You are on page 1of 4

FILIPINO 2

Summative Test
1st Quarter

Name: _____________________________________________ Score: __________

Piliin ang tamang letra ng salitang nakakahon na tumutukoy sa mga pangungusap sa


ibaba

_____ 1. Umuulan man o umaaraw ay lagi ko itong bitbit.


Ginagamit ko ito upang di ako magkasakit.
Sa munti kong braso aking sinasabit.

_____ 2. Sa paaralan o tahanan ako’y iyong kaibigan.


Kuwentong kay ganda, mayroon ako niyan,
marami ding aralin, saki’y matututunan.

_____ 3. Paboritong lugar ng aking pamilya,


narito si Inay, gayundin si Itay,
sina Ate at Kuya lagi ko ditong karamay.

_____ 4. Kaibigan ng ngipin kung ako’y ituring,


kahit maliliit na singit aking lilinisin,
upang magandang ngiti mo’y laging mapansin.

_____ 5. Gamit ako para buhok mo’y gumanda,


umunat, umayos at kumikintab pa para
naman araw mo ay laging masaya.

Isulat ang tamang letra na angkop sa mga saknong ng tula. Piliin ang sagot sa kahon.
Piliin ang angkop na magalang na pananalita na dapat gamitin. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

______1. Nakabasag ka ng plato habang naghuhugas. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?
A. Magandang hapon po.
B. Pasensiya na po.
C. Salamat po.
D. Walang anuman po.

______2. Kaarawan ng iyong kaibigan ngunit kailangan mong umalis dahil kayo ay
magsisimba. Ano ang sasabihin mo?
A. Pasensiya na may lakad kami
B. Pasensiya na magsisimba kami.
C. Pasensiya na kailangan ko nang umalis.
D. Pasensiya na hindi ko sinasadya.
______3. Isang gabi, galing ka sa bahay ng iyong lolo at lola, sa iyong pag-uwi ay nakita mo
si Aling Maria na inyong kapitbahay. Anong magalang na pagbati ang gagamitin mo?
A. Magandang gabi po.
B. Magandang hapon po.
C. Magandang tanghali po.
D. Magandang umaga po.

______4. Iniabot sa iyo ni Biboy ang lapis mong nahulog. Ano ang sasabihin mo?
A. Hindi ko sinasadya.
B. Magandang araw.
C. Maraming salamat.
D. Pagpasensiyahan mo na.

______5. Naglalaro kayo sa labas ng bahay. Tinawag ka ng nanay mo para kumain. Ano ang
sasabihin mo sa iyong mga kalaro?
A. Aalis ako.
B. Diyan na kayo.
C. Paalam.
D. Salamat.

KEY:

1. C
2. B
3. A
4. E
5. D
1. E
2. D
3. C
4. B
5. A

1. B
2. B
3. A
4. C
5. C

You might also like