You are on page 1of 33

KONSEPTO AT SALIK Aralin 5

NG PAGKONSUMO
mula sa ppt ni G. Arnel Rivera
PANIMULA
• Marami sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao ay matutugunan sa
pamamagitan ng pagbili at paggamit sa iba’t
ibang produkto at serbisyo.
• Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t
ibang uri ng pagpapasya.
• Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na
maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o
serbisyo na bibilhin.
ANG LAHAT NG TAO AY MAY
MGA PANGANGAILANGAN AT
KAGUSTUHAN NA DAPAT TUGUNAN.
ANG EKONOMIKS AY ANG
PAG-AARAL KUNG
paano tutugunan ang mga
pangangailangang ito.

Pinagkunan:
https://www.shutterstock.com/search/t-shirt+drawing
https://www.dreamstime.com/stock-illustration-vector-sketch-spaghetti-plate-isolated-white-italian-food-draw-
image59601332
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/hand-draw-doodle-laptop-vector-4417191
ANO ANGPAGKONSUMO?
• Ito ang pagbili at paggamit sa mga kalakal o
serbisyo upang tugunan ang kanilang
pangangailangan.
• Kapag natutugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan siya ay nakakaranas ng
kasiyahan (satisfaction).

Pinagkunan:
http://thisiselife.blogspot.com/2017/04/new-jollibee-tvc-excites-all-senses.html
PARAAN NGPAGKONSUMO
• Kung tutuusin, ang pagkonsumo ay hindi
lamang gawain ng mamimili. Nagsasagawa
rin ng pagkonsumo ang bahay-kalakal.
Pinangangasiwaan ng bahay-kalakal ang
produksyon. Gumagamit ang bahay-kalakal
ng mga produkto sa paglikha ng panibagong
produkto.
• Ang pagkonsumo ng mamimili ay kaiba sa
pagkonsumo ng bahay-kalakal.
PARAAN NGPAGKONSUMO
• Tinatawag ang pagkonsumo ng mamimili
bilang tuwirang pagkonsumo (direct
consumption).
• Ito ay dahil ang mamimili ay agarang
nakakakuha ng kasiyahan (satisfaction)
sa paggamit ng produkto.
• Tinatawag bilang consumption goods
ang mga produkto na kinokonsumo ng
mamimili.
PARAAN NGPAGKONSUMO
• Ang bahay-kalakal ay may di- tuwirang
pagkonsumo (indirect consumption).
• Ginagamit ang nasabing produkto upang
makalikha ng iba pang produkto. Dahil
dito, maituturing ang nakonsumo ng
bahay-kalakal na produktong may
pinagkukunang gamit (goods with derived
use).
• Tinatawag na intermediate goods ang
mga produktong kinokonsumo ng bahay-
kalakal.
PARAAN NGPAGKONSUMO
Paglalarawan sa
Uri ng kalakal o
Paraan ng kalakal o
Gumagawa serbisyong
Pagkonsumo serbisyong
ginagamit
ginagamit

Tuwirang Agad na
Pagkonsumo Consumption nakukuha ang
(Direct Mamimili kasiyahan mula
goods
consumption) sa produkto

Di-tuwirang Ang produkto ay


Pagkonsumo Bahay- Intermediate ginagamit sa
(Indirect kalakal goods paglikha ng ibang
consumption) produkto.
Pinagkunan:
Nolasco et. al. (2007) Ekonomiks Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu, p.79
PARA MAS LALO MONG MAINTINDIHAN
ANG ATING ARALIN TUNGKOL SA
PAGKONSUMO, PANUORIN ANG VIDEO SA
YOUTUBE GAMIT ANG LINK NA
HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?V=WP
ER9VHAP7A
Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
URI NGPAGKONSUMO
Tuwiran – kung agad na nararamdaman ang epekto
ng paggamit ng kalakal o serbisyo.

Produktibo – kung ang isang kalakal o serbisyo ay


nakakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay
ng higit na kasiyahan.

Maaksaya – kung ang produkto o serbisyo ay hindi


nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan.

Mapaminsala – kung ang produkto o serbisyo ay


nakasasama sa mamimili o sa lipunan.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTOSA PAGKONSUMO
• May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa
pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng
kanilang katangian ang dahilan kung bakit
nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang
pagkonsumo.

Pinagkunan:
https://en.hesperian.org/hhg/New_Where_There_Is_No_Doctor:Preventing_Hunger
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTOSA PAGKONSUMO
• Pagbabago ng Presyo - Kadalasan, mas
tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o
serbisyo kapag mura dahil mas marami silang
mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang
binibili kung mataas ang presyo nito.
• Kita – Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki
rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga
produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang
pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba
ng kakayahang kumonsumo.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTOSA PAGKONSUMO
• Mga Inaasahan - Ang mga inaasahang mangyayari
sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa
kasalukuyan.
• Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na
magkakaroon ng kalamidad, tataas ang
pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon
bilang paghahanda sa pangangailangan sa
hinaharap.
• Kung positibo o maganda naman ang pananaw
sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay
tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa
natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng
pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTOSA PAGKONSUMO
• Pagkakautang – Kapag maraming utang na dapat
bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng
bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito.
Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang
pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang
kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo.
• Demonstration Effect – Madaling
maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa
radyo, telebisyon, internet at iba pang social media.
Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita,
naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media
kaya naman tumataas ang pagkonsumo.
PARA MAS LALO MONG MAINTINDIHAN ANG
ATING ARALIN TUNGKOL SA MGA SALIK NA
NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO, PANUORIN
ANG VIDEO SA YOUTUBE GAMIT ANG LINK NA
HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?V=D234U
PEH-DS

Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
UTILITARIANISM
• Ang prinsipyo sa eknomiks na nagsasaad na
nagmumula ang halaga (value) ng isang bagay sa
nalilikha nitong kapakinabangan (use) sa tao.
• Itinaguyod ito ni Jeremy Bentham noong ika-18
siglo.

Pinagkunan:
https://www.britannica.com/biography/Jeremy-Bentham
• Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula
sa isang kalakal o serbisyo ay
tinatawag na utility. Ito ay nasusukat
sa pamamagitan ng utils.
• Ang dagdag na kasiyahan na
nakukuha ng tao habang ginagamit
ang isang produkto ay tinatawag na
marginal utility.
AYON SA LAW OF DIMINISHING
MARGINAL UTILITY, ANG
PAKINABANG O KASIYAHANG
NAKUKUHA MULA SA ISANG
KALAKAL O PAGLILINGKOD AY
BUMABABA SA PATULOY NA
PAGKONSUMO.
PARA SA KARAGDAGANG
KAALAMAN TUNGKOL SA
DIMINISHING MARGINAL UTILITY,
PANUORIN NATION ANG VIDEO SA
YOUTUBE GAMIT ANG LINK NA
HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?V=LCYZAV
PPRT0&T=6S

Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
LAW OF DIMINISHING MARGINALUTILITY
• Sa ekonomiks, ginagamit ang utils bilang artipisyal na
yunit upang sukatin ang kapakinabangan. Sa
talahanayan, makikita na ang pagkonsumo ng unang
siomai ay magdudulot ng 10 utils. Ang pagkonsumo sa
ikalawang siomai ay magpapataas sa Total Utility ng 19
utils.
• Subalit sa pagkonsumo ng ikalawa at susunod pang
siomai, makikita na kaagad ang pagbaba ng Marginal
Utility na nakukuha mula rito. Higit itong makikita sa
pababang direksyon ng kurba ng Marginal Utility (tignan
ang graph) sa pagkonsumo ng siomai. Ang pakinabang
sa pagkonsumo ng karagdagang siomai ay papaliit nang
papaliit.
TALAHANAYAN NG KABUUANGPAKINABANG
AT KARAGDAGANG PAKINABANG
Kabuuang Karagdagang
Dami ng
Pakinabang Pakinabang
Siomai
(Total Utility) (Marginal Utility)
0 0 utils 0 utils
1 10 utils 10 utils
2 19 utils 9 utils
3 27 utils 8 utils
4 34 utils 7 utils
5 40 utils 6 utils
Pinagkunan: Rillo et. al, (2004) Ekonomiks, Pagsulong at Pag-unlad, pp. 82-83
KURBA NG KARAGDAGANG
PAKINABANG

Pinagkunan: Rillo et. al, (2004) Ekonomiks, Pagsulong at Pag-unlad, pp. 82-83
MGA BATAS NGPAGKONSUMO
1. Batas ng Pagkakaiba (Law of Variety)
• Nagpapaliwanag kung bakit ang bawat mamimili ay
iba-iba ang binibili at ginagamit na uri o klase ng
produkto.
Halimbawa:
• Ang ibang tao ay umiinom ng kape samantalang ang
iba ay salabat.
• Ang iba ay bumibili ng damit na itim ang iba naman ay
pula.
MGA BATAS NGPAGKONSUMO

2. Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony)


• May mga pagkakataon na ang tao ay nais na bumili ng
mga bagay na nababagay sa isa’t isa.
Halimbawa:
• Pagsusuot ng ternong damit
• Pagkain ng puto’t dinuguan at tokwa’t baboy
MGA BATAS NGPAGKONSUMO
3. Batas ng Imitasyon (Law of Imitation)
• Ang tao ay mahilig manggaya at ito ang dahilan kung bakit
nagbabago ang ating pagkonsumo sa mga produkto at
serbisyo.
Halimbawa:
• Pagsunod sa nauuso.
• Panggagaya sa isinusuot ng mga artista.

4. Law of Economic Order


• Ang pagpapasya na bigyan ng prayoridad ang mas
mahalagang bagay o pangangailangan kaysa sa mga luho.
• Nakakamit ng tao ang kasiyahan kapag nakagawa ng mga
pagpapasya na magbigay pansin sa mga bagay na
pangunahing pangangailangan ng tao.
ISAISIP:

• Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng


tao simula nang kaniyang pagsilang sa
mundo. Habang patuloy na nabubuhay
ang tao ay patuloy pa rin siya sa
pagkonsumo.
• Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay
nangangahulugan ng pagtatamo sa
kapakinabangan mula rito bilang tugon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
ISAISIP:

• Ang napakaraming pangangailangan at


kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit
may pagkonsumo.
• Ayon nga kay Adam Smith ang
pangunahing layunin ng produksiyon ay
ang pagkonsumo ng mga tao.
PAGPAPAHALAGA

• Paano nakakatulong sa paggawa


ng matalinong pagpapasya ang
kaalaman sa mga kosepto at salik
ng pagkonsumo?
REFERENCES:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan-
Modyul 5: Konsepto at Salik ng Pagkonsumo, (Unpublished)
DepEd Division of Bacoor City
REFERENCES:
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020)
retrieved March 20, 2020 from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary_Tabbed.pdf
• DRESS DEN (2016) MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGKONSUMO retrieved June 24, 2020 from
https://www.youtube.com/watch?v=d234uPeh-Ds
• Eko and Miya characters used with permission from the National
Economic Development Authority (NEDA) retrieved March 20,
2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series
• Ser Ian's Class (2019) MELC-Based Week 7-8 Dalawang uri ng
Pagkonsumo (Araling Panlipunan 9) retrieved June 24, 2020 from
https://www.youtube.com/watch?v=WpeR9vhap7A
• Ser Ian's Class (2019) MELC-Based Week 7-8 Pagkonsumo: Law
of Diminishing Marginal Utility (Araling Panlipunan 9) retrieved
June 24, 2020 from
https://www.youtube.com/watch?v=lcyzAvpPRT0&t=6s

You might also like