You are on page 1of 5

MALIKHAING AKDA

MASKARA

Tila'y isang bahaghari kung iyong pagmamasdan,


Na ini-isplika'y puro lamang kasiyahan.
Sa harapa'y makikita ang iba't-ibang kulay—
Mga kulay na nagpapahiwatig ng saya't ligaya na tila'y walang
tangan na lumbay.

Kasuotang sinasalamin ay kasinungalingan—


Na pilit isinasabuhay ang buhay na mapanlinlang.
Isang materyales na may isang maliit na gampanin—
Ang pagtago ng tunay na pait ng mundo— na ating patuloy na
lalakarin.

Ang kalungkutan ay kanyang ikinukubli—


Ikinukubli sa likod ng kasuotang may makukulay na palamuti.
Nakukuha mang magpasaya't magpatawa,
Ngunit ito'y maskara lamang ng kaniyang pighating dinadala.

Makulay at makinang ang suot-suot na pantakip sa mukha,


Pilit tinatakpan ang nakatagong walang buhay na mga mata.
Mapagpanggap man kung tawagin nila,
Subalit hangarin lamang ay kagaanan para sa kanila.

Ngiti ma'y saya ang nagdulot,


O di kaya'y ngiting sinalinan ng lungkot,
Ang dalawang ito'y walang bahid ng pagkakaiba—
Kapag maskara'y tangan-tangan ko na.
AKADEMIKO
PROPESYONAL
SULATING EXPERIMENTAL
PERSONAL NA TALA

You might also like