You are on page 1of 3

Lesson 4: Introduction to the New Testament

The New Testament Books

Ang pagkasilang, pagturo, pagsakit, pagkamatay, at pagkabuhay-muli ay nasusulat sa mga libro


ng Bagong Tipan. Kung ang Lumang Tipan ay nahahati sa Law, Wisdom, Historical, at
Prophetic Books; ang 27 libro naman ng Bagong Tipan ay nahahati sa apat na kategorya:

1. Gospels (Ebanghelyo)
Ang ebanghelyo ay ang mga libro ng Matthew, Mark, Luke, at John. Tinatawag na synoptic
gospels (Gk. Synoptic, ‘to see together’) ang mga libro ni Matthew, Mark, at Luke dahil marami
silang parehong kuwento, kadalasan ay parehong pagkakasunod-sunod, at minsan pa’t
parehong pagkakasulat samantalang ibang-iba naman ang pagkakasulat ng libro ni
John. Ang mga librong ito ay ipinapahayag ang mabuting balita ng Panginoon. Ang mga
nagsulat sa mga librong ito ay tinatawag na Evangelists (Gk.euangelion, ‘pagpahayag ng
magandang balita’). Ang mga librong ito ay saksi sa katuruan at buhay ng Panginoong Hesus.

Paano nabuo ang mga Ebanghelyo (Gospels)?


1. Jesus’ Life in Palestine (1-30AD)
2. Oral Tradition (30-60AD)
3. The Written Gospels (65-100AD)

Ang Paglalarawan ng mga Ebanghelyo sa Panginoong Hesus:


1. Mark: Jesus is the suffering Messiah
Gustong ipakita ni San Marcos sa mga inuusig na mga unang Kristiyanong
Romano na maging ang Panginoon ay dumaan din ng pagsakit.
2. Matthew: Jesus is the Messiah and King
Ipinakita ni Mateo ang pagiging Mesias at Hari ni Hesus bilang katuparan ng
ipinangakong darating ng Lumang Tipan
3. Luke: Jesus is the Savior of the World
Gustong ipakita ni San Lukas na si Hesus ay tagapagligtas ng lahat, maging ng
mga hentil at hindi lamang para sa mga Hudio
4. John: Jesus is the Son of God
Ang ebanghelyo ni Juan ang nagpapakita na si Hesus ay hindi lang isang
ordinaryong tao bagkos isang tao at Diyos.

Mga simbolo ng mga Ebanghelista:


1. Matthew: Man, ito ay dahil ang kaniyang Ebanghelyo ay sinumulan sa talaan ng mga
Taong ninuno ng Panginoon.
2. Mark: Desert Lion, ito ay dahil sinumulan niya ang kaniyang Ebanghelyo kay Juan
Bautista na umiiyak sa disyerto. Ang simbolong leon naman ay nababagay sa estilo ng
pagsulat ni Mark dahil ito’y direkta at malinaw tulad ng lion’s roar.
3. Luke: Ox, ito ay dahil kaniyang sinimulan ang kaniyang ebanghelyo kay Zechariah na
nag-aalay ng sakripisyong handog. Ang ox ay tanda ng mga sinaunang sakripisyong
hayop sa Dios.
4. John: Eagle, ito ay dahil sinimulan niya ang kaniyang ebanghelyo sa introduksiyon na
kaya ni Kristo tingnan ang mukha ng Diyos gaya ng isang agilang kayang tingnan
direkta ang sikat ng araw. Sumasagisang din ito sa pambungad na mga introduksiyon ni
Juan kung gaano kataas si Hesus.

2. Acts of the Apostles


Ang librong ito ay ipinapakita ang pagkalat ng Magandang Balita ng Panginoon sa mundo
noong unang panahon ng mga tagasunod ni Kristo sa mga unang panahon ng Simbahan.

3. Letters (Epistles / Catholic Epistles)


Tinatawag din ang mga sulat na ito bilang Epistles. Ang 13 na sulat ay sinasabing sulat ni San
Pablo, ito-ito ang: Romans, 1 Corinthians, 2 Corinthians, Galatians, Ephesians, Philippians,
Colossians, 1 Thessalonians, 2 Thessalonians, 1 Timothy, 2 Timothy, Titus, at Philemon. Ang
Hebrews naman ay bagamat sinasabing si San Pablo rin ang nagsulat ay may mga teologo na
nagsasabing hindi kaya kinonsidera ang sulat na ito na hindi kilala ang nagsulat.

Ang mga natitirang sulat, James, 1 Peter, 2 Peter, 1 John, 2 John, 3 John, at Jude, ay
sinasabing isinulat ng mga apostoles. Lahat ng mga sulat ay nagsasabi kung paano isasabuhay
ng mga Kristiyano ang katuruan ni Hesus at ang Kaniyang Ebanghelyo ng kaligtasan.

4. Revelation
Ang librong ito ay tinatawag din na Apocalypse, ang kaisa-isang prophetic book ng Bagong
Tipan. Ang librong ito ay puno ng simbolismo at mga pangitain ng paglalaban ni Kristo at ng
Kaniyang mga tagasunod sa puwersa ng Demonyo at ng kaniyang hukbo.
Reading Session: Life of Jesus Christ

The Infancy Narratives & The Public Ministry of


Early Childhood of the Jesus
Lord: Matthew The Passion, Death,
● 3:1-17; Resurrection, and
Matthew ● 4:1-25; Ascension
● 1:1-25; ● 5:1-12;
● 2:1-23 ● 10:1-33; Matthew
Luke ● 16:1-28; ● 26:1-75
● 1:1-80; ● 17:1-13; ● 27:1-66
● 2:1-52 ● 22-23; ● 28:1-20
John ● 21:1-22; Mark
● 1:1-18 ● 22:34-40 ● 14:1-72
● 2:1-12 Mark ● 15:1-47
● 1:1-20 ● 16:1-20
● 6:1-29 Luke
● 9:2-13; 30-49 ● 22:1-71
● 10:32-34 ● 23:1-56
● 11:1-11 ● 24:1-53
Luke John
● 3:1-38 ● Chapters 18-21
● 4:1-30
● 6:12-50
● 9:1-49
● 11:1-23
● 19:1-48

References:
Frago E.V., Dangi J.C. (2013). Called to Meet Christ in Scripture, Church, and Sacrament. Sibs Publishing
House, Inc.
Ateneo de Naga University JHS Grade 7 New Testament Module

*There are sources that were not cited in this module

You might also like