Professional Documents
Culture Documents
Pangkunsomo
Pangkunsomo
Motivation
1.D_ _an_
2.Su_ _ay
3.P_ _ko_su_ _
4._rod_ks_on
5.E_ _ no_iy_
Ano ang poverty line ay tumutukuy sa kita
upang matustusan ang mga
pangangailangan ng pamilya may limang
kasapi.Ang poverty incidence ay
nagpapakita ng porsyento ng mga pilipino
na hindi matutugunan ang
pangangailangan tulad ng pagkain dahil sa
mababang kita.
Demand
Ekonomiya
Pagkonsumo Produksyon
Pag–unlad
Dalawang Uri ng Pagkonsumo
May dalawang uri ng pagkonsumo, tuwirang pagkonsumo (direct
consumption) at hindi tuwirang pagkonsumo (indirect
consumption). Ang pag-uuring ito ay nakabatay sa layunin ng
pagkonsumo kaugnay sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at
ng lipunan nito.
Ang tuwirang pagkonsumo o direct consumption ay tumutukoy sa
paggamit ngprodukto at serbisyo ng mga mamimili upang agarang
matugunan ang isang kagustuhan sa paggamit at kapakinabangan
ng produktong nais niyang bilhin. Tinatawag na comsumption goods
ang produkto na kinokonsumo ng mamimili
Hindi tuwirang pagkonsumo o indirect consumption ang tawag
naman sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo upang makabuo
ng pinal na produktong magagamit upang matugunan ang
pangangailangan ng tao. Dito ang nagkukunsumong produkto ng
bahay-kalakal ay hindi tahasang nakapagdudulot ng kasiyahan sa
mamimili. Ginagamit ang nasabing produkto upang makalikha ng
iba pang produkto. Tinatawag na intermediate goods ang mga
produktong kinokonsumo ng bahay-kalakal. Halimbawa, paggamit
ng bahay-kalakal ng prutas upang gawing fruit powder drink na
siya namang binibili at iniinom ng mamimili.