumawa at magsumite ng
maraming effect sa hakbang na ito.
Hakbang 3: Ginamit ang alinman sa iyong naisumiteng effect sa di-bababa sa 600 iba't
ibang video na nai-post sa TikTok, bawat isa ng iba't ibang user, sa loob ng 14 na araw
pagkatapos itong mai-publish sa TikTok.
Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng 3 hakbang ng New Creator Bonus Mission, magiging
kwalipikado ka para sa isang (1) Reward.
Pakitandaan na ang bawat kwalipikadong user ay pwede lang mangolekta ng maximum na
isang (1) reward sa programa na ito. Halimbawa, kung gagawa ka ng maraming effect sa
Hakbang 2 at higit sa isa sa mga ito ang umabot sa 600 video post, magiging kwalipikado ka
lang sa isang (1) Reward.

4. Mga Reward
Nakatakda sa ibaba ang nare-redeem na reward sa ilalim ng Programa na ito ("Reward"):
Rehiyon Uri ng gift card Halaga

The United States Voucher ng Amazon 30 USD

The United Kingdom Voucher ng Amazon 24 GBP

Germany Voucher ng Amazon 20 EUR

Canada Voucher ng Amazon 30 USD

France Voucher ng Amazon 20 EUR

Italy Voucher ng Amazon 20 EUR

Spain Voucher ng Amazon 20 EUR

Mexico Voucher ng Amazon 200 MXN

Australia Voucher ng Amazon 30 USD

Japan Voucher ng Amazon 2400 JPY

Singapore Voucher ng Amazon 10 USD

Vietnam Grab Food Voucher ng Vietnam 200,000 VND

Pilipinas Grab Food Voucher ng Pilipinas 500 PHP

Indonesia Grab Food Voucher ng Indonesia 100000 IDR

Thailand Grab Food Voucher ng Thailand 300 THB

Malaysia Grab Food Voucher ng Malaysia 50 MYR

Brazil Carpe Diem 50 BRL

Valid ang bawat reward nang hindi bababa sa 1 linggo pagkatapos mong makolekta ito.
Pwede kang sumangguni sa page ng Programa para sa hangganan ng pagiging valid ng
bawat Reward.

5. Mga Kundisyon ng Mga Reward


Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na hindi ka kailanman babayaran ng pera para sa iyong
pagsali sa Programa na ito. Hindi magkakaroon, o tatalagahan, ng anumang cash na halaga,
at hindi mare-redeem para sa cash ang Mga Reward.
Hindi pwedeng ilipat ang Mga Reward sa ibang mga user ng TikTok, at hindi pwedeng
maipagpalit, maitalaga, maging kapalit o mapalitan.
Pwede kang tumanggap ng Mga Reward bilang pabuya mula sa TikTok at hindi bilang
kapalit para sa halaga na pera o konsiderasyon ng anumang uri. Ang mga reward ay hindi
pag-aari ng sinumang user at hindi pwedeng ibenta, ilakip, agawin, ipataw, ipangako, o ilipat
sa ilalim ng anumang sitwasyon kabilang ang, nang walang limitasyon, sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng batas, sa pagkamatay, o kaugnay ng anumang hindi pagkakaunawaan o
legal na paglilitis.
Hindi kami mananagot sa kawalang kakayahan o hindi pagpayag ng kalahok na tumanggap
o gumamit ng Reward sa anumang kadahilanan.
Walang pinapayagang pagpapalit at pag-redeem para sa cash o mga katumbas ng pera
para sa Mga Reward, maliban sa TikTok, na may karapatang palitan ang anumang
nakasaad na Reward o anumang bahagi ng isa pang Reward na katumbas o may mas
malaking halaga kung sakaling hindi ito available.
Kung napapailalim ka sa anumang buwis (kasama ang anumang parusa o interes) at gastos
na ipinataw ng anumang hurisdiksyon na may kaugnayan sa Reward, na napapailalim sa
anumang naaangkop na mga lokal na batas para sa karapatan ng consumer na posible
mong pakinabangan, ikaw ang mananagot para sa pagbabayad ng mga naturang buwis
(kasama ang anumang kaugnay na parusa o interes) sa nauugnay na awtoridad para sa
buwis.
May karapatan kaming itama ang anumang hindi sinasadyang pagkakamali, alisin ang
anumang effect at/o i-disqualify ang sinumang kalahok/effect na hindi sumusunod sa Mga
Patakaran ng TikTok at/o anumang naaangkop na batas sa anumang yugto ng Programa na
ito kasama ang pagkatapos ng notification ng Mga Reward.
Magiging pinal ang mga desisyon namin at ipapatupad sa lahat ng bagay na nauugnay sa
Programa na ito, kabilang ang interpretasyon ng mga Tuntuning ito, at pagkakaloob ng Mga
Reward. Bukod pa rito, kinikilala at sinasang-ayunan mo na kami ang may tanging
karapatang magpasya na i-disqualify ang sinumang Kalahok na may sapat na kaugnayan sa
sinumang tao o entidad na konektado sa pagbuo, pangangasiwa, paghusga o iba pang
pananamantala sa Programa na ito, kung saan ang paglahok niya sa Programa na ito ay
pwedeng magpakita ng pagiging di-patas o pagiging hindi angkop.

6. Notification ng Reward at Pag-redeem


Pwede mong tingnan ang Reward sa page ng Programa at i-click ang alinmang button na
"Tingnan ang reward" para i-redeem ang Reward mo. Ire-redirect ka sa isang third party na
website (hal. Amazon, depende sa iyong rehiyon), at pwede mong tapusin ang pag-redeem
nang sinusunod ang tagubilin ng third party.
Pagkatapos mong kumpletuhin ang (mga) Mission, magpapadala rin kami sa iyo ng
mensahe sa TikTok inbox para i-notify ka sa (mga) bagong makokolektang Reward. Pwede
mong i-click ang link sa page ng Programa at pagkatapos ay i-click ang alinmang button na
"Tingnan ang reward" para i-redeem ang (mga) Reward.
Dapat mong i-redeem ang (mga) Reward sa loob ng hangganan ng pagiging valid ng bawat
Reward gaya ng tinukoy sa page ng Reward. Sumasailalim din ang mga Reward sa angkop
na mga tuntunin ng website ng third party. Kailangan mong mag-log in sa iyong third party
account para i-redeem ang Reward.

7. Paano Mag-opt Out sa Programa na Ito


Kung ayaw mo nang sumali sa Programa na ito, pwede kang mag-opt out sa Programa na
ito sa pamamagitan ng paghinto sa paggawa ng Mga Mission.
Pagkatapos mong mag-opt out, pwede mong i-redeem ang (mga) Reward na nakolekta mo
na bago ka nag-opt out. Pwede ka ring bumalik sa Programa na ito sa pamamagitan ng
paggawa ulit sa Mga Mission habang nasa Panahon ng Programa.

8. Pag-abuso sa Programa na Ito


Ang layunin ng Programa na ito ay para imbitahan kang gamitin ang Effect House para
gumawa ng mga effect. Kaya naman, may karapatan kaming i-disqualify ka sa Programa na
ito, o suspindihin ang pagiging available ng Mga Reward sa iyo, kung may makatuwirang
basehan kami para maniwala na ikaw ay:
• Nakialam o sumubok na makialam sa proseso o sa operasyon ng Programa na ito;
• Lumabag sa Mga Tuntuning ito;
• Nakagawa ng mga pagkilos na may layuning inisin o i-harass ang sinumang tao;
• Nakibahagi sa anumang aktibidad na wala sa diwa ng Programa na ito na
sumusubok na manipulahin nang hindi naaangkop ang mga pagkakataon mong mabigyan
ng Mga Reward
• Nakagawa ng anumang maling representasyon tungkol sa pang-aabuso o
paglulunsad ng anumang ilegal o kriminal na aktibidad (kasama ang pandaraya) na may
kaugnayan sa Programa na ito.
• Nag-publish, namahagi, in-advertise o sinubukang ibenta ang Mga Reward.
• Nang-harass o nam-bully ng mga user para kumpletuhin ang Mga Mission sa
anumang paraan
• Nilinlang o sinubukang linlangin ang sinumang may kaugnayan sa Programa, at/o
• Lumabag sa anumang naaangkop na batas.
Hindi magiging kwalipikado at hindi ibibilang ang mga Mission na ginawa ng mga agent o
ang mga awtomatikong ginawa ng computer, o iba pang mga awtomatikong paraan.
Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na kapag nilabag mo ang Mga Tuntunin o ang Mga
Tuntunin ng Serbisyong ito, may karapatan ang TikTok na kontrolin, suspindihin at/o
wakasan ang naaangkop na TikTok account mo, kasama na ang lahat ng Reward, ayon sa
sariling paghuhusga ng TikTok na sa tingin nito ay naaangkop at hindi mananagot ang
TikTok sa iyo o sa sinumang third party para sa anumang pagkawala o pinsala na may
kaugnayan sa paglabag o pagkawala ng Mga Reward.

9. Limitasyon ng Aming Pananagutan at Bayad-Pinsala


Ibinibigay ang Mga Reward ng mga third party at sumasailalim sa partikular na mga tuntunin
at kundisyon gaya ng tinutukoy sa website ng third party. Wala kaming responsibilidad para
sa anuman at lahat ng pananagutan para sa anumang pinsala, pagkawala o sira ng
anumang uri na magmumula sa website ng third party.
Hangga't pinahihintulutan ng angkop na batas, wala kaming pananagutan para sa anumang
kaganapan ng "force majeure" kabilang ang, nang walang limitasyon sa, mga likas na
sakuna, aktibidad ng mga ahensya ng pamahalaan, cyberattack, pandemic, at pagkabigo ng
sistema na posibleng sa anumang paraan ay makagambala sa o mahadlangan ang
Programa na ito o magresulta sa pagkawala, sira o pagkabigong mararanasan mo bilang
resulta ng pagsali mo (o kawalang-kakayahang sumali) sa Programa na ito.
Hangga't pinapahintulutan ng batas, hindi namin aakuin ang anumang responsibilidad o
pananagutan para sa anumang hindi tumpak o nabigong paghahatid ng elektronikong data,
mga teknikal na pagkakamali, mga nabigong entry o anumang kawalan ng access o
kawalan ng kakayahang magamit ang internet o TikTok. Ikaw ang tanging may pananagutan
sa pagsiguro na tumpak ang impormasyong ibinigay mo para mag-redeem ng Reward.
Walang pananagutan ang TikTok para sa anumang mga pagkawala dahil sa pagbibigay ng
hindi tumpak na impormasyon.
Ibinibigay ang Progama na ito at ang Mga Reward para lang sa hindi pangkomersyal na
paggamit at hindi kami mananagot para sa anumang komersyal na pagkalugi.
Hindi kami mananagot para sa nawala, nahuli, nasira, napinsala, hindi kumpleto, ninakaw,
hindi mabasa, hindi matukoy, naputol, ilegal na nakuha, o maling mga Entry, para sa
anumang computer, online, software, hardware o teknikal na di-paggana, o para sa
anumang typographical o iba pang error sa pag-print ng alok, pangangasiwa sa Programa
na ito, o pag-anunsyo ng Mga Reward at/o lahat ng materyal na nauugnay sa programa.
Sa pagsali sa Programa na ito, sumasang-ayon ang Kalahok na habambuhay na
ipapawalang-sala, aalisin, hindi magdulot ng pinsala, at babayaran ang anumang danyos at
ipagtatanggol, ang Isponsor at ang bawat isa sa mga pangunahing kumpanya, sangay, at
kaanib nito, at ang bawat direktor, opisyal, empleyado, at ahente nito (sama-sama, “Mga
Pinakawalan na Partido”) mula sa anuman at lahat ng pananagutan, paghahabol,
pagkalugi, pagkasira, sanhi ng aksyon, demanda sa anumang uri (kabilang, nang walang
limitasyon, ang anumang paglabag sa personal na karapatan tulad ng karapatan sa
publisidad o privacy, at mga paghahabol sa paglabag sa intelektwal na pag-aari) (“Mga
Paghahabol”) na nagmumula sa o may kaugnayan sa Programa na ito, sa anumang
kadahilanan. Karagdagan pa, sumasang-ayon ang Kalahok na protektahan ang Mga
Pinakawalan na Partido mula at laban sa anumang Mga Paghahabol.
Wala kaming responsibilidad o pananagutan kung sakaling hindi maisasagawa ang Mission
ayon sa pinlano para sa anumang kadahilanan, kasama ang mga kadahilanang hindi namin
kontrolado.
Hindi namin magagarantiya na ang pakikilahok mo sa Programa na ito ay magreresulta sa
pagtaas ng mga view o paggamit ng mga effect, o sa anupamang resulta.
Alinsunod sa mga tuntunin ng Seksyon 9 na ito (“Limitasyon ng Aming Pananagutan at
Bayad-Pinsala”), hangga't pinahihintulutan ng batas, hindi mananagot ang Isponsor sa
Kalahok para sa anumang pinsala o pagkawala, direkta man, hindi direkta, o bilang
kahihinatnan, na may kaugnayan sa pag-redeem o paggamit ng anumang Reward na
nakolekta kaugnay ng Programa na ito. Dapat sumangguni ang Kalahok sa third party nang
direkta para ayusin ang anumang pagkalugi o iba pang isyung nauugnay sa pag-redeem o
paggamit ng anumang Reward na nakolekta may kaugnayan sa Programa na ito.

10. Pangkalahatan
Kung ang alinman sa mga sugnay na ito ay napatunayang labag sa batas, hindi valid o kung
hindi man ay hindi maipapatupad, aalisin ang sugnay na iyon mula sa Mga Tuntuning ito at
mananatiling may ganap na bisa at epekto ang mga natitirang sugnay.
Sa pamamagitan ng pakikisali sa Programa, sumasang-ayon ka na pwedeng ipakita ng
TikTok ang username mo, larawan ng account at anupamang impormasyong nauugnay sa
profile may kinalaman sa aktibidad mo o pakikisali sa Program sa Platform sa iba pang user.
Batay sa kakayahan ang programa na ito at walang anumang anyo ng suwerte o subasta.
Walang bayad ang pagsali sa Programa na ito. Maliban sa hayagang itinakda sa Mga
Tuntuning ito, wala kaming ginagawang pangako o commitment tungkol sa Programa na ito,
tulad ng partikular na function ng Program na ito, o ang pagiging maaasahan nito, pagiging
available nito, o kakayahan nitong matugunan ang mga pangangailangan mo. May
karapatan kaming palawakin, suspindihin, ipagpaliban o ihinto ang Programa na ito sa
anumang oras para sa mga lehitimong dahilan nang may paunang notification sa
pamamagitan ng mga parehong paraan ng inisyal na komunikasyon alinsunod sa angkop na
batas at ibigay ang Mga Reward batay sa nakokolektang Mga Reward bago ang gayong
pagkansela, pagbabago, o pagsuspinde.
Hindi dapat italaga, ibenta, ilipat, ipasa o alisin ng mga Kalahok, kusang-loob man o hindi,
ayon sa pagpapatakbo ng batas o hindi, ang Mga Tuntuning ito o alinman o ang mga
karapatan o obligasyon nito sa ilalim ng Mga Tuntuning ito nang wala kaming paunang
nakasulat na pahintulot.
Nung nakabase ka sa US, sumasang-ayon ka na ang U.S. Federal Arbitration Act ang
namamahala sa interpretasyon at pagpapatupad ng mga Tuntuning ito, at ikaw at ang
TikTok ay magpapaubaya sa karapatan sa paglilitis ng hurado o para sumali sa isang class
action. Mananatili ang probisyon sa arbitrasyon pagkatapos ng anumang pagwawakas ng
Mga Tuntuning ito. Ipapatupad ang arbitrasyon ng American Arbitration Association (AAA)
sa ilalim ng mga alintuntunin nito kabilang, kung isa kang indibidwal, ang Supplementary
Procedures for Consumer-Related Disputes ng AAA. Kung hindi ka indibidwal o pumasok sa
Programa na ito sa ngalan ng isang entidad, hindi gagamitin ang Supplementary Procedures
for Consumer-Related Disputes ng AAA. Available ang mga alituntunin ng AAA sa
www.adr.org o sa pagtawag sa 1-800-778-7879. Pamamahalaan ng mga alituntunin ng AAA
ang pagbabayad ng lahat ng bayarin sa pagsampa, administrasyon at arbitrator. Kung isa
kang indibidwal at hindi naka-access o sumali sa Mission sa ngalan ng entidad, ire-
reimburse namin ang gayong bayarin para sa mga paghahabol kung saan ang halagang
pinagtatalunan ay wala pang $10,000, malibang matukoy ng arbitrator na walang basehan
ang mga paghahabol, at hindi kami hihingi ng mga bayad sa abogado at gastos sa
arbitrasyon malibang matukoy ng arbitrator na walang basehan ang mga paghahabol.
Ang lahat ng intelektwal na pag-aari, kasama ang pero hindi limitado sa mga trademark,
pangalan ng kalakal, logo, disenyo, materyal na pampromosyon, web page, ilustrasyon,
slogan at representasyon ay pagmamay-ari ng TikTok at/o mga kaanib nito. Reserbado ang
lahat ng karapatan.
Reserbado ng TikTok ang karapatan, ayon sa sarili nitong pagpapasya, na wakasan ang
anumang programa, nang buo o bahagi nito, at/o baguhin, palitan o suspindihin ang
anumang programa, at/o ang Mga Tuntuning ito sa anumang paraan, anumang oras, para
sa anumang dahilan na may paunang notification sa pamamagitan ng parehong paraan ng
paunang komunikasyon alinsunod sa naaangkop na batas.
Sumasailalim ang lahat ng programa sa angkop na federal, estado, pamprobinsyang
teritoryo at lokal na mga batas at regulasyon. Pwedeng magbago ang Mga Tuntuning ito
nang walang abiso para makasunod sa anumang naaangkop na batas o patakaran ng
anupamang entidad na may hurisdiksyon sa TikTok.
Posibleng tumanggap ka ng pampromosyong email na komunikasyon mula sa TikTok pana-
panahon tungkol sa Programa. Kung gusto mong mag-unsubscribe sa mga
pampromosyong email na ito, pwede mong i-click ang button na 'unsubscribe' sa ibaba ng
email. Pakitandaan na kung mag-opt out ka, posibleng padalhan ka pa rin ng TikTok ng mga
komunikasyong hindi pampromosyon may kaugnayan sa ating ugnayan o kung
pinahihintulutan ng batas.

Para sa mga tanong na nauugnay sa Programa, pwede kang magpadala ng email sa


effect_house_support@tiktok.com.
Kung gusto mong mag-report ng effect na lumalabag sa Mga Patakaran ng TikTok,
magsumite ng report sa pamamagitan ng channel sa pag-report sa page ng effect sa
Platform.
Nakasulat sa English ang mga Tuntuning ito at posibleng isalin sa ibang mga wika. Kung
mangyaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagitan ng English at iba pang mga bersyon, ang
English version ang mangingibabaw, malibang kung hindi pinahihintulutan ng lokal na batas.

11. Karagdagang Mga Tuntunin na Partikular sa Hurisdiksyon


Angkop ang mga sumusunod na tuntunin bilang karagdagan kung ang karaniwang tinitirhan
mo ay nasa nauugnay na hurisdiksyon. Kung saan naaangkop, mangingibabaw ang
Karagdagang Mga Tuntunin na Partikular sa Hurisdiksyon hanggang sa may hindi
pagkakapareho sa iba pang bahagi ng Mga Tuntuning ito.

Mga Tuntuning Partikular sa EEA


Limitasyon ng Aming Pananagutan
Hindi namin ibinubukod o nililimitahan sa anumang paraan ang aming pananagutan sa iyo
kung saan labag sa batas na gawin ito.
Ipinapatupad na Batas at Hurisdiksyon
• Mga residente ng EEA at Switzerland. Ang mga Tuntuning ito at anumang
pagtatalo o paghahabol (kabilang ang non-contractual na mga pagtatalo o paghahabol) na
nagmumula sa o may kaugnayan sa kanilang paksa, ay pinamamahalaan ng batas ng
Ireland na sumasailalim lang sa anumang angkop na mandatoryong batas sa bansa kung
saan ka naninirahan. Hindi nalalapat ang United Nations Convention on Contracts for the
International Sale of Goods gayon na rin ang iba pang katulad na batas, regulasyon o
kautusan na ipinapatupad sa anumang iba pang hurisdiksyon. Sumasang-ayon ka at ang
TikTok na ang mga korte sa Ireland ay magkakaroon ng di-eksklusibong hurisdiksyon para
ayusin ang anumang pagtatalo o paghahabol (kabilang ang non-contractual na mga
pagtatalo o paghahabol) na nagmumula sa o may kaugnayan sa Mga Tuntunin o kanilang
paksa o pagkakabuo na sumasailalim lang sa anumang angkop na mandatoryong batas sa
bansa kung saan ka naninirahan o piniling mga probisyon ng hurisdiksyon na hindi pwedeng
baguhin ng kontrata. Kahalili nito, pwede mong ibangon ang pagtatalo sa isang
alternatibong lupon ng pag-aayos ng pagtatalo sa pamamagitan ng EU Commission’s
Online Dispute Resolution (ODR) Platform.
• Mga residente ng United Kingdom. Ang Mga Tuntuning ito at anumang pagtatalo o
paghahabol (kabilang ang non-contractual na mga pagtatalo o paghahabol) na nagmumula
sa o may kaugnayan sa kanilang paksa, ay pinamamahalaan ng batas ng England at Wales.
Hindi nalalapat ang United Nations Convention on Contracts for the International Sale of
Goods gayon na rin ang iba pang katulad na batas, regulasyon o kautusan na ipinapatupad
sa anumang iba pang hurisdiksyon. Sumasang-ayon ka at ang TikTok na ang mga korte sa
England at Wales ay magkakaroon ng di-eksklusibong hurisdiksyon para ayusin ang
anumang pagtatalo o paghahabol (kabilang ang non-contractual na mga pagtatalo o
paghahabol) na nagmumula sa o may kaugnayan sa Mga Tuntunin o kanilang paksa o
pagkakabuo. Kahalili nito, pwede mong ibangon ang pagtatalo sa isang alternatibong lupon
ng pag-aayos ng pagtatalo sa pamamagitan ng EU Commission’s Online Dispute Resolution
(ODR) Platform.

Mga Tuntuning Partikular sa Korea


Sa kabila ng anumang tuntuning salungat sa ilalim ng Seksyon 10, ang Mga Tuntuning ito,
ang paksa at pagkakabuo ng mga ito, ay pinamamahalaan ng mga batas ng Korea.
Anumang pagtatalo na magmumula sa o may kaugnayan sa Mga Tuntuning ito, kasama ang
anumang tanong tungkol sa pag-iral, pagiging valid o pagwawakas ng Mga Tuntuning ito, ay
dapat na isangguni at lutasin nang pinal ng mga may karampatang hukuman ng Korea.
Mga Tuntuning Partikular sa Brazil
Kung sumasali ka sa Campaign at samakatuwid ay napapailalim sa Mga Tuntuning ito sa
Brazil, nalalapat ang mga sumusunod na karagdagang tuntunin. Kung sakaling may
anumang salungatan sa pagitan ng mga sumusunod na karagdagang tuntunin at ng mga
probisyon ng pangunahing laman ng Mga Tuntuning ito, ang mga sumusunod na tuntunin
ang masusunod.
Naaangkop na Batas at Hurisdiksyon
Ang mga Tuntuning ito, ang paksa ng mga ito at ang pagkakabuo ng mga ito, ay
pinamamahalaan ng mga batas ng Brazil. Ikaw at ako ay parehong sumasang-ayon na ang
mga korte ng Brazil ang siyang magkakaroon ng eksklusibong hurisdiksyon.

Mga Tuntuning Partikular sa Mexico


Personal na Data. Ipoproseso namin ang iyong personal na data para sa mga layuning
nauugnay sa pagpapatupad at administrasyon ng Mga Programa, alinsunod sa aming
Patakaran sa Privacy at Mga Tuntuning ito. Binibigyan mo kami ng pahintulot na ibahagi ang
iyong personal na data sa mga third party kung kinakailangan para makasunod sa aming
mga obligasyong nauugnay sa Programa. Pwede mong gamitin ang iyong mga karapatan
sa proteksyon ng data sa pamamagitan ng pagkontak sa amin sa pamamagitan ng Pag-
report sa Privacy.
Posibleng iproseso namin ang personal mong data para makontak ka at mangailangan ng
karagdagan o pantulong na impormasyong may kaugnayan sa pagsali mo sa Programa
para sa mga layuning itinatag sa Mga Tuntuning ito.
Wika. Inihanda ang Mga Tuntuning ito sa wikang English at sa wikang Spanish. Kung
nakatira ka sa Mexico, sasangguni ka sa Spanish version, na mangingibabaw.
Naaangkop na Batas at Hurisdiksyon. Ang mga Tuntuning ito, ang paksa ng mga ito at
ang pagkakabuo ng mga ito, ay pinamamahalaan ng mga batas ng Mexico. Anumang
pagtatalo na bumangon sa o may kaugnayan sa Mga Tuntuning ito, kasama na ang
anumang tanong na nauugnay sa pag-iral, pagiging valid o pagwawakas ng Mga Tuntuning
ito, kapag naaangkop, ay pwedeng dalhin sa proseso ng pagkakasundo sa Procuraduría
Federal de Protección al Consumidor ("Profeco") na matatagpuan sa Mexico City, o isumite
sa hurisdiksyon ng mga karampatang hukuman na matatagpuan sa Mexico City.

Mga Tuntuning Partikular sa Canada


1. Ang Programa na ito at ang Mga Tuntuning ito ay pamamahalaan at bibigyang-
kahulugan sa ilalim ng mahahalagang batas ng Probinsya ng Ontario at ng mga federal na
batas ng Canada, nang walang pagtukoy sa mga probisyon na salungat sa mga batas nito.
Mga Tuntuning Partikular sa Indonesia
Pagtanggap sa Mga Tuntunin.
• Kung ikaw ay nasa pagitan ng 18 hanggang 21 taong gulang, walang asawa o nasa
ilalim ng guardian, pwede ka lang sumali sa Programa na ito nang may pahintulot ng isang
magulang o legal guardian. Karagdagan pa, sa pagsang-ayon sa mga Tuntuning ito,
pinapatunayan at ginagarantiya mo na nakakuha ka ng pahintulot sa (mga) magulang mo o
(mga) legal guardian malibang ipahiwatig mo na hindi gayon.
• Kung ikaw ay nasa pagitan ng 18 hanggang 21 taong gulang at wala kang asawa, o
nasa ilalim ng guardian, at wala kang pahintulot sa (mga) magulang mo o (mga) legal
guardian, hindi ka dapat sumali sa Programa.
Waiver. Kami at ikaw ay hayagang sumasang-ayon na ipaubaya at isantabi ang ating
kaukulang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng anumang angkop na mga batas kung
magkaroon ng anumang pangyayari na magwawakas sa Mga Tuntuning ito hangga't ang
gayong batas ay nangangailangan ng anumang hudisyal na pagpapahayag para sa
pagwawakas ng mga Tuntuning ito.
Ipinapatupad na Batas at Hurisdiksyon. Uunawain at bibigyang-kahulugan ang Mga
Tuntuning ito alinsunod sa mga batas ng Republic of Singapore at ang anumang pagtatalo
na magmumula sa o may kaugnayan sa Mga Tuntuning ito, kabilang ang anumang mga
tanong may kinalaman sa pag-iral, pagiging valid o pagwawakas, ay isasangguni sa at
lulutasin nang pinal sa pamamagitan ng arbitrasyon na pamamahalaan ng Singapore
International Arbitration Centre ("SIAC"). Gagawin ang gayong arbitrasyon alinsunod sa mga
tuntunin ng SIAC sa panahong ipinapatupad ang ("Mga Alituntunin"), kung saan
ipinagpapalagay na ang Mga Alituntunin ay isinama sa pamamagitan ng pagsangguni sa
Mga Tuntuning ito.
Wika. Inihanda ang Mga Tuntuning ito sa wikang English at sa iba pang mga wika. Kung
magkaroon ng hindi pagkakapareho o pagkakaiba ng interpretasyon sa pagitan ng tekstong
English at tekstong hindi English, mangingibabaw ang tekstong English at ang nauugnay na
tekstong hindi English ay ipagpapalagay na awtomatikong nabago para tumugma sa at para
gawin ang nauugnay na tekstong hindi English na nakakasunod sa nauugnay na tekstong
English.

You might also like