You are on page 1of 2

MARK: Sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa bansa, isa sa mga mahahalagang aspeto ng pag-aaral

ang kurikulum, partikular na ang kurikulum sa musika para sa mga mag-aaral sa elementarya. Ang pag-
aaral ng musika ay may malalim na implikasyon sa pag-unlad ng kabatiran at kasanayan ng bawat mag-
aaral.

MARK: Ating kapanayamin si [Bb. Trecia Joy Tegio], isang bihasang tagapagturo ng musika sa Tanza
Elemetary School, upang makakuha ng higit pang mga impormasyon sa mga nilalaman at pagiging
epektibo ng kurikulum.

MARK: Magandang araw po sainyo! bilang isang guro sa musika maraming mga bata na ang ang inyong
naturuan at nakasalamuha upang malinang ang kanilang kaalaman pag dating sa musika, Sa paanong
paraan nagbibigay-daan ang musika para mas mapalalim pa ang kaalaman at pag-unlad ng iyong mga
mag-aaral?

TRECIA: Bilang isang guro hinahayaan ko ang aking mga estudyante na maging aktibo pag dating sa
pagkanta. kung saan ang musika ang magbibigay-daan sa aking mga estudyante na sumali sa iba't-ibang
aktibidad, tulad ng pag-awit, pagtutugtog ng mga instrumento, Na siyang nakakatulong upang mailabas
nila ang kanilang talento. at magsilbi na din itong opotunidad para sila ay mag-eksperimento, magsanay,
maexpres ang kanilang nararamdaman at ideya gamit ang musika. Upang mahubog ang kanilang kaisipan
at damdamin sa musika.

MARK: bilang isang guro sa paanong paraan mo mapaparating sa iyong mga estudyante ang
pagkakaroon ng kamalayan at pagpapahalaga pag dating sa musika?

TRECIA: Sa pamamagitan ng tamang pagtuturo at pagpapakita ng halaga ng musika, Una sa lahat,


mahalaga na maipakita sa mga estudyante ang kasaysayan at kahulugan ng musika sa lipunan Dapat
nating ipakita kung paano ito nagsilbing ekspresyon ng damdamin. Pangalawa maipakita sa mga
estudyante ang iba't ibang uri ng musika. Tulad ng pagkakaiba-iba ng mga tunog, estilo, at instrumento sa
iba't ibang kultura. Sa pamamagitan nito, maaaring maengganyo ang mga estudyante na maging bukas sa
pagsusuri at pagtangkilik sa iba't ibang genre ng musika. Pangatlo mahalaga na may aktibong
partisipasyon ang bawat estudyante sa paggawa at pag-awit ng musika. At tandaan ang pagtuturo ng
musika ay isang mahabang proseso ng paglalakbay na nangangailangan ng pasensya, dedikasyon, at
pagtanggap sa bawat estudyante.

MARK: Bakit mahalaga na maintindihan at maunawaan ng mga mag-aaral ang musika?

TRECIA: Sa pamamagitan ng musika dito naipapahayag nila ang knailang sarili, mga emosyon, at mga
ideya nang hindi kinakailangan magsalita. Sa pag-aaral ng musika, natututunan ng mga mag-aaral ang
iba't ibang uri ng musika, kasaysayan nito, Ito ay nagdadala ng pagunawa sa pagkakaiba-iba ng tao at
lipunan sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang musika rin ay may positibong epekto sa emosyonal na
aspeto ng bawat indibidwal. Ito ay may kakayahang magdulot ng saya, lungkot, inspirasyon, at iba pang
emosyon. Sa pag-aaral ng musika, natututunan ng mga mag-aaral kung paano ito magdulot ng
magandang epekto sa kanilang kalooban at pakiramdam.

MARK: Tandaan na sa modernong panahon kasama na natin ang teknolohiya kung saan mas maraming
oportunidad para mapakalat ang mga likhang musika sa mas maraming tao. Sapagkat bawat sulok ng
mundo, may isang bagay na nagdudugtong sa atin — ito ang musika.

MARK: Maraming Salamat (Bb. Trecia Joy) sa iyong mga ibinahagi. Tunay ngang napakahalaga ang
papel ng musika sa edukasyon at sa buhay ng mga mag-aaral. ito ay hindi lamang isang simpleng
aktibidad, ito ay isang daan tungo sa mas malalim na pag-unawa sa kultura, pagpapahalaga sa
kahalagahan ng komunidad, at pagsulong ng kabatiran.
MARK: Muli ako po si MARK JOSEPH REYES nagbabalita para sainyo, Maraming salamat sa
pagtutok. Balik tayo sa studio.

You might also like