You are on page 1of 24

Hindi ko mapigilang mapangiti habang binibili na nila

mommy at daddy ang isang pomeranian na aso.Ito yung


request ko sa Senior highschool graduation ko.Gusto ko kasi
kapag mag cocollege na ako ay may alaga akong aso.Ito
ang magsisilbing human diary ko.Ang aso na ito ang
magsisilbing may kaalaman sa mga kahirapan,problema,at
kasiyahan ko sa buhay.

Siya si Kookeu.....
Papasok na ako sa school magpapaalam na sana ako kay
Kookeu kaso parang ayaw niya kinagat niya yung pants ko
at hinihila niya ako pabalik sa room ko.

"Gusto mo bang matulog ulit?"

"Arf..arf..."

Pumatong siya ulit sa higaan at


hinanda niya yung kumot
niya.Magkasama kasi kami matulog
ni Kookeu dahil ayaw kong siya
lang ang mag isang matutulog.
"Ate Mercyyy....ate Mercyyyyy!!!"tawag ko sa katulong
namin.

"Avianna may kailangan ka??"

"Ate pakibantay napo kay Kookeu malalate napo ako eh


nagmamadali po talaga ako.Bye po ingatan niyo po si
Kookeu.Mamaya kona siya ipapasyal wala naman akong
pasok mamaya"

"Sge Avianna ako na ang bahala kay Kookeu"

"Thank you talaga ate mercy.Bye napo."


Yan ang hirap sa isang dog owner.Naawa ka sa tuwing aalis
ka kung pwede lang dalhin si Kookeu sa school araw araw
ko siyang dadalhin.

Maaagang natapos yung class namin kaya dali dali akong


umuwi para ipasyal si Kookeu pinakain mo muna siya at
umalis.

"Sa Napoleons na tayo kakain Kookeu.Dito ka lang din


makakapasok bawal na sa ibang restaurant ang mga
hayop.Masarap naman dito."

Habang kumakain ako nakita ko si Clea yung best friend ko


kasama din yung aso niya na si "Boo".
"Clea...." Tawag ko

"Hi Kookeu ang tagal niyong hindi nagkita ni Boo"

"Oo nga.Namiss siguro ni Boo si Kookeu"

"Nagkasakit kasi si Boo ilang araw din itong nasa vet kaya
pinasyal ko siya ngayon"

"Huh?!? talaga ba anong nangyari sa kaniya??"

"Nagkaroon siya ng parvo.Nakuha niya sa labas ng bahay


nakawala kasi tong aso na to nalimutan kasi nilang I lock
yung gate mabuti nalang talaga dinala ko agad sa vet at
pinaturukan ko na din ng vaccine....."

"Tapos na si Kookeu niyan nakakatakot


kasi talaga yung parvo kaya pinaturukan
ko na siya."

"Mabuti naman.Tala magsama na tayong


mamasyal."

Tatlong buwan nalang gagraduate na ako bilang


isang medtech student....
Madami ng nabuo na alaala sa amin ni
Kookeu sa tuwing may pasok ako hindi
ko mapigilang mag alala kung ano ba
ang ginagawa niya kung sino ang
nagbabantay sa kaniya.Sa kaniya ko
lahat sinasabi yung mga problema ko sa
buhay yung mga mabibigat na
nararamdaman ko yung mga paghihirap
ko nawawala yun sa tuwing makikita ko
si Kookeu.
Dahil walang pasok ngayon napag isipan kong dalhin si
Kookeu kahit saan.Gusto kong maglakad lakad at isama na
din si Boo.Tinawagan ko si Clea para sabihin sa kaniya yung
plano ko.

"Clea?"

"Yes?anong meron?may kailangan ka?"

"Tara maglakad lakad tayo kasama yung mga aso natin.Ang


boring kasi eh?!?"

"Ayh gusto ko yan tara!!kitakits"


Habang naglakad at nag uusap kami ni Clea aksidente kong
nabitawan si Kookeu.Tumakbo siya papunta sa may
maraming aso agad ko siyang hinabol kasi baka saktan siya
ng mga aso napaka liit pa naman ng asong ito.

Hindi man lang sumagi sa isip ko na baka nahawaan si


Kookeu ng sakit na parvo impossible din namang hindi kasi
ang daming aso nong mga oras na yun.Kahit kailan hindi
siya pumasok sa isip ko.

"Avianna ga-graduate kana congrats nga pala talagang


nakaya mo lahat lahat ng pagsubok na binigay sayo"

"Thank you po tito Carl.Talagang kinaya ko lahat"

"Ano bang gusto mong regalo?lalaki ba?"

"Ayh wag napo!sapat na si Kookeu sa


buhay ko"
Nagdaan yung mga araw nakapagtapos ako sa kursong
medical technology.Gayon din ang pagkasakit ni Kookeu
bigla na lang siyang nilagnat ayaw na niyang
kumain at madalas na din siyang
sumusuka.Nahawaan siya ng sakit na parvo
dahil doon sa nangyari.Hindi ko siya masyadong
ma-alagaan dahil abala ako sa pag rereview ng
upcoming exam ko sa pagiging isang rehistradong
medtech.Pinadala ko siya sa vet upang gumaling siya
minsan na lang akong nakakabisita sa kanya at halata mo
talaga sa mukha ni Kookeu na malungkot siya.
Gumaling si Kookeu at sa pagdaan ng buwan papalapit na
ang aking exam.Hindi ko na halos napapasyal si Kookeu
hindi katulad ng dati minsan nga ay ina aya niya ako palabas
ngunit hindi maari dahil nag rereview pa ako para sa aking
upcoming exam.

"Kookeu promise pagkatapos nito


ipapasyal kita palagi ha.Mag antay ka
lang babawi ako sayo promise.Pag ako
naging medtech dadalhin kita paminsan
minsan sa hospital."
Dumating na nga yung pinaka hinihintay kong araw,yung
exam day ko.Binasa at inintindo ko ng maayos yung mga
tanong tsaka ako sumagot.Patapos na ang mga paghihirap
ko results nalang yung inaantay ko.

"Kookeu its time...."


Pinasyal ko ng pinasyal si kookeu
bumawi ako sa lahat ng pagkukulang
ko sa kaniya.
Nagising ako sa ingay.Ang ingay ng mga tao sa labas ewan
ko kung ano ang nangyayari pagtingin ko sa gilid ko wala si
Kookeu baka nasa labas naglalaro.Saktong sakto ngayon
araw lalabas yung results ng exam medjo kinakabahan ako
kaya wala talaga ako sa mood gumising gusto ko matulog
nalang HAHA.

Bumaba ako at lumabas ng gate ang daming tao sa labas


parang mag aksidente ata sinalubong ako ni yaya umiiyak
siya hindi ako lumapit.Hindi!! Hindi totoo yung iniisip ko baka
ibang aso yun.
"Avi-Avianna.........."

"Ate Mercy hindi naman si Kookeu yun diba" nagsimula ng


bumagsak yung mga luha ko naghahabulan sila hindi
sumagot si Ate Mercy.
Tumakbo ako at pumunta ako kay Kookeu nakahandusay
siya may dugo sa katawan niya sa mga oras na yun naging
blanko yung mundo ko walang akong maisip,wala akong
ibang naiisip kundi si Kookeu hindi siya pumasok sa isip ko
kahit kailan hindi nasagi sa isip kong iiwan niya ako.Hindi ko
inisip na kahit ano mang oras mawawala na siya iningatan
ko siya ng mabuti pero ganito lang....
Pinasok nila Ate Mercy at Kuya si Kookeu sa bahay.Bago
ako pumasok humingi ng tawad yung nakasagasa kay
Kookeu wala naman silang kasalanan hindi naman siguro
nila sinasadya yun kinausap ko sila at humingi din ako ng
patawad dahil baka naka abala ito sa kanila at pagkatapos
non pumasok na ako.Ayoko siyang tignan hindi ko
kaya.Hinding hindi ko talaga inaasahan na dadating yung
araw na ito.

"Sa huling sandali man lang Avianna ito na ang hulinh


pagkakataon na makikita mo si Kookeu yung human diary
mo"
Pagkasabi palang ni Kuya na 'human diary'
bumalik sa akin lahat ng alaala namin ni
Kookeu sa panahon na masaya kami sa
panahon na mamamasyal kami bumagsak ulit
yung mga luha ko hindi ko talaga kaya, maisip
ko pa lang na wala na si Kookeu nanghihina
na ako.

Lumapit ako kay Kookeu dahan dahan akong lumapit sa


kaniya.Naghahabulan at nagsibagsakan yung mga luha
gusto kong sumigaw pero hindi.Hinahawak hawakan ko si
Kookeu.....
"Hindi ko akalain huling pagkakataon na natin ito.Hindi mo
man lang ako hinanda kung alam ko lang na huling tulog na
pala natin kagabi edi sana nilubos lubos kona.Hindi ko
talaga inaasahan na mangyayari to sayo hindi ko alam na
dadating pala tong araw na ito.Iniwan mo ako akala koba
sasama kapa sa akin sa hospital upang sabay tayo mag
tratrabaho?sino na yung sasama sa akin mamasyal? Tao na
yung trato ko sayo Kookeu mas higit kapa sa kapatid ko.Huli
na pala to?kung kailan lalabas yung result ng exam tsaka
pato nangyari?paano ako mag cecelebrate kung sakaling
nakapasa ako??ang hirap ng ganito.Bakit kapa kasi
lumabas?? Hinding hindi kita kakalimutan Kookeu iiisipin ko
pa din na nandito ka palagi sa tabi ko yung mga alaala natin
iingatan ko ito.Hanggang sa muli pinaka mamahal kong
aso.//"

Nilibing na nila kuya si Kookeu sa backyard habang


tinitignan ko sila walang tigil yung mga luha ko sa
pagbagsak.

Pumasok nadin ako dahil ang


bigat ng nararamdaman ko hindi
na ako kumain dahil wala akong
gana.Gusto kong matulog.
Pagpasok ko palang natigilan ako
ang daming pictures namin ni
Kookeu na nakapaskil sa pisara.
Ang saya saya namin sa panahon na yan kung pwede lang
balikan ang mga panahon kung pwede lang buhayin si
Kookeu gagawin ko.

Natulog ako dahil ang bigat bigat ng pakiramdam ko


nawalan ako ng gana sa lahat.

Ginising ako ni Mommy at niyakap niya ako ng mahigpit...

"My baby Congrats nakapasa kaaaa!! proud na proud ako


sayo lahat ng paghihirap mo sulit yun lahat"

Naiyak ulit ako hindi ko man lang makakasama si


Kookeu.Sa lahat ng pinagdadaanan ko si Kookeu lang yung
pinagsasabihan ko dahil ayaw kong mag alala sila Mommy
at Daddy.

"Avianna ganyan talaga kapag mag aalaga ka ng hayop


kailangan mong tangapin na sa anumang oras iiwan ka nila."

Pinilit kong mag celebrate kumain kami sa labas inimbita ko


din si Clea.
Pagpasok palang ni Clea kasama
si Boo tumulo yung mga luha ko
naiingit ako sa kanila naalala ko ulit
si Kookeu sana kasama namin siya
ngayon.Nilapitan ako ni Clea at
niyakap ng mahigpit.

"Congrats and condolence Avianna:<"

"May binigay,may kinuha…."

"Pagsubok lang yan may rason siguro kung bakit na siya


kinuha"
Lumipas ang isang taon nakapagtrabaho ako sa isang
hospital.Hindi na muli ako nag alaga ng aso dahil ayoko na
ulit makaramdam ng lungkot at pighati gusto ko din na si
Kookeu lang yung aso na minsan ko ng naging kapatid at
kaibigan.Hindi man ako nag alaga na ulit ng aso may nag
aalaga naman sa akin.Si Kalix siya yung pumalit kay Kookeu
sa panahon na kailangan ko ng may makakausap at
makayakap.Siya yung naging Kookeu ko sa panahon na
nawala na si Kookeu.Tama si Clea may dahilan ang lahat.

You might also like