You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI, Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga Sibugay
FIELD OFFICE OF SIAY

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN IV


QUARTER 1 – WEEK 10
CLASS OBSERVATION NO.1

School: San Isidro Elementary School


Teacher: Von Gretchelle P. Barcatan
Week 8: 3-4 na araw
Time Duration: 50 Minuto
Strategies Used:
✓ Multimedia-hyperlink
✓ Multimedia Approach (Powerpoint presentation)
✓ Differentiated Instruction:
• Ako’y Buuin
• Kapares ko ay hanapin
• Ang aking katangian
✓ Teacher-pupil approach
✓ Rebus Technique
✓ Q&A
✓ Cabbage Relay
✓ Listening breaks
✓ Itaas ang kamay, iwagayway

Integration: Literacy and numeracy, values education, MAPEH, Science

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-


unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga
katangiang heograpikal gamit ang mapa.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay Naipamamalas ang
kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng
ibat ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagbibigay ng konlusyon tungkol sa
kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pagunlad
ng bansa AP4AAB-Ij13

D. Mga Layunin • Naiisa-isa ang mga katangiang pisikal ng


bansa.
• Natutukoy ang iba’t ibang pisikal na katangian
ng bansa.
• Naiuugnay ang kahalagahan ng katangiang
pisikal sa pag-unlad ng bansa.
II. Paksang Aralin
kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-
unlad ng bansa

III. Mga Sanggunian K-12 Curriculum Guide


Teachers Guide Grade IV
Learner’s Material IV
Google
Youtube
Kagamitang Panturo:
✓ LCD and laptop
✓ Video clips
✓ Tarpapel
✓ Mga larawan
✓ Rubrics
✓ flaglets

IV. Pamamaraan

A. Balik aral sa nakaraang aralin o Multimedia-hyperlink


pasimulang bagong aralin
Panuto: Sagutan ng tama ang mga sumusunod na
tanong.

Tama 1. Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of


Fire.
Mali 2. Mayroong dalawanpo’t limang (25)
aktibong bulkan na matatagpuan sa Pilipinas.
Mali 3. Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa
Mindanao.
Tama 4. Mayaman sa magagandang tanawin ang
ating bansa.
Tama 5. Ang Pilipinas ay kinalalagyan ng mga
aktibong bulkan at madalas ang pagyanig.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Multimedia Approach (power point presentation)

*setting norms and standards of the activity*


o Gawin ang lahat sa abot ng makakaya.
o Magpakita ng paggalang sa isa’t isa.
o Maging ligtas, matapat at matulungin.
o Makinig sa guro.
o Tapusin ang gawain sa itinakdang oras.

Ipakita sa klase ang mga larawan tungkol sa


katangiang pisikal ng bansa. Itanong ang mga
sumusunod:

o Ano-ano ang mga ipinakita sa larawan?


o Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng
bansa?
o Sa iyong palagay, paano natin
mapapangalagaan ang mga ito?

(Ipangkat ang klase sa tatlo at ipakita ang rubrics


bago simulan ang gawain.

RUBRICS

KATEGORYA
Pinakamahusay Mas mahusay Mahusay
(5) (3) (2)
Partisipasyon Ang lahat ng Ang karamihan Iilan lamang sa
miyembero ng sa miyembero miyembero ang
grupo ay ng grupo ay grupo
nagtutulungan nagtutulungan nagtutulungan
Nilalaman Ang natapos na Ang natapos Ang natapos na
gawain ay na gawain ay gawain ay
angkop sa my kaunting nangangailangan
konsepto kaugnayan sa kaangkopan sa
konsepto konsepto
Pagtapos sa Ang gawain ay Ang gawain ay Ang gawain ay
itinakdang oras natapos ng natapos ng nangangailangan
pangkat bago pangkat sa matapos sa
ang itinakdang itinakdang oras itinakdang oras
oras
Presentasyon Naipahayag ng Naipahayag ng Nangangailangan
wasto at buong wasto at may ng karagdagang
husay ang husay ang kawastohan at
gawain gawain kahusayan ang
gawain

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa (Differentiated Instruction)


sa bagong aralin
Group I: AKO’Y BUUIN (Mga Makata)
Buuin ang mga piraso ng papel upang makabuo
ng larawan at at bumuo ng pangungusap. Isalaysay
ito sa pamamagitan ng tula.

Group II: KAPARES KO AY NAHAPIN (Mga


mananayaw)
Tingnang mabuti ang mga larawan at hanapin
ang mga salitang naglalarawan sa mga ito. Ipakita
ang natapos na gawa sa pamamgitan ng sayaw.
Group III: ANG AKING KATANGIAN (Mga mang-aawit)
Piliin ang mga salitang may kauganayan sa Pisikal
na Katangian ng bansa at idikit ito sa graphic
organizer. Ipakita ang natapos na gawain sa
pamamagitan ng pag-awit.

Kapatagan sayawan sasakyan


Mainit magulo yelo
Bulubundukin sapatos talon
Matamis bulkan dalampasigan

PISIKAL NA KATANGIAN
NG BANSA

D. Pagtatalakay ng bagong Pag-uulat


konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang natapos
na gawain.

Bibigyang linaw ng guro ang konsepto ayon sa


gawaing naiatas sa bawat pangkat.

E. Pagtatalakay ng bagong Rebus Technique


konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2 Pagtatalakay at pagbibigay-diin sa konsepto ng
pakikilahok sa mga programa at proyekto na
nagtataguyod ng mga karapatan.

Ang Pilipinas ay isang archipelago.. Ang pagiging


archipelago ng bansa ay may malaking pakinabang
sa bansa. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kapatagan
Sa mga kapatagan matatagpuan
ang mga malalaking taniman ng palay at iba
pang produkto tulad ng tubo at mais.
2. Bulubundukin
Ang mga mahahabang at
nakakabighaning mga bulubundukin sa ating
bansa ay nagsisilbing panangga sa mga
bagyong dumarating.

3. Bulkan
Bagaman ay may dulot na panganib,
nagsisilbi itong atraksyon sa mga turista bilang
lugay pasyalan.

4. Dalampasigan
Nagbibigay saya at tuwa lalo na
sa panahon ng tag-init.

5. Ilog, lawa at talon


Nakahihikayat sa pagpasok
ng turismo sa ating bansa.

Tunay na maipagmamalaki ang turismo ng


bansa. Dahil sa pagiging mayaman sa katubigan ay
maraming maaaring pagkakitaan katulad ng
pangingisda, pagbabangka at pagbibiyahe..

Itanong ang sumusunod:


a. Ano-ano ang mga pisikal na katangian ng
ating bansa? Ilan lahat ng ito?
b. Paano ninyo mapapangalagaan ang mga
pisikal na katangian ng ating bansa?
c. Bakit mahalaga ang pagpasok ng turismo sa
ating bansa?
F. Paglilinang sa Kabihasnan Q and A

Bilang mamamayang Pilipino, nais ninyong


makilahok sa pagpapayaman ng turismo sa
inyong lugar sa pamamagitan ng pag-aanyaya
ng mga kakilala mula sa iba pang lugar. Kung
ang bawat isa sa sampung tao ay nakapag-
anyaya ng tig-limang turista, ilan ang kabuuang
turista na maaaring makapunta sa lugar?

(Integration of Numeracy and Literacy)

G. Paglalapat ng aralin sa pang Cabbage Relay


araw-araw na buhay
Pakinggan ang musika, sa hudyat ng paghinto ay
sipiin ang isang piraso ng papel. Gamit ang mga
larawan, magbigay ng mungkahi kung ano ang
kahalagahan nito sa pag-unlad ng bansa.
H. Paglalahat ng aralin Listening breaks
▪ Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng
ating bansa?
▪ Paano kayo makikilahok sa pagpapa-
unlad nito?
▪ Bakit mahalagang pangalagaan ang
iba’t ibang anyong tubig at lupa?

Itaas ang kamay, iwagayway


I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang sumusunod ay nagpapakita ng
kahalagahan ng katangiang pisikal ng ating bansa.
Itaas ang berdeng papel kung ito ay nagpapaunlad,
puting papel naman kung hindi.

___1. Paghihikayat ng turismo sa inyong lugar.


___2. Pagtatapon ng mga basura sa ilog.
___3. Pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong kahoy.
___4. Pag-reycle ng mga plastic bottles.
___5. Pagputol ng mga punongkahoy parang gawing
papel.
___6. Pag-aaral tungkol sa kahalagahan ng
katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa.
___7. Pagtapon ng basura sa basurahan.
___8. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
___9. Pasgsusunog ng plastic.
___10. Paglilinis ng kapaligiran.
J. Karagdagang Gawain para sa Magtala ng limang (5) gawain sa inyong tahanan,
takdang aralin barangay o paaralan na nagpapakita ng
pagpapahalaga ng katangiang pisikal sa pagpapa-
unlad ng bansa.

Prepared By:

VON GRETCHELLE P. BARCATAN


Teacher I

Observed By:

JONATHAN G. GEROY
OIC

You might also like