You are on page 1of 2

ENTABLADO

Ni: Zia L. Dumalague

Pen Name: Prime_ZiBhe

Itinanghal na naman ang isang dula,

Dula na nasisilayan ng mga manonood

Subalit ang tauhan na gumaganap

Ay nakakubli sa maskara ng kasiyahan.

Napapansin niyo ba?

Sa patuloy na pagbabagong-bihis ng panahon

Marami na ang inaalipusta sa bagong henerasyon

Ang madilim na sulok ay napuno ng hinaing at panaghoy

Payak na pagtangis na walang tunog mga taksil na luhang sa mata ay dumadaloy.

Tayo ay nasa mundo na mapanghusga

Tila laging nagtatanghal sa entablado

Sa paningin ng madla ako'y perpekto at talentado

Mayumi kung gumalaw, nag-iingat baka sila ay aking mabigo

Maging sanhi upang sumbatan na walang kwentang tao.

Hindi mabatid kung saan ang lugar ko sa mundo

Isang pagkakamali huhusgahan na agad ng mga tao

Babatuhin ng mga katagang kasing talim ng kutsilyo

Kusang tumatarak sa unti-unti kong nawawasak na puso.

Nakangiti ako sa harap niyo para ipakitang maayos ako

Mas mainam na lamang na ikubli ang paghihinagpis sa maskarang ito

Hanggang kailan kailangan magkubli sa katauhang ito?

Para mahalin at tanggapin ng mga tao.

Bakit kailangan kong maging perpekto?

Kung sa panlalait niyo nadudurog na ako

Nasisindak sa mga mata na laging sa akin ay nakatutok

Mahina ako, laging nasa ibaba pilit na inaakyat ang tuktok ng tatsulok.

Saan na paroroon ang tulad kong salawahan

Kung may tanikalang nakagapos sa akin sa kalungkutan

Kailan niyo makikita ang mga wastong nagawa ko?

Kung maging ako ay nalason na rin ng kamaliang nagawa ko.

Muling umakyat sa entablado

Tinanggal ang nakatakip sa mukha

Taas-noong nakatingin sa madla


Heto ako, isang hamak na dukha

Hindi na papatinang kahit kanino husgahan man nila.

You might also like