You are on page 1of 7

Ayon kay Alfred Austin:

Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita,


ito ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa
pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam,
iniisip, o ginagawa ng tao.

Wika ni Edgar Allan Poe:

Ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na


kagandahan.

Ani ni John Ruskin:

Ang tula ay tahasang pagpapahiwatig, sa tulong ng guniguni at nag-aalimpuyong


gunamgunam, at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin. Na ang
ibig kong ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing
nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng Pag-ibig, Paghanga, Pagsamba
na ang kasalungat: Pagkamuhi, Pag-kapoot, Pagkasindak, at hindi madalumat na
kalungkutan.

Pahayag ni Charles Mills Gayley:

Ang tula ay isang pagbabagong-anyo sa buhay, o isang paglalarawan ng buhay


na ang kagandahan ay hinahango sa guniguni na pinaparating o inihahatid sa
ating mararangal na damdamin at ipinahayag sa pamamagitan ng masinop ng
pangugusap at nag-aagkin ng namumukod na kariktang pinatitingkad ng tumpak
na aliw-iw, na lalong gumaganda kung gumagalaw sa mga may sukat.

Ayon kay Percy Bysshe Shelley, ang panulaan ay instrumento ng guni-guni.

You might also like