You are on page 1of 14

Aralin 5:

Lipunang Ekonomiya para sa


Kapakinabangan ng Lahat
Ano ang Lipunang Ekonomiya?

 Ito ay tumutukoy sa mga gumagawa ng alituntunin o polisiya.

 Kabilang din ang mga pangkat na nagsusulong ng patuloy at


nagkakaisang sistema at kilos para sa pagpapaunlad ng kalidad
ng buhay at kalusugang pang-ekonomiya
Ano ang Economics?
 Ito ay ang pag-aaral ng pagyari (production), pagbabahagi (distribution), at
paggamit (consumption) ng mga bunga ng paggawa at serbisyo ng mga tao.

 May dalawang pangunahing bahagi ng economics:


1. Microeconomics
- Tumutukoy sa mga pangangailangan ng mga taong gumagamit, ang mga
namimili, at nagtitinda ng mga pag-aari at mga bagay-bagay.

2. Macroeconomics
- Tumutukoy sa pangkalahatang ekonomiya ng lipunan, kasama nito ang
pagbaba o pagtaas ng mga presyo ng bilihin o serbisyo, kawalan ng trabaho, at
polisiya ng gobyerno kaugnay sa kaperahan at pangangalakal .
Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya
1. Produksiyon
- Ito ay ang mga bagay-bagay na kailangan o di-kailangan ng tao upang
mabuhay.
- Hal. Pagkain, damit, gamot.

2. Prinsipyo ng “Imbak at Pangangailangan” (Supply and Demand)


- Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng presyo, depende sa dami ng mamimili at
gaano karami ang maaaring mabili.

- * Apat na Pangunahing Prinsipyo ng “Imbak at Pangangailangan”


- 1. Kapag dumadami ang nangangailangan at ang imbak ay pareho lang,
tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo.
Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya
2.Kapag kakaunti ang nangangailangan at ang imbak ay pareho lang,
bumababa ang presyo ng produkto o serbisyo.

3.Kapag dumarami ang imbak at ang pangangailangan ay pareho lang,


bumababa ang presyo ng produkto o serbisyo.

4.Kapag kakaunti ang imbak at ang pangangailangan ay pareho lang,


tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo.
Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya
3. Pagunladng Ekonomiya
- Ang pag-unlad ng ekonomiya ay tinataya batay sa GDP (Gross
Domestic Product) growth.

4.Sistema ng ekonomiya
- Ang lipunang ekonomiya ay kumikilos batay sa sistemang sinusunod
ng isang bansa.
Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya
Apat na Pangunahing sistemang ito ay ang mga sumusunod:

1. Kapitalismo
- Ang mga indibidwal ang nagmamay-ari ng yaman ng ekonomiya at
industriya.

2. Sosyalismo
- Ang gobyerno ang gumagawa ng mga planong pang-ekonomiya at ito
rin ang nagmamay-ari ng kalakal o ipinakakalat nito sa mga mamamayan.
Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya
3. Komunismo
- Lahat ng tao ang nagmamay-ari sa yaman. Walang gobyerno o antas
ekonomiko at walang pera.

4. Ekonomiyang Halo (Mixed Economy)


- Pinaghahalo ang mga uri ng konsepto ng ekonomiya na nabanggit sa itaas.
Sa iyong pananaw anong konsepto ng ekonomiya ang
makakabuti para sa bansa?
Malayang Sistema ng Ekonomiya o Free enterprise
 Ano ang malayang Sistema ng ekonomiya o free enterprise?

- Sa sistemang ito, ang mamamayan ay malayang magtrabaho nang


mabuti at magtagumpay sa kanilang sariling pagsisikap.

Naniniwala si Steven Van Andel na kung ang mga tao ay may Kalayaan
sa ekonomiya, mangyayari ang mga sumusunod:

 Ang mga tao ay magkakaroon ng tagumpay batay sa kanilang tiyaga


at sipag.

Magkakaroon ng malawakang kaunlaran.


Malayang Sistema ng Ekonomiya o Free enterprise
May malusog na kompetisyon.

Ang mga tao ay may kalayaang magsalita tungkol sa pamumuhay at


kanilang mga Negosyo.

Ang mga tao ay mayroong pantay na pagkakataon sa paggawa at


pagnenegosyo.
Lipunang Ekonomiya na Makatao
 Ang sistemang ito ay naghahangad ng mga makataong
pagpapahalaga upang maharap ang anim na bagong takbo ng mundo
sa kasalukuyan.

 Ang anim na bagong takbo ng mundo ay ang mga sumusunod:


1. Globalismo
2. Pagbabago ng sitwasyon ng populasyon
3. Pagtaas ng sweldo
4. Paglawak ng konsepto ng Pagpapakatao
5. Pagiging aktibo ng mga gawaing pang-intelektuwal
6. Pangangalaga sa pangmundong kapaligiran
Lipunang Ekonomiya na Makatao
 Ang lipunang ekonomiya na makatao ay nagsusulong ng makataong
pagpapahalaga tulad ng sumusunod:
1. Pagpapahalaga sa kalusugan
2. Mataas na antas ng etikang panlipunan
3. Aktibong gawaing pang-kultural
4. Mayamang kakayahang intelektuwal sa paglikha; at
5. Pakikimuhay ng tao sa kalikasan

You might also like