Professional Documents
Culture Documents
matututuhan mo sa Bibliya
“Mula pa noong sanggol ka
ay alam mo na ang banal na mga kasulatan,
na nagpaparunong sa iyo para maligtas ka.”
—2 TIMOTEO 3:15
s
170828
lfb-TG
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito.
Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig
na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan
ng kusang-loob na mga donasyon.
Para sa donasyon, magpunta sa www.jw.org/tl.
Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi
sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.
Karamihan sa mga ito ay pinasimple para madaling
maintindihan ng mga bata. Ang mga kapsiyon
ay isinalin mula sa 2013 nirebisang
New World Translation of the Holy Scriptures.
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Lessons You Can Learn From the Bible
Inilimbag Agosto 2017
Tagalog (lfb-TG)
˘ 2017
Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
Mga Tagapaglathala
Watchtower Bible and Tract Society of
New York, Inc., Wallkill, New York, U.S.A.
Made in Japan
Mga aral na
matututuhan mo sa Bibliya
Ang aklat na ito ay kay
Mahal Naming mga Kapananampalataya:
2
Kung isa kang magulang, puwede mong basahin sa iyong anak ang
isang aral at talakayin ang kasamang larawan. Pagkatapos, basahin
ninyong dalawa ang mga teksto sa Bibliya na pinagkunan ng aral.
Tulungan ang iyong anak na makita ang koneksiyon ng binasa niya
sa Bibliya at ng aral mula sa aklat. Maaaring maging epektibo rin
ang ganitong paraan kapag tumutulong sa isang adulto na makita
ang kabuoang mensahe ng Bibliya.
Umaasa kaming makakatulong ang publikasyong ito sa lahat ng
tapat-puso—bata at matanda—na matuto mula sa Salita ng Diyos
at maisabuhay ang mga aral nito. Magbibigay ito sa kanila ng
pagkakataong sumamba sa Diyos bilang miyembro ng kaniyang
pinakamamahal na pamilya.
1 Paglalang
1 Ginawa ng Diyos ang Langit at Lupa
2 Ginawa ng Diyos ang Unang
6
8
25
26
27
Tabernakulo Para sa Pagsamba
Ang Labindalawang Espiya
Nagrebelde Sila kay Jehova
64
66
68
Lalaki at Babae 10
28 Nagsalita ang Asno ni Balaam 70
7
sa Asawa ni Lot 30
Si David at si Saul 94
11 Isang Pagsubok sa
Pananampalataya 32 39 Ang Unang Hari ng Israel 96
12 Napunta kay Jacob ang Mana 34 40 Si David at si Goliat 98
ˆ 41 Si David at si Saul 100
13 Nagbatı Sina Jacob at Esau 36
42 Ang Tapat at Matapang
na si Jonatan 102
8
14 Isang Aliping Sumunod sa Diyos 40
Mula kay Solomon
15 Hindi Pinabayaan ni Jehova si Jose 42 Hanggang kay Elias 106
16 Sino si Job? 44
44 Isang Templo Para kay Jehova 108
17 Pinili ni Moises na Sambahin
si Jehova 46 45 Nahati ang Kaharian 110
46 Pagsubok na Naganap
18 Ang Nag-aapoy na Halaman 48
sa Bundok Carmel 112
19 Ang Unang Tatlong Salot 50
47 Pinalakas ni Jehova si Elias 114
20 Ang Sumunod na Anim na Salot 52
48 Nabuhay-Muli ang Anak
21 Ang Ikasampung Salot 54 ng Isang Biyuda 116
22 Ang Himala sa Dagat na Pula 56 49 Pinarusahan ang Isang
Napakasamang Reyna 118
50 Ipinagtanggol ni Jehova
si Jehosapat 120
12
Ministeryo ni Jesus 174
74 Si Jesus ay Naging Mesiyas 176
75 Sinubok ng Diyablo si Jesus 178
10
sa Ibabaw ng Tubig 196
Mula kay Jeremias
85 Nagpagaling si Jesus
Hanggang kay Nehemias 136
sa Araw ng Sabbath 198
57 Inutusan ni Jehova si Jeremias 86 Binuhay-Muli ni Jesus si Lazaro 200
na Mangaral 138
13
58 Winasak ang Jerusalem 140 Huling Linggo ni Jesus sa Lupa 202
59 Apat na Kabataang Sumunod 87 Ang Huling Hapunan ni Jesus 204
kay Jehova 142
88 Inaresto si Jesus 206
60 Isang Kaharian na Mananatili
Magpakailanman 144 89 Hindi Inamin ni Pedro
na Kilala Niya si Jesus 208
61 Hindi Sila Yumukod 146
90 Namatay si Jesus sa Golgota 210
62 Isang Kahariang Gaya
ng Malaking Puno 148 91 Binuhay-Muli si Jesus 212
63 Ang Sulat sa Pader 150 92 Nagpakita si Jesus
sa mga Mangingisda 214
64 Si Daniel sa Kuweba ng mga Leon 152
93 Bumalik si Jesus sa Langit 216
65 Iniligtas ni Esther
14
ang mga Kababayan Niya 154 Lumaganap ang Kristiyanismo 218
66 Nagturo si Ezra ng
Kautusan ng Diyos 156 94 Tumanggap ng Banal na Espiritu
ang mga Alagad 220
67 Ang mga Pader ng Jerusalem 158
95 Walang Makapigil sa Kanila 222
96 Pinili ni Jesus si Saul 224
˛ Ginawa ni Jehova at ng kaniyang Anak ang lupa para maging tirahan natin
˛ Ginawa ni Jehova ang pamilya nang lalangin niya ang lalaki at babae at
bigyan sila ng kakayahang magkaanak
7
1 Ginawa ng Diyos ang Langit at Lupa
Ang Diyos na Jehova ang Maylalang. Siya ang gumawa ng lahat
ng bagay, mga nakikita at di-nakikita. Bago niya gawin ang mga
bagay na nakikita, gumawa muna siya ng napakaraming anghel. Alam
mo ba kung ano ang mga anghel? Sila ay katulad ni Jehova. Hindi natin
sila nakikita, gaya ng Diyos na hindi natin nakikita. Ang unang anghel
na ginawa ni Jehova ang naging katulong niya. Tumulong ang anghel na
iyon nang gawin ni Jehova ang mga bituin, planeta, at lahat ng iba pang
bagay. Ang isa sa mga planetang iyon ay ang magandang tirahan natin,
ang lupa.
Pagkatapos, inihanda ni Jehova ang lupa para maging tirahan ng
mga hayop at ng mga tao. Pinasikat niya sa lupa ang liwanag ng araw.
Gumawa siya ng mga bundok, dagat, at mga ilog.
Ano ang sumunod na nangyari? Sinabi ni Jehova:
“Nang pasimula ‘Magpapatubo ako ng mga damo at halaman at mga
ay nilikha ng Diyos puno.’ Nagsimulang tumubo ang maraming iba’t ibang
ang langit at ang klase ng gulay, prutas, at mga bulaklak. Pagkatapos,
lupa.”—Genesis 1:1 gumawa si Jehova ng mga hayop—may lumilipad,
lumalangoy, at gumagapang. Gumawa siya ng maliliit
na hayop, gaya ng rabbit; at ng malalaki, gaya ng elepante. Ano ang
paborito mong hayop?
Pagkatapos, sinabi ni Jehova sa unang anghel: ‘Gumawa tayo ng
tao.’ Ang mga tao ay iba sa mga hayop. Ang mga tao ay marunong
mag-imbento ng sari-saring bagay. Marunong silang magsalita,
8
tumawa, at manalangin.
Aalagaan nila ang lupa pati
na ang mga hayop. Kilala
mo ba ang unang tao?
Alamin natin.
Tanong: Anong trabaho ang ibinigay ni Jehova kay Adan? Ano ang mangyayari kina
Adan at Eva kapag kinain nila ang bunga ng punong ipinagbabawal ng Diyos?
Genesis 1:27-31; 2:7-9, 15-23; Awit 115:16; Mateo 19:4-6
11
2
Bakit nagpadala si Jehova ng baha na sumira noon sa mundo?
Pagkatapos lalangin ang tao, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng
mabuti at masama. Ang ilan, gaya nina Adan, Eva, at anak nilang si
Cain, ay kumampi sa masama. Ang iba naman, gaya nina Abel at
ˆ
Noe, ay kumampi sa mabuti. Sa sobrang sama ng karamihan sa mga
tao, pinuksa sila ni Jehova. Matututuhan natin sa seksiyong ito na
alam ni Jehova kung kampi tayo sa masama o kampi tayo sa mabuti,
at na hinding-hindi siya papayag na matalo ng masama ang mabuti.
MAHAHALAGANG ARAL
13
3 Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva
Isang araw habang nag-iisa si Eva, kinausap siya ng isang ahas. Sinabi
nito: ‘Talaga bang ayaw ng Diyos na kumain kayo ng bunga mula sa lahat
ng puno?’ Sumagot si Eva: ‘Puwede naman kaming kumain ng bunga
mula sa lahat ng puno, puwera lang sa isa. Kapag kinain namin ang
bunga ng punong ’yon, mamamatay kami.’ Sinabi ng ahas: ‘Hindi kayo
mamamatay. Ang totoo, kapag kinain n’yo ’yon, magiging katulad kayo
ng Diyos.’ Totoo ba iyon? Hindi. Nagsinungaling ang ahas. Pero naniwala
si Eva. Habang tinititigan ni Eva ang prutas, lalo itong nagmumukhang
masarap. Kinain niya iyon at pagkatapos, binigyan niya si Adan. Alam ni
Adan na mamamatay sila kapag hindi sila sumunod sa Diyos. Pero kinain
pa rin ni Adan ang prutas.
Nang pagabi na, kinausap ni Jehova sina Adan at Eva. Tinanong niya
sila kung bakit hindi nila sinunod ang utos niya. Sinisi ni Eva ang ahas, at
sinisi naman ni Adan si Eva. Dahil sumuway sa kaniya sina Adan at Eva,
pinalayas sila ni Jehova mula sa hardin. Para hindi na sila makapasok ulit,
naglagay si Jehova ng mga anghel at isang umaapoy na espada sa may
harapan ng hardin.
Sinabi ni Jehova na paparusahan din niya ang nagsinungaling kay Eva.
Hindi naman talaga ang ahas ang
kumausap kay Eva. Hindi gumawa
si Jehova ng mga ahas na
nakakapagsalita. Isang masamang
anghel ang may gawa nito. Gusto
niya kasing dayain si Eva. Ang anghel
na iyon ay si Satanas na Diyablo.
Darating ang panahon na papatayin
ni Jehova si Satanas para hindi
na niya madaya ang mga tao
na gumawa ng masama.
15
4 Pumatay Dahil sa Galit
Pagkaalis nina Adan at Eva sa hardin ng Eden, nagkaroon sila ng
maraming anak. Ang panganay nilang si Cain ay naging magsasaka,
at ang ikalawang anak na si Abel ay naging tagapag-alaga ng hayop.
Isang araw, naghandog sina Cain at Abel kay Jehova. Alam mo ba
ang ibig sabihin ng handog? Isa itong espesyal na regalo. Nagustuhan
´
ni Jehova ang handog ni Abel, pero hindi ang handog ni Cain. Kaya galıt
´
na galıt si Cain. Pinagsabihan ni Jehova si Cain kasi baka makagawa ito
ng masama dahil sa galit. Pero hindi nakinig si Cain.
Sa halip, sinabi ni Cain kay Abel: ‘Pumunta tayo sa bukid.’ Pagdating
nila sa bukid, pinatay ni Cain si Abel. Ano kaya ang gagawin ni Jehova?
Pinarusahan ni Jehova si Cain. Pinalayas niya si Cain at
hindi na pinayagang makabalik sa pamilya nito.
16
“Makipagkasundo ka
muna sa [kapatid mo],
Ano ang aral? Baka magalit tayo kapag hindi at saka ka bumalik para
nasunod ang gusto natin. Kapag nagsisimula ialay ang handog mo.”
na tayong magalit—o pinagsabihan tayo ng iba —Mateo 5:24
dahil napansin nilang nagagalit na tayo—dapat
natin itong kontrolin agad para hindi tayo makagawa ng masama.
Dahil mahal ni Abel si Jehova at ginawa niya ang tama, hindi siya
malilimutan ni Jehova. Bubuhaying muli ng Diyos si Abel kapag
paraiso na ang lupa.
18
6 Walo ang Nakaligtas sa Baha
Si Noe, ang kaniyang pamilya, at ang mga hayop ay pumasok sa arka.
Isinara ni Jehova ang pinto, at nagsimulang umulan. Napakalakas ng
ulan kung kaya tumaas ang tubig at lumutang ang arka. Di-nagtagal,
umapaw ang tubig sa buong lupa. Namatay ang lahat ng masasamang
taong nasa labas ng arka. Pero si Noe at ang kaniyang pamilya ay ligtas
sa loob ng arka. Naiisip mo ba kung gaano sila kasaya dahil sumunod
sila kay Jehova?
Umulan nang 40 araw at 40 gabi. Nang tumigil ang ulan, unti-unting
bumaba ang tubig. Ang arka ay sumadsad sa bundok. Pero medyo
mataas pa rin ang tubig, kaya hindi agad nakalabas sina Noe at ang
kaniyang pamilya.
Unti-unting natuyo ang tubig. Mahigit isang taon sa loob ng arka
sina Noe. Sinabi sa kanila ni Jehova na puwede na
“Pumasok si Noe silang lumabas. At paglabas nila, parang isang
sa arka, at hindi . . . bagong mundo ang nakita nila. Tuwang-tuwa sila
nagbigay-pansin [ang kasi iniligtas sila ni Jehova, kaya naghandog sila
mga tao] hanggang sa
dumating ang Baha at para pasalamatan siya.
tinangay silang lahat.” Natuwa si Jehova sa kanilang handog. Nangako
—Mateo 24:38, 39 siyang hindi na niya wawasakin ang lahat ng bagay
sa lupa sa pamamagitan ng baha. Bilang tanda ng
pangakong iyan, pinalitaw niya sa langit ang unang bahaghari, o
rainbow. Nakakita ka na ba ng bahaghari?
Pagkatapos, inutusan ni Jehova si Noe at ang pamilya nito na
magkaanak para dumami ang tao sa lupa.
Tanong: Ano ang nangyari nang isara ni Jehova ang pinto ng arka?
Ano ang maaalaala natin kapag may bahaghari?
Genesis 7:1–9:17
20
3
Nang sumunod na mga taon pagkatapos ng Baha, iniulat ng Bibliya
ang pangalan ng iilang taong naglingkod kay Jehova. Kasama rito
si Abraham, na nakilala bilang kaibigan ni Jehova. Bakit siya
tinawag na kaibigan ni Jehova? Kung isa kang magulang, tulungan
ang iyong anak na maunawaang si Jehova ay interesado sa kaniya
at gusto siyang tulungan. Tulad ni Abraham at ng iba pang tapat na
mga lalaking gaya nina Lot at Jacob, malaya tayong makakahingi
ng tulong kay Jehova. Makapagtitiwala tayong tutuparin ni Jehova
ang lahat ng kaniyang pangako.
MAHAHALAGANG ARAL
23
7 Ang Tore ng Babel
Pagkatapos ng Baha, ang mga anak ni Noe at ang kanilang
asawa ay nagkaroon ng maraming anak. Lumaki ang pamilya
nila, at tumira sila sa iba’t ibang lugar sa lupa, gaya ng iniutos
ni Jehova.
Pero may ilan sa pamilya na hindi sumunod kay Jehova.
Sinabi nila: ‘Magtayo tayo ng isang lunsod para dito na
lang tayo. Gagawa tayo ng isang tore na aabot sa langit.
´
At magiging sikat tayo.’
25
8 Sumunod sa Diyos Sina Abraham at Sara
May isang lunsod na malapit sa Babel. Ito ang lunsod ng Ur. Ang mga
tao doon ay mas sumasamba sa maraming diyos kaysa kay Jehova.
Pero may isang lalaking taga-Ur na ang sinasamba ay si Jehova lang.
Siya si Abraham.
Sinabi ni Jehova kay Abraham: ‘Umalis ka sa iyong bahay at iwanan
ang iyong mga kamag-anak, at pumunta ka sa isang lupain na
ipapakita ko sa iyo.’ Nangako ang Diyos: ‘Ikaw ay magiging isang
malaking bansa, at gagawan ko ng mabuti ang maraming tao sa buong
lupa dahil sa iyo.’
Hindi alam ni Abraham kung saan siya papupuntahin ni Jehova, pero
sumunod pa rin siya kasi nagtitiwala siya kay Jehova. Kaya si Abraham,
ang asawa niyang si Sara, ang tatay niyang si Tera, at ang pamangkin
niyang si Lot ay nag-impake at naglakbay.
Si Abraham ay 75 taon nang makarating sila sa lugar na gustong
ipakita ni Jehova. Ito ang lupain ng Canaan. Doon sinabi ng Diyos kay
Abraham ang pangakong ito: ‘Ibibigay ko sa iyong mga anak ang buong
lupaing ito na nakikita mo.’ Pero walang anak sina Abraham at Sara, at
matanda na sila. Kaya paano matutupad ang pangakong ito ni Jehova?
27
9 Magkakaanak Na!
Matagal nang mag-asawa sina Abraham at Sara. Iniwan nila ang
magandang bahay nila sa Ur at tumira sa tolda. Pero hindi nagreklamo
si Sara dahil may tiwala siya kay Jehova.
Gustong-gusto ni Sara na magkaanak, kaya sinabi niya kay
Abraham: ‘Kung magkakaanak ang alipin kong si Hagar, parang anak
ko na rin ’yon.’ Nang maglaon, nagkaanak si Hagar ng isang lalaki.
Ismael ang pangalan niya.
Pagkalipas ng maraming taon, noong si Abraham ay 99 na taon at
si Sara naman ay 89, may dumating na tatlong bisita. Niyaya sila ni
Abraham sa lilim ng isang puno para makapagpahinga at makakain.
Alam mo ba kung sino ang mga bisita? Mga anghel! Sinabi nila kay
Abraham: ‘Sa isang taon, magkakaanak kayo ng isang lalaki.’
Nakikinig noon si Sara sa loob ng tolda. Natawa siya at naisip niya:
‘Magkakaanak pa ba ako sa tanda kong ’to?’
Nang sumunod na taon, nagkaanak nga si Sara ng isang lalaki, gaya
ng sinabi ng anghel ni Jehova. Pinangalanan ito ni Abraham na Isaac,
ibig sabihin, “Pagtawa.”
28
“Dahil din sa pananampalataya, nagdalang-tao
si Sara . . . , dahil naniniwala siyang tapat
ang nangako nito.”—Hebreo 11:11
29
10 Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot
Si Lot ay kasama ng tiyuhin niyang si Abraham sa Canaan. Dumami
nang dumami ang mga alagang hayop nina Abraham at Lot kaya halos
hindi na sila magkasya sa lupain. Sinabi ni Abraham kay Lot: ‘Parang
masikip na tayo dito. Pumili ka ng lugar na gusto mo, at doon naman
ako sa lugar na hindi mo napili.’ Napakabait ni Abraham, ’di ba?
Nakakita si Lot ng magandang lugar malapit sa lunsod na tinatawag
na Sodoma. Maraming tubig doon at maberde ang mga damo. Kaya
iyon ang pinili niya at lumipat sila doon.
Masasamang tao ang mga taga-Sodoma at ang mga nasa kalapit
ˆ
na lunsod ng Gomorra. Sa sobrang sama nila, nagdesisyon si Jehova
na wasakin ang mga lunsod na iyon. Pero gusto ng Diyos na iligtas
si Lot at ang pamilya nito, kaya nagpadala siya ng dalawang anghel
para sabihin sa kanila: ‘Dali! Umalis na kayo sa lunsod na ito!
Wawasakin ito ni Jehova.’
Ayaw pang umalis agad ni Lot. Kaya hinila ng mga anghel si Lot,
ang asawa niya, at ang dalawa niyang anak na babae palabas ng
lunsod, at sinabi: ‘Takbo! Tumakas kayo, at huwag kayong lilingon.
Kapag lumingon kayo, mamamatay kayo!’
Pagdating nila sa lunsod ng Zoar, nagpaulan si Jehova ng apoy at
´ ´
asupre sa Sodoma at Gomorra. Wasak na wasak ang dalawang lunsod
na iyon. Hindi nakinig kay Jehova ang asawa ni Lot. Lumingon siya, at
naging haliging asin! Pero nakaligtas si Lot at ang mga anak niya dahil
30
“Alalahanin ang asawa ni Lot.”
—Lucas 17:32
sumunod sila kay Jehova. Siguradong nalungkot sila dahil hindi nakinig
ang asawa ni Lot. Pero masaya pa rin sila kasi sinunod nila ang mga
utos ni Jehova.
32
mong ihain ang iyong anak.’
Pagkatapos, nakita ni Abraham
ang isang barakong tupa na ang
mga sungay ay nasabit sa mga
sanga. Kinalagan niya agad
si Isaac at inihain ang tupa.
Mula noon, naging kaibigan na
ni Jehova si Abraham. Alam mo ba kung
bakit? Sinusunod kasi ni Abraham ang lahat ng
ipagawa sa kaniya ni Jehova, kahit hindi niya ito
naiintindihan.
Inulit ni Jehova ang pangako niya kay Abraham:
‘Pagpapalain kita, at pararamihin ko ang iyong mga anak.’
Ibig sabihin, magiging maganda ang buhay ng lahat ng
mabuting tao dahil sa pamilya ni Abraham.
35
ˆ
13 Nagbatı Sina Jacob at Esau
Nangako si Jehova kay Jacob na poprotektahan niya ito gaya ng
pagprotekta niya kina Abraham at Isaac. Tumira si Jacob sa isang lugar
na tinatawag na Haran. Doon siya nakapag-asawa, nagkaroon ng
maraming anak, at yumaman.
Sinabi ni Jehova kay Jacob: ‘Umuwi ka sa inyo.’ Kaya naglakbay
pauwi si Jacob kasama ang pamilya niya. Habang naglalakbay, may
mga nagsabi kay Jacob: ‘Parating ang kapatid mong si Esau, at may
kasama siyang 400 lalaki!’ Natakot si Jacob na baka saktan sila ni Esau.
Nanalangin siya kay Jehova: ‘Pakisuyo, iligtas n’yo po kami sa kapatid
ko.’ Kinabukasan, nagpadala si Jacob kay Esau ng maraming tupa,
kambing, baka, kamelyo, at asno.
Kinagabihan, habang nag-iisa si Jacob, nakakita siya ng anghel!
Nagsimulang makipagbuno ang anghel kay Jacob hanggang umaga.
Kahit napilayan na si Jacob, ayaw pa rin niyang sumuko. Sinabi ng
anghel: ‘Bitiwan mo ako.’ Pero sinabi ni Jacob: ‘Ayoko. Hindi kita
bibitiwan hangga’t hindi mo ako pinagpapala.’
Pinagpala ng anghel si Jacob. Ngayon, alam na ni Jacob na
hindi hahayaan ni Jehova na saktan siya ni Esau.
Nang umagang iyon, malayo pa lang ay nakita na ni Jacob
si Esau kasama ang 400 lalaki. Nauna si Jacob sa pamilya
niya at yumukod nang pitong beses sa harap ng kapatid
36
niya. Tumakbo si Esau palapit kay Jacob at niyakap ito. Nag-iyakan ang
ˆ
magkapatid at nagbatı. Ano kaya ang naramdaman ni Jehova sa
ginawa ni Jacob?
Pagkatapos, umuwi na si Esau sa bahay niya, at nagpatuloy si Jacob
sa paglalakbay pauwi. Nagkaroon si Jacob ng 12 anak na lalaki. Ang
pangalan nila ay Ruben, Simeon, Levi, Juda, Dan, Neptali, Gad, Aser,
Isacar, Zebulon, Jose, at Benjamin. Ang isa sa kanila—si Jose—ay
ginamit ni Jehova para iligtas ang Kaniyang bayan. Alam mo ba
kung paano? Tingnan natin.
39
14 Isang Aliping Sumunod sa Diyos
Isa si Jose sa nakababatang anak ni Jacob. Napansin ng mga kuya ni
Jose na paborito siya ng tatay nila. Ano kaya ang naramdaman nila?
Nainggit sila kay Jose at nagalit sa kaniya. Nang magkaroon si Jose ng
kakaibang panaginip, ikinuwento niya ang mga ito sa kanila. Inisip ng
mga kuya niya na darating ang araw na yuyukod sila kay Jose. Lalo
tuloy silang nagalit sa kaniya!
Isang araw, nagbabantay ng mga tupa ang mga kuya ni Jose malapit
sa lunsod ng Sikem. Inutusan ni Jacob si Jose na puntahan ang mga
kuya niya. Malayo pa lang si Jose, nakita na siya ng mga kuya niya.
Sinabi nila: ‘Heto na y’ong laging nananaginip. Patayin natin!’ Kinuha
nila siya at itinapon sa malalim na
hukay. Pero sinabi ng kuya niyang
si Juda: ‘Huwag n’yo siyang patayin!
Ibenta na lang natin siya para maging
alipin.’ Sa halagang 20 pirasong
pilak, ibinenta nila si Jose sa mga
negosyanteng Midianita na papunta
sa Ehipto.
Pagkatapos, isinawsaw ng mga kuya
ni Jose ang damit niya sa dugo ng
kambing, ipinakita sa tatay nila, at
sinabi: ‘Damit ito ng anak n’yo, ’di ba?’
Kaya inisip ni Jacob na pinatay si Jose
ng isang mabangis na hayop. Lungkot
na lungkot siya.
Sa Ehipto, ibinenta si Jose sa mataas
na opisyal na si Potipar. Pero hindi pinabayaan ni Jehova si Jose.
Napansin ni Potipar na masipag si Jose at maaasahan. Kaya
di-nagtagal, kay Jose ipinagkatiwala ang lahat ng pag-aari ni Potipar.
Napansin ng asawa ni Potipar na si Jose ay guwapo at malakas.
Araw-araw niyang niyayaya si Jose na mahiga sa tabi niya. Ano ang
40
gagawin ni Jose? Sinabi ni Jose: ‘Ayoko! Masama ’yon.
Nagtitiwala sa akin ang panginoon ko, at asawa ka niya.
Kapag pumayag ako, magkakasala ako sa Diyos!’
Isang araw, pilit na pinahihiga ng asawa ni Potipar
sa tabi niya si Jose. Hinatak niya ang damit ni Jose,
pero nakatakbo ito. Pag-uwi ni Potipar,
nagsumbong ang asawa niya at sinabing
may ginawang masama sa kaniya si Jose.
´
Pero hindi siya nagsasabi ng totoo. Galıt na
´
galıt si Potipar, at ipinakulong niya si Jose.
Pero hindi pinabayaan ni Jehova si Jose.
42
“Kung hindi ninyo
naiwan sa aming tatay.’ Sinabi ni Jose: ‘Isama pinatatawad ang mga
pagkakamali ng iba,
n’yo dito ang inyong bunso para maniwala ako.’ hindi rin patatawarin
Kaya umuwi sila sa tatay nila. ng inyong Ama ang
Nang maubusan ulit ng pagkain ang pamilya mga pagkakamali ninyo.”
—Mateo 6:15
nila, pinabalik ni Jacob ang kaniyang mga anak
sa Ehipto. Isinama nila si Benjamin, ang bunsong
kapatid nila. Para subukin ang mga kapatid niya, itinago ni Jose ang
kaniyang basong pilak sa sako ni Benjamin at pinagbintangan niya
silang ninakaw nila iyon. Nang makita ng mga lingkod ni Jose ang baso
sa bag ni Benjamin, nagulat ang mga kapatid niya. Nagmakaawa sila
kay Jose na sila na lang ang parusahan, huwag si Benjamin.
Ngayon, nakita ni Jose na nagbago na ang mga kuya niya. Hindi na
mapigil ni Jose ang nararamdaman niya. Napaiyak siya at sinabi: ‘Ako
´
ang kapatid n’yo, si Jose. Buhay pa ba si Tatay?’ Hindi makapaniwala
ang mga kapatid niya. Sinabi niya sa kanila: ‘Kalimutan n’yo na ang
ginawa n’yo sa akin. Ipinadala ako dito ng Diyos para iligtas kayo.
Sige umuwi na kayo, at isama n’yo si Tatay dito.’
Umuwi sila at sinabi ang magandang balita sa tatay nila at isinama
siya sa Ehipto. Pagkaraan ng maraming taon, nagkita rin si Jose at ang
tatay niya.
45
17 Pinili ni Moises na Sambahin si Jehova
Sa Ehipto, ang pamilya ni Jacob ay nakilala bilang mga Israelita.
Pagkamatay ni Jacob at ni Jose, may namahalang bagong Paraon.
Natakot siya na baka maging mas makapangyarihan ang mga Israelita
kaysa sa mga Ehipsiyo. Kaya inalipin ng Paraon na ito ang mga Israelita.
Pinagawa niya sila ng mga laryo, o bricks, at pinagtrabaho sa bukid.
Pero habang pinagtatrabaho nang mabigat ang mga Israelita, lalo silang
dumadami. Hindi ito nagustuhan ni Paraon, kaya iniutos niyang patayin
ang lahat ng lalaking sanggol na isisilang ng mga Israelita. Siguradong
´ ´
takot na takot noon ang mga Israelita.
Isang babaeng Israelita, si Jokebed, ang
nagsilang ng sanggol na lalaki. Para hindi
mapatay ang sanggol, inilagay niya ito sa basket
at itinago sa gitna ng matataas na halaman sa
Ilog Nilo. Nasa malapit lang si Miriam, ang ate
ng sanggol, at tinitingnan kung ano ang
mangyayari.
Dumating ang anak na babae ni Paraon para
maligo sa ilog. Nakita niya ang basket. Nang
buksan niya ito, nakita niya ang sanggol na
46
umiiyak, at naawa siya. Nagtanong si Miriam: ‘Gusto n’yo po bang
humanap ako ng babaeng mag-aalaga sa sanggol?’ Nang pumayag ang
anak ni Paraon, isinama ni Miriam ang nanay niyang si Jokebed. Sinabi
ng anak ni Paraon sa kaniya: ‘Kunin mo ang sanggol at alagaan mo siya,
at susuwelduhan kita.’
Nang malaki na ang bata, dinala siya ni Jokebed sa anak ni Paraon.
Pinangalanan nitong Moises ang bata at pinalaki na parang sariling
anak. Lumaki si Moises bilang prinsipe at puwede niyang makuha
ang lahat ng gusto niya. Pero hindi kinalimutan ni Moises
si Jehova. Alam niyang Israelita siya, hindi Ehipsiyo.
At si Jehova ang pinili niyang paglingkuran.
Sa edad na 40, inisip ni Moises na dapat
niyang tulungan ang mga katulad niyang
Israelita. Nang makita niyang pinapahirapan
ng isang Ehipsiyo ang isang aliping Israelita,
gumanti si Moises at napatay niya ito. Ibinaon
ni Moises sa buhanginan ang katawan nito.
Nalaman ito ni Paraon, kaya gusto niyang
patayin si Moises. Pero tumakas si Moises at
pumunta sa lupain ng Midian. Hindi siya
pinabayaan ni Jehova doon.
“Dahil sa pananampalataya,
tumanggi si Moises na tawaging
anak ng prinsesa ng Ehipto [at]
mas pinili niyang mapagmalupitan
kasama ng bayan ng Diyos.”
—Hebreo 11:24, 25
18 Ang Nag-aapoy na Halaman
Tumira si Moises sa Midian nang 40 taon. Nakapag-asawa siya at
nagkaroon ng mga anak. Isang araw, habang nagbabantay ng mga
tupa malapit sa Bundok Sinai, may nakita siyang kakaiba. Isang matinik
na halaman ang nag-aapoy, pero hindi nasusunog! Paglapit ni Moises
para tingnan iyon, may nagsalita mula sa halaman: ‘Moises! Hanggang
diyan ka lang. Hubarin mo ang sandalyas mo kasi banal ang lugar na
ito.’ Si Jehova ang nagsasalita sa pamamagitan ng isang anghel.
Natakot si Moises, kaya tinakpan niya ang mukha niya. Sinabi ng
boses: ‘Nakita ko ang paghihirap ng mga Israelita. Ililigtas ko sila mula
sa Ehipto at dadalhin sa isang magandang lupain. Ikaw ang maglalabas
sa kanila sa Ehipto.’ Siguradong nagulat si Moises!
Nagtanong si Moises: ‘Ano’ng sasabihin ko kapag nagtanong sila
kung sino ang nagsugo sa akin?’ Sumagot ang
“Huwag kayong Diyos: ‘Sabihin mo sa kanila na ang nagsugo sa iyo
mag-alala kung ano ay si Jehova, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni
ang sasabihin ninyo Isaac, at ang Diyos ni Jacob.’ Pagkatapos, sinabi ni
o kung paano ninyo
ito sasabihin, dahil Moises: ‘Paano kung hindi sila makinig sa akin?’
ipaaalam sa inyo ang Nagbigay si Jehova ng ebidensiya na tutulungan niya
sasabihin ninyo sa oras si Moises. Inutusan niya si Moises na ihagis sa lupa
na iyon.”—Mateo 10:19 ang tungkod nito. Naging ahas ang tungkod! Nang
hawakan ni Moises ang buntot ng ahas, naging
tungkod ulit ito. Sinabi ni Jehova: ‘Gawin mo ang tandang ito, at ito
mismo ang magpapatunay na isinugo kita.’
Sinabi ni Moises: ‘Hindi ako magaling magsalita.’ Nangako si Jehova:
‘Ituturo ko sa iyo ang dapat sabihin, at uutusan ko si Aaron na tulungan
ka.’ Dahil alam ni Moises na tutulungan siya ni Jehova, bumalik siya sa
Ehipto kasama ang kaniyang asawa at mga anak.
48
19 Ang Unang Tatlong Salot
Ang mga Israelita ay pinagtrabaho bilang mga alipin. Inutusan ni
Jehova sina Moises at Aaron na sabihin kay Paraon: ‘Palayain mo ang
aking bayan para makasamba sila sa akin sa ilang.’ Sumagot ang
mayabang na si Paraon: ‘Wala akong pakialam kay Jehova. Hindi ko
palalayain ang mga Israelita.’ At lalo pang pinahirapan ni Paraon ang
mga Israelita. Tuturuan ni Jehova ng leksiyon si Paraon. Alam mo ba
kung ano ang ginawa ni Jehova? Ipinadala niya sa Ehipto ang Sampung
Salot. Sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Ayaw makinig ni Paraon sa akin.
Bukas ng umaga, pupunta siya sa Ilog Nilo. Sundan mo siya doon at
sabihin sa kaniya na dahil ayaw niyang palayain ang aking bayan,
magiging dugo ang tubig sa Nilo.’ Pinuntahan ni Moises si Paraon.
Kitang-kita ni Paraon nang hampasin ni Aaron ng tungkod ang Nilo, at
ang ilog ay naging dugo. Bumaho ang ilog, namatay ang mga isda, at
hindi na puwedeng inumin ang tubig ng Nilo. Pero ayaw pa ring palayain
ni Paraon ang mga Israelita.
50
“Ipapakita ko sa kanila ang aking
kapangyarihan at kalakasan, at
malalaman nila na ang pangalan ko
ay Jehova.”—Jeremias 16:21
51
20 Ang Sumunod na Anim na Salot
Pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon para sabihin ang mensahe
ng Diyos: ‘Kung hindi mo palalayain ang bayan ko, magpapadala ako
ng mga langaw na nangangagat.’ Sinalakay ng mga langaw na
nangangagat ang bahay ng mga Ehipsiyo, mayaman at mahirap. Ang
buong lupain ay punong-puno ng langaw na nangangagat. Pero sa
lupain ng Gosen, na tinitirhan ng mga Israelita, walang langaw na
nangangagat. Mula sa ikaapat na salot na ito, mga Ehipsiyo lang ang
naapektuhan. Nagmakaawa si Paraon: ‘Pakiusapan n’yo si Jehova na
alisin ang mga langaw na ito. Palalayain ko na ang mga Israelita.’ Pero
nang alisin ni Jehova ang mga langaw, nagbago na naman ang isip ni
Paraon. Kailan kaya matututo si Paraon?
Sinabi ni Jehova: ‘Kung hindi palalayain ni Paraon ang Israel,
magkakasakit at mamamatay ang mga alagang hayop ng mga
Ehipsiyo.’ Kinabukasan, namatay nga ang mga alagang hayop ng mga
Ehipsiyo. Pero hindi namatay ang mga alagang hayop ng mga Israelita.
Matigas pa rin ang ulo ni Paraon, at ayaw pa rin
niyang palayain ang mga Israelita.
“Muli ninyong makikita
ang pagkakaiba
Pagkatapos, inutusan ni Jehova si Moises na
ng matuwid at ng bumalik kay Paraon at magsaboy ng abo sa
masama, ng naglilingkod hangin. Ang abo ay naging alikabok na tinangay
sa Diyos at ng hindi ng hangin papunta sa mga Ehipsiyo. Kaya
naglilingkod sa kaniya.”
—Malakias 3:18 nagkaroon sila ng nagnanaknak na mga sugat,
pati na ang mga alagang hayop nila. Pero ayaw pa
ring palayain ni Paraon ang mga Israelita.
52
Pinabalik ulit ni Jehova si Moises kay Paraon para sabihin
ang mensahe Niya: ‘Ayaw mo pa rin bang palayain ang mga
Israelita? Bukas, uulan ng yelo.’ Kinabukasan, nagpaulan nga si Jehova ng
yelo. Nagkaroon din ng apoy at kulog. Ito ang pinakamatinding bagyong
nangyari sa Ehipto. Nasira ang lahat ng puno at pananim, pero hindi
naapektuhan ang Gosen. Sinabi ni Paraon: ‘Makiusap kayo kay Jehova
na patigilin ito! ’Tapos, puwede na kayong umalis.’ Pero nang tumigil
ang pagbuhos ng yelo at ulan, nagbago na naman ang isip ni Paraon.
Sinabi ni Moises: ‘Ngayon, kakainin naman ng mga balang ang lahat
ng halamang hindi nasira ng bagyo.’ Dumating ang napakaraming
balang at inubos ang lahat ng natira sa bukid at sa mga puno.
Nagmakaawa si Paraon: ‘Makiusap kayo kay Jehova na alisin ang
mga balang.’ Pero kahit inalis na ni Jehova ang mga balang, matigas
pa rin ang ulo ni Paraon.
Sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Itaas mo ang iyong kamay.’ Biglang
dumilim ang langit. Tatlong araw na walang makita ang mga Ehipsiyo
dahil sa sobrang dilim. Ang bahay lang ng mga Israelita ang maliwanag.
Sinabi ni Paraon kay Moises: ‘Sige, umalis na kayo, pero hindi n’yo
madadala ang inyong mga alagang hayop.’ Sinabi ni Moises: ‘Dadalhin
namin ang mga hayop namin para may maihandog kami sa aming
´ ´
Diyos.’ Galıt na galıt si Paraon. Sumigaw siya: ‘Lumayas ka sa harap ko!
Kapag nagpakita ka pa, papatayin kita.’
53
21 Ang Ikasampung Salot
Sinabi ni Moises kay Paraon na hindi na siya magpapakita ulit.
Pero bago siya umalis, sinabi rin niya kay Paraon: ‘Mamayang
hatinggabi, mamamatay ang lahat ng panganay sa Ehipto,
mula sa anak ni Paraon hanggang sa anak ng mga alipin.’
Inutusan ni Jehova ang mga Israelita na maghanda ng espesyal
´
na hapunan. Sinabi niya: ‘Magkatay kayo ng isang-taong-gulang na
lalaking tupa o kambing, at ipahid ninyo ang dugo nito sa hamba ng
inyong pinto. Ihawin n’yo ang karne, at kainin kasama ng tinapay na
walang pampaalsa. Magbihis kayo, at isuot ang sandalyas ninyo, at
maghanda sa paglalakbay. Ngayong gabi, palalayain ko kayo.’ Ang
saya-saya siguro ng mga Israelita, ’di ba?
Noong hatinggabi na, pinuntahan ng
anghel ni Jehova ang bawat bahay sa
Ehipto. Ang panganay sa loob ng mga
bahay na walang pahid ng dugo sa gilid
ng pintuan ay namatay. Pero nilampasan
ng anghel ang mga bahay na pinahiran
ng dugo. Namatayan ng anak ang bawat
pamilyang Ehipsiyo, mayaman man o
mahirap. Pero walang namatay na anak
ang mga Israelita.
Kahit ang anak ni Paraon, namatay din.
Hindi na ito nakayanan ni Paraon. Sinabi
niya agad kina Moises at Aaron: ‘Sige!
Umalis na kayo at sumamba sa Diyos
n’yo. Dalhin n’yo nang lahat ang alagang
hayop n’yo at umalis na kayo!’
´
“Pinanatili kitang buhay sa dahilang ito:
para maipakita ko ang kapangyarihan ko
sa pamamagitan mo at para maipahayag
ang pangalan ko sa buong lupa.”
—Roma 9:17
Kabilugan ng buwan nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto.
Grupo-grupo sila ayon sa kanilang pamilya at tribo. May 600,000
Israelitang lalaki, at maraming babae at bata. Marami ring ibang tao
na sumama para sambahin si Jehova. Sa wakas, nakalaya ang mga
Israelita!
Para alalahanin kung paano sila iniligtas ni Jehova, naghahanda
sila ng ganoon ding espesyal na hapunan taon-taon. Tinawag iyon na
Paskuwa.
55
22 Ang Himala sa Dagat na Pula
Nang malaman ni Paraon na nakaalis na sa Ehipto ang mga Israelita,
nagbago na naman ang isip niya. Inutusan niya ang kaniyang mga
sundalo: ‘Ihanda ninyo ang lahat ng karong pandigma at habulin natin
sila! Hindi natin sila dapat pinaalis.’ Hinabol nila ang mga Israelita.
Ginabayan ni Jehova ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng
isang ulap kapag araw at apoy naman kapag gabi. Inakay niya sila
sa Dagat na Pula, at pinagkampo doon.
Nakita ng mga Israelita na hinahabol sila ni Paraon at ng mga
sundalo niya. Nasa harap nila ang dagat at nasa likod naman ang
mga sundalong Ehipsiyo. Sinabi nila kay Moises: ‘Mamamatay tayo!
Sana iniwan mo na lang kami sa Ehipto.’ Pero sinabi ni Moises:
‘Huwag kayong matakot. Ililigtas tayo ni Jehova. Maghintay lang tayo.’
Talagang nagtitiwala si Moises kay Jehova, ’di ba?
Sinabi ni Jehova sa mga Israelita na maghanda sila. Noong gabing
iyon, inilagay ni Jehova ang ulap sa pagitan ng mga Ehipsiyo at ng
mga Israelita. Madilim sa lugar ng mga Ehipsiyo, pero maliwanag sa
lugar ng mga Israelita.
Sinabi ni Jehova kay Moises na itaas ang kamay nito sa ibabaw ng
dagat. Sa utos ni Jehova, humihip ang isang napakalakas na hangin
buong gabi. Nahati ang dagat at nagkaroon ng daan sa gitna.
Naglakad ang milyon-milyong Israelita sa tuyong lupa, sa pagitan
ng mga pader na tubig hanggang sa makatawid sila.
Sinundan ng hukbo ni Paraon ang mga Israelita sa tuyong lupa.
’Tapos, nilito ni Jehova ang hukbo. Natanggal ang mga gulong ng mga
karong pandigma nila. Sumigaw ang mga sundalo: ‘Umalis na tayo
dito! Si Jehova ang nakikipaglaban para sa kanila.’
Sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw
ng dagat.’ Biglang bumagsak sa hukbong Ehipsiyo ang mga pader na
tubig. Namatay si Paraon pati na ang lahat ng sundalo niya. Walang
nakaligtas sa kanila.
Sa kabilang panig ng dagat, umawit ang mga nakalaya para
purihin ang Diyos: “Aawit ako kay Jehova, sapagkat siya ay lubhang
naging dakila. Ang kabayo at ang sakay nito ay ibinulid niya sa dagat.”
Kasabay ng mga nag-aawitan, ang mga babae ay nagsasayaw at
nagpapatugtog ng tamburin. Masayang-masaya ang lahat kasi
malaya na sila.
Tanong: Ano ang nangyari sa Dagat na Pula? Paano iniligtas ni Jehova ang mga Israelita?
Exodo 13:21–15:21; Nehemias 9:9-11; Awit 106:9-12; 136:11-15; Hebreo 11:29
57
5
Dalawang buwan matapos tumawid sa Dagat na Pula, ang
mga Israelita ay nakarating sa Bundok Sinai. Doon, si Jehova
ay nakipagtipan, o nangako, sa Israel na sila’y magiging kaniyang
espesyal na bansa. Iningatan niya sila at binigyan ng lahat ng
kailangan nila—manna bilang pagkain, damit na hindi naluluma,
at ligtas na tirahan. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong
anak na maintindihan kung bakit binigyan ni Jehova ang Israel
ng Kautusan, ng tabernakulo, at ng mga saserdote. Idiin
ang kahalagahan ng pagtupad sa pangako, pananatiling
mapagpakumbaba, at pagiging laging tapat kay Jehova.
MAHAHALAGANG ARAL
59
23 Isang Pangako kay Jehova
Mga dalawang buwan pagkaalis sa Ehipto, nakarating ang mga
Israelita sa Bundok Sinai at nagkampo doon. Pinaakyat ni Jehova si
Moises sa bundok at sinabi sa kaniya: ‘Iniligtas ko ang mga Israelita.
Kung susundin nila ang aking mga utos, magiging espesyal na bayan ko
sila.’ Bumaba si Moises at sinabi sa mga Israelita ang sinabi ni Jehova.
Ano ang sagot nila? Sinabi ng mga Israelita: ‘Gagawin namin ang lahat
ng ipinapagawa ni Jehova.’
Umakyat ulit si Moises sa bundok. Doon, sinabi ni Jehova: ‘Tatlong
araw mula ngayon, makikipag-usap ako sa iyo. Sabihin mo sa bayan na
huwag silang aakyat sa Bundok Sinai.’ Bumaba si Moises at sinabi sa
mga Israelita na maghanda para sa sasabihin ni Jehova.
Pagkaraan ng tatlong araw, nakakita ang mga Israelita ng kidlat at
isang makapal na ulap sa bundok. Nakarinig din sila ng malakas na
kulog at tunog ng tambuli, o trumpeta. Pagkatapos, bumaba sa bundok
si Jehova na parang apoy. Nanginig sa takot ang mga Israelita. Umuga
nang malakas ang bundok at nabalot ito ng
usok. Ang tunog ng tambuli ay palakas nang
“Dapat mong ibigin si Jehova
na iyong Diyos nang buong palakas. Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Ako si
puso mo at nang buong Jehova. Huwag kayong sasamba sa ibang
kaluluwa mo at nang buong mga diyos.’
pag-iisip mo.”—Mateo 22:37
Umakyat ulit si Moises sa bundok, at
ibinigay ni Jehova sa kaniya ang mga utos
para sa bayan. Tungkol ito sa tamang paraan ng pagsamba sa Kaniya
at kung paano sila dapat gumawi. Isinulat ni Moises ang mga utos at
binasa iyon sa mga Israelita. Nangako sila: ‘Gagawin namin ang lahat
ng ipinapagawa ni Jehova.’ Oo, nangako sila sa Diyos. Pero tutuparin
kaya nila iyon?
60
24 Hindi Sila Tumupad sa Pangako
Sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Umakyat ka dito
sa bundok. Isusulat ko sa mga tapyas na bato
ang mga utos ko at ibibigay sa iyo.’ Umakyat si
Moises sa bundok at 40 araw at gabi siyang
nanatili doon. Habang nandoon siya, isinulat ni
Jehova sa dalawang tapyas na bato ang
Sampung Utos at ibinigay ang mga iyon kay
Moises.
Nang magtagal-tagal, inakala ng mga Israelita
na iniwan na sila ni Moises. Sinabi nila kay Aaron:
‘Gusto namin ng isang mangunguna sa amin.
Igawa mo kami ng isang diyos!’ Sinabi ni Aaron:
‘Ibigay n’yo sa akin ang inyong mga ginto.’ Tinunaw niya ang mga
ginto at ginawang isang estatuwang guya, o batang baka. Sinabi
ng mga Israelita: ‘Ang guyang ito ang Diyos na naglabas sa atin
mula sa Ehipto!’ Sumamba sila sa gintong guya at nagdiwang.
Mali ba iyon? Oo, kasi nangako silang si Jehova lang ang
sasambahin nila. Pero ngayon, hindi nila tinutupad
ang pangakong iyon.
62
Nakikita ni Jehova ang nangyayari. Sinabi niya kay Moises: ‘Bumaba
ka. Sinusuway ako ng bayan at sumasamba sila sa diyos-diyusan.’
Bumaba si Moises sa bundok dala ang dalawang tapyas na bato.
Habang papalapit si Moises sa kampo, narinig niyang nagkakantahan
ang mga Israelita. ’Tapos, nakita niya silang nagsasayawan at yumuyukod
´ ´
sa estatuwa. Galıt na galıt si Moises. Inihagis niya ang dalawang tapyas na
bato at nabasag ang mga ito. Sinira niya agad ang estatuwa. Pagkatapos,
tinanong niya si Aaron: ‘Paano ka nila nakumbinsing gawin ang
napakasamang bagay na ito?’ Sinabi ni Aaron: ‘Huwag kang magalit.
Kilala mo naman ang mga taong ito. Gusto nila ng isang diyos, kaya
inihagis ko sa apoy ang mga ginto nila at lumabas ang guyang ito!’
Hindi iyon dapat ginawa ni Aaron. Umakyat ulit si Moises sa bundok
at nakiusap kay Jehova na patawarin ang bayan.
Pinatawad ni Jehova ang mga gustong sumunod sa kaniya.
Napakahalagang sundin ng mga Israelita ang pangunguna ni Moises,
’di ba?
64
“Narinig ko ang isang malakas na
tinig mula sa trono na nagsasabi:
pangakong susundin nila si Jehova. ‘Tingnan mo! Ang tolda ng Diyos
ay nasa sangkatauhan, at
Alam mo ba kung ano ang tipan? Isa maninirahan siyang kasama
itong espesyal na pangako. nila, at sila ay magiging bayan
Si Aaron at ang mga anak niya ang niya. At ang Diyos mismo ay
sasakanila.’ ”—Apocalipsis 21:3
pinili ni Jehova na maging saserdote sa
tabernakulo. Iingatan nila ito at dito sila
maghahain kay Jehova. Si Aaron lang, na mataas na saserdote,
ang puwedeng pumasok sa Kabanal-banalan. Pumapasok siya
dito isang beses sa isang taon at naghahain para sa kasalanan
niya, ng pamilya niya, at ng buong bansang Israel.
Natapos ng mga Israelita ang tabernakulo isang taon
pagkaalis nila sa Ehipto. Ngayon, may lugar na sila para
sambahin si Jehova.
ˆ
Pinuno ni Jehova ng kaluwalhatian niya ang tabernakulo at
naglagay siya ng ulap sa ibabaw nito. Hangga’t nasa ibabaw ng
tabernakulo ang ulap, nananatili ang mga Israelita. Pero kapag
tumaas ang ulap, alam nilang kailangan na silang lumipat.
Kakalasin nila ang tabernakulo at susundan ang ulap.
Canaan, at tingnan n’yo kung mataba ang lupa doon. Tingnan n’yo din
kung mahihina o malalakas ang mga tagaroon at kung nakatira sila sa
mga tolda o sa mga lunsod.’ Pumunta sa Canaan ang 12 espiya, at
kasama doon sina Josue at Caleb.
Pagkaraan ng 40 araw, bumalik ang mga espiya na may dalang mga
prutas na igos, granada, at ubas. Ikinuwento nila: ‘Mataba ang lupa
doon, pero malalakas ang mga tao at matataas ang pader ng lunsod
nila.’ Sinabi naman ni Caleb: ‘Matatalo natin sila. Pumunta na tayo
do’n!’ Alam mo ba kung bakit sinabi ’yon ni Caleb? Kasi, sila ni Josue
ay nagtitiwala kay Jehova. Pero sinabi ng 10 espiya: ‘Huwag! Ang mga
tao doon ay kasinlalaki ng higante! Para lang kaming mga tipaklong
kumpara sa kanila.’
Natakot ang mga Israelita. Nagreklamo sila at sinabi: ‘Pumili tayo
ng ibang lider at bumalik na lang tayo sa Ehipto. Bakit pa tayo
pupunta sa lugar na ’yon kung mapapatay lang tayo?’ Pero sinabi nina
66
Josue at Caleb: ‘Sundin natin si Jehova, at huwag tayong
matakot. Poprotektahan tayo ni Jehova.’ Ayaw makinig ng
mga Israelita. Gusto pa nga nilang patayin sina Josue at Caleb!
Ano ang ginawa ni Jehova? Sinabi niya kay Moises: ‘Pagkatapos
ng lahat ng ginawa ko para sa mga Israelita, ayaw pa rin nila akong
sundin. Kaya 40 taon silang mananatili sa ilang, at doon na sila
mamamatay. Ang mga anak lang nila, pati sina Josue at Caleb,
ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa kanila.’
Tanong: Ano ang nangyari nang bumalik mula sa Canaan ang 12 espiya?
Paano ipinakita nina Josue at Caleb na nagtitiwala sila kay Jehova?
Bilang 13:1–14:38; Deuteronomio 1:22-33; Awit 78:22;
Hebreo 3:17-19
68
pamilya nila sa labas ng kanilang tolda. Bigla na lang nabiyak ang lupa
at kinain sila! Sa tabernakulo naman, may bumabang apoy galing sa
langit at sinunog si Kora at ang 250 lalaking kasama niya.
’Tapos, sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Kumuha
ka ng tungkod mula sa lider ng bawat tribo, at isulat “Maging masunurin kayo
sa mga nangunguna
mo doon ang pangalan ng lider. Pero sa tungkod sa inyo at maging
ng tribo ni Levi, isulat mo ang pangalan ni Aaron. mapagpasakop.”
Ipasok mo ang mga iyon sa tabernakulo, at ang —Hebreo 13:17
tungkod ng lalaking pinili ko ay mamumulaklak.’
Kinabukasan, inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod at ipinakita
iyon sa mga lider. Namulaklak ang tungkod ni Aaron at nagkaroon ito
ng hinog na prutas ng almendras. Sa ganitong paraan, ipinakita ni
Jehova na talagang si Aaron ang pinili niyang maging mataas na
saserdote.
Tanong: Bakit nagrebelde kay Moises si Kora at ang mga kakampi nito?
Paano natin nalaman na si Aaron ang pinili ni Jehova na maging mataas na saserdote?
Bilang 16:1–17:13; 26:9-11; Awit 106:16-18
28 Nagsalita ang Asno ni Balaam
Halos 40 taon nang nasa ilang ang mga Israelita. Marami na silang
nasakop na lunsod. Ngayong nagkakampo sila sa kapatagan ng Moab,
sa silangan ng Ilog Jordan, panahon na para pumasok sila sa Lupang
Pangako. Si Balak, hari ng Moab, ay natatakot na masakop din ng mga
Israelita ang lupain niya. Kaya niyaya niya ang lalaking si Balaam na
pumunta sa Moab para isumpa ang mga Israelita.
Pero sinabi ni Jehova kay Balaam: ‘Huwag mong isusumpa ang mga
Israelita.’ Kaya hindi pumunta si Balaam sa Moab. Niyaya ulit siya ni
Haring Balak at nangakong ibibigay sa kaniya ang lahat ng gusto niya.
Pero ayaw pa rin ni Balaam. Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Puwede kang
pumunta, pero y’ong ipinapasabi ko lang ang sasabihin mo.’
Sumakay si Balaam sa kaniyang asno at naglakbay papuntang
Moab. Plano niyang isumpa ang mga Israelita, kahit pinagbawalan siya
ni Jehova. Habang nasa daan, tatlong beses na
nagpakita ang anghel ni Jehova. Hindi ito nakikita
“Magbantay laban sa ni Balaam, pero nakikita iyon ng asno niya. Una,
bawat uri ng kasakiman,
dahil kahit sagana ang
umiwas ang asno at pumunta sa damuhan.
isang tao, ang mga Pagkatapos, sumiksik ito sa pader, at naipit ang
ari-arian niya ay hindi paa ni Balaam. Pinakahuli, nahiga ito sa gitna ng
makapagbibigay sa daan. Sa bawat pagkakataon, pinapalo ni Balaam
kaniya ng buhay.”
—Lucas 12:15 ng patpat ang asno.
Sa ikatlong pagkakataong ito, pinagsalita na
ni Jehova ang asno. Tinanong ng asno si Balaam:
‘Bakit ka ba palo nang palo?’ Sinabi ni Balaam: ‘Niloloko mo kasi
ako, e. Kung may espada lang ako, pinatay na kita.’ Sumagot ang asno:
‘Matagal mo na akong sinasakyan. Dati ko na bang ginawa ito sa iyo?’
Ipinakita ni Jehova kay Balaam ang anghel. Sinabi ng anghel:
‘Sinabihan ka na ni Jehova na huwag mong isusumpa ang Israel.’
Sumagot si Balaam: ‘Nagkamali ako. Uuwi na lang ako.’ Pero sinabi ng
anghel: ‘Puwede kang pumunta sa Moab, pero y’ong ipinapasabi lang
ni Jehova ang sasabihin mo.’
70
Natuto ba si Balaam? Hindi. Tatlong beses pa ring sinubukan
ni Balaam na isumpa ang Israel, pero sa bawat pagkakataon,
pagpapala ang nasasabi niya kasi iyon ang gusto ni Jehova.
Nang maglaon, sinalakay ng mga Israelita ang Moab, at napatay
si Balaam. Mas maganda sana kung nakinig na lang si Balaam
kay Jehova, ’di ba?
Tanong: Bakit pumunta si Balaam sa Moab? Ano ang nangyari habang nasa daan siya?
Bilang 22:1–24:25; 31:8; Nehemias 13:2; 2 Pedro 2:15, 16; Judas 11
6
Nang sa wakas ay makarating sa Lupang Pangako ang mga
Israelita, ang tabernakulo ang naging sentro ng tunay na pagsamba.
Mga saserdote ang nagturo ng Kautusan, at mga hukom naman ang
gumabay sa bansa. Makikita sa seksiyong ito kung gaano kalaki ang
puwedeng maging epekto sa iba ng desisyon at pagkilos ng isang tao.
Ang bawat Israelita ay may pananagutan kay Jehova at sa kaniyang
kapuwa. Ipakita kung paano naging mabuting halimbawa sina Debora,
Noemi, Josue, Hana, Samuel, at ang anak ni Jepte. Ipakita din na
kahit ang mga di-Israelitang gaya nina Rahab, Ruth, Jael, at ng mga
Gibeonita ay nagdesisyon ding kumampi sa mga Israelita dahil alam
nilang kasama ng mga ito ang Diyos.
MAHAHALAGANG ARAL
73
29 Pinili ni Jehova si Josue
Maraming taon nang si Moises ang lider ng bansang Israel, at ngayon
ay malapit na siyang mamatay. Sinabi sa kaniya ni Jehova: ‘Hindi ikaw
ang magdadala sa mga Israelita papunta sa Lupang Pangako. Pero
ipapakita ko sa iyo ang lupain.’ Hiniling ni Moises kay Jehova na pumili
ng isang bagong lider para sa bayan. Sinabi ni Jehova sa kaniya:
‘Puntahan mo si Josue, at sabihin mong siya ang pinili ko.’
Sinabi ni Moises sa bayan na
malapit na siyang mamatay at
na pinili ni Jehova si Josue para
´
manguna sa kanila papasok sa
Lupang Pangako. ’Tapos, sinabi
ni Moises kay Josue: ‘Huwag
kang matakot. Tutulungan ka ni
Jehova.’ Di-nagtagal, umakyat si
Moises sa Bundok Nebo, at doon
ipinakita ni Jehova sa kaniya
ang lupaing ipinangako Niya
kina Abraham, Isaac, at Jacob. Namatay si Moises sa edad na 120 taon.
Sinabi ni Jehova kay Josue: ‘Tumawid kayo sa Ilog Jordan, papunta
sa Canaan. Tutulungan kita gaya ng pagtulong ko kay Moises. Huwag
mong kalilimutang basahin ang aking Kautusan araw-araw. Huwag
kang matakot. Maging matapang ka. Sundin mo ang iniutos ko sa iyo.’
74
Nagpadala si Josue ng dalawang espiya
sa lunsod ng Jerico. Sa susunod na kuwento,
malalaman natin ang iba pang nangyari
doon. Pagbalik nila, sinabi nilang iyon na ang
tamang panahon para lusubin ang Canaan.
Kinabukasan, pinaghanda ni Josue ang bayan.
’Tapos, pinauna niya sa Ilog Jordan ang mga
saserdoteng tagapagdala ng kaban ng tipan.
Umaapaw ang ilog.
Pero pagtapak ng mga “Lagi kang papatnubayan
saserdote sa tubig, tumigil sa pag-agos ang ilog, ni Jehova at bubusugin
at natuyo ang tubig! Naglakad ang mga saserdote kahit sa tuyot na lupain.”
—Isaias 58:11
papunta sa gitna ng natuyong ilog at tumigil doon
hanggang sa makatawid ang bansang Israel. Sa
tingin mo, naalaala kaya nila ang ginawa noon ni Jehova sa
Dagat na Pula dahil sa himalang ito?
Sa wakas, pagkatapos ng maraming taon, nakarating din sa Lupang
Pangako ang mga Israelita. Makakapagtayo na sila ng mga bahay at
mga lunsod. Magkakaroon na sila ng mga bukid, ubasan, at taniman.
Napakaraming gatas at pulot (o, honey) sa lupaing iyon.
76
“Sa gayon ding paraan, hindi ba . . .
si Rahab ay ipinahayag ding matuwid
dahil sa kaniyang mga gawa pagkatapos
niyang patuluyin nang may kabaitan ang
mga mensahero at palabasin sila sa
ibang daan?”—Santiago 2:25
77
31 Si Josue at ang mga Gibeonita
Nabalitaan ng iba pang mga bansa sa Canaan ang nangyari sa
Jerico. Nagkaisa ang mga hari na labanan ang mga Israelita. Pero iba
ang naisip ng mga Gibeonita. Suot ang lumang damit, pumunta sila kay
Josue, at sinabi: ‘Napakalayo ng pinanggalingan namin. Nabalitaan
namin ang tungkol kay Jehova at ang lahat ng ginawa niya para sa inyo
noong kayo ay nasa Ehipto at Moab. Mangako kayong hindi n’yo kami
lulusubin, at maglilingkod kami sa inyo.’
Naniwala si Josue at nangakong hindi sila lulusubin. Pagkaraan
ng tatlong araw, nalaman ni Josue na hindi naman pala sila galing sa
malayo. Taga-Canaan lang sila. Tinanong ni Josue ang mga Gibeonita:
‘Bakit kayo nagsinungaling?’ Sumagot sila: ‘Natakot kasi kami! Alam
naming ang Diyos n’yong si Jehova ang nakikipaglaban para sa inyo.
Parang awa n’yo na, huwag n’yo kaming patayin.’ Tinupad ni Josue
ang pangako niya at hindi sila pinatay.
Di-nagtagal, binantaan ng limang haring Canaanita at
ng kani-kanilang hukbo ang mga Gibeonita. Si Josue at
78
“Sabihin lang ninyo na ‘Oo’
ang kaniyang hukbo ay magdamag kung oo at ‘Hindi’ kung hindi,
na nagmartsa papunta sa Gibeon para dahil anumang lalabis dito ay
iligtas sila. Kinaumagahan, nagsimula ang mula sa masama.”—Mateo 5:37
labanan. Kung saan-saan nagtakbuhan
ang mga Canaanita para tumakas. Pero kahit saan sila pumunta,
pinauulanan sila ni Jehova ng malalaking tipak ng yelo. ’Tapos, nakiusap
si Josue kay Jehova na huwag palubugin ang araw. Hindi pa ito nangyari
kahit kailan, kaya bakit niya ito hihilingin kay Jehova? Kasi, may tiwala si
Josue kay Jehova. Hindi lumubog ang araw hanggang sa matalo ng mga
Israelita ang mga haring Canaanita at ang mga hukbo nila.
Tanong: Ano ang ginawa ng mga Gibeonita para iligtas ang kanilang sarili?
Paano tinulungan ni Jehova ang mga Israelita?
Josue 9:1–10:15
32 Isang Bagong Lider at
Dalawang Matatapang na Babae
Matapos maging lider ng Israel sa loob ng maraming
taon, namatay si Josue sa edad na 110. Noong
nabubuhay siya, si Jehova ang sinasamba ng mga
Israelita. Pero nang mamatay si Josue, sumamba sila
sa mga idolo, gaya ng mga Canaanita. Dahil hindi patuloy na
sumunod ang mga Israelita kay Jehova, hinayaan niyang
pahirapan sila ng isang haring Canaanita na ang pangalan ay Jabin.
Humingi ng tulong kay Jehova ang mga Israelita. Kaya binigyan sila ni
Jehova ng isang bagong lider, si Barak. Tutulungan ni Barak ang bayan
na muling sumamba kay Jehova.
Si Barak ay ipinatawag ng propetisang si Debora para sabihin ang
mensaheng ito mula kay Jehova: ‘Magsama ka ng 10,000 lalaki at
salubungin n’yo ang hukbo ni Jabin sa ilog ng Kison. Doon mo tatalunin
si Sisera, ang pinuno ng hukbo ni Jabin.’ Sinabi ni Barak kay Debora:
‘Pupunta ako kung sasama ka.’ Sinabi ni Debora: ‘Sige. Pero hindi ikaw
ang makakapatay kay Sisera. Sinabi ni Jehova na isang babae ang
papatay sa kaniya.’
Sumama si Debora kay Barak at sa hukbo nito paakyat sa
Bundok Tabor para maghanda sa labanan. Nang malaman ito ni Sisera,
80
tinipon niya sa paanan ng bundok ang kaniyang mga karong pandigma
at mga sundalo. Sinabi ni Debora kay Barak: ‘Sa araw na ito, tutulungan
ka ni Jehova na manalo.’ Sumugod pababa ng bundok si Barak at ang
10,000 sundalo niya para salubungin ang malakas
na hukbo ni Sisera. “Ang mga babaeng
naghahayag ng
Pinaapaw ni Jehova ang tubig sa ilog ng Kison. mabuting balita
Lumubog sa putik ang gulong ng mga karong ay isang malaking
pandigma ni Sisera. Bumaba sa karo si Sisera at hukbo.”—Awit 68:11
tumakbo. Natalo nina Barak ang hukbo ni Sisera,
pero nakatakas si Sisera! Nagtago siya sa tolda ng isang babae na ang
pangalan ay Jael. Pinainom siya ni Jael ng gatas at kinumutan. Dahil sa
pagod, nakatulog si Sisera. ’Tapos, dahan-dahang lumapit si Jael at
itinarak sa ulo ni Sisera ang tulos ng tolda. Patay si Sisera.
Hinanap ni Barak si Sisera. Lumabas si Jael sa tolda at sinabi:
‘Nandito sa loob ang lalaking hinahanap mo.’ Pumasok si Barak
at nandoon nga ang patay nang si Sisera. Umawit sina Barak at
Debora para purihin si Jehova kasi nanalo ang mga Israelita.
At naging mapayapa ang Israel sa loob ng 40 taon.
ka sa kaniya.’ Pero sinabi ni Ruth: ‘Hindi ko kayo iiwan. Ang bayan n’yo
ay magiging bayan ko, at ang inyong Diyos ay magiging aking Diyos.’
Ano kaya ang naramdaman ni Noemi nang sabihin iyan ni Ruth?
Pasimula ng pag-aani ng sebada nang dumating sina Ruth at Noemi
sa Israel. Isang araw, pumunta si Ruth sa bukid ng lalaking ang
pangalan ay Boaz, na anak ni Rahab, para mamulot ng mga natirang
butil. Nabalitaan ni Boaz na si Ruth ay isang Moabita at hindi nito iniwan
si Noemi. Inutusan niya ang mga trabahador na dagdagan ang ititirang
butil para kay Ruth.
82
Nang gabing iyon, tinanong ni Noemi si Ruth:
‘Kaninong bukid ka nagtrabaho kanina?’ Sinabi ni Ruth:
‘Kay Boaz po.’ Sinabi ni Noemi: ‘Kamag-anak siya ng “May kaibigang mas
´
malapıt pa kaysa
asawa ko. Do’n ka na lang lagi magtrabaho kasama sa isang kapatid.”
ng ibang kabataang babae. Ligtas ka doon.’ —Kawikaan 18:24
Patuloy na nagtrabaho si Ruth sa bukid ni Boaz
hanggang sa matapos ang pag-aani. Napansin
ni Boaz na masipag at mahusay si Ruth.
Noon, kapag namatay nang walang anak
ang isang lalaki, pakakasalan ng
kamag-anak niya ang naiwang biyuda.
Kaya pinakasalan ni Boaz si Ruth.
Nagkaanak sila at pinangalanan
itong Obed, na naging lolo ni
Haring David. Natuwa ang mga
kaibigan ni Noemi. Sinabi nila:
‘Una, ibinigay sa iyo ni Jehova si
Ruth at naging napakabait n’ya
sa iyo. At ngayon, may apo ka na.
Purihin nawa si Jehova.’
85
35 Nanalangin si Hana
na Magkaroon Siya ng Anak
May isang lalaking Israelita na ang pangalan ay Elkana. May dalawa
siyang asawa, sina Hana at Penina, pero mas mahal niya si Hana.
Maraming anak si Penina at lagi niyang inaasar si Hana kasi walang
anak si Hana. Taon-taon, isinasama ni Elkana sa Shilo ang pamilya niya
para sumamba sa tabernakulo. Nang
minsang pumunta sila doon, napansin
ni Elkana na ang lungkot-lungkot ni
Hana. Sinabi niya: ‘Huwag ka nang
umiyak, Hana. Nandito naman ako.
Mahal na mahal kita.’
Mayamaya, bumukod si Hana
para manalangin. Iyak siya nang iyak
habang nagmamakaawa kay Jehova na
tulungan siya. Nangako siya: ‘Diyos na
Jehova, kung bibigyan n’yo po ako ng
anak na lalaki, ibibigay ko siya sa inyo,
at habambuhay siyang maglilingkod
sa inyo.’
Nakita ng mataas na saserdoteng
si Eli na humihikbi si Hana, kaya akala
niya, lasing ito. Sinabi ni Hana: ‘Hindi po
ako lasing, panginoon ko. May problema
po ako, at iyon po ang sinasabi ko kay
Jehova.’ Napag-isip-isip ni Eli na
nagkamali siya, kaya sinabi niya:
‘Sana, ibigay ng Diyos ang hinihingi
mo.’ Gumaan ang pakiramdam ni Hana.
“Patuloy na humingi at bibigyan
kayo, patuloy na maghanap at
makakakita kayo.”—Mateo 7:7
At wala pang isang taon pag-uwi nila, nagkaanak nga siya. Samuel ang
ipinangalan niya dito. Naiisip mo ba kung gaano kasaya si Hana noon?
Hindi nalimutan ni Hana ang pangako niya kay Jehova. Nang awatin
na ni Hana sa pagdede si Samuel, dinala niya ito sa tabernakulo para
maglingkod doon. Sinabi niya kay Eli: ‘Ito po ang batang hiniling ko sa
panalangin. Ipinapahiram ko siya kay Jehova habambuhay.’ Taon-taon,
dinadalaw nina Elkana at Hana si Samuel at dinadalhan siya ng bagong
damit na walang manggas. Binigyan ni Jehova si Hana ng tatlo pang
anak na lalaki at dalawang anak na babae.
87
36 Ang Pangako ni Jepte
Iniwan na naman ng mga Israelita si Jehova at sumamba sila
sa mga diyos-diyusan. Noong salakayin ng mga Ammonita ang
mga Israelita, hindi sila natulungan ng mga diyos-diyusang iyon.
Matagal na naghirap ang mga Israelita. Nang bandang huli, sinabi
nila kay Jehova: ‘Nagkasala kami. Iligtas n’yo po kami sa aming
mga kaaway.’ Sinira ng mga Israelita ang mga idolo nila at
sinamba uli si Jehova. Ayaw ni Jehova na magpatuloy ang
paghihirap nila.
Ang mandirigmang si Jepte ang napiling maging lider sa
pakikipaglaban sa mga Ammonita. Sinabi niya kay Jehova: ‘Kung
tutulungan n’yo po kaming manalo sa labanang ito, ipinapangako
kong pag-uwi ko, ibibigay ko sa inyo ang unang taong sasalubong
“Kung mas mahal ng isa
ang kaniyang anak na
lalaki o anak na babae
sa akin.’ Pinakinggan ni Jehova ang kaysa sa akin, hindi siya
karapat-dapat sa akin.”
panalangin ni Jepte at tinulungan nga —Mateo 10:37
silang manalo.
Pag-uwi ni Jepte, ang unang sumalubong sa kaniya ay ang anak
niyang babae, ang kaisa-isa niyang anak, habang sumasayaw at
tumutugtog ng tamburin. Ano ang gagawin ni Jepte? Naalaala niya
ang pangako niya at sinabi: ‘Naku, anak ko! Dinurog mo ang puso ko.
Nangako ako kay Jehova. Para matupad ko iyon, dapat kitang ipadala
sa Shilo para maglingkod sa tabernakulo.’ Pero sinabi ng anak niya:
‘Itay, kung nangako po kayo kay Jehova, dapat n’yo pong tuparin ’yon.
Pero sana po makapagbakasyon muna ako nang dalawang buwan sa
bundok kasama ang mga kaibigan kong babae. ’Tapos, pupunta na ako
sa Shilo.’ Ang anak ni Jepte ay tapat na naglingkod sa tabernakulo
nang buong buhay niya. Taon-taon, binibisita siya doon ng mga
kaibigan niya.
89
37 Nakipag-usap si Jehova kay Samuel
Ang mataas na saserdoteng si Eli ay may dalawang anak na lalaki
na mga saserdote sa tabernakulo. Sila ay sina Hopni at Pinehas. Hindi
sila sumusunod sa mga batas ni Jehova, at mga salbahe sila. Kapag
nagdadala ang mga Israelita ng hain para kay Jehova, kinukuha nina
Hopni at Pinehas ang pinakamasarap na parte ng karne. Alam ni Eli ang
ginagawa ng mga anak niya, pero hindi niya sila sinasaway. Hahayaan
na lang kaya ito ni Jehova?
Kahit mas bata si Samuel kaysa kina Hopni at Pinehas, hindi siya
gumaya sa kanila. Natuwa si Jehova kay Samuel. Isang gabi habang
natutulog si Samuel, narinig niyang may tumatawag sa kaniya.
Bumangon siya, tumakbo kay Eli, at sinabi: ‘Bakit po?’ Pero sinabi ni Eli:
‘Hindi kita tinatawag. Matulog ka ulit.’ Bumalik sa higaan si Samuel.
Naulit na naman iyon. Nang marinig ni Samuel sa ikatlong pagkakataon
ang boses, naisip ni Eli na si Jehova ang tumatawag kay Samuel. Sinabi
niya kay Samuel na kapag narinig ulit nito ang boses, dapat nitong
sabihin: ‘Ano po iyon, Diyos na Jehova? Nakikinig po ako.’
Bumalik ulit si Samuel sa higaan. ’Tapos, narinig niya: ‘Samuel!
Samuel!’ Sumagot siya: ‘Ano po iyon? Nakikinig po ako.’ Sinabi sa
kaniya ni Jehova: ‘Sabihin mo kay Eli na paparusahan ko siya at ang
90
pamilya niya. Alam niyang gumagawa ng masama ang mga anak niya
sa aking tabernakulo, pero hindi niya sila sinasaway.’ Kinaumagahan,
binuksan ni Samuel ang mga pinto ng tabernakulo, na lagi niyang
ginagawa. Natatakot siyang sabihin sa mataas na saserdote ang sinabi
ni Jehova. Pero ipinatawag siya ni Eli at tinanong: ‘Anak ko, ano ang
sinabi ni Jehova? Sabihin mo’ng lahat sa akin.’ Kaya sinabi ni Samuel
kay Eli ang lahat.
Habang lumalaki si Samuel, patuloy siyang sinusuportahan ni
Jehova. Alam ng buong Israel na si Samuel ang pinili ni Jehova
na maging propeta at hukom.
92
Dali-daling sinabi ni Delaila sa mga Filisteo: ‘Alam ko na ang sekreto
niya!’ Pinatulog niya si Samson sa kandungan niya, at ipinaputol ang
buhok nito. Sumigaw si Delaila: ‘Samson, may mga Filisteo!’ Paggising
ni Samson, wala na ang lakas niya. Sinunggaban siya ng mga Filisteo,
binulag, at ikinulong.
Isang araw, nagsama-sama ang libo-libong Filisteo sa templo ng
diyos nilang si Dagon, at sumigaw: ‘Ibinigay sa atin ng ating diyos si
Samson! Ilabas si Samson! Gawin natin siyang katatawanan.’ Pinatayo
nila siya sa pagitan ng dalawang haligi, at inasar siya. Nanalangin si
Samson nang malakas: ‘O Jehova, bigyan n’yo po ulit ako ng lakas,
kahit ngayon lang.’ Nang panahong ito, mahaba na ulit ang buhok ni
Samson. Itinulak niya nang buong lakas ang mga haligi ng templo.
Nagiba ang templo, at namatay ang lahat ng nasa loob nito, pati na si
Samson.
MAHAHALAGANG ARAL
95
39 Ang Unang Hari ng Israel
Binigyan ni Jehova ang mga Israelita ng mga hukom para manguna
sa kanila, pero hari ang gusto nila. Sinabi nila kay Samuel: ‘Lahat ng
bansa, may hari. Dapat tayo din.’ Alam ni Samuel na mali iyon, kaya
nanalangin siya kay Jehova. Sinabi ni Jehova sa kaniya: ‘Hindi ikaw
ang inaayawan ng bayan kundi ako. Sabihin mong puwede silang
magkaroon ng hari, pero maraming iuutos ang haring iyon sa kanila.’
Sinabi pa rin ng bayan: ‘A, basta! Gusto namin ng hari!’
Sinabi ni Jehova kay Samuel na ang magiging unang hari ay ang
lalaking si Saul. Nang dumalaw si Saul kay Samuel sa Rama, hinirang
siya ni Samuel bilang hari sa pamamagitan ng pagbubuhos ng langis
sa kaniyang ulo.
Nang maglaon, tinawag ni Samuel ang mga Israelita para ipakilala
ang bagong hari nila. Pero hindi nila makita si Saul. Alam mo ba kung
bakit? Nagtago kasi siya sa likod ng mga bagahe. Nang mahanap
nila si Saul, pinalabas nila siya at pinatayo sa gitna ng mga tao.
Nakita nilang siya ang pinakamatangkad, at napakaguwapo
niya. Sinabi ni Samuel: ‘Tingnan ninyo ang pinili ni Jehova.’
Sumigaw ang bayan: ‘Mabuhay ang hari!’
Noong una, nakikinig si Haring Saul kay Samuel at sumusunod
kay Jehova. Pero nagbago siya. Halimbawa, hindi si Saul ang dapat
maghandog ng hain. Minsan, sinabi ni Samuel kay Saul na hintayin
siya, pero hindi agad dumating si Samuel. Kaya nagpasiya si Saul na
siya na ang maghandog ng hain. Ano ang reaksiyon ni Samuel? Sinabi
niya: ‘Hindi mo dapat sinuway si Jehova.’ Matututo kaya si Saul sa
pagkakamali niya?
Nang makipaglaban sina Saul sa mga Amalekita, sinabihan ni Samuel
si Saul na pataying lahat ang mga ito, walang ititira. Pero hindi pinatay
ni Saul si Haring Agag. Sinabi ni Jehova kay Samuel: ‘Hindi na nakikinig
sa akin si Saul.’ Lungkot na lungkot si Samuel, at sinabi niya kay Saul:
‘Dahil hindi mo na sinusunod si Jehova, pipili siya ng ibang hari.’
96
“Ang pagsunod ay mas mabuti
kaysa sa hain.”—1 Samuel 15:22
Tanong: Sino ang pinili ni Jehova para maging susunod na hari ng Israel?
Paano tinalo ni David si Goliat?
1 Samuel 16:1-13; 17:1-54
99
41 Si David at si Saul
Matapos patayin ni David si Goliat, siya ang inilagay ni Haring Saul
bilang pinuno ng hukbo. Maraming naipanalong labanan si David, at
´
naging sikat siya. Tuwing uuwi si David galing sa digmaan, ang mga
babae ay sumasayaw at kumakanta: ‘Libo-libo ang tinalo ni Saul, pero
sampu-sampung libo ang kay David!’ Nainggit si Saul kay David at gusto
niya itong patayin.
Magaling tumugtog ng alpa si David. Isang araw, habang tinutugtugan
niya ng alpa si Haring Saul, sinibat siya nito. Buti na lang at nakailag siya
at sa dingding tumama ang sibat. Maraming beses pang sinubukang
patayin ni Saul si David. Nang bandang huli,
tumakas si David at nagtago sa disyerto.
Nagsama si Saul ng 3,000 sundalo para
hanapin at patayin si David. Nagkataon
namang doon siya pumasok sa kuwebang
pinagtataguan ni David at ng mga tauhan
101
42 Ang Tapat at Matapang na si Jonatan
Si Jonatan ang panganay na anak ni Haring Saul. Isa siyang
matapang na mandirigma. Sinabi ni David na mas mabilis pa si Jonatan
kaysa sa agila at mas malakas pa kaysa sa leon. Isang araw, may nakita
´
si Jonatan na 20 sundalong Filisteo sa isang burol. Sinabi niya sa
sundalong kasama niya: ‘Sasalakayin lang natin sila kapag nagbigay si
Jehova ng tanda. Kapag sinabihan tayo ng mga Filisteo na umakyat,
iyon na ang tanda.’ Sumigaw ang mga Filisteo: ‘Umakyat kayo at
makipaglaban sa amin!’ Kaya umakyat ang dalawa at tinalo ang mga
Filisteo.
Dahil si Jonatan ang panganay na anak ni Saul, siya dapat ang
susunod na hari. Pero alam ni Jonatan na si David ang pinili ni Jehova
na maging susunod na hari ng Israel. Imbes na mainggit, naging matalik
na kaibigan ni Jonatan si David. Nangako silang poprotektahan nila at
102
ipagtatanggol ang isa’t isa. Ibinigay ni Jonatan kay David ang kaniyang
damit, espada, pana, at sinturon bilang tanda ng pagkakaibigan nila.
Noong panahong tumatakas si David kay Saul, pinuntahan siya ni
Jonatan at sinabi: ‘Huwag kang matakot. Ikaw ang pinili ni Jehova na
maging hari, at alam ’yan ng aking ama.’ Gusto mo bang magkaroon
ng mabuting kaibigan na gaya ni Jonatan?
Ilang beses ding nanganib ang buhay ni Jonatan dahil sa pagtulong
sa kaibigan niya. Alam niyang gustong patayin ni Haring Saul si David,
kaya sinabi niya sa kaniyang ama: ‘Magkakasala ka kapag pinatay mo
si David; wala naman siyang kasalanan sa iyo.’ Nagalit si Saul kay
Jonatan. Makalipas ang ilang taon, magkasamang namatay sa digmaan
sina Saul at Jonatan.
Hinanap ni David ang anak ni Jonatan na si Mepiboset. Nang magkita
sila, sinabi ni David kay Mepiboset: ‘Matalik kong kaibigan ang iyong
ama, kaya hindi kita pababayaan. Maninirahan ka sa palasyo
ko at kakain sa mesa ko.’ Hindi nalimutan ni David
ang kaibigan niyang si Jonatan.
104
magandang-maganda ang templo ni Jehova.
Bata pa si Solomon kaya tutulungan ko siya.
Ihahanda ko ang mga kailangan niya.’ Nagbigay
si David ng napakalaking pera para sa
pagtatayo. Naghanap siya ng magagaling
na trabahador. Nag-ipon siya ng mga ginto
at pilak, at nagpakuha ng mga sedro mula
sa Tiro at Sidon. Noong malapit na siyang
mamatay, ibinigay ni David kay Solomon ang
plano para sa pagtatayo ng templo. Sinabi niya:
‘Ipinasulat ito sa akin ni Jehova para sa
iyo. Tutulungan ka ni Jehova. Huwag kang
matakot. Simulan mo na ang trabaho.’
107
44 Isang Templo Para kay Jehova
Nang maging hari ng Israel si Solomon, tinanong siya ni Jehova:
‘Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?’ Sinabi ni Solomon: ‘Bata pa
ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Bigyan n’yo po sana ako ng
karunungan para pamahalaan ang inyong bayan.’ Sinabi ni Jehova:
‘Dahil hiniling mong maging marunong ka, gagawin kitang
pinakamarunong sa buong lupa. Gagawin din kitang
napakayaman. At kung magiging masunurin ka sa akin,
hahaba ang buhay mo.’
Sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo. Gumamit
siya ng pinakamagandang klase ng ginto, pilak, kahoy, at bato.
Libo-libong mahuhusay na lalaki’t babae ang nagtrabaho sa
templo. Matapos ang pitong taon, puwede nang ialay kay Jehova
ang templo. Mayroon itong altar, at may mga handog doon.
Lumuhod si Solomon sa harap ng altar at nanalangin: ‘O Jehova,
hindi ganoon kalaki o kaganda ang templong ito na ginawa namin
para sa iyo, pero sana po ay tanggapin ninyo ang aming pagsamba
at pakinggan ang aming mga panalangin.’ Tinanggap kaya ni
Jehova ang templo at ang panalangin ni Solomon? Pagkatapos
manalangin ni Solomon, agad na may bumabang apoy mula sa
langit at sinunog ang mga handog sa altar. Tinanggap ni Jehova
ang templo. Nang makita ito ng mga Israelita, nagsaya sila.
Balitang-balita sa buong Israel at kahit sa malalayong lugar ang
karunungan ni Solomon. Sa kaniya nagpapatulong ang mga tao kapag
may problema sila. Pati nga ang reyna ng Sheba ay nagpunta sa kaniya
para tingnan kung masasagot niya ang mahihirap na tanong. Nang
marinig niya ang mga sagot ni Solomon, sinabi ng reyna: ‘Hindi ko
pinaniwalaan ang sinasabi ng mga tao tungkol sa iyo, pero ngayon,
nakita kong mas matalino ka kaysa sa nabalitaan ko. Pinagpala ka ng
iyong Diyos na si Jehova.’ Maganda ang buhay ng mga tao sa bansang
Israel at masaya sila. Pero magbabago ang mga bagay-bagay.
108
“Higit pa kay Solomon
ang narito.”—Mateo 12:42
45 Nahati ang Kaharian
Noong sumasamba si Solomon kay Jehova, payapa ang Israel. Pero
nag-asawa siya ng maraming babaeng hindi Israelita, na sumasamba
sa mga diyos-diyusan. Unti-unting nagbago si Solomon, at sumamba
na rin sa mga diyos-diyusan. Nagalit si Jehova. Sinabi niya kay Solomon:
‘Aalisin ko sa iyo at sa iyong pamilya ang Israel, at mahahati iyon sa
dalawa. Ibibigay ko ang malaking bahagi sa isa sa iyong mga lingkod,
at maliit na bahagi lang ang paghaharian ng iyong pamilya.’
Nilinaw pa ni Jehova ang desisyon niya. Habang naglalakbay sa
daan si Jeroboam na lingkod ni Solomon, nasalubong niya ang
propetang si Ahias. Pinunit ni Ahias ang damit niya sa 12 piraso at
sinabi kay Jeroboam: ‘Kukunin ni Jehova ang kaharian ng Israel sa
pamilya ni Solomon at hahatiin iyon. Kumuha ka ng 10 piraso dahil
ikaw ang magiging hari sa 10 tribo.’ Nalaman ito ni Haring Solomon
at gusto niyang patayin si Jeroboam! Kaya tumakas si Jeroboam
papuntang Ehipto. Pagkamatay ni Solomon, ang anak niyang si
Rehoboam ang naging hari. Pagkatapos, inisip ni Jeroboam na
ligtas nang bumalik sa Israel.
110
“Huwag kayong makipagtuwang sa mga
di-sumasampalataya. Dahil puwede
Sinabi ng matatandang lalaki ng bang pagsamahin ang katuwiran at
kasamaan? . . . O may pagkakapareho
Israel kay Rehoboam: ‘Kung magiging ba ang isang mananampalataya at
mabait ka sa mga tao, magiging tapat ang isang di-sumasampalataya?”
sila sa iyo.’ Pero sinabi ng mga —2 Corinto 6:14, 15
kabataang kaibigan ni Rehoboam:
‘Maging malupit ka sa mga tao! Pahirapan mo pa sila!’ Sinunod ni
Rehoboam ang mga kabataang kaibigan niya. Naging malupit siya sa
mga tao kaya nagrebelde sila. Si Jeroboam ang ginawa nilang hari sa
10 tribo, na nakilala bilang kaharian ng Israel. Ang dalawa pang tribo
ay nakilala naman bilang kaharian ng Juda, at nanatili silang tapat
kay Rehoboam. Nahati ang 12 tribo ng Israel.
Ayaw ni Jeroboam na ang mga taong sakop niya ay pumunta
sa Jerusalem para sumamba. Alam mo ba kung bakit? Doon kasi
naghahari si Rehoboam at natatakot si Jeroboam na
baka kampihan at suportahan nila ito. Kaya gumawa
si Jeroboam ng dalawang gintong guya at sinabi
sa kanila: ‘Napakalayo ng Jerusalem. Dito na
lang kayo sumamba.’ Sinamba ng bayan ang
mga gintong guya at nakalimutan na naman
nila si Jehova.
112
“Malaman nawa ng mga tao
na ikaw, na ang pangalan
n’yong hayaang makatakas ang mga ay Jehova, ikaw lang ang
propeta ni Baal!’ Nang araw na iyon, Kataas-taasan sa buong
pinatay ang 450 propeta ni Baal. lupa.”—Awit 83:18
Nang lumitaw ang maliit na ulap
sa itaas ng dagat, sinabi ni Elias kay Ahab: ‘May darating
na bagyo. Ihanda mo ang karo, at umuwi ka.’ Nagdilim ang
langit, humihip ang hangin, at bumuhos ang napakalakas
na ulan. Sa wakas, natapos din ang tagtuyot. Pinatakbo ni
Ahab nang napakabilis ang karo. Tumakbo rin si Elias, at
sa tulong ni Jehova, naunahan pa niya ang karo! Pero
´
tapos na ba ang problema ni Elias? Tingnan natin.
Tanong: Bakit tumakas si Elias? Ano ang sinabi ni Jehova kay Elias?
1 Hari 19:1-18; Roma 11:2-4
114
“Huwag kayong mag-alala
sa anumang bagay; sa halip,
ipaalam ninyo ang lahat ng
pakiusap ninyo sa Diyos sa
pamamagitan ng panalangin
at pagsusumamo na may
kasamang pasasalamat.”
—Filipos 4:6
48 Nabuhay-Muli ang Anak ng Isang Biyuda
Noong tagtuyot, sinabi ni Jehova kay Elias: ‘Pumunta ka sa Zarepat.
May isang biyuda doon na magbibigay sa iyo ng pagkain.’ Pagpasok
niya sa lunsod, may nakita si Elias na isang mahirap na biyudang
namumulot ng kahoy. Humingi siya dito ng isang basong tubig. Noong
kukuha na ng tubig ang biyuda, sinabi ni Elias: ‘Pakidalhan mo na rin
ako ng tinapay.’ Pero sinabi nito: ‘Wala akong tinapay na maibibigay sa
iyo. Eksakto lang ang harina at langis namin para makapagluto ako ng
kaunting pagkain para sa amin ng anak ko.’ Sinabi ni Elias: ‘Nangako
si Jehova na kapag ipinagluto mo ako ng tinapay, hindi ka mauubusan
ng harina at langis hanggang sa umulan ulit.’
Kaya umuwi ang biyuda at ipinagluto ng tinapay ang propeta
ni Jehova. Tinupad ni Jehova ang pangako niya at hindi nga
naubusan ng pagkain ang biyuda at ang anak nitong lalaki sa
ˆ
panahon ng tagtuyot. Laging puno ang kanilang lalagyan ng
harina at langis.
“Pansinin ninyo ang mga uwak: Hindi sila nagtatanim
o umaani; wala silang imbakan ng pagkain; pero
pinakakain sila ng Diyos. Di-hamak na mas mahalaga
kayo kaysa sa mga ibon, hindi ba?”—Lucas 12:24
117
49 Pinarusahan ang Isang Napakasamang Reyna
Mula sa bintana ng palasyo ni Haring Ahab sa Jezreel, natatanaw
niya ang ubasan ng isang lalaking nagngangalang Nabot. Gusto ni
Ahab ang ubasang iyon, kaya sinubukan niyang bilhin iyon kay Nabot.
Pero ayaw ni Nabot kasi bawal sa Kautusan ni Jehova na ibenta ang
minanang lupain. Tama si Nabot, pero tinanggap ba ito ni Ahab? Hindi.
´ ´
Galıt na galıt siya. Nagkulong siya sa kuwarto at ayaw kumain.
Ang asawa ni Ahab ay ang napakasamang si Reyna Jezebel. Sinabi
nito sa kaniya: ‘Ikaw ang hari ng Israel. Puwede mong makuha kahit
ano’ng gusto mo. Kukunin ko ang lupang iyon para sa iyo.’ Sumulat
siya sa matatanda ng lunsod, at inutusan silang akusahan si Nabot na
isinumpa nito ang Diyos at batuhin ito hanggang mamatay. Sinunod
ng matatanda ang utos ni Jezebel. Pagkatapos, sinabi ni Jezebel kay
Ahab: ‘Patay na si Nabot. Sa iyo na ang ubasan.’
Hindi lang si Nabot ang inosenteng tao na ipinapatay ni Jezebel.
Marami siyang ipinapatay na mga taong nagmamahal kay Jehova.
Sumasamba siya sa mga diyos-diyusan at gumagawa ng iba pang
masasamang bagay. Nakita ni Jehova ang lahat ng kasamaan ni
Jezebel. Ano kaya ang gagawin ni Jehova sa kaniya?
Pagkamatay ni Ahab, naging hari
ang anak niyang si Jehoram. Inutusan
ni Jehova ang lalaking nagngangalang
Jehu para parusahan si Jezebel at
ang pamilya nito.
Sumakay si Jehu sa karwahe at
pumunta sa Jezreel, kung saan
nakatira si Jezebel. Sinalubong siya
ni Jehoram sakay ng karwahe nito,
at tinanong siya: ‘Kapayapaan ba
ang dala mo?’ Sinabi ni Jehu: ‘Hindi
magkakaroon ng kapayapaan hangga’t
gumagawa ng kasamaan ang nanay
“Ang mana na nakuha dahil sa
kasakiman ay hindi magiging
pagpapala sa bandang huli.”
—Kawikaan 20:21
Tanong: Ano ang ginawa ni Jezebel para makuha ang ubasan ni Nabot?
Bakit pinarusahan ni Jehova si Jezebel?
1 Hari 21:1-29; 2 Hari 9:1–10:30
119
50 Ipinagtanggol ni Jehova si Jehosapat
Si Jehosapat, hari ng Juda, ay kumilos para sirain ang mga altar ni
Baal at ang mga diyos-diyusan sa lupain. Gusto niyang malaman ng
bayan ang kautusan ni Jehova. Kaya nagpadala siya ng mga prinsipe
at mga Levita sa lahat ng lunsod ng Juda para ituro sa mga tao ang
kautusan ni Jehova.
Hindi sinasalakay ng kalapit na mga bansa ang Juda kasi alam nilang
ipagtatanggol ni Jehova ang kaniyang bayan. Nagdala pa nga sila ng
mga regalo kay Haring Jehosapat. Pero ang mga Moabita, Ammonita, at
ang mga nasa rehiyon ng Seir ay dumating para makipaglaban sa Juda.
Alam ni Jehosapat na kailangan niya ang tulong ni Jehova. Pinapunta
niya sa Jerusalem ang lahat ng lalaki, babae, at bata. Sa harap nilang
lahat, nanalangin siya: ‘Diyos na Jehova, kung wala kayo, hindi kami
mananalo. Pakisuyong sabihin n’yo sa amin kung ano’ng gagawin namin.’
Sinagot ni Jehova ang panalangin: ‘Huwag kayong matakot.
Tutulungan ko kayo. Pumunta kayo sa inyong puwesto, manatiling
nakatayo, at tingnan kung paano ko kayo ililigtas.’ Paano sila iniligtas
ni Jehova?
Kinaumagahan, pumili si Jehosapat ng mga mang-aawit at sinabi
sa kanilang magmartsa sa unahan ng hukbo. Nagmartsa sila mula sa
Jerusalem papunta sa lugar ng labanan na tinatawag na Tekoa.
Habang masayang pinupuri ng mga mang-aawit si Jehova,
nakipaglaban si Jehova para sa kaniyang bayan. Nilito niya ang mga
Ammonita at mga Moabita kaya sila-sila ang nagpatayan, at walang
´
natirang buhay. Pero ipinagtanggol ni Jehova ang mamamayan
ng Juda, ang mga sundalo, at mga saserdote. Nabalitaan ng lahat ng
tao sa kalapit na mga bansa ang ginawa ni Jehova, at nalaman nilang
ipinagtatanggol pa rin ni Jehova ang kaniyang bayan. Paano inililigtas
ni Jehova ang kaniyang bayan? Sa maraming paraan. Hindi niya
kailangan ang tulong ng mga tao para magawa iyon.
120
“Hindi ninyo kailangang
lumaban sa digmaang
ito. Pumunta kayo sa
inyong mga puwesto,
manatili kayong
nakatayo, at tingnan
ninyo ang pagliligtas
ni Jehova sa inyo.”
—2 Cronica 20:17
9
Matututuhan natin sa seksiyong ito ang tungkol sa mga kabataan,
propeta, at mga hari na may matibay na pananampalataya kay Jehova.
Sa Sirya, isang batang babaeng Israelita ang may pananampalatayang
mapapagaling ng propeta ni Jehova si Naaman. Buo ang tiwala ni
propeta Eliseo na poprotektahan siya ni Jehova mula sa kaaway na hukbo.
Isinapanganib ng mataas na saserdoteng si Jehoiada ang kaniyang buhay
para protektahan ang batang si Jehoas mula sa napakasamang lola
nitong si Athalia. Nagtiwala si Haring Hezekias na ililigtas ni Jehova ang
Jerusalem, at hindi siya natakot sa mga Asiryano. Inalis ni Haring Josias
sa lupain ang lahat ng pagsamba sa mga diyos-diyusan, inayos ang
templo, at inakay ang bansa pabalik sa tunay na pagsamba.
MAHAHALAGANG ARAL
123
51 Ang Mandirigma at ang Batang Babae
Sa lupain ng Sirya, may isang batang babaeng Israelita.
Kinuha siya ng hukbong Siryano mula sa Israel, kaya napalayo siya
sa kaniyang pamilya at naging katulong ng asawa ng pinuno ng
hukbo na si Naaman. Sumasamba kay Jehova ang bata, kahit hindi
si Jehova ang sinasamba ng mga taong kasama niya.
May nakakadiring sakit sa balat si Naaman, at lagi itong makirot.
Gustong-gusto siyang tulungan ng bata. Sinabi ng bata sa asawa ni
Naaman: ‘May kilala po akong makakapagpagaling sa asawa n’yo.
Sa Israel, may propeta si Jehova na ang pangalan ay Eliseo.
Mapapagaling niya ang asawa n’yo.’
Sinabi ito ng asawa ni Naaman sa kaniya. Handang gawin ni Naaman
ang kahit ano, kaya pumunta siya sa bahay ni Eliseo sa Israel. Akala
ni Naaman, sasalubungin siya ni Eliseo. Pero imbes na si Eliseo mismo
ang makipag-usap sa kaniya, inutusan ni Eliseo ang kaniyang lingkod
na salubungin si Naaman at sabihin: ‘Pumunta ka sa Ilog Jordan at
maligo doon nang pitong beses.
Pagkatapos, gagaling ka na.’
Nainis si Naaman. Sinabi niya:
‘Akala ko, pagagalingin ako ng
propetang ito sa pamamagitan ng
pagtawag niya sa kaniyang Diyos at
pagpapadaan ng mga kamay niya sa
aking ketong. Pero ngayon, sasabihin
niyang pumunta ako sa ilog na ito sa
Israel. Mas magaganda ang mga ilog
namin sa Sirya. Do’n na lang ako
´
maliligo!’ Galıt na umalis si Naaman
sa bahay ni Eliseo.
Kinausap si Naaman ng kaniyang mga
lingkod: ‘Hindi po ba’t gagawin n’yo ang lahat,
gumaling lang kayo? Napakadali po ng ipinapagawa
sa inyo ng propeta. Bakit hindi n’yo subukan?’ Nakinig
si Naaman. Pumunta siya sa Ilog Jordan at lumublob doon
nang pitong beses. Pagkatapos noon, gumaling si Naaman.
Tuwang-tuwa siya, at bumalik siya kay Eliseo para magpasalamat.
Sinabi ni Naaman: ‘Si Jehova nga ang tunay
na Diyos.’ Ano kaya ang naramdaman ng “Pinalabas mo mula
batang babaeng Israelita pagbalik ni sa bibig ng mga bata
at mga sanggol ang
Naaman at makitang magaling na ito? papuri.”—Mateo 21:16
Tanong: Madali kaya para sa batang babaeng Israelita
na makipag-usap sa asawa ni Naaman? Ano kaya ang
nakatulong sa kaniya na maging matapang?
2 Hari 5:1-19; Lucas 4:27
125
52 Ang Maapoy na Hukbo ni Jehova
Ang Israel ay patuloy na sinasalakay ni Haring Ben-hadad ng Sirya.
Pero dahil laging binababalaan ni propeta Eliseo ang hari ng Israel,
nakakatakas ito. Kaya naisip ni Ben-hadad na kidnapin si Eliseo. Nang
malaman niyang nasa lunsod ng Dotan si Eliseo, nagpadala siya doon
ng isang hukbong Siryano para hulihin siya.
Gabi noong dumating sa Dotan ang mga Siryano. Kinaumagahan,
lumabas ang lingkod ni Eliseo at nakita niyang napapalibutan ng
´ ´
malaking hukbo ang buong lunsod. Takot na takot siya at napasigaw:
‘Eliseo, ano’ng gagawin natin?’ Sumagot si Eliseo: ‘Mas marami tayo
kaysa sa kanila.’ Agad na ipinakita ni Jehova sa lingkod ni Eliseo ang
mga kabayo at maaapoy na karwaheng pandigma na nasa mga
bundok sa palibot ng lunsod.
Nang huhulihin na ng mga sundalong Siryano si Eliseo, nanalangin
siya: ‘Diyos na Jehova, bulagin n’yo po sila.’ Biglang-bigla, hindi na alam
ng mga sundalo kung nasaan sila, kahit nakakakita sila. Sinabi ni Eliseo
sa mga sundalo: ‘Mali ang lunsod na pinuntahan n’yo. Sundan n’yo ako
126
“Nagtitiwala tayo sa kaniya
na anuman ang hingin natin
ayon sa kalooban niya ay
ibibigay niya.”—1 Juan 5:14
129
54 Naging Matiisin si Jehova kay Jonas
Napakasama ng mga tao sa Nineve, isang lunsod sa Asirya.
Pinapunta ni Jehova sa Nineve si propeta Jonas para pagsabihan
ang mga tao doon na magbago. Pero hindi doon pumunta si Jonas.
Sumakay siya sa barko na papuntang Tarsis.
Habang nagbibiyahe ang barko, nagkaroon ng malakas na bagyo.
´ ´
Takot na takot ang mga nakasakay sa barko. Nanalangin sila sa
kanilang mga diyos at nagtanong: ‘Bakit po ito nangyayari?’ Sa wakas,
sinabi ni Jonas: ‘Ako ang may kasalanan. Hindi kasi ako sumunod sa
utos ni Jehova. Ihagis n’yo ako sa dagat, at titigil ang bagyo.’ Ayaw
sana nilang ihagis si Jonas, pero pinilit niya sila. Nang ihagis nila
siya, tumigil nga ang bagyo.
Akala ni Jonas, mamamatay na siya. Habang lumulubog siya,
nanalangin siya kay Jehova. ’Tapos, nagpadala si Jehova ng isang
napakalaking isda. Nilunok nito si Jonas, pero hindi namatay si Jonas.
Mula sa tiyan ng isda, nanalangin siya: ‘Pangako po, lagi ko na kayong
susundin.’ Iningatan ni Jehova si Jonas habang nasa tiyan siya ng isda
sa loob ng tatlong araw. ’Tapos, iniluwa siya nito sa tuyong lupa.
Dahil iniligtas ni Jehova si Jonas, ibig bang sabihin,
hindi na siya kailangang pumunta sa Nineve? Hindi. Inutusan ulit ni
Jehova si Jonas na pumunta doon. At sumunod naman si Jonas.
130
“Matiisin [si Jehova] sa inyo dahil
hindi niya gustong mapuksa ang
Pumunta siya doon at sinabihan sinuman kundi gusto niya na ang
ang masasamang tao doon: lahat ay magsisi.”—2 Pedro 3:9
‘Apatnapung araw na lang at
wawasakin na ang Nineve.’ Pero
nakakagulat ang sumunod na nangyari—nakinig ang mga
taga-Nineve at nagbago. Sinabi ng hari ng Nineve sa mamamayan:
‘Magmakaawa kayo sa Diyos, at magsisi. Baka sakaling hindi niya tayo
puksain.’ Nang makita ni Jehova na nagsisisi ang mga tao, hindi na
niya winasak ang Nineve.
Nagalit si Jonas nang hindi mawasak ang lunsod. Isipin ito: Naging
matiisin at maawain si Jehova kay Jonas, pero hindi naawa si Jonas
sa mga taga-Nineve. Sa halip, naupo siya sa lilim ng halamang upo sa
labas ng lunsod at nagmaktol. ’Tapos, namatay ang halaman, at
nagalit si Jonas. Kaya sinabi ni Jehova sa kaniya: ‘Mas nanghinayang
ka sa halaman kaysa sa mga taga-Nineve. Naawa ako sa kanila, at
nakaligtas sila.’ Ano ang aral? Mas mahalaga ang mga tao sa Nineve
kaysa sa anumang halaman.
132
si Jehova ng isang
anghel sa kampo ng
mga sundalo sa labas
ng lunsod. Pinatay ng
anghel ang 185,000
sundalo! Naubos ang
pinakamagagaling na sundalo ni
Haring Senakerib. Napilitan siyang
umuwi dahil talo na siya. Iniligtas ni
Jehova si Hezekias at ang Jerusalem,
gaya ng ipinangako Niya. Kung
nandoon ka sa Jerusalem,
magtitiwala ka rin ba kay
Jehova?
134
“Ang salita mo ay lampara
Maraming taon nang hindi nagdiriwang sa aking paa, at liwanag
ng Paskuwa ang Juda. Pero nang mabasa sa aking landas.”
ni Josias sa Kautusan na dapat ipagdiwang —Awit 119:105
taon-taon ang Paskuwa, sinabi niya sa
bayan: ‘Magdiriwang tayo ng Paskuwa para kay Jehova.’ Naghanda
si Josias ng napakaraming hain at naglagay ng mga mang-aawit sa
templo. ’Tapos, ipinagdiwang ng bayan ang Paskuwa, at nang sumunod
na araw ay ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na
tumagal nang pitong araw. Noon lang nagkaroon ng ganoon kalaking
pagdiriwang ng Paskuwa mula noong panahon ni Samuel. Talagang
mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos. Ikaw, natutuwa ka bang
matuto tungkol kay Jehova?
Tanong: Ano ang reaksiyon ni Haring Josias nang marinig niya ang Kautusan ng Diyos?
Ano ang nadama ni Jehova para kay Josias?
2 Hari 21:26; 22:1–23:30; 2 Cronica 34:1–35:25
10
Si Jehova ang Hari ng lahat. Kontrolado niya ang mga bagay-bagay,
at walang ibang makakagawa nito. Halimbawa, iniligtas niya
si Jeremias mula sa malalim na balon. Iniligtas niya sina Sadrac,
Mesac, at Abednego mula sa nag-aapoy na hurno at si Daniel
naman mula sa bibig ng mga leon. Pinrotektahan ni Jehova si Esther
para mailigtas nito ang kaniyang mga kababayan. Hindi hahayaan
ni Jehova na magpatuloy ang kasamaan magpakailanman. Ang
mga hula tungkol sa napakalaking estatuwa at malaking puno
ay garantiya na aalisin ng Kaharian ni Jehova ang lahat ng
kasamaan, at mamamahala ito sa lupa.
MAHAHALAGANG ARAL
137
57 Inutusan ni Jehova si Jeremias na Mangaral
Pinili ni Jehova si Jeremias na maging propeta ng Juda. Inutusan niya
itong mangaral sa mga tagaroon at sabihin sa kanilang tumigil na sa
paggawa ng masama. Sinabi ni Jeremias: ‘Pero bata pa po ako, Diyos
na Jehova. Hindi ko po kayang magsalita sa mga tao.’ Sinabi ni Jehova:
‘Huwag kang matakot. Ituturo ko sa iyo ang sasabihin mo. Tutulungan
kita.’
Inutusan ni Jehova si Jeremias na tipunin ang matatandang lalaki,
basagin sa harap nila ang isang banga, at sabihin: ‘Ang Jerusalem ay
babasaging gaya nito.’ Nang gawin ni Jeremias ang sinabi ni Jehova,
nagalit ang matatanda. Binugbog siya ng saserdoteng si Pasur at inipit
sa pangawan ang kaniyang leeg, mga kamay at paa. Buong gabing
hindi makagalaw si Jeremias. Kinabukasan, pinakawalan siya ni Pasur.
Sinabi ni Jeremias: ‘Hindi ko na kaya. Ayoko nang mangaral.’ Pero
tumigil nga ba siya? Hindi. Nang makapag-isip-isip siya, sinabi niya:
‘Ang salita ni Jehova ay parang apoy sa loob ng katawan ko. Hindi ko
kayang tumigil sa pangangaral.’ Nagpatuloy si Jeremias sa pagsasabi
sa mga tao na tumigil na sa paggawa ng masama.
Pagkalipas ng mga taon,
nagkaroon ng bagong hari ang Juda.
´ ´
Galıt na galıt ang mga saserdote
at mga di-totoong propeta sa mga
sinasabi ni Jeremias. Sinabi nila sa
mga prinsipe: ‘Ang lalaking ito ay
dapat mamatay!’ Sinabi ni Jeremias:
‘Kung papatayin n’yo ako, ang
papatayin n’yo ay isang taong walang
kasalanan. Kay Jehova galing ang
mga sinasabi ko, hindi sa akin.’ Nang
marinig ito ng mga prinsipe, sinabi
nila: ‘Hindi siya dapat mamatay.’
“Kapopootan kayo ng lahat
ng tao dahil sa pangalan
Nagpatuloy sa pangangaral si Jeremias, at ko, pero ang makapagtitiis
nagalit na rin ang mga prinsipe. Hiniling nila sa hanggang sa wakas ang
hari na ipapatay si Jeremias. Sinabi ng hari na maliligtas.”—Mateo 10:22
bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin
kay Jeremias. Kinuha nila ito at inihulog sa malalim na balon na puro
putik para doon mamatay. Unti-unting lumubog sa putik si Jeremias.
Pagkatapos, sinabi ng opisyal ng korteng si Ebed-melec sa hari:
‘Inihulog ng mga prinsipe si Jeremias sa balon! Kung pababayaan
natin siya do’n, mamamatay siya.’ Inutusan ng hari si Ebed-melec
na magsama ng 30 lalaki para iahon si Jeremias mula sa balon.
Matutularan ba natin si Jeremias, na hindi tumigil sa pangangaral
kahit ano’ng mangyari?
139
58 Winasak ang Jerusalem
Paulit-ulit na iniiwan ng mga taga-Juda si Jehova at sumasamba sila
sa mga diyos-diyusan. Sa loob ng maraming taon, paulit-ulit din silang
tinutulungan ni Jehova. Marami nang ipinadalang propeta si Jehova
para sabihan silang tumigil na sa paggawa ng masama, pero hindi sila
nakinig. Pinagtawanan pa nga nila ang mga propeta. Ano ang ginawa ni
Jehova?
Ang hari ng Babilonya na si Nabucodonosor ay nananakop ng mga
bansa. Noong unang beses niyang sakupin ang Jerusalem, binihag niya
si Haring Jehoiakin, ang mga prinsipe, mga mandirigma, at mga
manggagawa, at dinala sila sa Babilonya. Kinuha din niya ang lahat ng
kayamanan sa templo ni Jehova. Pagkatapos, ginawa niyang hari ng
Juda si Zedekias.
Sa umpisa, sinusunod ni Zedekias si Nabucodonosor. Pero
kinumbinsi siya ng kalapit na mga bansa at ng mga di-totoong propeta
na magrebelde. Sinabihan siya ni Jeremias: ‘Kapag nagrebelde ka,
magkakaroon ng patayan, taggutom, at sakit sa lupain ng Juda.’
Matapos mamahala nang walong taon, nagrebelde si Zedekias
laban sa Babilonya. Nagpatulong siya sa hukbo ng Ehipto. Inutusan
ni Nabucodonosor ang kaniyang hukbo na salakayin ang Jerusalem,
at nagkampo sila sa palibot ng lunsod. Sinabi ni Jeremias kay Zedekias:
‘Kung susuko ka sa Babilonya, ikaw at ang lunsod ay makakaligtas. Pero
kung hindi, susunugin ng mga taga-Babilonya ang Jerusalem at
ibibilanggo ka nila.’ Sinabi ni Zedekias: ‘Hindi ako susuko!’
“Diyos na Jehova, [na]
Makapangyarihan-sa-lahat,
totoo at matuwid ang
Pagkaraan ng isa’t kalahating taon, pinasok mga kahatulan mo.”
ng mga taga-Babilonya ang Jerusalem at —Apocalipsis 16:7
sinunog ito. Sinunog nila ang templo, pinatay
ang maraming tao, at binihag ang libo-libong taga-Juda.
Nakatakas si Zedekias sa Jerusalem, pero hinabol siya ng
mga taga-Babilonya. Naabutan siya malapit sa Jerico at dinala kay
Nabucodonosor. Ipinapanood ng hari ng Babilonya kay Zedekias ang
pagpatay sa mga anak niya. Pagkatapos, binulag ng ni Nabucodonosor
si Zedekias at ikinulong, at doon na siya namatay. Pero nangako si
Jehova sa mga taga-Juda: ‘Pagkatapos ng 70 taon, ibabalik ko kayo
sa Jerusalem.’
Ano kaya ang mangyayari sa mga kabataang dinala sa Babilonya?
Mananatili kaya silang tapat kay Jehova?
141
59 Apat na Kabataang Sumunod kay Jehova
Nang dalhin ni Nabucodonosor sa Babilonya ang mga prinsipe
ng Juda, ang opisyal ng korte na si Aspenaz ang inutusan niyang
mag-asikaso sa kanila. Sinabi ni Nabucodonosor kay Aspenaz na
piliin sa mga ito ang pinakamalulusog at pinakamatatalinong
kabataan. Tatlong taon silang sasanayin para gawing matataas
na opisyal sa Babilonya. Tuturuan silang bumasa, sumulat, at
magsalita ng wikang Akkadiano ng Babilonya. At pakakainin sila
ng pagkain ng hari at ng kaniyang mga opisyal. Kasama sa mga
kabataang ito sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Binigyan
sila ni Aspenaz ng bagong pangalang Babilonyo: Beltesasar,
Sadrac, Mesac, at Abednego. Mapapatigil kaya sila ng
edukasyong ito na sambahin si Jehova?
142
“Walang sinuman ang dapat
humamak sa iyo dahil
sa pagiging kabataan mo.
Sa halip, sa mga tapat ay
Desidido ang apat na kabataang ito na maging halimbawa ka sa
sundin si Jehova. Alam nilang hindi sila pagsasalita, sa paggawi, sa
dapat kumain ng pagkain ng hari dahil pag-ibig, sa pananampalataya,
sinasabi ng Kautusan ni Jehova na ang sa kalinisan.”—1 Timoteo 4:12
ilan sa mga iyon ay marumi. Kaya sinabi
nila kay Aspenaz: ‘Huwag n’yo po kaming pakainin ng pagkain ng
hari.’ Sinabi ni Aspenaz: ‘Kapag hindi kayo kumain at nakita ng hari
na namamayat kayo, papatayin niya ako!’
May naisip si Daniel. Sinabi niya sa tagapag-alaga nila: ‘Gulay at tubig
na lang po ang ibigay n’yo sa amin sa loob ng 10 araw. ’Tapos, ikumpara
n’yo po kami sa mga kumakain ng pagkain ng hari.’ Pumayag ang
tagapag-alaga.
Pagkalipas ng 10 araw, mas malulusog sina Daniel kaysa sa
lahat ng iba pang kabataan. Natuwa si Jehova kasi sumunod sila
sa kaniya. Binigyan pa nga ni Jehova si Daniel ng karunungan na
makapagpaliwanag ng mga pangitain at panaginip.
Pagkatapos ng pagsasanay, dinala ni Aspenaz kay Nabucodonosor
ang mga kabataan. Kinausap sila ng hari at napansin nitong mas
matatalino at alisto sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias kaysa
sa iba. Silang apat ang pinili ng hari na maglingkod sa kaniyang
korte. Sila ang madalas na tinatanong ng hari pagdating sa mga
importanteng bagay. Ginawa sila ni Jehova na mas marunong
kaysa sa lahat ng marurunong na lalaki at madyikero.
Kahit nasa ibang lupain, hindi nalimutan nina Daniel, Hananias,
Misael, at Azarias na mga lingkod sila ni Jehova. Ikaw, lagi mo rin bang
iisipin si Jehova kahit hindi mo kasama ang mga magulang mo?
143
60 Isang Kaharian na Mananatili Magpakailanman
Isang gabi, nanaginip si Haring Nabucodonosor. Kakaiba ang
panaginip niya. Natakot siya at hindi na nakatulog. Ipinatawag niya
ang kaniyang mga madyikero at sinabi: ‘Ipaliwanag n’yo sa ’kin ang
napanaginipan ko.’ Sinabi nila: ‘Ano po’ng napanaginipan n’yo, mahal
na hari?’ Pero sinabi ni Nabucodonosor: ‘Kayo ang magsabi sa ’kin
ng napanaginipan ko, kung hindi, papatayin ko kayo!’ Sumagot sila:
‘Sabihin n’yo po sa amin kung ano ’yon para maipaliwanag namin.’
Sinabi ng hari: ‘Nagpapalusot pa kayo. Basta sabihin n’yo sa ’kin ang
napanaginipan ko, tapos!’ Sinabi nila sa hari: ‘Wala pong makakagawa
no’n. Imposible po ang gusto n’yong mangyari.’
Nagalit si Nabucodonosor at iniutos niyang patayin lahat ang
marurunong na lalaki sa lupain. Kasama sa mga ito sina Daniel, Sadrac,
Mesac, at Abednego. Nakiusap si Daniel sa hari na bigyan siya ng
panahon. Pagkatapos, siya at ang mga kaibigan niya ay humingi ng
tulong kay Jehova. Ano ang ginawa ni Jehova?
Sa isang pangitain, ipinakita ni Jehova kay Daniel ang panaginip ni
Nabucodonosor at ang ibig sabihin nito. Kinabukasan, pumunta si Daniel
sa lingkod ng hari at sinabi: ‘Huwag n’yong patayin ang marurunong na
lalaki. Maipapaliwanag ko ang panaginip ng hari.’ Si Daniel ay dinala kay
Nabucodonosor. Sinabi ni Daniel sa hari: ‘Ipinakita sa inyo ng Diyos ang
mangyayari sa hinaharap. Ito po ang napanaginipan n’yo: Nakakita kayo
ng isang napakalaking estatuwa na ang ulo ay ginto, ang dibdib at mga
braso ay pilak, ang tiyan at mga hita ay tanso, ang mga binti ay bakal,
at ang mga paa ay magkahalong bakal at putik.
Pagkatapos, isang bato ang natibag mula sa
bundok, at tumama ito sa paa ng estatuwa.
Nadurog na parang pulbos ang estatuwa at
tinangay ito ng hangin. Ang bato ay
naging isang malaking bundok,
ˆ
at pinuno nito ang buong lupa.’
144
Sinabi pa ni Daniel: ‘At ito naman po ang ibig sabihin ng panaginip
n’yo: Ang inyong kaharian ang ulong ginto. Ang pilak ay ang kahariang
susunod sa inyo. ’Tapos, may isa namang parang tanso na mamamahala
sa buong lupa. Ang kasunod nitong kaharian ay matibay na parang
bakal. Pinakahuli, magkakaroon ng di-nagkakaisang kaharian na may
bahaging matibay na gaya ng bakal at may bahaging mahinang gaya ng
putik. Ang batong naging bundok ay ang Kaharian ng Diyos. Dudurugin
nito ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman.’
Sumubsob si Nabucodonosor sa paanan ni Daniel at nagsabi: ‘Sinabi
sa iyo ng iyong Diyos ang napanaginipan ko. Walang ibang Diyos na gaya
niya.’ Imbes na ipapatay si Daniel, siya ang inilagay ni Nabucodonosor
bilang pinuno ng lahat ng marurunong na lalaki at
tagapamahala ng buong distrito ng Babilonya.
Nakita mo ba kung paano sinagot ni Jehova
ang panalangin ni Daniel?
“Sila ay tinipon ng
mga ito sa lugar
na sa Hebreo
ay tinatawag
na Armagedon.”
—Apocalipsis 16:16
61 Hindi Sila Yumukod
Ilang panahon matapos mapanaginipan ni Haring Nabucodonosor
ang tungkol sa estatuwa, nagpagawa siya ng isang napakalaking
imaheng ginto. Ipinalagay niya ito sa kapatagan ng Dura at ipinatawag
ang lahat ng importanteng tao sa lupain, kasama na sina Sadrac,
Mesac, at Abednego, para magsama-sama sa harap ng estatuwa.
Iniutos ng hari: ‘Kapag narinig n’yo ang tunog ng trumpeta, alpa, at
pipa, yumukod kayo sa estatuwa! Ang hindi yumukod ay ihahagis sa
nag-aapoy na hurno.’ Yuyukod kaya sa estatuwa ang tatlong Hebreo,
o si Jehova lang ang sasambahin nila?
Iniutos ng hari na patugtugin ang musika. Yumukod ang lahat
at sumamba sa estatuwa, pero hindi yumukod sina Sadrac, Mesac,
at Abednego. Napansin ito ng ilang lalaki at nagsumbong sila sa
hari: ‘Ang tatlong Hebreong iyon ay ayaw sumamba sa estatuwa.’
Ipinatawag sila ni Nabucodonosor at sinabi: ‘Bibigyan ko kayo
ng isa pang pagkakataon na sumamba sa estatuwa. Kapag hindi
kayo sumunod, ipapahagis ko kayo sa hurno. Walang diyos na
makakapagligtas sa inyo.’ Sumagot sila: ‘Hindi na po namin kailangan
ng isa pang pagkakataon. Maililigtas kami ng aming
“Si Jehova na iyong Diyos. At kung hindi man, O mahal na hari, hindi pa rin
Diyos ang dapat kami sasamba sa estatuwa.’
mong sambahin, at ´ ´
siya lang ang dapat
Gal ıt na galıt si Nabucodonosor. Sinabihan niya ang
mong paglingkuran.” kaniyang mga tauhan: ‘Pitong beses n’yo pang painitin
—Mateo 4:10 ang hurno!’ Pagkatapos, inutusan niya ang mga sundalo:
146
‘Talian sila, at ihagis sa hurno!’ Sa sobrang init ng hurno, namatay agad
ang mga sundalo nang mapalapit sila dito. Bumagsak sa apoy ang
tatlong Hebreo. Pero nang silipin sila ni Nabucodonosor, apat na lalaki
ang nakita niyang naglalakad sa loob ng hurno imbes na tatlo. Natakot
siya at tinanong ang mga opisyal: ‘Tatlo lang ang ipinahagis ko, ’di ba?
E, bakit apat ang nakikita ko? At y’ong isa, parang anghel!’
Lumapit pa nang kaunti si Nabucodonosor at sumigaw: ‘Lumabas
´ ´
kayo, mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos!’ Gulat na gulat ang lahat
nang makita nilang lumalabas sina Sadrac, Mesac, at Abednego na
parang walang nangyari. Hindi nasunog ang kanilang balat, buhok,
´
at damit, at hindi man lang sila nangamoy sunog.
Sinabi ni Nabucodonosor: ‘Talagang makapangyarihan ang Diyos
nina Sadrac, Mesac, at Abednego. Nagpadala siya ng anghel para
iligtas sila. Walang katulad ang Diyos nila.’
Gaya ng tatlong Hebreo, desidido ka bang maging tapat kay Jehova
kahit ano’ng mangyari?
148
naging gaya ng mga kuko
ng ibon.
Pagkaraan ng pitong
taon, naging normal ulit si
Nabucodonosor at ibinalik siya
ni Jehova bilang hari ng Babilonya.
Pagkatapos, sinabi ni Nabucodonosor:
‘Purihin si Jehova, ang Hari ng langit.
Ngayon, alam ko nang si Jehova ang
Tagapamahala. Tinuturuan niyang
magpakumbaba ang mayayabang na
tao, at kaya niyang bigyan ng kaharian
ang sinumang gustuhin niya.’
“Ang pagmamataas
ay humahantong
sa pagbagsak, at
ang kayabangan
ay humahantong
sa pagkadapa.”
—Kawikaan 16:18
63 Ang Sulat sa Pader
Nang maglaon, si Belsasar ang naging hari ng Babilonya. Isang
gabi, nagpahanda siya ng maraming pagkain para sa isang libong
pinakaimportanteng tao sa lupain. Inutusan niya
ang kaniyang mga lingkod na ilabas ang mga
kopang ginto na kinuha ni Nabucodonosor sa
templo ni Jehova. Sa mga kopang iyon uminom
si Belsasar at ang mga bisita niya at pinuri nila ang
kanilang mga diyos. Biglang-bigla, isang kamay ng
tao ang lumitaw at sumulat ito ng misteryosong
mga salita sa pader ng silid-kainan.
´ ´
Takot na takot si Belsasar. Ipinatawag niya ang
mga madyikero at pinangakuan sila: ‘Ang sinumang
makapagpaliwanag ng mga salitang ito ay gagawin kong ikatlong
pinakamakapangyarihang tao sa Babilonya.’ Sinubukan nila, pero
walang makapagpaliwanag sa mga salita. Pumasok ang reyna at sinabi:
‘May isang lalaki, na ang pangalan ay Daniel, na dating nagpapaliwanag
kay Nabucodonosor ng mga bagay-bagay. Maipapaliwanag niya sa ’yo
ang mga salitang iyan.’
Pumunta si Daniel sa hari. Sinabi ni Belsasar sa kaniya: ‘Kapag nabasa
mo at naipaliwanag ang mga salitang ito, bibigyan kita ng gintong
kuwintas at gagawing pangatlo sa pinakamakapangyarihang tao sa
Babilonya.’ Sinabi ni Daniel: ‘Hindi ko kailangan ang mga regalo mo, pero
sasabihin ko sa iyo ang kahulugan ng mga salitang ito. Ang iyong amang
si Nabucodonosor ay mayabang, kaya tinuruan siya ni Jehova na maging
mapagpakumbaba. Alam mo ang nangyari sa kaniya,
pero hindi mo pa rin iginalang si Jehova nang uminom ka
“Bumagsak na siya! ng alak sa kopang ginto mula sa Kaniyang templo. Kaya
Bumagsak na ang isinulat ng Diyos ang mga salitang ito: Mene, Mene, Tekel,
Babilonyang Dakila,
at siya ay naging
at Parsin. Ibig sabihin, tatalunin ng mga Medo at
tahanan ng mga Persiano ang Babilonya, at hindi ka na magiging hari.’
demonyo.” Parang walang makakatalo sa Babilonya. Ang lunsod
—Apocalipsis 18:2
na ito ay protektado ng makakapal na pader at malalim
150
na ilog. Pero noon mismong gabing iyon, sumalakay ang mga Medo
at Persiano. Pinaagos ng Persianong si Haring Ciro ang ilog sa ibang
direksiyon para makadaan ang kaniyang mga sundalo papunta sa mga
´
pintuan ng lunsod. Pagdating nila doon, nakita nilang bukas ang mga
pintuan! Pinasok nila ang lunsod, sinakop ito, at pinatay ang hari.
Kaya si Ciro na ang naging tagapamahala ng Babilonya.
Wala pang isang taon, sinabi ni Ciro: ‘Inutusan ako ni Jehova na itayo
ulit ang kaniyang templo sa Jerusalem. Sinuman sa kaniyang bayan na
gustong tumulong dito ay makakaalis na.’ Kaya gaya ng ipinangako ni
Jehova, maraming Judio ang umuwi 70 taon matapos wasakin ang
Jerusalem. Ipinadala ni Ciro ang mga kopang ginto at pilak at mga
kagamitang kinuha ni Nabucodonosor sa templo. Nakita mo ba kung
paano ginamit ni Jehova si Ciro para tulungan ang Kaniyang bayan?
152
Nang gabing iyon, hindi makatulog si Dario
sa kaiisip kay Daniel. Kinabukasan, pinuntahan niya
si Daniel sa kuweba at nagtanong: ‘Iniligtas ka ba
ng iyong Diyos?’
May narinig na boses si Dario. Si Daniel iyon!
Sinabi niya kay Dario: ‘Itinikom ng anghel ni Jehova
ang bibig ng mga leon. Hindi man lang nila ako
sinaktan.’ Tuwang-tuwa si Dario! Iniutos niyang
ilabas si Daniel sa kuweba. Wala man lang kalmot si Daniel.
Pagkatapos, iniutos ng hari: ‘Ihagis n’yo sa kuweba ang mga
nagbintang kay Daniel.’ Pagkahagis sa kanila sa kuweba,
nilapa sila ng mga leon.
Naglabas si Dario ng utos: ‘Ang lahat ay
dapat matakot sa Diyos ni Daniel. Iniligtas “Alam ni Jehova kung
niya si Daniel mula sa mga leon.’ paano iligtas ang mga
taong may makadiyos
Araw-araw ka bang nananalangin kay na debosyon mula sa
Jehova, gaya ni Daniel? pagsubok.”—2 Pedro 2:9
155
66 Nagturo si Ezra ng Kautusan ng Diyos
Mga 70 taon na mula nang makabalik sa Jerusalem ang karamihan
sa mga Israelita, pero may ilan pa ring naninirahan sa iba’t ibang bahagi
ng Imperyo ng Persia. Isa na dito ang saserdoteng si Ezra, na nagturo
ng Kautusan ni Jehova. Nalaman ni Ezra na hindi sumusunod sa
Kautusan ang mga taga-Jerusalem, at gusto niyang pumunta doon
para tulungan sila. Sinabi ni Haring Artajerjes ng Persia kay Ezra:
‘Ginawa kang marunong ni Jehova para maituro mo ang kaniyang
Kautusan. Pumunta ka sa Jerusalem at isama mo ang lahat ng
gustong sumama.’ Nakipag-usap si Ezra sa lahat ng gustong bumalik
sa Jerusalem. Nanalangin muna sila kay Jehova na ingatan sila sa
paglalakbay, at saka sila umalis.
Makalipas ang apat na buwan, nakarating sila sa Jerusalem. Sinabi kay
Ezra ng mga prinsipeng nandoon: ‘Sinuway ng mga Israelita si Jehova at
nag-asawa ng mga babaeng sumasamba sa mga diyos-diyusan.’ Ano
ang ginawa ni Ezra? Sa harap ng mga Judio, lumuhod siya at nanalangin:
‘Diyos na Jehova, napakarami n’yo na pong nagawa para sa amin, pero
nagkakasala pa rin kami sa inyo.’ Nagsisi ang mga Judio, pero may
ginagawa pa rin silang hindi tama. Pumili si Ezra ng matatandang lalaki
at mga hukom para asikasuhin iyon. Nang sumunod na tatlong buwan,
ang mga hindi sumasamba kay Jehova ay pinaalis.
Lumipas ang 12 taon. Naitayo na ang pader ng Jerusalem. Kaya
pinapunta ni Ezra sa plasa ang mga Judio para basahin sa kanila ang
Kautusan ni Jehova. Nang buksan ni Ezra ang aklat, tumayo ang
lahat. Pinuri niya si Jehova, at itinaas ng mga Judio ang mga kamay
nila para ipakitang sang-ayon sila. ’Tapos, binasa at ipinaliwanag
ni Ezra ang Kautusan, at nakinig silang mabuti. Inamin nilang
sinuway na naman nila si Jehova, at napaiyak sila. Kinabukasan,
ipinagpatuloy ni Ezra ang pagbasa sa kanila ng Kautusan.
Nalaman nilang malapit na ang pagdiriwang ng Kapistahan
ng mga Kubol. Naghanda agad sila para dito.
156
Sa loob ng pitong araw ng kapistahan, nagsaya ang bayan at
nagpasalamat kay Jehova dahil sa magandang ani. Noon lang ulit
nagkaroon ng ganoong Kapistahan ng mga Kubol mula noong
panahon ni Josue. Pagkatapos ng kapistahan, nagtipon ang mga tao at
nanalangin: ‘Diyos na Jehova, iniligtas n’yo po kami sa pagkaalipin,
pinakain noong nasa disyerto, at binigyan ng magandang lupain. Pero
paulit-ulit namin kayong sinusuway. Nagpadala kayo ng mga propeta
para magbabala, pero hindi kami nakinig. Lagi pa rin kayong
nagpapasensiya sa amin. Tinupad n’yo ang inyong pangako kay
Abraham. Nangangako kami ngayon na susundin namin kayo.’ Isinulat
nila ang kanilang pangako, at tinatakan iyon
ng mga prinsipe, Levita, at mga saserdote.
158
“Anumang sandata ang
gawin para ipanlaban sa iyo
Sa loob lang ng 52 araw, natapos ang ay hindi magtatagumpay.”
mga pader at pinto. Pinapunta ni Nehemias —Isaias 54:17
sa Jerusalem ang lahat ng Levita para sa
inagurasyon. Hinati niya sila sa dalawang grupo ng mang-aawit.
Umakyat sila sa hagdan sa may Pintuang-Daan ng Bukal papunta sa
ibabaw ng pader. Nagmartsa sa magkabilang direksiyon ang bawat
grupo paikot sa lunsod. Tumugtog sila ng trumpeta, simbalo, at alpa
at kumanta para kay Jehova. Sumama si Ezra sa isang grupo, at si
Nehemias naman sa kabilang grupo, hanggang sa magtagpo sila sa
templo. Ang lahat—lalaki, babae, at mga bata—ay naghandog ng
mga hain kay Jehova at nagsaya. Dinig na dinig ang kanilang
masasayang tinig hanggang sa malayo.
MAHAHALAGANG ARAL
162
Si Juan ay magiging propeta, at ihahanda niya ang daan para
sa Mesiyas.’
May magandang balita rin sa kamag-anak ni Elisabet na si Maria.
Alamin natin kung ano iyon sa susunod na kabanata.
165
70 Ibinalita ng mga Anghel
na Ipinanganak si Jesus
Ang tagapamahala ng Imperyo ng Roma, si Cesar Augusto,
ay nag-utos na pabalikin sa kani-kanilang bayan ang lahat ng Judio
para magparehistro. Kaya umuwi sina Jose at Maria sa Betlehem,
na pinanggalingan ng pamilya ni Jose. Malapit nang manganak
noon si Maria.
Pagdating nila sa Betlehem, wala na silang matuluyan, kaya sa
kuwadra na lang sila pumunta. Doon ipinanganak ni Maria si Jesus.
Binalot niya ng malambot na tela ang sanggol at inilagay ito sa
sabsaban.
Malapit sa Betlehem, may mga pastol sa bukid na nagbabantay
ng mga tupa. Biglang may nagpakitang anghel at napalibutan sila
ng liwanag mula kay Jehova. Natakot ang mga pastol, pero sinabi
167
71 Iningatan ni Jehova si Jesus
Sa isang lupain sa silangan ng Israel, may mga taong naniniwalang
puwede silang akayin ng mga bituin. Isang gabi, may ilang lalaki mula
sa Silangan na nakakita ng isang parang bituing nagniningning sa
langit, at sinundan nila ito. Inakay sila ng “bituin” papunta sa
Jerusalem. Nagtanong-tanong doon ang mga lalaki: ‘Nasaan
ang batang magiging hari ng mga Judio? Nandito kami para
yumukod sa kaniya.’
Nabalitaan ni Herodes, na hari ng Jerusalem, ang tungkol sa
magiging bagong hari kaya nag-alala siya. Tinanong niya ang
mga punong saserdote: ‘Saan ipapanganak ang haring ito?’
Sinabi nila: ‘Ayon sa mga propeta, sa Betlehem daw ito
ipapanganak.’ Kaya ipinatawag ni Herodes ang mga lalaking
taga-Silangan at sinabi: ‘Pumunta kayo sa Betlehem at hanapin ang
batang iyon. Bumalik kayo dito at sabihin sa akin kung nasaan siya.
Gusto ko ding yumukod sa kaniya.’ Pero nagsisinungaling siya.
Naglakbay ulit ang “bituin.” Sinundan ito ng mga lalaki hanggang sa
Betlehem. Huminto ang “bituin” sa tapat ng isang bahay, at pumasok
doon ang mga lalaki. Nakita nila si Jesus at ang nanay niyang si Maria.
Yumukod sila sa bata at niregaluhan siya ng ginto, olibano, at mira.
Si Jehova nga ba ang nag-utos sa mga lalaking ito na hanapin
si Jesus? Hindi.
Nang gabing iyon, sinabi ni Jehova kay Jose sa panaginip:
‘Gustong patayin ni Herodes si Jesus. Tumakas kayo
papuntang Ehipto. Doon muna kayo tumira hanggang
sa sabihin kong puwede na kayong bumalik.’ Agad
na pumunta sa Ehipto si Jose at ang pamilya niya.
Sinabi ni Jehova sa mga lalaking taga-Silangan na
huwag silang babalik kay Herodes. Nang hindi bumalik
ang mga lalaki, nagalit si Herodes. Dahil hindi niya
mahanap si Jesus, nag-utos siyang patayin ang lahat
ng batang lalaki sa Betlehem na kaedad ni Jesus.
Pero ligtas na si Jesus; nasa Ehipto na siya.
168
Nang mamatay si Herodes, sinabi ni Jehova kay Jose: ‘Puwede
na kayong bumalik.’ Bumalik sina Jose, Maria, at Jesus sa Israel
at tumira sa Nazaret.
Tanong: Bakit nanganib ang buhay ni Jesus? Paano siya iningatan ni Jehova?
Mateo 2:1-23; Mikas 5:2
170
sa kaniya. At humanga sila sa mga sagot niya. Nakita nilang
naiintindihan niya ang Kautusan ni Jehova.
Alalang-alala sina Jose at Maria. Sinabi ni Maria: ‘Anak, kung
saan-saan ka namin hinanap! Saan ka nagpunta?’ Sinabi ni Jesus:
‘Hindi n’yo po ba alam na dapat ay nandito ako sa bahay ng aking
Ama?’
Sumama si Jesus sa mga magulang niya pauwi sa Nazaret. Tinuruan
siya ni Jose na magkarpintero. Ano’ng masasabi mo tungkol kay Jesus
noong bata siya? Habang lumalaki si Jesus, lalo siyang tumatalino,
at lalong natutuwa sa kaniya ang Diyos at ang mga tao.
Tanong: Saan nakita nina Jose at Maria si Jesus? Bakit siya nandoon?
Mateo 13:55, 56; Marcos 6:3; Lucas 2:40-52; 4:16; Deuteronomio 16:15, 16
172
Nagtanong din kay Juan ang mga saserdote
at mga Levita: ‘Sino ka nga ba? Gustong malaman
ng lahat.’ Sinabi ni Juan: ‘Ako ay isang tinig mula sa
´
ilang, na umaakay sa mga tao palapıt kay Jehova,
gaya ng inihula ni Isaias.’
Nagustuhan ng mga tao ang itinuturo ni Juan.
Iniisip ng marami kung si Juan ba ang Mesiyas. Pero
sinabi niya sa kanila: ‘May darating na mas dakila
kaysa sa akin. Hindi nga ako kuwalipikadong
magtanggal ng sintas ng kaniyang sandalyas.
Nagbabautismo ako sa tubig, pero siya ay
magbabautismo sa banal na espiritu.’
175
74 Si Jesus ay Naging Mesiyas
Ilang buwan na ring ipinangangaral ni Juan: ‘May darating na
´
mas dakila kaysa sa akin.’ Noong mga 30 taong gulang na si Jesus,
nagpunta siya sa Ilog Jordan galing sa Galilea. Sa ilog na iyon
nagbabautismo si Juan. Gusto ni Jesus na magpabautismo kay Juan,
pero sinabi ni Juan: ‘Ako ang dapat magpabautismo sa iyo, hindi ikaw
ang magpapabautismo sa akin.’ Sinabi ni Jesus kay Juan: ‘Gusto ni
Jehova na bautismuhan mo ako.’ Kaya lumusong sila sa Ilog Jordan,
at inilubog ni Juan si Jesus sa tubig.
Pag-ahon ni Jesus sa tubig, nanalangin siya. Nabuksan ang langit,
at ang espiritu ng Diyos ay bumaba sa kaniya na parang kalapati. At
nagsalita si Jehova mula sa langit: ‘Ikaw ang Anak ko, mahal kita at
natutuwa ako sa iyo.’
Nang bumaba kay Jesus ang espiritu ni Jehova, siya ay naging Kristo,
o Mesiyas. Sisimulan na niya ngayon ang ipinapagawa ni Jehova sa
kaniya sa lupa.
Pagkatapos mabautismuhan, agad na pumunta si Jesus sa ilang at
40 araw siyang nanatili doon. Pagbalik niya, pinuntahan niya si Juan.
Habang palapit si Jesus sa kaniya, sinabi ni Juan: ‘Siya ang Kordero ng
Diyos na mag-aalis sa kasalanan ng mga tao.’ Sinabi ito ni Juan para
malaman ng mga tao na si Jesus ang Mesiyas. Alam mo ba kung ano
ang nangyari kay Jesus habang nasa ilang siya? Alamin natin.
176
“Isang tinig ang nanggaling sa
langit: ‘Ikaw ang Anak ko, ang
minamahal ko at kinalulugdan.’ ”
—Marcos 1:11
75 Sinubok ng Diyablo si Jesus
Matapos bautismuhan, pinakilos ng banal na espiritu si Jesus na
´
magpunta sa ilang. Hindi siya kumain sa loob ng 40 araw kaya gutom
´
na gutom siya. Pagkatapos, dumating ang Diyablo at tinukso si Jesus:
‘Kung talagang Anak ka ng Diyos, sabihin mong maging tinapay ang
mga batong ito.’ Pero sumagot si Jesus mula sa Kasulatan: ‘Nakasulat
na hindi lang pagkain ang kailangan para mabuhay. Kailangan mong
makinig sa lahat ng sinasabi ni Jehova.’
Pagkatapos, hinamon ng Diyablo si Jesus: ‘Kung talagang Anak ka
ng Diyos, tumalon ka mula sa pinakamataas na lugar sa templo. Tutal,
nakasulat na ipapadala ng Diyos ang mga anghel para saluhin ka.’ Pero
ginamit ulit ni Jesus ang Kasulatan at sinabi: ‘Nakasulat na hindi mo
dapat subukin si Jehova.’
Sumunod, ipinakita ni Satanas kay Jesus ang lahat ng kaharian sa
mundo pati na ang kayamanan at kagandahan ng mga ito, at sinabi:
‘Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung sasambahin mo ako kahit isang
beses.’ Pero sumagot si Jesus: ‘Lumayas ka, Satanas! Nakasulat na si
Jehova lang ang dapat sambahin.’
Umalis ang Diyablo, at dumating
naman ang mga anghel para bigyan
si Jesus ng pagkain. Mula noon,
ipinangaral ni Jesus ang mabuting
balita ng Kaharian. Iyon ang gawaing
iniutos ng Diyos na gawin niya dito
sa lupa. Nagustuhan ng mga tao ang
mga turo ni Jesus, at sinundan nila
siya kahit saan siya magpunta.
179
76 Nilinis ni Jesus ang Templo
´
Noong taong 30 C.E., mga buwan ng Abril, pumunta si Jesus
sa Jerusalem. Marami ang dumating sa lunsod para sa Paskuwa.
Naghahandog sila ng mga hayop kasi bahagi iyon ng selebrasyon.
May mga nagdala ng sarili nilang hayop, at ang iba naman ay bumili
sa Jerusalem.
Pagpunta ni Jesus sa templo, nakita niya doon ang mga nagtitinda
ng hayop. Kumikita sila ng pera sa mismong bahay ng pagsamba kay
Jehova! Ano ang ginawa ni
Jesus? Gumawa siya ng
panghagupit na lubid at
itinaboy ang mga tupa at baka
palabas ng templo. Itinaob niya
ang mesa ng mga nagpapalit
ng pera at ibinuhos ang
180
kanilang mga barya. Sinabi ni Jesus sa mga nagbebenta ng kalapati:
‘Alisin n’yo dito ang mga iyan! Huwag kayong magnegosyo sa bahay
ng aking Ama!’
Nagulat ang mga tao sa ginawa ni Jesus. Naalaala ng mga alagad
niya ang hula tungkol sa Mesiyas: ‘Mag-aalab ang sigasig ko para sa
bahay ni Jehova.’
´
Noong taong 33 C.E., nilinis ulit ni Jesus ang templo. Hindi siya
papayag na lapastanganin o hindi igalang ng sinuman ang bahay
ng kaniyang Ama.
182
Samaritano: ‘Sa tingin ko, alam ko na kung sino
ang Mesiyas. Alam niya ang lahat ng tungkol sa
akin. Tara, puntahan natin siya!’ Sumama sila sa
kaniya pabalik sa balon at nakinig sa mga turo
ni Jesus.
Niyaya ng mga Samaritano si Jesus sa lunsod
nila. Dalawang araw siyang nagturo doon at
marami ang naniwala sa kaniya. Sinabi nila sa
Samaritana: ‘Matapos naming mapakinggan
ang lalaking ito, masasabi naming siya nga
ang magliligtas sa mundo.’
184
“Dapat ko ring ihayag sa ibang
mga lunsod ang mabuting balita
ng Kaharian ng Diyos dahil isinugo
ako para dito.”—Lucas 4:43
185
79 Gumawa si Jesus ng Maraming Himala
Dumating si Jesus sa lupa para ipahayag ang mabuting balita ng
Kaharian ng Diyos. Para ipakita ang gagawin ni Jesus kapag Hari na
siya, binigyan siya ni Jehova ng banal na espiritu para makagawa ng
mga himala. Ang lahat ng sakit ay kaya niyang pagalingin. Kahit saan
siya pumunta, sinusundan siya ng mga maysakit, at pinagaling niya
silang lahat. Nakakita ang mga bulag, nakarinig ang mga bingi,
nakalakad ang mga paralisado, at nakalaya ang mga sinapian ng
demonyo. Mahawakan lang nila ang dulo ng damit niya, gumagaling
na sila. Sinundan ng mga tao si Jesus kahit saan. Kahit noong gusto
niyang mapag-isa, hindi itinaboy ni Jesus ang sinuman.
Minsan, isang lalaking paralisado ang dinala ng mga tao sa bahay
na tinutuluyan ni Jesus. Pero punong-puno ng tao ang bahay kaya
hindi sila makapasok. Kaya binutas nila ang bubong at ibinaba ang
lalaki kay Jesus. Sinabi ni Jesus sa lalaki: ‘Tumayo ka at lumakad.’
Nang makalakad ito, humanga ang mga tao.
Minsan naman, pagpasok ni Jesus sa isang
“Inatasan siya ng Diyos nayon, may 10 lalaking ketongin sa malayo na
sa pamamagitan ng banal sumisigaw: ‘Jesus, tulungan mo kami!’ Noon,
na espiritu at binigyan ng ang mga ketongin ay hindi pinapayagang
kapangyarihan, at lumibot lumapit sa mga tao. Sinabihan ni Jesus ang
siya sa lupain habang
gumagawa ng mabuti at mga lalaki na pumunta sa templo. Iyon kasi ang
pinagagaling ang lahat ng sinasabi ng Kautusan ni Jehova na dapat gawin
pinahihirapan ng Diyablo, ng mga may ketong kapag magaling na sila.
dahil sumasakaniya ang Naglalakad pa lang sila papunta sa templo,
Diyos.”—Gawa 10:38
gumaling na sila. Nang makita ng isa sa mga
186
lalaking may ketong na magaling na siya, bumalik siya para
magpasalamat kay Jesus at purihin ang Diyos. Sa 10 ketongin,
ang isang ito lang ang nagpasalamat kay Jesus.
Isang babaeng 12 taon nang may sakit ang gustong-gusto nang
gumaling. Nagpunta siya sa likuran ni Jesus at hinawakan ang dulo ng
damit nito. Gumaling siya agad. Nagtanong si Jesus: “Sino ang humipo
´ ´
sa akin?” Takot na takot ang babae, pero lumapit siya kay Jesus at
sinabi ang totoo. Pinakalma ni Jesus ang babae at sinabi: ‘Anak,
umuwi ka na at huwag nang mag-alala.’
Isang opisyal na ang pangalan ay Jairo ang nagmakaawa kay Jesus:
‘Pumunta ka sa amin! Malubha ang anak ko.’ Pero bago pa man
makarating si Jesus sa bahay ni Jairo, namatay na ang bata. Nang
dumating si Jesus, nakita niyang marami ang nandoon para makiramay
sa pamilya. Sinabi ni Jesus: ‘Huwag kayong umiyak; natutulog lang siya.’
Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi: ‘Dalagita,
bumangon ka!’ Agad na umupo ang bata, at sinabi ni Jesus sa mga
magulang na pakainin ito. Tiyak na ang saya-saya ng mga magulang niya!
187
80 Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol
Isa’t kalahating taon nang nangangaral si Jesus, at ngayon ay may
importanteng desisyon siyang dapat gawin. Sino ang pipiliin niyang
makasama lagi sa gawain? Sino ang sasanayin niya para manguna
sa kongregasyong Kristiyano? Para makagawa ng desisyon, humingi
si Jesus ng tulong kay Jehova. Umakyat siya sa bundok para
mapag-isa, at nanalangin nang buong gabi. Kinaumagahan, tinawag
niya ang ilan sa mga alagad at pumili sa kanila ng 12 apostol. Anong
mga pangalan ang natatandaan mo? Ang mga pangalan nila ay
Pedro, Andres, Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Tomas, Mateo,
Santiago na anak ni Alfeo, Tadeo, Simon, at Hudas Iscariote.
Ang Labindalawa ay maglalakbay kasama ni Jesus. Matapos niya
silang sanayin, isinugo niya sila para mangaral. Binigyan sila ni
Andres Jehova ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at
magpagaling ng mga maysakit.
Ang Labindalawa ay tinawag ni Jesus na mga kaibigan,
at nagtiwala siya sa kanila. Akala ng mga Pariseo, walang
Pedro
Santiago
Juan
Felipe
188
pinag-aralan at ordinaryo lang ang mga apostol. Pero sinanay
sila ni Jesus para sa gawain. Makakasama sila ni Jesus sa
pinakaimportanteng panahon ng buhay niya, gaya ng bago
siya mamatay at matapos siyang buhaying muli. Karamihan
sa Labindalawa ay mga taga-Galilea, gaya ni Jesus. Ang ilan
sa kanila ay may asawa.
Ang mga apostol ay hindi sakdal at nagkakamali. Kung minsan,
nagsasalita sila nang hindi muna nag-iisip at nakakagawa ng
maling desisyon. Kung minsan naman, madaling uminit ang ulo
nila. Nagtalo-talo pa nga sila kung sino sa kanila ang mas
importante. Pero mabubuting tao sila at mahal nila si Jehova.
Sila ang magpapasimula ng mga kongregasyong Kristiyano
Simon
kapag wala na sa lupa si Jesus.
Tomas
Hudas
Iscariote
Mateo
Santiago na
anak ni Alfeo
81 Ang Sermon sa Bundok
Matapos pumili ng 12 apostol, bumaba si Jesus sa bundok at pumunta
sa lugar kung saan nagkatipon ang maraming tao. Galing ang mga ito sa
Galilea, Judea, Tiro, Sidon, Sirya, at sa kabila ng Jordan. Nandoon din
ang mga maysakit at mga pinahihirapan ng mga demonyo. Pinagaling
silang lahat ni Jesus. Pagkatapos, umupo siya sa gilid ng bundok at
nagsalita. Ipinaliwanag niya ang dapat nating gawin kung gusto nating
maging kaibigan ng Diyos. Dapat nating isipin na kailangan natin si
Jehova at dapat natin siyang mahalin. Pero hindi natin masasabing
mahal natin ang Diyos kung hindi natin mahal ang ibang tao. Dapat
tayong maging mabait sa lahat, kahit sa mga kaaway natin.
Sinabi ni Jesus: ‘Hindi lang mga kaibigan n’yo ang dapat n’yong
mahalin. Dapat n’yo ring mahalin ang mga kaaway n’yo at magpatawad
kayo nang buong puso. Kung may nagalit sa inyo, puntahan n’yo agad
at humingi kayo ng tawad. Gawin n’yo sa iba ang gusto n’yong gawin
nila sa inyo.’
190
Maganda rin ang mga payo ni Jesus tungkol sa materyal na mga
bagay. Sinabi niya: ‘Mas mahalagang maging kaibigan ni Jehova kaysa
magkaroon ng maraming pera. Ang pera ay nananakaw, pero ang
pakikipagkaibigan n’yo kay Jehova ay hindi nananakaw. Huwag na
kayong mag-alala kung ano ang inyong kakainin, iinumin, o isusuot.
Tingnan n’yo ang mga ibon. Lagi silang binibigyan ng Diyos ng pagkain.
Kung mag-aalala kayo, hindi naman madaragdagan ng isang araw ang
inyong buhay. Tandaan, alam ni Jehova kung ano ang kailangan n’yo.’
Kay Jesus lang nila narinig ang ganoong paraan ng pagtuturo. Hindi
itinuro sa kanila ng mga lider ng kanilang relihiyon ang mga bagay na
iyon. Bakit napakahusay magturo ni Jesus? Kasi, galing kay Jehova
ang lahat ng itinuturo niya.
“Pasanin ninyo ang pamatok ko at
Tanong: Ano ang dapat nating gawin para maging matuto kayo sa akin, dahil ako ay
kaibigan ni Jehova? Para matuwa si Jehova, mahinahon at mapagpakumbaba,
paano mo dapat pakitunguhan ang iba? at magiginhawahan kayo.”
Mateo 4:24–5:48; 6:19-34; 7:28, 29; Lucas 6:17-31
—Mateo 11:29
82 Tinuruan ni Jesus ang mga Alagad
Kung Paano Manalangin
Gustong-gusto ng mga Pariseo na hangaan sila ng mga tao. Gumagawa
sila ng mabuti para mapansin ng iba. Nananalangin sila sa mga lugar
na maraming tao para makita sila. Ang mga Pariseo ay nagsasaulo ng
mahahabang panalangin at inuulit-ulit nila iyon sa mga sinagoga at sa
mga kalye para marinig ng mga tao. Kaya nagtaka ang mga tao nang
sabihin ni Jesus: ‘Huwag n’yong gayahin ang mga Pariseo kapag
nananalangin kayo. Akala nila, hahangaan sila ng Diyos kapag gumagamit
sila ng maraming salita, pero hindi. Ang panalangin ay pakikipag-usap mo
kay Jehova. Hindi dapat na saulado ang mga panalangin. Gusto ni Jehova
na sabihin mo sa kaniya kung ano talaga ang nasa loob mo.
‘Ganito kayo dapat manalangin: “Ama namin na nasa langit,
pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang
iyong Kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano
sa langit, gayundin sa lupa.”’ Sinabi din ni Jesus na dapat silang
manalangin para humiling ng pagkain sa araw na iyon, humingi ng tawad
sa kanilang mga kasalanan, at para sa iba pang personal na mga bagay.
Sinabi ni Jesus: ‘Palagi kayong manalangin. Palagi kayong humingi ng
mabubuting bagay sa inyong Amang si Jehova. Lahat ng magulang ay
gustong magbigay ng mabubuting bagay sa kanilang anak. Kapag
humingi ang anak n’yo ng tinapay, bibigyan n’yo ba siya ng bato?
Kapag humingi siya ng isda, bibigyan n’yo ba siya ng ahas?’
Ipinaliwanag ni Jesus ang mga aral: ‘Kung kayo ay marunong
magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, lalo na ang
inyong Ama, si Jehova. Magbibigay siya ng banal na espiritu, basta
humingi lang kayo.’ Sinusunod mo ba ang payo ni Jesus? Ano-ano
ang mga ipinapanalangin mo?
Tanong: Ano ang sinabi ni Jesus para turuan ang mga alagad niya kung paano
mananalangin? Ipinapanalangin mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo?
Mateo 6:2-18; 7:7-11; Lucas 11:13
193
83 Nagpakain si Jesus ng Libo-libo
´
Bago ang Paskuwa noong taong 32 C.E., bumalik ang mga
´
apostol galing sa pangangaral. Pagod sila, kaya isinama sila ni Jesus
sa Betsaida sakay ng bangka para makapagpahinga. Pero nang
malapit na sila sa baybayin, nakita ni Jesus na libo-libong tao na ang
nag-aabang sa kanila. Kahit gusto ni Jesus na magpahinga kasama ng
mga apostol niya, tinanggap pa rin niya ang mga tao. Pinagaling niya
ang mga maysakit at tinuruan sila. Maghapon silang tinuruan ni Jesus
tungkol sa Kaharian ng Diyos. Nang pagabi na, sinabi sa kaniya ng mga
´
apostol: ‘Siguradong gutom na ang mga tao. Pauwiin mo na sila para
makakain.’
Sinabi ni Jesus: ‘Hindi sila kailangang umalis. Bigyan n’yo sila
ng pagkain.’ Nagtanong ang mga apostol: ‘Gusto mo bang ibili namin
sila ng tinapay?’ Sinabi ng apostol na
si Felipe: ‘Kahit marami tayong pera,
hindi tayo makakabili ng tinapay na
magkakasya sa ganito karaming tao.’
Nagtanong si Jesus: ‘Gaano ba
karami ang pagkain natin?’ Sinabi ni
Andres: ‘May limang tinapay tayo at
dalawang maliliit na isda. Hindi ito
kasya.’ Sinabi ni Jesus: ‘Dalhin n’yo sa
akin ang tinapay at isda.’ Sinabi niya
sa mga tao na maggrupo-grupo nang
tig-50 at tig-100 at saka umupo sa
damuhan. Kinuha ni Jesus ang
tinapay at isda, tumingala sa langit,
at nanalangin. Pagkatapos, ibinigay
niya ang pagkain sa mga apostol, at
ibinigay naman nila ito sa mga tao.
Ang 5,000 lalaki, pati na ang mga
babae at mga bata, ay kumaing lahat
“Gumawa kayo, hindi
para sa pagkaing
hanggang sa mabusog. Pagkatapos, kinuha nasisira, kundi para
ng mga apostol ang mga natirang pagkain para sa di-nasisirang pagkain
walang masayang. Nakapuno sila ng 12 basket! na nagbibigay ng buhay
na walang hanggan, na
Kahanga-hanga ang himalang iyon, ’di ba? ibibigay sa inyo ng Anak
Hangang-hanga ang mga tao kaya gusto nilang ng tao.”—Juan 6:27
gawing hari si Jesus. Pero alam ni Jesus na hindi
pa iyon ang itinakdang panahon ni Jehova para maging hari siya.
Kaya pinauwi ni Jesus ang mga tao at pinapunta ang mga apostol
sa kabilang panig ng Dagat ng Galilea. Sumakay sila sa bangka,
at umakyat naman si Jesus sa bundok. Bakit? Kasi gusto niyang
manalangin sa kaniyang Ama. Kahit maraming ginagawa si Jesus,
lagi pa rin siyang may panahong manalangin.
195
84 Naglakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
Si Jesus ay hindi lang nakakapagpagaling ng maysakit at
nakakabuhay ng patay. Nakokontrol din niya ang hangin at ulan.
Matapos manalangin sa bundok, tumingin si Jesus sa Dagat ng Galilea
at nakita niyang may bagyo. Nasa bangka ang kaniyang mga apostol at
´ ´
hirap na hirap sa pagsagwan dahil sa lakas ng hangin. Bumaba si Jesus
at naglakad sa tubig papunta sa bangka. Nang makita ng mga apostol
na may naglalakad sa ibabaw ng tubig, natakot sila. Pero sinabi ni
Jesus: ‘Ako ito. Huwag kayong matakot.’
Sinabi ni Pedro: ‘Panginoon, kung talagang ikaw ’yan, papuntahin
mo ako diyan sa iyo.’ Sinabi ni Jesus: ‘Halika.’ Kaya sa gitna ng bagyo,
bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa ibabaw ng tubig papunta
kay Jesus. Pero noong malapit na siya kay Jesus, napatingin siya sa
bagyo at natakot. Naramdaman niyang lumulubog siya. Sumigaw si
Pedro: ‘Panginoon, tulungan mo ako!’ Agad na hinawakan ni Jesus
ang kamay ni Pedro at sinabi: ‘Bakit ka nagduda? Nasaan ang
iyong pananampalataya?’
Sumampa si Jesus at si Pedro sa bangka, at biglang tumigil ang
bagyo. Naiisip mo ba kung ano ang naramdaman ng mga apostol?
Sinabi nila: ‘Talagang ikaw ang Anak ng Diyos.’
Hindi lang iyan ang pagkakataong kinontrol ni Jesus ang lagay ng
panahon. Minsan, habang naglalayag si Jesus at ang kaniyang mga
apostol papunta sa kabilang ibayo ng dagat, natulog si Jesus sa may
likuran ng bangka. Nagkaroon ng napakalakas na bagyo. Hinampas ng
mga alon ang bangka, at pinasok ito ng tubig. Ginising ng mga apostol
si Jesus, at sumigaw: ‘Guro, mamamatay na kami! Tulong!’ Bumangon
si Jesus at sinabi sa dagat: “Tumahimik ka!” Biglang tumahimik ang
hangin at ang dagat. Tinanong ni Jesus ang mga apostol: ‘Nasaan ang
inyong pananampalataya?’ Sinabi nila sa isa’t isa: ‘Kahit ang hangin at
ang dagat ay sumusunod sa kaniya.’ Natutuhan ng mga apostol na
kung talagang magtitiwala sila kay Jesus, hindi sila matatakot sa
anumang bagay.
196
Tanong: Bakit nagsimulang lumubog si Pedro?
Ano ang natutuhan ng mga apostol mula kay Jesus?
Mateo 8:23-27; 14:23-34; Marcos 4:35-41; 6:45-52;
Lucas 8:22-25; Juan 6:16-21
198
ngayon ang anak n’yo?’ Natakot ang mga magulang ng lalaki
dahil sinabi ng mga Pariseo na ang sinumang manampalataya
kay Jesus ay hindi na tatanggapin sa sinagoga. Kaya sumagot
sila: ‘Hindi namin alam. Siya ang tanungin n’yo.’ Paulit-ulit na
tinanong ng mga Pariseo ang lalaki hanggang sa sabihin nito:
‘Nasabi ko na sa inyo ang lahat. Bakit tanong pa kayo nang
tanong?’ Nagalit sa kaniya ang mga Pariseo at pinalayas siya.
Hinanap ni Jesus ang lalaki, at tinanong: ‘Naniniwala ka ba sa
Mesiyas?’ Sinabi ng lalaki: ‘Oo, kung makikilala ko siya.’ Sinabi ni
Jesus: ‘Ako ang Mesiyas.’ Ang bait ni Jesus, ’di ba? Hindi lang
niya pinagaling ang lalaki, tinulungan din niya itong magkaroon
ng pananampalataya.
200
“Ang tunay na Diyos ay isang
Diyos na nagliligtas; at si
nagsugo sa akin.’ Pagkatapos, sumigaw Jehova na Kataas-taasang
siya: “Lazaro, lumabas ka!” Kahanga-hanga Panginoon ay nagliligtas
ang nangyari: Lumabas nga sa libingan si mula sa kamatayan.”
Lazaro, na nababalutan pa ng tela. Sinabi ni —Awit 68:20
Jesus: ‘Kalagan n’yo siya.’
Marami sa mga nakakita ng pangyayari ang nanampalataya kay
Jesus. Pero may mga nagsumbong sa mga Pariseo. Mula noon,
gusto nang patayin ng mga Pariseo sina Lazaro at Jesus. Isa sa
12 apostol, si Hudas Iscariote, ang palihim na pumunta sa mga
Pariseo at nagtanong: ‘Magkano’ng ibibigay n’yo sa akin kung
tutulungan ko kayong mahanap si Jesus?’ Nagkasundo ang mga
Pariseo na bayaran siya ng 30 pirasong pilak, at naghanap na
si Hudas ng pagkakataon para ipahuli si Jesus sa kanila.
203
87 Ang Huling Hapunan ni Jesus
Taon-taon, ipinagdiriwang ng mga Judio ang Paskuwa tuwing
ika-14 na araw ng buwan ng Nisan. Ito ay para maalaala nila kung
paano sila pinalaya ni Jehova mula sa pagkaalipin sa Ehipto at dinala
´
sa Lupang Pangako. Noong taong 33 C.E., ipinagdiwang ni Jesus at
ng mga apostol ang Paskuwa sa isang kuwarto sa itaas ng bahay sa
Jerusalem. Bago matapos ang hapunan, sinabi ni Jesus: ‘Isa sa inyo
ang magtatraidor sa akin.’ Nagulat ang mga apostol, at nagtanong:
‘Sino?’ Sinabi ni Jesus: ‘Kung kanino ko ibibigay ang tinapay na ito,
siya iyon.’ Ibinigay niya ang tinapay kay Hudas Iscariote. Agad na
tumayo si Hudas at umalis.
Pagkatapos, nanalangin si Jesus, pinagputol-putol ang tinapay,
at ibinigay sa natitirang mga apostol. Sinabi niya: ‘Kainin n’yo.
Simbolo iyan ng aking katawan, na ibibigay ko para sa inyo.’ Sumunod,
nanalangin siya para sa alak, at ipinasa ito sa mga apostol. Sinabi niya:
‘Inumin n’yo. Simbolo ’yan ng aking dugo, na ibibigay ko para sa
kapatawaran ng mga kasalanan. Pangako, magiging hari kayo sa langit
kasama ko. Gawin ninyo ito taon-taon para alalahanin ako.’ Ang mga
tagasunod ni Jesus ay nagtitipon pa rin taon-taon sa petsang iyan.
Ang pagtitipong ito ay tinatawag ngayong Hapunan ng Panginoon.
204
Pagkatapos ng hapunan, nagtalo-talo “Huwag kayong matakot,
munting kawan, dahil
ang mga apostol kung sino sa kanila ang ibinigay sa inyo ng inyong
pinakaimportante. Pero sinabihan sila ni Ama ang Kaharian.”
Jesus: ‘Ang pinakamababa ang tingin sa —Lucas 12:32
sarili ang siyang pinakaimportante.
‘Kaibigan ko kayo. Sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ipinapasabi
ng aking Ama. Malapit na akong umakyat sa aking Ama sa langit.
Maiiwan kayo, at malalaman ng mga tao na kayo ay aking mga alagad
kung mahal ninyo ang isa’t isa. Mahalin ninyo ang isa’t isa gaya ng
pagmamahal ko sa inyo.’
Pagkatapos, nanalangin si Jesus, at humiling kay Jehova na ingatan
ang mga alagad. Hiniling niyang tulungan sila ni Jehova na magkaisa.
Nanalangin siyang mapabanal ang pangalan ni Jehova. Umawit si
Jesus at ang mga apostol para purihin si Jehova, at pagkatapos ay
lumabas na sila. Malapit nang arestuhin si Jesus.
Tanong: Ano ang ipinangako ni Jesus sa mga apostol? Ano ang mahalagang aral
na itinuro ni Jesus sa mga apostol noong huling hapunan niya na kasama sila?
Mateo 26:20-30; Lucas 22:14-26; Juan 13:1, 2, 26, 30, 34, 35; 15:12-19; 17:3-26
205
88 Inaresto si Jesus
Dumaan si Jesus at ang mga apostol sa Libis ng Kidron papunta sa
Bundok ng mga Olibo. Pasado alas dose na ng gabi noon, at kabilugan
ng buwan. Pagdating nila sa hardin ng Getsemani, sinabi ni Jesus sa
mga apostol: ‘Dito lang kayo. Patuloy kayong magbantay.’ Lumayo pa
nang kaunti si Jesus at lumuhod. Dahil nahihirapan ang kalooban niya,
nanalangin siya kay Jehova: ‘Mangyari nawa ang iyong kalooban.’
Pagkatapos, nagpadala si Jehova ng anghel para palakasin si Jesus.
Pagbalik ni Jesus sa mga apostol, nakita niyang natutulog ang tatlo.
Sinabi niya: ‘Gumising kayo! Hindi ito oras para matulog! Oras na para
ibigay ako sa kamay ng mga kaaway ko.’
Mayamaya, dumating si Hudas at ang mga kasama niya na may
dalang mga espada at pamalo. Alam niya kung saan makikita si Jesus
kasi lagi silang pumupunta sa harding iyon. Sinabi ni Hudas sa mga
sundalo na ituturo niya sa kanila si Jesus. Lumapit siya kay Jesus at
sinabi: ‘Magandang gabi, Guro,’ at hinalikan ito. Sinabi ni Jesus: ‘Hudas,
tinatraidor mo ba ako sa isang halik?’
Hinarap ni Jesus ang mga kasama ni Hudas at tinanong: ‘Sino’ng
hinahanap n’yo?’ Sinabi nila: “Si Jesus na Nazareno.” Sumagot siya:
‘Ako ang hinahanap ninyo.’ Napaatras ang mga lalaki at natumba.
Tinanong ulit sila ni Jesus: ‘Sino’ng hinahanap n’yo?’ Sinabi ulit nila:
“Si Jesus na Nazareno.” Sumagot si Jesus: ‘Ako nga iyon. Huwag
n’yong idamay ang mga lalaking ito.’
Nang maintindihan ni Pedro ang
nangyayari, humugot siya ng espada
at tinagpas ang tainga ni Malco, isang
lingkod ng mataas na saserdote. Pero
hinawakan ni Jesus ang tainga nito at
pinagaling. Pagkatapos, sinabi ni Jesus
kay Pedro: ‘Ibalik mo ang espada sa
lalagyan nito. Ang lahat ng gumagamit
ng espada ay namamatay sa espada.’
206
Hinuli ng mga sundalo si Jesus at tinalian ang mga kamay niya.
Tumakas ang mga apostol. Dinala ng mga lalaki si Jesus kay Anas,
ang punong saserdote. Pinagtatanong ni Anas si Jesus at pagkatapos
ay ipinadala siya sa bahay ng mataas na saserdoteng si Caifas. Pero
ano ang nangyari sa mga apostol?
208
at sinuntok. Sinabi nila: ‘Kung propeta ka, hulaan mo kung sino’ng
sumuntok sa iyo!’
Pagsikat ng araw, dinala nila si Jesus sa Sanedrin at tinanong siya
ulit: ‘Ikaw ba ang Anak ng Diyos?’ Sumagot si Jesus: ‘Kayo mismo ang
nagsasabi niyan.’ Sinabi nilang nagkasala siya ng paglapastangan sa
Diyos at dinala nila siya sa palasyo ni Poncio Pilato, ang Romanong
gobernador. Ano ang nangyari pagkatapos nito? Tingnan natin.
210
“Gaano man karami ang
mga pangako ng Diyos,
at ng Kabanal-banalan. Sinabi ng isang ang mga iyon ay naging
opisyal ng hukbo: ‘Ito nga talaga ang Anak ‘oo’ sa pamamagitan niya.”
ng Diyos.’ —2 Corinto 1:20
212
propeta? Sinabi nilang mamamatay ang Kristo at bubuhaying muli.’
Ipinaliwanag pa niya ang Kasulatan sa kanila. Pagdating nila sa Emaus,
niyaya ng mga alagad ang lalaki. Noong kakain na sila ng hapunan,
nanalangin ang lalaki para sa tinapay. Saka lang naisip ng mga alagad
na si Jesus iyon. Pagkatapos, nawala na siya.
Pumunta agad ang dalawang alagad na ito sa isang bahay
sa Jerusalem na kinaroroonan ng mga apostol at ikinuwento ang
nangyari. Habang nasa loob sila ng bahay, nagpakita si Jesus sa kanila.
Noong una, hindi makapaniwala ang mga apostol na si Jesus iyon.
’Tapos, sinabi niya: ‘Tingnan n’yo ang mga kamay ko; hawakan n’yo
ako. Nakasulat na bubuhaying muli ang Kristo mula sa mga patay.’
215
93 Bumalik si Jesus sa Langit
Sa Galilea, nakipagkita si Jesus sa mga tagasunod niya. Binigyan niya
sila ng napakahalagang utos: ‘Humayo kayo at gumawa ng mga alagad
mula sa lahat ng lupain. Ituro n’yo sa kanila ang mga itinuro ko sa inyo,
at bautismuhan sila.’ Pagkatapos, nangako siya: ‘Tandaan ninyo, lagi
n’yo akong kasama.’
Sa loob ng 40 araw matapos siyang buhaying muli, nagpakita
si Jesus sa daan-daang alagad niya sa Galilea at Jerusalem. Tinuruan
niya sila ng mahahalagang aral at gumawa siya ng maraming himala.
’Tapos, nakipagkita si Jesus sa kaniyang mga apostol sa huling
pagkakataon, sa Bundok ng mga Olibo. Sinabi niya: ‘Huwag kayong
umalis sa Jerusalem. Patuloy n’yong hintayin ang ipinangako ng Ama.’
Hindi naintindihan ng mga apostol ang gusto niyang sabihin.
Nagtanong sila: ‘Magiging Hari ka na ba ngayon ng Israel?’ Sinabi ni
Jesus: ‘Hindi pa ito ang panahong itinakda ni Jehova para maging Hari
ako. Malapit na kayong tumanggap ng kapangyarihan sa pamamagitan
ng banal na espiritu, at magiging mga saksi ko kayo. Mangaral kayo sa
Jerusalem, Judea, Samaria, at sa pinakamalayong lugar sa lupa.’
Pagkatapos, umangat si Jesus sa langit at natakpan siya ng ulap.
Nakatingala pa rin ang mga alagad, pero wala na si Jesus.
Umalis ang mga alagad sa Bundok ng mga Olibo at pumunta sa
Jerusalem. Lagi silang nagtitipon at nananalangin sa kuwarto sa itaas
ng isang bahay. Hinihintay nila ang karagdagang utos na ibibigay ni
Jesus.
216
14
Ipinangaral ng unang mga Kristiyano ang mabuting balita ng
Kaharian hanggang sa pinakamalayong lugar sa lupa. Sinabi ni
Jesus kung saan sila mangangaral at makahimala silang binigyan
ng kakayahang magsalita ng iba’t ibang wikang ginagamit ng mga
tao para maturuan nila ang mga ito. Binigyan sila ni Jehova ng
katapangan at kapangyarihan para maharap nila ang pag-uusig.
Binigyan ni Jesus si apostol Juan ng pangitain tungkol sa
kaluwalhatian ni Jehova. Sa isa pang pangitain, nakita ni Juan na tinalo
ng Kaharian ng langit si Satanas at winakasan magpakailanman ang
pamamahala nito. Nakita ni Juan na namamahala si Jesus bilang Hari
pati na ang 144,000 kasamang tagapamahala. Nakita rin ni Juan na
naging paraiso ang buong lupa, at ang lahat ay payapa at nagkakaisang
sumasamba kay Jehova.
MAHAHALAGANG ARAL
˛ Ialay ang iyong buhay kay Jehova, at ipakitang gusto mong maging sakop
ng kaniyang Kaharian
220
“Kung hayagan mong sinasabi
siyang muli ni Jehova. Sinabi ni Pedro: ‘Nasa sa pamamagitan ng iyong bibig
langit na ngayon si Jesus sa kanan ng Diyos, na si Jesus ay Panginoon, at
at ibinuhos niya ang ipinangakong banal na nananampalataya ka sa puso mo
na binuhay siyang muli ng Diyos,
espiritu. Iyan ang dahilan kung bakit nakita ikaw ay maliligtas.”—Roma 10:9
n’yo at narinig ang mga himalang ito.’
Napakilos ang mga tao sa pananalita ni Pedro, kaya nagtanong
sila: ‘Ano’ng gagawin namin?’ Sinabi niya sa kanila: ‘Magsisi kayo at
magpabautismo sa pangalan ni Jesus. Makakatanggap din kayo ng
banal na espiritu.’ Nang araw na iyon, mga 3,000 ang nabautismuhan.
Mula noon, mabilis na dumami ang mga alagad sa Jerusalem. Sa tulong
ng banal na espiritu, nagtatag ang mga apostol ng marami pang
kongregasyon para maituro nila sa mga alagad ang lahat ng iniutos
ni Jesus sa kanila.
221
95 Walang Makapigil sa Kanila
Isang lalaking lumpo ang umuupo at namamalimos araw-araw sa
may pintuan ng templo. Isang araw, nakita niya sina Pedro at Juan
na papunta sa templo. Sinabi niya: ‘Palimos po.’ Sinabi ni Pedro:
‘May ibibigay ako sa iyo na mas mahalaga kaysa sa pera. Sa pangalan
ni Jesus, tumayo ka at lumakad!’ Tinulungan ni Pedro na tumayo ang
lalaki, at nagsimula itong maglakad! Tuwang-tuwa ang mga tao sa
himalang ito kaya marami pa ang nanampalataya.
Pero nagalit ang mga saserdote at mga Saduceo. Hinuli nila ang
mga apostol, dinala sa hukuman, at tinanong: ‘Sino ang nagbigay sa
inyo ng kapangyarihang pagalingin ang lalaking ito?’ Sinabi ni Pedro:
‘Tumanggap kami ng kapangyarihan mula kay Jesu-Kristo, ang lalaking
pinatay ninyo.’ Sumigaw ang mga lider ng relihiyon: ‘Huwag na kayong
magturo tungkol kay Jesus!’ Pero sinabi ng mga apostol: ‘Dapat
kaming magturo tungkol sa kaniya. Hindi kami titigil.’
Nang makalaya sina Pedro at Juan, pumunta sila sa ibang alagad
at ikinuwento ang nangyari. Nanalangin sila kay Jehova: ‘Tulungan
n’yo po kaming maging matapang para maipagpatuloy namin
ang inyong gawain.’ Binigyan sila ni Jehova ng banal na
espiritu, at patuloy silang nangaral at nagpagaling.
Dumami pa ang naging Kristiyano. Inggit na inggit ang
mga Saduceo kaya ipinahuli nila ang mga apostol at
ipinabilanggo. Pero nang gabing iyon, inutusan ni
Jehova ang isang anghel na buksan ang pinto ng
kulungan at sabihin sa mga apostol: ‘Bumalik
kayo sa templo at magturo doon.’
Kinabukasan, ganito ang iniulat sa
Sanedrin, o hukuman ng mga lider ng relihiyon:
‘Nakakandado ang kulungan, pero wala na
ang mga lalaking ipinakulong n’yo! Nasa templo
sila ngayon at nagtuturo sa mga tao!’ Inaresto
na naman ang mga apostol at dinala sa
Sanedrin. Sinabi ng mataas na saserdote:
222
“Dapat naming sundin ang
Diyos bilang tagapamahala
‘Hindi ba sinabi na namin sa inyong huwag sa halip na mga tao.”
na kayong magturo tungkol kay Jesus?’ —Gawa 5:29
Pero sumagot si Pedro: ‘Dapat naming
sundin ang Diyos bilang tagapamahala, hindi ang mga tao.’
Sa sobrang galit ng mga lider ng relihiyon, gusto nilang patayin
ang mga apostol. Pero nagsalita ang Pariseong si Gamaliel:
‘Mag-ingat kayo! Baka kakampi ng mga lalaking ito ang Diyos.
Talaga bang gusto n’yong lumaban sa Diyos?’ Nakinig sila sa
kaniya. Pinagpapalo nila ang mga apostol at inutusan ulit na
huwag nang mangaral. Pagkatapos ay pinalaya sila. Pero hindi
tumigil ang mga apostol. Patuloy nilang ipinangaral ang
mabuting balita, sa templo at sa bahay-bahay.
Tanong: Bakit hindi tumigil sa pangangaral ang mga alagad?
Paano sila tinulungan ni Jehova?
Gawa 3:1–4:31; 5:12-42
96 Pinili ni Jesus si Saul
Si Saul ay isang mamamayang Romano na ipinanganak sa Tarso.
´
Pariseo siya at alam na alam niya ang Kautusang Judio, pero galıt siya
sa mga Kristiyano. Kinakaladkad niya sila, lalaki at babae, mula sa
kanilang bahay at ipinapakulong sila. Pinanood pa nga niya ang
pagbato ng mga tao kay Esteban hanggang sa mamatay ito.
Pero hindi lang mga Kristiyano sa Jerusalem ang gusto niyang
ipakulong. Hiniling niya sa mataas na saserdote na papuntahin siya sa
lunsod ng Damasco para maipakulong din ang mga Kristiyano doon.
Nang malapit na doon si Saul, bigla siyang nasilaw ng napakatinding
liwanag, at natumba siya. ’Tapos, may nagsalita: ‘Saul, bakit mo ako
inuusig?’ Nagtanong si Saul: ‘Sino ka?’ Sumagot ito: ‘Ako si Jesus.
Pumunta ka sa Damasco, at doon mo malalaman ang dapat mong
gawin.’ Biglang nabulag si Saul, kaya inalalayan siya papunta sa lunsod.
Sa Damasco nakatira ang tapat na Kristiyanong si Ananias. Sinabi
ni Jesus sa kaniya sa pangitain: ‘Pumunta ka sa bahay ni Hudas sa
kalyeng tinatawag na Tuwid, at hanapin mo si Saul.’ Sinabi ni Ananias:
‘Panginoon, nabalitaan ko po ang ginagawa ng taong iyon!
Ipinapakulong niya ang inyong mga alagad!’ Pero sinabi ni Jesus:
‘Puntahan mo siya. Pinili ko si Saul para ipangaral ang mabuting
balita sa maraming bansa.’
Kaya hinanap ni Ananias si Saul
at sinabi: ‘Saul, kapatid, pinapunta
ako dito ni Jesus para buksan ang
mga mata mo.’ Agad na nakakita si
Saul. Natuto siya tungkol kay Jesus
at naging tagasunod niya. Matapos
bautismuhan, nangaral si Saul sa
mga sinagoga kasama ng kaniyang
mga kapuwa Kristiyano. Siguradong
´ ´
gulat na gulat ang mga Judio nang
makita nilang nagtuturo si Saul
tungkol kay Jesus. Sinabi nila:
“Si Kristo Jesus ay dumating
sa mundo para iligtas ang
‘Ito y’ong nagpapakulong ng mga alagad mga makasalanan. Sa mga ito,
ni Jesus, ’di ba?’ ako ang pinakamakasalanan.”
´ —1 Timoteo 1:15
Tatlong taong nangaral si Saul sa Damasco.
Nagalit ang mga Judio kay Saul at nagplanong
patayin siya. Pero nalaman iyon ng mga kapatid doon kaya
tinulungan nila siyang makatakas. Pinasakay nila si Saul
sa isang basket at ibinaba iyon sa pader ng lunsod.
Pagdating ni Saul sa Jerusalem, sinubukan niyang
´
sumama sa mga kapatid doon. Pero takot sila sa
kaniya. Pagkatapos, isang mabait na alagad, si
Bernabe, ang nagdala kay Saul sa mga apostol
at kinumbinsi silang talagang nagbago na si Saul.
Masigasig na ipinangaral ni Saul ang mabuting
balita kasama ng kongregasyon sa Jerusalem.
Nang maglaon, nakilala siya bilang Pablo.
´
Tanong: Bakit takot ang mga Kristiyano
kay Saul? Bakit siya nagbago?
Gawa 7:54–8:3; 9:1-28; 13:9;
21:40–22:15;
Roma 1:1; Galacia 1:11-18
225
97 Tumanggap ng Banal na Espiritu si Cornelio
Sa Cesarea, may isang Romanong opisyal ng hukbo, na ang pangalan
ay Cornelio. Kahit hindi siya Judio, iginagalang siya ng mga Judio.
Matulungin siya sa mahihirap. Naniniwala si Cornelio kay Jehova at lagi
siyang nananalangin sa kaniya. Isang araw, nagpakita kay Cornelio ang
isang anghel at nagsabi: ‘Pinakinggan ng Diyos ang mga panalangin mo.
Magpadala ka ngayon ng mga tao sa lunsod ng Jope, sa tinutuluyan ni
Pedro, at hilingin mo sa kaniya na puntahan ka.’ Nagpadala agad si
Cornelio ng tatlong lalaki papunta sa Jope, na mga 50 kilometro patimog.
Habang nasa Jope naman si Pedro, nagkaroon siya ng pangitain.
May nakita siyang mga hayop na bawal kainin ng mga Judio, at may
narinig siyang boses na nagsasabing kainin niya iyon. Ayaw ni Pedro.
Sinabi niya: ‘Kahit kailan, hindi pa ako kumain ng maruming hayop.’
Pagkatapos ay sinabi sa kaniya ng boses: ‘Huwag mo nang tawaging
marumi ang mga hayop na ito. Nilinis na ng Diyos ang mga ito.’ Sinabi din
kay Pedro: ‘May tatlong lalaki sa pinto. Sumama ka sa kanila.’ Pumunta si
Pedro sa pinto at tinanong niya ang mga lalaki kung bakit sila nandoon.
Sumagot sila: ‘Ipinadala kami ni Cornelio, isang Romanong opisyal ng
hukbo. Ipinapasundo ka niya sa bahay niya sa Cesarea.’ Pinatuloy ni Pedro
“Tinatanggap [ng Diyos]
ang tao na natatakot sa
sa bahay ang mga lalaki at doon na pinatulog. kaniya at gumagawa ng
Kinabukasan, siya at ang ilang kapatid sa Jope tama, saanmang bansa
ay sumama sa mga lalaki pabalik sa Cesarea. ito nagmula.”—Gawa 10:35
Nang makita ni Cornelio si Pedro, napaluhod
siya. Pero sinabi ni Pedro: ‘Tumayo ka. Tao lang din akong gaya mo.
Inutusan ako ng Diyos na puntahan ka dito sa bahay mo, kahit na
hindi pumapasok ang mga Judio sa tahanan ng mga Gentil. Ngayon,
sabihin mo sa akin kung bakit mo ako ipinasundo.’
Sinabi ni Cornelio kay Pedro: ‘Apat na araw ang nakakaraan, nanalangin
ako sa Diyos, at may isang anghel na nagpakita sa akin at nagsabing
ipasundo ka. Pakisuyong ituro mo sa amin ang mga salita ni Jehova.’
Sinabi ni Pedro: ‘Alam ko na ngayon na hindi nagtatangi ang Diyos.
Tinatanggap niya ang sinumang gustong sumamba sa kaniya.’ Tinuruan
sila ni Pedro ng maraming bagay tungkol kay Jesus. Pagkatapos, ang
banal na espiritu ay bumaba kina Cornelio at sa sambahayan niya,
at silang lahat ay nabautismuhan.
Tanong: Bakit ayaw kumain ni Pedro ng maruming hayop?
Bakit inutusan ni Jehova si Pedro na pumunta sa bahay ng isang Gentil?
Gawa 10:1-48
227
98 Lumaganap sa Maraming Bansa
ang Kristiyanismo
Sinunod ng mga apostol ang utos ni Jesus na ipangaral ang mabuting
balita sa buong lupa. Noong 47 C.E., inatasan ng mga kapatid sa
Antioquia sina Pablo at Bernabe na mangaral sa iba’t ibang lugar. Ang
dalawang masigasig na mangangaral na ito ay naglakbay sa buong Asia
Minor, sa mga lugar na gaya ng Derbe, Listra, at Iconio.
Sina Pablo at Bernabe ay nangaral sa lahat, mayaman o mahirap, bata
o matanda. Marami ang tumanggap ng katotohanan tungkol kay Kristo.
Nang mangaral sina Pablo at Bernabe kay Sergio Paulo, ang gobernador
ng Ciprus, tinangka silang pigilan ng isang espiritista. Sinabi ni Pablo sa
espiritista: ‘Si Jehova ay laban sa iyo.’ Biglang nabulag ang espiritista.
Nang makita iyon ni Gobernador Paulo, naging mananampalataya siya.
Kung saan-saan nangaral sina Pablo at Bernabe—sa bahay-bahay, sa
mga palengke, sa kalye, at sa mga sinagoga. Nang pagalingin nila ang
isang lumpo sa Listra, inisip ng mga nakakita sa himalang iyon na sina
Pablo at Bernabe ay mga diyos, at sinamba sila ng mga ito. Pero pinigilan
sila nina Pablo at Bernabe, na sinasabi: ‘Ang Diyos lang ang dapat
sambahin! Tao lang kami.’ Mayamaya, may dumating na mga Judio at
siniraan si Pablo. Pinagbabato siya ng mga tao, kinaladkad palabas ng
´
lunsod, at iniwan sa pag-aakalang patay na siya. Pero buhay pa si Pablo!
Agad siyang tinulungan ng mga kapatid at dinala sa lunsod. Pagkaraan
ng ilang panahon, bumalik si Pablo sa Antioquia.
Noong 49 C.E., naglakbay ulit si Pablo. Matapos bumalik para dalawin
ang mga kapatid sa Asia Minor, ipinangaral niya ang mabuting balita sa
mas malayong lugar, hanggang sa Europa. Pumunta siya sa Atenas,
228
“Kaya humayo kayo at gumawa
ng mga alagad mula sa mga
Efeso, Filipos, Tesalonica, at iba pang mga tao ng lahat ng bansa.”
lugar. Isinama ni Pablo sa paglalakbay sina —Mateo 28:19
Silas, Lucas, at ang kabataang si Timoteo.
Nagtulungan silang bumuo ng mga kongregasyon at pinalakas nila ang
mga ito. Nanatili si Pablo sa Corinto nang isang taon at kalahati para
palakasin ang mga kapatid doon. Nangaral siya, nagturo, at sumulat ng
mga liham sa maraming kongregasyon. Nagtrabaho din siya bilang
manggagawa ng tolda. Nang maglaon, bumalik si Pablo sa Antioquia.
Naglakbay ulit si Pablo noong 52 C.E. Ito ang ikatlong paglalakbay
niya. Nagsimula siya sa Asia Minor hanggang sa Filipos sa hilaga,
papunta sa Corinto sa timog. Nanatili si Pablo nang ilang taon sa Efeso,
at habang nandoon, nagturo siya, nagpagaling ng maysakit, at tumulong
sa kongregasyon. Araw-araw din siyang nagpapahayag sa isang
awditoryum. Marami ang nakinig sa kaniya at nagbagong-buhay.
Nang bandang huli, matapos ipangaral ang mabuting balita sa
maraming lupain, pumunta si Pablo sa Jerusalem.
Tanong: Gamit ang mapa sa iyong Bibliya, masusundan mo ba ang mga lugar
kung saan nangaral si Pablo?
Gawa 13:1–23:35
99 Isang Guwardiya na Natuto ng Katotohanan
Sa Filipos, may isang aliping babae na may sapi ng demonyo. Dahil
sa demonyo, nakakapanghula ang babae at kumikita ng maraming pera
ang mga amo niya dahil sa kaniya. Pagdating nina Pablo at Silas sa
Filipos, maraming araw na susunod-sunod sa kanila ang babae.
Pinapasigaw siya ng demonyo: “Ang mga taong ito ay mga alipin ng
Kataas-taasang Diyos.” Nang bandang huli, sinabi ni Pablo sa demonyo:
‘Sa pangalan ni Jesus, lumabas ka sa kaniya!’ At lumabas ang demonyo
mula sa babae.
Nagalit ang mga amo ng babae kasi hindi na nila ito mapagkakakitaan.
Kinaladkad nila sina Pablo at Silas sa harap ng mga awtoridad, at sinabi:
‘Nilalabag ng mga taong ito ang batas at ginugulo nila ang buong
lunsod!’ Iniutos ng mga awtoridad na paghahampasin sina Pablo at Silas
at ikulong. Dinala sila ng guwardiya sa pinakailalim at pinakamadilim na
selda sa bilangguan at inipit ang kanilang mga kamay at paa sa
pangawan.
Sina Pablo at Silas ay kumanta ng mga papuri kay Jehova, at naririnig
sila ng ibang bilanggo. Noong mga hatinggabi na, biglang lumindol
nang napakalakas at nayanig ang buong bilangguan. Nabuksan ang
mga pinto ng bilangguan, at nakalag ang kadena ng mga bilanggo.
Tumakbo ang guwardiya papunta sa loob ng bilangguan at nakita
´
niyang bukas ang mga pinto nito. Inisip niyang nakatakas ang lahat
ng bilanggo, kaya humugot siya ng espada para magpakamatay.
Nang sandaling iyon, sumigaw si Pablo: ‘Huwag mong gawin iyan!
Nandito kaming lahat!’ Pumasok sa loob ang guwardiya at sumubsob
sa harap nina Pablo at Silas. Nagtanong siya: ‘Ano ang dapat kong
gawin para maligtas?’ Sinabi nila: ‘Ikaw at ang iyong pamilya ay dapat
maniwala kay Jesus.’ Itinuro nina Pablo at Silas sa kanila ang salita ni
Jehova, at ang guwardiya at ang buong pamilya nito ay nabautismuhan.
230
“Aarestuhin kayo ng mga tao at pag-uusigin
kayo; dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at
bilangguan. Dadalhin nila kayo sa harap ng
mga hari at mga gobernador dahil sa pangalan ko.
Sa ganitong paraan, makapagpapatotoo kayo sa
mga tao.”—Lucas 21:12, 13
100 Sina Pablo at Timoteo
Si Timoteo ay isang kabataang Kristiyano
sa kongregasyon sa Listra. Griego ang tatay
niya, at Judio naman ang kaniyang nanay. Mula
pagkabata, si Timoteo ay tinuruan ng kaniyang
nanay na si Eunice at lolang si Loida tungkol
kay Jehova.
Nang dumalaw si Pablo sa Listra noong
ikalawang paglalakbay niya para mangaral,
napansin niyang mapagmahal at matulungin
si Timoteo sa mga kapatid. Niyaya ni Pablo si
Timoteo na sumama sa paglalakbay. Paglipas
ng mga taon, naging mahusay na mangangaral
at tagapagturo ng mabuting balita si Timoteo
dahil sa pagsasanay ni Pablo.
Ginabayan ng banal na espiritu sina Pablo at Timoteo saanman sila
pumunta. Isang gabi, sa pangitain, sinabi ng isang lalaki kay Pablo
na pumunta sa Macedonia para tulungan sila. Kaya pumunta doon
sina Pablo, Timoteo, Silas, at Lucas para mangaral at bumuo ng mga
kongregasyon.
Sa lunsod ng Tesalonica sa Macedonia, maraming lalaki at babae ang
naging Kristiyano. Pero may mga Judio na nainggit kay Pablo at sa mga
kasama niya. Nagtawag sila ng mga tao para hulihin at kaladkarin ang
mga kapatid papunta sa mga tagapamahala ng lunsod, at isinigaw nila:
‘Ang mga ito ay kalaban ng gobyerno ng Roma!’ Nanganib ang buhay
nina Pablo at Timoteo, kaya kinagabihan, tumakas sila papunta sa
Berea.
Nakinig ang mga taga-Berea sa mabuting balita, at naging
Kristiyano ang mga Griego at Judiong tagaroon. Pero may mga
Judiong taga-Tesalonica na nagpunta doon para manggulo, kaya
umalis si Pablo at pumunta sa Atenas. Naiwan sa Berea sina Timoteo
at Silas para palakasin ang mga kapatid. Nang maglaon, pinabalik
ni Pablo si Timoteo sa Tesalonica para tulungan ang mga kapatid na
232
“Wala na akong ibang
maisusugo na may
saloobing gaya ng sa
kaniya, na talagang
magmamalasakit sa inyo.
Dahil inuuna ng lahat ng
iba pa ang sarili nilang
kapakanan, at hindi ang
kay Jesu-Kristo.”
—Filipos 2:20, 21
234
Tanong: Bakit ipinadala ni Festo sa Roma si Pablo?
Ano ang nangyari kay Pablo noong papunta siya sa Roma?
Gawa 21:30; 23:11; 25:8-12; 27:1–28:31; Roma 15:25, 26
237
103 “Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
Nangako si Jehova: ‘Wala nang iiyak, masasaktan,
magkakasakit, o mamamatay. Papahirin ko ang bawat luha
sa kanilang mga mata. Lahat ng masasamang nangyari ay
malilimutan na.’
Inilagay ni Jehova sina Adan at Eva sa hardin ng Eden para
mamuhay nang payapa at masaya. Sasambahin nila ang kanilang
Ama sa langit at magkakaroon sila ng maraming anak na titira sa
lupa. Hindi nagbago ang layunin ni Jehova kahit na sumuway sa
kaniya sina Adan at Eva. Sa aklat na ito, nakita natin na lahat ng
pangako ng Diyos ay natutupad. Ang Kaharian niya ay magbibigay
ng maraming magagandang pagpapala sa lupa, gaya ng
ipinangako niya kay Abraham.
Malapit nang mawala si Satanas, ang kaniyang mga demonyo,
´
at lahat ng masasamang tao. Lahat ng matitirang buhay ay
sasamba kay Jehova. Hindi na tayo magkakasakit o mamamatay.
“O Jehova na Diyos namin, ikaw ang
karapat-dapat sa kaluwalhatian at
karangalan at kapangyarihan, dahil
nilikha mo ang lahat ng bagay.”
—Apocalipsis 4:11
Sa halip, araw-araw tayong gigising nang malakas at
masaya. Magiging paraiso ang lupa. Ang lahat ay kakain ng
masasarap na pagkain at magkakaroon ng sariling bahay.
Magiging mabait ang mga tao, hindi malupit o marahas.
Hindi na matatakot sa atin ang mga hayop, at hindi na rin
tayo matatakot sa mga ito.
Napakasaya kapag binuhay-muli ni Jehova ang mga patay.
Sasalubungin natin ang mga tao noong unang panahon, gaya
nina Abel, Noe, Abraham, Sara, Moises, Ruth, Esther, at David.
Tutulong sila sa atin para gawing paraiso ang planetang Lupa.
Napakaraming gawain na puwede nating ma-enjoy.
Gusto ni Jehova na nandoon ka. Napakarami mo pang
malalaman tungkol sa kaniya. Sikapin natin araw-araw na
´
maging mas malapıt kay Jehova, ngayon at magpakailanman!
239
Mga aral na matututuhan mo sa Bibliya
NUMERO NG ARAL
Ang mga kaibigang umiibig kay Jehova ang pinakamabuting kaibigan
16, 33, 42, 80, 87, 100, 103
Ang nagrerebelde ay nagiging kaaway ng Diyos
7, 17, 26, 27, 28, 88
Dapat nating ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian
73, 76, 94, 95, 96, 97, 98
Delikado ang galit
4, 12, 41, 45, 49, 65, 89
Galing sa Diyablo ang di-tunay na pagsamba
19, 20, 22, 38, 46, 49, 52, 58
Ginagabayan ni Jehova ang kaniyang bayan
18, 25, 26, 27, 29, 34, 39, 44, 73, 80
Ginawa ni Jehova ang ating tahanan—ang lupa
1, 2, 102, 103
Hindi ka puwedeng sumamba sa Diyos at sa Kayamanan
10, 17, 44, 59, 75, 76
Hindi mo mahal ang Diyos kung hindi mo mahal ang kapatid mo
4, 13, 15, 41
Hindi nagsisinungaling si Jehova
3, 10, 16, 63, 68, 70, 102, 103
Hindi nalilimutan ni Jehova ang mga nagawa natin para sa kaniya
16, 29, 32, 48, 65, 69, 77, 100
Huwag gumawa ng masama
14, 27, 49, 53, 58, 88, 89
Huwag matakot—lagi kang tutulungan ni Jehova
40, 47, 51, 53, 57, 61, 64, 65, 76, 88, 101
Huwag sumuko kahit mahirapan
16, 47, 51, 57, 64, 75, 90, 95, 99, 101
Ibinigay sa atin ng Diyos ang Bibliya para maging marunong tayo
56, 66, 72, 75, 81
Ingatan ang ibinibigay ni Jehova sa iyo
12, 13, 24, 35, 36, 56, 75, 95, 100
Iniingatan ni Jehova ang mga mapagpakumbaba
43, 45, 65, 67, 69
Iniingatan ni Jehova ang mga umiibig sa kaniya
6, 22, 40, 50, 52, 55, 64, 71, 84
Laging magpasalamat kay Jehova
2, 6, 67, 103
Lahat ng tao ay mahal ni Jehova
8, 9, 11, 21, 23, 68, 70, 74, 87, 90
Magdadala ng kaligayahan sa lahat ang Kaharian ng Diyos
1, 48, 62, 79, 81, 83, 85, 86
Maging kaibigan ni Jehova
11, 30, 33, 51, 56, 59, 69, 81, 82
Magkakaroon ng pagkabuhay-muli
48, 86, 91, 93
Magpatawad gaya ni Jehova
13, 15, 31, 43, 92
Mahal ni Jehova ang mga tao sa lahat ng bansa
30, 33, 48, 54, 77, 94, 97, 98, 99
´
Makinig at sumunod para manatiling buhay
3, 5, 10, 37, 39, 54, 59, 65, 72
Mangyayari ang kalooban ng Diyos sa langit at sa lupa
25, 55, 60, 62, 63, 71, 96, 102
Mawawala na ang mga balakyot
5, 10, 32, 46, 102
Mga kabataan—maglingkod nang buong puso kay Jehova
37, 51, 59, 61, 72, 100
Nasasaktan natin ang ating sarili at ang iba kapag makasarili tayo
3, 4, 12, 27, 28, 39, 49, 88
Pinakikinggan ni Jehova ang mga panalanging galing sa puso
35, 38, 50, 64, 82
Si Jehova ang makapangyarihan-sa-lahat
1, 7, 18, 19, 20, 21, 22, 26, 55, 60
Si Jesus ang Hari ng Kaharian ng Diyos—sundin natin siya
74, 78, 79, 83, 84, 85, 91, 92, 99
Sinisira ng inggit ang pagkakaibigan
4, 14, 41
Tuparin ang iyong mga pangako gaya ni Jehova
8, 9, 11, 23, 24, 31, 34, 35, 36, 66, 93
240