You are on page 1of 5

KABANATA 15

Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at ang Eksposisyong Unibersal ng 1889

Pagtungo sa Paris

1. Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na Eksposisyon na darayuhin ng
libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo.

2. Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan na makahanap ng lugar na matitirahan at naging


napakamahal pa ng kabayaran sa mga paupahang kuwarto.

3. Pansamantalang tumira si Rizal sa kanyang kaibigang si Valentin Ventura sa Blg. 45 Rue Maubuege
at dito ay kanyang inayos ang kanyang anotasyon ng aklat na Sucesos de las Filipinas na sinulat ni Morga.

4. Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng isang maliit na silid at nakasama niya
dito ang dalawang Pilipino na sina Kapitan Justo Trinidad, isang takas mula sa pagmamalupit ng mga
Espanyol at Jose Albert.

Buhay sa Paris

1. Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si Rizal sa pagbabasa ng mga aklat sa
Bibliotheque Nationale upang tingnan ang mga datos para sa kaniyang anotasyon ng Sucesos Las Islas de
Filipinas ni Morga.

2. Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Pardo de
Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo de Tavera, na
ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga Espanyol noong 1872.

3. Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na pangalawang anak nina Juan Luna at Luz Pardo de
Tavera.

Si Rizal at ang 1889 Eksposisyon ng Paris

Mayo 6, 1889

Dumalo si Rizal at ang kanyang mga kaibigan sa pagbubukas ng Eksposisyong Paris na pinangasiwaan ng
Pangulo ng Pransiya na si Sadi Carnot.

Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay ang Eiffel Tower na may taas na 984 talampakan.

Alexander Eiffel – bantog na inhinyerong Pranses.

Araw araw ay tinatayang 200,000 ang bisita rito.


Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Pariss ay ang pagkakaroon ng eksposisyon sa mga likhang sining na
sinalihan ni Juan Luna, Felix Resureccion-Hidalgo, at Felix Pardo de Tavera.

Lumahok din si Rizal sa pamamagitan ng pagsasali ng kanyang gawang iskultura, napasali ang kanyang
likha ngunit hindi nagtamo ng gantimpala.

Mga Samahang Itinatag ni Rizal

1. Samahang Kidlat

Ang mga kasapi nito ay sina Antonio at Juan Luna, Gregorio Aguilera, Fernando Canon, Lauro Dimayuga,
Julio Llorente, Guillermo Puatu at Baldomero Roxas.

Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit
silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon.

2. Indios Baravos

Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito ang Samahang Kidlat.

Nangako ang mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at pagpapalakas katawan upang magtamo ng
paghanga ng dayuhan.

3. Samahang R.D.L.M

Redencion de los Malayos (Para sa Katubusan ng mga Malayo)

Sa napakaraming sulat ni Rizal at kanyang kapwa propagandista, dalawang bese lamang nabanggit ang
lihim na samahan na ito:

1. Liham ni Rizal kay Jose Maria Basa, Parais, Setyembre 21, 1889

2. Liham ni Rizal kay Marcelo H. del Pilar, Paris, Nobyembre 4, 1889

Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas

1. Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng 1890 ay ang pagpapalimbag
ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas na inilathala ng Garnier Freres.

2. Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las Islas Filipinas at inihandog ni Rizal
ang aklat para sa inang bayan.
3. Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa mga Pilipino
ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang mga Espanyol.

4. Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga kaibigan dahilan sa kanyang
paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga.

Si Rizal bilang Historiador

Naging mahusay na mananalaysay si Rizal dahil sa pananaliksik niya sa Museo ng Britanya (London) at
Bibliotheque Nationale (Paris)

Ang kaalaman niya sa iba’t ibang wika ay nakatulong kay Rizal sa pagbabasa ng mga dokumento at aklat
na pangkasaysayan na isinulat sa ibang wika.

Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas naghanda rin si Rizal ng malathalang artikulong
historikal na gaya ng mga sumusunod:

Ma-yi

Tawalisi

Filipinas dentro mde Cien Anos (Ang Pilipinas sa Darating na Sandaang Taon)

Sobre la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Filipino)

La Politica Colonial on Filipinas (Mga Patakarang Kolonyalismo sa Pilipinas)

Manila-en el mes de Diciembre, 1872 (Ang Maynila noong Buwan ng Disyembre 1872)

Historia de la Familia Rizal de Calamba (Kasaysayan ng Mag-anak na Rizal sa Calamba)

Los Pueblos del Archipelago Indico (Ang mga Tao ng Kapuluang Indian)

Ang Pilipinas sa Darating na Siglo

Sa artikulong ito, ipinahayag ni Rizal ang kanyang mga pananaw sa kolonisasyon ng Espanya sa Plipinas
at hinulaan niya ang matrahedyang pagwawakas ng kapangyarihan ng Espanya sa Asya.

Ang Katamaran ng mga Pilipino


Tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng katamaran at pagiging mabagal na pag-unlad ng mga Pilipino sa
mga sumusunod na salik:

1. Ang Pag-aalsa ng mga katutubo at panloob na kaguluhang dulot ng pananakop ng Espanya.

2. Ang mga digmaankung saan ang mga Pilipino ay nakipaglaban para sa Espanya laban sa mga Olandes,
Portuges, Ingles at iba pang kaaway.

3. Mga nakatatakot na pananalakay ng mga piratang Muslim ng Mindanao at Sulu sa mga Kristiyanong
bayan sa mga baybay-dagat.

4. Patakaran ng sapilitang paggawa sa pagawaan ng mga barko, kalsada, tulay at iba pang gawaing
pampubliko.

5. Kakulangan ng gana para gumawa dahil wala naming nahihita ang mga Pilipino sa kanilang
pinagpaguran.

6. Pagpapabaya ng pamahalaan sa agrikultura, industriya at komersiyo.

7. Masasamang halimbawa sa paggawa na ipinakita ng mga misyonerong Espanyol

8. Turo ng mga misyonerong Espanyol na nagsasabing mas madali para sa mahihirap ang pumasok sa
langit kaya mas ginusto ng mga Pilipino ang di na magtrabaho at manatiling mahirap nang sa gayo’y
makarating sa langit kapag namatay sila

9. Paghihikayat at pagpapalaganap ng mga Espanyol sa ugaling pagsusugal

10. Ang sistema ng edukasyong Espanyol ay hindi nakapagsulong ng pangkabuhayang kaalaman. Ang
edukasyon ay depresibo, brutal, at hindi makatao.

Pandaigdigang Asosasyon ng mga Filipinohista

Isinumite ni Rizal ang ideyang ito kay Blumentritt.

Ang layunin ng asosasyon na it ay “mapag-aralan ang Pilipinas mula sa siyentipiko at pangkasaysayang


pananaw”

Mga Opisyal:

Pangulo – Dr. Ferdinand Blumentritt (Austriyano)

Pangalawang Pangulo – G. Edmund Plauchut (Pranses)

Tagapagpayo – Dr. Reinhold Rost (Anglo-Aleman)

Tagapagpayo – Dr. Antonio Ma. Regidor (Pilipino-Espanyol)


Kalihim – Dr. Jose Rizal (Pilipino)

Proyekto ng Kolehiyo para sa mga Pilino sa Hongkong

Layunin: “Sanayin at turuan ang mga kalalakihan buhat sa mabubuti at may kayang pamilya ayon sa
pangangailangan ng makabagong panahon at kalagayan.”

G. Mariano Cunanan – tumulong kay Rizal sa paglikon ng 40,000 bilang capital para sa kolehiyo.

Ang kurikulum ay binubuo ng mga sumusunod na asignatura:

Etika

Matematika

Kasaysayan ng Daigdig

Wikang Espanyol

Gymnastics

Por Telepono

inilathala bilang polyeto sa Barcelona noong 1889.

Inilarawan nito sa paraang nakakatawa ang pag-uusap sa telepono nina Padre Font, na nasa Madrid, at
ng padre probinsiyal ng Kumbento ng San Agustin sa Maynila.

Pasko sa Paris.

Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong Taon ay saglit na dumalaw sa London
upang tingnan ang katumpakan ng kanyang anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at dalawin si
Gertrude Beckett

You might also like