You are on page 1of 3

SCAFFOLD BLG.

1
Scaffold 1- PANANALIKSIK NG TULA
Panuto: Magsaliksik ng (3) halimbawa ng tula. I copy paste sa ibaba.
Ibigay ang iyong pangkalahatang interpretasyon sa tula na iyong nasaliksik.

Pamantanyan:
Interpretasyon - 3 puntos
wastong gamit ng salita - 1 puntos
kaayusan - 1 puntos
__________________
Kabuuan - 5 puntos

TULA BLG. 1 copy paste ang tula nasaliksik

Binabalot ang gabi, sinasakop ng dilim,


banayad, O kay sarap, dampi nitong hangin.
Maririkit na tala, maningning na mga bituin,
Sa ilalim ng buwan, ako nawa'y panatilihin.

Ngunit waring nangangamba, puno ng kalungkutan,


kung anong ganda nitong gabi, siya namang kaibahan.
Patutunguha'y di alam, naglalakbay ang isipan,
Puso'y nasasaktan, sa ilalim ng buwan.

Habang nasa gitna ng katahimikan ang mundo,


May nagkukubling sakit, sugatan ang puso.
Para bang nahuhulog, walang may nais sumalo,
Sa ilalim ng buwan, nagtatangis ng husto.

'O kay sayang tanawin, tala ng kalangitan,


Simbolo ng kasiyahan, walang hanggang karikitan.
Pag-asa ng puso, nagsisilbing kaligtasan,
Naghahanap ng kalinga, sa ilalim ng buwan.

Kailan muling madarama, pag-ibig na taos,


Pangarap na lamang ba, dito sa mundong kapos.
Pagmamahal na tunay, sa layunin ay puspos,
Sa ilalim ng buwan, nangungulila ng lubos.

Napakaraming tanong, gumugulo sa isipan,


Di mabilang na sagot, ang nais malaman.
Pagkat ngayon ang puso'y lubhang nasasaktan,
Nangangarap ng matayog, sa ilalim ng buwan.

Tila may nais isigaw, sabihin ang mumunting tinig,


Kasabay ng pag-agos ng mga luhang walang patid.
"Na ikaw lamang ang mahal, Tunay itong pag-ibig",
Sa ilalim ng buwan, puso nga ay batid.

Nais kong kaligayahan ay muling maramdaman,


Tunay at wagas na pag-ibig, lubos na makamtan.
Malimot ang sakit, kahapong nagdaan,
Makamit ang hinahanap, muli, sa ilalim ng buwan.
Interpretation
ang interpretasyon ko sa tula. ay siya ay nasasaktan, at nadudurog ang puso sa pag-
ibig
TULA BLG. 2 copy paste ang tula nasaliksik
Oh, Pag-ibig ...

ni: Sweet Lapuz

Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,

Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,

Bulag ang katulad, tila nalilito

Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,

Madarama nama’y kilig sa simula,

Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,

Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,

Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,

Kung maaalala ang suyuang huli,

At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling

Ay tila kaybilis ng oras sa dingding

Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,

Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,

Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,

Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,

Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!

Interprestasyon

Ang tulang ipinakita sa itaas ay naglalarawan kung anong ang pag ibig, anong nararamdaman natin pag
tayo’y umibig, na pag umibig tayo, nadarama natin ang kilig, tuwa, at ang pagmamahal sa isa’t-isa, at
kung anong nadadarama natin sa isa’t-isa pag kayo ay umiibig sa isa’t-isa. na mayroon time na tayo ay
kiligin, masayahin, at malungkot. At ang tinutukoy rin nila sa huling talata, kung ikaw ay umibig sa isang
tao, dapat tayo ay mag ingat, dahil ang iba ay pumapanggap lamang.

TULA BLG. 3 copy paste ang tula nasaliksik

Sa tuwing nag-iisa,

Natutulala at naiisip ka
Labis na nagtataka,

Na sa dami ng nakilala at nakasama

Ikaw ang napili nitong puso,

Binihag at inangkin mo ng husto

Ako’y umiibig sayo,

Kahit na ganto pa man

Kahit na tayo ay magkaibigan lamang,

Ako ay tunay na masaya

Kahit na hindi mo alam,

Ayos lang sinta

Mamahalin ka pa rin,

Higit pa sa iyong akala

Sa tuwing siya’y kasama mo, ako’y natutunaw

Naiinggit at parang naliligaw

Isip ko’y nagdadalawa kung itutuloy ba,

Pag-amin na binabalak noon pa

Interprestasyon

Ang tula na ito ay nagpapakita sa isang indibidwal na gustong-gusto ang kaniyang kaibigan. Ngunit sya ay
takot umamin, at ayos lang siya mag manatiling kaibigan sa kaniyang ikinagugusto. Siya ay naglalarawan
kung paano siya ay espesyal sa kaniya. dahil sya lang ang napili ng kaniyang puso at ipinatibo ito, siya
ang masaya na makasama sya. ngunit sya ay nag da-dalawang isip kung itutuloy nya ang pag-amin na
binabalak nya noon pa.

You might also like