You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY

I. Layunin

1. Naipakikilala sarili
2. Naisasakilos ang sarili sa pamagitan ng kanta,sayaw o sining
3. Nasisiyahan na naipakikilala ang kanyang sarili

II. Psychosocial Support for Leraners


I AM/ AKO
Nakikilala ang sarili
Naipapahayag ang damdamin
Mga kagamitan sa sining,awit at tugtuging pansayaw

III. A.
1.Simulan ang pag-awit o panalangin na angkop sa mga bata
2. Ipakilala ng guro ang kanyang sarili sa pmamagitan ng masayang pananalita at kilos
3.Iparamdam/ Sabihin ng guro na masaya siya na nakita at naksaama na ang mga bata sa silid –
aralan at ligtas sila sa paaralan

Laro
Sa pamamagitan ng laro kilalanin ang mga bata ayon sa kanilang mga paboritong
pagkain,laruan,kulay,pinapanood at iba pa sapamamagitan ng pagpalakpak,pagpadyak ,pagtawa
o pagtayo o pagtalon.Hayaan ang mga bata na ipakilala ang kanilang sarili .

Magpakita ng isang video ng mga ilang bata na nagpapakilala kung sino sila
.Pag-usapan ang mga batang pinanood.

Hikayatin ang mga bata na ipakilala kung sino sila at kung ano ang nararamdaman nila.

Gabayan ng guro na ipahayag ang kanyang damdamin at magsabi ng ilang bagay na


pagkikilanlan sa kanya.

Pag-usapan ang mga bagay na ipinahayg ng mga bata.

May mga bata na magkakatulad at magkakaiba ng gusto

May mga bata na magkakaiba ng damdamin

Pag-usapan na magkakaiba man ang bawat isa sa paaralan,Tayo ay LIGTAS na kasama ang mga
kaklase at guro sa paaralan

Malayang Pagguhit
Ipaguhit sa mga bata ang kanilang nararandaman sa anumang paraan . Ipakita sa mga kaklase
ang kanilang gawa.Lahat ng gawa ng bata ay bigyang pansin.Itanong sa bata ang ibig sabihin ng
kanyang iginuhit.

IV. PAkantahin /pasayawin/ipanood ang mga bata ng,KUNG IKAW AY MASAYA


PUMALAKPAK KA

You might also like