You are on page 1of 2

Grade level: 8 Demonstrator: Gemalyn Craste

Topic: Imperyalismo sa Asya


Remembering
1. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Asya ang nagpatupad ng islolationism?
a. India b. China c. Thailand d. Indonesia

2. Alin sa mga sumusumod ang itinalaga ng monarko ng Great Britain na mamahala sa India?
a. Dutch East India Company
b. English East India Company
c. French East India Company
d. Lahat ng nabanggit.

Understanding
1. Bakit sumiklab ang Digmaang Opium sa China?
a. dahil naging mahigpit na kakumpetensya ng mga Europeo ang China sa pag-aangkat ng opyo sa
India
b. dahil tinutulan ng pamahalaan ng China ang mga Europeo na magbenta ng opyo sa China
c. dahil nagkulang na ang sinusuplay ng mga Europeo na opyo sa China
d. dahil tinaasan ng mga Europeo ang presyo ng opyo

2. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa buffer state?


a. Ito ay bansang may maraming sphere of influence ng mga kanluranin.
b. Ito ay isang bansa na bukas sa pakikipagkalakalan.
c. Ito ay isang bansa sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa at nagsisilbing neutral na
teritoryo.
d. Ito ay tawag sa kolonya ng mga kanluranin kung saan nagkaroon sila ng mga eklusibong
karapatang pangkalakalan.

Applying
1. Ang mga kanluranin ay nagkaroon ng sphere of influence sa China. Ito ay nagresulta sa
______________.
a. pagkakaroon ng mga Amerikano ng karapatang makipagkalakalan sa China
b. pagkakaroon nila ng mga eklusibong karapatang pangkalakalan
c. paglaganap ng kulturang Tsino sa Asya
d. pagkatalo nila sa Digmaang Opium

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng epekto ng imperyalismong kanluranin


sa Asya?
a. Madalas magbasa si Lili ng mga nobela na Ingles dahil gusto niyang maging bihasa sa
linggwaheng ito.
c. Madalas kumain si Kean ng noodles at siomai dahil paborito niya ang mga ito.
b. Mas gustong manuod ni Maris ng K-drama kaysa sa Ang Probinsyano.
d. Magaling kumanta si Simon ng mga OPM songs
Evaluating
1. Ang mga sumusunod ay epekto ng imperyalismong kanluranin sa Asya at Africa maliban sa
________________.
a. Naimpluwensiyahan ang mga nasakop na katutubo ng kulturang kanluranin.
b. Dumanas ng pang-aabuso at pang-aalipin ang mga Asyano at African.
c. Umunlad ang impraestruktura ng mga nasakop na bansa.
d. Lumaganap ang Islam sa Asya at Africa.

2. Bakit naging malaking suliranin sa China ang opyo?


a. dahil naadik ang mga Tsino dito at nakakasira ito sa moralidad ng tao
b. dahil ito ang dahilan nang pagtaas ng populasyon ng China
c. dahil nagdulot ito ng implasyon sa China
d. Wala sa nabanggit.

Analyzing
1. Ano ang kaibahan ng isang kolonya sa isang buffer state?
a. Ang kolonya ay isang bansang nasa ilalim ng pamumuno ng isang makapangyarihang bansa
habang ang buffer state naman ay isang neutral na teritoryo kung saan may kalayaan pa rin ito mula
sa mga dayuhan.
b. Ang kolonya ay isang bansang nais puntahan ng mga makapangyarihang bansa habang ang
buffer state naman ay ang mga bansang kanilang iniiwasan dahil sa taglay nitong kapangyarihan at
kayamanan.
c. Ang kolonya ang tawag sa mga bansang hindi sibilisado habang ang buffer state naman ay mga
bansang maunlad na ang teknolohiya.
d. Ang kolonya ay isang neutral na teritoryo habang ang buffer state naman ay pinamumunuan ng
isang makapangyarihang bansa .

2. Alin sa mga sumunod ang naging epekto ng pagkatalo ng China sa Digmaang Opium?
a. Nawalan ng karapatan ang mga kanluranin na pakipagkalakalan sa China.
b. Naging magalang ang pakikitungo ng mga kanluranin sa mga Tsino.
c. Nahati ang China sa sphere of influence ng mga kanluranin.
d. Lumaganap ang Islam sa China.

Creating
1. Gumawa ng isang talahanayan na naglalaman ng dalawang mabuti at di-mabuting epekto ng
imperyalismong kanluranin sa Asya. (4 puntos)
2. Gumawa ng isang sanaysay base sa tanong na ito:
Sa iyong palagay makikita pa rin ba sa kasalukuyan ang mga naging epekto ng
imperyalismong kanluranin? Ipaliwanag. (5 puntos)

You might also like