You are on page 1of 1

Pagmaya PAGDIWANG

Pagmaya. Pagdiriwang, pagsasaya.


Dikit sa salita'y tila puro ligaya,
mga ilaw, selebrasyon, at kanta
sa pagkilala ng isang ganap na nagdulot ng sigla.

Pagmaya tuwing madarama ang huyuhoy,


tuwing rinig ang agos na dumadaloy
sa hininga sa bawat umaga,
sa saya at sa tuwang rumaragasa.

Sa pagdaong ng kabilang banda,


kung ang liwanag ay hindi maaninag pa,
tuwing nawawalan ng pagasa,
may pagmaya pa kaya?

Pagmaya. Pagdaong, pagkilala.


pagmaya tuwing lungkot ay nadarama,
tuwing rinig ang daing at luha
tuwing maging ang pagabot ay 'di magawa.

Pagmaya, sa lungkot at saya


pagdiriwang ng kasalukuyan,
sa pagdaong ng ngayon at kinabukasan,
at pagkilala sa emosyong dumaraan.

Magmaya, kahit malayo pa ang umaga,


kahit ang sinag ay hindi makita,
kahit ang bagong panimula ay hindi tanaw
kahit tila naliligaw, magmaya.

ABULOG, ANN COLEEN A. (BSN 2-3)

You might also like