You are on page 1of 4

SA MGA KUKO NG LIWANAG

NI EDGARDO M. REYES

Sa simula, si Julio isang lalaking karaniwan sa bukid na buhok ay tumatambal,


malaginto sa kauhawan sa porma, dibdib na wari’y bariles dahil sqa malaki nitong
masel at makakapal na kamao ay hindi matatagpuan sa bukid kundi sa mga
lansangan ng Lungsod. Maaaninag sa kanyang itsura na siya ay maralita. Umaga
noong Marso, siya ay nakatayo sa Issac Peral, nangangamba sa pagtawid. Dahil sa
mga animo’y mabangis na sasakyan sa kanyang harapan. Sa kanyang patuloy na
paglalakad natunton rin niya ang kanyang paroroonan. Sa gusali ng The Future La
Madrid Building Architectural Design: T.S. Obes and Associates. Naroroon siya upang
maghanap ng trabaho at hindi naman siya nabigo. Pinasok siya sa pagpipiyon, kahit
na mas malaki ang sahod iya sa dati niyang pinagtratrabahuan sa konstruksyon na
matatapos na sa Cubao. Kaya’t hindi niya ito nahindian. Doon nakilala niya si Omeng
na naghatid sa kanya sa lugar ng kanyang pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng
simento. Sila ay sina Atong at Benny na tigatakal ng graba at buhangin. Si Imo naman
ang nagtutubig at nag-uuho ng simento. Dahil sa matinding init ng araw, gutom at
hirap ng trabaho hinimatay sa Julio at agad siyang sinaklolohan ni Atong at ibinigyan
ang baon nito upang maibsan ang nararamdamang gutom. Dahil sa inalmusal ni
Julio ang baon ni Atong. Nananghalian naman siya sa baon ni Omeng. Ibinahagi nito
ang baong tatlong pritong galunggong at kamatis. Matapos nilang mananghalian sila
ay nag-umpok-umpok at nagkwentuhan habang namamahinga. Sa
pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay taga- Marinduque, doon siya
ay mangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho. Kinahapunan ay
pumila sila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa walang
matirahan

si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas ng gabi sa sa mismong konstruksyon site.


Bago pa man umuwi sina Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-diyes sentimo.
Sa konstruksiyon site kasam niya si Benny at Imo na isang estudyante sa kolehiyo.
Lumabas si Julio at naglakad lakad ito sa malapit na parke. Isang umaga, matapos
mag-almusal nina Julio,nabalitaan nilang may napatay na ordinaryong mangagawa
kagabi. Sina Atong ay nagkausap tungkol ditto. Samantala si Julio ay naibagsak ang
sako ng simentong hawak. Naisip ni Julio, bakit niya pinatay ang katulad niyang
ordinaryong mangagawa dahi sa maliit na halagang limang piso. Bumaling na lamang
sa paghahalo ng simento si Julio. Samantalng si benny naman, na kilalang
masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtratrabahoi. Di akalaing lubos ng
kanyang mga kasama na ito na ang huli trabaho nito. Ang masaklap pa ay namatay
itong dukha. Si Atong naman ay masuwerteng daplis lang ang natamo sa masaklap
na aksidente. Dahil ito ay hirap lumakad inihatid ito ni Julio sa kanilang tahanan.
Sa pagkakahatid ni Julio kay Atong. Nakita niya sa daan ang realidad ng hirap ng
buhay. Mula sa Bus, bumaba sila sa North Boulevard na patunong Estero Sunog-
Apo. Sa esterong ito nananahan ang ama at kapatid na babae ni Atong. Si Perla
kapatid ni Atong na sumalubong sa kanilang pagdating. Siya ay tumatanggap ng
pagantsilyuhing kobre kama. Samantalng ang ama naman niya ay paralitiko dahil
nakipaglaban sa nais kumamkam ng lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon
City kaya siya a binaril at tinamaan sa buto. Araw ng Sabado, ito ang araw na
pinakahihintay ng mga trabahador dahil ibibigauy na ang kanilang pinagpaguran
sweldo. Kahit na nadaya si Julio ni Mister Balajadia sa sweldo niyang kinse pesos,
ayos lang. Napagpasyahan niyang mamili ng damit at tsinelas kaya’t nagpasama siya
kay Atong sa Central Market. Matapos mamili kumain sila ng goto at nagkwentuhan
tungkol sa mapait na nangyari sa nobya ni Julio. Gabi na ng makabalik sa Julio sa
gusaling kanyang tinutuluyan.

Matagal na si Julio sa Gusaling pinagtratrabahuan. Si Mister Balajadia ay


nagpasyang magbawas ng tao at kasamang matatanggal si Julio. Dahil patapos na
ang gusali kaya pinapa-unti-unti na ang mga taong nagtratrabaho roon lalo na sa
piyon. Isang lingo nalang ang itatagal niya sa trabaho. Napag-isip niyang manuluyan
pa rin sa bodega ng gusali para may matulugan lamang. Ngunit hindi siya pinayagan
ng gwardia ng gusali. Lumabas si Julio at naglakad-lakad sa malamig at marahas na
lungsod, hangang marating niya ang kalye ng A. Mabini. Sa patuloy na paglalakad ni
Julio nagawi ito sa Santa Cruz sa may Misericordia kung saan marami siyang
nakitang sulat intsik. Nagpagala-gala siya at natulog sa kalye. Sa matandang
apartment sa Doroteo Jose, kumatok siya at nagtanong tungkol sa babaeng
nagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya niyang si Ligaya, ngunit isang lalaki
ang nagbukas ng pinto at kunot ang noong sumagot na wala ang hinahanap niyasa
bahay na iyon. Unti-unti inalala ni Julio ang sinabi ni Pol at Imo sa kanya, na
maaaring ipinasok sa kasa at ibinenta sa Intsik si Ligaya upang pakasalan. At isang
araw, sumulat si Misis Cruz sa ina ni Ligaya at ayon sa sulat ang kasintahan niya ay
nawawala at bukod pa rito ay ninakawan pa raw siya ng Diyamanteng hikaw. Isang
pagkakataon, nakita ni Julio sa Misis Cruz na pumasok sa tinitirahan nito sa Doroteo
Jose. Patuloy siyang nagmanman, hindi naman siya nabigo sa pagsunod_sunod niya
sa mga pinupuntahan ni misis cruz nakarating siya sa Sta Cruz sa lugar kung saan
maraming nakasulat na intsik. Matapos pumasok ni Misis Cruz sa isang pintuan.
Agad siyang kumatok at nagtanong sa isang katulong. Kung mayroon nakatira Ligaya
Paraiso roon. Ngunit biglang may dumating na intsik mula sa loob na nagngangalang
Ah Tek at pinagsaraduhan siya ng pinto. Bumalik sa gusaling pinagtratrabahuan si
Julio. Sa kanyang pagbabalik siya ay pinakiusapan ni Imo na humalili sa kanya
kinabukasan dahil mag-aaplay siya sa Advertising Company. Dahil nalaman ni Mister
Balajadia na nagsisinungaling sa Imo tungkol sa kunwaring may libing siyang
pupuntahan agad siyang tinangal sa listahan. Ngunit magkaganoon man swerte pa
rin niya dahil natanggap siya sa opisina. Kumalat ang balita hanggang obrero. Masaya
sina Gido, Atong, Omeng at Frank sa tinatamasa ng kanilang kaibigan. Nanunuluyan
si Imo sa Vito Cruz. Araw ng Linggo at araw ito ng

sweldo at naroon si Imo upang magmalaki sa swapang na si Mister Balajadia.


Kinahapunan, nagpasyang ni Ino na ilibre ng pangtoma ang mga kaibigan sa isang
maliit at maruming restauran ng Intsik. Gabi na sa La Madrid, ngunit patuloy pa rin
ang kayod ng mga trabahador. Samantala habang naglalamay sa trabaho ang ilan. Si
Julio naman ay natutulog sa isang sulok nang biglang dumating si Mister Manabat.
Isa siya sa kontruktor at kinagalitan ang gwardiya dahil nagpapatuloy ito ng
kungsino-sino sa gusaling ginagawa. Walang nagawa ang gwardia kundi paalisin si
Julio. Inantay nalang niyang matapos ang paspasang trabaho ni Atong at nakisabay
sa pag-uwi. Magmamadaling araw na nang makauwi sila sa Sunog-Apo. Sa barung
barong na tirahan ni Atong panamantalang nakitulog si Julio. Maaga pa nang pilitin
niyang gumising upang magtungo sa Espanya. Nais niyang kitain ang dati niyang
katrabaho at kaibigan na si Pol. Si Julio ay nakituloy panamantala kina Pol. Nang
makapahinga sila ay pumunta sa Kamuning upang magpader sa isang bakuran. Sa
tulong ni Kadyong na kaibigan ni Pol nakapagtrabaho at kumita si Julio. Matapos
iyon may trabaho nanamang naghihintay para sa kanila at sa pagkakataong ito mas
malaki. Sa Loyola Heights malapit sa Ateneo at kinakailangan pa ng mas maraming
tao. Naisip ni Julio na si Atong ang idagdag kaya mabilis siyng nagtungo sa La Madrid.
Nang nasa La Madrid na sila, di niya akalain na bago na ang grawdia kaya di sila
pinapasok. Hinintay na lamang nila Pol at Julio ang pag-uwi. Namasyal muna sila sa
may Luneta upang magpalipas oras. Nang makita ni Frank si Julio agad nitong itinuro
kina Omeng, Gido at iba pa. Nabalitaan niya na patay na si Atong. Dahil sa isang
nabasag na habonerang porselang na di sinasadyang nabasag. Dahil dito sa kaniyang
sweldo inawas ang nabasag. Walang natanggap na sweldo si Atong kahit na
pinakiusapan niya si Mister Balajadia. Naaksidente si Mister Balajafia kaya nasa
ospital ito samantalang si Atogn ay nasa City Jail, at ang balita pa’y binugbog ito ng
isang Koronel na kapatid ni Mister Balajadia. Di umabot sa ospital si Atong. Naulila
niya ang kanyang kapatid na babae at ang ana nitong lumpo. Nang malaman ni Julio
at ni Pol ang nangyari kay Atong. Napagpasyahan nilang magtungo sa tahanan nina
Atong sa Estero Sunog-Apo. Masikip ang eskinitang kanilang
dinaanan patungo kina Atong, nang marating nila ang barung-barong kumatok sila
at pinagbuksan sila ni Perla. Iniwanan panamantala ni Perla ang gawain niya na
paggagantsilyo. Samantalang nakita nila ang Ama nitong nakahiga at animo’y walang
nakikita. Nagkausap ang tatlo tungkol sa nangyari kay Atong. Bakas pa sa mga mata
ni Perla ang matinding paghihinagpis. Iminungkahi ni Pol na kasuhan ni Perla si
Mister Balajadia ngunit tumanggi ito, dala ng matinding takot. Bago pa man umalis
sina Pol at Atong kina Perla inabutan nila ito ng salapi . Dahil dito kinapos sila ng
pamasahe kaya naglakad nalang sila. Disyembre na, tamang-tamadahil matatapos
na ang trabaho nila sa Loyola Heights. Batid sa dalawa ang hirap ng kanilang trabaho
ngunit ito ay aoys lang. Nang matanggap ni Julio ang kanyang sweldo, walang
alinlangan niyang hahandugan ng regalong bagong damit at sapatos ang kapatid ni
Atong. Ang problema, hindi niya alam ang sukat kaya naman iminungkahi ni Pol na
pera nalang ang ibigay niya. Gumawa ng sulat si Pol, at isinobre naman ito ni Julio
na may laman dalawang sampung papel. Samantala nagpahabol si Pol ng isang
sampung papel. Nagpunta sila sa Estero SunogApo. Sa kanilang pagbabasa masiksik
na Bus. Naaninag nila ang naabong mga barung barong sa gilid ng Estero. Kasasama
rito ang bahay nina Pela. Nagtanungtnogn sila tungkol sa nangyari sa kay Perla at
napag-alaman nila na ang ama nito ay namatay sa sunog at di na nila alam kung ano
ang nagyari kay Perla. Sa patuloy na paghahanap ng kasagutan ni Julio siya ay
sinamantala ng isang nagbalat-tayong pulis sea lugar kung saan kutob niya naroroon
ang matagal na niyang hinahanap sa Establisyimento ni at ninakaw sa kanya ang
kanyang talaarawan na naglalaman ng mga importanteng bagay para sa kanya. Nang
makarating niya ang tahanan ni Pol. Habang tumatagl sa Maynila si Julio, siya ay
humuhubog mula sa dating probinsiyanong madaling maloko, siya ay naging palaban
at naging mabangis dahil sa kanyang mga naranasan sa mga taong umabuso ng
kamyang kawalang alam. Sa harap ng estresuwelo, sa ibayong daan ay isang
Barberya. Noon madalas nakatambay si Pol, pati

na rin si Julio. Nagmimiron si Julio sa ahedres ang magyari di sinasadyang


matapakan ni Toro, isang barbero na may malaking pangangatawan. Madaling uminit
ang ulo ni Julio at naitulak niya ito ng malakas. Habang nagbabadya ang dalawa si
Pol ay walang kibo, matapos ang pangyayaring ito, sinabi ni Pol na nagkakaroon si
Julio ng pagbabago. Nagtrabaho sila sa West Triangle at sumweldo ng malaki. Nang
wala trabaho si Julio isang umaga sa Abenida Rizal siya matagpuan na
nakikipagtawaran sa isang batangueno nanagtitinda ng ibat-ibang bagay nais bilhin
ni Julio ang Lanseta nito. Nagkita si Imo at Julio isang hapon, Nasa Quezon Boulevard
siya, nang magkita sila. Si Imo ay nagyayang makipag-tomaan. Sa isang sosyal na
restawran dinala ni Imo si Julio at umorder ng pulutanng chicken ala king.
Nagkakwentuhan sila tungkol sa mga nangyayari sa buhay nila. Nalaman ni julio na
si Perla ay nasa putahan o hindutan sa Makati na kay Aling Erang. Matapos nilang
mag-inuman ay umuwi na sila. Si Julio ay di makapaniwala. Umuwi siya kina Pol at
ibinalita rito ang nalaman tungkol kay Perla. Tanghali na at nakatayo si Julio sa
bukanan ng tarangkahan ng Presinto 2, minamasdan ang mga dumadaa’t
nagbabakasakaling makita si Ligaya. Isang babae ang pinagtuunan ng mata ni Julio.
Mula sa hugis ng katawan, nilampasan siya nito ngunit napatigil din, si Ligaya ang
unang nakausisa kay Julio. Dahil sa takot na baka minamanmanan ng tsinong
napangasawa. hinila niya si Julio at dinala sa isang restawran. Dito isinalaysay ni
Ligaya kung ano ang tunay na nangyari sa kanya noong unang tungtong niya sa
Maynila. Nakita ni Julio ang nagbagong mukha ni Ligaya. Naaaninag nito ang
paghihirap na naranasan niya mula kay Misis Cruz at Ah Tek. Habang nagsasalaysay
di niya napigilang idampi ang serbilyeta sa kanyang mata. Sa isang karanasan lalo
na ang dati niyang kasamahyan sa ibang kwarto na sinasaksakan ng Morpina. Sa
kasalukuyan siya ay may anak kay Ah Tek. Si Ah Tek ang intsik na nagiging malupit
kung nagtatangka siyang tumakas. Ngunit hindi nito mapipigil ang pananabik sa
dalawa kaya’t nagbabalak sila na magkita sa gitna ng gabi upang tumakas at umuwi
sa kanilang probinsya sa Marinduque.
Isang magandang balita ang nais ipamalita ni Julio kay Pol na kasalukuyang nasa
Barberya at subsob sa Cross word puzzle ng dyaryo. Sinabi niyang nagkita sila ni
Ligaya at kailangan niya ng mauutangan kaya kailangan niyang tumawag sa telepono
at makipagusap kay Imo. Kasama ni Julio si Pol at nagtakda sila ng oras at
nakatakdang magkita sa harap ng Odean na isang sinehan sa Abenida. Ngunit hindi
sumipot si Imo, kaya naman pansamantalang kumilos si Pol para makahanap ng
mauutangan. Pinauna na lamang ni Pol si Julio sa bahay upang maghanda ng
kanilang kakailanganin sa pag-alis. Nang makabalik si Pol may dala itong beynte
singko at iniabot kay Julio upang mapunan ang kulang na pamasahe. Mag-aalas-
onse pa lamang nang umalis si Julio sa bahay ni Pol at kinaumagahan ito rin ay
umuwing bigo. Gaya pa rin ng dati, nakatambay si Pol sa barberya at nagbabasa
habang nakatingin na animo’y nakatawa ang mukha kay Julio. Nahuli ni Julio ang
mga tingin na iyon ni Pol at nagtanong kung bakit. Agad nagbihis si Pol upang
dumilihensya ng pera. Nang makabalik na ito sa bahay niyaya niya si Julio upang
maglamiyerda at magpakasaya kasama ang mga babae. Ngunit umiling si Julio,
nagpunta sila sa isang Bar. Doon uminom sila at ipinaalam ni Pol ang tunay na
nanagyari kay Ligaya na ito’y patay na nabasa niya ito sa isang kolum ng dyaryo,
kamakalawa ng gabi ay hinihintay siya nio Julio sa Arranque. Ngunit hindi siya
dumating, sinabi sa kolum na nahulog ito sa hagdan at nabagok. Ayon sa autopsiya,
sinakal ito. Ngunit ang pangyayaring ito ay patuloy na iniimbestigahan. Nabakas sa
mukha ni Julio ang matinding lungkot at pangungulila. Napagpasyahan ni Julio at
Pol na pumunta sa lamay ni Ligaya. Mapapansin kay Julio ang lungkot na kanyang
nadarama sa pagkawala ng kaisa-isang babaeng kanyang minamahal. Napansin
nilang na sa dalawang kabaong na nakalamay sa Punenarya sa kabila lamang ang
maraming nakikidalamhati samantalang sa kanan naman ay wala. Sina Pol at Julio
lamang ang naroroon. Pansamantala nagpaalam si Pol kay Julio upang sumaglit sa
pag-uwi upang ipaalam na sila ay makikipagluksa. Mag-aalas diyes na ngunit hindi
pa sila kumakain. Noong una ay ayaw pa ni Julio, ngunit ito ay nagpahila rin.
Pumasok sila sa isang Bar at umorder ng kape at tinapay na pinalamanan ng itlog.
Nakaupo silang dalawa, sa mga oras na iyon pinagsisisian niya ang pagpilit niya kay

Ligaya upang tumakas. Iniisip dinniya ang anak nito na marahil ay masaya, sa kabila
ng masaklap na pagkamatay ng kanyang ina. Samantala isang batang babae ang
pumasok sa loob ng Bar, ito ay nagtitinda ng mga Sampaguita. Tinawag ni Pol ang
batang babae at pinakyaw nito ang lahat ng tindang sampaguita ng batang babae.
Binigay niya ito kay Julio at sinabing ialay ito kay Ligaya. Kinaumagahan sa
sementeryong Cementerip Del Norte ang naging huling hantungan ni Ligaya.
Magtatakip-silim na nang makabalik sila sa bahay ni Pol. Mula sa sementeryo sila ay
nasa bahay na upang mamahinga. Ngunit si Julio ay lumabas upang maglakadlakad.
Mula sa Lungsod na naaaninag ng ibat-ibang kulay na ilaw sa lansanangan sa tapat
ng FEU kung saan maraming estudyante ang pauwi at dumadaan sa harap niya.
Patuloy siya sa paglalakad, mula sa bangketa, eskinita iba’t-ibang tao ang
makaksalamuha na may iba’t-bang layunin sa mundong ito. Sa China Town, kung
saan animo’y dayuhan siya sa mga taong at paligid na kanyang nakikita. Maraming
intsik ang kumikita dito sa mga Pilipino, mga intsik na nagpapakapal ng bulsa sa
tulong ng napagsasamantalang munti at dukha. Sa pintuan ng tahanan ni Ah Tek
tumigi si Julio siya ay kumatok at pinagbuksan ng katulong, hinahanap ni Julio si
Ah Tek. Sa pangalawang pagkakataon bumukas ang pinto at humarap ang isang
intsik, agad nitong pinindot ang lansetang kanyang nabili. Itinarak niya ito sa tiyan
ni Ah Tek. Ilang lalaki ang naglapitan, matapos makita ang pangyayari, si Julio ay
nagtangkang tumakas ngunit nahuli siya ng mga tao at inilagay sa kanya ang kamay
ng batas, sa huli si Ah Tek at Julio ay namatay.

You might also like