You are on page 1of 13

ANG PAGKONSUMO

ANG PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang depinisyon, batay sa kung anong
economic school of thought ang ating titingnan. Ayon sa mga klasikal na
ekonomista tulad ni Adam Smith, ang pagkonsumo ang pangunahing
dahilan ng produksyon. Para kay Smith, lahat ng pagkonsumo ay
nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng isang tao. Bukod sa
paggamit ng mga serbisyo at produktong tapos na, hindi na sinisayasat
pa ng mga klasikal na ekonomista ang mas malaking papel ng
pagkonsumo sa isang pagpapalawak ng ekonomiya at pagpapalaki ng
indibiduwal at pambansang kita.
Sa kasalukuyan, ang opisyal na depinisyon ng pagkonsumo ay ang
paggamit ng produkto at serbisyo ng mga sambahayan upang
tugunan ang kanilang pangangailangan at mga kagustuhan.
Bagama’t bumibili rin ang pamahalaan at ang mga negosyo ng
produkto at serbisyo na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon,
ang mga paggasta na ito ay inilalagay sa ibang kategorya.
economic school of thought – grupo ng mga ekonomista na may
pagkakapareha sa paraan ng pagtingin at pag-intindi sa
ekonomiya
• klasikal na ekonomista – kinabibilangan ninla Adam Smith, David
Ricardo, Thomas Malthus
• salik ng produksyon – sa Ingles, factors of production na
kinabibilangan ng lupa, lakas paggawa, at pamumuhunan
• lantad – nakikita
• pag-iimpok – pagtitipid, paglalagay ng salapi sa bangko upang
hindi ito magasta
• business cycle – paglago o paghina ng ekonomiya
• sambahayan – sa Ingles, household
Sa kasalukuyan, ang opisyal na depinisyon ng pagkonsumo
ay ang paggamit ng produkto at serbisyo ng mga
sambahayan upang tugunan ang kanilang pangangailangan
at mga kagustuhan. Bagama’t bumibili rin ang pamahalaan
at ang mga negosyo ng produkto at serbisyo na kanilang
ginagamit sa kanilang operasyon, ang mga paggasta na ito
ay nilalagay sa ibang kategorya.
Para sa mga modernong ekonomista (tinagurian ding mga
neoclassisist), ang pagkonsumo ang dahilan ng lahat ng
gawaing pang-ekonomiko. Nagbabago ang produksiyon sa
isang bansa kapag nagbago ang pagkonsumo. Nagbabago din
ang lebel ng pagkonsumo kung may nagbago sa mga salik ng
produksyon. Kaya naman, tinitingnan ang lebel ng pagkonsumo
ng lipunan bilang pangunahing indikasyon ng pagiging
produktibo nito.
MGA URI NG PAGKONSUMO
May iba't ibang uri ng pagkonsumo. Maaari itong maging tuwiran,
produktibo, maaksaya, mapanganib, o lantad.
1. Tuwiran o Direktang Pagkonsumo
• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay agad na tumugon sa
pangangailangan o ang kinuhang serbisyo ay agad na nagbigay ng
kasiyahan sa konsumer.

Halimbawa: pagbili ng pagkain upang maibsan ang gutom


2. PRODUKTIBONG PAGKONSUMO

• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay ginamit na


sangkap upang gumawa ng isa pang produkto.

Halimbawa: pagbili ng kahoy para gawing mesa at upuan


3. MAAKSAYANG PAGKONSUMO
• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay hindi naman
kailangan o nakapagbibigay kasiyahan ngunit ang pagkonsumo ay
impluwensiya lamang ng isang salik ng pagkonsumo.

Halimbawa: pagbili ng bagong bag dahil may sale sa mall


4. MAPANGANIB NA PAGKONSUMO

• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay nagdudulot ng


sakit, pinsala, o kapahamakan sa tao.

Halimbawa: pagbili at pagkonsumo ng sigarilyo kahit ito ang


pangunahing sanhi ng kanser sa baga
5. LANTAD NA PAGKONSUMO
• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay upang ipakita na may
kakayahan ang isang tao na bumili nito.

Halimbawa: pagbili ng bagong LED TV dahil bumili ang kapitbahay nito.


THAT'S ALL FOR TODAY!
See you tomorrow!

You might also like