You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA SINING V

December 12,2022
ARALIN 10

I. Layunin:
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
 nakasusunod sa panuto sa paggawa ng isang likhang-sining
 naipapakita ang mga detalye ng isang landscape painting sa pamamagitan ng teknik na
Pointillism
II. Paksang-Aralin:
Paksa: Paggamit ng Pointillism sa Landscape Painting
Sanggunian: Quarter 2- Module 6 pahina 3-6
Kagamitan: pangkulay tulad ng water color o colored pen, bondpaper, powerpoint

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Balik- aral:
Sa nakaraang aralin, natutuhan natin ang kagandahan ng mga likas at di-likas na tanawin
dito sa ating bansa. Marami nang gumamit sa natatanging ganda ng mga ito bilang paksa sa
kanilang mga likhang sining.

2.Pagganyak:
 Alam mo ba na maaaring magpinta gamit ang isang Teknik na kung tawagin ay pointillism?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Pag usapan ang pinagmulan ng Pointillism at sinu-sino ang mga pintor.
Ang Teknik na Pointillism ay ang paglalapat ng kulay sa pamamagitan ng mga tuldok gamit ang
dulong bahagi ng brush na isawsaw sa pintura. Ito ay nabuo at pinaunlad ng Pranses na pintor
si Georges Seurat. Nagkaroon ng kakaibang epekto at ilusyon sa larawang ipininta.
2. Pagtalakay
a. Ano ang kahulugan ng pointillism?
b. Sino ang pintor na bumuo sa paraang ito sa pagpipinta?
c. Ano ang mga halimbawa ng Pointillism?
3. Ipaliwanag isa-isa ang mga sumusunod at magbigay ng mga halimbawa
C. Pangwakas na Gawain
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sinong pintor ang bumuo at nagpaunlad sa estilo na pointillism?
2. Ano ang kaibahan ng pointillism sa ibang estilo ng pagpipinta?
3. Ang Teknik na pointillism ba ay mainam na Teknik na gamitin sa mga landscape painting?

IV. Pagtataya:
Malikhaing Sining

1. Mag isip ng disenyo para sa iyong landscape painting (mga bundok, burol,puno,halaman,lumang
bahay, etc.)
2. Simulang iguhit ang naisip na disenyo gamit ang maninipis na linya ng lapis.
3. Gamit ang mga tuldok mula sad ulo ng brush o cotton buds na isawsaw sa pintura or water color
4. Gawing makatutuhanan ang kulay at anyo ng iba pang bahagi ng painting sa pamamagitan parin
ng pointillism.

V. Takdang Aralin:
Panuto: Kulayan ang larawan gamit ang Teknik na pointillism. Maaaring gumamit ng watercolor o
colored markers.

You might also like