You are on page 1of 2

1st Summative Test in Arts IV

Pangalan____________________________________Iskor______Petsa________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M
kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
____1. Ang mga kulay at hugis ay mga salik sa paglikha ng sining.
____2. Ang hugis ng dahon ay isang organikong hugis.
____3. Ang mga disenyo ng katutubong pamayanan ng Luzon ay hango sa kalikasan o
kapaligiran.
____4. Ang mga iba’t ibang kasuotan ng mga katutubo ay dinesenyo ayon sa klima ng kanilang
lugar.
____5. Ang isang paraan upang maisulong ang sining sa Luzon ay sa pamamagitan ng paggamit
ng kanilang disenyo.
____6. Ang mga katutubong disenyo ay gumagamit ng prinsipyo ng sining na repetisyon sa
kanilang disenyo.
____7. Ang kulay ay nagbibigay tulong sa paningin para mapag-iba ang magkaparehong bagay
at disenyo.
____8. Ang mga kultural na disenyo ng iba’t ibang pamayanan ng Pilipinas ay pamana ng sining
sa ating bansa.
____9. Ang mga sining ng iba’t ibang pamayanan ng Pilipinas ay nagsasalamin sa kanilang
kultura, relihiyon at pamumuhay.
____10. Ang mga disenyo na makikita sa likha ng mga kultural na pamayanan ng ating bansa
ay hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pamayanang katutubo sa angkop na bahagi ng mga
pulo sa Pilipinas na makikita. Hanapin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
A. Luzon B. Visayas C. Mindanao

_____11. Bontok
_____12. T’boli
_____13. Kalinga
_____14. Badjao
_____15. Ati

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang
bago ang numero.
A. Lingling-o B. Bahag C. Puti D. Hugis E. Binulan

____16. Isang uri ng sinaunang kasuotang etniko na ginagamit ng mga kalalakihan bilang
pantakip sa ibabang bahagi ng katawan.
____17. Isang kulay na maihahambing sa kulay ng ulap, malimit din itong sumisimbulo ng
kadalisayan.
____18. Uri ng element o salik ng sining na naglalarawan sa panlabas na katangian o hubog ng
isang bagay.
____19. Tawag sa kapirasong tela na ginagamit ng mga katutubong Ifugao na pang ballot sa
balikat, proteksyon sa malamig na klima.
____20. Isang uri ng alahas o hikaw na ginagamit ng mga taga hilagang Luzon bilang pantaboy
ng mga masasamang ispiritu.

You might also like