You are on page 1of 3

Ito'y elehiya para sa kabataang inaasahang ito'y isang tulang kakikiligan.

Tipong may magkakaibigang nagkakaibigan,


Nagkakahulihan, nagkakatitigan.

Pasensya.
Pasensya
Hindi ito isang tula na bubuo sa iyong pantasya.
Ito'y isang tulang iaalay ko para sa martir ng sambayanang si Rizal
Na nagsabing kabataan raw
Ang pag asa ng bayan.

Uumpisahan ko na.

Oda: para sa kabataang si Eva


Nakapaloob sa bawat saknong kung paano sya binubuo ng poot,
Nakakapit sa patalim, walang saplot
Lumilitaw sa pagsapit ng dilim
Sumasayaw para makilatis
Nang mai-uwi at
maibigay ang ninanais nais ni Adan
na may dalawang ulo
Ngunit ang ginagamit ay yung nasa baba
Hindi yung sa may bandang noo.

Oda: para sa kabataang namulat sa luho


Bili mo'ko non, bili mo'ko nyan,
Magrereklamo pa yan.
Gustong masunod ang luho sa kagamitan.
Hangad bawat atensyon ng karamihan,
Sakit na depression?
Hindi yan isang bagay,
Pero uso yan!

Oda: para sa kabataang may malilikhang imahinasyon


Nakapaloob sa maliit na kahon
Ang pang-una sa mga bagay bagay at sitwasyon
Kung saan ang kahulugan ng isang bagay ay nakabase sa kanilang sariling depinisyon
Kailangan pa ba ng halimbawa?
Bibigyan kita
Si ateng nakasuot ng mahabang palda,
Kahit dise-sais pa lang
Manang na.

Oda: para sa kabataang may labis na kapusukan


Tunay bang kabataan ang pag asa ng bayan?
O kinalimutan na ng kabataan ang tungkulin para sa sariling bayan?
Ang kaya lang ay pumuna
Ngunit di kayang tanggalin sariling muta sa mata
Panghuhusga?
Yan ang pampalipas oras nila.

Namulat tayo sa panahong kailangan nasusunod ang uso;


Panahong kailangan palaging napupuna ng tao.

Nakaikot ang mundo sa pagpaparamihan ng likes at pag sunod sa "challenge" ---


na tila ba nakalimutan na natin yung "challenge" ng mama sa luneta:

A La Juventud Filipina:
Alza su tersa frente,
Juventud Filipina, en este día!
Luce resplandeciente
Tu rica gallardía,
Bella esperanza de la Patria Mía!

~ Itaas ang iyong noong aliwalas


ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ang kabataan ang pag asa ng bayan,


Naniniwala ka pa ba?

Ang kabataan ang pag asa ng bayan,


Naniniwala ka pa ba?

Ang kabataan ang pag asa ng bayan,


Naniniwala ka pa ba?

Bakit hindi? Kabataan ang pag-asa ng bayan. Alam natin kung ano yung nararapat.

Posibleng ibigin mo ang pilipinas kahit hindi ka ininig ng crush mo.


Hindi imposibleng maging kaya mong maging positibo,
Hindi posibleng hindi posible,
Oo kaya mo.
Ang alab ng puso ay di lang para paulit ulit kang ma-fall sa taong di ka naman gusto,
Maging isa tayong instrumento para sa pagbabago,
Para patuloy nating hirangin ang lupang sinilangan.
Ang pakikialam ay hindi pagkukunsinti sa kasamaan.
Hindi ito isang tula para tapakan ang imahe ng kapwa ko kabataan
Ito'y isang oda para sa kabataang minsan mang nadapa'y patuloy paring lumalaban

Itoy isang oda para sa kabataang pilit nililihis ang sarili sa kasamaan
Oda para kabataang patuloy na lumalaban sa problemang kiakaharap ng kasalukuyan

Ito'y isang oda para sa kabataang patuloy na naniniwala't sa mga di na naniniwala


Bakit di ka maniwala?
Posible,
Hindi imposible,
Kaya natin to.

Pinagkatiwala satin ni rizal ang kinabukasan ng bayang ito,


Bakit di ka maniwala sa sarili mong kaya mo?
Kabataan, kaya natin to.

You might also like