You are on page 1of 11

7 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya
sa Kulturang Asyano

Manunulat: Rinabel C. Borce

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Kontribusyon ng Timog at Kanlurang
Asya at ang Pagkakakilanlan ng
1 Kulturang Asyano

Alamin

Sa araling ito ay iyong matutukoy ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang


Asya sa kulturang Asyano at sa huli ay mapanatili ang mataas na pagpapahalaga sa mga
natutunang kulturang Asyano.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa
kulturang Asyano;
1.1 naiisa-isa ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa
kulturang Asyano;
1.2 nahihinuha ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga
kontribusyong ito.

Subukin
Gawain: Concept Web
Lagyan ng wastong impormasyon ang kasunod na concept web. Ilahad ang mga kontribusyon
ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang Asyano. Maaring gawin ito sa iyong kwaderno.

Timog Asya Kanlurang


Asya

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Balikan

Isa sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansang Asyano sa isa’t isa ay ang


pakikipagkalakalan.

Pahayag-Suri:
Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay Tama at ekis (x) kung ang pahayag ay Mali. Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang kalakalan ay mahalaga sa pag-unlad ng mga bansa.


_____2. Ang kalakalan ay isang paraan ng pagpapalitan ng kultura ng iba’t ibang mga
bansa.
_____3. Sa aspeto ng kalakalan, relihiyon ang unang dahilan nito.
_____4. Ang kalakalan ay tanging naka-aapekto lamang sa mga kalalakihan.
_____5. Ang neokolonyalismo ay isang paraan ng bagong pananakop.
_____6. Tanging mga bansang mauunlad at makapangyariahan lamang ang may
karapatang manggalakal sa iba’t ibang bansa.
_____7. Ang edukasyon ang isang susi sa pag-unland ng mga bansa.
_____8. Ang malaking halaga ng pera ang pinakamahalaga sa pakikipagkalakalan.
_____9. Nagsimula ang krisis pang-ekonomiya sa Asya.
_____10. Hindi lahat ng mga bansa sa Asya ay mayayamang mga bansa.

Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul ay iyong matutukoy ang mga kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya sa kulturang Asyano. Basahin at unawain.

Ang humanidades ay hango sa salitang “Humanus” na ang ibig sabihin ay tumulong sa tao.
Ito ay isang disiplina na tumutukoy sa mga sining na biswal tulad ng musika, arkitektura,
pintura, sayaw, dula at panitikan. Ang panitikan ay isang pagpapahalaga sa mga damdamin ng
tao higit sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa larangan ng pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.
Ang palakasan o isports (Ingles: sport, Kastila: deporte) ay binubuo ng isang
pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na
mga patakarang hayag, na may kasamang layuning rekreasyonal: tulad ng pakikipagpaligsahan,
para sa sariling kasiyahan, upang makamtan ang manguna, para sa pagsulong ng isang
kasanayan, o kumbinasyon ng mga ito.
Ang sining ay tumutukoy sa mga malikahing gawa ng mga tao na gumagamit ng kanilang
malikhaing kaisipan. Kung minsan, ito din ang nagiging instrumento ng isang tao upang
maipahayag ang kanyang saloobin, damdamdamin at opinyon gamit ang kanyang puso at isip.
Pinagkunan: https://tl.unionpedia.org/Palakasan.

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Gawain: Pagpupuno ng Tsart. Punan ang hinihingi ng sumusunod na tsart. Magbigay ng mga
kilalang tao sa bawat rehiyon sa iba’t ibang larangan ng kagalingan.

Timog Asya Kanlurang Asya

Musika at Sayaw

Pampalakasan

Arkitektura

Panitikan

Suriin
Sa bahaging ito ating suriin ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa
kulturang Asyano at sa huli mapapanatili ang mga natutunang kulturang Asyano bilang
pagkakakakilan.

Suriin ang talahanayan


Arkitekturang Asyano
Timog Asya Kanlurang Asya
Arkitekturang Indian ang lumaganap sa Arkitekturang Islamik ang Masjid o Moske,
iba’t ibang rehiyon ng Asya. may minbar o pulpito at mihab o nitso na may
Sa rehiyon, Budismo, Islam at Hinduismo. madetalyeng disenyo.
Iniuugnay ang istruktura ng mga gusali na
Mecca ang tawag sa banal na lungsod ng
nililikha dito.
Supa ang tawag sa kilalang templong budista mga Muslim. Ribat naman ang may parisukat
sa India at Taj Mahal, Borobudor sa Java at na hugis na may patyo sa gitna.
Angkor Wat sa Cambodia. Isa pang gusaling Islamik ang turbe (tomb)
musoleo ng sektang Shi'ite.

City of Good Character


3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Panitikang Asyano
Timog Asya Kanlurang Asya
Ang wikang klasikal ng panitikang Indian Si Shmuel Yosef Agnon na taga Israel na nag
ang Sanskrit. akda ng " The Bridal Canopy" at "A Guest for
Dalawang epikong Mahabharata-pantribong the Night".
digmaan at Ramayana-buhay ni Rama ang
Si Yehuda Amichai naman ay nakilala sa
pangunahing bida sa epiko. Si Kalidasa ang
dakilang dramatista at may akda ng kanyang akdang "Songs of Jerusalem"-
"Shakuntala"- kwentong pag-ibig ng hari at Arabian Nights. The Tale of Alibaba and the
ermitanya. Panchatantra naman ang Forty Thieves.
pinakamatandang koleksyon ng mga pabula Rubaiyat tula na isinulat ni Omar Khayyam.
na isinulat ni Rabindranath Tagore.

Musika at Sayaw
Timog Asya Kanlurang Asya
Isang instrumento ang musika sa pagkamit Sa Saudi Arabia gaya ng lungsod ng Mecca,
ng Nirvana, ayon sa paniniwalang Hindu. Medina at Ukash ang lugar na dinadayo ng
Iba’t ibang instrumento gaya ng tamburin, mga manunula, payaso at mga musikero
plawta, at tambol ang mga kagamitan nito.
upang maging dalubhasa sa larangan ng
Sitar na gawa sa pinatuyong upo, ragas na
nag-aalis ng sakit, ang ilan sa halimbawa nito musika. Ang mga instrumento gaya ng mi'zafa,
na may oras at tamang panahon sa pagtugtog. gussaba, mizmar, at tamburine ang kanilang
Ang sayaw ay pinapaniwalaan din nilang ginagamit.
libangan ng kanilang mga kinikilalang mga Sa Iraq nagmula ang harapa at trumpeta.
diyos. noong ika-19 na siglo sila ay
naimpluwensiyahan ng mga Europeo at
natutunan ang paggamit ng instrumentong
pambanyaga.

City of Good Character


4
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Pampalakasan
Timog Asya Kanlurang Asya
Inilarawan ng karamihan sa epikong May mga ebidensiyang nakalap sa panahon
Mahabharata ang mga naging kilalang laro sa ng kabihasnang Sumer na may paglalaro ng
Asya. buno (wrestling) at boksing at paglalaro ng
Kabaddi, isa sa tanyag na larong Indiano
dama.
kasama na dito ang chess, baraha, martial
arts tulad ng judo at karate. Ang pangangaso ay isa din sa naging libangan
nila, kasama ang paglalangoy na bahagi ng
kanilang pagsasanay sa pakikipagdigma,
Ang mga Persiano naman ay magagaling
sa pangangabayo.
Si Ghada Shouaa ang pinakamaggaling sa
larangan ng hurdles at high jump sa Syria at si
Naim Suleymanoglu naman sa weight lifting na
taga Turkey.

Pagyamanin

Gawain: Talahanayang Paglalahat.


Sa bahagi ng pagtuklas ay isulat ang I-initials na sumasagot sa katanungang paano
napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang Asyano?

Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang Asyano

Ang aking mga Mga natuklasan Mga katibayang Mga kalagayang Ang aking mga
paunang at pagwawasto nagpapatunay katanggap- ganap na
kaalaman tanggap naunawaan

City of Good Character


5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Isaisip

Gawain: Dugtungang Pangungusap. Maaring dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Ang kontribusyon ng mga Asyano ay nasa lanrangan ng

_____________________________________________________________________________________________

2. Bilang isang Pilipino, nararapat na ipagmalaki mo ang ambag ng mga Asyano dahil

____________________________________________________________________________________________

3. Mapapahalagahan ko ang mga kontribusyong Asyano sa paraang

_____________________________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain:
Saludo Ako Sa Iyo: Magsaliksik ng isang kilalang personalidad sa Timog at Kanlurang Asya na
sa tingin mo ay may mahalagang kontribusyon sa Asya at sa daigdig. Gumawa ng poster tungkol
dito. Ilagay ito sa iyong kwaderno.

Rubrik sa pagmamarka ng poster.


Kraytirya Di-Pangakaraniwan Kahanga-hanga Katanggap- Pagtatangka
(4) (3) tanggap (2) (1)
1. Paksa Angkop na angkop at May kaugnayan sa May maliit na Walang
eksakto ang paksa kaugnayan kaugnayan
kaugnayan sa paksa
2.Pagkamalikhain Maparaan sa mga Gumagamit ng mga May mga ilang Walang ginamit
materyal na may materyal na may materyal na may na materyal na
kauganayan sa paksa kauganayan sa kaugnayan sa may kauganayan
paksa paksa sa paksa
3. Takdang Oras Nakapagsumite ng Nakapagsumite ng Nakapagsumite Nakapgsumite ng
isang araw bago ang nasa takdang oras. ng isang araw ilang araw na
takda. pagkatapos ang ang nakalipas sa
takdang oras. takdang oras.
4. Kalidad ng Nakakaagaw ng Sakto lang ang pagka Konti lamang Walang kalidad
interes at presenta sa kalidad pagka presenta sa ang nagawa.
ginawa
nakakatawag pansin. ng ginawa. kalidad ng
ginawa.
5. Kalinisan Maganda at malinis Malinis Ginawa ng Hindi pinag-
ang pagkagawa. apurahan ang isipan ang
gawa. paggawa.
Kabuoan 4-100- 3-90 2-80 1-70

City of Good Character


6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang mga katangian na naging puhunan nito upang marating niya ang
kaniyang mithiin sa larangang ito?

2. Ano ang mga sagabal o hadlang na kanyang nalagpasan upang


makarating sa kanyang tagumpay?

3. Bilang isang Pilipino at isang Asyano, paano nagsilbing inspirasyon sa iyo ang
narating sa buhay ng pinili mong personalidad?

Tayahin
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot sa bawat
katanungan. Letra na lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay mahalaga sa pagkamit ng karunungan at pag-unlad ng bansa.


A. edukasyon C. pamahalaan
B. kalakalan D. simbahan
2. Ito ay isang paraan ng pagpapalitan ng produkto at kultura ng iba’t ibang mga bansa.
A. edukasyon C. pamahalaan
B. kalakalan D. simbahan
3. Ito ang tawag na paraan ng makabagong pananakop.
A. edukasyon C. kolonyalismo
B. kalakalan D. neokolonyalismo
4. Isang instrumento ang ________sa pagkamit ng Nirvana, ayon sa paniniwalang Hindu.
A. arkitektura C. sayaw
B. panitikan D. musika
5. Ito ay isang disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa mga sining na biswal tulad ng
musika, arkitektura, pintura, sayaw, dula at panitikan.
A. Arkitektura C. Pampalakasan
B. Humanidades D. Panitikan
6. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga ng mga damdamin ng tao higit sa mga bagay-
bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa bathalang lumikha.
A. Arkitektura C. Pampalakasan
B. Humanidades D. Panitikan
7. Ito ay binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat
sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag, at kasama ang layuning
rekreasyonal, sa pakikipagpaligsahan, para sa sariling kasiyahan, para sa pagsulong ng
isang kasanayan, o kombinasyon ng mga ito.
A. Arkitektura C. Pampalakasan
B. Humanidades D. Panitikan

City of Good Character


7
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
8. Ito ang nagiging instrumento ng isang tao upang maipahayag ang kanyang saloobin,
damdamdamin at opinyon gamit ang kanyang puso at isip sa pagguhit at pagsulat.
A. Arkitektura C. Sining
B. Pampalakasan D. Teknolohiya
9. Ang mga Asyano ay kilala bilang magagaling sa malikhaing pagtugtog ng instrumento
upang makabuo ng isang kanta
A. Arkitektura C. Pampalakasan
B. Musika at sayaw D. Sining
10. Sa anong larangan o aspeto ng kontribusyon nabibilang ang katulad ni
Ghada Shouaa?
A. Arkitektura C. Sining
B. Pampalakasan D. Teknolohiya

Karagdagang Gawain

Gawain: Sagutan ang graphic organizer.


Magbigay ng apat na larangan o aspeto ng mga naging kontribusyon ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya sa kulturang Asyano. Isulat sa loob ng mga kahon ang mga kasagutan.

Mga Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya


Sa Kulturang Asyano

1 2

3 4

City of Good Character


8
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Sanggunian

Blando et al. ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.Unang Edisyon.


EduresourcesPublishing, Inc.2014. pp.289-296.

Susi ng Pagwawasto

10. / 10. b
9. x 9. b
8. x 8. c
7. / 7. c
6. x 6. d
5. / 5. b
4. x 4. d
3. x 3. d
2. / 2. b
1. / 1. a
Balikan Tayahin

City of Good Character


9
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rinabel C. Borce
Editor: Aaron S. Enano
Tagasuring Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit ng Kober: Ma. Gwendelene J. Corañez
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like