You are on page 1of 43

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain

‫ﺷﺮﺡ ﺃﺭﻛﺎﻥ ﺍﻹﺳﻼﻡ ﺍﻟﺨﻤﺴﺔ‬


ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM
(MGA KAHALAGAHAN AT PALIWANAG)

Isinulat ni:
Ahmad Jibril Salas
www.islamhouse.com

Unang Limbag 1427 H., 2006 CE


Ang lahat o anumang bahagi nitong aklat ay maaaring gamitin sa anumang
pamamaraang paglalahad hangga’t ang nilalaman nito’y hindi inililihis sa tamang
kahulugan at diwa nito.
Nais naming ipaabot ang aming taos‐pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa
pagpapalimbag ng aklat na ito. Nawa’y biyayaan sila ng Allah sa kanilang mga
pagsisikap. Kung mayroon kayong pagtutuwid, puna o katanungan hinggil sa aklat na
ito, mangyaring makipag‐ugnayan lamang sa: www.islamhouse.com

1427 H
[447]

Inilimbag ng:
The Islamic Propagation Office in Rabwah
Tel. 4454900 ‐ 4916065
www.islamhouse.com

.‫© ﻴﺤﻕ ﻟﻤﻥ ﺸﺎﺀ ﺃﺨﺫ ﻤﺎ ﻴﺭﻴﺩ ﻤﻥ ﻫﺫﻩ ﺍﻟﻤﺎﺩﺓ ﺒﺸﺭﻁ ﺍﻷﻤﺎﻨﺔ ﻓﻲ ﺍﻟﻨﻘل ﻭﻋﺩﻡ ﺍﻟﺘﻐﻴﻴﺭ ﻓﻲ ﺍﻟﻨﺹ ﺍﻟﻤﻨﻘﻭل ﻭﻻ ﺤﺫﻑ ﺸﻲﺀ ﻤﻨﻪ‬
.‫ﻭﺍﷲ ﺍﻟﻤﻭﻓﻕ‬
:‫ﺇﺫﺍ ﻜﺎﻥ ﻟﺩﻴﻙ ﺃﻱ ﺴﺅﺍل ﺃﻭ ﺍﻗﺘﺭﺍﺡ ﺃﻭ ﺘﺼﺤﻴﺢ ﻴﺭﺠﻰ ﻤﺭﺍﺴﻠﺘﻨﺎ ﻋﻠﻰ ﺍﻟﻌﻨﻭﺍﻥ ﺍﻟﺘﺎﻟﻲ‬
www.islamhouse.com

‫ﺍﻟﻤﻜﺘﺏ ﺍﻟﺘﻌﺎﻭﻨﻲ ﻟﻠﺩﻋﻭﺓ ﻭﺘﻭﻋﻴﺔ ﺍﻟﺠﺎﻟﻴﺎﺕ ﺒﺎﻟﺭﺒﻭﺓ‬


‫ ﺘﺤﻭﻴﻠﺔ‬4916065 – 4454900 :‫ﻫﺎﺘﻑ‬
www.islamhouse.com :‫ﻋﻨﻭﺍﻥ ﺍﻟﻤﻭﻗﻊ‬

2
www.islamhouse.com

I. ANG KALIMAH

Laa iIaaha illAllah Muhammadar-Rasulullaah


(Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah
at si Muhammad ay Kanyang Sugo)

Ang pagbigkas ng Kalimah (Laa ilaaha illAllah Muhammadur Rasulullaah) ang susi sa
pagyakap sa relihiyong Islam. Sa pagbigkas ng Kalimah, ang tao ay pumapasok sa isang
dakilang kasunduan sa harap ng Allah at maging sa buong mundo. Ito ang kasunduang
namamagitan sa tao bilang alipin ng Allah at ang Allah bilang Tanging Panginoon ng tao. Ang
kasunduang ito ay nangangailangan ng ganap na katapatan sapagka’t ito ay kinapapalooban ng
mga alintuntunin na dapat isagawa.

Ang tao ay nahaharap sa isang banal na tungkulin at pananagutan. Una sa lahat, ang Kalimah ay
isang pagpapatunay na ang Allah lamang ang Siyang dapat sambahin sapagka’t Siya ang ating
Tagapaglikha, Panginoon, Tagapagpanatili at tanging nakikinig sa ating mga dalangin at
karaingan. Ang mundong ito ay hindi gagalaw at magkakaroon ng buhay maliban sa
kapangyarihan ng Allah. Siya ay Tanging Isa at Mananatiling Isa magpakailanman. Pangalawa,
sa pagpapahayag ng Kalimah, ang isang tao ay nagpapatotoo na ang Allah ay Siyang Diyos ng
lahat, at bawa’t bagay na narito ay Kanyang pagmamay-ari. Ang buhay at kamatayan ay nasa
ilalim ng Kanyang Banal na Kautusan. Siya lamang ang nararapat katakutan at dapat
paglingkuran. Tayong lahat na kanyang nilalang ay mga alipin Niya. Na ang tunay nating
tungkulin ay ang sumuko, sumunod at tumalima sa Kanyang Kalooban at Kautusan.

Ang Muhammadur Rasulullaah ay isang pagpapahayag na tinatanggap ng isang tao ang Batas ng
Allah na ipinagkatiwala kay Propeta Muhammad . Ang buhay ng isang Muslim ay nararapat
na nakaalinsunod sa buhay na inilarawan ni Propeta Muhammad .

ANG KASUNDUAN NG TAO AT NG ALLAH.

Ang isang tao ay nararapat maging matapat sa kanyang sinumpaang tungkulin. Sa pagtalikod ng
isang mananampalataya sa Kalimah, ang lahat ng bagay na nakarinig sa kanyang pagpapahayag
ay magiging saksi laban sa kanya sa paghuhukom ng Allah. Ang kanyang katawan , mata, bibig,
kamay, paa at maging ang kaliit-liitang ugat at buhok niya sa katawan ay sasaksi sa kanyang
walang katapatang pagpapahayag. Sa paghuhukom ng Allah, walang abugado ang maaaring
magtanggol sa sinuman sapagka’t maging ang hukom o abugado dito sa mundo ay haharap sa
Allah upang managot sa kanilang mga gawain. Walang sinuman ang makawawala at
makalulusot. Walang maikukubli at maitatago sa Panginoong Diyos. Kung ang mga ibang pulis
dito sa mundo ay nakukuha sa suhol, hindi ang Allah sapagka’t Siya ay ganap na makatarungan
at makatotohanan. Lahat ay lalapatan ng parusa at gantimpala. Sa husgado dito sa mundo, ang
saksi ay maaaring magsinungaling. Nguni’t sa Hukom ng Allah, lahat ay ganap na katotohanan
at hindi mapasisinungalingan. Maaaring dito sa mundo ang hukuman ay hindi makatarungan at
maaari niyang mapawalang-sala ang isang kriminal, nguni’t sa hukuman ng Allah, lahat ay may
katarungan. Maaaring makatakas ang tao sa bilangguan dito sa lupa nguni’t sa piitan o

3
www.islamhouse.com

bilangguan ng Allah sa kabilang buhay, walang sinuman ang makatatakas. Kaya, isang malaking
kasalanan sa Allah ang magpahayag ng kasunduan na lihis naman sa katapatan at katotohanan.
At dahil sa kasunduang ito, ang tao ay may pananagutan na dapat tuparin bilang alipin. At ang
pananagutang ito ay nakaugnay sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay bilang alipin ng
Allah. Ang pagtupad sa tungkuling ito na may layuning sumunod at sumuko sa Kalooban ng
Allah ay tinatawag na ‘Ibaadah.

II. ANG KAHULUGAN NG ‘IBAADAH

Ang Allah (Ang Kataas-taasang Panginoon) ay nagsabi sa Kanyang Banal na Qur’an:

"Hindi Ko nilikha ang Jinn1 at Tao maliban sa pagsamba sa Akin."(Quráan- 51:56)

Maliwanag mula sa talatang ito na ang layunin at dahilan ng ating pagsilang at ng ating buhay ay
walang iba maliban yaong pagsamba sa Allah – Ang Makapangyarihan. Kaya bilang tao
nararapat nating alamin ang tunay na kahulugan ng ‘Ibaadah (pahapyaw na binigyan ng
kahulugan sa Tagalog bilang pagsamba). Kung ang kahulugan at tunay na diwa nito ay hindi
nalalaman ng tao, paano niya maisasakatuparan ang tunay na layunin ng kanyang pagkakalikha?
Anumang bagay na hindi naisasakatuparan ay itinuturing na walang kabuluhan. Katulad
halimbawa ng isang doktor, na hindi kayang pagalingin ang maysakit, nangangahulugang hindi
siya matagumpay sa kanyang propesyon. Kung ang magsasaka ay hindi makapag-ani ng
magandang tanim, hindi siya nagtagumpay sa kanyang pagbubukid o pagbubungkal ng lupa.
Kung hindi natupad ng tao ang layunin ng kanyang buhay, ang kanyang buong panahon ay
maituturing na isang walang kabuluhang pamumuhay. Sa ganitong dahilan, nararapat nating
unawain at isipin ang tunay na kahulugan ng ‘Ibaadah at panatilihin natin ito sa ating puso at
kalooban sapagka’t dito nakasalalay ang tagumpay o kapahamakan ng ating buhay.

Ang salitang ‘Ibaadah ay hinango mula sa salitang Abd. Ang kahulugan ng Abd ay alipin.
Samakatuwid ang kahulugan ng ‘Ibaadah ay pagpapaalipin sa Allah. Kung ang isang tao ay
nananatiling gumagawa at kumikilos ayon sa ipinag-uutos ng kanyang Panginoon, ito ay
tinatawag na ‘Ibaadah. Sa kabilang dako, kung ang isang tao na naglilingkod sa kaninuman at
tumatanggap ng sahod nguni’t siya ay hindi ganap na sumusunod sa kanyang pinaglilingkuran,
ito ay tinatawag na pagsuway na ang katumbas ay walang katapatan. Ang isang alipin ay
nararapat na isaalang-alang ang kanyang gawa at kilos para sa kanyang Panginoon. Nararapat din
niyang ganap na nauunawaan ang kanyang tungkulin bilang alipin.

Ang unang tungkulin ng isang alipin ay ang pagiging matapat sa kanyang pinaglilingkuran. Ang
tao bilang alipin ng Allah ay matatag na nananalig at naniniwala na walang dapat bigyan ng
tunay at ganap na katapatan kundi ang Kanyang Tagapaglikha. Ang katapatan ay naipapahayag
ng isang tao sa kanyang pananalita, at sa kanyang puso ay nakaukit ito, at tunay na nasisilayan sa
aktual na gawain at pamumuhay.

Ang ikalawang tungkulin ng isang alipin ay ang laging masunurin sa kanyang Panginoon,
tinutupad niya ang mga kautusan, hindi siya tumatalikod sa kanyang mga tungkulin at siya’y

1
Jinn: Mga nilikha ng Allah mula sa apoy na karaniwang hindi natin nakikita. Sila ay may pananagutan din sa
kanilang mga gawa.

4
www.islamhouse.com

umiiwas sa mga salitang laban sa kagustuhan at batas ng kanyang Panginoon. Bilang mabuting
alipin, sinusunod niya ang Batas ng Allah at hindi ang batas na gawa ng tao. Nangingibabaw sa
kanya ang Batas ng Allah at hindi ang batas ng kasamaan. Ang pagsasaalang-alang niya sa Allah
bilang Panginoon ay nananatili sa kanyang isip at puso. Ang isang alipin ng Allah ay
nananatiling alipin sa lahat ng oras, panahon at sa lahat ng pagkakataon o kalagayan. Wala
siyang anumang karapatang magsabi na siya ay sumusunod sa isang partikular na kautusan at
hindi sumusunod sa ibang kautusan. Hindi siya alipin sa isang takdang panahon lamang o kaya
ay malaya sa kanyang tungkulin sa ibang panahon. Siya ay mananatiling alipin magpakailanman.

Ang ikatlong tungkulin ng isang alipin ay yaong pagbibigay-galang at pagdakila sa kanyang


Panginoon. Ang isang alipin ay nararapat sundin ang pamamaraan na ibinigay ng Kanyang
Panginoon para sa paggalang at pagdakila sa Kanya. Siya ay nararapat na palagiang nakahanda
sa anumang oras na itinakda ng Kanyang Panginoon upang magpakita ng paggalang at pagdakila
bilang pagpapatunay na siya ay matapat at sumusunod sa Kanya.

Ito ang mga pangangailangan na siyang binubuo ng ‘Ibaadah; una, ang katapatan sa kanyang
Panginoon; pangalawa, pagkamasunurin at pagtalima sa kanyang Panginoon, at ikatlo, paggalang
at pagdakila (o pasasalamat) para sa kanyang Panginoon. Kung ano ang sinabi ng Allah sa
talatang: "Hindi Ko nilikha ang Jinn at tao maliban sa pagsamba sa Akin", ito ay aktual na
nangangahulugan na nilikha ng Allah ang tao at Jinn upang manalig at sumamba lamang sa
Kanya, na sila ay dapat sumunod nang buong katapatan sa mga kautusan ng Allah. Sila ay hindi
dapat sumunod sa utos ng sinuman na lihis sa batas ng Allah, at sila ay dapat yumukod at
magbigay paggalang at pagdakila o papuri sa Allah lamang at wala ng iba pa. Ang tatlong bagay
na ito ay isinalaysay ng Allah sa isang malawak na katawagan – ang ‘Ibaadah. Ito ang tunay na
kahulugan ng ‘Ibaadah na siyang dapat isagawa para sa Kanya. Ang diwa ng mga aral ni Propeta
Muhammad at ng lahat ng Propetang isinugo ng Allah ay:

"Wala kayong (dapat) sambahin maliban sa Kanya." (Quráan- 12:40)

Ito ay nangangahulugan na ang Allah ang tanging may Kapangyarihan at Kapamahalaan na kung
saan ang tao ay dapat matapat at manalig at sumampalataya. Mayroon lamang isang Batas na
dapat sundin ng tao at yaon ang Batas ng Allah, at ang Allah ang tanging Diyos na dapat pag-
ukulan ng tapat na pagsamba. Siya ang Lumikha ng langit at lupa at ng lahat ng nilalaman nito at
ng lahat ng nasa pagitan ng mga ito.

ANG BUNGA NG MALING PANG-UNAWA SA ‘IBAADAH.

Ano ang masasabi natin sa isang alipin ng Allah na inuutusang maghanapbuhay nguni’t wala
siyang ginagawang hakbangin kundi ang ipalad ang mga kamay at bumigkas ng mga Soorah ng
Qur’an? Ano ang masasabi natin sa isang alipin na palagiang yumuyukod at sumusubsob sa lupa
sa kabila na siya ay inuutusan na ipagtanggol ang Batas ng Allah? Siya ay inuutusan ng Allah na
magtanggol laban sa di-makatuwirang gawa ng ibang tao, nguni’t wala siyang ginagawang
hakbangin kundi ang bumigkas ng magandang himig ng Qur’an. Siya ay inuutusan ng Allah na
magtatag ng isang Islamikong Batas sa pamahalaan upang ang mga magnanakaw, mamamatay-
tao, at ang lahat ng uri ng kriminal ay masugpo at maparusahan, nguni’t bilang alipin wala
siyang ginagawang hakbangin kundi ang manalangin. Siya ay inuutusan ng Allah na alisin ang

5
www.islamhouse.com

mga masamang gawain ng ibang tao nguni’t wala siyang ginagawa kundi ang umupo sa Masjid
at magsumamo. Ang ganito bang asal o kilos ay maaaring isaalang-alang bilang tunay na alipin
ng Allah? Sapat na bang tawaging alipin ng Allah ang isang taong nagbabasa, nagdarasal mula sa
madaling-araw hanggang takipsilim samantalang hindi man lang siya nagtangka sa kanyang
sarili na sundin ang mga batas na nakapaloob sa Banal na Qur’an? Karaniwan na kapag tayo ay
nakakikita ng mga taong lagi nang nasa Masjid, magandang bumigkas ng Soorah ng Qur’an, o
kaya naman ay matagal magdasal, o ang kanyang nuo ay may bakas ng pagpapatirapa, iniisip
natin na siya ay isang debotong mananampalataya at isang banal na tao. Dito nagsisimula ang
maling pang-unawa sa salitang ‘Ibaadah.

May isang alipin na abala araw at gabi sa pagpapatupad ng tungkuling ipinagagawa sa kanya ng
ibang di-Muslim. Siya ay sumusunod sa kanilang mga utos at gumagawa ayon sa batas ng mga
ito. Siya ay walang pasubaling sumusunod sa mga ito na lihis sa Batas ng Kanyang Panginoon
Diyos. Bagaman sadyang laging namumutawi sa kanyang labi ang pangalan ng Allah at
nagbibigay papuri sa Kanya, siya ba ay maituturing na isang tapat na alipin? Siya ay isang
sinungaling at mandaraya! May mga taong nagdarasal, nag-aayuno, nagbibigay Zakaah,
nagbibigay-papuri (Dhkir), nagbabasa ng Qur’an nguni’t sa araw at gabi naman ay sumasalungat
at sumusuway sa Batas ng Allah. Sila na sumusunod sa kautusan ng di-Muslim, sila na walang
alinlangang tumatakwil sa Batas ng Allah at sumusunod sa Batas ng kaaway ng Allah, sila na
nakikipagtulungan sa kaaway ng mga Muslim para ang kapwa Muslim ay maitaboy sa
kapahamakan, sila na nakikipagkaibigan at nagbibigay-tulong sa kaaway ng Islam bagaman
nagdarahop ang kapwa Muslim sa ibang panig ng mundo, maituturing bang ‘Ibaadah ang
kanilang gawa? Ito ba ang tunay na kahulugan at diwa ng pagsamba (‘Ibaadah)?

Iniisip ba natin na ang pagharap sa Qiblah ay ‘Ibaadah? Ang pag-iwas ba sa pagkain at inumin
tuwing Ramadan ay ‘Ibaadah? Ang pagdalaw ba sa Makkah ay ‘Ibaadah? Ang pagsasagawa ba
ng bawa’t kilos ng Salah ay ‘Ibaadah? Iniisip ba natin na ang pagbigkas ng Soorah ng Qur’an ay
‘Ibaadah? Ang pag-ikot ba sa Kaa'ba ay ‘Ibaadah? Matatawag ba nating ‘Ibaadah ang mga
panlabas na aspeto ng ating mga gawain? Maituturing bang ‘Ibaadah ito para sa Allah at natupad
ba ng isang Muslim sa ganitong paraan ang layunin ng talatang: "Hindi ko nilikha ang Jinn at
Tao maliban sa pagsamba sa Akin."

Pagkaraan nitong pagsasagawa ng panlabas na aspeto, malaya na ba silang gawin ang nais nila
para sa kanilang buhay?

‘IBAADAH
PAGTALIMA AT PAGPAPAALIPIN SA ALLAH

Nguni’t sa katotohanan ang ‘Ibaadah, na siyang dahilan na ating pagkakalikha at siyang pinag-
uutos ng Allah na dapat nating isagawa ay isang bagay na kakaiba. Na sa ating buhay, tayo ay
dapat sumunod sa Batas ng Allah sa bawa’t hakbang at sa bawa’t kalagayan, at dapat malaya ang
ating sarili sa batas na sumasalungat sa Batas ng Allah. Bawa’t kilos natin ay nararapat na nasa
hangganang itinakda para sa atin ng Allah. Bawa’t galaw natin ay nararapat na umaayon sa
pamamaraan na inilahad ng Allah. Sa gayon, ang buhay na ginugol sa pamamaraang itinakda ng
Allah ay binubuo at kinapapalooban ng ‘Ibaadah.

6
www.islamhouse.com

At dahil sa ganitong pamamaraan ng buhay, ang ating pagtulog, ang ating paggising, ang ating
pagkain at pag-inom, bawa’t galaw at pananalita, ang lahat ay ‘Ibaadah. Magkagayon, ang ating
pakikipagtalik sa ating mga asawa, ang ating pag-asikaso sa ating mga anak ay gawaing
‘Ibaadah. Ang mga gawain na karaniwang isinasaalang-alang na pang-pisikal ay pangrelihiyong
gawain at ito ay ‘Ibaadah, datapwa’t sa pagsasagawa ng mga ito kinakailangan na tayo ay
nananatili sa hangganang itinakda ng Allah, at tinitingnan natin ang bawa’t hakbang kung ano
ang pinahihintulutan o ipinagbabawal, kung ano ang Halal o ano ang Haram, kung ano ang
nararapat at ano ang hindi nararapat. Magkagayon, alam natin ang bagay na ikinasisiya o
ikinagagalit ng Allah. Halimbawa, tayo ay lumabas upang maghanapbuhay. Sa
paghahanapbuhay, makatatagpo tayo ng mga trabaho na madaling pagkakakitaan ng salapi
nguni’t ito ay sa paraang Haram (o ipinagbabawal). Kung, dahil sa pagsunod natin sa Allah, tayo
ay umiwas sa masamang hanapbuhay at ating hinarap ang isang hanapbuhay na malinis at
marangal, ang ating panahon na ginugol sa paghahanapbuhay ay itinuturing lahat bilang
‘Ibaadah. At ang tinapay na ating iniuwi sa ating bahay, pinakain sa ating pamilya at sa ating
sarili at sa dapat pakainin, ang lahat ng gawaing ito ay karapat-dapat na bigyan ng pagpapala at
gantimpala mula sa Allah.

Kung sa ating paglalakad sa kalsada ay inalis natin ang isang bagay na makatitinik o makasasakit
sa tao, ito ay itinuturing na ‘Ibaadah. Kung itinuro natin ang tamang daan sa isang bulag na
naglalakad, o ginamot natin ang isang maysakit o di kaya ay tumulong tayo sa isang taong
nagdadalamhati, ito ay ‘Ibaadah. Kung, habang tayo ay nagkikipag-usap sa kapwa, tayo ay
umiwas sa pagsisinungaling, paninirang-puri, pagsasalita ng masasakit o masama laban sa kapwa
at dahil sa ating takot at pagsunod sa Allah, tayo ay nagsabi ng katotohanan lamang, ang ating
panahon na ginugol sa malinis na pananalita ay itinuturing bilang panahong iginugol sa
’Ibaadah.

Samakatuwid, ang tunay na diwa at kahulugan ng ‘Ibaadah ay ang pagsunod sa Batas ng Allah
at pagtahak sa buhay ayon sa Kanyang Banal na Kautusan mula sa panahon na tayo ay magkaisip
hanggang sa panahon ng ating kamatayan. Walang itinakdang panahon ang pagsasagawa ng
’Ibaadah. Dapat magsagawa ng ‘Ibaadah sa lahat ng panahon at pagkakataon, sa bawa’t gawain
at bawa’t uri nito. Sa maikling salita, ang lahat ng ating gawain ay itinuturing bilang ‘Ibaadah
kung ang mga gawaing ito ay umaayon at umaalinsunod sa Batas ng Allah at ang tunay na
layunin ay upang bigyang kasiyahan ang Allah. Kaya, sa anumang mabuting gawa o pag-iwas sa
kasamaan ng dahil sa takot (at pagsunod sa Allah), sa anumang antas ng pamumuhay at larangan
ng paggawa, ating tinutupad ang ating Islamikong pananagutan. Ito ang tunay na kahalagahan at
diwa ng ‘Ibaadah, yaong ganap na pagsuko at tapat na pagsunod tungo sa kasiyahan ng Allah,
habang buhay sa lahat ng pagkakataon at pangyayari. Ngayon, maaari nating maitanong sa ating
sarili, ano ang Salah (pagdarasal), ang Sawm (pag-aayuno), ang Hajj (pagdalaw sa Makkah), ang
Zakaah (itinakdang taunang kawanggawa), at iba pa? Ito ay mga pamamaraang itinakda ng Allah
para sa paghahanda ng ‘Ibaadah. Ang Salah ay nagpapaalaala sa atin ng limang (5) ulit sa isang
araw na tayo ay alipin ng Allah at sa Kanya lamang ang pagsunod at pagsamba. Ang Zakaah ay
nagpapahiwatig sa atin ng katotohanan na ang yaman at salapi na ating pinagpapagurang kitain
ay isang pagpapala at handog ng Allah sa atin. Hindi natin dapat gugulin ang mga kayamanang
ito sa mga masamang pagnanasa kundi sa mga bagay na kapaki-pakinabang. Ang Hajj ay
nagbibigay pahiwatig sa atin ng pagmamahal at kadakilaan ng Allah. Ang Sawm (pag-aayuno)

7
www.islamhouse.com

ay nagtuturo ng pagtitiis at pagpipigil sa sarili upang makamtan ang kasiyahan ng Allah. Kung
pagkaraan ng pagsasagawa ng mga ito, ang ating buong buhay ay naging kabuuan ng ‘Ibaadah
para sa Allah, walang alinlangan na ang ating Salah, ay tunay na Salah, ang Zakaah ay tunay na
Zakaah, ang Hajj ay ganap na Hajj. Nguni’t kung ang bagay na ito ay hindi naisakatuparan ayon
sa hinihingi ng Islam, walang layunin at walang kabuluhan ang maibibigay ng pagyuko-yuko,
pagpapakagutom at pagpapakauhaw, ang pagsasagawa ng Hajj o ang pagbibigay ng Zakaah.
Ang mga panlabas na aspeto ng mga ito ay maihahalintulad sa isang katawan, na kung ito ay
may kaluluwa at gumagalaw at gumagawa, katiyakan na ito ay buhay nguni’t kung ang katawan
ay walang kaluluwa, hindi ito hihigit pa sa isang bangkay. Ang isang bangkay ay may pisikal na
kabuuan katulad ng kamay, paa, mata at ilong nguni’t walang kaluluwa. Kaya ito ay inililibing.
Gayundin, kapag ang pamamaraan ng Salah ay tinutupad nguni’t walang kalakip na pagkatakot,
pagmamahal at katapatan sa Allah, ito ay nawawalan ng kabuluhan at nawawalan ng
kahalagahang ritwal.

MALAWAK NA KAHULUGAN NG ‘IBAADAH

At dahil ang ‘Ibaadah ay nagsasaad ng pagpapaalipin, na tayo ay isinilang na alipin ng Allah,


hindi natin maaaring bigyang-laya ang ating sarili mula sa pagtalima sa Kanya sa anumang
panahon at pagkakataon. Hindi natin maaaring sabihin na tayo ay alipin ng Allah sa ilang oras at
maging malaya sa pagkaalipin sa ibang nalalabing oras. Katulad din naman, na hindi natin
maaaring sabihin na tayo ay magsasagawa lamang ng ‘Ibaadah sa mga oras na ating naisin.
Dapat nating isipin na tayo ay isinilang na alipin ng Allah. Nilikha Niya tayo para sa pagtalima
sa Kanya. Samakatuwid, ang ating buong buhay ay nararapat gugulin sa pagpapaalipin sa Kanya
at walang isang sandali na tayo ay dapat magpabaya sa pagsagawa ng ’Ibaadah.

Ang ‘Ibaadah ay hindi paglisan o pag-iwas ng sarili mula sa gawain na pang-araw-araw dito sa
mundo at ang pag-upo sa isang tabi habang bumibigkas ng "Allah". Ang tunay na kahulugan ng
‘Ibaadah ay yaong anuman ang gawin natin dito sa mundo, kinakailangang ito ay nasa
itinakdang batas ng Allah. Ang ating pagtulog, paggising, pagkain, pag-inom, paggalaw ay
nararapat na nasa pagsunod sa Batas ng Allah. Kung tayo ay nasa bahay kasama ang asawa,
anak, kapatid, magulang, tayo ay nararapat kumilos at gumalaw ayon sa itinakdang pagkilos o
paggalaw na iniutos ng Allah sa atin. At dahil tayo ay kumikilos ayon sa kautusan ng Allah, tayo
ay nagiging mabuting asawa, mabuting kapatid, mabuting magulang, mabuting kapitbahay, at
mabuti sa kapwa. At bakit tayo nagiging mabuti? Sapagka’t ito ang bunga ng ating tapat na
pagpapaalipin sa Allah. Kung kausap natin ang mga kaibigan at nasisiyahan ang sarili, hindi
dapat makalimot na tayo ay hindi malaya sa pagiging alipin ng Allah. Kung sa kadiliman ng
gabi, nararamdaman natin na maaari tayong makagawa ng kasalanan dahil walang tao sa mundo
ang nakakakita sa atin, dapat nating alalahanin na ang Allah ay nakakakita sa atin at Siya ang
dapat nating katakutan at hindi ang mga tao sa mundo. Kung sa pagsunod natin sa katotohanan at
katapatan ay nakaranas tayo ng malaking kawalan, dapat nating tanggapin ito nang walang
pagdaramdam sapagka’t nais nating bigyang kasiyahan ang Allah. Kung tayo ay nasa isang lugar
at nararamdaman natin na maaari tayong gumawa ng krimen na walang pulis na makakakita,
dapat nating iwasan ito at alalahanin ang Allah. Kaya, ang ‘Ibaadah ay hindi pagtalikod sa
materyal na gawain at pag-upo sa isang sulok na nag-iisa at nagbibilang ng mga katagang
pagpuri sa Allah (Tasbih). Sa katotohanan, ang ‘Ibaadah ay pakikisalamuha at paggawa dito sa
mundo at kalakip na pagsunod sa Batas ng Allah. Ang pag-alaala sa Allah ay hindi lamang

8
www.islamhouse.com

yaong patuloy na pagsasalita ng "Allah", "Allah", "Allah" nguni’t ang tunay na pag-alaala sa
Allah ay binubuo ng pag-alaala at pag-iisip sa Allah habang tayo ay nasa mga gawain. Sa buhay
dito sa mundo, maraming pagkakataon na maaari tayong sumuway sa Batas ng Allah, na kung
saan ang tukso ng yaman at laman ay naroroon. Dapat nating laging alalahanin ang Allah at
manatiling matatag sa pagsunod sa Kanyang mga Batas. Ito ang tunay na Dhikr (Pag-alaala sa
Allah). Kaya nga, bilang tao kinakailangang maramdaman natin na tayo ay tunay na alipin ng
Allah at kinakailangan na mapanatili natin ang pagpapailalim sa Kanya sa bawa’t sandali ng
ating buhay at sa bawa’t sandali ng ating mga gawain. Ang patuloy na pag-alaala ay nararapat
gawin dahil sa katotohanan sa ating mga sarili (nafs) ay may nakakubling suhestiyon ni Satanas
na walang tigil na umaakit at umaakay na gumawa tayo ng kasamaan. At mayroon pa ring
milyun-milyong Satanas sa buong mundo na nangagkalat at nagsasabi sa tao: "Ikaw ay aking
alipin". Ang kasamaan nila ay hindi masusugpo maliban kung ang tao ay laging naaalaala sa
araw -araw na siya ay alipin ng Allah at hindi alipin ni Satanas. Kaya ang Allah ay nagtakda ng
mga pamamaraan na dapat isagawa ng isang mananampalataya upang ang tunay na kaganapan at
kahulugan ng ‘Ibaadah ay maisakatuparan sa lahat ng pagkakataon.

III. MGA ITINAKDANG PAMAMARAAN NG ‘IBAADAH.

Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagtakda ng mga pamamaraan ng ‘Ibaadah upang makamtan
ng tao ang isang mataas na uri ng kabutihan at kalinisan ng pananampalataya. Ang mga
itinakdang pamamaraan ng ‘Ibaadah ay tinatawag na Limang Haligi ng Islam.

III-A. AS-SHAHADATAIN

Ang isang tunay na alipin ng Allah ay nararapat maunawaan ang kahulugan at patakaran ng
pagpapahayag ng Shahadatain na: Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa
Allah, at si Muhammad ay Kanyang Sugo at Alipin. Ang salitang "walang tunay na Diyos
na dapat sambahin" ay nagsasaad ng ganap na pagtakwil at pagtalikod sa anuman at sinumang
sinasamba maliban sa Allah at ang salitang "maliban sa Allah" ay nagpapatunay na ang lahat
ng uri o pamamaraan ng pagsamba, pagsuko, at pagdalangin ay nararapat lamang ituon sa Allah
at tanging sa Kanya lamang. Ito ay nangangahulugan din na walang dapat itambal o iugnay sa
Kanya. Ang mga patakaran na dapat tuparin ng isang mabuting alipin ng Allah ay ang mga
sumusunod:

1. Tamang Kaalaman (Karunungan) tungkol sa kahulugan ng Shahadatain.

2. Katiyakan tungkol sa kahulugan nito na siyang pumapawi ng mga alinlangan at maling


kaisipan.

3. Ang katapatan na siyang naglilinis upang ang isang nanunumpa o nagpapahayag ay makalayo
o makaiwas mula sa anumang uri ng Shirk.

4. Ang pagiging makatotohanan na siyang kabaligtaran ng pagkukunwari.

5. Ang pagmamahal at pagsunod sa pagpapahayag ng Shahadatain na nagbibigay-daan upang


magkaroon ng kapanatagan ng loob.

9
www.islamhouse.com

6. Ang pagtupad sa anumang pamamaraang itinakda ng Allah tungkol sa pagsamba.

7. Ang pagtalikod o pag-iwas sa anuman o sinumang sinasamba maliban sa Allah.

III-B. SALAH – ANG PAGDARASAL

"Katotohanan, ang Salah ay pumipigil sa tao mula sa paggawa ng kalaswaan at kasamaan."


(Quráan-,29:45)

Ang Salah ay pinakamahalaga sa lahat ng itinakdang pamamaraan ng ‘Ibaadah. Ito ay


kinabibilangan ng paulit-ulit at pagbabalik-alaala sa Allah limang beses araw-araw. Ang ating
paglilinis ng katawan (Wudoo), pagpunta sa Masjid, ang pagyuko (Rukoo), pag-upo (Jalsa), ang
pagpatirapa sa lupa (Sujood), at ang pagtayo (Qiyaam), ay sumasagisag bilang tanda ng pagsuko
at pagsunod sa Diyos (Allah). Ang ating pagbigkas ng mga talata ng Quráan ay mga paalaala ng
ating kasunduan sa Allah. Tayo ay humihingi ng patnubay at lagi tayong nagsusumamo sa Kanya
upang makaiwas sa parusa at sumunod sa Kanyang landas. Ang Salah ay nagbibigay alaala sa
Araw ng Paghuhukom, na tayo ay haharap sa ating Panginoon sa Araw na yaon upang tanggapin
ang bunga ng ating mga gawa sa mundong ito.

Sa pagsagawa ng Salah, tayo ay tumatalikod pansumandali sa ating gawain at muli ang ating isip
ay nakatuon sa ating Panginoon. Maging sa pagsapit ng takipsilim, muli nating tinutupad ang
pananagutan sa Kanya at binibigyang-buhay ang ating pananampalataya at pananalig. Dahil sa
dalas at oras na ginugugol sa Salah, hindi natin nalilimutan ang tunay na layunin ng buhay, ang
manatiling isang tunay at tapat na alipin ng ating Tagapaglikha. Ang Salah ay siyang paraan
upang maging matatag ang haligi ng ating Eemaan (pananampalataya) at ito ay isang
paghahanda sa buhay na may layon ng kabutihan at pagtalima sa Allah. At dahil sa palagiang
Salah, umuusbong sa ating sarili ang katapatan, makahulugang buhay, kalinisan ng puso,
katatagan ng kaluluwa at pagkakaroon ng dangal at mataas na moral.

ANG PANANAGUTAN

Tayong mga Muslim ay nagsasagawa ng paglilinis sa katawan (Wudoo) ayon sa pamamaraan ni


Propeta Muhammad , at tayo ay nagdarasal ayon sa kanyang aral at kautusan. Bakit natin
ginagawa ito? Sapagka’t tayo ay naniniwala kay Propeta Muhammad bilang Tunay na Sugo
ng Allah at tayo ay napag-uutusan na ang pagsunod kay Propeta Muhammad ay pagsunod sa
Allah. Tayo ay bumibigkas ng mga Ayaah (talata) ng Qur’an sa paraang mahusay at maayos.
Bakit natin ginagawa ito? Sapagka’t mayroon tayong matibay na pananampalataya na ang Allah
ay nakakikita sa lahat ng ating kilos at galaw. Bakit tayo nagdarasal sa itinakdang oras bagaman
wala namang taong pumupuna sa atin kung tayo ay nagdarasal o hindi? Sapagka’t tayo ay may
pananalig at pananampalataya na ang Allah ay lagi nang nakamasid sa lahat ng kanyang nilikha.
Bakit tayo tumitigil pansumandali sa ating mga gawain at trabaho? Bakit tayo gumigising sa
madaling araw at iniiwan ang higaan upang pumunta sa Masjid kahit sa panahon ng taglamig o
tag-init? Ito ay walang iba kundi ang pagkakaroon natin ng pagpapahalaga sa tungkulin at

10
www.islamhouse.com

pananagutan sa Allah - isang pananagutan na nagbibigay-paalaala na dapat nating tuparin ang


ating tungkulin sa Kanya anuman ang ating kalagayan sa buhay.

Bakit tayo nagagambala kung tayo ay nagkamali sa pagdarasal? Sapagka’t ang ating puso ay
tigib ng takot sa Allah (Diyos) kalakip ng pagmamahal natin sa Kanya, at alam natin na tayo ay
haharap sa Kanya sa Araw ng Paghuhukom. Mayroon pa bang ibang paraan maliban sa Salah na
siyang gumigising sa ating damdamin?

ANG SALAH
Ang Tatak ng Pananampalataya

Ang Salah ay siyang unang palatandaan ng pagkakaroon ng pananampalataya. Pagkaraang


magpahayag ang isang tao ng Shahada (Laa ilaaha illAllah Muhammadur Rasulullaah) ang
unang bagay na binibigyan ng pagpapahalaga ay ang pagsagawa ng Salah. Isang pagpapatunay
sa katotohanan na kung ang isang tao ay may pananampalataya at naniniwala na siya ay isang
alipin lamang ng Allah, at ang Allah lamang ang tanging Panginoon, ang paniniwalang ito ay
nabibigyan ng tunay na kahulugan sa pamamagitan ng Salah. Sa Banal na Qur’an, ang Salah ay
binanggit kasunod ng pananampalataya.

"Tunay, yaong mga nananampalataya, at gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa ng Salah…ay


makakamtan ang kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon…" [Quráan-, 2:277]

Ito ay nagpapahiwatig sa katotohanan na kung ang punla ng pananampalataya ay itatanim sa


puso, ang unang usbong na lilitaw ay ang Salah. Ang Salah ay hindi lamang unang palatandaan
ng pananampalataya, kundi isang makatuwirang bunga ng pananampalataya. Kapag ang puso ay
nagkaroon ng pananampalataya, ang kaisipan ng tao ay nakararamdam ng isang pagnanasang
sumuko at sumunod sa Allah. Ang Salah ang siyang malalim na simbuyo ng pagkilala sa Diyos
na naipapahayag lamang sa pamamagitan nito. Kaya ang Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Ang pagitan ng pananampalataya at kawalan ng pananampalataya ay ang Salah" [Muslim]

Sa isang Hadeeth ni Propeta Muhammad , siya ay nagsabi:

"Ang isang bagay na kinaiiba natin sa mga mapagkunwari ay ang ating Salah." [An-Nasaai]

Dito sa nabanggit na Hadeeth ni Propeta Muhammad nangangahulugan na kahit ang isang tao
ay ipinanganak sa mga magulang na Muslim, hindi ito sapat upang siya ay ituring na isang
Muslim sa tunay na kahulugan nito maliban kung siya ay nakatutupad sa aral ni Propeta
Muhammad . Ang Islam ay hindi namamana bagkus ang Islam ay nakukuha sa pamamagitan
ng pag-aaral at pagpapaunlad ng pananampalataya. Kahit na ang isang tao ay may pangalang
Abdullah o siya ay Arabo nguni’t hindi naman siya nagsasagawa ng Salah, ano ang pagkakaiba
niya sa isang Kaafir (walang pananampalataya)?

Kaya ang Salah ay tunay na nagsisilbing tatak ng mananampalataya. Ang Salah ay mahalaga sa
pananampalataya katulad din ng puso na mahalaga sa katawan ng tao. Kung ang puso ay may
sigla, init at lakas, ang daloy ng dugo ay patuloy na pumapasok sa ibang bahagi ng katawan

11
www.islamhouse.com

upang mapananatili nitong buhay at masigla ang katawan. Nguni’t kung ang Salah ay hindi
naisasagawa, ang pagpapatupad at pagsunod sa ibang batas ng Allah ay hindi rin
naisasakatuparan. Kaya ang Salah ay isang bagay na nagpapanatili at nangangalaga sa
pananampalataya ng tao. Ito ay tumatayo bilang haligi ng kabanalan.

ANG SALAH
Ang Pag-alaala sa Allah

Bagaman, ang Zakaah, Hajj, at pag-aayuno (Sawm) ay isinasaalang-alang bilang haligi ng Islam,
ang Salah ay may natatanging kahalagahan bilang haligi ng Islam. Ito ay nagsasaad ng kabuuan
ng pananampalataya. Maaaring maitanong kung bakit ito ang kabuuan ng Pananampalataya. Ang
Qur’an ay nagbigay ng kasagutan nito:

"Magsagawa ng Salah para sa pag-aalaala sa Akin." [Quráan-, 20:14]

"Magpatirapa at magsilapit (sa Allah)" [Qur’an, 96:19]

Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Ang tao ay napakalapit sa Allah sa oras ng kanyang


pagpapatirapa sa lupa." (Muslim)

Upang maalaala ang Allah, mapalapit sa Kanya at makausap Siya - ito ay sa pamamagitan ng
Salah. Mayroon pa bang hihigit na bagay na maaaring isaalang-alang bilang diwa ng
pananampalataya at pagsuko maliban sa Salah? Bawa’t galaw na ginagawa para sa pagsamba sa
Allah ay bunga ng malalim na pananampalataya. Ang ugat ng pananampalataya ay kumukuha ng
lakas at sigla sa pag-alaala sa Allah o paggunita sa Kanya. Kung ang puso ng tao ay walang pag-
alaala sa Allah, ang pananampalataya ay hindi mananatili sa sarili sapagka’t ang kabanalan,
pagkatakot at pagmamahal sa Allah ay hindi matatagpuan sa isang walang pananampalataya.
Ang kabanalan ay umuusbong lamang sa isang taong may pananampalataya na may lakip na
sigla at lakas na nagmumula sa pag-alaala sa Allah (Dhikr). Ang pag-alaala sa Allah ang siyang
daluyan ng lahat ng kabutihan sapagka’t ang pinakadakilang gawa ay nasa pag-alaala sa Allah.
Kaya ang kabanalan at pagsamba sa Allah ay nakasalalay sa Salah. Ang Qur’an ay nagsabi:

"Alalahanin ang Allah habang nakatayo, nakaupo at nakasandig." [Quráan- 4:103]

"Tunay na sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan at sa pagpapalitan ng gabi at araw


ay mga Tanda (ng Kanyang Kapamahalaan) para doon sa mga taong may pang-unawa na
inaalaala ang Allah, nakatayo, nakaupo at nakasandig at pinagbubulay-bulayan ang pagkakalikha
ng mga kalangitan at kalupaan, na nagsasabi: O, Panginoon hindi Mo ito nilikha nang walang
kadahilanan." [Qur’an 3:190-191]

ANG SALAH
Ang Pagkain ng Kaluluwa

Ang katawan ng tao ay may dalawang bahagi. Ito ay ang pisikal na bahagi at ang ispirituwal na
bahagi. Ang dalawang bahagi ng katawang ito ay kapwa nangangailangan ng pagkain upang
manatiling malakas. Ang pisikal na bahagi ay pinakakain upang maging malusog ito. Sa kabilang

12
www.islamhouse.com

dako, ang ispirituwal na bahagi ay nangangailangan din ng pagkain upang manatiling malusog at
malayo sa sakit ng pagkakasala. Ang pagkain nito ay ang Salah. Ang pisikal na bahagi ay dapat
maging malinis kaya ang tao ay nararapat maligo sa pamamagitan ng tubig. Ang ispirituwal na
bahagi ay kailangan ding linisin. Ang panlinis sa dumi ng ispirituwal na bahagi ay ang
pagsasagawa ng Salah.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Sabihin sa akin, kung may isang ilog sa tabi ng inyong pintuan at doon kayo ay naghuhugas
(naglilinis) nang limang ulit maghapon, mayroon pa kayang matitirang dumi? Nang marinig ni
Propeta Muhammad na may nagsabing "walang matitira", Siya ay nagsabing muli na "Iyan ay
katulad ng limang ulit na pagsasagawa ng Salah na kung saan tinatanggal ng Allah ang mga
kasalanan." [Al-Bukhari & Muslim]

Si Abu Dhaar ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Ang Muslim na nagsasagawa ng Salah nang dahil sa Allah, ang kanyang mga kasalanan ay
nalalaglag katulad ng mga dahon na nalalaglag mula sa (sanga ng) punong kahoy." [Ahmad]

ANG SALAH
Saksi sa Araw ng Paghuhukom

Dahil ang kamatayan ng tao ay dumarating sa anumang takdang panahon, si Propeta


Muhammad ay nagbigay-aral sa lahat na:

"Ituring ang bawa’t Salah bilang inyong huling Salah." [Ibn Majah & Ahmad]

Kung ang kamatayan ay laging nasa ating isip, tayo ay laging nakapagsasagawa ng Salah nang
buong taimtim at buong puso. Sa Araw ng Paghuhukom, ang unang tungkulin na ating
pananagutan ay ang ating Salah. Ayon kay Abdullah bin Amr, si Propeta Muhammad ay
nagsabi na:

"Sinuman ang palagiang nagsasagawa ng Salah, ang kanyang mukha ay magliliwanag, ito ang
saksi sa katatagan ng kanyang pananampalataya, ito ang dahilan ng kanyang kaligtasan sa Araw
ng Paghuhukom. At sinuman ang magpabaya ng kanyang Salah, hindi niya makakamit ang
liwanag, o ang katatagan ng pananampalataya o ang daan ng kaligtasan. At ang magiging
kasamahan niya ay sina Paraon, Haman at Qaroon at si Ubay bin Kalaf." [Al-Bukhari]

ANG ADHAAN
Unang Tawag ng Salah

Kapag narinig natin ang Adhan, upang maghanda sa pagsasagawa ng Salah, ating maririnig ang
Ash-hadu an laa ilaaha illAllah (Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin
maliban sa Allah). Ito ay nangangahulugan na tayo ay inaanyayahan na sumaksi sa isang
dakilang bagay, na ang kahulugan at kahalagahan ay higit pa sa anumang yaman na maaaring

13
www.islamhouse.com

angkinin ng isang tao. Ito ang pagpapahayag at pagsaksi na walang dapat sambahin maliban sa
ating Panginoong Tagapaglikha. Tayo ay inaatasang sumaksi sa likas na katotohanan.

Ang Propeta Muhammad ay nagsabi na:

"Sinuman ang nagpahayag (nang buong puso at katapatan) na walang tunay na Diyos na dapat
sambahin maliban sa Allah, siya ay makapapasok sa Paraiso." [At-Tirmidhi]

Kaya sa limang beses maghapon, tayo ay paulit-ulit na sumasaksi sa Makapangyarihang Allah.


Ito ang nagpapalaala sa atin na tayo ay nilikha ng Allah bilang Kanyang mga alipin. Na tayo ay
dapat tumupad sa kasunduan, isang kasunduang umuugnay sa pagiging alipin natin at ang Allah
bilang ating Panginoon. Kaya sa Adhan pa lamang naroon na ang pagpapala ng Allah sa mga
taong may pananampalataya.

ANG WUDOO
Ang Pagpapadalisay

Ang Wudoo ay isang pamamaraan ng paglilinis sa ilang bahagi ng katawan bilang pang-
espirituwal na kadalisayan sa pamamagitan ng malinis na tubig. Ito ay isang patakaran bago
mag-alay ng Salah. Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Walang Salah (na tatanggapin ng Allah) para doon sa mga hindi nagsasagawa ng Wudoo."
[Ahmed]

Ang Wudoo ay isang katangian ng sambayanang Muslim (Ummah) na siyang palatandaan upang
makilala sila sa Araw ng Paghuhukom, katulad ng Hadeeth ni Propeta Muhammad na
nagsabi:

"Sa Araw ng Pagbabangong Muli, ang aking mga tagasunod ay tatawagin (makikilala) mula sa
mga bakas ng Wudoo." [Al-Bukhari]

ANG PAMAMARAAN NG WUDOO


NI PROPETA MUHAMMAD

Maraming Hadeeth ang nagbibigay paliwanag kung papaano isinagawa ni Propeta


Muhammad ang Wudoo. Ang pinakamaliwanag ay yaong isinalaysay ni Humran, isang alipin
ni Uthman bin Affan na nagsabi nang ganito:

"Nakita ko si Uthman bin Affan na humingi ng isang timbang tubig (at nang ibigay sa kanya)
nagbuhos siya ng tubig sa kanyang kanang kamay at hinugasan ang mga kamay niya ng tatlong
beses, pagkaraan, isinahod niya ang kanyang kanang kamay at iminumog niya sa kanyang bibig,
nilinis niya ang kanyang ilong sa pamamagitan ng pagsinghot ng tubig at saka isininga.
Pagkatapos, ay hinugasan niya ang kanyang mukha at braso hanggang lagpas siko ng tatlong
beses, hinaplos ng basang kamay ang kanyang ulo at hinugasan ang mga paa hanggang lagpas
bukong-bukong ng tatlong beses. At pagkatapos siya ay nagsabi: "Ang Sugo ng Allah ay

14
www.islamhouse.com

nagsabi: ‘Kung sinuman ang nagsagawa ng Wudoo katulad ng sa akin at nag-alay ng dalawang
Rak’ah, ang kanyang mga nagdaang kasalanan ay mapapatawad’."

Pagkaraan ng pagsasagawa ng Wudoo, si Uthman ay nagsabi: “Ako ay magsasalaysay sa inyo ng


Hadeeth na hindi ko pa nasasabi sa inyo, kung hindi lamang ako napipilitan nang dahil sa isang
talata sa Qur’an (nagsalaysay si Urwa na nagsabi): Ang talatang ito ay "

“Katotohanan, yaong nagtago sa mga maliliwanag na katibayan at patnubay na Aming


ipinahayag pagkaraan Naming gawing malinaw ito sa Aklat para sa tao, sila yaong isinumpa ng
Allah at isinumpa ng mga nanunumpa.” [Quráan- 2:159]

Narinig ko si Propeta Muhammad na nagsabi:

"Ang sinumang nagsagawa ng pinakamahusay na Wudoo at pagkaraa’y nagsagawa ng sama-


samang Salah (congregational), pinatatawad ng Allah ang kanyang mga kasalanan na ginawa
niya sa pagitan ng kasalukuyang Salah at ng sumusunod na Salah." [Al-Bukhari]

ANG WUDOO
ANG MAGAGANDANG BUNGA NITO.

Bagaman ang Wudoo ay isang panimulang patakaran ng Salah, ito ay itinuturing na isang uri ng
pagsamba (‘Ibaadah) na may sariling kabutihan at gantimpala. Si Propeta Muhammad ay
nagsabi:

"Kapag ang isang Muslim ay nagsagawa ng Wudoo at nagmumog ng kanyang bibig, ang
kanyang kasalanan mula rito ay nalalaglag. Kapag hinugasan niya ang kanyang mukha, ang
kanyang kasalanan ay nalalaglag mula rito hanggang ito ay malaglag sa ilalim ng kanyang pilik-
mata. Kapag hinugasan niya ang kanyang mga kamay, ang mga kasalanan niya ay nalalaglag
hanggang ito ay malaglag sa ilalim ng kanyang mga kuko (sa daliri). Kapag hinaplos niya ang
kanyang ulo, ang kanyang kasalanan ay nalalaglag hanggang malaglag ito sa kanyang tainga.
Kapag hinugasan niya ang kanyang mga paa, ang kanyang mga kasalanan ay nalalaglag mula sa
mga ito hanggang malaglag ang mga ito sa ilalim ng kanyang mga kuko (sa paa)" (Malik-An
Nasa'i). Sa ibang pagsasalaysay "Hanggang siya ay ganap na naging malinis (at dalisay) mula sa
kanyang mga kasalanan." [Muslim]

ANG WUDOO
ANG MAHAHALAGANG BAGAY HINGGIL DITO

1. Bago magsimula ng pagsasagawa ng Wudoo, kailangang banggitin ang Pangalan ng Allah sa


pamamagitan ng pagsasabi ng “Bismillaah” nang mahina.

2. Ang mga lalake ay dapat basain ang kanilang mga balbas, kapag naghuhugas ng kanilang
mga mukha.

3. Hugasan at linisin ang mga pagitan ng mga daliri (sa kamay at paa).

15
www.islamhouse.com

4. Tiyakin na ang mga buong bahagi ng paa ay hinugasan lalo na yaong sakong at bukong-
bukong sapagka’t si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Kasawian sa mga sakong mula sa
Impiyerno" (pinagtibay)

5. Pinahihintulutan sa isang nakamedyas, pagkaraan na maghugas ng kanyang mga paa sa


nakaraang Wudoo, na haplusin na lamang ito, mula sa isang araw at isang gabi para sa hindi
naglalakbay at para naman sa mga naglalakbay pinahihintulutan na panatilihin ang medyas ng
tatlong araw at gabi.

6. Pinahihintulutan para sa mga babae na haplusin ang kanilang takip sa ulo (Khimar) kaysa
alisin ito, subali’t kailangang ito ay nakabalot sa kanilang leeg.

7. Kung ang isang bahagi ng katawan ay nakabenda o nakabalot dahil sa anumang sugat o
karamdaman, sapat na haplusin na lamang ito.

8. Maraming salaysay tungkol sa Wudoo na sinabi ni Propeta Muhammad , at ang isa ay


nagsasabi na:

"Sinuman ang nagsagawa ng Wudoo nang mahusay at pagkaraan ay nagsabi' "Ash-hadu an la


ilaha illAllah, wahdahu la sharika lahu, wa ash-hadu anna Muhammadar Rasulullaah (Ako ay
sumasaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, na Siya ay walang
kaagapay o katambal, at si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo) walong pintuan ng
Paraiso ang ibubukas para sa kanya at makapapasok siya sa alinmang pintuang kanyang nais"
[Muslim]

Sa paghahanda ng Salah, pansumandali nating iniiwan ang ating mga gawain o negosyo. Tayo ay
naglilinis ng ating pangangatawan sapagka’t tayo ay haharap sa ating Dakilang Maykapal. Ang
paglilinis na ito ay sumasagisag bilang paggalang at pagdakila sa Kanya. Ito ay isang bagay na
nagpapakita ng malinis na hangaring magbigay kasiyahan sa Allah. Kung ang kawanggawa ay
karapatan ng tao sa kapwa tao, ang Salah ay karapatan ng Allah sa tao. Likas sa tao na kapag
siya ay humaharap sa isang kilalang tao (presidente kaya o marangal na tao) ang kanyang
paghahanda ng sarili ay isinasagawa upang siya ay tumanggap ng magagandang pamumuna at
hindi siya kahiya-hiya. Naglalagay ng pabango, nagsusuot ng malinis na damit, maayos ang
buhok, malinis ang lahat ng bahagi ng pangangatawan. Kung ang mga bagay na ito ay ginagawa
natin sa pakikitungo at pakikiharap sa kapwa tao, hindi ba nararapat din na higit nating bigyan ng
kaayusan ang ating sarili sa pagharap sa ating Dakilang Tagapaglikha? Si Abu Hurairah ay
nagsalaysay na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Sinuman ang naglilinis ng kanyang sarili (Wudoo) at pagkaraan ay nagtungo sa Masjid upang
magsagawa ng kanyang tungkulin sa Allah (mag-alay ng Salah), ang isang hakbang niya patungo
sa Masjid ay nakapag-aalis ng kasalanan at ang ibang hakbang niya ay nakapagpapataas ng
kanyang katayuan". [Muslim]

ANG PATAKARAN SA PAGSAGAWA NG WUDOO

1. Islam (nararapat na siya ay Muslim).

16
www.islamhouse.com

2. Wasto at Tamang kaisipan.

3. Wasto at Tamang Gulang.

4. Ang Neeyah (Intensiyon). Ang isang Muslim ay dapat magkaroon ng intensiyong magsagawa
ng Wudoo bilang paghahanda sa pagganap ng Salah. Banggitin nang tahimik ang
(“Bismillaah”).

5. Ang pagsasagawa (ang isang Muslim ay hindi dapat na magkaroon ng intensiyon na ihinto
ang pagsagawa ng Wudoo).

6. Ang pagsagawa ng Istinja' (paglinis ng mga pribadong bahagi sa pamamagitan ng tubig) o ng


bato, papel, dahon (Istijmar) bago magsagawa ng Wudoo.

7. Ang tubig ay kailangang malinis at Mubah (hindi dapat nakaw o kinuha nang sapilitan)

8. Ang pagkawalang-bisa ng Wudoo nang dahil sa pag-ihi, pag-utot o anumang dahilang


nakasisira ng Wudoo ay dapat magsagawa muli ng Wudoo bago mag-alay ng Salah.

ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAWALANG-BISA NG WUDOO

1. Ang pag-ihi, pag-utot, at pagdumi.

2. Nawalan ng malay dahil sa pagtulog o pagkawala ng ulirat.

3. Pagkain ng karne ng kamelyo (sapagka’t iniutos ito ni Propeta Muhammad .)

4. Ang tuwirang paghawak sa pribadong bahagi ng katawan (na walang takip o pang-ibabaw
na damit.)

MASJID
Ang Pook Dalanginan

Sa pagpasok ng Masjid, ang isang mananampalataya ay walang nakikitang larawan, imahen,


istatuwa o anumang bagay na maaaring makagambala sa kanyang pagdarasal. Ang kanyang isip
ay mapayapang nakatuon sa pagtalima sa Allah. Ang Masjid ay isang pook na simpleng itinatayo
upang magsilbing dalanginan ng tao. Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Ipahayag ang isang magandang balita ng isang makislap na liwanag sa Araw ng Paghuhukom
para doon sa mga taong pumupunta sa Masjid kahit sa madilim na gabi (upang magsagawa ng
sama-samang Salah (congregational)" Abu Daud & Tirmidhi.

17
www.islamhouse.com

ANG KAHALAGAHAN NG SALAH AL-JUMAA’AH


(Magkakasamang Pagdarasal ng mga Muslim)

1. Ang Makalayuning Pagtitipon.

Ang sama-samang pagsasagawa ng Salah ay isang makalayuning pagtitipon ng lahat ng alipin ng


Allah. Ito ay paglalarawan ng isang "Ummah" o grupo na may iisang layunin lamang. Isang
pananampalataya sa isang Diyos, isang Aklat na Patnubay, at isang damdaming pagkakapatiran.
Ang kanilang buhay ay magka-kaugnay at ang kanilang damdamin ay nagkakaisa. Sila ay
magkakapatid sa pananampalataya. Sila ay tumatayong sama-sama, magkakadikit ang mga
balikat, yumuyukod nang sabay-sabay, at nagpapatirapa nang buong ingat at taimtim. Bagaman
sila ay magkakaibang tribo o lahi, may mayaman at mahirap, may itim at puti, sila ay
nagpapahiwatig ng isang uri ng pagkamamamayan.

2. Ang Pagmamahal sa Kapatid

At dahil sa sama-samang Salah, ang mga Muslim ay napapaunlad ang kanilang mga ugnayan
maging panlipunan o pansarili. Kapag nakikita ng isang Muslim ang kanyang kapatid na may
lungkot sa mukha, maaari niya itong lapitan upang tanungin at tulungan kung anuman ang
dahilan ng kanyang kalungkutan. Kung may isang Muslim na nakakakita ng kanyang kapatid na
may kapansanan, ito ay maaari niyang lapitan at tulungan. Kapag may mayamang kapatid na
kasama sa sama-samang Salah, siya rin ay nararapat na nakahandang tumulong o magbigay-
tulong sa kapatid niyang nangangailangan. Ito ang magandang dahilan kung bakit ang sama-
sama pagsagawa ng Salah (congregational) ay isang itinakdang batas.

Si Propeta Muhammad , ayon kay Ibn Umar, ay nagsabi:

"Ang pagsagawa ng Salah (congregational Salah) ay dalawampu’t pitong higit na mabuti kaysa
sa pagsagawa ng Salah sa bahay..." (Ahmad & Al-Bukhari)

Tunay nga na maraming pagpapala ang matatamo ng isang taong nagsasagawa ng Salah sa
Masjid sapagka’t bawa’t hakbang na nilakad niya tungo sa Masjid ay may gantimpala: ang mga
kasalanan ay naaalis, ang mga Anghel ay nagsusumamo sa Allah na bigyan siya ng pagpapala, at
higit sa lahat ang kanyang panahong ginugol sa paghihintay sa Masjid ay itinuturing bilang
gawaing Salah. Kaya sa isang pagkakataon, si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Kung alam lamang nila ang kabutihan ng Fajr (Salah Fajr) at panggabing pagdarasal (Salah
Isha), katotohanang sila ay sasama (sa pagtitipun-tipong Salah) kahit sila ay magtungo sa Masjid
nang gumagapang." [Al-Bukhari & Muslim].

ANG SALAH
Ang Pamamaraan ni Propeta Muhammad

Ang maikling pagpapaliwanag tungkol sa pamamaraan ni Propeta Muhammad ay hango sa


panulat ni Sheikh Abdul Aziz Bin Abdullah Bin Baz. Bawa’t Muslim, lalaki o babae ay

18
www.islamhouse.com

nararapat na sundin ang pamamaraan ng pagsasagawa ng Salah ni Propeta Muhammad


sapagka’t siya ay nagsabi:

"Magsagawa ng Salah sa pamamaraang katulad ng pagsasagawa ko ng Salah." (Al-Bukhari)

Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng Salah ni Propeta Muhammad ay isinalaysay sa ganitong


paglalarawan:

1. Ang isang taong may hangaring magsagawa ng Salah ay nararapat magsagawa ng mahusay at
maayos na Wudoo katulad ng kautusan ng Allah sa Banal na Qur’an na nagsasabi:

"O kayong nananampalataya, kung kayo ay maghahanda para sa Salah, hugasan ang mukha, at
ang inyong mga braso hanggang siko, haplusin ang inyong mga ulo (ng basang kamay) at
hugasan ang inyong mga paa hanggang bukong-bukong" [Quráan- 5:6].

2. Ang isang nagsasagawa ng Salah ay nararapat na nakaharap sa Qiblah o ang direksiyon tungo
sa Ka’bah. Ang kanyang pag-iisip ay kailangang may hangaring magsagawa ng partikular na
Salah, maging ito ay Fard (itinakdang tungkulin) o Sunnah (kusang loob). Ang intensiyon ay
hindi dapat ipahayag nang malakas. Ito ay sa kalooban lamang ng isang naghahangad magdasal.
Ang isa o grupo (na may Imaam) na nagdarasal ay nararapat maglagay ng harang (Sutra) sa
kanyang/kanilang harapan upang hindi siya/sila gambalain ng mga taong nagdaraan. Ang
pagharap sa Qiblah ay isa sa mahalagang patakaran ng Salah, maliban na lamang sa ibang
pagkakataon na hindi maiwasan.

3. Ang Salah ay sinisimulan sa pamamagitan ng Takbir "Allahu Akbar" (Ang Allah ay Dakila) at
ang mga mata ay nararapat na nakatingin at nakatuon sa lugar ng pagpapatirapaan.

4. Sa pagpapahayag ng Takbir (Allahu Akbar), kailangang itaas ang dalawang kamay kapantay
ng kanyang tainga at lagpas balikat.

5. Pagkatapos, ang dalawang kamay ay nararapat na nasa dibdib. Ang kanang kamay ay
nakapatong sa kaliwa, nakadikit sa mismong pulso o braso katulad ng pagsasalaysay na nagmula
kay Propeta Muhammad .

6. Pagkaraan ng Takbir (Allahu Akbar), isang Sunnah na simulan ang paunang (panalangin)
Du'aa nang ganito:

"Allahumma Baa'id baynee wa bayna Khataayaaya kamaa baa'adta baynal Mashriqi wal-
Maghrib." (O, Allah, ilayo Mo ako sa aking mga kasalanan katulad ng pagkakalayo ng kanluran
at silangan.) "Allahumma naqqinee min khataayaaya kamaa yunaqqath-thawbul-abyadu minal-
danas." (O, Allah, linisin Mo ang aking mga kasalanan katulad ng puting tela na malinis mula sa
karumihan.) "Allahummagh-silnee min khataayaaya bil-maa'i wath-thalji wal-bard." (O, Allah,
hugasan Mo ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig, yelo at hamog.") Marami ding
iba't ibang mga Du'aa ang ginamit ni Propeta Muhammad na maaaring gawing panimulang
panalangin. Pagkaraan ng panimulang Du'aa, ito ay sinusundan ng:

19
www.islamhouse.com

"Ao'udhu Billaahi Min Al-Shaitanir Rajeem" (Ako ay nagpapakupkup sa Allah laban sa


isinumpang Satanas),

At bigkasin ang:

"Bismillaahir-Rahmaanir-Raheem" (Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain).

Kasunod nito ang pambungad na kabanata ng Banal na Quráan- ang Soorah Al-Fatihah. Si
Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Sinuman ang hindi bumigkas ng Al-Fatihah, ay hindi nagsagawa ng Salah."

Pagkatapos ng Al-Fatihah, bumigkas din ng mga piniling talata o kabanata sa Banal na Qur’an.
Ayon sa Hadeeth ni Propeta Muhammad Ang Salatul-Fajr, Maghrib, at Isha ay mga Salah
na ang Al-Fatihah at ang mga kasunod na talata mula sa Qur’an ay binibigkas nang malakas ng
Imaam upang marinig ng mga nagdarasal. Sa Salatul Duhur at Asr, ang mga dasal ay
isinasagawa sa tahimik na pamamaraan, higit na mabuting bigkasin sa Salatul-Duhur, Asr at
Isha, ang mga katamtamang haba ng mga talata o kabanata ng Banal na Qur’an. Sa Salatul Fajr,
higit na mabuti ang mga mahahabang talata o kabanata, at sa Salatul Maghrib naman, yaong mga
maiikli lamang.

7. Kung tapos na ang pagbigkas ng mga talata ng Qur’an, kasunod nito ay ang Rukoo, itinataas
ang mga kamay kapantay ng tainga at yumuko. Ang mga daliri ng kamay ay nakahawak sa
tuhod. At sa ganitong kalagayan, binibigkas niya ang pagpuri sa Allah:

"Subhanna Rabbi Al Azeem" (Luwalhati sa Aking Panginoon, Ang Dakilang Makapangyarihan).


Ito ay binibigkas ng tatlong beses. Higit na mabuti kung idagdag pa ang ganitong papuri.
"Sub'hanak Allahuma wa Bi Hamdik" (Luwalhati sa Iyo O Allah, Purihin Ka, O Allah,)

8. Mula sa Rukoo, tumayo nang matuwid kasabay ng pagtaas ng dalawang kamay kapantay ng
tainga at sabihin:

"Sami' Allahu Liman Hamidah" (Dinidinig ng Allah ang sinumang Pumupuri sa Kanya).

Sa nakatayong posisyon, mabuti ring bigkasin bilang karagdagan ang:

"Hamdan Kathiran Tayyiban Mubarakan" (Pagpupuring lubos (marami), mabuti at pinagpala).

Ang mga Muslim na nagdarasal sa likod ng Imaam ay dapat ding magsabi habang tumitindig
mula sa posisyong Rukoo ng:

"Rabbanaa wa lakal-hamd"(O Aming Panginoon, Luwalhati Sa Iyo.)

9. Habang nakatindig, sabihin ang "Allahu Akbar" at magpatirapa. Sa posisyong (Sujood)


nakapatirapa, bigkasin ang:

20
www.islamhouse.com

Sub'hana Rabbi Al-A'la (Luwalhati sa Aking Panginoon, Ang Kataas-taasan).

Ito ay inuulit ng tatlong beses. Si Propeta Muhammad ay nagsabi na sa posisyong Rukoo,


luwalhatiin ang Diyos at sa posisyong Sujood (nakapatirapa) magsumamo nang pinakamahusay
at hilingin ang anumang nais. Samakatuwid, nararapat na humingi ng pagpapala dito sa mundo at
sa kabilang buhay mula sa Allah. Sa posisyong nakapatirapa, ang mga braso ay hindi dapat
nakadikit sa gilid ng katawan at ang mga hita ay hindi rin nakadikit sa tiyan. Ang mga hita ay
dapat na manatiling magkahiwalay mula sa mga binti, at ang mga braso ay nakataas sa lupa. Ang
mga braso ay hindi dapat nakasayad sa lupa. Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Manatiling matuwid ang katawan sa posisyong Sujood. At huwag ilapag ang mga braso sa lupa
na parang mga aso."

10. Umupo mula sa pagkakatirapa at bigkasin ang Takbir (Allahu Akbar). Sa posisyong
pagkakaupo, ilatag ang kaliwang paa at upuan ito. Ang kanang paa ay kailangang nasa matuwid
na posisyon na nakatingkayad. Ang mga kamay naman ay nasa mga hita. Sa ganitong posisyon,
bigkasin ang:

"Rabbig firli, warhamni, wahdini, wajburni,warzaqni, wa'afini" (O Panginoon, Nawa'y


patawarin Mo po ako, kahabagan Mo po ako, patnubayan Mo po ako, aliwin Mo po ako, ibigay
ang aking pangangailangan at pagalingin Mo po ako)"

11. Muli, magpatirapa sa ikalawang pagkakataon, katulad ng naunang pamamaraan.

12. Habang itinataas ang ulo mula sa pagkakatirapa, sabihin ang Takbir (Allahu Akbar).
Pagkaraan ng ilang minuto, mahinahong tumayo para sa ikalawang Rak’ah. Sa ikalawalang
Rak’ah, kailangang bigkasin muli ang Al Fatihah at ang isang talata o kabanata mula sa Banal na
Qur’an at gawin ang katulad na naunang pamamaraan.

13. Sa mga Salah na kinabibilangan ng dalawang Rak’ah katulad ng Fajr, Juma, at ‘Eid,
nararapat na umupo pagkaraan ng dalawang Rak’ah. Sa pagkakaupong posisyon, kinakailangan
isagawa ang Tashahud na:

"At-tayyiyato lillahi was-salawato wa tayyibatu. As salaam alaika ayyuh-an-nabbiyu


waramatullahi wa barakatuh. As salam alayna wa ala ibadullahis-salihin. Ashadu an la ilaha
ill-Allah wa ashadu ana Muhammadar Rasullulah.

Allahumma salli ala Muhammadin wa ala ali Muhammadin. Kama salayta ala Ibraaheema wa
ala ali Ibraaheema. Innaka Hamid-um Majid. Allahumma Barik ala Muhammadin wa ala ali
Muhammadin, Kama barakta ala Ibraaheema wa ala ali Ibraaheema, Innaka Hamid-um Majid,
Rabbana atina fi dunya hasanat wal fil akhirati hasanat waqina adha ban-nar"

(Lahat ng papuri, pagsamba ay nauukol lamang sa Allah. Nawa'y ang kapayapaan at ang
Pagpapala ay mapasakay Propeta Muhammad at ng lahat ng kanyang tagasunod katulad ng
pagpapala kay Ibraaheem at sa tagasunod ni Ibraaheem at sa lahat ng mabuting alipin ng Allah.

21
www.islamhouse.com

Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos maliban sa Allah, at ako ay sumasaksi na si


Muhammad ay Kanyang alipin at sugo. O, Aming Panginoon pagpalain mo kami dito sa daigdig
at sa kabilang buhay at ilayo Mo kami sa Apoy).

Pagkaraan nito, nararapat na humingi ng proteksiyon laban sa apat na uri ng kasamaan sa


pamamagitan ng pagbigkas ng:

"Allahuma ini audhu bika min adhabi jahannama wa min adhabil qabr, wa min fitnatii mahyaa
wal-mamati, wa min fitnatil mashidi-dajaal." (O Allah, ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas
Mo ako sa parusa ng Impiyerno, at sa parusa ng hukay, at sa pagsubok sa buhay at kamatayan, at
sa mapanlinlang na Al-Mashid-Dajal). Maaaring magsabi pa ng karagdagang panalangin upang
humingi ng kasaganaan dito sa lupa at maging sa kabilang buhay. Pagkatapos ng mga
panalangin, ibaling ang mukha sa kanan at bigkasin ang "As Salaamu alaikum wa rahmatullaah"
(Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasainyo), at pagkaraa’y ibaling ang
mukha sa kaliwa at bigkasin din ang “As Salaamu alaikum wa rahmatullaah”.

14. Kung ang Salah ay binubuo ng tatlo o apat na Rak’ah katulad ng Maghrib, Dhuhur, Asr at
Isha, pagkaraan ng ikalawang Rak’ah, ang unang kalahating bahagi ng Tashahud (hanggang sa
Muhammadur Rasulullaah) ay binibigkas bago tumayong muli para sa susunod na Rak’ah. Sa
ikatlo at ika-apat na Rak’ah, huwag magbasa ng anumang talata ng Banal na Qur’an pagkatapos
bigkasin ang Al-Fatihah. Sa huling Rak’ah ang buong bahagi ng Tashahud ay binibigkas.

15. Pagkaraan ng Salaam, sabihin ang:

Astagfirullah Al Azeem (O Allah, Ang Dakila, Patawarin Mo ako) tatlong beses at sinusundan ito
ng " Allahumma antas salam, wa minkas salam, Tabaraakta yadhal jalali wal ikram" (O Allah,
Ikaw ang Kapayapaan, at ang kapayapaan ay nagmumula sa Iyo, Ikaw ang Mapagpala. Ikaw ang
Panginoon ng Kadakilaan at Karangalan).

Pagkaraan nito, ang Imaam ay haharap sa mga nagdarasal at patuloy na nagsasabi ng:

"Laa Ilaha illAllah, wahdahu la sharika lah, lahul mulku, wa lahul Hamdu, wa huwa a'la kulli
shay-in qadir" (Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay walang
kaagapay, Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng kapamahalaan at kapurihan, at Siya ang
nakapangyayari sa lahat ng bagay."

16. Isa ring mahalagang Sunnah ni Propeta Muhammad ay ang pagsabi ng "Sub'hanAllah" ,
"Al Hamdulillah", at "Allahu Akbar" ng tig-tatatlumpu't tatlong (33) beses at upang maging
kabuuang isang daan, ito ay dinaragdagan ng isang "Laa ilaaha illAllah."

17. Pinagpapayuhan din ang mga Muslim na magsagawa ng mga Nafl Salah (kusang-loob na
Salah) na magsagawa ng apat na Rak’ah bago magdasal ng Dhuhur at dalawang Rak’ah
pagkatapos nito, dalawang Rak’ah pagkatapos ng Maghrib at Isha, at dalawang Rak’ah bago ang
Salatul Fajr. Ang mga kusang-loob na Salah ay tinatawag ding Rawatib sapagka’t si Propeta
Muhammad ay palagiang ginagawa ito. At kung siya ay naglalakbay, wala siyang ginagawang
Rawatib maliban sa dalawang Rak’ah ng Fajr at ang Witr (sa gabi).

22
www.islamhouse.com

ANG MGA PATAKARAN SA PAGSASAGAWA NG SALAH

1. Islam (Nararapat na siya ay Muslim).


2. Wastong kaisipan
3. Wastong Gulang
4. Wudoo
5. Kalinisin sa Katawan, Pananamit, Kapaligiran.
6. Tamang pananamit.
7. Katapatan ng Intensiyon.
8. Nasa Direksiyon ng Qiblah.
9. Nasa Tamang Oras ng Salah.

ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAWALANG-BISA


NG SALAH

Ang Salah ay nawawalan ng bisa o kabuluhan kapag ang alinman sa mga sumusunod ay nagawa
habang nag-aalay ng Salah.

1. Ang sinasadyang pagsasalita.


2. Ang pagtawa.
3. Ang pagkain habang nasa Salah.
4. Ang pag-inom
5. Ang pag-alis ng takip sa mga bahagi ng katawan na hindi pinahihintulutang alisin habang nasa
Salah.

6. Sobrang paglihis sa direksiyon ng Qibla.


7. Sobrang paggalaw na hindi bahagi ng Salah.
8. Ang pagkawalang-bisa ng Wudoo.

III-K. SAWM - Pag-aayuno

"O kayong nananampalataya! Ang pag-aayuno ay itinakda sa inyo katulad ng pagkakatakda sa


mga nauna (mamamayan) sa inyo upang kayo ay magkaroon ng takot ( sa Allah)." [Qur’an
2:183]

23
www.islamhouse.com

Ang pangalawang uri ng pamamaraan ng ‘Ibaadah na ginawang tungkuling itinakda ng Allah


para sa Muslim ay ang Sawm (Pag-aayuno). Ang Pag-aayuno ay nangangahulugan ng ganap na
pag-iwas sa pagkain, pag-inom at pakikipagtalik sa asawa mula bukang-liwayway hanggang sa
takipsilim. Katulad ng Salah, ito ay pinanatiling nakatakda sa Shariah (Batas) ng lahat ng mga
Propeta sa kasaysayan sa simula pa. Ang lahat ng naunang mamamayan ay nagsasagawa ng pag-
aayuno katulad ng pagsasagawa ng mga tagasunod ni Propeta Muhammad . Ang Banal na
Qur’an ay nagsabi:

"Ang pag-aayuno ay itinakda para sa inyo katulad din ng pagkakatakda sa mga nauna
(mamamayan) sa inyo." [Quráan- 2:183]

Sa talatang nabanggit, nagpapatunay na ang pag-aayuno ay itinakda ng Allah sa bawa’t panahon.

BAKIT IPINAG-UUTOS ANG PAG-AAYUNO?

1. Ang Layuning Maglingkod sa Allah.

Ang tunay na layunin ng Islam ay upang gawin ang buong buhay ng tao sa pagsagawa ng
’Ibaadah sa Allah. Ang tao ay isinilang na alipin ng Allah, na ang pagpapaalipin ay nakatatak na
sa kanyang likas na katauhan. Samakatuwid, ang tao ay hindi malaya kahit isang sandali mula sa
‘Ibaadah, ang pagpapaalipin sa Diyos, sa isip, sa salita at gawa. Sa bawa’t kilos at galaw niya,
nararapat niyang isipin kung ano ang dapat niyang gawin o iwasan upang makamtan ang
kasiyahan ng kanyang Panginoon. Kaya ang landas na dapat tahakin ay yaong landas na
magbubunga ng kasiyahan sa Allah, at ang mga ipinagbabawal ay nararapat na talikdan at
lisanin. Kung ang buong buhay ay kaakibat ang pagpapaalipin sa Allah, maituturing na ang
kanyang layunin na sambahin ang Allah lamang ay kanyang natupad sa buong buhay niya.

2. Pag-aayuno: Isang Nakatagong uri ng Pagsamba (‘Ibaadah).

Lahat ng uri o pamamaraan ng pagsamba ay isinasagawa na may panlabas na galaw ng tao


maliban sa pag-aayuno. Halimbawa, sa Salah (pagdarasal) ang tao ay tumatayo, umuupo,
yumuyuko at sumusubsob sa lupa na nakikita ng tao; sa Hajj (pagdalaw sa Makkah) ang tao ay
naglalakbay na kasama ang ibang Muslim. Ang Zakaah ay ibinibigay sa isang tao at tinatanggap
ng isa ring tao. Kaya lahat ng banal na gawaing ito ay hindi maitatago. Kung ating isagawa ang
mga ito, maraming tao ang makababatid; kung hindi natin naisagawa ito, mayroon ding panahon
na malalaman ng ibang tao. Nguni’t ang pag-aayuno ay hindi kailanman nakikita o nalalaman ng
sino man maliban sa Allah. Ang Allah lamang ang tanging nakababatid kung ang isang tao ay
tunay ngang nag-aayuno. Ang tao ay maaaring kumain nang nakatago at ang buong mundo ay
nag-aakala na siya ay tunay ngang nag-aayuno nguni’t sa katotohanan siya ay hindi nagsasagawa
nito.

3. Pag-aayuno: Isang Sagisag ng Lakas ng Eemaan

Ang pag-aayuno ay isang paraan upang makamit natin ang isang mataas na uri ng Eemaan
(pananampalataya) at bunga nito nagkakaroon tayo ng Taqwa (takot sa Allah) na siyang dahilan
upang tayo ay maging isang mabuting mamamayan. Ang Allah ay inilagay ang tao sa pagsubok

24
www.islamhouse.com

kung gaano katatag sa pananampalataya sa Kanya. At ang pag-aayuno ay isa sa pagsubok na


dapat harapin ng tao.

4. Pag-aayuno: Isang Pagsasanay ng Pagtitiis.

Isa sa pinakamagandang katangian ng isang tao ay yaong marunong magtiis lalo na sa panahon
ng pagdarahop at kahirapan. May mga pagkakataon sa buhay natin na tayo ay nakararanas ng
pagkagutom o pagkauhaw lalo na sa panahon ng paglalakbay o kaguluhan (digmaan o
kalamidad). Ang pag-aayuno ay siyang kasagutan upang ang ating katawan ay masanay at laging
nakahanda sa ganitong mga pagkakataon. Kapag ang tao ay nasanay sa pag-aayuno, ang
pagkauhaw at pagkagutom at maging ang kanyang pagnanasa sa tawag ng kamunduhan ay
kanyang napagtitiisan. At dahil dito, ang tao ay nagiging matibay at matatag sa pag-iwas sa
paggawa ng kasalanan. Kung ang isang tao ay hindi marunong magtiis, wala siyang takot na
magnanakaw kung siya ay nangangailangan. Maging sa tawag ng pagnanasa sa kamunduhan,
kung siya ay walang pagtitiis, madali siyang maigupo ng tukso. Kaya ang Banal ng Qur’an ay
nagsasaad na ang pag-aayuno ay itinakda upang tayo ay matuto ng pagpipigil sa sarili.

PAG-AAYUNO
Ang Simula at Wakas

Ang unang araw ng pag-aayuno ay nagsisimula kapag nasilayan o natanaw ang bagong litaw na
buwan. Ang Allah ay nagpahayag:

"Kaya, sinuman sa inyo ang nakasaksi (sa paglitaw ng bagong buwan sa unang gabi ng buwan)
ng Ramadhan, ay mag-ayuno." [Qur’an 2:185]

Kung ang isang mapagkakatiwalaang Muslim ay nagsabi na nakita niya ng paglitaw ang bagong
buwan, bawa’t isa ay nararapat mag-ayuno. Si Abu Hurairah ay nagsalaysay:

"Isang Bedouin (taong naninirahan sa disyerto) ang lumapit kay Propeta Muhammad at
nagsabi "O Propeta ng Allah, aking nasilayan ang bagong buwan ng Ramadaan." Magkagayon
man, si Propeta Muhammad ay nagtanong sa kanya."Ikaw ba ay sumasaksi na walang tunay
na Diyos na dapat samahin maliban sa Allah?"

Ang Bedouin ay sumagot: "Ako ay sumasaksi". Si Propeta Muhammad ay nagpatuloy sa


pagtatanong kung siya ay sumasaksi na si Propeta Muhammad ay Sugo ng Allah. Ang
Bedouin ay sumang-ayon. Kaya si Propeta Muhammad ay nag-utos kay Bilal na ipahayag sa
mga tao ang simula ng kanilang pag-aayuno kinabukasan.

Si ibn Umar ay nagsalaysay din ng ganito:

"Nang makita ko ito, aking ibinalita kay Propeta Muhammad . Nagsimula siyang mag-ayuno
at inutusan ang mga tao na magsimulang mag-ayuno."

Kapag ang Pamahalaang Muslim ay nagpahayag ng simula ng pag-aayuno, ito ay pinagtitibay sa


lahat ng Muslim na kinasasakupan nito. At kung ang buwan ay hindi nasilayan nang dahil sa

25
www.islamhouse.com

kalagayan ng panahon, ang mga Muslim ay inuutusang tapusin ang 30 araw ng buwan ng
Sha'ban na sinusundan ng Ramadaan.

Sino ang Dapat Mag-ayuno?

Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadaan ay tungkulin ng bawa't Muslim. Sila ay dapat nag-
aangkin ng mga sumusunod:

1. Malusog na pangangatawan.
2. Nasa tamang gulang at kaisipan.

Sino and Hindi Dapat Mag-ayuno?

1. Ang mga batang wala sa tamang gulang at kaisipan.

2. Ang mga taong walang tamang kaisipan.

3. Ang mga taong napakatanda at napakahina na upang pasanin pa ang tungkulin ng pag-
aayuno.

4. Mga taong maysakit na ang pag-aayuno ay maaaring magbunga ng higit pang sakit. Bagaman
sila ay hindi dapat mag-ayuno, nararapat namang sila ay magpakain ng isang mahirap na
Muslim bawa’t araw.

5. Mga taong naglalakbay nang malayo.

6. Mga babaing nagdadalantao o nagpapasuso na maaaring magbunga ng sakit sa pagsasagawa


ng pag-aayuno. Sila (5 & 6) ay dapat magsagawa ng pag-aayuno sa ibang araw pagkatapos
ng Ramadaan.

7. Ang mga babaing nasa kanilang buwanang pagdurugo. Dapat nilang isagawa ang pag-aayuno
sa ibang araw pagkatapos ng Ramadaan.

Bakit Nawawalan ng Bisa ang Pag-aayuno?

1. Kapag nakipagtalik sa asawa sa araw ng pag-aayuno. Magkagayon, ang kapalit ng pagkasira


ng pag-aayuno ay pagbibigay ng kalayaan sa isang alipin o di kaya’y 60 araw na sunod-sunod na
pag-aayuno. At kung ito ay hindi makaya, magpakain ng 60 kataong mahihirap. Ang pagtatalik
ay maaari lamang gawin sa gabi.

2. Ang paglabas ng semilya sanhi ng pakikipaghalikan o yakapan ng mag-asawa. Iwasan ang


ganitong gawain sa araw ng pag-aayuno.

3. Pag-inom, pagkain, paninigarilyo.

26
www.islamhouse.com

4. Ang sinasadyang pagsuka.

5. Ang buwanang pagdurugo ng babae.

Sa kabilang dako, ang paglagay ng gamot sa mata, tainga o ilong ay hindi nagpapawalang-bisa
ng pag-aayuno. Ang paggamit ng Siwak (isang uri ng ugat ng halaman na ginagamit panlinis ng
ngipin) ay hindi rin nakasisira ng pag-aayuno. Ang paggamit ng sepilyo na may toothpaste ay
hindi nakasisira ng pag-aayuno kung ang paggamit ay maingat at walang nalululong toothpaste.
Maaaring maligo kahit nag-aayuno.

ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AAYUNO.

1. Kapatawaran ng mga Kasalanan.

Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Sinuman ang


nagsagawa ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadaan nang buong katapatan (at taos puso) at
umaasa ng pagpapala mula sa Allah, ang mga nakaraan niyang kasalanan ay pinatatawad ng
Allah." (Al-Bukhari).

2. Kasiyahan ng Allah.

Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Ang Allah ay nagsabi:


Lahat ng gawa ng mga anak ni Adam ay para sa kanilang sarili lamang maliban sa pag-aayuno
na para sa Akin, at Aking bibigyan ng gantimpala ito." (Muslim & Ahmad)

3. Pagpapala at Gantimpala.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Sinuman ang may pananampalataya at layuning


magkamit ng gantimpala, nagsagawa ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadaan, at gumugol ng
ilang bahagi sa gabi ng pag-alaala sa Allah, lahat ng kanyang kasalanan ay patatawarin ng
Allah." (At-Tirmidhi & Ibn Majah)

4. Panangga laban sa Kasalanan.

Ang pag-aayuno ay isang panangga upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan. Si Propeta


Muhammad ay nagsabi: "Ang pag-aayuno ay isang panangga, samakatuwid sinuman ang nag-
aayuno ay hindi dapat magpakita ng mahahalay o malalaswang salita at gawa. Kung mayroon
mang umaaaway sa taong nag-aayuno, nararapat na siya ay magsabi ng "O aking kapatid, ako ay
nag-aayuno." (Al-Bukhari & Muslim)

5. Kabutihan ng Kawanggawa (Sadaqa).

Si Propeta Muhammad ay siyang pinakamabait sa lahat at mapagbigay lalo na tuwing buwan


ng Ramadaan. Siya ay nagsabi: "Ang pinakamabuting kawanggawa ay yaong isinasagawa sa
(buwan ng) Ramadaan."

27
www.islamhouse.com

6. Ang Paraiso at Impiyerno.

Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Sa tuwing


nagsisimula ang buwan ng Ramadaan, ang mga pintuan ng Paraiso ay laging bukas at ang mga
pintuan ng Impiyerno ay nakapinid (sarado) at ang mga Satanas ay nakatanikala." Al-Bukhari &
Muslim.

Ang mga pintuan ng Paraiso ay bukas sapagka’t maraming mabubuting bagay ang naisasagawa
ng mga Muslim. Samantalang ang mga pintuan ng Impiyerno ay sarado sapagka’t kakaunti
lamang ang nagagawang kasalanan ng mga mananampalataya.

7. Panlipunang Kabutihan.

Ang panlipunang kabutihan ng pag-aayuno ay yaong ang lahat ay abala sa paggawa ng


mataimtim na Salah at pagkakawanggawa. May Salatul-taraweeh na kung saan ang Qur’an ay
binabasa. Binibigyang paalaala ang mga Muslim na ito ang buwan na kung saan ipinahayag ang
Banal na Qur’an. Dahil sa ganitong gawain, ang kapaligiran at ang lipunan sa kabuuan ay ganap
na mapayapa at matiwasay. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Sinuman ang hindi umiwas
sa masamang pananalita at masamang gawain, hindi tatanggapin ng Allah ang kanyang pag-iwas
sa pagkain o pag-inom"

Sa madaling salita, ang kanyang pag-aayuno ay walang saysay o kabuluhan.

ANG MAGAGANDANG ASPETO NG RAMADAAN.

1. Ang amoy ng bibig ng isang nag-aayuno ay higit na kasiya-siya sa Allah kaysa sa halimuyak
ng pabangong musk.

2. Ang mga Anghel ay nananalangin at nagsusumamo sa Allah na patawarin ang mga taong
matapat sa pag-aayuno. Ang pagsusumamo ng mga Anghel ay natatapos sa pagsapit ng ilang
sandali bago magtakipsilim na kung saan ang mga tao ay magsisimulang kumain.

3. Araw-araw ang Allah ay pinapangyaring palamutian ang Kanyang mga Paraiso at Siya ay
nagsabi sa Paraiso: "Ang Aking mananampalataya ay malapit nang talikdan ang pasanin (ng
buhay), ang paghihirap na ginawa sa kanila at saka sila darating sa iyo, O Paraiso."

4. Sa buwan ng Ramadaan, may "Lailatul Qadir" (Pinagpalang Gabi) na higit na mabuti kaysa
isang libong buwan ng pagsamba (o pagdalangin).

Ang tunay at tapat na mananampalataya ay nararapat na simulan ang Ramadaan kalakip ng tunay
na pagsisisi at may lakas na pag-asa na makamit ang Awa at Kabaitan ng Allah na ibibigay sa
kanya sa buwan ng Ramadaan.

28
www.islamhouse.com

ANG MAGAGANDANG GAWAIN SA RAMADHAN.

1. Pag-aayuno.

2. Pagkain ng "Suhoor" bago sumapit ang Salatul Fajr (na siyang tanda ng simula ng pag-
aayuno.) Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Ang kumain bago sumapit ang Salatul Fajr
(tinatawag na Suhoor) ay may pagpapala."

3. Pagsagawa ng dalangin (Du'aa) habang kumakain ng Iftar.

4. Pagbasa ng Qur’an.

5. Pagdarasal ng Taraweeh.

6. Pagbibigay ng Sadaqah.

7. Pagsasagawa ng Umrah.

8. Pag-alaala sa Allah.

9. Paghingi ng Kapatawaran.

Bilang Muslim, iminumungkahi na tayo ay dapat magsagawa ng mga karagdagang Salah. Isa sa
karagdagang ito ay ang Salah sa pagitan ng hating-gabi at madaling-araw. Pinupuri ng Allah ang
mga taong nagsasagawa ng pagdarasal sa ganitong oras. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Sinuman ang nagsagawa ng gabing dasal sa Ramadaan na may tapat na pananampalataya at


pag-asa sa dakilang gantimpala, ang gantimpala nito ay ang kapatawaran ng kanyang nagdaang
mga kasalanan."

ZAKAAH AL-FITR

1. Ito ay binubuo ng isang Sa'a (ang timbang ay humigit kumulang sa 2.5 kgs.)

2. Pagkain ang siyang pinakamabuting bagay na dapat ibigay para sa Zakaah Al-Fitr. Hindi
kaaya-ayang magbigay ng salapi, damit o anumang bagay maliban sa pagkain.

3. Dapat ibigay ang Zakaah Al-Fitr sa araw ng ‘Eid at maaari ding ibigay isang araw o dalawang
araw bago dumating ang ‘Eid.

4. Hindi pinahihintulutan na iantala ang pagbibigay ng Zakaah Al-Fitr na hindi lalagpas sa araw
ng ‘Eid, maliban kung mayroong matibay na kadahilanan.

5. Ang Zakaah Al-Fitr ay dapat ibigay ng sinumang Muslim: Bata man o matanda, lalake o
babae ay kabilang sa mga taong dapat magbigay ng Zakaah Al-Fitr.

29
www.islamhouse.com

ZAKAAH
Itinakdang Taunang Kawanggawa

"O Kayong nananampalataya! Mula sa inyong mga pinagpaguran (kita) at mula sa biyaya ng
lupa na Aming inihandog para sa inyo, magsagawa ng pinakamagandang paggugol sa landas ng
Allah."

Ang Kahulugan ng Zakaah

Sa literal na kahulugan, ang Zakaah ay paglago at kalinisan nguni’t sa Islamikong pananaw, ang
Zakaah ay nagsasaad ng isang uri ng kawanggawa na kailangang bayaran batay sa itinakdang
halaga ng kayamanan. Ito ay tinatawag na Zakaah sapagka’t ang pagpapala sa mga natitirang
kayamanan ay dinaragdagan ng Allah kahit na ang aktual na halaga ng kayamanan ay
nababawasan. Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

"Pagkakaitan ng pagpapala ng Allah ang "Ribaa" (tubo) datapwa’t ang kawanggawa ay


binibigyan Niya nang higit na pagpapala." (Quráan- 2:276)

ZAKAAH
Itinakdang Tungkulin

Ang Salah at Zakaah ay itinakda sa lahat maging sa mga naunang Propeta ng Allah. Ang Qur’an
ay nagpatunay nito:

"At Aming silang ginawang pinuno para sa mga tao. Sila ang nagpatnubay sa tao ayon sa Aming
Kautusan. At kinasihan Namin silang gumawa ng mabubuti at magsagawa ng (taimtim na) Salah
at magbigay ng Kawanggawa (Zakaah) at sila ay sa Amin lamang sumasamba." [Qur’an-21:73)

Tungkol kay Propeta Ismael, ang Qur’an ay nagsabi:

"Siya ay nag-uutos sa kanyang mga angkan ng (pagsasagawa ng) Salah at (pagbibigay ng)
Zakaah at ito ay kalugod-lugod sa paningin ng Panginoon." [Quráan- 19:55]

Tungkol kay Propeta Moises, ang Qur’an ay nagsabi:

"Aking papatawan ng kaparusahan ang sinumang Aking naisin. At ang Aking Awa ay laganap sa
lahat ng bagay, At (itong Awa ay) Aking itinatakda sa mga may takot sa Akin at nagbibigay ng
Zakaah at yaong naniniwala sa Aming Kapahayagan." (Qur’an-7:156)

Tungkol kay Hesus, anak ni Maria, ang Qur’an ay nagsabi:

"At ako ay pinagpala saan man ako naroroon at inatasan akong magsagawa ng Salah at
(magbigay ng) Zakaah habang ako ay nananatiling buhay." [Qur’an-19:31]

30
www.islamhouse.com

Ang Zakaah ay isinasaalang-alang bilang itinakdang tungkulin ng lahat ng Muslim. Ang patunay
na ito ay Waajib (obligatory) ay matatagpuan sa Banal na Qur’an at Sunnah ni Propeta
Muhammad . Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

"At magbigay kayo ng Zakaah." [Quráan- 2:43]

Si Propeta Muhammad ay nagsabi rin ayon kay Mu'aadh ibn Jabal na:

"Turuan ninyo (ang mga tao sa Yemen) na ang Allah ay nagtakda ng Zakaah bilang Waajib
(itinakdang tungkulin) sa kanila. Ito ay dapat kuhanin mula sa mga mayayaman at ibigay sa mga
mahihirap." (Ahmad)

ANG KAHALAGAHAN NG ZAKAAH.

Ang prinsipiyo ng Zakaah ay may kahalagahan sa pamamaraan ng Islam at ang mga sumusunod
na ilang bagay ay babanggitin upang ipakita ang kahalagahan nito.

1. Isinasaalang-alang ang Zakaah bilang ikatlong pinakamaha-lagang haligi ng Islam. Si


Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Ang Islam ay nakatayo sa limang haligi, ang pagpapahayag ng Shahada, pagsasagawa ng


limang beses na Salah, pag-aayuno sa buwan ng Ramadaan, pagbibigay ng Zakaah, at ang
paglalakbay sa Makkah (Hajj). (Al-Bukhari & Muslim)

2. Ang Zakaah ay mahalaga sa Islam na kung sino mang Muslim ang magsabi na ito ay hindi
Waajib (obligatory) ay maaaring lapatan ng kaparusahan kung ito ay hindi magbalik-loob at
magsisi. Ang kapasiyahang ito ay batay sa pinagtibay na kasunduan (Ijmaa’) ng mga Sahaabah
(kasamahan ng Propeta) na dapat labanan ang mga Muslim na tumatalikod sa tungkulin ng
pagbabayad ng Zakaah pagkaraan na si Propeta Muhammad ay namatay.

3. Ang pangangalaga ng mga mahihina at mahihirap na Muslim ay nasa pangangasiwa ng


pamahalaang Muslim at ang salaping ginagamit mula rito ay kinukuha mula sa kaban ng Zakaah.

4. Pinananatili ng Zakaah ang pag-ikot ng kayamanan sa lipunan na nagbubunga ng pag-unlad


ng kabuhayan at hanapbuhay. Kung ang kayamanan ay itinatago, higit pang Zakaah ang
babayaran kaysa sa gamitin sa pagnenegosyo. Kaya, ang mga mayayaman ay napipilitang
paikutin ang yaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo upang ang kayamanan nila ay hindi
mapunta lahat sa pagbabayad ng Zakaah.

ANG LAYUNIN NG ZAKAAH

Ang Zakaah ay isang pamamaraan ng ‘Ibaadah na ang pangunahing layunin ay ang


pagpapaunlad ng ispirituwal na pamumuhay ng isang Muslim. Ang kawanggawang ibinibigay ng
mga mayayaman ay nakatutulong upang ang kanilang mga puso ay maging malinis laban sa
kasakiman at karamutan. Ang Zakaah ay nagtuturo rin upang masanay ang tao sa pagbibigay sa

31
www.islamhouse.com

kapwa. Ang mga mahihirap naman ay magkakaroon ng magandang kaisipan at mawawala sa


kanilang puso ang inggit at selos.

ANG PATAKARAN NG ZAKAAH

Para maging Waajib (obligatory) ang Zakaah, ang mga sumusunod ay dapat matupad.

1. Ang isang Muslim ay dapat na nasa hustong pag-iisip at gulang. Walang obligasyon ng
pagbibigay ng Zakaah sa mga taong kulang ang isip o baliw sapagka’t hindi sila responsable sa
kanilang mga gawa o kilos.

2. Ang isang Muslim ay dapat na may naipong yaman o salapi na higit sa kanyang
pangangailangan.

3. Ang naipong yaman o salapi ay dapat na umabot sa itinakdang hangganan ng Nisaab


(itinakdang pamantayan ng pagbabayad).

4. Ang naipong yaman o salapi ay dapat na nasa kanyang paghahawak nang lagpas sa isang taon.

ANG NISAAB
(Itinakdang Pamantayan ng Pagbabayad)

Upang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa Nisaab (Itinakdang Pamantayan sa


pagbabayad ng Zakaah) ang isang Muslim ay nararapat na magtanong at humingi ng kaukulang
kasagutan sa isang maalam na Muslim tungkol dito.

Kayamanan Nisaab Bahagdan %


Ginto 2 oz 2.5%
Pilak 14 1/2 oz 2.5%
Salapi katulad ng halaga 2.5%
ng Nisaab ng ginto
Alahas/Kalakal Katumbas ng ginto 2.5%
Tupa/Kambing 40 1 tupa/kambing
Baka 30 1 maliit na baka, mga 1 taong gulang
Kamelyo 5 1 tupa/kambing
Mga Ani ng Lupa 2000 lbs 10% kung ang tubig ay likas na
duma-daloy at 5% kung ang patubig
ay ginawa

SINO ANG DAPAT TUMANGGAP NG ZAKAAH?

May walong (8) uri ng mamamayang Muslim na inilarawan ng Qur’an bilang mga taong
nararapat tumanggap ng Zakaah. Sila ay ang mga sumusunod:

32
www.islamhouse.com

1. Ang mga Naghihikahos (al-Fuqaraa). Mga taong umaasa lamang mula sa tulong ng kapwa
maging ito’y pansamantala o pirmihan. Sila ay maaaring mga ulila, may kapansanan, biyuda o
biyudo, mga matatanda, walang mga hanapbuhay o yaong inabutan ng sakuna o kalamidad.
Maaari silang bigyan ng pansamantala o pirmihang panggastos ayon sa kanilang
pangangailangan, at maaari rin silang ipagpatayo ng matitirahan at mag-upa ng mga taong
mangangalaga sa kanila.

2. Ang mga Dukha (al-Masaakeen). Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Sinuman ang hindi
nakakukuha nang sapat upang tugunan ang kanyang pangangailangan nguni’t hindi
namamalimos o hindi nakikita sa kanya ang pagiging mahirap, siya ay isinasaalang-alang bilang
mga dukha (Masaakeen)." Mula sa Hadeeth na ito, ang isang Masaakeen ay isang taong
mahirap nguni’t dahil sa kanyang paggalang sa sarili hindi niya magawang humingi o
mamalimos. Kaya ang sambayanang Muslim ay nararapat magsiyasat kung sino ang mga taong
ganito ang kalagayan upang matulungan sa kanilang pangangailangan.

3. Ang mga Tagapamahala ng Zakaah (al-‘Aamileena Alayhaa). Ang mga taong itinalaga ng
Islamikong Pamahalaan na maglikom at mamahagi ng Zakaah ay dapat bayaran mula sa kaban
ng Zakaah, kahit pa man din sila’y may kayamanang umaabot sa Nisaab o hindi.

4. Mga Pusong Dapat Pagyamanin (al-Mu’allafah Quloobuhum). Ito ay nauukol sa pagbibigay-


tulong sa mga taong ang puso’y malapit sa Islam. Maaari silang mga di-Muslim o mga bagong
Muslim sa pag-asang lumakas ang kanilang pananalig sa Islam upang makapaglingkod sa
kapakanan ng Islam at ng sambayanang Muslim.

5. Ang Pagpapalaya ng Alipin (Fee-ar-Riqaab). Sila ang mga taong nagnanasang makalaya mula
sa pagkakaalipin. At dahil sa panahon ngayon ay wala ng ganitong kalakaran, ang dapat bigyan
ay yaong mga taong nakakulong nang dahil sa kanilang walang kakayahang magbayad sa
itinakdang salapi ng korte. Sila ay maaaring nakakulong dahil sila ay nagkaroon ng mga
aksidente.

6. Mga Taong Baon sa Utang (al-Ghaarimoon). Sila ang mga taong baon sa utang at wala ng
pag-asang makaipon pa upang bayaran ang kanilang pagkakautang. Hindi nito sakop ang isang
taong nagkautang dahil sa kanyang kapritso at walang katuturang paggasta. Bagkus, sila ang mga
taong nagkakautang dahil sa sakuna, aksidente or anumang di-maiwasang pangyayari.

7. Ukol sa Landas ng Allah (Fee Sabeelillaah). Nangunguna rito ang mga taong nakikipaglaban
dahil sa landas ng Allah. Ito ay nauukol sa mga Muslim na nakikipagbaka sa pagtatanggol ng
kanilang pananampalataya at karapatan bilang Muslim laban sa pang-aabuso at pang-aapi sa
kanila, lalo na sa mga pook na may hayagang nagaganap na digmaan. Ayon sa mga pantas na
Muslim, sakop din sa kategoryang ito ang lahat ng pagsisikap upang maipalaganap ang mensahe
ng Islaam (Da’wah).

Ang mga pumunta sa Hajj sa Makkah na hindi makauwi dahil sa mga sakunang pangyayari, at
ang mga mag-aaral sa larangan ng Islaam ay dapat mabigyan ng Zakaah ayon sa kanilang
pangangailangan.

33
www.islamhouse.com

8. Mga Taong Nailagay sa Kagipitan Habang Naglalakbay (Ibn as-Sabeel). Kabilang sa


kategoryang ito ang sinumang naglalakbay na natigil dahil sa kakulangan ng magagastos o dahil
sa sakuna. Siya ay maaari ding bigyan ng Zakaah upang maipagpatuloy niya ang kanyang
paglalakbay.

HAJJ
(PAGLALAKBAY SA MAKKAH)

"At ang paglalakbay sa (Banal na) Tahanan para sa Allah ay isang tungkulin ng sangkatauhan,
para sa may mga kakayahang pumaroon. At para sa hindi sumasampalataya (alalahanin nila) na
ang Allah ay walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha." [Qur’an-3:97]

Ang Kahulugan ng Hajj

Ang Hajj ay isang pagdalaw sa banal na lugar ng Makkah upang bigyang-alala ang matibay na
paniniwala sa Kaisahan ng Allah (Tawheedullaah). Ang Hajj ay isang paglalarawan ng
kahalagahan ng Islam sa pamamagitan ng mahigpit na pagtalikod sa lahat ng uri ng Shirk
(idolotriya). Bawa’t Muslim ay malakas na inihahayag sa Talbiyah: "La sharika lak" (At Sa Iyo
ay Walang katambal o kaugnay). Ang lahat ng ritwal ng Hajj katulad ng Tawaf (pag-ikot sa
Ka'bah), Sa'i (paglalakad sa Safa at Marwa), Rami (paghahagis ng bato sa Jamarat), Wuquf (ang
pagtigil o pananatili sa Arafah), at Mabeet (pagpapalipas ng magdamag sa Mina at Musdalifah)
ay mga gawain upang maalaala ng isang Muslim ang kaniyang Panginoon – Ang Allah. Lahat
ng Du’aa (dalangin) ay isinasagawa para lamang sa Allah. At ang lahat ng pook na pinupuntahan
ay kasaysayang nauukol sa Pagsamba sa Tunay na Nag-iisang Diyos, ang Allah (Tawheed). Isa
sa mahalagang bahagi ng Tawheed ay ang kasaysayan ni Propeta Abraham, na siyang nagtayo ng
unang tahanan ng Allah, ang Ka’bah, bilang pinakasentro ng dalanginan. Ang kasaysayan ni
Propeta Abraham ay isang mahabang kasaysayang punung-puno ng pagsasakripisyo at ganap na
pagsuko sa Allah. At dahil sa kanyang katatagan sa mga pagsubok para sa landas ng Allah, siya
ay pinarangalan bilang Imaam ng Sangkatauhan.

"At nang sinubok si Abraham ng kanyang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga


Kautusan, kanyang (Abraham) tinupad ang mga ito. Siya (Allah) ay nagsabi: Aking gagawin
kang Imaam para sa sangkatauhan."[Qur’an- 2:124]

Ang Ka'bah

Ang Ka’bah ay itinayo ng mag-amang sina Propeta Abraham at Ismael. Itinayo ito hindi lamang
para maging isang pook dalanginan at pagsamba nguni’t higit sa lahat, mula sa unang araw ng
pagkakatayo nito, ito ay ginawang sentro ng pagpapalaganap ng Pananampalataya ni Propeta
Abraham na ang layunin ay yaong ang lahat ng mananampalataya sa Allah ay magkatipon-tipon
na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo, magsagawa ng ‘Ibaadah at magsibalik sa kani-
kanilang bayan na may malinaw na mensahe ng Pananampalataya ni Abraham. Ang pagtitipong
ito ay tinawag na Hajj. Kung paano isinasakatuparan ang Hajj, ang Qur’an ay naglarawan nito:

34
www.islamhouse.com

"Tunay na ang kauna-unahang Tahanan (dalanginang) itinakda para sa sangkatauhan ay ang


nasa Bakkah (Makkah), pinagpala, at patnubay sa lahat ng tao. Naroroon ang mga malinaw na
tanda tulad halimbawa ng kinatatayuan ni Abraham (Maqam Ibraaheem). Sinumang pumasok
dito ay may katiwasayan." [Qur’an- 3:96-97

"At hindi ba nila nakikita na Kami’y gumawa ng ligtas na kanlungan (Makkah) habang
sinusunggaban (at di-ligtas) ang mga tao sa kapaligiran nito?" [Qur’an- 29:67]

Ang Dalangin ni Propeta Abraham at Ismael

"At (gunitain) nang Aming ginawa ang (Banal na) Tahanan (sa Makkah) bilang himpilan ng
Sangkatauhan at isang pook ng Katiwasayan. At gawin ninyong pook dalanginan ang Maqaam
Ibraaheem (kinatatayuan ni Abraham habang siya ay dumadalangin)

At Aming inutusan sina Abraham at Ismael na gawing dalisay ang Aking Tahanan (ang Kab'ah
sa Makkah) para sa mga nagsasagawa ng Tawaaf (pag-ikot sa Kab'ah) at para sa mga yumuyuko
at nagpapatirapa ng kanilang mga sarili (sa panalangin)

At (gunitain) nang si Abraham ay nagsabi, "Aking Panginoon, gawin Mo po ang bayang ito
(Makkah) na pook ng Katiwasayan at bigyan Mo po ang mga mamamayan nito ng mga bunga,
ang sinuman sa kanila na naniniwala sa Allah at sa Kabilang Buhay." Siya (Allah) ay sumagot:
"At sa mga hindi sumasampalataya, ay bibigyan Ko ng panandaliang kaginhawahan at pakaraa’y
pipilitin siya sa parusa ng Apoy at tunay na kalunus-lunos na hantungan!

At (gunitain) nang si Abraham at (kanyang anak na si) Ismael ay itinatayo ang mga haligi ng
Tahanan (Ka’bah sa Makkah), na (nagsasabing), "Aming Panginoon! tanggapin Mo po mula sa
amin (itong pagtalima). Tunay na Ikaw ang palakinig, ang Maalam."

"Aming Panginoon! Gawin Mo po kaming laging sumusuko sa Iyo at pati na ang aming mga
supling - mga mamamayang sumusuko sa Iyo, at ipakita Mo po sa amin ang Manasik (wastong
paraan ng pagsasagawa ng Hajj). At tanggapin Mo po ang aming pagsisisi. Tunay na Ikaw ang
tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.

"Aming Panginoon, padalhan Mo po sila ng isang Sugo (Muhammad) na buhat sa kanila na


bibigkas ng Iyong pahayag na magtuturo sa kanila ng Aklat (ang Qur’an) at Al-Hikmah
(Karunungan) at pagpalain sila. Tunay na Ikaw ang Makapangyarihan, Ang Matalino."(Qur’an
2:125-129)

"At (gunitain) nang Aming itinuro kay Abraham ang pook ng (Banal na) Tahanan, na
nagsasabing: Huwag kayong mag-uugnay sa Akin ng anumang katambal (o kasama) at
panatilihing malinis (wagas) para doon sa mga papalibot dito at para sa mga tumatayo (sa
panalangin) at para sa mga yumuyuko at nagpapatirapa (isinusuko ang mga sarili nang may
pagpapakumbaba at pagsunod sa Allah).

At ipahayag sa sangkatauhan ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah). Sila ay darating sa inyo na


naglalakad at nakasakay sa kamelyo. Sila ay magmumula sa bawa’t maluwang at malalim na

35
www.islamhouse.com

daanan ng bundok. Upang sila ay sumaksi sa mga bagay na makabubuti sa kanila at sambitin
(banggitin) ang pangalan ng Allah sa itinakdang mga araw. Mula rito (sa mga inihandog na
hayop) ay kumain at magpakain sa mga mahihirap na kapuspalad." [Qur’an 22:26-28]

Sino Ang Dapat Magsagawa ng Hajj?

May mga patakarang itinakda ang Islaam sa pagsasagawa ng Hajj. Ang unang patakaran sa
sinumang magsasagawa ng Hajj ay siya ay nararapat na Muslim. Ang mga di-Muslim ay
nangangailangan munang maging Muslim bago sila pahintulutang magsagawa ng Hajj sapagka’t
ang Hajj ay isang tungkulin na may kalakip na tamang pananampalataya upang ito ay tanggapin
ng Allah. Ang pangalawa at ikatlong patakaran ay yaong siya ay nararapat na nasa tamang
gulang at kaisipan. Ang isang Muslim ay nararapat na nasa hustong gulang at tamang kaisipan
upang ang kanyang pagsasagawa ng Hajj ay maituturing na itinakdang tungkulin sapagka’t ang
gantimpala at parusa ay iginagawad bunga ng pagpili sa kabutihan o kasamaan. Kaya ang isang
bata o baliw na tao na hindi nakakikilala ng tama o mali ay wala ring tungkuling magsagawa ng
Hajj. Ang isang bata na may tamang pag-iisip ay binibigyan ng gantimpala sa kanyang
pagsasagawa ng Hajj nguni’t ang kanyang Hajj ay kailangang ulitin sa pagdating ng kanyang
hustong gulang.

At ang ikaapat na patakaran ay yaong siya ay nararapat na may kakayahang pananalapi at


kalusugan. Kung wala siyang sapat na salaping panggastos at mahina ang pangangatawan, hindi
kinakailangang magsagawa ng Hajj. Ang ika-lima ay para lamang sa babae, at ito ay ang
Mahram. Ang mga babae ay makapagsasagawa lamang ng Hajj kung sila ay may kasamang
lalaking kamag-anakan (Mahram, mga kamag-anakan na hindi nila maaaring pakasalan). Si
‘Aa’eshah, ay nagtanong kay Propeta Muhammad :

"O, Propeta ng Allah, ang mga babae ba ay kinakailangang sumama sa Jihaad?" Si Propeta
Muhammad ay sumagot: "Sila ay nararapat magsagawa ng Jihaad nang walang
pakikipaglaban - ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Hajj at Umrah).

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Ang sinumang nagsagawa ng Hajj para lamang sa Allah at sa pagsasagawa nito, siya ay
umiiwas sa mga masamang pagnanasa at masamang kilos, siya ay lumisan mula rito (umuuwi
pabalik sa kaniyang lugar) nang malinis katulad ng isang batang bagong panganak."

Ang Kahalagahan ng Hajj bilang Itinakdang Tungkulin

Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an:

"At ang paglalakbay sa (Banal na) Tahanan para sa Allah ay isang tungkulin ng Sangkatauhan,
para sa may mga kakayahang pumaroon. At para sa mga hindi sumasampalataya, (alalahanin
nila) Na ang Allah ay walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha" [Qur’an 3:97]

36
www.islamhouse.com

Sa talatang nabanggit, ang hindi pagsasagawa ng Hajj sa kabila ng may kakayahang magsagawa
nito, ay itinuturing na walang pananalig. Ang patunay nito ay matatagpuan sa Hadeeth ni Propeta
Muhammad na nagsabi:

"Sinuman ang may kakayahan at kaginhawan na maglakbay sa Banal na Tahanan ng Allah at sa


kabila nito ay hindi nagsagawa ng Hajj, ang kanyang kamatayan sa pagkakataong ito ay katulad
ng kamatayan ng isang Hudyo o Kristiyano."

Si Khalifa Omar ibn Khattab ay nagsabi:

Aking pagbabayarin ng Jizya (buwis ng mga di-Muslim) ang sinumang hindi nagsagawa ng Hajj
sa kabila ng kanilang kakayahan. Sila ay hindi mga Muslim. Sila ay hindi mga Muslim."

ANG KABUTIHAN NG HAJJ

1. Matimtimang Paglalakbay

Ang mga tao sa buong daigdig ay nakababatid ng dalawang uri ng paglalakbay. Ang isang uri
nito ay paglalakbay upang maghanap-buhay. Ang pangalawang uri nito ay upang magliwaliw at
makita ang kagandahan ng iba’t ibang bansa. Sa dalawang uri ng paglalakbay na ito, ang tao ay
napipilitang gumugol ng salapi at panahon ng dahil sa kanyang pansariling pangangailangan at
pagnanasa. Nguni’t ang paglalakbay sa Makkah na tinatawag na Hajj ay kakaiba. Ito ay isang
paglalakbay na hindi upang maghanap-buhay o para sa pagliliwaliw ng sariling kasiyahan kundi
ito ay isang paglalakbay na ang tunay na layunin ay para sa Allah, ang tuparin ang pananagutan
at tungkuling itinakda ng Allah para sa kanya. Walang tao ang makapaghahanda nito maliban
doon sa mga taong nagmamahal sa Allah nang buong puso at doon sa mga may takot at matatag
na sumusunod sa takdang batas ng Allah. Kaya ang sinumang nagtangkang maglakbay para sa
Allah, iniiwan nito ang kanyang pamilya, negosyo, at tinitiis niya ang hirap ng paglalakbay. At
dahil sa ganitong pagkakataon, tumitibay at tumatatag ang kanyang Eemaan o pananampalataya
sa Allah. Nagkakaroon siya ng takot sa Allah, at natututuhan niyang mahalin ang Allah bilang
kanyang Panginoon. Ito ay isang patunay na siya ay nakahandang magtiis para sa pagtalima sa
Allah.

2. Hangarin Tungo sa Kabanalan at Kabutihan

Kapag ang isang tao ay naghanda upang maglakbay nang may tapat na hangarin para sa Allah,
ang kanyang puso ay may init na nagbibigay-lakas upang maramdaman niya ang pagmamahal ng
Allah. At sa kanyang paglalakbay, nararamdaman niya ang mga layuning dapat isagawa para sa
kanyang buong buhay. Nagkakaroon siya ng pagkakataong mapag-isipan ang kanyang buhay,
ang pagtatangkang magbagong-buhay, gumawa ng mabubuting gawa at higit sa lahat ang layong
magsisi at magbalik- loob sa Allah. Siya ay nag-iingat upang di-makapanakit ng kanyang kapwa.
Ang kanyang sarili ay umiiwas sa pang-aabuso, kalaswaan, pandaraya, pagsisinungaling at
masamang pananalita. Kaya ang kanyang paglalakbay ay isang daan upang mapanatili ang
kalinisan sa kanyang puso, at kaisipan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Ang gantimpala ng Hajj Mabroor (Hajj na tinanggap ng Allah dahil sa katapatan) ay Paraiso."

37
www.islamhouse.com

3. Pagmamahal sa Allah

Pagkaraan ng pagsusuot ng Ihraam, at sa lahat ng oras, ang Talbeeyah ang siyang na


namumutawi sa bibig ng mga nagsasagawa ng Hajj: Labbayk, Allahumma Labbayk! Labbaykaa,
laa shareeka laka labbayk. Inaal-hamda wan-n’imata laka wal-mulk, laa shareeka lak (Narito
ako, O Allah, narito ako! Wala Kang katambal; narito ako! Ikaw lamang ang dapat pag-ukulan
ng pagsamba at pasasalamat! Sa Iyo nagmumula ang lahat ng Tulong, Biyaya at Pamamahala, at
wala Kang katambal!) At dahil sa katapatan ng pagtalima sa Allah, nagiging malapit ang isang
nagsasagawa ng Hajj sa Kanya.

4. Paraan Para sa Katatagan at Sakripisyo

Sa pagsasagawa ng Hajj, ang isang Muslim ay dumaraan sa iba't ibang dako ng Arabia at
nanariwa sa kanyang isipan ang mga alaala ng mga taong nagsakripisyo at nagpakatatag sa
pagtalima sa Allah. Sila ay nagpakasakit at nagtiis sa lahat ng hirap hanggang maitatag nila ang
tunay na Batas ng Allah at pinawi nila ang anumang kasamaang namamayani sa kanilang
kapaligiran.

5. Matutuhan ang Diwa ng Ummah

Ang Hajj ay isang paraan upang magkaroon ng moral na kaisipan ang pamayanang Muslim. At
dahil dito, ang bawa’t magsagawa ng Hajj ay nagkakaroon ng tunay na pagmamalasakit sa
kabuuan ng sambayanan (Ummah) ng Islam.

6. Tanda ng Pagkapantay-pantay ng Tao

Sa pagsusuot ng Ihraam, ang isang tao ay nakararamdam ng kaginhawaan sa katawan at puso.


Dito ay nakikita ang pagkakapantay-pantay ng tao. Walang pagmamataas ng loob at pagpapakita
ng karangyaan. Lahat ay nasa simpleng kaayusan na walang hangarin kundi ang tumalima at
gunitain ang Allah. Ang karumihan ng puso dahil sa pagnanasa ng makamundong bagay ay
nawawala, at ang takot at pagmamahal sa Diyos ang siyang laman ng puso. Kaya ang Hajj ay
isang paraan din upang mapag-isipan natin ang isang mabuti at simpleng buhay.

7. Pagtitipon ng Kapayapaan

Ang Hajj ay panahon ng Kapayapaan; ang Makkah ay pook ng kapayapaan, ang Hajj ay siyang
pinakamalaking pagtitipon para sa kapayapaan sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.

8. Pagtalikod sa Lahat ng Uri ng Shirk

Ang Hajj ay pagsasaad ng ganap na pagtalikod sa anumang uri ng Shirk sapagka’t ang sigaw ng
bawa’t nagsasagawa ng Hajj ay tanda ng ganap na pagkilala at pagsamba sa tunay at nag-iisang
Diyos, Allah. Ang Talbeeyah ay nagpapatunay na ang isang mananampalataya ay alipin lamang
ng isang Panginoon, ang Allah.

38
www.islamhouse.com

IHRAAM SA MIQAAT

May mga palatandaan sa paligid ng Makkah na dapat isaalang-alang ng mga magsasagawa ng


Hajj sa pagsusuot ng Ihraam. Ang mga nakasakay ng eroplano ay dapat na magsuot ng Ihraam
kapag dadaanan nila ang lugar ng Miqaat. Ang tagapangasiwa ng eroplano ay nagbibigay
paalaala sa mga manlalakbay patungong Hajj kapag ang eroplano ay nasa lugar na
kinasasakupan ng Miqaat.

Bago magsuot ng Ihraam ang mga magsasagawa ng Hajj, kailangang alisin ang lahat ng may
tahing damit, at maglinis ng katawan sa pamamagitan ng Wudoo o Ghusl (paliligo).
Pinagpapayuhan na gupitin ang mga kuko, ahitin ang mga balahibo sa kili-kili at pribadong
bahagi at maglagay ng pabango. At pagkatapos ay magsuot ng dalawang hindi tinahing tela: isa
para sa itaas na bahagi ng katawan at ang isa ay para sa ibabang bahagi ng katawan. Ang mga
babae ay maaaring magsuot ng anumang kulay ng damit nguni’t nararapat na ang lahat ng bahagi
ng katawan ay nakatakip maliban sa kanyang mukha, mga kamay at paa.

Kapag nakasuot na ng Ihraam nararapat na magsagawa ng Neeyah (intensiyon) at magsimulang


bumigkas ng Talbeeyah.

Mga Ipinagbabawal na Gawain Kapag Nasa Ihraam

Sa pagsusuot ng bihisang damit Ihraam na may lakip na Neeyah (intensiyon) at nagpapahayag ng


Talbeeyah, ang isang Muslim ay nagsisimulang ilagay sa kanyang isipan ang mataimtim na
pagnanasang sumamba sa Allah. Kaya, ang mga sumusunod na gawain ay ipinagbabawal:

1. Ang pakikipagtalik o anumang seksual na ugnayan.

2. Ang pag-aasawa o pakikipagkasunduan sa pag-aasawa.

3. Ang pagpatay sa mga hayop at pangangaso (hunting).

4. Ang alisin ang alinmang buhok sa anumang bahagi ng katawan nang walang legal na
kadahilanan.

5. Ang maglagay ng pabango (ang natitirang pabango sa katawan sa unang paglalagay nito
habang nagsusuot ng Ihraam ay pinahihintulutan).

6. Ang mag-alis o magputol ng kuko sa kamay at paa.

7. Ang magsuot ng damit na may tahi o kinulayan (ito ay ipinagbabawal sa lalaki lamang).

Ang paliligo, paggamit ng payong o anumang silungan, ay pinahihintulutan.

39
www.islamhouse.com

TALBEEYAH
Tinig ng Pagdakila sa Diyos

Ang sigaw ng bawa’t manlalakbay ay:

Labbayk, Allahumma Labbayk! Labbaykaa, laa shareeka laka labbayk. Inaal-hamda wan-
n’imata laka wal-mulk, laa shareeka lak (Narito ako, O Allah, narito ako! Wala Kang katambal;
narito ako! Ikaw lamang ang dapat pag-ukulan ng pagsamba at pasasalamat! Sa Iyo nagmumula
ang lahat ng Tulong, biyaya at pamamahala, at wala Kang katambal!).

Dito ay muling nagbibigay paalaala ang tunay na diwa ng pagsamba na unang ginawa ni Propeta
Abraham at Ismael.

TATLONG URI NG HAJJ

1. Hajj Tamattu’

Ito nauukol sa sinumang may layuning magsagawa muna ng 'Umrah bago isagawa ang Hajj.
Magsusuot siya ng Ihraam para sa 'Umrah, at aalisin niya ito kapag natapos na siya sa
pagsagawa ng ‘Umrah. Sa unang araw ng Hajj (ika-8 araw ng Thul-Hijjah) kanyang isusuot muli
ang kanyang Ihraam para sa pagsagawa niya ng Hajj. Sa ganitong uri ng Hajj, ang pag-aalay ng
isang tupa o ikapitong bahagi ng isang kamelyo o baka ay itinuturing bilang isang itinakdang
tungkulin sa Araw ng Pag-aalay ng hayop. Kung hindi maisasagawa ito, nararapat na mag-ayuno
ng sampung araw, ang tatlo sa mga ito ay sa panahon ng Hajj at ang nalalabing pito ay pag-uwi
sa sariling bayan.

2. Hajj Qiraan

Ang ganitong uri ng Hajj ay sa sinumang may dala-dalang hayop para sa pag-aalay. Isasagawa
niya ang mga ritwal ng ‘Umrah, subali’t mananatili siya sa Ihraam hanggang sa ika-8 ng Thul-
Hijjah (unang araw ng Hajj), at tutungo sa Mina upang isagawa ang ritwal ng Hajj sa Ihraam
ding yaon. Kinakailangan na kanyang ialay ang dala-dala niyang hayop.

3. Hajj Ifraad

Ito ay nangangahulugan ng pagsuot ng Ihraam para lamang sa pagsasagawa ng Hajj. Ito ay


walang kinakailangang pag-aalay ng hayop.

TAWAF AL QUDOOM
Unang Pagdating sa Makkah

Sa pagdating sa Ka'bah, ang isang nagsasagawa ng Hajj ay hinihinto ang pagsasabi ng


Talbeeyah. Siya ay magsasagawa Tawaaf sa Ka'bah. Ang Tawaaf ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Ka’bah ng pitong beses na nagsisimula sa gilid ng Batong Itim (Al
Hajar Al Aswad) at natatapos din dito. Ang pagsasagawa ng Tawaaf ay nangangailangan din na
ang isang Muslim ay nasa malinis na kalagayan (ibig sabihin naka-Wudoo). Ang Tawaaf ay

40
www.islamhouse.com

natatapos pagkaraan ng pagsasagawa ng dalawang Rak’ah sa likod ng Maqaam Ibraaheem


(kinatayuan ni Abraham). Pagkaraan, makabubuting uminom ng tubig mula sa bukal ng
Zamzam.

SA'I
Paglalakad sa Safa at Marwah

Ito ay isinasagawa bilang alaala kay Hajar na asawa ni Propeta Abraham, nang siya ay
naghahanap ng tubig upang painumin ang kanyang anak na si Ismael. Siya ay tumakbong
pabalik-balik sa magkabilang bundok ng Marwah at Safa. At sa pagpapala ng Allah, sumibol ang
isang bukal at si Ismael ay napainom ng kanyang Ina. Ang bukal na ito ay nananatili hanggang
sa kasalukuyan na tinatawag na Zamzam. Ang Sa'i ay sinisimulan mula sa Safa at nagtatapos sa
Marwah. May pitong ikot ang pagsasagawa ng Sa'i. Sa pagsasagawa ng Sa'i, nararapat na
luwalhatiin at purihin ang Allah at laging dumalangin ng kapatawaran at kasaganaan sa Kanya.

Pagkaraan ng Sa'i, matatapos ang ‘Umrah sa pamamagitan ng pag-ahit o paggupit ng buhok sa


ulo. Subali’t higit na mabuti kung ipagupit lamang ito upang sa Araw ng Pag-aalay ng hayop ay
may natitirang buhok para ahitin.

ANG PAGSASAGAWA NG HAJJ.

Ang ika-8 Araw ng Dhul Hijjah Simula ng Hajj

Sa ika-walong araw ng Dhul Hijja, ang mga magsasagawa ng Hajj (yaong hindi nakasuot ng
Ihraam) ay nararapat maligo at magsuot ng Ihraam na may Neeyah na magsagawa ng Hajj at
tumungo sa Mina bago magtanghali o kaagad pagkamakatanghali. Siya ay nararapat na
palagiang bumibigkas ng Talbeeyah. Sa Mina, ang mga magsasagawa ng Hajj ay nararapat mag-
alay doon ng limang beses na Salah; Thuhr, 'Asr (2 Rak’ah lamang bawa’t Salah) at Maghrib (3
Rak’ah) at Isha (2 Rak’ah lamang) at Fajr. Ang pagtungo sa Mina sa araw na ito at ang
pagpapalipas ng gabi rito ay isang Sunnah nguni’t hindi naman isang itinakdang tungkulin.
Makabubuting magtungo rito sapagka’t ito ay gawain ni Propeta Muhammad

Ang ika-9 Araw ng Dhul Hijja - Araw ng Arafah

Pagkaraan ng pagsikat ng araw, ang mga magsasagawa ng Hajj ay aalis mula sa Mina tungo sa
Arafah. Sa kanilang paglalakbay, sila ay patuloy na nagpapahayag ng Talbeeyah. Paglipas ng
tanghali, ang Imaam ay magbibigay ng Khutbah sa Masjid ng Namira para sa mga nagsasagawa
ng Hajj. Pagkaraan ng Sermon, ang mga pumupunta sa Hajj ay nagsasagawa ng kanilang
pinagsamang Salatul-Thuhr at Asr (tig-dalawang Rak’ah lamang). Ang araw ng Arafah ay isang
dakilang araw ng pagsamba, pagbibigay karangalan, pagdakila at luwalhati at pag-alaala sa
Allah. Sa malawak na kapatagan ng lupaing Arafah, ang mga luha ay tumutulo sa bawa’t
nagsasagawa ng Hajj. Ang mga kamalian at kasalanan ay pinagsisihan at mataimtim na
humihingi ng kapatawaran. Tunay ngang maligaya ang bawa’t Muslim na naroroon sapagka’t
sila ay umaasa sa awa at pagpapala ng Allah. Kaya, si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Ang
Hajj ay Arafah"

41
www.islamhouse.com

Ang isang nagsasagawa ng Hajj ay maaaring magdasal sa alinmang lugar sa Arafah. Hindi
kailangang magtungo pa siya sa Bundok ng Rahmah (Mount of Mercy).

Ang Gabi sa Muzdalifah

Sa paglubog na araw, ang mga nagsasagawa ng Hajj, ay naghahanda patungong Muzdalifah,


patuloy sa pagbigkas ng Talbeeyah. Sa pagdating sa Muzdalifah, ang unang dapat gawin ay ang
pagsasagawa ng magkasabay na Salatul Maghrib (3 Rak’ah) at Salatul Isha (2 Rak’ah). Ang
mga nagsasagawa ng Hajj ay nagpapalipas ng gabi dito at nagsasagawa ng Salatul Fajr. Hindi
kailangan na ang isang nagsasagawa ng Hajj ay pumasok sa Al Mash'ar Al Haram Masjid
sapagka’t ang lahat ng lugar ng Muzdalifah ay sakop ng ritwal na paghinto.

Ang 10th Araw ng Dhul Hijja - Araw ng ‘Eid

Bago sumikat ang araw, ang nagsasagawa ng Hajj ay lumilisan mula sa Muzdalifah tungo sa
Mina. Sa pagdating nila sa Mina, tinitigil ang pagbigkas ng Talbeeyah at siya ay naghahanda
para sa paghagis ng pitong bato nang sunud-sunod sa Jamrah Aqaba (ang huling haligi) at
nagsasabing "Allahu Akbar". Kapag ito ay naisagawa na, ang isang nagsasagawa ng Hajj ay
nararapat na mag-alay na kanyang hayop habang sinasambit niya ang "Bismillahi Allahu Akbar."
Makabubuting kumain mula sa inihandog na hayop, ipamigay ang ibang bahagi sa kawanggawa.
Pagkaraan nito, ang isang Hajji, ay inaahit ang ulo o kaya naman ay pinuputol ng maikli ang
buhok. Higit na makabubuti kung mag-ahit ng buhok sa ulo. Pagkatapos nito’y maaari na niyang
hubarin ang kanyang Ihraam. Ang isang babaeng Muslim ay nagpapaputol din ng buhok na ang
sukat ay mga isang pulgada ang haba. Pagkaraan nito, ang lahat ay maaaring gawin maliban sa
pagkikipagtalik sa asawa. Sunnah na maglagay ng pabango at pagkatapos nito ay magtungo sa
Makkah para sa pagsasagawa ng Tawaaf Al-Ifaadah.

Ang Tawaaf Al-Ifaadah

Ang pagsasagawa ng Tawaaf al-Ifaadah ay isang haligi ng Hajj at ang Hajj ay walang
kaganapan kung wala nito. Pagkaraan ng Tawaaf, dapat na magsagawa ng dalawang Rak’ah sa
likod ng Maqaam Ibraaheem. At tumungo sa Marwah at Safa upang magsagawa ng Sa'i.
Makabubuti na uminom sa bukal ng Zamzam pagkatapos ng pagsagawa ng Sa'i at pagkaraan ay
mag-alay ng dasal sa Allah. Ang mga bagay na ipinagbabawal (sa panahon ng pagsasagawa ng
Hajj) ay maaari ng gawin kasama na ang pakikipagtalik sa asawa.

Ang Pamamalagi sa Mina

Pagkatapos ng Tawaaf al-Ifaadah, ang isang Muslim ay bumabalik sa Mina, ginugugol ang
tatlong gabi rito (11, 12, 13 ng Dhul Hijja) at naghahagis ng pitong bato sa bawa’t tatlong
Jamrah ng magkakasunod na araw. Pagkaraan ng paghagis ng bato sa Jamrah, isang Sunnah na
dapat humarap sa Qiblah at magsabi ng "Allahu Akbar". Pagkaraan ng paghagis ng bato sa
ikatlong Jamrah, ang isang Muslim ay maaaring umalis kahit hindi nagdarasal. Ang
pamamaraang ito ay dapat sundin sa nalalabi pang dalawang araw.

42
www.islamhouse.com

Pagkatapos isagawa ang lahat ng paghagis ng bato, nararapat isagawa ang Tawaaf al-Widaa’
(Pamamaalam ng Tawaaf) bago lisanin ang Makkah.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa mga


sumusunod na tanggapan:

ISCAG-Philippines
Islamic Studies, Call & Guidance of the Philippines
Congressional Road, Salitran-1
Dasmarinas, Cavite
Philippines
Tel: (46) 416-3371
Fax: (46) 506-1451
ISCAG.COM

IL&IO
Islamic Library & Information Office
P.O. Main Box 52916
HL Commercial Building
Citicenter Subdivision
Angeles – Magalang Road
Pandan, Angeles City
Philippines C-2009
Tel: (45) 887-4577

AFIA, INC – PHILIPPINES


Al Furqan Islamic Association, Inc.
e-mail: info@afiainc.org
www.afiainc.org

This book is edited by TT&ESS


Tagalog Translation & Editing Support Services

43

You might also like