You are on page 1of 32

Add more pictures/ videos / pictures used in Brigada

Eskwela
• Magandang umaga , mga kasining. Naririto tayo ngayon sa
Vinzons Pilot High School , isang premyadong pampublikong
eskwelahan sa sekondarya na matatapuan sa bayan ng Vinzons,
Camarines Norte .

VIDEO OF
❖Ang Vinzons Pilot High School o VPHS ay may mahigit 3,000
STUDENTS
mag-aaral mula Junior HS hanggang Senior High School . Ang
ENTERING
mga estudyante ay kabilang sa tatlong Curricula , ang
THE
❖ SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS CAMPUS
❖SCIENCE TECHNOLOGY ENGINEERING & MATHEMATICS

❖BASIC EDUCATION CURRICULUM


Ngayong araw ay tampok natin ang
VINZONS PILOT HIGH
Special Program in the Arts ng Vinzons Pilot SCHOOL
High School . Nagsimula noong 2008, ang SPECIAL PROGRAM
Vinzons Pilot High School ang kauna-unahang
paaralan sa Dibisyon ng Camarines Norte na IN THE ARTS
nagkaroon ng ganitong programa.Ngayon ang
VPHS-SPA ay nasa ika-13 taon na ng
implementasyon at patuloy ang pagtamo ng
mga karangalan sa larangan ng sining.
• Ang Special Program in the
Arts ay pambuong bansang
programa para sa mga
kabatan na may kakayahan
o talento sa sining tulad ng
musika, pagpipinta , pag-
arte, malikhaing pagsulat,
media arts at pagsayaw
• Isa-isang ipapakita ang
bawat kinatawan sa iba’t
ibang disiplina habang
nakaupo/ nakatayo sa
platform .Nakasuot sila
ng school uniform at
hawak nila ang kanilang
mga instrumento/ gamit
sa kanilang disiplinang
kinabibilangan
• (freeze)
• Ako si Eumari H. Francisco Grade 10 student ng SPA DANCE -Nag-enrol ako sa SPA
Dance upang mas matuklasan pa ang aking sarili lalo na ang aking talento at kasanayan
sa pagsayaw at kung paano ko ito higit na mapagbubuti.
• Sumasayaw ako mula noong ako ay isang mag-aaral sa elementarya at interesado akong
malaman ang higit pa tungkol sa aking pagkahilig sa pagsasayaw at pagpapalakas / DANCE
pagpapabuti ng aking kumpiyansa.
• -Bilang isang mag-aaral ng SPA Dance, nabibigyan ako ng pribilehiyo na makakuha ng
wastong kaalaman tungkol sa aking napiling disiplina. Nakakatulong ito sa aming mag-
aaral upang mapagbuti ang aming mga kasanayan at maipahayag ang aming sarili,ang
aming emosyon at aming pagkamalikhain.
• Para sa akin ang pagsasayaw ay isang daan upang makapagalis ng stress at ito ay isa na
ring libangan upang makatulong sa ating kalusugan.
• Ang pagsasayaw ay isang paggalaw ng katawan kung saan nagkukwento tayo,
nagpapahayag ng damdamin at bumubuo ng mga koneksyon sa pamamagitan ng ating
katawan
• Bago ang pandemic kaming mag-aaral sa DANCE ay nabigyan ng maraming
pagkakataon upang matuto at mag sanay nang husto sa pagsasayaw dahil sa iba't ibang
mga kasanayan na ibinigay sa amin ng aming gurong dalubhasa sa larangan ng sining.
• . Nabigyan din kami ng mga pribilehiyo upang kumatawan sa aming paaralan sa
munisipal at panrehiyong patimpalak. Ganoon din ang pagbibigay ng mga intermission
number at paglahok sa taunang pagdiriwang.
• -Kyla Martien B. De Leon - Baitang 10 –
• Ako'y pumasok sa SPA music upang linangin ang aking
talento sa pagkanta, magkaron ng karagdagang kaalaman MUSIC
at maibahagi ang aking kakayahan sa lahat ng tao. -Bilang
isang mag-aaral ng musika, ang kahalagahan ng art-based
education ay linangin ang talento ng bawat kabataang
pilipino at matulungang maipahayag ang kanilang sarli at
magkaroon ng malikhaing pag-iisip, maipatupad ang
kritikal na pag-iisip at mabuo ang tiwala sa sarili.
• Ang musika ang nagpapahayag o nagpapakita ng
damdamin. – Madalas akong lumalahok sa ibat-ibang
patimpalak sa pagkanta at kumakanta sa entablado
kasama ang ibang kapwa-estudyante.
•Ako si – . Mag aaral sa mula sa ika sampung baitang. Ang specialization
ko ay theater. Pumasok ako sa SPA THEATER ARTS dahil ako ay
naimpluwensyahan ng mga artistang aking napanood sa mga telebisyon.
THEATE
Ako’y nahusayan sakanilang pag arte kaya nais kong maging tulad nila. R ARTS
Saaking napiling specialization, maaari nila akong matulungan upang
matutunan ko ang pag arte.
•Ang importansya ng art-based education ay nakatutulong ito upang
matuto ang mga estudyante na ipahayag ang kanilang saloobin sa
pamamagitan ng sining. Ang Theater arts para sakin, ay isang samahan
kung saan pinalalago ang angking talento sa pag arte ng mga mag aaral.
•Noong wala pang pandemya, kami ay pinapagawa ng mga iskrip at
matapos ang isang oras, gaganap kami bilang isang karakter mula sa
aming ginawang iskrip. Kami din ay nag aaral ng wastong emosyon sa
mukha. Amin ding ineehersisyo ang aming mukha.
• Ako po si Krizelle Buenvenida, ako ay nasa ika sampung antas at ako ay isang mag-aaral ng Sining
Biswal.
• Nag-enrol ako sa Sining biswal, dahil simula nung ako’y bata pa ay mahilig na talaga ako gumuhit at
mag kulay. Isa rin sa mga dahilan ay ang impluwensya ng aking nakatatandang kapatid na dati ring
mag-aaral ng sining biswal. VISUA
• Mahalaga ang edukasyon na nakabatay sa sining sapagkat nakakatulong ito sa atin na mahanap at
mahasa ang ating mga kasanayan.
L ARTS
• Mahalaga ang sining sa ating buhay sapagkat nakakatulong ito sa atin upang makipag-ugnayan at
kumonekta sa bawat isa.
• Kinokonekta tayo ng sining sa ating kultura at sa iba't ibang tao. Tinutulungan tayo nitong ipahayag
ang ating emosyon, ang ating damdamin sa isang malikhaing paraan.
• Para sa akin, ang Sining Biswal ay mga uri ng sining na nagbibigay sa atin ng kakayahan na
makipag-usap sa iba sa pamamagitan ng biswal na representasyon.
• Sa pagtingin sa isang obra, sa isang sining, makikita ng mga tao ang mga prinsipyo at elemento nito at
mabibigyan nila ng kahulugan ang obra o sining na iyon gamit ang kanilang puso, hindi lamang nila
makikita ngunit mararamdaman din nila ang mga emosyon, kaligayahan man o kalungkutan, pag-ibig
o poot, makikita nila ito sa kanilang mga mata at makakakonekta ito sa kanilang puso.
• Nakatutuwa na makasali saSining biswal, maraming mga bagay ang ginagawa namin. Mula sa
pagguhit ng mga bagay hanggang sa pagguhit ng mga mukha. Pagpipinta ng mga bagay sa paligid sa
pagpipinta ng magagandang mga tanawin. Tahimik kapag kami’y gumuguhit o nagpipinta at
napakapayapa at masaya.
• Marc Jiro Grande-Ika siyam na baiting
• Ako'y pumasok bilang isang media arts student upang mapahusay
kopa ang angking talento at maibahagi kosa ibang tao ang ganda MEDIA
at talento nang isang sining multimedya. ARTS
• Bilang isang mag aaral ang importansya ng art based education ay
mapataas ang kompiyansa pang sarili ng bawat isa at maplawak
ang pakikipag kominikasyon sa ibang tao at ang kahalagahn ng
paturo ng akademiko ay kasing halaga ng pagturo ng sining.
• Ang media arts o camera nagsisilbing instrumento upang
makunan ang bawat memory sa iyong buhay at magagandang
tanawin sa araw araw na pamumuhay.
• gumagawa kami ng maikling film at sumasali sa mga
kompetisyon at dumarayo sa ibang lugar upang makilahok sa mga
kompetisyon.
•Magandang Umaga/ Hapon sainyo. Carla Jean D. Juego ang aking ngalan, nasa ika-
sampung baitang mula sa disiplina ng malikhang pagsulat. Pumasok ako sa SPA –
MALIKHANG PAGSULAT dahil elementarya palang ay hilig ko na ang mag basa ng mga CREATIVE
istorya, komiks, balita, sanaysay at panonood ng dokyumentaryo. Naisip kong
maaaring maging tulay ang aking pagpasok sa SPA upang ako naman ang sumulat ng
WRITING
mga ito at gamitin ang aking mga natutunan sa pag babasa at panonood sa pag sulat
ng iba’t ibang uri ng sulatin.
• Ang importansya nito ay maaaring dumagdag ang kumpyansa sa sarili ng mga
estudyante. Nakatutulong rin ito upang ma diskubre nila ang kani-kanilang mga
talento. Pamilya – Itinuturing kong pangatlong tahanan ang discipline na ito, dahil
marami akong nalalaman at natututunan na maaring makatulong saakin. Matututo
kang makihalubilo sa mga kapwa mo kabataan na mahilig din sa pagsusulat.
•Tinuturuan kami ng wastong paraan ng pag sulat. Mga bantas, gramatiko at mga
nararapat na salita. Malaya kaming nakakapag bahagi at nag papalitan ng aming mga
ideya. Pinapalawak ng disiplinang ito ang aming mga imahinasyon at bokabularyo.
• 
• Ano naman ang pananaw ng Special Program in the Arts o SPA? Ang pananaw ng SPA Curriculum ay
ang makatagpo ng isang mahusay na alagad ng sining na may pagmamalasakit sa sining mismo at may
bagong ispiritualidad tungo sa pag preserba ng ating kultura at pamana.
• Ang unang layunin nito ay mapaunlad ang kakayahan ng mga estudyante na may angking galling sa
musika pagpipinta, sining sa pag-arte, malikhaing pagsulat, media arts at pagsayaw
• Pangalawa, ay mapunlad ang kakayahan ng mga estudynate na mapahayag ang kanilang ideya at
nararamdaman sa pamamagitan ng kanilang napiling uri ng sining
• Pangatlong layunin ay mapaunlad ang kanilang pagmamahal sa ating bayan sa pamamagitan ng
malalim na pagpapahalaga sa ating kultura at sining
• Pang apat na layunin ay mapaunlad ang kabatiran at pangunawang makasining
• At panghuli , ay mapaunlad ang pangkalahatang kakayahan at paguugali ang gawi ng puso at diwa na
kailangang ihanda ng isang estudyante para sa landasin ng buhay at makapagtrabaho sa isang
makabagong mundo dala syempre ang kakayahan at malalim na pang-unawa sa sining anuman ang
mapiling karera o kurso
• Habang ipinapliwanag kung ano ang SPA at
ang mga layunin nito. Ipapakita ang mga PICTURE
larawan ng mga estudyante na nag-aaral ng
disiplina sa loob ng classroom . Ipapakita rin PARADE FROM
ang mga larawan / video ng mga sinalihang
contests at events
2008- PRESENT
• Isang pagpupugay at pagsaludo sa mga alagad ng sining.
• Bilang punong guro ng Vinzons Pilot High School, isang karangalan ang pagkakaroon
ng Special Program in the Arts dito sa aming paaralan. Ang pagkakaroon ng ganitong
programa sa VPHS ay patunay lamang na binibigyang halaga ng aming institusyon na
mapaunlad ang kakayahan ng mga estudyante hindi lamang sa larangn ng agham at
matematika , kundi maging sa larangn ng sining , Sa pamamagitan ng SPA , patuloy na
napagyayabong ng mga mag-aaral ang kanilang angking galling sa musika pagpipinta,
sining sa pag-arte, malikhaing pagsulat, media arts at pagsayaw. Batid ko ang
pagsusumikap ng mga guro at estudyante na maging mahusay sa kanilang napiling
larangan at buo ang aking suporta sa kanilang adhikain. Ipinapadala namin ang mga SPA MESSAGE
Teachers sa mga “ Trainings” tulad ng Sanay Guro upang mas lalo pa nilang mahasa ang FROM
kanilang kakayahan sa pagtuturo ng iba’t ibang disiplina . Ganun din, ang mga estudyante
ay patuloy ang paglahok sa iba’t ibang patimpalak at nagkamit na rin ng mga gantimpala, MA’AM
hindi lang sa Division ng Camarines Norte kundi maging sa regional at national level. PRINCIPAL
Tunay na maipagmamalaki ang kanilang talento at ang kanilang mga likha o obra ay
nakakapagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa mga tao. Ngayon kahit sa gitna ng
pandemya, ay patuloy pa rin ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagtan ng online
classes at pagbibigay ng mga modules o learning activity sheets .Sa makabagong paraan ay
patuloy pa ring naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang talento .Maging virtual man
ang kanilang pagtatanghal at malayo sa entabladong nakasanayan.Sa husay nila, tiyak ko
na patuloy pa rin silang papalakpakan at hahangaan.
• Pagkatuto ng sining at kultura sa panahon ng
pandemya
• Ngayong nasa gitna tayo ng pandemya, paano ang
proseso ng inyong pagkatuto? Anu- ano ang mga
naging pagbabago sa paraan at istilo ng inyong pag-
aaral? Paano ito nakaapekto sa inyo bilang SPA
student? NEWS CLIP
• (Ipapakita ang news clip tungkol sa Lockdown at
pagpapatupad ng distance learning .)
ABOUT
• Ipapakita ang pagsususot ng mga bata ng facemasks
at nakasuot na lang sila ng damit pambahay.
PANDEMYA
• Ipapakita rin ang pagsagot nila ng modules at pag
attend sa online classes.
HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?V=O8PITDL-KPS
20 MINUTE- PRESENTATION ABOUT ELECTION
“EXCERPT FR. SILYA”
• https://www.youtube.com/watch?v=YrXJeBklsWE
• https://www.youtube.com/watch?v=O8PItDL-kPs
• https://www.youtube.com/watch?v=W9mtif5zH8M
• https://www.youtube.com/watch?v=mvdtsZrVN2Y&t=199s

You might also like