You are on page 1of 1

KRISLYN JOY R.

MALBATAAN
MAED – FILIPINO
LUHA
Basa na naman pala ang aking mga pisngi,
Pinipilit ko muling sarili’y mapangiti,
Mula sa mata ko, tila walang humpay ang pagbagsak,
Mga mapapait na ala-ala ay muling nadama.

Tuwing ako’y nababagabag ng lungkot


Ito ay kusang sa mata ay lumulusot
Kayhirap pigilin lalo na kung pilit tumatakas
Ngunit hindi lamang sa kalungkutan pilit nitong lumalabas

Sa tuwing labis na kasiyahan ay nararamdaman


Pagluha ang siyang nagiging kasagutan
Kapag naman labis ang pagkagalit
Sa halip na pananakit ay luha ang pinapalit.

Sakit, karamdaman, kasiyahan, maging kalungkutan


Pagpatak ng luha ito ang nagiging dahilan
Sa pagdadalamhati man o kaligayahan
Luha ang ating nagiging takbuhan.

You might also like